2016-12-15

Ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-Tao at ang mga Taong Ginamit ng Diyos


Sa maraming taon ang Espiritu ng Diyos ay masusing gumagawa sa lupa. Sa paglipas ng panahon, gumamit ang Diyos ng maraming tao upang isagawa ang Kanyang gawain. Ngunit ang Espiritu ng Diyos ay wala pa ring angkop na lugar na mapagpapahingahan. Kaya't kumilos ang Diyos sa iba't-ibang tao sa pagsasagawa ng gawain Niya at Siya ay gumamit ng mga tao upang isagawa ito. Iyon ay dahil, sa loob ng maraming taon, hindi huminto ang gawain ng Diyos. Nagpatuloy itong sumulong sa pamamagitan ng mga tao, hanggang sa kasalukuyan. Kahit na marami na ang sinabi at ginawa ng Diyos, hindi pa rin kilala ng tao ang Diyos, dahil hindi kailanman nagpakita ang Diyos sa tao, at Siya ay walang anyo. Kaya kailangang tuparin ng Diyos ang gawaing ito--ang pagpapahayag sa lahat ng tao ng tunay na kahalagahan ng tunay na Diyos. Sa hangaring ito, dapat ipakita ng Diyos ang Kanyang Espiritu, tunay at nahahawakan, sa mga tao at kumilos sa kanilang kalagitnaan. Tanging kapag nagkaanyo ang Espiritu ng Diyos, at nagkaroon ng laman at mga buto, at nakikitang lumakad sa gitna ng mga tao, sinasamahan sila sa kanilang mga buhay, minsan ay nagpapakita at minsan ay nagkukubli, ang mga tao ay mas mauunawaan Siya. Kapag nanatili sa laman ang Diyos, hindi Niya lubos na matatapos ang Kanyang gawain. Pagkatapos gumawa sa laman ng ilang panahon, isinasagawa ang ministeryo na kailangang gawin sa laman, dapat lisanin ng Diyos ang laman at gumawa sa espirituwal na lupain sa anyo ng laman katulad ng ginawa ni Hesus matapos gumawa sa isang panahon sa karaniwang pagkatao at kinukumpleto ang lahat ng gawaing kailangang tapusin. Maaaring naaalala ninyo ito mula Sa Daan ... (5): "Naaalala ko ang Aking Ama na sinasabi sa Akin, 'Sa lupa, isagawa mo lamang ang Aking kalooban at tapusin ang Aking atas. 
Wala Ka nang ibang aalalahanin.'" Ano ang nakikita ninyo sa sa mga siping ito? Nang ang Diyos ay pumarito sa lupa, ginawa Niya lamang ang gawain ng pagka-Diyos. Ito ang bilin ng maluwalhating Espiritu sa Diyos na nagkatawang-tao. Siya ay pumarito lamang upang pumunta sa lahat ng dako at mangusap, upang ihayag ang Kanyang tinig sa iba't-ibang paraan at mula sa iba't-ibang pananaw. Ang Kanyang pangunahing layunin at simulain sa paggawa ay ang tustusan ang tao at turuan sila. Hindi Niya inaalala ang mga bagay na katulad ng magkaakibat na panaong relasyon o ang mga salaysayin sa buhay ng tao. Ang Kanyang pangunahing ministeryo ay ang mangusap para sa Espiritu. Nang nagpakita sa laman ang Espiritu ng Diyos, nagbigay lamang siya para sa buhay ng tao at inihayag ang katotohanan. Hindi Siya nakikialam sa mga suliranin ng tao, iyon ay, hindi siya nakikisali sa gawain ng pagkatao. Hindi maaaring gumawa ang tao ng maka-Diyos na gawain, at hindi nakikisali ang Diyos sa gawain ng tao. Sa loob ng ilang taongumawa ang Diyos sa lupa, gumamit Siya ng mga tao upang isagawa ang mga gawain Niya. Ngunit ang mga taong ito ay hindi maituturing na Diyos na nagkatawang-tao; maituturing lamang silang mga taong ginamit ng Diyos. Ngunit ang Diyos ng ngayon ay maaaring tuwirang mangusap mula sa pananaw na pagka-Diyos, isugo ang tinig ng Espiritu, at gumawa sa ngalan ng Espiritu. Ang lahat ng mga tao na ginamit ng Diyos sa paglipas ng panahon ay nagtataglay din ng Espiritu ng Diyos sa kanilang mga katawan, ngunit bakit hindi sila maaaring tawaging Diyos? Ang Diyos ngayon ay Espiritu ng Diyos na tuwirang gumagawa sa laman, si Hesus rin ay Espiritu ng Diyos na gumagawa sa laman. Ang panghuling dalawangito at tinatawag na Diyos. Kaya't ano ang pagkakaiba? Sa loob ng panahon, ang mga taong ginamit ng Diyos ay may mga karaniwang pag-iisip at