Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, ito ay ang pananagutan at obligasyon nating lahat na ibigay ang ating mga isipan at katawan para sa katuparan ng kautusan ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos. Kung ang ating mga isip at katawan ay hindi para sa kautusan ng Diyos at hindi para sa mga matuwid na dahilan ng sangkatauhan, sa gayon ang ating mga kaluluwa'y hindi magiging karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa kautusan ng Diyos, mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na nagbigay sa atin ng lahat ng bagay.
Nilikha ng Diyos ang mundong ito, nilikha Niya ang sangkatauhang ito, at saka Siya ay ang arkitekto ng sinaunang kulturang Griyego at sibilisasyon ng tao. Ang Diyos lamang ang umaaliw sa sangkatauhan, at ang Diyos lamang ang nagmamalasakit sa sangkatauhang ito gabi't araw. Ang pag-unlad at pag-lago ng tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa kapangyarihan ng Diyos, at ang kasaysayan at hinaharap ng sangkatauhan ay hindi malulutas mula sa mga disenyo ng Diyos. Kung ikaw ay isang tunay na Kristiyano, kung gayon ikaw ay tiyak na maniniwala na ang pagtaas at pagkahulog ng anumang bansa o nasyon ay nangyayari ayon sa mga disenyo ng Diyos. Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng isang bansa o nasyon, at Diyos lamang ang kumokontrol sa kurso ng sangkatauhang ito. Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bansa ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung gayon ang tao ay dapat na yumukod sa Diyos sa pagsamba, magsisi at umamin sa harap ng Diyos, o kung hindi ang kapalaran at patutunguhan ng tao ay hindi maiiwasang magtapos sa sakuna.
Magbalik tanaw sa panahon ng arko ni Noe: Ang sangkatauhan ay sobrang tiwali, lumayo sa pagpapala ng Diyos, at hindi na minamahal ng Diyos, at nawala na ang mga pangako ng Diyos. Sila ay nanirahan sa kadiliman, na wala ang liwanag ng Diyos. Kaya sila ay naging natural na mahalay, inabandona ang kanilang mga sarili sa kahindik-hindik na kasamaan. Ang ganitong mga tao ay hindi na maaaring makatanggap ng pinangako ng Diyos; sila ay hindi karapat-dapat na masaksihan ang mukha ng Diyos, o kaya ay marinig ang tinig ng Diyos, sapagkat inabandona nila ang Diyos, isinantabi ang lahat ng Kanyang ipinagkaloob sa kanila, at nakalimutan ang mga aral ng Diyos. Ang kanilang puso ay lumihis papalayo nang papalayo mula sa Diyos, at dahil dito, sila ay naging ubod ng sama higit sa lahat ng dahilan at sangkatauhan, at naging sobrang sama. Kaya sila ay naging mas malapit sa kamatayan, at nahulog sa ilalim ng galit at kaparusahan ng Diyos. Si Noe lamang ang sumamba sa Diyos at humiwalay sa kasamaan, at sa gayon narinig niya ang tinig ng Diyos, at narinig ang mga tagubilin ng Diyos. Kanyang itinayo ang arko ayon sa mga tagubilin ng salita ng Diyos, at tinipon ang lahat ng uri ng buhay na nilalang. At sa ganitong paraan, sa sandaling ang lahat ng bagay ay handa na, pinakawalan ng Diyos ang Kanyang pagwasak sa mundo. Si Noe lamang at ang pitong miyembro ng kanyang pamilya ang nakaligtas sa pagkawasak, dahil sumamba si Noe kay Jehova at humiwalay sa kasamaan.
Pagkatapos ay tumingin sa kasalukuyang panahon: Ang ganitong matuwid na tao na kagaya ni Noe, na kayang sumamba sa Diyos at ilagan ang kasamaan, ay tumigil sa pag-iral. Ngunit ang Diyos ay mapagmahal pa rin sa sangkatauhang ito, at pinatawad ang sangkatauhan sa huling panahon. Hinahanap ng Diyos ang mga taong naghihintay sa Kanyang paglitaw. Hinahanap niya ang mga taong nagawang makinig sa Kanyang mga salita, ang mga taong hindi nakalimutan ang Kanyang kautusan, at inihandog ang kanilang puso at katawan sa Kanya. Hinahanap Niya ang mga taong kasing masunurin tulad ng mga batang nasa harap Niya, at hindi Siya kinakalaban. Kung ikaw ay di pinipigilan ng anumang puwersa sa iyong debosyon sa Diyos, at kung gayon ang Diyos ay dapat tumingin sayo nang may pabor, at dapat ipagkaloob sa iyo ang Kanyang mga pagpapala. Kung ikaw ay may mataas na katayuan, ng marangal na reputasyon, nagmamay ari ng masaganang kaalaman, ang may-ari ng saganang pag-aari, at suportado ng maraming mga tao, gayon ma'y ang mga bagay na ito ay hindi pumipigil sa iyo mula sa pagdating sa harap ng Diyos na tanggapin ang Kanyang pagtawag at ang Kanyang kautusan, na gawin kung ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo, kung gayon ang lahat ng iyong ginagawa ay magiging pinaka-makabuluhan sa lupa at ang pinaka-matuwid sa sangkatauhan. Kung tatanggihan mo ang tawag ng Diyos para sa kapakanan ng katayuan at ng iyong sariling mga layunin, lahat ng inyong gagawin ay susumpain at kamumuhian ng Diyos. Siguro ikaw ay isang presidente, o isang siyentipiko, isang pastor, o isang matanda, ngunit hindi mahalaga kung gaano kataas ang iyong opisina, kung umaasa ka sa iyong kaalaman at kakayahan sa iyong mga ginagawa, kung gayon ikaw ay palaging magiging bigo, at palaging mawawalan ng pagpapala ng Diyos, sapagkat ang Diyos ay hindi tumatanggap ng anumang iyong ginagawa, hindi ka Niya binibigyan ng isang matuwid na karera, o tinatanggap na ikaw ay nagtatrabaho para sa kapakinabangan ng sangkatauhan. Sasabihin Niya na ang lahat ng bagay na ginagawa mo, ay upang gamitin ang kaalaman at lakas ng sangkatauhan upang alisin ang tao sa pangangalaga ng Diyos, at upang tanggihan ang mga pagpapala ng Diyos. Sasabihin Niya na dinadala mo ang sangkatauhan patungo sa kadiliman, patungo sa kamatayan, at sa dako ng simula ng isang pag-iral na walang mga limitasyon na kung saan nawala ng tao ang Diyos at ang Kanyang pagpapala.
Mula sa panahon na ang tao ay unang nagkaroon ng araling panlipunan, ang isip ng tao ay naging abala sa agham at kaalaman. Doon ang agham at kaalaman ay naging kasangkapan para sa pamumuno ng sangkatauhan, at doon ay wala nang sapat na silid para sa tao upang sambahin ang Diyos, at walang kanais-nais na mga kondisyon para sa pagsamba sa Diyos. Ang posisyon ng Diyos ay lumubog nang mas mababa sa puso ng tao. Ang isang mundo sa puso ng tao na walang lugar para sa Diyos ay madilim, walang laman kung walang pagasa. At kaya lumitaw ang maraming mga panlipunang siyentipiko, mananalaysay, at mga pulitiko upang magpahayag ng teorya ng araling panlipunan, ang mga teorya ng ebolusyon ng tao, at iba pang mga teorya na sinasalungat ang katotohanang nilikha ng Diyos ang tao, upang punan ang puso at isip ng tao. At sa ganitong paraan, ang mga taong naniniwala na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay ay naging kakaunti, at yaong naniniwala sa teorya ng ebolusyon ay naging mas dumami ang bilang. Parami nang parami ang mga tao na itinuturing ang talaan ng gawain ng Diyos at Kanyang mga salita sa kapanahunan ng Lumang Tipan bilang alamat at mga leyenda. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay nawalan ng interes sa karangalan at kadakilaan ng Diyos, sa mga kuru-kuro na ang Diyos ay buhay at humahawak ng kapangyarihan sa lahat ng bagay. Ang kaligtasan ng sangkatauhan at ang kapalaran ng mga bansa at mga nasyon ay hindi na mahalaga sa kanila. Nakatira ang tao sa isang guwang na mundo na iniintindi lamang ang pagkain, pag-inom, at ang paghahangad ng kasiyahan. ... Iilang tao lang ang naghahanap sa kanilang mga sarili kung saan ginagawa ngayon ng Diyos ang Kanyang gawain, o naghahanap kung paano Niya pinamumunuan at inaayos ang patutunguhan ng tao. At sa ganitong paraan, hindi namamalayan ng sibilisasyon ng tao na hindi na nila kayang tugunan ang kagustuhan ng tao, at mayroong maraming tao na nakakaramdam nito, nakatira sa ganoong uri ng mundo, sila ay hindi gaanong masaya kung ihahambing sa mga taong nawala na. Maging ang mga tao ng mga bansang dating lubos na sibilisado ay hinihimutok/ibinubuntong hininga ang mga naturang karaingan. Sapagka't kung walang patnubay ng Diyos, gaano man karami ang mga pinuno at mga sosyolohista na sirain nang husto ang kanilang mga talino mapanatili lamang ang sibilisasyon ng tao, ito ay hindi mapapakinabangan. Walang sinuman ang makakapunan ng kawalan ng laman sa puso ng tao, dahil walang sinuman ang maaaring maging buhay ng tao, at walang mga teoryang panlipunan na maaaring magpalaya sa kakulangan na siya ay nasaktan. Agham, kaalaman, kalayaan, demokrasya, malayang oras, kaginhawaan, ang mga ito ay isa lamang pansamantalang pahinga. Kahit na sa mga bagay na ito, ang tao ay hindi maiiwasan na magkakasala at mananaghoy sa kawalang katarungan ng lipunan. Ang mga bagay na ito ay hindi maaaring magbawas ng labis na pananabik ng tao at pagnanais sa pagsisiyasat. Sapagkat ang tao ay nilalang ng Diyos at ang walang kwentang mga sakripisyo at pagsisiyasat ng tao ay maaari lamang humantong sa mas maraming pagkabalisa. Ang tao ay patuloy na mabubuhay sa takot, na hindi malalaman kung paano haharapin ang kinabukasan ng sangkatauhan, o kung paano haharapin ang landas sa hinaharap. Darating ang panahon na kahit ang agham at kaalaman ay katatakutan ng tao, at higit na kakatakutan ang pakiramdam ng kawalang laman sa loob niya. Sa mundong ito, hindi alintana kung ikaw ay nakatira sa isang malayang bansa o sa isa na walang karapatang pantao, ikaw ay walang lubos na kakayahang takasan ang kapalaran ng sangkatauhan. Kahit na ikaw ay ang pinuno o ang pinamumunuan, ikaw ay walang lubos na kakayahang takasan ang pagnanais na galugarin ang kapalaran, misteryo, at patutunguhan ng sangkatauhan. Higit na mas mababa ang iyong kakayahang takasan ang nakakalitong kahulugan ng kawalang laman. Ang nasabing pangyayari, na kung saan pangkaraniwan sa lahat ng sangkatauhan, ay tinatawag na social phenomena sa pamamagitan ng sosyolohista, ngunit wala pang dakilang tao ang nakalulutas sa naturang mga problema. Ang tao, matapos ang lahat, ay tao. Ang posisyon at buhay ng Diyos ay hindi maaaring mapalitan ng sinumang tao. Ang sangkatauhan ay hindi lang basta nangangailangan ng isang makatarungang lipunan kung saan lahat ng tao ay kumakain nang tama at pantay-pantay at libre, ngunit ang pagliligtas ng Diyos at ang Kanyang kaloob na buhay sa kanila. Kapag natatanggap na ng mga tao ang kaligtasan ng Diyos at ang Kanyang kaloob na buhay sa kanila saka lamang malulutas ang mga pangangailangan, matinding pagnanasang magsiyasat, at espirituwal na kahungkagan ng tao. . Kung ang mga tao ng isang bansa o ng isang nasyon ay hindi makatatanggap ng kaligtasan at pag-aalaga ng Diyos, kung gayon ang ganitong bansa o nasyon ay yumayapak sa kalsada na patungo sa kapahamakan, patungo sa kadiliman, at dapat lipulin ng Diyos.
