Upang makilala ang gawa ng Diyos sa mga panahong ito, kadalasa’y, upang makilala rin kung sino ang Diyos na nagkatawang-tao noong mga huling araw, kung ano ang Kaniyang dakilang paglilingkod, at kung ano ang Kaniyang pakay gawin sa daigdig. Akin nang nabanggit sa Aking mga sinabi na ang Diyos ay pumarito sa lupa (noong mga huling araw) upang magbigay-halimbawa sa mga lilisan. Paano itinakda ng Diyos ang halimbawang ito? Sa pamamagitan nang pagsasalita, sa pamamagitan ng paggawa at pagsasalita sabuong lupain. Ito ang gawain ng Diyos noong mga huling araw; Siya ay nagsasalita lamang, nang sa gayon ang daigdig ay maging isang mundo ng mga salita, upang ang bawat tao ay mabiyayaan at maliwanagan ng Kaniyang mga salita, at upang ang espiritu ng tao ay magising at siya ay malinawan tungkol sa mga plano Niya.