katuwiran. Alam nilang lahat kung paano kumilos at pangasiwaan ang mga pangyayari sa buhay. Nagtataglay sila ng payak na kaisipan at mga karaniwang bagay na nararapat mayroon ang mga tao. Ang karamihan sa kanila ay mayroong mga bukod-tanging kakayahan at likas na talino. Sa paggawa sa pamamagitan ng mga taong ito, ginagamitng Espiritu ng Diyos ang mga kakayahan nila, na ibinigay ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ang kumikilos upang gumana ang mga kakayahan nila, at ginagamit ang kanilang lakas upang maglingkod sa Diyos. Ngunit, ang katangian ng Diyos ay malaya mula sa kaisipan at malaya mula sa diwa. Hindi nito isinasama ang mga kuro-kuro ng tao at mayroong kakulangan sa kung ano angkaraniwang tinataglay ng tao. Iyon ay dahil, hindi nauunawaan ng Diyos ang mga simulain ng pag-uugali ng tao. Ito ang mangyayari kapag ang Diyos ngayon aybumaba sa lupa. Siya ay gumagawa at nangungusap na hindi isinasama ang mga makataong palagay at makataong kaisipan, ngunit tuwirang inihahayag ang orihinal na kahulugan ng Espiritu at tuwirang gumagawa sa ngalan ng Diyos. Ito ay nangangahulugang ang Espiritu ay lumalabas upang gumawa, na hindi rin nagsasama ng kahit na kaunting pag-iisip ng tao. Iyon ay, ang Diyos na nagkatawang-tao na kumakatawan sa tuwirang pagka-Diyos, ay walang kaisipinag pantao o ideolohiya, walang pagkakaunawa sa mga simulain ng pag-uugali ng tao. Kung mayroon lamang pagka-Diyos na gawain (nangangahulugan na kung ang Diyos lamang ang nagsasagawa ng gawain), ang gawain ng Diyos ay hindi maisasagawa sa lupa. Kaya kapag pumarito sa lupa ang Diyos, kailangan Niyang magkaroon ng ilang tao na magagamit Niya upang gumawa sa sangkatauhan na kaugnay sa Kanyang gawain sa pagka-Diyos. Sa ibang salita, gumagamit Siya ng mga gawain ng tao upang alalayan ang Kanyang pagka-Diyos na gawain. Kung hindi, ang tao ay mahihirapang tuwirang makisama sa gawaing pagka-Diyos. Ganito ang nangyari kay Hesus at sa Kanyang mga alagad. Sa panahon ng Kanyang buhay, binuwag ni Hesus ang mga lumang kautusan at nagtatag ng mga bago. Siya rin ay madalas na nangusap. Ang lahat ng ito ay ginawa sa pagka-Diyos. Ang ilan, katulad nina Pedro, Pablo at Juan, lahat sila ay nanalig sa mga salita ng Diyos bilang kanilang saligan. Iyon ay dahil, nagsasagawa ang Diyos sa panahong iyo ng gawain sa paglulunsad, at inihahatid ang Panahon ng Kagandahang-loob. Nagdala Siya ng bagong panahon at binuwag ang luma, at tinupad ang mga salitang "Ang Diyos ang Simula at ang Katapusan". Sa madaling salita, dapat magsagawa ang tao ng gawain ng tao bilang saligan sa pagka-Diyos na gawain. Matapos sabihin ng Diyos ang mga nais Niyang sabihin at tinapos ang Kanyang gawain sa lupa, iniwan Niya ang tao. At ang mga tao ay gumawa ayon sa simulainng Kanyang mga salita at gumawa ayon sa mga katotohanang sinabi Niya. Ang lahat ng mga taong ito ay gumagawa para kay Hesus. Kung si Hesus lamang ang nagsasagawa ng mga gawain, kahit gaano karaming ulit Siya mangusap, hindi pa rin mauunawaan ng mga tao ang mga salita Niya, dahil Siya ay gumagawa sa pagka-Diyos at maaari lamang mangusap nang maka-Diyos. Mahirap para sa Kanya ang magpaliwanag ng mga bagay na maiintindihan ng mga karaniwang tao. Kaya't kinailangan Niya ang mga apostol at mga propetang sumunod sa Kanya upang punan ang gawain Niya. Ito angsimulain kung paano gumawa ang Diyos na nagkatawang-tao--ginagamit ang katawang-tao upang mangusap at kumilos upang matapos ang gawaing pagka-Diyos, at ginagamit ang ilan pang mga tao na sumusunod sa puso ng Diyos na punan ang mga gawain ng Diyos. Gumagamit ang Diyos ng mga tao na nagawang sumunod sa Kanyang puso upang patnubayan ang sangkatauhan nang sa gayon ay makatanggap ng katotohanan ang lahat ng tao.

