2017-02-11

Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan


Upang makilala ang gawa ng Diyos sa mga panahong ito, kadalasa’y, upang makilala rin kung sino ang Diyos na nagkatawang-tao noong mga huling araw, kung ano ang Kaniyang dakilang paglilingkod, at kung ano ang Kaniyang pakay gawin sa daigdig. Akin nang nabanggit sa Aking mga sinabi na ang Diyos ay pumarito sa lupa (noong mga huling araw) upang magbigay-halimbawa sa mga lilisan. Paano itinakda ng Diyos ang halimbawang ito? Sa pamamagitan nang pagsasalita, sa pamamagitan ng paggawa at pagsasalita sabuong lupain. Ito ang gawain ng Diyos noong mga huling araw; Siya ay nagsasalita lamang, nang sa gayon ang daigdig ay maging isang mundo ng mga salita, upang ang bawat tao ay mabiyayaan at maliwanagan ng Kaniyang mga salita, at upang ang espiritu ng tao ay magising at siya ay malinawan tungkol sa mga plano Niya.

 Noong mga huling araw, ang katawang-tao ng Diyos ay pumarito mismo sa lupa upang magbahagi ng Kaniyang mga salita. Noong dumating si Hesus, ipinakalat Niya ang ebanghelyo nang kaharian ng langit, at tinapos ang gawaing pagtubos sa pamamagitan nang pagpapako sa krus. Tinapos Niya ang Panahon ng Kautusan, at iwinaksi ang lahat nang luma. Tinapos nang pagdating ni Hesus ang Panahon ng Kautusan at inilunsad ang Panahon ng Biyaya. Tinuldukan nang pagdating ng katawang-tao ng Diyos ng mga huling araw ang Panahon ng Biyaya. Pumarito Siya upang bigkasin ang Kaniyang mga salita, upang gamitin ang mga salita para gawing perpekto ang tao, upang liwanagan at maliwanagan ang tao, at upang alisin ang lugar ng hindi malinaw na Diyos na nananahan sa puso ng tao. Hindi ito ang yugto nang gawain ng Diyos na Kaniyang natapos noong Siya ay dumating. Noong dumating si Hesus, nagpakita Siya ng maraming himala, ginamot Niya at itinaboy ang mga demonyo, at isinakatuparan Niya ang gawang pagtubos nang pagpapako sa krus. Bunga nito, sa kanilang paningin, naniniwala ang tao na iyon ang dapat na pagkilos ng Diyos. Dahil noong dumating si Hesushindi Niya ginawang alisin ang imahe ng hindi malinaw na Diyos mula sa puso ng tao; noong Siya ay dumating, Siya ay ipinako sa krus, nanggamot Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at ipinakalat Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit. Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos noong mga huling araw ang lugar na pinanghahawakan ng hindi malinaw na Diyos sa tingin ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng walang katiyakang Diyos sa puso ng tao. Gamit ang Kaniya mismong salita at mismong gawa, kumilos Siya sa buong lupain, at ang gawaing Kaniyang isinakatuparan kasama ng tao ay natatanging totoo at normal, nang sa gayon ang tao ay ganap na maunawaan ang katotohanan ng Diyos, at mawala nang tuluyan ang walang katiyakan na Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kaniyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kaniyang isasakatuparan sa mga huling araw.
Ano ang dapat ninyong malaman:
