Makalipas ang ilang libong taon ng katiwalian, ang tao ay naging manhid at mapurol ang pag-iisip, isang demonyong kumakalaban sa Diyos, hanggang sa ang pagiging mapanghimagsik ng tao ay naitala sa mga aklat ng kasaysayan kung saan hindi man lang kayang isalaysay nang buo ng tao ang kaniyang mga mapag-alsang gawi – sapagkat ang tao ay talagang pinasama na nang husto ni Satanas, at nailigaw na ni Satanas na anupa’t hindi na malaman saan siya tutungo. Kahit sa ngayon, pinagtataksilan pa rin ng tao ang Diyos: Kapag nakikita ng tao ang Diyos, nagtataksil siya sa Kaniya, at kapag hindi niya nakikita ang Diyos, Siya’y pinagtataksilan pa rin niya. Mayroon ngang ibang nakasaksi na sa sumpa ng Diyos at sa poot ng Diyos, pinagtataksilan pa rin Siya. Kung kaya masasabi ko na ang katinuan ng tao ay wala na sa likas nitong kaukulan, at ang budhi ng tao, gayundin, ay wala na sa likas nitong kaukulan.