Marahil ang iyong bansa ay kasalukuyang yumayabong, ngunit kung pinapayagan mo ang iyong mga tao na maligaw papalayo sa Diyos, kung gayon ang iyong bansa ay mas lalong kukulangin ng mga pagpapala ng Diyos. Ang sibilisasyon ng iyong bansa ay lalong mahihirapang umusad, at hindi tatagal ang bayan ay titindig laban sa Diyos at susumpain ang Langit. At kaya ang kapalaran ng isang bansa ay hindi sinasadyang madala sa kapahamakan. Ang Diyos ay bubuo ng makapangyarihang bansa upang harapin ang mga bansang sinumpa ng Diyos, at maaaring burahin ang mga ito sa ibabaw ng daigdig. Ang pagtaas at pagkahulog ng isang bansa o nasyon ay nagpapahayag kung ang tagapamahala ay sumasamba sa Diyos, at kung inaakay nila ang kanilang mga tao na maging mas malapit sa Diyos at sambahin Siya. At kahit pa, sa huling kapanahunang ito, dahil sa ang mga taong tunay na naghahangad at sumasamba sa Diyos ay mas nagiging kaunti, ibinibigay ng Diyos ang natatanging pabor sa mga bansa kung saan ang Kristiyanismo ay ang relihiyon ng estado. Tinitipon Niya ang mga ito upang bumuo ng medyo matuwid na kampo ng mundo, habang ang mga ateistikong mga bansa o mga bansang hindi sumasamba sa tunay na Diyos ay magiging kalaban ng matuwid na kampo. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay hindi lamang may isang lugar sa sangkatauhan na kung saan maaaring magsagawa ng Kanyang gawain, ngunit may mga bansang nadagdag na maaring gawin ang matuwid na awtoridad, upang magpataw ng mga parusa at paghihigpit sa mga bansang iyon na ayaw tanggapin ang Diyos. Ngunit sa kabila nito, marami pa ring mga tao na hindi lumalapit upang sumamba sa Diyos, sapagkat ang tao ay naliligaw papalayo sa Kanya, at ang Diyos ay wala sa isipan ng tao sa mahabang panahon. Ang nanatili lamang sa lupa ay ang mga bansa na gumagawa nang may katuwiran at umiiwas sa pagkakasala. Ngunit ito ay malayo mula sa mga kagustuhan ng Diyos, sapagkat walang namumuno sa bansa ang papayagan ang Diyos na mamuno sa kanilang mga tao, at walang partidong pampulitika ang titipunin ang kanyang mga tao upang sambahin ang Diyos; nawala ng Diyos ang Kanyang nararapat na lugar sa puso ng bawat bansa, nasyon, namumunong partido, at kahit na sa puso ng bawat tao. Kahit na ang matuwid na pwersa ay umiiral sa mundong ito, ang panuntunan kung saan ang Diyos ay walang lugar sa puso ng tao ay marupok. Kung wala ang pagpapala ng Diyos, ang mga pampulitikang arena ay mabubuwal sa gulo at magiging mahina laban sa pag-atake. Para sa sangkatauhan, kung wala ang pagpapala ng Diyos ay katulad ng kawalaan ng sikat ng araw. Hindi alintana kung gaano kasipag ang namumuno na gumawa ng mga kontribusyon sa kanilang mga tao, walang pagtatangi sa kung gaano karaming mga matuwid na panayam ng sangkatauhan ang magkasama, wala sa mga ito ang dapat bumaliktad o baguhin ang kapalaran ng sangkatauhan. Naniniwala ang tao na ang isang bansa kung saan ang mga tao ay pinakain at dinamitan, kung saan sila ay nakatirang magkasama nang matiwasay, ay isang mahusay na bansa, at ang isang may mabuting pamumuno. Subalit hindi sa palagay ng Diyos. Siya ay naniniwala na ang isang bansa kung saan walang sinuman ang sumasampalataya sa Kanya ay isa sa dapat Niyang lipulin. Ang paraan ng pag-iisip ng tao ay masyadong kakaiba sa Diyos. Kung ang pinuno ng isang bansa ay hindi sumasamba sa Diyos, kung gayon ang kapalaran ng bansang ito ay magiging isang trahedya, at ang bansa ay hindi magkakaroon ng patutunguhan.
Hindi nakikibahagi ang Diyos sa pulitika ng tao, gayon pa man ang kapalaran ng isang bansa o nasyon ay kontrolado ng Diyos. Hawak ng Diyos ang mundong ito at ang buong sansinukob. Ang kapalaran ng tao at ang plano ng Diyos ay lubhang konektado, at walang tao, bansa o nasyon ang hindi saklaw ng kapangyarihan ng Diyos. Kung ang tao ay nais na malaman ang kanyang kapalaran, kung gayon dapat siyang humarap sa Diyos. Ang Diyos ay dapat maging sanhi ng pagyabong sa mga taong sumusunod at sumasamba sa Kanya, at siya'y magdadala ng pagtanggi at pagkalipol sa mga taong lalaban at tatanggi sa Kanya.
Alalahanin ang pangyayari sa Biblia noong ginawa ng Diyos ang pagkawasak sa Sodoma, at isipin din kung paano naging isang haligi ng asin ang asawa ni Lot. Isipin muli kung paano ang bayan ng Ninive ay nagsisi sa kanilang mga kasalanan sa kayong magaspang at abo, at isipin kung ano ang sumunod matapos ipinako ng mga Hudyo si Hesus sa krus 2,000 taon na ang nakakaraan. Ang mga Hudyo ay pinatalsik mula sa Israel at tumakas patungo sa bansa sa buong mundo. Marami ang pinatay, at ang buong bansang Hudyo ay naharap sa mga kahindik-hindik na pagwasak. Ipinako nila ang Diyos sa krus—gumawa ng isang mabigat na kasalanan—at inudyok ang disposisyon ng Diyos. Sila ay pinagbayad sa kanilang ginawa, ipinapasan ang mga kahihinatnan ng kanilang mga aksyon. Hinatulan nila ang Diyos, itinakwil ang Diyos, at sa gayon sila ay nagkaroon lamang ng isang kapalaran: na parurusahan ng Diyos. Ito ang mapait na kinahinatnan at kalamidad na dinala ng kanilang mga pinuno sa kanilang bansa at nasyon.
Ngayon, ang Diyos ay bumalik sa mundo upang gawin ang Kanyang gawain. Ang Kanyang unang hinintuan ay ang engrandeng pagtitipon ng mga diktatoryal na namumuno: Tsina, ang matatag na balwarte ng ateismo. Nagkamit ang Diyos ng isang grupo ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang karunungan at kapangyarihan. Sa panahong iyon, Siya ay tinutugis ng namumunong partido ng Tsina sa lahat ng paraan at sumailalim sa matinding pagdurusa, na walang lugar sa pamamahinga ng Kanyang ulo at hindi makahanap ng sisilungan. Sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin ng Diyos ang trabahong Kanyang nais na gawin: Binibigkas Niya ang Kanyang tinig at nagpapakalat ng ebanghelyo. Walang sinuman ang makakaarok sa lalim ng kaluwalhatian ng Diyos. Sa Tsina, isang bansa na itinuturing ang Diyos bilang isang kaaway, ang Diyos ay hindi kailanman tumigil sa Kanyang gawain. Sa halip, mas maraming tao ang tumanggap ng Kanyang mga gawain at salita, ginawa ng Diyos ang lahat ng Kanyang makakaya upang isalba ang bawat isa at ang bawat miyembro ng sangkatauhan. Pinagkakatiwalaan namin na walang bansa o kapangyarihan ang maaaring pumigil sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit. Yaong mga sumasawata sa gawain ng Diyos, nilalabanan ang salita ng Diyos, iniistorbo at pinapahina ang plano ng Diyos sa huli ay parurusahan ng Diyos. Siya na lumalabag sa gawain ng Diyos ay ipapadala sa impiyerno; anumang bansa na susuway sa gawain ng Diyos ay dapat puksain; alinmang bansa na tumayo upang tutulan ang gawain ng Diyos ay mawawala mula sa lupang ito, at ito'y titigil sa pag-iral. Hinihikayat Ko ang mga tao ng lahat ng nasyon, mga bansa, at kahit na mga industriya na makinig sa tinig ng Diyos, upang masdan ang gawa ng Diyos, upang bigyang-pansin ang kapalaran ng sangkatauhan, na ginagawa ang Diyos na kabanalbanalan, ang pinakakagalang-galang, ang pinakamataas, at ang tanging imahe ng pagsamba, at nagbibigay-daan sa buong sangkatauhan upang mamuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos, kung paanong ang mga inapo ni Abraham ay nanirahan sa ilalim ng pangako ng Panginoon, at tulad ng kay Adan at Eba, na orihinal na ginawa ng Diyos, ay nanirahan sa Hardin ng Eden.
Ang gawain ng Diyos ay tulad ng makapangyarihang gumugulong na alon. Walang sinuman ang maaaring pumigil sa Kanya, at wala ni isang maaaring pumigil sa Kanyang mga yapak. Tanging ang mga taong nakinig nang mabuti sa Kanyang mga salita, at mga taong naghahanap at nauuhaw sa Kanya, ang maaaring sumunod sa Kanyang mga yapak at tanggapin ang Kanyang pangako. Ang mga taong hindi gagawa ay isasailalim sa napakalaking dilubyo at karapat dapat sa kaparusahan.
Mula sa:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento