2017-02-08

Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan



Kakaunti lamang ang nauunawaan ng tao sa gawain sa kasalukuyan at sa gawain sa hinaharap, ngunit hindi niya nauunawaan ang hantungan kung saan ang sangkatauhan ay papasok. Bilang isang nilalang, kailangang tuparin ng tao ang Kanyang tungkulin bilang isang nilalang: Kailangang sundin ng tao ang Diyos sa lahat ng Kanyang gagawin, at kailangang magpatuloy kayo sa kahit anumang paraan na sasabihin Ko sa inyo. Ikaw ay walang paraan upang gumawa ng mga kaayusan para sa iyong sarili, at ikaw ay walang kakayahan na kontrolin ang iyong sarili; ang lahat ay dapat ipaubaya sa habag ng Diyos, at ang lahat ay nasa pamamahala ng Kanyang mga kamay.