Kung nagkatawang-tao lamang ang Diyos at isinagawa ang mga gawain ng pagka-Diyos na walang karagdagang mga tao na tumutulong sa Kanya, hindi mauunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos at hindi makakaharap ang Diyos. Kailangan Niyang gumamit ng mga karaniwang tao na nakasunod sa Kanyang puso upang tuparin ang gawain Niya, upang patnubayan at alagaan ang mga simbahan, nang sa gayon ay maguni-guni ng pag-iisip ng tao ang gawain ng Diyos. Sa ibang salita, gumagamit ang Diyos ng ilang tao na nakasunod sa puso Niya upang "isalin" ang gawain Niya ng pagka-Diyos, upang ito ay ihayag, upang isalin ang maka-Diyos na salita sa maka-taong salita, nang sa gayon ay maunawaan ito ng mga tao. Kapag hindi ito ginawa ng Diyos, walang makauunawa sa maka-Diyos na salita ng Diyos, dahil kakaunti lamang ang mga tao na nakasunod sa puso ng Diyos, at mahina ang pang-unawa ng mga tao. Iyon ang dahilan kung bakit pinili ng Diyos ang paraang ito sa paggawa habang nasa katawang-tao. Kung ang mayroon lamang ay ang gawain ng pagka-Diyos, hindi makikilala ng tao o makakaharap ang Diyos dahil hindi nauunawaan ng tao ang pananalita ng Diyos. Mauunawaan lamang ng tao ang pananalitang ito sa pamamagitan ng mga taong malalapit sa puso ng Diyos upang linawin sa kanila ang Kanyang mga salita. Ngunit, kung mayroon lamang ganoong mga tao na gumagawa sa sangkatauhan, mapapanatili lamang nito ang karaniwang buhay ng tao; at hindi mababago ang kanyang katangian. Ang gawain ng Diyos ay hindi makapagsisimula; magkakaroon lamang ng mga lumang awitin, na may karaniwang bukambibig. Sa pamamagitan lamang ng Diyos na nagkatawang-tao nasasabi ang mga dapat sabihin at gumagawa ng mga nararapat isagawa, at ang mga taong gumagawa at nakararanas ayon sa Kanyang mga salita, sa pamamagitan lamang ng mga ito mababago ang katangian ng kanilang buhay at makakayang umagos kasabay ng panahon. Ang siyang gumagawa sa pagka-Diyos ay kumakatawan sa Diyos, samantalanag ang mga gumagawa sa sangkatauhan ay ang mga taong ginamit ng Diyos. Iyon ay dahil, ang Diyos na nagkatawang-tao ay lubos na iba sa mga taong ginamit ng Diyos. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay maaaring isagawa ang gawain ng pagka-Diyos, ngunit ang mga taong ginamit ng Diyos ay hindi. Sa simula ng bawat panahon, ang Espiritu ng Diyos ay nangungusap mismo sa Kanyang katauhan upang ilunsad ang bagong panahon at bigyan ang tao ng panibagong simula. Kapag natapos Niya ang Kanyang pangungusap, ito ay tanda na ang gawaing pagka-Diyos ng Diyos ay natupad na. Pagkatapos noon, susunod ang mga tao sa pangunguna ng mga taong ginamit ng Diyos upang makapasok sa karanasan ng buhay. Sa yugtong ito, isasama ng Diyos ang tao papunta sa bagong panahon at bibigyan ang lahat ng bagong simula. At matatapos ang gawain ng Diyos sa laman.
Pumarito ang Diyos sa lupa hindi upang gawing sakdal ang Kanyang karaniwang sangkatauhan. Hindi Siya pumarito upang isagawa ang gawain ng karaniwang sangkatauhan, ngunit ang isagawa lamang ang gawaing pagka-Diyos sa mga payak na sangkatauhan. Ang itinuturing na karaniwang sangkatauhan ng Diyos ay hindi ang naiisip ng tao. Binibigyang kahulugan ng tao ang "karaniwang sangkatauhan" bilang pagkakaroon ng asawa, mga anak. Para sa tao, ang mga bagay na ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay karaniwang tao. Ngunit hindi ganito ang pagtingin ng Diyos. Nakikita Niya ang karaniwang sangkatauhan na nagtataglay ng karaniwang pag-iisip at buhay, at isinilang mula sa mga karaniwang tao. Ngunit ang Kaniyang pagiging karaniwan ay hindi kabilang sa pagkakaroon ng asawa at mga anak na katulad ng iniisip ng tao. Iyon ay dahil para sa tao, ang karaniwang sangkatauhan na tinutukoy ng Diyos ay ang iniisip ng tao na kawalan ng pagkatao, hindi nagtataglay ng pakiramdam at tila walang pangangailangan ng laman, katulad ni Hesus, na taglay lamang ang panlabas na anyo ng karaniwang tao, ngunit sa kabuuan, Siya ay hindi lubos na nagtataglay ng kung ano ang taglay ng karaniwang tao. Mula rito ay makikita natin na ang diwa ng Diyos na nagkatawang-tao ay hindi pumapaligid sa kabuuan ng karaniwang sangkatauhan, sa halip ay bahagi lamang ng mga bagay na dapat taglayin ng tao, upang matustusan ang mga alituntunin ng karaniwang pamumuhay ng tao at ang kaniyang karaniwang talino. Ngunit ang mga bagay na ito ay walang kinalaman sa itinuturing ng tao na karaniwang pagkatao. Ang mga ito ang dapat taglayin ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang ibang tao ay nagsasabi, gayunman, na ang Diyos na nagkatawang-tao ay maaaring magtaglay ng karaniwang pagkatao kung Siya ay mayroong asawa, mga anak, isang pamilya. Kung wala ang mgabagay na ito, Siya ay hindi karaniwang tao. Tatanungin ko kayo, mayroon bang asawa ang Diyos? Maaari bang magkaroon ng asawa ang Diyos? Maaaring bang magkaroon ng mga anak ang Diyos? Hindi ba't ang lahat ng ito ay puro kamalian? Subalit, ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi maaaring pumuslit sa mga siwang ng bato o bumagsak mula sa langit. Maaari lamang Siyang maisilang sa isang karaniwang pamilya. Iyon ang dahilan kung bakit Siya ay mayroong mga magulang at mga kapatid. Ito ang mga bagay na dapat taglayin ng Diyos na nagkatawang-tao. Ito ang kalagayan ni Hesus. Mayroong Siyang ama at ina, mga kapatid. Ang lahat ng ito ay karaniwan. Ngunit kung Siya ay mayroong asawa at mga anak, hindi Siya magiging karaniwang tao na ninanais ng Diyos para sa Diyos na nagkatawang-tao. Kung gayon, hindi Niya maaaring katawanin ang pagka-Diyos sa Kanyang gawain. Ito ay dahil wala Siyang asawa o mga anak ngunit isinilang mula sa karaniwang tao sa karaniwang pamilya na Siya ay may kakayahang isagawa ang gawain ng pagka-Diyos. Upang linawin, ang itinuturing na karaniwang tao ng Diyos ay ang isinilang mula sa karaniwang pamilya. Ang ganoong tao lamang ang angkop na isagawa ang gawain ng pagka-Diyos. Kung, sa isang banda, ang tao ay mayroong asawa at mga anak, ang taong iyon ay hindi maaaring isagawa ang gawain ng pagka-Diyos dahil ang taglay lamang niya ay ang karaniwang pagkatao na kailangan ng tao at hindi ang karaniwang