2017-02-05

Ang Tao ay Maliligtas Lamang Sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos



Ang bawat isa ay nararamdaman na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao na ang pamamahala ng Diyos ay ganap na hindi nauugnay sa tao. Palagay nila na itong pamamahala ay ang gawa ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang pagliligtas ng sangkatauhan ay naging malabo at magulo, at ngayon ay walang iba kundi walang laman na sayusay. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano nagagawa ng Diyos ang Kanyang gawa. Ang tao ay walang pagpapahalaga sa kung ano ang mga plano ng Diyos na gawin at ang bahagi na dapat niyang gawin upang mailigtas. Gaano iyon Kalunus-lunos! Ang pagliligtas ng tao ay hindi mapaghiwalay sa pamamahala ng Diyos, mas lalong hindi ito maaaring ihiwalay mula sa plano ng Diyos. Gayon man hindi iniisip ng tao ang pamamahala ng Diyos, at gayon ay mas lalong lumalayo mula sa Diyos. Dahil dito, ang dumadaming bilang ng mga tao ay nagiging mga tagasunod ng Diyos na hindi alam ang mga bagay na mayroong malapit na kaugnayan sa pagliligtas ng tao tulad ng kung ano ang paglikha, kung ano ang paniniwala sa Diyos, kung paano sumamba sa Diyos, at iba pa. Sa puntong ito, sa gayon, kailangan nating magkaroon ng pag-talakay patungkol sa pamamahala ng Diyos, upang ang bawat tagasunod ay malinaw na malaman ang kahalagahan ng pagsunod sa Diyos at paniniwala sa Kanya. Maaari rin silang pumili ng landas na dapat nilang lakaran nang mas tumpak, sa halip ng pagsunod lamang sa Diyos upang makakuha ng mga biyaya, o maiwasan ang sakuna, o maging matagumpay.

Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinirhan ng Diyos




Ang unang pagkatawang-tao ng Diyos ay nanirahan sa mundo sa loob ng tatlumpu't-tatlo at kalahating taon, gayon pa man ginawa Niya ang Kanyang ministeryo sa loob lamang ng tatlo at kalahating taon sa mga taong iyon. Sa parehong oras ng Kanyang paggawa, at bago Siya nagsimulang magtrabaho, Siya ay nagtaglay ng karaniwang pagkatao. Tinirahan Niya ang Kanyang karaniwang pagkatao sa loob ng tatlumpu't-tatlo at kalahating taon. Sa buong huling tatlo at kalahating taon ipinakita Niya ang Kanyang sarili bilang nagkakatawang-taong Diyos. Bago Siya nagsimulang gumawa ng Kanyang ministeryo, nagpakita Siya sa ordinaryo, karaniwang pagkatao, hindi Siya nagpapakita ng mga tanda ng Kanyang pagka-diyos, at ito'y pagkatapos lamang nang Siya ay nagsimulang pormal na gawin ang Kanyang ministeryo na ang Kanyang pagka-diyos ay nahayag. Ang Kanyang buhay at gawain noong panahon ng mga unang dalawampu't siyam na taon ay nagpakita lahat na Siya ay isang tunay na tao, isang anak ng tao, isang katawang-tao; sapagka't ang Kanyang ministeryo ay nagsimula lamang umalab matapos ang edad na dalawampu't-siyam. Nangangahulugan ang pagkatawang-tao na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya'y nagtungo na makasamang gumawa ang mga tao na Kanyang nilikha sa imahe ng katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, Siya ay dapat munang magkatawang-tao, katawan na may karaniwang pagkatao; ito, sa pinakamababa, ay dapat magkatotoo. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay ang Diyos ay nabubuhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagiging katawan, nagiging isang tao. Ang Kanyang nagkatawang-tao na buhay at gawain ay maaaring hatiin sa dalawang yugto. Ang una ay ang Kanyang buhay na isinasabuhay bago isagawa ang Kanyang ministeryo. Naninirahan Siya sa isang ordinaryong pamilyang tao, sa lubos na karaniwang pagkatao, sumusunod sa karaniwang asal at batas ng buhay ng tao, na may karaniwang pangangailangan ng tao (pagkain, damit, tirahan, tulugan), mga kahinaan ng karaniwang tao, at karaniwang damdamin ng tao. Sa ibang salita, noong unang yugto na Siya ay nakatira bilang di-banal, ganap na karaniwang pagkatao, nakikisalamuha sa lahat ng mga karaniwang gawain ng tao. Ang pangalawang yugto ay ang buhay na Kanyang pinamuhayan matapos simulang gawin ang Kanyang ministeryo. Siya pa rin ay nananahan sa karaniwang sangkatauhan sa isang karaniwang anyo ng tao, hindi nagpapakita ng panlabas na palatandaan nang higit sa karaniwan. Ngunit Siya ay namumuhay nang dalisay para sa Kanyang ministeryo, at sa panahong ito ang Kanyang karaniwang pagkatao ay nabubuhay halos sa paglilingkod sa normal na gawain ng Kaniyang pagka-diyos; at sa panahong iyon ang Kanyang karaniwang pagkatao ay ganap na sa puntong kaya na Niyang isagawa ang Kanyang ministeryo. Kaya ang ikalawang yugto ng Kanyang buhay ay upang isagawa ang Kanyang ministeryo sa Kanyang karaniwang pagkatao, ay isang buhay na parehong karaniwang pagkatao at ganap na pagka-diyos. Ang dahilan na, sa panahon ng unang yugto ng Kanyang buhay, Siya ay nabubuhay sa ganap na karaniwang pagkatao na ang Kanyang katauhan ay hindi pa katumbas ng kabuuan ng banal na gawa, hindi pa ganap; matapos lamang na ang Kaniyang pagiging tao ay maging ganap, magkaroon ng kakayahang pasanin ang Kanyang ministeryo, maaari Niyang simulan ang Kanyang ministeryo. Dahil Siya, bilang tao, ay kailangang lumago at maging ganap, ang unang yugto ng Kanyang buhay ay karaniwang pagkatao, habang nasa pangalawang yugto, dahil ang Kanyang pagkatao ay may kakayahang isabalikat ang Kanyang gawain at gawin ang Kanyang ministeryo, ang buhay na pagkakatawang-tao ng Diyos na tinatahanan Niya sa panahon ng Kanyang ministeryo ay isa sa parehong pagkatao at ganap na pagka-diyos. Kung mula sa sandali ng Kanyang kapanganakan ang nagkatawang-taong Diyos ay sinimulan ang Kanyang ministeryo nang maalab, gumagawa nang higit sa karaniwan na mga senyales at mga himala, sa gayon Siya ay maaaring walang panlupang diwa. Samakatuwid, ang Kanyang pagiging tao ay umiiral para sa kapakanan ng Kanyang panlupang diwa; walang laman kung walang pagkatao, at ang isang tao na walang pagkatao ay hindi isang tao. Sa ganitong paraan, ang katauhan ng laman ng Diyos ay tunay na pagmamay-ari ng katawang-taong laman ng Diyos. Sa pagsabi na "kapag ang Diyos ay nagiging laman Siya ay buong banal, hindi kailanman na tao," isang kalapastangan sa Diyos, dahil ito ay isang imposibleng makuhang tindig, isa na lumalabag sa alituntunin ng pagkakatawang-tao. Kahit pagkatapos Niya simulang gawin ang Kanyang ministeryo, ang Kanyang pagka-diyos pa rin ay naninirahan sa panlabas na balat ng tao kapag ginagawa Niya ang Kaniyang trabaho; ito lamang ay sa oras na, ang Kaniyang pagkatao ay naglilingkod sa tanging layunin ng nagpapahintulot sa Kanyang pagka-diyos upang maisagawa ang gawain sa normal na laman. Kaya ang ahente ng gawain ay ang pagka-diyos na nagpapatira sa Kanyang pagkatao. Ito ay sa Kanyang pagka-diyos, hindi ang Kanyang pagkatao, sa trabaho, ngayon ang pagka-diyos ay nakatago sa loob ng Kanyang pagkatao; ang Kanyang trabaho sa diwa ay tinatapos sa pamamagitan ng Kanyang ganap na pagka-diyos, hindi sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao. Ngunit ang tagagawa ng trabaho ay ang Kanyang pagkatao. Maaaring sabihin ng isa na Siya ay isang tao at isa ring Diyos, sapagkat ang Diyos ay nagiging isang Diyos na namumuhay sa laman, may balat ng tao at diwa ng tao ngunit mayroon ding diwa ng Diyos. Sapagkat Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, Siya ay mataas sa sinumang nilikhang tao, mataas sa sinumang tao na kayang gawin ang gawain ng Diyos. Kaya, sa lahat ng may balat ng taong kagaya Niya, sa lahat ng nagmamay-ari ng katauhan, tanging Siya lang mismo ang nagaanyong Diyos— lahat nang iba ay nilikha bilang tao. Kahit lahat sila ay may katauhan, ang mga nilikhang tao ay walang iba kundi tao, habang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang laman hindi lamang katauhan ang mayroon Siya kundi higit pang mas mahalaga ay ang pagka-diyos. Ang Kanyang pagkatao ay makikita sa panlabas na anyo ng kayang laman at sa Kanyang araw-araw na buhay, ngunit ang Kanyang pagka-diyos ay mahirap makita. Dahil ang Kanyang pagka-diyos ay naipapahayag lamang kapag Siya ay may katauhan, at hindi bilang higit sa karaniwan na naiisip ng tao na maging, ito ay lubhang mahirap para sa mga tao na makita. Kahit ngayon ito ay lubos na mahirap para sa mga tao na unawain ang totoong diwa ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa katunayan, kahit pagkatapos Kong magsalita tungkol dito nang ganoong katagal, umaasa Akong misteryo pa rin ito sa karamihan sa inyo. Ang isyu na ito ay napaka-simple: Yamang ang Diyos ay naging laman, ang Kanyang diwa ay isang kombinasyon ng pagkatao at pagka-diyos. Ang kumbinasyon na ito ay tinatawag na Diyos mismo, ang Diyos mismo sa lupa.