Ang lumang panahon ay lumipas; ang bagong panahon ay dumating. Dumaan ang mga taon at mga araw, nagsagawa ng maraming gawain ang Diyos. Siya ay pumarito sa mundo at lumisan din. Paulit-ulit na nagpatuloy ito sa maraming salinlahi. Hanggang sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng Diyos ang gawain na nararapat Niyang isagawa, ang gawain na hindi pa Niya natatapos, dahil hanggang sa araw na ito ay hindi pa Siya nakapagpapahinga. Mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, nagsagawa ng maraming gawain ang Diyos, ngunit alam mo bang ang gawain ng Diyos ngayon at higit sa mga gawain Niya noon at sa nakakataas na antas? Ito ang dahilan kung bakit Ko sinasabi na ang Diyos ay gumawa ng mga dakilang bagay sa mga tao. Ang lahat ng gawain ng Diyos ay napakahalaga, sa tao man o sa Diyos, ang bawat bagay sa Kaniyang gawain ay may kaugnayan sa tao.