pagkatao na kinakailangan ng Diyos. Ang pag-iisip ng Diyos at ang pag-unawa ng mga tao ay madalas na malayo ang pinagkaiba. Ang karamihan sa yugto na ito ng gawain ng Diyos ay malaking-malaki ang pinagkaiba sa paniniwala ng tao. Ang isa ay maaaring magsabi na ang yugtong ito ng gawain ng Diyos ay isinagawa lahat ng pagka-Diyos, at umaalalay lamang ang sangkatauhan. Dahil pumarito sa lupa ang Diyos upang isagawa ang Kanyang mga gawain ng mag-isa sa halip na pahintulutan ang tao na gumawa, Siya ay nagkatawang-tao (sa katawang hindi sapat, at karaniwang tao) upang isagawa ang Kanyang gawain. Ginamit Niya ang katawang-taong ito upang ipakilala sa sangkatauhan ang bagong panahon, upang sabihin sa sangkatauhan ang mga susunod na hakbang sa Kanyang gawain, upang sila ay gumawa ayon sa landas na inilalarawan ng Kanyang salita. Dahil doon, tinupad Niya ang Kanyang gawain sa laman. Kailangan Niyang iwan ang sangkatauhan, hindi na namumuhay sa laman ng isang karaniwang tao, sa halip ay lumayo sa tao upang isagawa ang ibang bahagi ng Kanyang gawain. Siya ay gumamit ng mga taong malapit sa Kanyang puso upang ipagpatuloy ang gawain Niya sa lupa sa kalagitnaan ng kalipunan ng tao, at sa sangkatauhan.
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi maaaring manatiling tao pang-habambuhay dahil maraming pang gawain ang Diyos. Hindi Siya maaaring manatili sa laman; kailangan Niyang hubarin ang laman upang isagawa ang Kanyang mga gawain, kahit na isinasagawa Niya ang mga gawaing iyon sa anyo ng laman. Kapag pumarito ang Diyos sa lupa, hindi Niya hinihintay na maabot ang anyo na naaabot ng mga karaniwang tao sa loob ng isang buhay bago pumanaw. Kahit gaano katanda ang Kanyang laman, kapag natapos ang gawain Niya, Siya ay hahayo at lilisanin ang tao. Wala Siyang edad, hindi Niya binibilang ang Kanyang mga araw ayon sa gulang ng tao. Sa halip ay winawakasan Niya ang ang Kanyang buhay sa laman alinsunod sa mga hakbang ng Kanyang gawain. Ang ibang tao ay mararamdaman na ang Diyos, na nagkatawang-tao, ay nararapat sumulong patungo sa isang tiyak na yugto, maging matanda, umabot sa katandaan, at lilisan lamang kapag ang katawan Niya ang nanghina. Ito ang pag-iisip ng tao; hindi ganoon gumawa ang Diyos. Siya ay nagkatawang-tao upang isagawa ang mga nararapat Niyang gawin, hindi ang mamuhay sa katawan ng tao, maisilang mula sa magulang, lumaki, bumuo ng sariling pamilya at magkaroon ng trabaho, magkaroon ng mga anak, o maranasan ang tagumpay at kabiguan sa buhay--ang lahat ng mga ayon sa karaniwang buhay. Ang pagbaba ng Diyos mula sa langit ay ang Espiritu ng Diyos na ginawang laman, nagkatawang-tao, ngunit hindi namumuhay ng karaniwang buhay ng tao ang Diyos. Pumarito lamang Siya upang tuparin ang isang bahagi ng Kanyang gawain sa pamamahala. Pagkatapos noon ay Kanyang lilisanin ang sangkatauhan. Kapag Siya ay nagkatawang-tao, ang Espiritu ng Diyos ay hindi gagawing sakdal ang karaniwang pagkatao ng laman. Sa halip, sa itinalagang panahon ng Diyos, ang pagka-Diyos ay magsasagawa ng tuwirang gawain. At pagkatapos isagawa ang mga kailangan Niyang gawin at lubusang matupad ang Kanyang pangangasiwa, ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa yugtong ito ay tapos na, at ang Diyos na nagkatawang-tao ay matatapos din, hindi alintana kung ang Kanyang laman ay naabot ang edad ng kamatayan. Iyon ay, kung anong yugto ng buhay ang mararating ng laman, gaano ito katagal mabubuhay sa lupa, ay nakasalalay sa gawain ng Espiritu. Wala itong kinalaman sa kung ano ang inaakala ng tao na karaniwang pagkatao. Si Hesus na lamang bilang halimbawa. Namuhay siya bilang tao sa loob ng tatlumpu't tatlo’t kalahating taon. Sa mga tuntunin ng tagal ng buhay ng katawan ng tao, hindi Siya dapat namatay sa gulang na iyon at hindi dapat lumisan. Ngunit walang pakialam ang Espiritu ng Diyos sa mga iyon. Nang natapos ang Kanyang gawain, kinuha rin ang katawan, kasabay ng Espiritu. Ito ang simulain kung paano gumagawa ang Diyos sa laman. Sa katunayan, ang Diyos na nagkatawang-tao ay walang karaniwang pagkatao. Uulitin ko, hindi Siya pumarito sa lupa upang mamuhay na katulad ng isang karaniwang tao. Hindi muna Siya nagtatag ng karaniwang buhay ng tao at nagsimulang gumawa. Sa halip, matapos Siyang isilang sa karaniwang pamilya, Siya ay may kakayahang gumawa ng mga gawain ng pagka-Diyos. Hindi Siya gumagamit ng kahit na kaunting pag-iisip ng tao; hindi Niya inuugali ang mga paraan ng lipunan o nakikialam sa pag-iisip at paniniwala ng tao, hindi rin Siya nakikiugnay sa mga kaisipan ng tao tungkol sa kanilang pag-uugali. Ito ang gawain na nais isagawa ng Diyos na nagkatawang-tao at ang tunay na kahalagahan ng Kanyang katawang-tao. Nagkatawang-tao ang Diyos unang-una upang isagawa ang isang yugto ng Kanyang gawain na kailangang isakatuparan sa laman. Hindi Siya nagsasagawa ng mga walang kabuluhang pamamaraan. at hindi Siya nakararanas ng mga karaniwang karanasan ng tao. Ang mga karaniwang karanasan ng tao ay hindi na nabibilang sa mga gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Kaya't nagkatawang-tao ang Diyos upang isakatuparan ang Kanyang mga gawain. Ang iba ay walang kinalaman sa Kanya. Hindi Siya sumasailalim sa mga walang kabuluhang pamamaraan. Kapag natapos na ang Kanyang mga gawain, ang kahalagahan ng Kanyang katawang-tao ay matatapos din. Ang pagtapos sa yugtong ito ang nangangahulugan na ang gawain na kailangan Niyang isagawa sa laman ay natupad na, ang pangangasiwa ng Kanyang laman ay nalubos. Ngunit hindi Siya maaaring magpatuloy gumawa sa laman. Kailangan Niyang pumunta sa iba pang dako upang gumawa, isang lugar na nasa labas ng laman. Sa paraang ito Niya lamang lubusang matutupad at mas mapapalawig ang Kanyang gawain. Gumagawa ang Diyos alinsunod sa Kanyang orihinal na panukala. Alam Niya ang kailangan Niyang gawin at kung ano ang Kanyang natapos katulad ng mga palad Niya. Pinangungunahan Niya ang bawat tao sa landas na Kanyang itinalaga. Walang makatatakas dito. Tanging ang mga sumusunod lamang sa paggabay ng Espiritu ng Diyos ang maaaring makapasok sa kapahingahan. Maaaring sa mga susunod na gawain, hindi na ang Diyos ang mangunguna sa tao sa pamamagitan pakikipagusap sa laman, sa halip ay ang mahahawakang Espiritu na ang mangunguna sa buhay ng tao. Tanging sa panahon na iyon lamang mahahawakan ng tao ang Diyos, makikita ang Diyos, at lubusang makapapasok sa katunayang itinalaga ng Diyos, upang gawing sakdal ng tunay na Diyos. Ito ang gawain na nais isakatuparan ng Diyos, kung ano ang matagal Niyang binalak. Mula rito, kailangan ninyong makita ang landas na dapat ninyong tahakin.


Walang komento: