2017-02-15

Isang Seleksyon Mula sa Tatlong Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Pananaw sa Gawain ng Diyos”


1. Sinimulan ni Juan ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng langit pitong taon bago ang bautismo ni Hesus. Para sa mga tao, ang mga isinagawa niyang gawain ay tila higit sa mga gawain ni Hesus, ngunit siya ay, gayunpaman, ay isa rin lamang propeta. Hindi siya nangusap at gumawa sa loob ng templo, ngunit sa mga bayan at nayon sa labas nito. Ito ay ginawa niya, sa katunayan, sa bayan ng mga Hudyo, lalo na ang mga mahihirap. Bihira siyang nakisalamuha sa mga taong mula sa mataas na antas ng lipunan, ipinalalaganap lang ang ebanghelyo sa mga karaniwang tao sa Judea upang maihanda ang mga karapat-dapat na mga tao para sa Panginoong Hesus, at maihanda ang mga naaangkop na lugar kung saan Siya ay maaaring gumawa.