Upang maging patotoo sa Diyos at mapahiya ang malaking pulang dragon, dapat mayroon kang prinsipyo at isang kondisyon: Dapat mong mahalin ang Diyos sa iyong puso at isabuhay ang Kaniyang mga salita. Hindi mo mapapahiya si Satanas kung hindi ka namumuhay ayon samga salita ng Diyos. Sa iyong pagsulong sa buhay, itinatakwil mo ang malaking pulang dragon at lubos na ikinahihiya ito, at sa pamamagitan lang nito mapapahiya ang malaking pulang dragon. Habang higit mo pang sinasangayunang isabuhay ang mga salita ng Diyos, lalo mong napatutunayan ang pag-ibig mo sa Kaniya at ang pagkamuhi mo sa malaking pulang dragon; habang higit mo pangsinusunod ang mga salita ng Diyos, lalo mong napatutunayan ang pagkasabik mo sa katotohanan. Ang mga taong hindi nasasabik sa mga salita ng Diyos ay mga taong walang buhay. Ang mga gayong tao ay mga nasa labas ng mga salita ng Diyos, at mga kaanib sa relihiyon. Ang mga taong tunay na naniniwala sa Diyos ay may mas malalim na kaalaman sa mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom sa Kaniyang mga salita. Kung di mo kinasasabikan ang mga salita ng Diyos, hindi ka totohanang nakakakain at nakaiinom ng Kaniyangmga salita, at kapag wala kang kaalaman sa mga salita ng Diyos, wala kang paraan para magpatotoo sa Diyos o magbigay kasiyahan sa Kanya.