2016-12-14

Dapat Ninyong Malaman Kung Paano Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw

Ang kabuuang gawain sa loob ng anim na libong taon ay unti-unting nagbago kasabay ng panahon. Ang mga pagbabago sa gawaing ito ay naganap ayon sa kalagayan ng buong mundo. Ang gawainsa pamamahala ng Diyos ay nagbago lang nang unti-unti ayon sa pagsulong ng sangkatauhan sa kabuuan; hindi pa ito binalak sa simula ng paglikha. Bago nilikha ang mundo, o matapositong likhain, hindi pa binalak ni Jehova ang unang yugto ng gawain, sa batas; ang pangalawang yugto ng gawain, sa biyaya; o ang pangatlong yugto ng gawain, ang panlulupig, na kung saan Siya ang gagawa muna kasama ang isang kalipunan ng tao--ang ilan ay mga inapo ng Moab, at mula rito lulupigin Niya ang buong sansinukob. Hindi Niya ipinahayag ang mga salitang ito matapos likhain ang mundo; hindi Niya ipinahayag ang mga salitang ito pagkatapos ng Moab, lalo't higit bago si Lot. Ang lahat ng Kanyang mga gawa ay naisagawa nang kusang-loob. Mismong ganito kung papaano sumulong ang Kanyang buong anim na libong taon ng gawaing paghatol; hindi Siya sumulat ng plano na katulad ng Paglalagom na Talaguhitan para sa Pagsulong ng Sangkatauhan bago Niya likhain ang mundo. Sa gawain ng Diyos, tuwiran Niyang ipinahahayag kung ano Siya; hindi Niya pinahihirapan ang Kanyang isipan upang gumawa ng plano. Mangyari pa, maraming propeta ang nagpahayag ng kanilang mga hula, ngunit hindi pa rin masasabi na ang gawa ng Diyos ay laging tiyak sa paggawa ng plano; ang mga hula ay ginawa ayon sa talagang gawa ng Diyos. Ang lahat ng gawa Niya ay ang pinakatunay na gawa. Isinasagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa pagsulong ng panahon, at isinasagawa Niya ang karamihan sa Kanyang talagang gawain ayon sa pagbabago ng mga bagay. Para sa Kanya, ang pagsasagawa ng gawain ay tulad ng pangangasiwa ng gamot sa isang sakit; Siya’y nagmamasid habang gumagawa; Siya ay gumagawa ayon sa mga nasubaybayan Niya. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, Siya ay may kakayahang magpahayag ng Kanyang sapat na karunungan at magpahayag ng Kanyang sapat na kasanayan; ipinakikita Niya ang Kanyang sapat na karunungan at sapat na kapangyarihan ayon sa gawa ng bukod-tangingpanahon na iyon at hinahayaan ang alinman sa mga tao na Kanyang ibinalik sa mga panahong iyon na makita ang Kanyang buong katangian. Tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao at isinasagawa ang gawain na kailangan Niyang gawin ayon sa mga kailangang isagawa sa bawat panahon; tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao ayon sa antas kung saan sila ay winasak ni Satanas. Ganito ang paraan nang unang nilikha ng Jehova si Adan at Eba nang sa gayon maihayag nila ang Diyos sa lupa at upang magkaroon ng Diyos sa mga likha, ngunit nagkasala si Eba matapos tuksuhin ng ahas; gayundin ang ginawa ni Adan, at magkasama nilang kinain ang bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Kaya, mayroong mga idinagdag na gawain si Jehova para sa kanila. Nakita Niya ang kahubaran nila at binalot ang kanilang katawan ng damit na gawa sa katad ng hayop. Matapos ito, sinabi Niya kay Adan "Sapagka't iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi Kong, Huwag kang kakain niyan; sumpain ang lupa dahil sa iyo ... hanggang sa ikaw ay bumalik sa lupa; sapagka't diyan ka kinuha: sapagka't ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi." Sa babae ay sinabi Niyang, "Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya'y papapanginoon sa iyo." Mula noon ay pinalayas Niya sila mula sa Hardin ng Eden at sila'y hinayaang mamuhay sa labas ng hardin, katulad ng ginagawa ngayon ng mga makabagong tao sa lupa. Nang nilikha ng Diyos ang tao sa simula,hindi Niya binalak na hayaang matukso ng ahas ang tao matapos siyang likhain at isinumpa ang tao at ang ahas. Wala talaga Siyang ganitong plano.; ito ay ang pagsulong lamang ng mga bagay na nagbigay sa Kanya ng bagong gawain sa mga nilikha. Matapos maisagawa ni Jehova ang gawain kina Adan at Eba sa lupa, ang sangkatauhan ay patuloy na sumulong sa loob ng ilang libong taon, hanggang " At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pag-iisip ngkanyang puso ay pawang lagi na lamang masama. At nagsisi ang Panginoon nanilalang Niya ang tao sa lupa, at nalumbay sa kanyang puso. ... Datapuwa't si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon." Sa oras na iyon si Jehova ay nagkaroon ng mas maraming bagong gawain, dahil ang sangkatauhan na Kanyang nilikha ay naging sobrang makasalanan matapos tuksuhin ng ahas. Sa kalagayan na ito, pinili ni Jehova ang pamilya ni Noe mula sa mga taong ito atkinahabagan sila, at isinagawa ang Kanyang gawain na wasakin ang mundo sa pamamagitan ng baha. Ang sangkatauhan ay nagpatuloy sa pagsulong sa ganitong paraan hanggang sa araw na ito, naging labis na tiwali, at nang ang pagsulong ng sangkatauhan ay umabot sa tuktok, ito rin ay ang magiging katapusan ng sangkatauhan. Mula sa simula hanggang sa katapusan ng mundo, ang katotohanan ng Kanyang gawa ay nanatili sa ganitong paraan. Ito ay katulad kung paanomauuri ang tao ayon sa kanilang klase; malayo sa bawat isang tao na itinalaga sa kalagayang kanilang kinabibilangan sa pinakasimula, ang mga tao ay unti-unting nabibilang sa mga kalagayan pagkatapos sumailalim sa pamamaraan ng pagsulong. Sa huli, kung sinuman ang hindi maililigtas ay ibabalik sa kani-kanilang "mga ninuno." Wala sa mga gawa ng Diyos sa sangkatauhan ang nakahanda na nang likhain ang mundo; sa halip, ang pagsulong ng mga bagay ang nagpahintulot sa Diyos na isagawa ang bawat hakbang ng Kanyang gawain sa sangkatauhan. Ito ay tulad nang kung paanong hindi nilikha ng Diyos na Jehova ang ahas upang tuksuhin ang babae. Hindi ito ang Kanyang tiyak na plano, o isang bagay na sinadya Niya; ang isa ay makapagsasabi na ito ay hindi inaasahan. Ito ang dahilan kung bakit pinalayas ni Jehova si Adan at Eba mula sa Hardin ng Eden at nangako na hindi na muli lilikha ng tao. Ngunit ang karunungan ng Diyos ay natuklasan lamang ng mga tao dahil sa pagkasimulang ito, katulad ng punto na aking sinabi kanina: "Ang Aking karunungan ay ginagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas." Kahit gaano naging tiwali ang sangkatauhan o kung paano sila tinukso ng ahas, mayroon pa ring karunungan si Jehova; kaya, naggugol Siya sa bagong Gawain mula nang nilkha Niya ang mundo, at wala sa mga hakbang ng gawaing ito ang naulit. Patuloy na nagsagawa ng mga balangkas si Satanas; patuloy na winawasak ni Satanas ang sangkatauhan, at patuloy na isinagawa ng Diyos na si Jehovah ang Kanyang madunong na gawain. Hindi Siya kailanman nabigo, at hindi Niya itinigil ang Kanyang gawain mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon. Matapos wasakin ni Satanas ang sangkatauhan, patuloy Siyang gumawa sa mga tao upang talunin ang Kanyang mga kaaway na naninira sa sangkatauhan. Magpapatuloy ang labanang ito mula sa simula hanggang sa katapusan ng mundo. Sa paggawa ng mga gawaing ito, hindi lamang Niya pinahintulutan ang sangkatauhan, nawinasak ni Satanas, upang magkamit ng Kanyang dakilang kaligtasan, pinahintulutan rin Niya ang sangkatauhan na makita ang Kanyang karunungan at kapangyarihan, at sa huli, hahayaan Niyang makita ng sangkatauhan ang Kanyang matuwid na katangian--pinarurusahan ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti. Nilalabanan Niya si Satanas hanggang sa araw na ito at hindi kailanman natalo, dahil Siya ay isang marunong na Diyos, at ang Kanyang karunungan ay nagagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas. Kaya hindi Niya lamang napasusunod ang lahat sa langit sa Kanyang kapangyarihan, nagagawa rin Niyang panatilihin ang lahat sa Kanyang paanan, at hindi huli sa lahat, napababagsak sa Kanyang kaparusahan ang mga gumagawa ng masama na nanghihimasok at nanggugulo sa sangkatauhan. Ang mga bunga ng Kanyang gawain at dulot ng karunungan Niya. Hindi Niya kailanman ipinakita ang Kanyang karunungan sa harap ng pag-iral ng sangkatauhan, dahil wala Siyang kaaway sa langit, sa lupa, o sa buong daigdig, at walang mga hukbo ng kadilimangsinakop ang anuman sa kalikasan. Matapos Siyang ipagkanulo ng arkanghel, nilikha Niya ang sangkatauhan sa lupa, at dahil sa sangkatauhan ay pormal Niyang sinimulan ang isang libong taong digmaan nila ni Satanas, isang arkanghel, isang digmaan na lalong umiigtingsa bawat magkakasunod na yugto. Ang kapangyarihan at karunungan Niya ay naroon sa bawat yugto. Tanging sa oras na ito ay makikita ng lahat ng nasa langit at lupa ang karunungan ng Diyos, kapangyarihan, at ang katotohanan ng Diyos. IsinasagawNiya pa rin ang gawain sa paraang tulad ng dati; bilang karagdagan, habang isinasagawa Niya ang Kanyang gawain, ipinapakita rin Niya ang Kanyang karunungan at kapangyarihan; pinahihintulutan Niya kayong makita ang katotohanan sa loob ng bawat yugto ng gawain, upang makita kung paano nga ba maipaliliwanag ang kapangyarihan ng Diyos, at higit sa lahat kung paano maipaliliwanag ang katotohanan ng Diyos.

Ang Gawain ng Diyos at Ang Gawain ng Tao


Gaano karami sa gawain ng tao ang gawain ng Banal na Espiritu at gaano karami ang karanasan ng tao? Kahit ngayon, masasabi na hindi pa rin maintindihan ng tao ang ganitong mga tanong, dahil hindi maintindihan ng tao ang mga simulain sa gawain ng Banal na Espiritu. Mangyari pa, ang gawain ng tao na sinasabi ko ay tumutukoy sa mga tao na taglay ang gawain ng Banal na Espiritu o ang mga taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Hindi ito ang gawain na nagmula sa kalooban ng tao kundi sa gawain ng mga apostol, manggagawa o mga karaniwang lalaki at babae na sakop ng gawain ng Banal na Espiritu. Dito, ang gawain ng tao ay hindi tumutukoy sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao kundi sa mga taong sakop ng simulain sa gawain ng Banal na Espiritu. Habang ang mga simulaing ito ay mga simulaing sakop ng gawain ng Banal na Espiritu, hindi ito katulad sa mga simulaing sakop ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang gawain ng tao ay may sangkap at simulain ng tao, at ang gawain ng Diyos ay may sangkap at simulain ng Diyos.

Tanging Ang Mga Kilala ang Diyos at Kanyang Mga Gawa Ang Makapagbibigay Kasiyahan sa Diyos



Ang 
gawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay may dalawang bahagi. Nang una Siyang naging laman, di Siya pinaniwalaan ni kinilala ng mga tao, anupat ipinako si Hesus sa krus. Sa pangalawang pagkakataon din, di pa rin naniwala sa Kanya o kinilala man lang Siya, at minsan pang ipinako si Kristo sa krus. Hindi ba’t ang tao ay kaaway ng Diyos? Kung hindi Siya kilala ng mga tao, paano sila magiging matalik na kaibigan sa Diyos? At paano sila nagkaroon ng kakayanang makapagbibigay-patotoo sa Diyos? Ang pagmamahal sa Diyos, ang paglilingkuran sa Kaniya, ang pagluluwalhati sa Kaniya – hindi ba ito mga mapanlinlang na kasinungalingan? Kung itutuon mo ang iyong buhay sa mga walang katunayan at di-praktikal na mga bagay na ito, hindi ba gumagawa ka nang walang kabuluhan? Paano ka magiging matalik na kaibigan ng Diyos kung hindi mo naman kilala kung sino ang Diyos? Hindi ba ang ganitong pagsisikap ay malabo at makadiwa? Hindi ba ito mapanlinlang? Paano ba maging matalik na kaibiganng Diyos? Ano ba ang makabuluhang kahalagahan ng pagiging matalik na kaibigan ng Diyos? Maaari ka bang maging matalik na kaibigan ng Espiritu ng Diyos? Kaya mo bang makita kung gaano kadakila at kabunyi ang Espiritu? Ang maging matalik na kaibigan ng di-nakikita at di-nahahawakang Diyos – hindi ba iyon malabo at makadiwa? Ano ang makabuluhang kahalagahan ng ganiyang pagsisikap? Hindi ba ang lahat ng ito ay mga mapanlinlang na kasinungalingan? Ang pinagsisikapan mo ay maging matalik na kaibigan ng Diyos, gayong sa totoo lang ikaw ay masunuring aso ni Satanas., dahil hindi mo kilala ang Diyos, at pinagsisikapan mo ang di-umiiral na “Diyos ng lahat ng mga bagay” na di-nakikita at di-nahahawakan at mula sa iyong mga sariling pagdidili-dili. Sa malabong pagsasalita, ang gayong “Diyos” ay si Satanas, at sapraktikal na pagsasalita, ito ay ikaw mismo. Matalik na kaibigan mo ang iyong sarili ngunit sinasabi mo na nagsisikap ka para maging matalik na kaibigan ng Diyos – hindi ba iyon isang paglalapastangan? Ano ang halaga ng gayong pagsisikap? Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi naging laman, ang sangkap ng Diyos mismo ay magiging di-nakikita, di-nahahawakang Espiritu, walang anyo at walang hugis, di-malapitan at di-maunawaan ng mga tao. Paano magiging matalik na kaibigan ng tao ang isang walang katawankamangha-mangha, at di-maarok na Espiritu na gaya nito? Hindi ba ito isang biro? Ang ganitong kakatuwang pangangatuwiran ay hindi tama at hindi praktikal. Ang nilikhang mga tao ay ibang-iba sa Espiritu ng Diyos, kaya paano sila magiging matalik na magkaibigan? Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi nagkatawan, kung ang Diyos ay hindi nagpakumbaba upang maging laman, ang mga tao ay walang kakayanan at hindi magiging matalik na kaibigan ng Diyos, at maliban sa mga taong maka-Diyos, karamihan ng tao ay hindi maaaring maging matalik na kabigan ng Diyos. At kung nais ng tao na maging matalik na kaibigan ng Diyos sa langit sa ilalim ng gabay ng Diyos na nagkatawang-tao, hindi ba siya isang kataka-takang hangal na hindi puwedeng ituring na tao? Ang mga tao ay nagsusumikap magpamalas ng “katapatan” sa isang di-nakikitang Diyos, at hindi nagtutuon ni katiting na pansin sa nakikitang Diyos sapagkat madaling magsikap sa isang di-nakikitang Diyos – maaari itong gawin ng tao ayon sa gusto niya. Ngunit ang gawain ng nakikitang Diyos ay hindi madali. Ang mga tao na naghahanap sa isang malabong Diyos ay isa na hindi matatamo ang Diyos sapagkat lahat ng malabo at di-maintindihang mga bagay ay iniisip lamang ng mga tao, at hindi nila maaaring matamo. Kung ang Diyos na pumarito sa inyo ay mataas at matayog na Diyos na hindi mo maaabot, paano mo mahahanap ang Kaniyang kalooban? At paano mo Siya makikilala at mauunawaan? Kung ginawa lamang Niya ang Kaniyang gawain, at nagkaroon ng karaniwang ugnayan sa tao, at walang taglay na karaniwang pang-sangkatauhan at hindi malapitan ng mga taong mamamatay, kahit na marami Siyang ginawa para sa iyo ngunit wala kang pakikipag-ugnayan sa Kaniya, paano mo Siya makikilala? Kung hindi dahil sa taglay na karaniwang pang-sangkatauhan, hindi makikilala ng tao ang Diyos; ito lamang ay dahil sa pagkakatawang-tao ng Diyos kaya ang mga tao ay may kakayanang maging matalik na kaibigan ng Diyos. Ang mga tao ay nagiging matalik na kabigan ng Diyos dahil nakikipag-ugnayan sila sa Kaniya, sapagkat naninirahan silang kasama Siya, at utay-utay na kinikilala Siya. Kung hindi ito ganoon, hindi ba ang pagsisikap ng mga tao ay walang kabuluhan? Sa madaling salita, hindi lamang dahil sa mga gawain ng Diyos kung kaya ang mga tao ay maaaring maging matalik na kaibigan Niya, kundi sa katunayan at karaniwang Diyos na nagkatawang-tao. Ito ay dahil sa nagkatawang-tao ang Diyos kaya ang mga tao ay nagkaroon ng pagkakataon upang gawin ang kaniyang tungkulin, at pagkakataon upang paglingkuran ang Diyos. Hindi ba ito ang pinakatunay at praktikal na katotohanan? Ngayon, nais mo pa bang maging matalik na kaibigan ng Diyos na nasa langit? Tanging dahil nagpakababa ang Diyos hanggang sa maaasahang antassa madaling sabi, dahil Siya ay nagkatawang-tao, ang mga tao ay maaaring maging matalik na kaibigan Niya. Ang Diyos ay Espiritu: Paano magkakaroon ng kakayanan ang tao na maging matalik na kaibigan Niya, na napakataas at di-maarok? Tanging noong naging laman ang Espiritu ng Diyos sa kaanyuan ng tao, kaya lamang kayangunawain ng mga tao ang Kaniyang kalooban at talagang matamo Niya. Siya ay nagsasalita at kumikilos sa laman, nakikihati sa kaligayahan, kalungkutan at kapighatian ng mga tao, naninirahang kasama nila, iniingatan sila, ginagabayan sila, anupat nililinis Niya sila, at hinahayaang matamo ng mga tao ang kaligtasan at mga pagpapala Niya. Taglay ang ganitong mga bagay, mauunawaan ng mga tao ang kalooban ng Diyos, at maaari silang maging matalik Niyang kaibigan. Natatanging ito ang praktikal. Kung ang Diyos ay di-nakikita at di-nauunawaan ng mga tao, paano sila magiging matalik na kaibigan Niya? Hindi ba ito isang hungkag na katuruan?

Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Panahon

Ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala na ginawa ng Diyos ay malapit nang magwakas, at ang pintuan ng kaharian ay ibinukas na para sa kanilang mga nagnanais makita ang kaanyuan ng Diyos. Mga mahal na kapatid, ano pa ang hinihintay ninyo? Ano ang hinahanap ninyo? Kayo ba ay naghihintay na magpakita ang Diyos? Kayo ba ay naghahanap ng mga yapak ng Diyos? Talagang lubos na pinanabikan ang kaanyuan ng Diyos! At talagang napakahirap hanapin ang mga yapak ng Diyos! Sa panahon ngayon, sa mundong ito, ano ang nararapat nating gawin upang masaksihan natin ang araw ng pagpapakita ng Diyos? Ano ang nararapat nating gawin upang masundan ang mga yapak ng Diyos? Ang mga katanungang ito ay hinaharap ng lahat ng naghihintay ng pagpapakita ng Diyos. Naisip ninyo na ang lahat ng mga ito hindi lang isang beses – ngunit ano ang natamo? Saan nagpapakita ang Diyos? Saan ang mga yapak ng Diyos? Natagpuan ba ninyo ang mga sagot? Marami sa mga sagot ng tao ay ganito: Ang Diyos ay nagpapakita sa mga sumusunod sa Kanya at ang Kanyang mga yapak ay narito sa atin; ganyan lamang kapayak! Kahit sino ay makapagbibigay ng tuntuning sagot, ngunit naiintindihan ba ninyo kung ano ang kaanyuan ng Diyos at kung ano ang mga yapak ng Diyos? Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang personal na pagdating sa lupa upang gampanan ang Kanyang gawain. Dala ang Kanyang pakakakilanlan at katangian, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumaba sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain sa pagumpisa ng isang panahon at wakasan ang isang panahon. Ang pagpapakitang-anyo na ito ay hindi isang uri ng seremonya. Ito ay hindi senyales, larawan, himala, o magarbong pangitain, at lalong hindi ito isang relihiyosong pamamaraan. Ito ay isang tunay at makatotohanang bagay na maaaring hawakan at makita. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi upang sumunod lamang sa isang pamamaraan, o para sa isang panandaliang panukala; ito ay, sa halip, para sa kapakanan ng isang larangan ng gawain sa Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakita ng Diyos ay laging makabuluhan, at ito ay laging karugtong ng Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakitang ito ay lubos na naiiba sa pagpapakita ng patnubay ng Diyos, pamumuno, at pagpapaliwanag sa tao. Ang Diyos ay maraming natatapos na gawain sa tuwing ihahayag Niya ang Kanyang sarili. Ang gawaing ito ay naiiba sa alinmang mga panahon. Hindi ito lubos na maisip ng tao, at hindi rin ito naranasan ng tao. Ito ay gawain na naguumpisa ng bagong panahon at nagwawakas ng lumang panahon, at ito ay isang bago at mas mahusay na uri ng gawain, para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Iyan ang kahalagahan ng pagpapakita ng Diyos.

Ang Dagundong ng Pitong Kulog—Nangangahula Na ang Kaharian ng Ebanghelyo ay Lalaganap sa Buong Sansinukob

Pinapalaganap Ko ang Aking gawa sa mga bansang Hentil. Sa buong sansinukob ay kumikislap ang Aking kaluwalhatian; ang Aking kalooban ay nasa pagpapakalat ng mga tao, lahat ay pinakikilos ng Aking kamay at isinasagawa ang kilos na Aking pinapalaganap. Magmula ngayon, papasok Ako sa isang makabagong panahon at dadalhin ang lahat ng tao sa ibang mundo. Kapag bumalik Ako sa Aking “lupang tinubuan,” magsisimula Ako ng isa pang bahagi ng gawa na nasa orihinal Kong plano, upang ang tao ay humayo nang higit pang malaman ang tungkol sa Akin. Isinasaalang-alang Ko ang sansinukob sa kabuuan nito at nakikita na[a] ito ay isang magandang pagkakataon para sa Aking gawa, kaya’t naglalakbay Ako paroon at parito upang gawin ang Aking bagong tungkulin sa tao. Tutal naman, ito ay isang bagong panahon, at nagdudulot Ako ng bagong gawa upang dalhin ang maraming tao na bago sa panibagong panahon at upang palayasin ang marami sa mga dapat Kong alisin. Sa bayan ng dakilang pulang dragon, nagsasagawa Ako ng isang yugto ng Aking gawa na hindi maarok ng tao at magdudulot sa kanila na manginig sa hangin, pagkatapos noon ay marami ang tahimik na maaanod paalis sa pag-ihip ng hangin. Ito ay ang “giikan” na nais Kong linisin; ito ay ang Aking hangad at ito rin ay Aking plano. Ito ay dahil maraming masasamang nilalang ang tahimik na lumipat habang Ako ay kumikilos, ngunit hindi Ako nagmamadali na sila ay palayasin. Bagkus, marapat Ko silang hawiin sa tamang panahon. Pagkatapos lang noon Ako ay magiging bukal ng buhay, upang ang mga tunay na nagmamahal sa Akin ay makatanggap mula sa Akin ng bunga ng puno ng igos at ang samyo ng lila. Sa lupain kung saan naninirahan nang panandalian si Satanas, ang disyerto, ay walang purong ginto, kundi buhangin lamang. Sa harap nito, nagsasagawa Ako ng nasabing yugto ng Aking gawa. Dapat ninyong malaman na ang Aking nakukuha ay puro, pinong ginto, at hindi buhangin. Paanong mananatili ang mga masasama sa Aking pamamahay? Paano Kong pahihintulutan ang mga soro na maging peste sa Aking paraiso? Gumagamit Ako ng lahat ng posibleng paraan upang sila ay mapaalis. Bago mabunyag ang Aking kalooban, walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang Aking nais gawin. Gamit ang oportunidad na ito, iwinawaksi Ko ang mga masasama, at napilitan silang Ako ay iwan. Ito ang Aking ginagawa sa mga masama, ngunit mayroon pa ring araw para sa kanila na maghandog ng kanilang serbisyo para sa Akin. Ang pagnanais ng tao para sa mga pagpapala ay malabis; sa gayon ay iginagalaw ko ang Aking katawan at ipinapakita ang Aking maluwalhating mukha sa mga Hentil upang ang mga tao ay manirahan sa isang mundo nang sila lang at humusga sa kanilang mga sarili, habang winiwika Ko ang mga salita na dapat Kong sabihin at binibigyan ang mga tao ng kanilang pangangailangan. Kapag ang mga tao ay natauhan na, matagal Ko nang naisakatuparan at naipalaganap ang Aking gawa. Pagkatapos, ihahayag Ko ang Aking kalooban sa mga tao, at simulan ang pangalawang bahagi ng Aking gawa para sa tao, hinahayaan ang lahat ng tao na sundan Ako nang malapitan upang makiisa sa Aking gawa, at hinahayaan silang gawin sa abot ng kanilang makakaya ang gawain kasama Ako na marapat kong isakatuparan.

Paano Ninyo Dapat Harapin ang Inyong Hinaharap na Misyon

Maaari ninyo bang ihayag ang katauhan ng Diyos ng panahon na akma sa wika na naaayon sa panahon? Sa pamamagitan ng inyong karanasan ng gawain ng Diyos, maaari ninyo bang detalyadong ilarawan ang katauhan ng Diyos? Paano ninyo mailalarawan ito nang agpang at angkop? Upang sa pamamagitan nito, maaaring matuto ang iba tungkol sa inyong mga karanasan. Paano ninyo ipapasa ang mga namamasdan at karanasan sa mga nakakaawa, dukha, at debotong relihiyosong sumasampalataya na gutom at uhaw sa katwiran at naghihintay sa inyo nagabayan sila? Anong uri ng mga tauhan ang naghihintay sa inyo upang gabayan sila? Maaari ninyo bang isalarawan? Nababatid ninyo ang pasanin na inyong pinapasan, ang inyong iniatang na gawain, at inyong pananagutan? Nasaan ang inyong makasaysayang diwa ng misyon? Paano kayo magsisilbi bilang isang mabuting panginoon para sa susunod na panahon? Mayroon ba kayong dakilang diwa ng pagiging panginoon? Paano ninyo ipapaliwanag ang panginoon ng lahat ng mga bagay? Ito ba ay tunay na panginoon ng lahat ng mga nilalang at lahat ng mga sangkap sa mundo? Ano ang mga plano na mayroon kayo para sa pagsulong ng susunod na hakbang ng gawain? Ilang mga tao ang naghihintay sa inyo bilang kanilang pastol? Ang gawain ninyo ba ay mabigat? Sila ay dukha, kaawa-awa, bulag, at nawawala, naghuhumiyaw sa kadiliman, “Nasaan ang daan?” Paanong nananabik sila sa liwanag, tulad ng isang bulalakaw, upang biglang bumulusok at pagwatak-watakin ang pwersa ng kadiliman na nang-api sa mga tao sa loob ng maraming taon. Sino ang nakaaalam kung paanong balisa silang umaasa, at paanong umaasam sila araw at gabi para rito? Ang mga taong ito na labis na naghihirap ay nananatiling nakabilanggo sa mga piitan ng kadiliman, walang pag-asang makawala, kahit sa araw na kumikislap ang liwanag; kailan sila hindi na magpapalahaw? Ang mga marurupok na espiritung ito na hindi kailanman napagkalooban ng pahinga ay tunay na nagdurusa ng gayong masamang kapalaran. Matagal na silang napagsarahan ng mga walang awang lubid at ang kasaysayan na nagyelo na sa lugar. Sino kahit minsan ang nakarinig ng huni ng kanilang pagtaghoy? Sino ang kahit minsan ay nakakita ng kanilang kaawa-awang itsura? Naisip ninyo ba kung gaano namighati at balisa ang puso ng Diyos? Paano Niyang matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan na nilikha Niya ng Kanyang sariling mga kamay na dumaranas ng gayong pagdurusa? Pagkatapos ng lahat, ang sangkatauhan ay ang mga busabos na nilason. Kahit na nakaligtas sila sa araw na ito, sino ang makaiisip na sila ay matagal ng nilason ng balakyot? Nakalimutan ba ninyong isa kayo sa mga biktima? Dala ng inyong pag-ibig sa Diyos, hindi ba kayo handang magpunyagi upang iligtas ang mga taong nakaligtas? Hindi ba kayo handang gamitin ang lahat ng inyong pagpupunyagi upang gantihan ang Diyos na inibig ang sangkatauhan tulad ng Kanyang laman at dugo? Paano ninyo bibigyang kahulugan ang pagkasangkapan sa inyong Diyos upang isabuhay ang inyong pambihirang buhay? Talaga bang mayroon kayong pagpapasiya at tiwala sa sarili na isabuhay ang isang makahulugang buhay ng isang taong banal at nagsisilbi sa Diyos?


http://www.osheep.com/filipino/how-should-you-attend-to-your-future-mission-2.html


Paano Malalaman ang Katangian ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain


Una, umawit tayo ng isang himno: Ang Awit ng Kaharian (I) Ang Kaharian ay bumaba sa Mundo
Saliw: Masayang nagbubunyi ang mga tao sa Diyos, pinupuri Siya ng mga tao, nagpapahayag ang mga tinig tungkol sa nag-iisang tunay na Diyos, ang kaharian ay bumaba sa mundo.
1. Masayang nagbubunyi ang mga tao sa Diyos, pinupuri Siya ng mga tao, nagpapahayag ang mga tinig tungkol sa nag-iisang tunay na Diyos, tumitingala ang hindi mabilang na mga tao sa Kanyang mga gawa. Ang kaharian ay bumaba sa mundo, at ang tao ng Diyos ay mayaman at sagana, mayaman at sagana. Sino ang hindi mangagalak para dito (sino ang hindi mangagalak para dito)? Sino ang hindi sasayaw para dito (sino ang hindi sasayaw para dito)? Sion (Sion), Sion (Sion), itaas ang iyong bandila ng tagumpay upang magdiwang para sa Diyos! Kantahin mo ang iyong awit ng tagumpay upang maikalat ang banal na pangalan ng Diyos! O lahat ng mga bagay sa pinakadulo ng lupa, linisin agad ninyo ang inyong mga sarili upang ialay sa Diyos, upang ialay sa Diyos! O mga bituin sa kalangitan, bumalik kayo agad sa inyong orihinal na mga posisyon upang ipakita ang kapangyarihan ng Diyos sa mga langit! Taimtim na nakikinig ang Diyos sa mga tinig ng tao sa lupa; ibinubuhos nila ang walang hanggang pag-ibig at paggalang sa Diyos sa kanilang mga kanta! Sa araw kapag muling ipanganak ang lahat ng mga bagay, personal na darating ang Diyos sa mundo, personal na darating sa mundo, at sa pagkakataon na ito, mamumukadkad ang mga bulaklak, aawit ang mga ibon, at ang lahat ng mga bagay ay puno ng kagalakan! Mamumukadkad ang mga bulaklak, aawit ang mga ibon, at ang lahat ng mga bagay ay puno ng kagalakan! Sa pagkakataong ito, guguho ang kaharian ni Satanas sa tunog ng pagpugay ng kaharian ng Diyos, at mawawasak sa ugong ng awit ng kaharian, hindi na ito muling babangon pa!

Ang Gawain ng Diyos, Ang Katangian ng Diyos, at Ang Diyos Mismo I


Sa araw na ito tayo ay magpapahayag ng isang mahalagang paksa. Ito ay isang paksa na tinalakay na mula pa noong simula ng gawain ng Diyos maging hanggang ngayon, at ito ay may napakahalagang kabuluhan para sa bawat tao. Sa madaling salita, ito ay isang suliranin na haharapin ng lahat sa buong proseso ng kanilang pananampalataya sa Diyos at isang suliranin na dapat ay bigyang-pansin. Ito ay napakahalaga, di-maiiwasan na suliranin kung saan ay hindi kaya ng sangkatauhan na ihiwalay ang kanyang sarili mula dito. Kung pag-uusapan ang kahalagahan, ano ang pinakamahalagang bagay para sa bawat mananampalataya sa Diyos? Ang palagay ng ilan, ang pinakamahalagang bagay ay ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa paniniwala ng ilan ang pinakamahalaga ay ang makakain at makainom ng mas marami pang mga salita ng Diyos; sa pakiramdam naman ng iba ang pinakamahalagang bagay ay ang makilala ang kanilang mga sarili; sa iba naman ay ang opiniyon na ang pinakamahalagang bagay ay ang malaman kung paano mahahanap ang kaligtasan sa pamamagitan ng Diyos, paano ang susunod sa Diyos, at paano matutupad ang kalooban ng Diyos. Isasantabi nating lahat ang mga suliraning ito para sa araw na ito. Kaya ano ang tatalakayin natin kung ganoon? Ang tatalakayin natin ay isang paksa tungkol sa Diyos. Ito ba ang pinakamahalagang paksa para sa bawat tao? Ano ang nilalaman ng isang paksa na tungkol sa Diyos? Siyempre, tiyak na hindi maihihiwalay ang paksang ito sa katangian ng Diyos, sa diwa ng Diyos, at sa gawain ng Diyos. Kaya sa araw na ito, tatalakayin natin “Ang Gawain ng Diyos, Ang Katangian ng Diyos, at Ang Diyos Mismo.”

Tanging ang mga Ginawang Sakdal ang Maaari Mamuhay ng Makahulugang Buhay


Sa totoo lang, ang gawain na ginagawa ngayon ay upang talikdan ng mga tao si Satanas, talikdan ang kanilang dating ninuno. Nilalayon ng lahat ng mga paghatol ayon sa salita na ilantad ang tiwaling pag-uugali ng sangkatauhan at mangyaring maipaunawa sa mga tao ang kahulugan ng buhay. Ang paulit-ulit na mga paghatol ay tumatagos lahat sa puso ng mga tao. Nakaaapekto ang bawat paghatol sa kanilang kapalaran at sinadyang sugatan ang kanilang mga puso upang mapakawalan nila ang lahat ng mga bagay na iyon at sa gayon mapanuto sa buhay, malaman ang maruming mundong ito, at malaman din ang karunungan at kapangyarihan ng Diyos at malaman ang sangkatauhang ito na dinungisan ni Satanas. Habang nararagdagan ang ganitong uri ng parusa at paghatol, lalong masusugatan ang puso ng tao at lalong magigising ang kanyang espiritu. Ang layunin ng mga ganitong uri ng paghatol ay ang paggising sa mga espiritu ng mga lubhang tiwali at pinakanalinlang sa mga tao. Walang espiritu ang tao, sa madaling sabi, namatay ang kanyang espiritu sa matagal na panahong nakalipas at hindi niya alam na may langit, hindi alam na may Diyos, at tiyak na hindi batid na siya ay nagpupumiglas sa kailaliman ng kamatayan; paano niya posibleng malalaman na siya ay namumuhay sa buktot na impiyerno sa daigdig? Paano niya posibleng malalaman na ang nabubulok na bangkay niya ay, sa pamamagitan ng katiwalian ni Satanas, ay nahulog sa Hades ng kamatayan? Paano niya posibleng malaman naang lahat ng bagay sa daigdig ay matagal nang sira na hindi na makukumpuni ng sangkatauhan? At paano niya posibleng malaman na ang Maykapal ay dumating sa daigdig sa kasalukuyan at naghahanap ng isang grupo ng mga tiwaling tao na Kanyang ililigtas? Maranasan man ng tao ang bawat posibleng pagdalisay at paghatol, ang kanyang mapurol na kamalayan ay bahagya pang napukaw at tila walang tugon. Napakasama ng sangkatauhan! Bagaman ang ganitong paghatol ay tulad ng malupit na graniso na nahuhulog mula sa kalangitan, ito ang pinakadakilang pakinabang sa tao. Kung hindi sa paghatol sa mga tao na tulad nito, walang resulta at walang pasubali na imposibleng iligtas ang mga tao sa kailaliman ng paghihirap. Kung hindi dahil sa gawaing ito, magiging napakahirap para sa mga tao na lumabas mula sa Hades dahil ang kanilang mga puso ay namatay sa matagal ng panahon at ang kanilang mga espiritu ay matagal ng niyurakan ni Satanas. Ang pagligtassa inyo na lumubog sa kailaliman ng kasamaan ay humihiling na walang humpay na tawagan kayo, na walang humpay na hatulan kayo, at sa gayon lamang na ang nagyeyelong puso ninyo ay magigising. Ang inyong laman, ang inyong mga mararangyang pagnanasa, ang inyong kasakiman, at ang inyong kalibugan ay malalim na nakaugat sa inyo. Ang mga bagay na ito ay walang tigil na kumokontrol sa inyong mga puso na kayo ay walang kapangyarihan na itakwil ang yugto ng mga piyudal at masasamang kaisipang iyon. Hindi kayo nananabik na baguhin ang inyong kasalukuyang sitwasyon, ni takasan ang impluwensiya ng kadiliman. Kayo ay simpleng nakatali sa mga bagay na iyon. Kahit na alam ninyo na ang gayong buhay ay lubhang nakasasakit at ang gayong mundo ay napakadilim, magkagayonman, walang ni isa man sa inyo ang may tapang na baguhin ang ganitong uri ng buhay. Nananabik lamang kayo na tumakas sa ganitong tunay na buhay, pakawalan ang inyong mga kaluluwa mula sa purgatoryo, at mamuhay sa isang kapaligirang mapayapa, maligaya, at katulad ng langit. Hindi kayohandang batahin ang mga kahirapan upang baguhin ang inyong kasalukuyang buhay; hindi kayo handang hanapin sa loob ng paghatol at parusa na ito para sa buhay na dapat ninyong pasukan. Sa halip, nangangarap kayo ng mga hindi makatotohanang pangarap tungkol sa magandang mundo sa ibayo ng laman. Ang buhay na pinananabikan ninyo ay isa na walang pagpupunyagi ninyong makakamit nang hindi makararanas ng anumang kirot. Iyan ay ganap na wala sa katotohanan! Dahil kung ano ang inyong inaasahanay hindi ang isabuhay ang makahulugang haba ng buhay sa laman at matamo ang katotohanan sa buong haba ng buhay, alalaong baga, upang mamuhay para sa katotohanan at tumayo para sa katarungan. Hindi ito ang dapat isaalang-alang ninyona isang maningning, nakasisilaw na buhay. Naramdaman ninyona ito ay hindi kahali-halina o makahulugang buhay. Sa inyo, ang pagsasabuhay ng gayong buhay ay tunay na pagmamaliit ng inyong sarili! Kahit na tinanggap ninyo ang ganitong parusa sa kasalukuyan, magkagayonman kung ano ang inyong hinahangad ay hindi upang makamit ang katotohanan o mamuhay sa katotohanan sa kasalukuyan ngunit sa halip upang makapasok sa isang maligayang buhay sa ibayo ng laman sa kinalaunan. Kayo ay hindi naghahanap ng katotohanan, hindi naninindigan para sa katotohanan, at tiyak na kayo ay hindi nabubuhay para sa katotohanan. Hindi kayonaghahangadsa pagpasok sa kasalukuyan, ngunit walang tigil na nag-iisp na may darating na araw kapag tumitingin kayo sa bughaw na kalangitan at umiyak ng mga mapapait na luha, umaasang dadalhin sa langit. Hindi ninyo ba alam na ang gayong pag-iisip ay wala na sa katotohanan? Nanatili kayong nag-iisip na ang Tagapagligtas ng walang hanggang kabaitan at malasakit ay walang dudang darating isang araw na kukunin kayong kasama Niya, kayo na bumata ng kahirapan at pagdurusa sa mundong ito, at na walang dudang maghihiganti para sa inyo na nabiktima at inapi. Hindi ba kayo lipos ng kasalanan? Kayo lamang ba ang nagdurusa sa mundong ito? Nahulog kayo mismo sa kaharian ni Satanas at dumanas, at magkagayonman kailangan ninyo ng Diyos upang ipaghiganti kayo? Yaong mga hindi mabigyang kasiyahan ang mga pangangailangan ng Diyos—sila bang lahat ay mga kaaway ng Diyos? Yaong mga hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao—hindi ba sila ang antikristo? Ano ang silbi ng inyong mga mabubuting gawa? Mapapalitan ba nila sa lugar ang isang puso na sumasamba sa Diyos? Hindi ninyo matatanggap ang biyaya ng Diyos sa paggawa ng ilang mga mabubuting gawa, at hindi ipaghihiganti ng Diyos ang mga pagkakasala laban sa inyo dahil lamang sa nabiktima o inapi kayo. Yaong mga naniniwala sa Diyos ngunit hindi kilala ang Diyos, ngunit gumagawa ng mga mabubuting gawa—hindi rin ba sila pinarurusahan? Naniniwala lamang kayo sa Diyos, gusto ninyo lamang sa Diyos na ituwid at ipaghiganti ang mga pagkakasala laban sa inyo, at nagnanais na bigyan kayo ng Dios ng pagtatakasan mula sa inyong kahirapan. Ngunit tumatanggi kayong magbigay pansin sa katotohanan; ni nauuhaw na isabuhay ang katotohanan. Lalong mas mahirap na kayanin ninyong tumakas sa mahirap, walang katuturang buhay. Sa halip, habang isinasabuhay ang inyong buhay sa laman at inyong buhay sa kasalanan, umaasa kayo sa Diyos na itama ang inyong mga karaingan at hawiin ang hamog ng inyong pag-iral. Paano ito naging posible? Kung tinataglay ninyo ang katotohanan, maaari ninyong sundan ang Diyos. Kung isinasabuhay ninyo, maaaring kayo ay kahayagan ng salita ng Diyos. Kung tinataglay ninyo ang buhay, malalasap ninyo ang biyaya ng Diyos. Yaong mga nagtataglay ng katotohanan ay maaaring lumasap ng biyaya ng Diyos. Tinitiyak ng Diyos ang pagtutuwid para sa mga taong buong pusong iniibig Siya gayundin ang pagbata sa mga kahirapan at pagdurusa, hindi para sa mga taong iniibig lamang ang kanilang mga sarili at nasilo ng mga panlilinlang ni Satanas. Paano magkakaroon ng kabutihan sa mga taong hindi umiibig sa katotohanan? Paano magkakaroon ng katwiran sa mga taong iniibig lamang ang laman? Hindi ba ang katwiran at kabutihan ay lahat sumasangguni sa katotohanan? Hindi ba sila nakalaan sa mga taong buong pusong iniibig ang Diyos? Yaong mga hindi umiibig sa katotohanan at na walang iba kundi mga nabubulok na bangkay—hindi ba ang lahat ng mga taong ito kumukupkop sa balakyot? Yaong mga hindi kayang isabuhay ang katotohanan—hindi ba silang lahat ay mga kaaway ng katotohanan? At ano ang nangyayari sa inyo?