1. Ang gawain ng Diyos ay hindi kayang gawin ng tao, at hindi kayo dapat magkimkim ng mga paniniwala ukol dito.
2. Dapat ninyong maunawaan ang pangunahing gawain nang pagparito ng katawang-tao ng Diyos nang panahong ito.
Hindi Siya dumating upang manggamot, o di kaya nama’y magpalayas ng mga demonyo, o upang magpakita ng mga milagro, o hindi Siya pumarito upang ipakalat ang ebanghelyo ng pagsisisi, maging ang pagkalooban ang tao ng pagtubos. Ito ay dahil naisakatuparan na ni Hesus ang Kaniyang gawain, at hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Sa kasalukuyan, tinapos na ng Diyos ang Panahon ng Biyaya at tinanggal ang lahat ng kaugalian ng Panahon ng Biyaya. Ang praktikal na Diyos ay pumarito upang ipakita na Siya ay totoo. Noong dumating si Hesus, Siya ay nagwika ng kaunting mga salita; una sa lahat, nagpakita Siya ng mga milagro, nagpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at nanggamot at nagpalayas ng mga demonyo, kung hindi, nagwika Siya ng mga propesiya upang mapaniwala ang tao, at upang tulungan ang tao na makita na Siya ay totoong Diyos, at isang mahinahong Diyos na walang kinakatigan. Sa huli, kinumpleto Niya ang gawain nang pagpapako sa krus. Ang Diyos ng kasalukuyan ay hindi nagpapakita ng mga signos o kababalaghan, ni hindi Siya nanggagamot at nagpapalayas ng demonyo. Noong dumating si Hesus, ang gawa na Kaniyang kinatawan ay isang bahagi ng Diyos, ngunit sa kasalukuyan ay dumating ang Diyos upang isagawa ang yugto ng Kaniyang gawain na tapos na, dahil ang Diyos ay hindi umuulit ng Kaniyang gawain; Siya ang Diyos na laging bago at hindi naluluma, at dahil dito lahat nang nakikita ninyo ngayon ay ang mga salita at gawain ng praktikal na Diyos.
Ang katawang-tao ng Diyos ay dumating upang wikain ang Kaniyang mga salitaupang ipaliwanag ang lahat ng kinakailangan sa buhay ng taoupang ituro kung ano ang dapat pasukin ng tao, upang ipakita sa tao ang gawa ng Diyosat upang ipakita sa tao ang karununganwalang hanggang kapangyarihanat kadakilaan ng DiyosSa pamamagitan ng maraming paraan kung saan nagwiwika ang Diyos, nakikita ng tao ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyosang kalawakan ng Diyosathigit pa rito,ang kababaang-loob at pagiging kubli ng DiyosNakikita ng tao na ang Diyos ay kataas-taasanngunit Siya rin ay mapagkumbaba at nakakubliat maaaring maging pinakamababa sa lahatIlan sa Kaniyang mga salita ay winika nang tama mula sa perspektibo ng Espirituilan sa Kaniyang mga salita ay winika nang direkta mula saperspektibo ng taoat ilan sa Kaniyang mga salita ay winika mula sa perspektibo ng ikatlong panauhan. Dito maaaring makita na ang pamamaraan ng gawain ng Diyos ay higit na paiba-iba at sa pamamagitan ng mga salita’y pinahihintulutan Niya ang tao na makita itoAng gawain ng Diyos noong mga huling araw ay parehong normal at totooat dahil dito ang pangkat ng mga tao noong mga huling araw ay sasailalim sa pinakamatindi sa lahat ng mga paglilitis. Dahil sa pagiging ordinaryo at totoo ng Diyos, ang lahat ng tao ay pumasok sa gitna ng mga paglilitis na iyon; na ang tao ay lumusong sa mga pagsubok ng Diyos dahil sa pagka-ordinaryo at makakatotohanan ng Diyos. Noong panahon ni Hesus, walang mga alinlangan o paglilitis. Dahil karamihan sa gawain na naisakatuparan ni Hesus ay ayon sa pag-iisip ng tao, sinunod Siya ng mga tao, at wala silang naging alinlangan sa Kaniya. Ang mga paglilitis sa kasalukuyan ay ang pinakamatinding kinakaharap ng tao, at kapag sinabi na ang mga taong ito ay nakalabas mula sa malaking kapighatian, ito ang matinding paghihirap na tinutukoy dito.
Sa kasalukuyan, nangungusap ang Diyos sa mga tao upang lumikha sa kanila ng paniniwala, pag-ibig, pagdurusa, at pagsunod. Ang mga salitang winika ng katawang-tao ng Diyos noong mga huling araw ay naaayon sa sangkap at kalikasan ng tao, ayon sa asal ng tao, at ayon sa kung saan dapat pumasok ang tao sa kasalukuyan. Ang Kaniyang pamamaraan ng pakikipag-usap[a] ay parehong totoo at ordinaryo: Hindi Siya nangungusap nang patungkol sa kinabukasan, ni hindi rin Siya tumatanaw sa nakaraan; nangungusap lang Siya kung ano ang dapat na pasukin, gawin, at intindihin sa kasalukuyan. Kung, sa kasalukuyan, mayroong isang tao na darating na kayang magpakita ng mga signos at kababalaghan, at kayang palayasin ang mga demonyo, at manggamot, at magpakita ng maraming milagro, at kung ang taong ito ay nagsasabing sila ang pagdating ni Hesus, kung gayon ay ito ang huwad na masasamang espiritu, at ang kanilang paggaya kay Hesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ni Hesus ang yugto ng Kaniyang gawain, at ang Diyos ay hindi na kailanman idaraos ang yugtong iyon ng Kaniyang gawain. Ang gawain ng Diyos ay hindi mapagkakasundo sa mga alinlangan ng tao; halimbawa, hinulaan na ng Lumang Tipan ang pagdating ng Mesiyas, ngunit ang nangyari ay dumating si Hesus, kung kaya’t hindi tama na dumating ang isa pang Mesiyas. Dumating na nang minsan si Hesus, at ito ay magiging mali kapag si Hesus ay darating pang muli sa panahong ito. Mayroong isang pangalan para sa bawat panahon, at bawat pangalan ay inilalarawan nang panahong iyon. Sa mga alinlangan ng tao, ang Diyos ay dapat na laging magpakita ng mga signos at kababalaghan, dapat laging magpagaling at magpalayas ng mga demonyo, at dapat laging maging katulad ni Hesusngunit sa panahon ngayon ang Diyos ay hindi na katulad noon. Kung, nitong mga huling araw, ang Diyos ay nagpapakita pa rin ng mga signos at kababalaghan, at nagpapalayas pa rin ng mga demonyo at nanggagamot—kung ginawa Niya ng eksakto ang ginawa ni Hesus—kung gayon, uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at ang gawain ni Hesus ay walang magiging halaga o silbi. Kaya, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto sa bawat panahon. Kapag ang isang yugto ng Kaniyang gawain ay nakumpleto na, ito ay agad na ginagaya ng mga masasamang espiritu, at matapos simulan ni Satanas na sundin ang yapak ng Diyos, ang Diyos ay nagpapalit ng ibang pamamaraan; kapag nakumpleto na ng Diyos ang yugto ng Kaniyang gawain, ito ay ginagaya ng mga masasamang espiritu. Kailangan ninyong maging malinaw tungkol sa mga bagay na ito. Bakit ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan ay kaiba sa gawain ni Hesus? Bakit hindi nagpapakita ang Diyos ngayon ng mga signos at kababalaghan, hindi nagpapalayas ng mga demonyo, at hindi nanggagamot? Kung ang gawain ni Hesus ay kapareho ng gawain na naisakatuparan noong Panahon ng Kautusan, maaari ba Siyang kinatawan ng Diyos noong Panahon ng Biyaya? Maaari bang nakumpleto ni Hesus ang gawain ng pagpapako sa krus? Kung, sa Panahon ng Kautusan, pumasok si Hesus sa templo at pinanatili ang Araw ng Pamamahinga, kung gayon ay wala sanang umusig sa Kaniya at tinanggap Siya ng lahat. Kung gayon, napako kaya Siya sa krus? Nakumpleto kaya Niya ang gawain ng pagtubos? Ano ang punto kung ang katawang-tao ng Diyos nitong mga huling araw ay nagpapakita ng mga signos at kababalaghan, gaya ni Hesus? Kung ginawa lamang ng Diyos ang isa pang yugto ng Kaniyang gawain sa huling mga araw, ang siyang kakatawan sa isang bahagi ng Kaniyang plano ng pamamahala, maaaring makakuha ang tao ng mas malalim na kaalaman tungkol sa Diyos, at doon lamang maaaring makumpleto ang plano ng pamamahala ng Diyos.
Nitong mga huling araw pumarito ang Diyos upang wikain ang Kaniyang mga salita. Nagsasalita Siya mula sa perspektibo ng Espiritu, mula sa perspektibo ng tao, at mula sa perspektibo ng ikatlong panauhan; nagsasalita Siya sa iba’t-ibang paraan, gamit ang isang paraan sa isang panahon, at gumagamit ng mga paraan ng pakikipag-usap upang baguhin ang mga alinlangan ng tao at alisin ang imahe ng hindi malinaw na Diyos mula sa puso ng tao. Ito ang pangunahing gawain na naisakatuparan ng Diyos. Dahil naniniwala ang tao na dumating ang Diyos upang manggamot, at magpalayas ng mga demonyo, at magpamalas ng mga milagro, at upang maghandog ng mga materyal na biyaya sa tao, isinasagawa ng Diyos ang yugtong ito ng Kaniyang gawain—ang gawain ng kaparusahan at paglilitis—upang alisin ang mga bagay na ito mula sa mga alinlangan ng tao, upang malaman ng tao ang katotohanan at pagka-ordinaryo ng Diyos, at upang ang imahe ni Hesus ay maaaring maalis sa kaniyang puso at mapalitan ng bagong imahe ng Diyos. Sa oras na ang imahe ng Diyos sa puso ng tao ay maging luma, ito ay magiging isang idolo. Nang dumating si Hesus at isinagawa ang yugtong iyon ng Kaniyang gawain, hindi Siya kumakatawan sa kabuuan ng Diyos. Nagpakita Siya ng mga signos at kababalaghan, nagwika ng ilang mga salita, at noong huli ay napako sa krus, at kumatawan Siya sa isang bahagi ng Diyos. Hindi Siya maaaring kumatawan sa kabuuan ng Diyos, ngunit kumatawan sa Diyos sa pagsasagawa ng isang bahagi ng Kaniyang gawain. Ito ay dahil ang Diyos ay labis na dakila, at kamangha-mangha, at hindi maarok, at dahil ginagawa lamang ng Diyos ang isang bahagi ng Kaniyang gawain sa bawat panahon. Ang pangunahing gawain nang panahong ito ay ang pagkakaloob ng mga salita para sa buhay ng tao, ang pagbubunyag ng sangkap at kalikasan ng tao at ang kasiraan ng pag-iisip ng tao, ang pagwawaksi ng mga relihiyosong pag-aalinlangan, palaaway na pag-iisip, makalumang pag-iisip, pati na rin ang kaalaman at kultura ng tao. Dapat mailantad ang lahat ng ito at malinis sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Nitong mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita, at hindi mga signos at kababalaghan, upang gawing sakdal ang tao. Gumagamit Siya ng mga salita para ibunyag ang tao, litisin ang tao, parusahan ang tao, at gawing sakdal ang tao, upang sa mga salita ng Diyos, makita ng tao ang karunungan at ang kagandahan ng Diyos, at maunawaan ang katangian ng Diyos, upang sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, makita ng tao ang mga ginawa ng Diyos. Noong Panahon ng Kautusan, pinangunahan ni Jehovah si Moises palabas ng Ehipto sa pamamagitan ng Kaniyang mga salita, at nagwika ng ilang mga salita sa mga Israelita; noong panahong iyon, ang ilang bahagi ng mga gawain ng Diyos ay ginawang payak, ngunit dahil ang kakayahan ng tao ay limitado at walang anumang makakapagpakumpleto ng kaniyang kaalaman, ipinagpatuloy ng Diyos ang pagwiwika at paggawa. Noong Panahon ng Biyaya, nakitang muli ng tao ang bahagi ng mga gawain ng Diyos. May kakayahan si Hesus na magpakita ng mga signos at kababalaghan, ang manggamot at magpalayas ng mga demonyo, at mapako sa krus, tatlong araw matapos noon Siya ay muling nabuhay at nagpakita sa tao sa anyong tao. Sa Diyos, wala nang iba pang nalaman ang tao bukod dito. Maraming alam ang tao sa mga ipinakita ng Diyos sa kaniya, at kung ang Diyos ay walang nang ipakikita sa tao, kung gayon ito ang magiging pagtatakda ng mga hangganan para sa tao tungkol sa Diyos. Dahil dito, ang Diyos ay nagpapatuloy sa paggawa, upang ang pagkakaalam ng tao sa Kaniya ay maging mas malalim, at upang ang tao ay unti-unting malaman ang katotohanan ng Diyos. Gumagamit ang Diyos ng Kaniyang mga salita upang gawing sakdal ang tao. Ang iyong masamang kalooban ay naibunyag sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at ang iyong relihiyosong mga pag-aalinlangan ay napalitaw ang katotohanan ng Diyos. Ang katawang-tao ng Diyos noong mga huling araw, una sa lahat, ay dumating dito upang isakatuparan ang mga salita na “ang Salita ay nagiging katawan, ang Salita ay dumarating sa katawan, at ang Salita ay nagpapakita sa katawan,” at kung wala kayong sapat na kaalaman tungkol dito, kung ganoon kayo ay hindi pa rin kayang mangagpakatibay; nitong mga huling araw, unang-unang layunin ng Diyos ang makagawa ng yugto ng Kaniyang gawain kung saan ang Salita ay nagpapakita sa katawan, at ito ay isang bahagi ng Plano sa pamamahala ng Diyos. Kaya naman, ang inyong kaalaman ay dapat maging malinaw; hindi alintana ang paraan kung paano kumilos ang Diyos, hindi pinahihintulutan ng Diyos ang tao na limitahan Siya. Kung hindi ginawa ng Diyos ang Kaniyang gawain nitong mga huling araw, kung gayon ang kaalaman ng tao tungkol sa Kaniya ay hindi maaaring lumawak pa. Malalaman mo lang na ang Diyos ay maaaring ipako sa krus at maaring wasakin ang Sodoma, at si Hesus ay maaaring bumangon mula sa patay at magpakita kay Pedro…. Ngunit hindi ninyo kailanman masasabi na magagawa ang lahat ng mga salita ng Diyos, at maaaring malupig ang tao. Sa pamamagitan lang ng karanasan sa mga salita ng Diyos momasasabi ang iyong kaalaman, at kung higit pang maranasan ang mga gawain ng Diyos, ang ang siyang paglalim rin nang kaalaman mo sa Kaniya. Doon mo lamang mapipigil ang paglilimita sa Diyos salig sa iyong pag-aalinlangan. Nakikilala ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng pagdanas ng Kaniyang mga gawa, at walang iba pang tamang paraan upang kilalanin ang Diyos. Sa kasalukuyan, maraming tao ang walang ginagawa kung hindi maghintay lang na makakita ng mga signos at mga kababalaghan at ang panahon ng delubyo. Naniniwala ka ba sa Diyos, o ikaw ba ay naniniwala sa delubyo? Kung ikaw ay maghihintay hanggang sa delubyo ay huli na ang lahat, at kung ang Diyos ay hindi magpadala ng delubyo, Siya ba ay hindi na Diyos? Naniniwala ka ba sa mga signos o kababalaghan, o ikaw ba ay naniniwala sa mismong Diyos? Hindi nagpakita si Hesus ng mga signos at kababalaghan noong Siya ay pinagtawanan ng iba; hindi ba Siya Diyos? Naniniwala ka ba sa mga signos o kababalaghan, o kayo ba ay naniniwala sa sangkap ng Diyos? Ang mga pananaw ng tao tungkol sa paniniwala sa Diyos ay mali! Si Jehovah ay nagwika ng mga salita noong Panahon ng Kautusan, ngunit hanggang ngayon ang ilan sa kanila ay dapat pang maisakatuparan. Masasabi mo bang si Jehovah ay hindi naging Diyos?
Sa kasalukuyan, dapat maging malinaw sa inyong lahat na, noong mga huling araw, ito ang pangunahing katotohanan ng “ang Salita ay nagiging katawan” na isinasakatuparan ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kaniyang aktuwal na gawa sa daigdig, pinahihintulutan Niya ang tao upang makilala Siya, at upang makiisa sa Kaniya, at upang Makita ang Kaniya mismong mga gawa. Pinahihintulutan Niya ang tao na makita nang malinaw na kaya Niyang magpakita ng mga signos at kababalaghan at may mga panahon na hindi Niya kayang gumawa ng mga ito, at ito ay nababatay sa panahon. Mula rito, maaari mong makita na ang Diyos ay hindi kayang magpakita ng mga signos at kababalaghan, bagkus ay binabago ang Kaniyang paggawa ayon sa Kaniyang gawain, at ayon sa panahon. Sa kasalukuyang yugto ng Kaniyang gawain, hindi Siya nagpapakita ng mga signos at kababalaghan; na kaya Siya ay nagpakita ng ilang mga signos at kababalaghan sa panahon ni Hesus ay dahil sa kakaibang gawain Niya nang panahong iyon. Hindi na isinasagawa ng Diyos ang gawaing ito ngayon, at ang ilang tao ay naniniwala na wala Siyang kakayahang magpakita ng mga signos o kababalaghan, o di kaya naman ay iniisip nila na kung hindi Siya magpakita ng mga signos o kababalaghan, ay hindi Siya ang Diyos. Hindi ba iyon isang kamalian? Ang Diyos ay kayang magpakita ng mga signos at kababalaghan, ngunit Siya ay kumikilos sa ibang panahon, kaya naman hindi Siya gumagawa ng nasabing gawain. Dahil ito ay sa ibang panahon, at dahil ito ay ibang yugto ng gawain ng Diyos, maging ang mga gawaing ginawang payak ng Diyos ay kakaiba rin. Ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi ang paniniwala sa signos at kababalaghan, ni hindi ang paniniwala sa milagro, bagkus ang paniniwala sa Kaniyang tunay na gawain noong makabagong panahon. Nakikilala ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng pamamaraan nang paggawa ng Diyos, at ang kaalamang ito ang magbubunga ng pananampalataya ng tao sa Diyos, na ang ibig sabihin, ang pananampalataya sa gawa at gawi ng Diyos. Sa yugtong ito ng gawain, ang Diyos ang pangunahing nagsasalita. Huwag kang maghintay ng mga signos at kababalaghan; hindi mo makikita ang mga ito! Dahil hindi ka ipinanganak noong Panahon ng Biyaya. Kung ikaw nga ay ipinanganak noong Panahon ng Biyaya, nakita mo na sana ang mga signos at kababalaghan, ngunit ikaw ay ipinanganak nitong mga huling araw, at dahil dito ay maaari mo lamang na makita ang katotohanan at pagka-ordinaryo ng Diyos. Huwag umasa na makita ang higit sa karaniwang Hesus nitong mga huling araw. Ang makikita mo lamang ay ang praktikal na katawang-tao ng Diyos, na hindi kaiba mula sa sinumang ordinaryong tao. Sa bawat panahon, gumagawa ang Diyos ng iba’t-ibang payak na mgagawain. Sa bawat panahon, ginagawa Niyang payak ang ilang bahagi ng mga gawain ng Diyos, at ang gawain sa bawat panahon ay kumakatawan sa isang bahagi ng katangian ng Diyos, at kumakatawan sa isang bahagi ng mga gawain ng Diyos. Ang mga trabahong Kaniyang ginagawang payak ay magkakaiba sa panahon na Siya ay kumikilos, ngunit silang lahat ay nagbibigay sa tao ngkaalaman ng Diyos na mas malalim, isang pananampalataya sa Diyos na mas mapagkumbaba, at mas totoo. Naniniwala ang tao sa Diyos dahil sa lahat ng gawain ng Diyos, at dahil ang Diyos ay labis na kamangha-mangha, labis na dakila, dahil Siya ay makapangyarihan, at hindi maarok. Kung naniniwala ka sa Diyos dahil kaya Niyang magpakita ng mga signos at kababalaghan at kayang manggamot at magpalayas ng mga demonyo, kung gayon ang inyong pananaw ay mali, at ang ilang tao ayay magsasabi sa iyo, “Hindi ba ang masasamang espiritu ay kaya ring gawin ang mga bagay na iyon?” Hindi ba ito upang ipagkalito ang imahe ng Diyos sa imahe ni Satanas? Sa kasalukuyan, ang paniniwala ng tao sa Diyos ay dahil sa Kaniyang maraming nagawa at dahil sa maraming kaparaanan kung saan Siya ay gumagawa at nagwiwika. Ginagamit ng Diyos ang Kaniyang mga wika upang malupig ang tao at gawin siyang sakdal. Naniniwala ang tao sa Diyos dahil sa Kaniyang maraming gawa, hindi dahil kaya Niyang magpakita ng mga signos at kababalaghan, at nauunawan lang Siya ng tao dahil nakikita nila ang Kaniyang gawa. Sa pamamagitan lang nang pagkakaalam ng mga mismong gawa ng Diyos, kung paano Siya kumilos, ang mga pamamaraan kung paano Niya gamitin ang Kaniyang karunungan, paano Siya magwika, at kung paano Niya ginagawang sakdal ang tao—sa pamamagitan lang nang pagkakaalam ng mga aspetong ito—saka mo mauunawaan ang Diyos at maiintindihan ang Kaniyang katangian. Kung ano ang Kaniyang nais, ang Kaniyang kinasusuklaman, paano Siya kumilos kasama ang tao—sa pamamagitan ng pagkaalam sa mga nais at hindi nais ng Diyos, maaari mong ipagkaiba alinman ang positibo at negatibo, at sa pamamagitan ng iyong pagkakakilala ng Diyos ay mayroong pag-unlad sa iyong buhay. Samakatuwid, kailangan mong magkaroon ng pagkakakilala sa mga gawain ng Diyos, at dapat mong ilagay nang tuwid ang iyong paniniwala tungkol sa pananampalataya sa Diyos.
Mga Talababa:
  1. Ang orihinal na teksto ay naglalaman ng salitang “Ito.”

Walang komento: