Noong siya ay itinutuwid ng Diyos, nanalangin si Pedro: “O Diyos! Ang aking katawan ay masuwayin, at itinuwid Mo ako at pinarusahan. Ako ay nagagalak sa Iyong pagtutuwid at pagpaparusa, at kahit na hindi Mo ako naisin, minamasdan kong banal ang Iyong parusa at makatuwiran ang Iyong kalooban. Nasiyahan ako nang hinatulan Mo, upang makita ng mga tao ang Iyong kabanalan at katuwiran sa Iyong paghatol. Kung ito ay magtatanghal ng Iyong kalooban, ihahayag ang Iyong makatuwirang kalooban upang makita ng lahat ng mga nilalang, dadalisayin nang higit ang aking pag-ibig sa Iyo upang matamo ko ang imahe ng Iyong pagiging makatuwiran ang iyong pagpaparusa ay mabuti sapagkat ito ang Iyong magiliw na kalooban. Batid ko na maaari akong maging mapanghimagsik at hindi pa nararapat lumapit sa Iyo. Nais kong siyasatin Mo ako nang higit, sa pamamagitan man ito ng masamang kapaligiran o malaking kapighatian; sa paanong paraan Mo man ako hatulan, ito ay itinuturing kong mahalaga. Napakalalim ng Iyong pag-ibig at kusa kong inilalaan ang aking sarili para sa Iyo nang hindi dumaraing ng kahit kaunti.” Ito ang kaalaman ni Pedro pagkatapos niyang maranasan ang mga gawa ng Diyos at ito rin ang kaniyang kapahayagan ng pag-ibig sa Diyos. Sa ngayon, ikaw mismo na nalupig na – ngunit sa paanong paraan naihahayag ang pagsupil sa iyo? May ilan na nagsasabi, “Ang pagkakasakop sa akin ang pinaka-karangalan at kaluwalhatian ng Diyos. Ngayon ko lang napagtanto na ang buhay ng tao ay walang bisa at walang halaga. Ang buhay ay walang kabuluhan anupat mas gugustuhin ko pang mamatay na lang. Bagaman ang tao ay nabubuhay para gumawa at magbangon ng panibagong henerasyon at ng susunod pang ibang henerasyon, walang matitira para sa tao. Ngayon, pagkatapos malupig ng Diyos ay napagtanto kong walang kabuluhan nga ang buhay; tunay ngang walang silbi ang ganito. Dapat lang na tayo nga ay mamatay at matapos na rito!” Matatamo ba ang Diyos ng mga gayong nalupig na tao? Sila ba ay maaaring gawing uliran at huwaran? Nagsisilbing aral sa pagiging walang kibo ang gayong mga uri ng tao anupat wala silang mga hangarin at hindi sila kumikilos para isulong pa ang kanilang mga sarili! Bagaman nabibilang sila sa mga kasamang nalupig, ang mga gayong tao ay itinuturing na hindi karapat-dapat gawing sakdal. Bago ang kaniyang kamatayan, pagkatapos siyang gawing sakdal, sinabi ni Pedro, “O Diyos! Kung ako ay mabubuhay ng ilan pang mga taon, nais kong magkaroon nang higit pang dalisay at higit pang malalim na pag-ibig sa Iyo.” Noong siya ay ipapako na sa krus, nanalangin siya nang taimtim sa kaniyang puso, “O Diyos! Ang Iyong oras ay dumating, ang Iyong inihanda para sa akin ay narito na. Ako ay nararapat ipako sa krus para sa Iyo, kailangan na maghirap ako sa Iyong patotoo, at nawa ang aking pag-ibig ay makaabot sa Iyong mga atas at maging higit pang dalisay. Ang pagkamatay ko ngayon para sa Iyo, ang maipako ako sa krus para sa Iyo, ay umaaliw at nagbibigay katiyakan sa akin, sapagkat wala nang hihigit pa sa pagbibigay kasiyahan sa Iyo sa pamamagitan ng pagpapako sa krus at pagtupad ng Iyong mga kahilingan, at sa paghahandog ng aking sarili sa Iyo, pag-aalay ng aking buhay sa Iyo. O Diyos! Ikaw ay kaibig-ibig! Kung kalooban Mo akong mabuhay, lalo Kitang iibigin. Habang ako ay nabubuhay, iibigin Kita. Iibigin Kita nang higit pa. Hatulan Mo ako, at ituwid Mo ako at subukin Mo ako hindi dahil sa ako ay matuwid kundi dahil ako ay makasalanan. At ang Iyong makatuwirang kalooban ay higit na maliwanag sa akin. Ito ay tunay ngang isang pagpapala para sa akin sapagkat maaari kitang higit pang ibigin, at kusa kitang higit na iibigin kahit na hindi Mo ako iniibig. Handa akong hawakan ang Iyong makatuwirang kalooban sapagkat binibigyang halaga nito ang aking buhay. Naramdaman kong may kabuluhan na ang aking buhay sapagkat ipinako ako sa krus para sa Iyo, at napakahalagang mamatay alang-alang sa Iyo. Ngunit sa anumang paraan ay hindi pa ako nasisiyahan dahil kakaunti lang ang kaalaman ko hinggil sa Iyo, batid ko na hindi ko matutupad lahat ng Iyong mga iniaatas, at kakaunti lamang ang mga iginawad kong pabuya sa Iyo. Sa aking buhay, hindi ko naibigay ang buong sarili sa Iyo; malayo pa ako roon. Kapag inaalaala ko ang mga iyon, napagtatantong may utang na loob ako sa Iyo, at kailangan bumawi mula sa mga nagawang pagkakamali at ibigay ang lahat ng pag-ibig na hindi ko naipakita sa Iyo.”
2017-02-06
Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan
Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, ito ay ang pananagutan at obligasyon nating lahat na ibigay ang ating mga isipan at katawan para sa katuparan ng kautusan ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos. Kung ang ating mga isip at katawan ay hindi para sa kautusan ng Diyos at hindi para sa mga matuwid na dahilan ng sangkatauhan, sa gayon ang ating mga kaluluwa'y hindi magiging karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa kautusan ng Diyos, mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na nagbigay sa atin ng lahat ng bagay.
Nilikha ng Diyos ang mundong ito, nilikha Niya ang sangkatauhang ito, at saka Siya ay ang arkitekto ng sinaunang kulturang Griyego at sibilisasyon ng tao. Ang Diyos lamang ang umaaliw sa sangkatauhan, at ang Diyos lamang ang nagmamalasakit sa sangkatauhang ito gabi't araw. Ang pag-unlad at pag-lago ng tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa kapangyarihan ng Diyos, at ang kasaysayan at hinaharap ng sangkatauhan ay hindi malulutas mula sa mga disenyo ng Diyos. Kung ikaw ay isang tunay na Kristiyano, kung gayon ikaw ay tiyak na maniniwala na ang pagtaas at pagkahulog ng anumang bansa o nasyon ay nangyayari ayon sa mga disenyo ng Diyos. Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng isang bansa o nasyon, at Diyos lamang ang kumokontrol sa kurso ng sangkatauhang ito. Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bansa ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung gayon ang tao ay dapat na yumukod sa Diyos sa pagsamba, magsisi at umamin sa harap ng Diyos, o kung hindi ang kapalaran at patutunguhan ng tao ay hindi maiiwasang magtapos sa sakuna.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)