Ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala na ginawa ng Diyos ay malapit nang magwakas, at ang pintuan ng kaharian ay ibinukas na para sa kanilang mga nagnanais makita ang kaanyuan ng Diyos. Mga mahal na kapatid, ano pa ang hinihintay ninyo? Ano ang hinahanap ninyo? Kayo ba ay naghihintay na magpakita ang Diyos? Kayo ba ay naghahanap ng mga yapak ng Diyos? Talagang lubos na pinanabikan ang kaanyuan ng Diyos! At talagang napakahirap hanapin ang mga yapak ng Diyos! Sa panahon ngayon, sa mundong ito, ano ang nararapat nating gawin upang masaksihan natin ang araw ng pagpapakita ng Diyos? Ano ang nararapat nating gawin upang masundan ang mga yapak ng Diyos? Ang mga katanungang ito ay hinaharap ng lahat ng naghihintay ng pagpapakita ng Diyos. Naisip ninyo na ang lahat ng mga ito hindi lang isang beses – ngunit ano ang natamo? Saan nagpapakita ang Diyos? Saan ang mga yapak ng Diyos? Natagpuan ba ninyo ang mga sagot? Marami sa mga sagot ng tao ay ganito: Ang Diyos ay nagpapakita sa mga sumusunod sa Kanya at ang Kanyang mga yapak ay narito sa atin; ganyan lamang kapayak! Kahit sino ay makapagbibigay ng tuntuning sagot, ngunit naiintindihan ba ninyo kung ano ang kaanyuan ng Diyos at kung ano ang mga yapak ng Diyos? Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang personal na pagdating sa lupa upang gampanan ang Kanyang gawain. Dala ang Kanyang pakakakilanlan at katangian, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumaba sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain sa pagumpisa ng isang panahon at wakasan ang isang panahon. Ang pagpapakitang-anyo na ito ay hindi isang uri ng seremonya. Ito ay hindi senyales, larawan, himala, o magarbong pangitain, at lalong hindi ito isang relihiyosong pamamaraan. Ito ay isang tunay at makatotohanang bagay na maaaring hawakan at makita. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi upang sumunod lamang sa isang pamamaraan, o para sa isang panandaliang panukala; ito ay, sa halip, para sa kapakanan ng isang larangan ng gawain sa Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakita ng Diyos ay laging makabuluhan, at ito ay laging karugtong ng Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakitang ito ay lubos na naiiba sa pagpapakita ng patnubay ng Diyos, pamumuno, at pagpapaliwanag sa tao. Ang Diyos ay maraming natatapos na gawain sa tuwing ihahayag Niya ang Kanyang sarili. Ang gawaing ito ay naiiba sa alinmang mga panahon. Hindi ito lubos na maisip ng tao, at hindi rin ito naranasan ng tao. Ito ay gawain na naguumpisa ng bagong panahon at nagwawakas ng lumang panahon, at ito ay isang bago at mas mahusay na uri ng gawain, para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Iyan ang kahalagahan ng pagpapakita ng Diyos.
Kasabay ng pag-unawa sa pagpapakita ng Diyos, paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos? Ang katanungang ito ay hindi mahirap ipaliwanag: Kung saan may pagpapakita ang Diyos, matutuklasan ninyo ang mga yapak ng Diyos. Ang ganitong mga paliwanag ay tahas, ngunit hindi madaling gawin, sapagkat marami ang mga tao na hindi nakaaalam kung saan magpapakita ang Diyos ng Kanyang Sarili, lalong hindi kung saan Niya nais na, o dapat na, ipakita ang Kanyang Sarili. Ang ilan ay pabigla-biglang naniniwala kung saan may gawain ng Espiritu Santo, nariyan ang pagpapakita ng Diyos. O kung hindi naman ay naniniwala sila kung nasaan ang mga kilalang espirituwal na tao, nariyan ang pagpapakita ng Diyos. Sa ngayon, huwag nating pagtalunan kung ang mga paniniwalang ito ay tama o mali. Upang maipaliwanag ang tanong na ito, nararapat na malinaw ang pakay: Tayo ay naghahanap ng mga yapak ng Diyos. Hindi natin hinahanap ang mga espirituwal na namumuno, lalong hindi natin sinusundan ang mga sikat na namumuno; tayo ay sumusunod sa mga yapak ng Diyos. Sa gayon, dahil tayo ay naghahanap ng mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, dahil ang mga salita ng Diyos, ang mga sinambit ng Diyos – na kung saan naroon ang mga bagong salita ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan naroon ang pamamahayag ng Diyos, naroon ang pagpapakita ng Diyos, at kung saan naroon ang pagpapakita ng Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Habang hinahanap ang mga yapak ng Diyos, ipinagwalang-bahala ninyo ang mga salitang “ Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” Nang maraming tao ang nakatanggap ng katotohanan, sila ay hindi naniniwala na nahanap nila ang mga yapak ng Diyos at lalong hindi nila tinatanggap ang pagpapakita ng Diyos. Napakalubhang pagkakamali iyon! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa paniniwala ng tao, lalong hindi magpapakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay may sariling isip at Siya ay may sariling mga balak kapag Siya ay kumikilos para sa Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at Kanyang mga paraan. Hindi mahalaga sa Kanya na ipaalam ang Kanyang mga gawain para sa tao o humiling ng payo sa tao, lalong hindi kailangang sabihin sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang mga gawain. Ito ang katangian ng Diyos at, bukod dito, dapat tanggapin ng lahat. Kung nais mong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, nararapat mo munang lampasan ang iyong kaisipan. Bagkus, dapat mong itanong kung paano mo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano mo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano ka dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos; iyan ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi taglay ang katotohanan, ang tao ay dapat magsaliksik, tumanggap, at sumunod.
Kahit na kayo ay isang Amerikano, Ingles, o kahit na ano pang lahi, nararapat ninyong hakbangan at lampasan ang inyong mga hangganan, lampasan ang inyong sarili, at dapat tingnan ang gawain ng Diyos bilang nilikha ng Diyos. Sa ganitong paraan, hindi ninyo dapat pigilan ang mga yapak ng Diyos. Dahil, ngayon, maraming mga tao ay naniniwalang imposibleng magpakita ang Diyos sa natatanging bansa o lugar. Tunay na taos at makabuluhan ang gawain ng Diyos, at tunay na mahalaga ang pagpapakita ng Diyos! Paano masusukat ang mga ito batay sa pang-unawa ng tao? At gayon sinasabi ko, kayo ay dapat kumawala sa pag-iisip batay sa inyong lahi o kultura kapag hinanap niyo ang anyo ng Diyos. Sa ganitong paraan, kayo ay hindi nakakulong sa sarili niyong pang-unawa; sa ganitong paraan, kayo ay magiging karapat-dapat salubungin ang pagpapakita ng Diyos. Kung hindi, kayo ay laging mananatili sa kadiliman, at hindi kailanman makakamtan ang pagsang-ayon ng Diyos.Ang Diyos ay Diyos ng lahat ng sangkatauhan. Hindi niya papayagang gawin Siyang sariling pag-aari ng sinumang bansa o lahi, at ginagawa ang Kanyang mga balak na hindi napipigil ng anumang uri, bansa, o lahi. Marahil hindi ninyo naisip itong anyo, o marahil ang bansa at lahi kung saan nagpakita ang Diyos ay tinanggihan at mga pinaka-hindi-pinalagong bansa sa mundo. Ngunit ang Diyos ay may katalinuhan. Sa Kanyang kapangyarihan at sa pamamagitan ng Kanyang katotohanan at katangian, Siya ay tunay na nakalikom ng isang pangkat ng mga tao na sumasang-ayon sa Kanya. At Siya ay nakalikom ng isang pangkat ng mga tao na nais Niyang gawin: isang pangkat na sinakop Niya, silang nagtiis ng mga matinding pagsubok at lahat ng uri ng pag-uusig at kaya Siyang sundin hanggang sa kahuli-hulian. Ang layunin ng pagpapakita ng Diyos na malaya sa pamimigil ng kahit na anong uri o bansa ay upang matapos Niya ang gawaing alinsunod sa Kanyang plano. Halimbawa, nang ang Diyos ay nagkatawang-tao sa Hudea, ang Kanyang pakay ay tapusin ang gawain ng pagpapako sa krus upang tubusin ang sangkatauhan. Ngunit ang mga Hudyo ay naniniwala na imposibleng magawa ito ng Diyos, at iniisip nila na imposibleng magkatawang-tao ang Diyos sa anyo ng Panginoong Hesus. Ang “imposible” ang naging batayan ng kanilang paghatol at pagkontra sa Diyos, at sa huli, humantong sa kapahamakan ng Israel. Ngayon, maraming mga tao ang nakagawa ng parehong pagkakamali. Walang bahala nilang hinahayag ang nalalapit na pagpapakita ng Diyos, ngunit sila rin ang humahatol sa Kanyang pagpapakita; ang kanilang “imposible” ang muling nagkukulong ng pagpapakita ng Diyos batay sa kanilang isip. At sa gayon nakita ko na maraming tao ang tumatawa matapos nilang madatnan ang mga salita ng Diyos. Hindi ba ang pagtawang na ito ay walang pinagkaiba sa paghatol at pamumusong ng mga Hudyo? Hindi kayo taimtim sa pagharap sa katotohanan, lalong hindi ninyo hinahangad ang katotohanan. Kayo ay nag-aaral ngunit bulag at kampanteng naghihintay lamang. Ano ang mapapala ninyo sa pag-aaral at paghihintay nang ganito? Makukuha ba ninyo ang patnubay ng Diyos? Kung hindi ninyo maintindihan ang mga sinasambit ng Diyos, paano kayo magiging karapat-dapat na maging mga saksi sa pagpapakita ng Diyos? Kung saan magpapakita ang Diyos, naroon ang pamamahayag ng katotohanan, at naroon ang tinig ng Diyos. Sila lamang na makatatanggap ng katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at silang uri ng tao lamang ang magiging karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos. Isantabi ninyo ang inyong mga paniniwala! Huminto kayo at dahan- dahan ninyong basahin ang mga salitang ito. Kung hahangarin ninyo ang katotohanan, paliliwanagan kayo ng Diyos upang maunawaan ninyo ang Kanyang kalooban at Kanyang mga salita. Isantabi ninyo ang inyong pananaw na “imposible”! Habang naniniwala ang mga tao na ang isang bagay ay imposible, mas lalong maaari itong mangyari, sapagkat ang katalinuhan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang naiisip ng Diyos ay mas higit pa sa mga naiisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay lampas pa sa kakayanan ng katalinuhan at kaisipan ng tao. Kapag ang isang bagay ay imposible, lalong higit na dapat hanapin ang katotohanan; kapag ang isang bagay ay lampas sa pag-unawa at pagkawari ng tao, lalong higit na ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos. Dahil kahit saan pa ipakita ng Diyos ang Kanyang sarili, ang Diyos ay nananatiling Diyos, at ang kanyang sangkap ay hindi magbabago dahil lamang sa lugar o paraan ng Kanyang pagpapakita. Ang katangian ng Diyos ay nananatili kahit saan pa man mapunta ang Kanyang mga yapak. Kahit saan pa man ang mga yapak ng Diyos, Siya ang Diyos ng sangkatauhan. Halimbawa, ang Panginoong Hesus ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, kundi Diyos din ng lahat ng tao sa Asya, Europa, at Amerika, lalo na ang tanging Diyos ng buong sansinukuban. Kaya hanapin natin ang kalooban ng Diyos at nang matuklasan ang Kanyang anyo mula sa Kanyang mga salita, at sundan ang Kanyang mga yapak! Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang mga salita at Kanyang anyo ay sabay na umiiral, at ang Kanyang pasiya at mga yapak ay laging malalapitan ng sangkatauhan. Mga mahal na kapatid, umaasa akong makita ninyo ang wangis ng Diyos sa mga salitang ito, at umpisahang sundan ang Kanyang mga yapak tungo sa bagong panahon, at tungo sa isang magandang bagong langit at bagong lupa na inihanda para sa mga naghihintay sa pagpapakita ng Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento