2017-02-10

Isang Seleksyon Mula sa Tatlong Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Pananaw sa Gawain ng Diyos”


1. Sinimulan ni Juan ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng langit pitong taon bago ang bautismo ni Hesus. Para sa mga tao, ang mga isinagawa niyang gawain ay tila higit sa mga gawain ni Hesus, ngunit siya ay, gayunpaman, ay isa rin lamang propeta. Hindi siya nangusap at gumawa sa loob ng templo, ngunit sa mga bayan at nayon sa labas nito. Ito ay ginawa niya, sa katunayan, sa bayan ng mga Hudyo, lalo na ang mga mahihirap. Bihira siyang nakisalamuha sa mga taong mula sa mataas na antas ng lipunan, ipinalalaganap lang ang ebanghelyo sa mga karaniwang tao sa Judea upang maihanda ang mga karapat-dapat na mga tao para sa Panginoong Hesus, at maihanda ang mga naaangkop na lugar kung saan Siya ay maaaring gumawa. 

Dahil mayroong propetang katulad ni Juan upang maghanda, nakapagsimula agad ang Diyos sa Kaniyang daan ng krus matapos ang pagdating Niya. Nang nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa ang Kaniyang mga gawain, hindi Niya kinailangang isagawa ang pamimili ng mga tao, at hindi Niya kinailangang personal na maghanap ng mga tao o ng lugar kung saan Siya gagawa. Hindi Siya nagsagawa ng mga ganoong gawain nang Siya ay dumating; inihanda na ng isang karapat-dapat na tao ang lahat bago pa Siya dumating. ...Gumawa si Juan sa loob ng pitong taon, gayon maaaring sabihin na ipinalaganap niya ang ebanghelyo sa loob ng pitong taon. Sa panahon ng kaniyang gawain, hindi nagsagawa si Juan ng mga himala, dahil ang kaniyang gawain ay ang ihanda ang lahat para kay Hesus. Ang lahat ng ibang mga gawain, ang gawaing isasagawa ni Hesus, ay walang kaugnayan sa kaniya; hiniling lang niya sa mga tao na ipagtapat ang kanilang mga kasalanan at magsisi, at bautismuhan ang mga tao, upang sila ay maligtas. Kahit na nagsagawa siya ng mga bagong gawain, at nagbukas ng daan na hindi pa nilalakaran ng tao, inihanda rin lamang niya ang daan para kay Hesus. Siya ay propeta na nagsagawa lang ng gawain ng paghahanda, at walang kakayahan upang isagawa ang gawain ni Hesus. Hindi man si Hesus ang unang nangusap ng ebanghelyo ng kaharian ng langit, at kahit ipinagpatuloy Niya ang landas na sinimulan ni Juan, wala pa ring makagagawa ng Kaniyang gawain, at ito’y higit sa gawain ni Juan. Hindi kayang ihanda ni Hesus ang sarili Niyang daan; ang Kaniyang gawain ay direktang naisagawa sa ngalan ng Diyos. Kaya, gaano man kadaming taong gumawa si Juan, siya ay isa pa ring propeta lang na naghanda sa daan ni Hesus. Ang tatlong taong gawain ng Diyos ay hinigitan ang pitong taon na gawain ni Juan, dahil ang diwa ng kanilang mga gawain ay hindi pareho.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
2. Sa panahong iyon, ang bahagi ng gawain ni Hesus ay alinsunod sa Lumang Tipan, gayundin sa mga kautusan ni Moises at sa mga salita ni Jehova sa Panahon ng Kautusan. Isinagawa ni Hesus ang lahat mga ito bilang bahagi ng Kaniyang mga gawain. Nangaral Siya sa mga tao at tinuruan sila sa mga sinagoga, at ginamit Niya ang mga hula ng mga propeta sa Lumang Tipan upang sawayin ang mga Pariseong mayroong pagkapoot sa Kaniya, at ginamit ang mga salita sa Banal na Kasulatan upang ipahayag ang kanilang hindi pagsunod at sila ay isumpa. Dahil kinamuhian nila ang mga ginawa ni Hesus; nasuklam sila dahil ang karamihan sa gawain ni Hesus ay hindi ayon sa kautusan sa Banal na Kasulatan, at, higit pa rito, na ang Kaniyang mga itinuro ay mas mataas kaysa sa kanilang mga sariling salita, at higit na mas mataas pa sa iyong mga hula ng mga propeta sa Banal na Kasulatan. Ang gawain ni Hesus ay para sa kapakanan ng pagtubos sa tao at ang pagpako sa krus. Kaya, hindi Niya kailangang higit pang mangusap upang malupig ang sinumang tao. Ang karamihan sa Kaniyang mga itinuro sa tao ay mula sa mga salita sa Banal na Kasulatan, at kahit na ang Kaniyang gawain ay hindi higit sa Banal na Kasulatan, naisagawa pa rin Niya ang gawaing pagpapapako sa krus. Ang Kaniyang gawain ay hindi gawain ng salita, ni para sa kapakanan ng sangkatauhan, sa halip ito ay upang matubos ang sangkatauhan. Gumanap lang Siya bilang alay para sa kasalanan ng sangkatauhan, at hindi gumanap bilang mapagkukunan ng mga salita para sa sangkatauhan. Hindi Niya isinagawa ang gawain ng mga Hentil, na gawain ng panlulupig sa tao, ngunit isinagawa ang gawain ng pagpapapako sa krus, gawain na isinagawa sa mga naniniwala na mayroong Diyos. Kahit na ang Kaniyang gawain ay naisakatuparan sa saligan ng Banal ng Kasulatan, at ginamit Niya ang mga hula ng mga matatandang propeta upang isumpa ang mga Pariseo, ito ay sapat na upang matapos ang gawain ng pagpapapako sa krus. Kung ang gawain sa ngayon ay isinasagawa pa rin sa saligan ng mga hula ng mga propeta sa Banal na Kasulatan, gayon magiging mahirap na kayo ay malupig, dahil ang Lumang Tipan ay hindi naglalaman ng mga ulat ng inyong hindi pagsunod at mga kasalanan ninyong mga taong Tsino, walang kasaysayan ng inyong mga kasalanan. At kaya, kung ang gawaing ito ay nananatili pa rin sa Bibliya, hindi kayo susuko. Ang Bibliya ay nagtatala lang kaunting kasaysayan tungkol sa mga Israelita, isang hindi kayang itakda kung kayo ay mabuti o masama, o hatulan kayo. Ipagpalagay na kayo ay hahatulan Ko ayon sa kasaysayan ng mga Israelita--Ako pa ba ay inyong susundin katulad ng inyong pagsunod ngayon? Alam niyo ba kung gaano kayo kasutil? Kung walang binitiwang mga salita sa yugtong ito, magiging imposible ang pagtapos sa gawain ng panlulupig. Dahil hindi Ako pumarito upang maipako sa krus, nararapat Akong magbitiw ng mga salita na hiwalay mula sa Bibliya, upang ikaw ay malupig.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
3. Ang lahat ng naisagawa ngayon ay batay sa kasalukuyan, ngunit ito pa rin ay umaasa sa saligan ng gawain ni Jehovah sa Panahon ng Kautusan, at hindi lumalabag sa saklaw na ito. Ang bantayan ang inyong mga dila, at ang hindi pangangalunya, halimbawa-- hindi ba't ito ang mga kautusan ng Lumang Tipan? Ngayon, ang mga hinihingi sa inyo ay hindi lang limitado sa Sampung Utos, ngunit ito’y mga utos at kautusan na higit na mataas kaysa sa iyong mga dati, ngunit hindi ito nangangahulugan na nabuwag iyong mga nauna, dahil ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay isinasagawa sa saligan ng yugto na dumating bago ito. ...Kung, ngayon, ay kailangan ninyo lang na sumunod sa mga utos at manahan sa mga kautusan ng Lumang Tipan, sa parehong paraan tulad ng mga Israelita, at kung, kahit, kailangan ninyong maisaulo ang mga kautusan na ibinigay ni Jehova, walang posibilidad na maaari na kayo ay magbago. Kung kayo ay susunod lang sa yaong mga kakaunting utos o magsasaulo ng hindi mabilang na mga kautusan, ang inyong lumang kalikasan ay mananatiling nakatanim nang malalim, at walang magiging paraan upang ito ay bunutin. Gayon kayo ay higit pang magiging masama, at walang sinuman sa inyo ang magiging masunurin. Ibig sabihin na walang kakayahan ang ilang payak na utos at hindi mabilang na mga kautusan upang kayo ay tulungang malaman ang mga gawain ni Jehova. Hindi kayo katulad ng mga Israelita: Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan at pagsasaulo ng mga utos, nasaksihan nila ang mga gawain ni Jehova, at ialay ang kanilang tapat na pagmamahal sa Kaniya, ngunit hindi ninyo ito makakamit, at ang ilang utos sa panahon ng Lumang Tipan ay walang kakayahan upang kayo ay mahikayat na ibigay ang inyong mga puso, o na protektahan kayo, ito rin ay gagawin kayong pabaya, at kayo ay ibababa kay Hades. Dahil ang Aking gawain ay ang gawain ng panlulupig, at nakatutok sa inyong hindi pagsunod at lumang kalikasan, ang mga mabubuting salita ni Jehova at ni Hesus ay malayo sa mga matinding salita ng paghatol ngayon. Kung wala ang mga matitinding salitang iyon, magiging imposible na malupig kayong mga "dalubhasa," na hindi sumusunod sa loob ng libu-libong taon, at ang paghatol ngayon ay higit na mabigat kaysa sa mga lumang kautusan. Ang pinaka-angkop sa inyo ay ang paghatol, at hindi ang mababaw na paghihigpit ng mga kautusan, dahil hindi kayo ang sangkatauhan katulad noong unang panahon, sa halip ay ang sangkatauhan na naging suwail sa loob ng libu-libong taon.Ang nararapat ninyong makamit ngayon ay ayon sa tunay na katayuan ng tao, ayon sa kakayahan ng kasalukuyang tao, at hindi kinakailangan na inyong sundin ang mga aral.Ito ay upang mabago ang inyong mga lumang kalikasan, at upang maisantabi ninyo ang inyong mga pananaw.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
4. Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na magiging makasalanan pa. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit ni Hesus, sa halip na ang tao ay wala nang kasalanan, na sila ay pinatawad sa kanilang mga kasalanan: Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang unti-unting alisin. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan ng pananampalataya. Ang mga kasalanan ng yaong mga nanininiwala sa Kaniya ay napatawad; hangga't ikaw ay naniniwala sa Kaniya, ikaw ay Kaniyang tutubusin; kung ikaw ay naniniwala sa Kaniya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Sa panahong iyon ang gawain ni Hesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. ... Hindi pumarito si Hesus upang gawing sakdal at makamit ang tao, kundi upang magsagawa ng isang yugto ng gawain: paglalahad ng ebanghelyo ng kaharian ng langit at ang pagtapos ng gawain ng pagpapapako sa krus—at kapag naipako na sa krus si Hesus, ang Kaniyang gawain ay lubos nang naisakatuparan. Kaya nararapat ding maihayag ang mga hiwaga ng gawain ni Hesus at Jehova, nang sa gayon ay magkaroon ang lahat ng mga tao ng pang-unawa at kalinawan sa kanilang paniniwala, dahil ito ang mga gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ang mga huling araw ay ang katapusan ng gawain na ito. Ngunit sa kasalukuyang yugto-- ang gawain ng panlulupig--mas maraming salita ang dapat ipahayag, mas maraming gawain ang dapat isagawa, at nararapat magkaroon ng mas maraming paraan. Liliwanagin sa inyo ng yugto ng gawain na ito ang kautusan ni Jehova at ang pagtubos ni Hesus, at ito’y pangunahin upang maunawaan mo buong gawain ang anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos, at mapahalagahan ang lahat ng kabuluhan at diwa nitong anim na libong taong plano ng pamamahala, at maunawaan ang layunin ng lahat ng gawaing isinagawa ni Hesus at ang mga salitang Kaniyang sinabi, at gayundin ang iyong bulag na paniniwala at pagsamba sa Bibliya. Lahat ng ito’y hahayaan kang makaunawa. Magagawa mong maunawaan ang mga ginawa ni Hesus, at ang gawain ng Diyos ngayon; mauunawaan mo at at iyong mapagmamasdan ang lahat ng katotohanan, ang buhay, at ang daan. Sa yugto ng gawaing isinagawa ni Hesus, bakit umalis si Hesus nang hindi tinatapos ang gawain ng Diyos? Dahil ang yugto ng gawain ni Hesus ay hindi ang gawaing pangwakas. Nang Siya ay ipinako sa krus, ang mga salitang Kaniyang binitawan ay natapos din; matapos ang pagpapapako Niya sa krus, ang Kaniyang gawain ay nagwakas. Ang kasalukuyang yugto ay iba: Tanging pagkatapos lang mabitawan ang mga salita sa wakas at magtapos ang buong gawain ng Diyos ay doon lang matatapos ang Kaniyang gawain. Sa yugto ng gawain ni Hesus, maraming mga salita ang nanatiling hindi nahayag, o mga hindi nahayag nang buong linaw. Ngunit walang pakialam si Hesus sa Kaniyang mga hindi sinabi o ginawa, dahil ang Kaniyang ministeryo ay hindi ang ministeryo ng mga salita, kaya matapos Siyang ipako sa krus, Siya ay lumisan. Ang yugtong iyon ng gawain ay una sa lahat para sa kapakanan ng pagpapapako sa krus, at hindi katulad ng yugto ngayon. Ang yugto ng gawain na ito ay pangunahin para sa kapakanan ng pagtapos, pagliliwanag at ng paghahatid ng mga gawain sa isang wakas. Kung hindi bibitawan ang mga salita hanggang sa kahuli-hulihan, walang magiging paraan upang matapos ang gawaing ito, dahil sa yugto ng gawain na ito ang lahat ng gawain ay maihahatid sa isang wakas at tatapusin sa pamamagitan ng mga salita. Sa panahong iyon, nagsagawa si Hesus ng mga maraming gawain na hindi nauunawaan ng tao. Siya ay tahimik na lumisan, at ngayon marami pa rin ang hindi nakauunawa sa Kaniyang mga salita, mali ang kanilang mga pang-unawa ngunit sila pa rin ay naniniwala na ang mga ito ay tama, mga hindi alam na maaaring mali sila. Sa huli, ang yugto ng gawaing ito ang magdadala ng gawain ng Diyos sa isang ganap na wakas, at ihahanda ang katapusan nito. Magagawang maunawaan at malaman ng lahat ang plano ng pamamahala ng Diyos. Ang pag-intindi sa loob ng tao, ang kaniyang layunin, ang kaniyang maling pang-unawa, ang kaniyang pag-intindi sa gawain nina Jehova at Hesus, ang kaniyang pananaw ukol sa mga Hentil, at lahat ng kaniyang kahangalan ay maitatama. At mauunawaan ng tao ang lahat ng tamang landas ng buhay, at ang lahat ng gawain ng Diyos, at ang buong katotohanan. Kapag nangyari iyon, ang yugto ng gawain na ito ay magwawakas.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
5. Ang gawain ni Jehova ay ang paglikha sa mundo, ito ang simula; ang yugto na ito ay ang katapusan ng gawain, at ito ang wakas.
Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga napiling tao sa Israel, at ito ang simula ng bagong panahon sa pinakabanal sa lahat ng mga lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinagawa sa mga pinakamarumi sa lahat ng mga bansa, upang hatulan ang mundo at ihatid ang panahong ito sa isang wakas. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto at isinagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay mapapaaalis, ibibigay ang kaliwanagan, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao sa pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng mga lugar ay nalupig, at ang buong populasyon ay kinilalang mayroong isang Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat isa ay lubusang nakumbinsi, gayon ang katotohanang ito ay magagamit upang maisagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ay makahulugan: Kapag natapos na ang gawain sa panahong ito, ang gawain sa anim na libong taon ng pamamahala ay makakarating sa isang ganap na wakas. Sa oras na yaong mga nasa pinakamadalim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba't ibang lugar. Sa gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng makabuluhang sagisag. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng nasa laman, kay Satanas, at ang mga mula sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang siyang mga pinaka-lubos na pinasama ng malaking pulang dragon, siyang mga may masidhing pagsalungat sa Diyos, ang kanilang mga pagkatao ay masama at marumi, at kaya sila ang mga orihinal na modelo ng lahat ng pinasamang sangkatauhan. … Bakit Ko palaging sinasabi na kayo ay mga karagdagan sa Aking plano ng pamamahala? Sa mga tao sa Tsina naihayag nang pinakabuong-buo sa iba't ibang anyo ang katiwalian, karumihan, kawalan ng katarungan, pagtutol, at ang paghihimagsik. Sa isang banda, sila ay mula sa mahinang uri, at sa kabila, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan--ang lahat ay kaawa-awa at paurong. Ang kanilang mga estado, ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay makahulugan, at matapos maisagawa ang gawaing pagsusulit sa kabuuan nito, ang Kaniyang mga susunod na gawain ay magiging higit na mabuti. Kapag naisakatuparan ang yugto ng gawain na ito, gayon ang mga susunod na gawain ay matitiyak. Sa oras na matapos ang yugto ng gawain na ito, at nakamit nang lubusan ang dakilang tagumpay, ang gawaing panlulupig sa lahat ng dako ng buong sansinukob ay dadating sa isang ganap na wakas. Sa katotohanan, kapag nagtagumpay ang mga gawain sa inyo, ito ay magiging katumbas ng tagumpay sa lahat ng dako ng buong sansinukob.
Ito ang kahalagahan ng kung bakit ninanais Kong gawin kayong huwaran at uliran. Ang pagiging suwail, pagsalungat, karumihan, at kawalan ng katarungan..., ang lahat ay matatagpuan sa mga taong ito, at sa kanila ay kumakatawan ang pagiging suwail ng sangkatauhan – sila ay tunay ngang mahalaga. Kaya't sila ay itinuring na halimbawa ng panlulupig, at sa oras na sila ay malupig sila ay natural na magiging mga huwaran at uliran para sa iba.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
6. Wala nang mas higit pang makabuluhan kaysa sa unang yugto sa isinasagawa sa Israel: Ang mga Israelita ang pinakabanal at pinaka-hindi napasama sa lahat ng mga tao, kaya’t ang bukang-liwayway ng bagong panahon sa lugar na ito ay nagtaglay ng higit na kahalagahan. Maaaring sabihin na ang mga ninuno ng sangkatauhan ay nagmula sa Israel, at ang Israel ang lugar ng kapanganakan ng gawain ng Diyos. Sa simula, ang mga taong ito ang pinakabanal, at lahat sila ay sumamba kay Jehova, at nagbunga ng pinakamagandang resulta ang mga gawain ng Diyos sa kanila. .. Sila ang pinaka-hindi napasama sa lahat ng sangkatauhan, at sa simula, sila ay nasa pag-iisip na mataas na pagtingin sa Diyos at gumagalang sa Kaniya. Sinunod nila ang mga salita ni Jehova, at patuloy na nagsilbi sa templo, at nagdamit ng mga kasuotang pang-pari at korona. Sila ang mga pinaka-unang tao na sumamba sa Diyos, at ang mga pinaka-unang pakay sa Kaniyang gawain. Ang mga taong ito ay mga uliran at huwaran para sa buong sangkatauhan. Sila ay mga uliran at huwaran ng kabanalan at katuwiran. Ang mga taong katulad nina Job, Abraham, Lot, o Pedro at Timoteo-- silang lahat ay mga Israelita, at ang mga pinakabanal sa mga huwaran at uliran. Ang Israel ang pinaka-unang bansa sa sangkatauhan na sumamba sa Diyos, at maraming mga tuwid na tao ang nagmula rito kaysa sa ibang lugar. Kumilos ang Diyos sa kanila upang mapamahalaan Niya nang maayos ang sangkatauhan sa lahat ng dako sa lupa sa hinaharap. Ang kanilang mga nagawa at ang kanilang katuwiran sa pagsamba nila kay Jehova ay nakatala, upang sila ay magsilbing mga uliran at huwaran sa mga tao sa labas ng Israel sa Panahon ng Biyaya; at ang kanilang mga kilos ay sumang-ayon sa ilang libong taon ng gawain, magpahanggang sa kasalukuyan.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
7. Ang pangalan ni Hesus ang nagtanda ng pagsisimula ng Panahon ng Biyaya. Nang nagsimula si Hesus na gampanan ang Kaniyang ministeryo, ang Banal na Espiritu ay nagsimulang magpatotoo sa pangalan ni Hesus, at ang pangalan ni Jehova ay hindi na pinag-uusapan, at sa halip ay paunang sinimulan ng Banal na Espiritu ang bagong gawain sa ilalim ng pangalan ni Hesus. Ang patotoo ng mga naniniwala sa Kaniya ay inilahad para kay Hesu-Kristo, at ang gawain na kanilang isinagawa ay para rin kay Hesu-Kristo. Ang pagwawakas ng Panahon ng Kautusan sa Lumang Tipan ay nangangahulugan na ang gawain na paunang isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehova ay nagwakas na rin. Pagkatapos nito, ang pangalan ng Diyos ay hindi na Jehova; sa halip Siya ay tinawag na Hesus, at mula rito ay sinimulan ng Banal na Espiritu ang gawain una sa lahat sa ilalim ng pangalan ni Hesus.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
8. Kapag muling dumating si Hesus, ay nagbago na rin ang panahon, gayon maaari pa rin ba Siyang tawagin na Hesus? Kilala lamang ba ang Diyos sa pangalan ni Hesus?Hindi ba Siya maaaring tawagin ng bagong pangalan sa isang bagong panahon? Maaaring bang kumatawan sa Diyos sa Kaniyang kabuuan ang anyo ng isang tao at ang isang tanging pangalan? Sa bawat panahon, gumagawa ang Diyos ng mga bagong gawain at Siya ay tinatawag sa bagong pangalan; paano Niya naisasagawa ang parehong gawain sa magkaibang panahon? Paano Siya nananatili sa luma? Ang pangalan ni Hesus ay ginamit para sa gawa ng pagtubos, kaya matatawag pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag Siya ay bumalik sa mga huling araw? Isasagawa pa rin ba Niya ang gawa ng pagtubos? Bakit iisa lang si Jehova at si Hesus, ngunit Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang panahon? Hindi ba dahil ba magkatulad ang Kanilang gawain sa mga panahong ito? Maaaring bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuaan ang iisang pangalan lamang? Sa paraang ito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalang sa ibang panahon, nararapat gamitin ang pangalan upang baguhin ang panahon at kumatawan sa panahon, dahil walang anumang pangalan ang ganap na kakatawan sa Diyos Mismo. At ang bawat pangalan ay maaari lang kumatawan sa katangian ng Diyos sa isang tiyak na panahon at kailangan lang upang kumatawan sa Kaniyang gawain. Hindi alintana kung ito man ay panahon ni Jehova, o ang panahon ni Hesus, ang bawat panahon ay kinakatawan ng isang pangalan. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kaniyang katangian upang kumatawan sa buong panahon. Pagkatapos ng Panahon ng Biyaya, ang huling panahon ay dumating na at pumarito na si Hesus. Paanong Siya pa rin ay tinatawag na Hesus? Paano Niya nakakayang magkatawan sa anyo ni Hesus sa tao? Nakalimutan na ba ninyong si Hesus ay isa lang anyo ng Nazareno? Nakalimutan na ba ninyong si Hesus ay ang Tagapagtubos lamang ng sangkatauhan? Paano Niya maisasagawa ang gawain ng panlulupig at gawing sakdal ang tao sa mga huling araw?
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
9. Sa tuwing darating ang Diyos sa lupa, babaguhin Niya ang Kaniyang pangalan, ang Kaniyang kasarian, ang kaniyang anyo, at ang Kaniyang gawain; hindi Niya inuulit ang Kaniyang gawain, at lagi Siyang bago at hindi kailanman luma. Sa Kaniyang pagdating noon, tinawag Siyang Hesus; maaari pa rin ba Siyang tawaging Hesus kapag bumalik Siya sa pagkakataong ito? Nang dumating Siya noon, Siya ay isang lalaki; maaari pa rin ba Siyang maging lalaki sa pagkakataong ito? Ipapako pa rin ba Siya sa krus? Ang Kaniyang gawain nang Siya ay pumarito noong Panahon ng Biyaya ay maipako sa krus; kung Siya’y muling dumating, muli ba Niyang tutubusin ang sangkatauhan sa kasalanan? Hindi ba't iyon ay pag-uulit lamang ng Kaniyang gawain? Hindi ba ninyo alam na ang Diyos ay bago at hindi kailanman luma?
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
10. Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa kawalan ng pagbabago ng katangian at diwa ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kaniyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kaniyang diwa ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kaniyang anim na libong taong plano ng pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi nagbago ang gawain ng Diyos, gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang panahon? Ang Kaniyang gawain ay palaging umuunlad pasulong, ang Kaniyang katangian ay unti-unting naihahayag sa tao, at ang naihahayag ay ang Kaniyang likas na katangian. Sa simula, ang katangian ng Diyos ay nakatago mula sa mga tao, hindi Niya tuwirang inihahayag ang Kaniyang katangian sa tao, at walang kaalaman ang tao tungkol sa Kaniya, kaya ginamit Niya ang Kaniyang gawain upang unti-unting ihayag ang Kaniyang katangian sa tao, ngunit hindi ito nangangahulgan na ang Kaniyang katangian ay nagbabago sa bawat panahon. Hindi ito tungkol sa ang katangian ng Diyos ay patuloy sa pagbabago dahil ang Kaniyang kalooban ay palaging nagbabago. Sa halip, dahil ang gawain ng Diyos ay isinasagawa sa iba't ibang panahon, ang Kaniyang likas na katangian sa kabuuan nito ay unti-unting naihahayag sa tao, nang sa gayon ay makilala Siya ng mga tao. Ngunit hindi ito patunay na sa simula ay walang tiyak na katangian ang Diyos at ang katangian Niya ay unti-unting nagbago sa paglipas ng panahon--ang mga ganoong paniniwalang ay mga bagay na walang saysay. Ihinahayag ng Diyos sa tao ang Kaniyang likas na katangian, kung ano Siya, ayon sa paglipas ng mga panahon. Ang gawain sa isang panahon ay hindi makapagpapaliwanag sa buong katangian ng Diyos. At kaya, ang mga salitang "Ang Diyos ay palaging bago at kailanman ay hindi luma" ay tumutukoy sa Kaniyang gawain, at ang mga salitang "Ang Diyos ay hindi magbabago" ay tungkol sa kung ano ang likas na taglay at katangian ng Diyos. Gayunpaman, hindi mo maaaring maipaliwanag ang anim na libong taong gawain sa isang punto lang, o mailarawan ito sa pamamagitan ng mga di-nagbabagong mga salita lamang. Gayon ay ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi payak katulad ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kaniyang gawain ay hindi magtatapos sa isang panahon lang. Si Jehova, halimbawa, ay hindi laging kakatawan sa pangalan ng Diyos; isinasagawa rin ng Diyos ang Kaniyang gawain sa ilalim ng pangalan na Hesus, na isang simbolo ng kung paanong patuloy ang pag-unlad nang pasulong ng gawain ng Diyos.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
11. Ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi kailanman magiging si Satanas; si Satanas ay mananatiling si Satanas, at hindi kailanman magiging Diyos. Ang karunungan ng Diyos, ang Kaniyang pagiging kamangha-mangha, ang Kanyang katuwiran at Kanyang kadakilaan ay hindi kailanman magbabago. Ang Kaniyang kakanyahan at kung ano ang Kaniyang taglay ay hindi kailanman magbabago. Subalit, ang Kaniyang gawain, ay palaging umuunlad pasulong, laging lumalalim, dahil ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma. Sa bawat panahon nagkakaroon ng bagong pangalan ang Diyos, sa bawat panahon ay Siya’y nagsasagawa ng mga bagong gawain, at sa bawat panahon ay hinahayaan Niyang makita ng bawat nilalang ang bagong Niyang kalooban at bago Niyang katangian. Kung hindi makikita ng mga tao ang pagpahahayag ng bagong katangian ng Diyos sa bagong panahon,hindi ba nila ipapako habambuhay sa krus si Hesus? At sa paggawa nito, hindi ba't binibigyang kahulugan nila ang Diyos?
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
12. Hindi inuulit ng Diyos ang Kaniyang gawain sa bawat bagong panahon. Ang mga huling araw ay nakahiwalay na panahon, iyon ay kung saan sinabi ni Hesus na nararapat kayong magdusa sa mga sakuna, at sumailalim sa mga lindol, taggutom, at mga salot, na magpapakita na ito ay bagong panahon at hindi na ang lumang Panahon ng Biyaya.Simula nang dumating na ang mga huling araw, isasagawa Niya ang mga gawain ng huling mga araw, at ihahayag ang Kaniyang buong katangian sa mga huling araw. Kung, katulad ng sinasabi ng mga tao na ang Diyos ay hindi kailanman nagbabago, ang Kaniyang katangian ay mahabagin at mapagmahal, at mahal Niya ang mga tao gaya ng Kanyang sarili, at naghahandaog Siya ng kaligtasan sa bawat tao at hindi sila kailanman kinasusuklaman, gayon magagawa ba Niyang maisakatuparan ang Kaniyang gawain?Nang dumating si Hesus, ipinako Siya sa krus, at inialay Niya ang Kaniyang saril para sa lahat ng makasalanan sa pamamagitan ng pag-alay ng Kaniyang sarili sa harap ng altar. Naisakatuparan na Niya ang gawain ng pagtubos at naihatid na ang Panahon ng biyaya sa katapusan nito, kaya ano ang magiging layunin ng pag-uulit sa mga gawain ng panahong iyon sa mga huling araw? Hindi ba't ang paggawa ng parehong bagay ay isang uri ng pagtanggi sa gawain ni Hesus? Kung hindi isinagawa ni Hesus ang gawain ng pagpapapako sa krus kapag Siya ay nakarating sa yugtong ito, ngunit Siya ay nanatiling mahabagin at mapagmahal, makakaya ba Niyang wakasan ang panahong ito?Makakaya bang tapusin ng mahabagin at mapagmahal na Diyos ang panahon? Sa pangwakas Niyang gawain sa pagtapos ng panahon, ang katangian ng Diyos ay ang pagpaparusa at paghatol, na ipinapahayag ang lahat ng di-makatarungan, at hayagang hinahatulan ang lahat ng tao, at ginagawang sakdal ang mga tunay na nagmamahal sa Kaniya. Ang ganitong katangian lang ang makapaghahatid sa panahong ito sa isang wakas.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
13. Dumating na ang mga huling araw. Ang lahat ng bagay ay isasaayos ayon sa uri, at hahatiin sa iba't ibang klase ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang oras kung kailan ihahayag ng Diyos ang wakas at ang hantungan ng tao. Kapag hindi sumailalim sa kaparusahan at paghatol ang tao, gayon walang paraan upang maihayag ang hindi pagsunod at kawalan ng katarungan ng tao. Tanging sa pamamagitan lang ng kaparusahan at paghatol maihahahayag ang katapusan ng lahat. Ipinapakita lang ng tao ang kanilang tunay na kulay kapag sila ay napaparusahan at hinahatulan. Ang kasamaan ay ibabalik sa kasamaan, ang kabutihan ay ibabalik sa kabutihan, at ang tao ay isasaayos ayon sa uri. Sa pamamagitan ng pagpaparusa at paghatol, ang katapusan ng lahat ng bagay ay maisisiwalat, nang sa gayon ay maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mga mabubuti, at ang lahat ng tao ay papasailalim sa kapangyarihan ng Diyos. Ang lahat ng gawain ay nangangailangan ng matuwid na kaparusahan at paghatol upang ito ay makamit. Dahil ang katiwalian ng tao ay naabot na ang rurok at ang kaniyang hindi pagsunod ay lumala, tanging ang tapat na katangian lang ng Diyos, na pangunahin ay isang kaparusahan at paghatol, at ipinahayag sa mga huling araw, ay maaaring baguhin at gawing ganap ang tao. Tanging ang katangiang ito ang makapaglalantad ng kasamaan at malubhang maparusahan ang lahat ng mga hindi makatarungan. Samakatuwid, ang katangiang ito ay nagtataglay ng kahalagahan ng panahon, at ang paghahayag at pagpapakita ng Kaniyang katangian ay para sa kapakanan ng gawain sa bawat bagong panahon. Hindi ipinahahayag ng Diyos ang Kaniyang katangian nang gayon-gayon lang at nang walang kabuluhan. Kung ang katapusan ng tao ay naihayag sa mga huling araw, naghahandog pa rin ang Diyos sa tao ng walang hanggang awa at pagmamahal, at kapag Siya ay mapagmahal pa rin sa mga tao, at hindi Niya hinahayaang sumailalim ang tao sa makatuwirang paghatol, kundi Siya'y nagpapamalas ng pagpaparaya, pagtitiis at pagpapatawad, kapag patuloy pa rin Siyang nagpapatawad sa tao anuman ang matinding kasalanang nagagawa niya, na walang makatuwirang paghatol, magwawakas ba ang lahat ng pamamahala ng Diyos? Kailan magagawang mapangunahan ng ganitong katangian ang sangkatauhan patungo sa tamang hantungan?Ipagpalagay, halimbawa, ang isang hukom na mapagmahal, mabuti at magiliw. Mahal niya ang mga tao sa kabila ng kanilang mga nagawang kasalanan, at siya ay mapagmahal at mapagparaya sa sinumang tao. Kailan niya makakayang abutin ang makatuwirang pasya? Sa mga huling araw, tanging ang makatuwirang paghatol lang ang makapag-uuri sa tao at makapagdadala sa kanila sa bagong mundo. Sa paraang ito, ang buong panahon ay maihahatid sa isang wakas sa pamamagitan ng makatuwirang katangian ng paghatol at kaparusahan ng Diyos.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman
14. Ang gawain ng Diyos sa kabuuan ng Kaniyang pamamahala ay lubos na malinaw: Ang Panahon ng Biyaya ay ang Panahon ng Biyaya, at ang mga huling araw ay ang mga huling araw. Mayroong mga malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng bawat panahon, dahil sa bawat panahon nagsasagawa ang Diyos ng gawain na kakatawan sa panahong iyon.Dahil ang mga gawain na nararapat isagawa sa mga huling araw ay pagsunog, paghatol, pagpaparusa, poot, at pagkawasak upang matapos na ang panahon. Ang mga huling araw ay tumutukoy sa pangwakas na panahon. Sa pangwakas na panahon, hindi ba tatapusin ng Diyos ang panahon? At tanging sa pamamagitan ng kaparusahan at paghatol maihahatid sa isang wakas ang panahon. Ang layunin ni Hesus ay upang magpatuloy ang tao sa pag-iral, pamumuhay, at ang umiral sa mas maayos na paraan. Iniligtas Niya ang tao mula sa kasalanan nang sa gayon ay tumigil ang tao sa patuloy na kasamaan at hindi na mamuhay pa sa Pook ng Kamatayan at impyerno, at sa pagligtas sa kanila mula sa Pook ng Kamatayan at impyerno, hinayaan Niyang magpatuloy na mabuhay ang tao. Ngayon, ang mga huling araw ay dumating na. Lilipulin Niya ang tao, wawasakin sila, na nangangahulugang babaligtarin Niya ang pagkamasuwayin ng tao. Sa gayon, ang mahabagin at mapagmahal na katangian ng Diyos ay mawawalan ng kakayahang wakasan ang panahon, at walang kakayahan upang maisakatuparan ang anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos. Ang bawat panahon ay nagtatampok ng natatanging pagkatawan sa katangian ng Diyos, at ang bawat panahon ay naglalaman ng mga gawain na nararapat isagawa ng Diyos. Kaya, ang mga gawain ng Diyos sa bawat panahon ay naglalaman ng pagpapahayag ng Kaniyang tunay na katangian, at ang Kaniyang pangalan at ang isinasagawa Niyang gawain ay nagbabago kasabay ng panahon; ang lahat ng ito ay bago.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
15. Sa Panahon ng Kautusan, ang gawain ng paggabay sa sangkatauhan ay isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehova, at ang unang yugto ng gawain ay isinagawa sa lupa. Ang gawain sa panahong ito ay upang magtatag ng mga templo at dambana, at upang gamitin ang mga kautusan upang gabayan ang mga tao sa Israel at gumawa sa kanila. Sa pamamagitan ng paggabay sa mga tao sa Israel, Siya ay nagtatag ng himpilan para sa Kaniyang gawain sa lupa. Sa himpilang ito, pinalawak Niya ang Kaniyang gawain lampas ng Israel, samakatuwid, mula sa Israel, pinalawak Niya ang Kaniyang gawain palabas, nang sa gayon ang mga susunod na salinlahi ay unti-unting malaman na si Jehova ay ang Diyos, at na nilikha ni Jehova ang langit at ang lupa at ang lahat ng bagay, nilikha ang lahat ng nilalang. Ipinalaganap Niya ang Kaniyang gawain sa mga tao sa Israel. Ang lupain ng Israel ang pinakaunang banal na lugar ng mga gawain ni Jehova sa lupa, at ang mga unang gawain ng Diyos sa lupa ay sa lahat ng dako ng lupain ng Israel. Iyon ang mga gawain sa Panahon ng Kautusan. Sa gawain ng Panahon ng Biyaya, si Hesus ang Diyos na nagligtas sa tao. Kung ano Siya at kung ano ang Kaniyang taglay ay biyaya, pag-ibig, awa, pagtitiis, tiyaga, kababaang-loob, pag-aalaga, at pagpaparaya, at marami sa mga gawaing Kaniyang isinagawa ay ang pagtubos sa tao. At para sa Kaniyang katangian, ito ay isang may ang awa at pagmamahal, dahil Siya ay maawain at mapagmahal, kinailangan Niyang maipako sa krus para sa tao, nang sa gayon ay maipakita Niya na mahal ng Diyos ang tao gaya ng Kanyang sarili, sa lawak na inialay Niya ang Kaniyang sarili sa Kanyang kabuuan. … Sa Panahon ng Biyaya, ang pangalan ng Diyos ay Hesus, na nangangahulugan na ang Diyos ay ang Diyos na nagligtas sa tao, at Siya ay isang maawain at mapagmahal na Diyos. Kapiling ng tao ang Diyos. Ang Kaniyang pagmamahal, ang Kaniyang awa, at ang Kaniyang kaligtasan ay naging kapiling ng bawat tao. Ang tao ay maaari lang magkamit ng kapayapaan at kagalakan, makatanggap ng Kaniyang biyaya, makatanggap ng Kaniyang marami at malawak na pagpapala, at matanggap ang Kaniyang kaligtasan kung tatanggapin ng tao ang Kaniyang pangalan at tatanggapin ang Kanyang presensiya. Sa pamamagitan ng pagkakapako ni Hesus sa krus, ang siyang mga sumunod sa Kaniya ay nakatanggap ng kaligtasan at pinatawad sa kanilang mga kasalanan. Sa Panahon ng Biyaya, ang pangalan ng Diyos ay Hesus. Sa madaling salita, ang gawain ng Panahon ng Biyaya ay isinagawa una sa lahat sa ilalim ng pangalan ni Hesus. Sa Panahon ng Biyaya, ang Diyos ay tinawag na Hesus. Gumawa Siya ng gawain na higit pa sa Lumang Tipan, at ang Kaniyang gawain ay natapos sa pagpapapako sa krus, at iyon ang kabuuan ng Kaniyang gawain. Samakatuwid, sa Panahon ng Kautusan, Jehova ang pangalan ng Diyos, at sa Panahon ng Biyaya, ang pangalang Hesus ay kumatawan sa Diyos. Sa mga huling araw, ang Kaniyang pangalan ay Makapangyarihang Diyos-- ang Makapangyarihan, at ginagamit Niya ang Kaniyang kapangyarihan upang gabayan ang tao, lupigin ang tao at makamit ang tao, at sa huli, wakasan ang panahon. Sa bawat panahon, sa bawat yugto ng Kaniyang gawain, ang katangian ng Diyos ay kapansin-pansin.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
16. Kung palaging pareho ang gawain sa bawat panahon, at Siya ay tinatawag sa parehong pangalan, paano Siya makikilala ng tao? Ang Diyos ay nararapat tawaging Jehova, at maliban sa Diyos na tinatawag na Jehova, ang isang tinatawag sa anumang ibang pangalan ay hindi ang Diyos. Kung hindi, ang Diyos ay maaari lang tawaging Hesus, at ang Diyos ay hindi maaaring tawagin sa ibang mga pangalan maliban sa Hesus; maliban kay Hesus, hindi Diyos si Jehova, at ang Makapangyarihang Diyos ay hindi rin ang Diyos.Naniniwala ang tao na ang Diyos ay tunay na makapangyarihan, ngunit ang Diyos ay isang Diyos na kapiling ang tao; nararapat Siyang tawaging Hesus, dahil ang Diyos ay kapiling ang tao. Ang gawin ito ay pagsunod sa doktrina at pagkulong sa Diyos sa isang saklaw. Kaya, ang gawain na isinasagawa ng Diyos sa bawat panahon, ang pangalan kung saan Siya ay tinatawag, at ang anyong Kaniyang kinukuha, at ang bawat yugto ng Kaniyang gawain hanggang ngayon, ay hindi sumusunod sa anumang alituntunin, at hindi sumasailalim sa anumang paghihigpit. Siya ay si Jehova, ngunit Siya rin ay si Hesus, gayundin ang Tagapagligtas, at ang Makapangyarihang Diyos. Ang Kaniyang gawain ay unti-unting nagbabago, at may mga katumbas na pagbabago sa Kaniyang pangalan. Walang iisang pangalan ang maaaring kumatawan sa Kaniya, ngunit ang lahat ng pangalan kung saan Siya ay tinatawag ay maaaring kumatawan sa Kaniya, at ang gawain na Kaniyang isinasagawa sa bawat panahon ay kumakatawan sa Kaniyang katangian.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
17. Sabihin na nating, kapag dumating ang mga huling araw, ang Diyos na iyong pinagmamasdan ay si Hesus pa rin, Siya ay nakasakay sa puting ulap, at Siya pa rin ay nagtataglay ng anyo ni Hesus, at ang mga salitang Kaniyang binibitawan ay mga salita pa rin ni Hesus: Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili, ikaw ay mag-ayuno at magdasal, mahalin mo ang iyong mga kaaway katulad ng iyong pagmamahal sa iyong sariling buhay, magtiis ka sa iyong kapwa, at maging mapagpaumanhin at mapagpakumbaba. Maaari Ko kayong maging mga disipulo pagkatapos noon. Kapag ginawa mo ang lahat ng ito, maaari kang pumasok sa Aking kaharian. Hindi ba't ito ang gawain ng Panahon ng Biyaya. Hindi ba't ito ang daang napag-usapan ang mga ito sa Panahon ng Biyaya? Ano ang iyong nararamdaman kapag naririnig mo ang mga salitang ito? Hindi mo ba nararamdaman na ang mga ito ay gawain pa rin ni Hesus? Ito ba'y hindi pag-uulit ng Kaniyang gawain? Maaari ba nitong bigyang-kasiyahan ang tao? Maaari mong maramdaman na ang gawain ng Diyos ay maaaring manatili lamang na katulad ng sa ngayon, at hindi na higit na uunlad pa.Mayroon lang Siyang dakilang kapangyarihan, walang bagong gawain na isasagawa, at narating na Niya ang Kaniyang hangganan. Dalawang libong taon na ang nakalipas nang Panahon ng Biyaya, at matapos ang dalawang libong taon, nangangaral pa rin Siya sa paraan na katulad sa Panahon ng Biyaya, at pinagsisisi pa rin ang mga tao. Ang mga tao ay magsasabi, "Dakila lamang ang Iyong kapangyarihan, O Diyos. Naniniwala ako na Ikaw ay matalino, at gayunman Ikaw ay mapagtimpi lamang at mapagpakumbaba, ang alam Mo lang ay ang magmahal sa Iyong mga kaaway at walang nang iba."
Sa isip ng tao, mananatili ang Diyos na katulad ng sa Panahon ng Biyaya, at ang tao ay patuloy na maniniwalang ang Diyos ay mahabagin at mapagmahal.
Sa tingin mo ba ang gawain ng Diyos ay mananatiling maglakad sa parehas na lumang lupain? Kaya, sa yugtong ito na Kaniyang gawain, hindi Siya dapat ipako sa krus, at ang lahat ng inyong nakikita at nahahawakan ay hindi magiging katulad ng alinman sa inyong mga naisip at narinig.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
18. Maaari ba nitong malinaw na maipaliwanag ang Diyos? Ang pangalang Hesus ba, "Sumama sa atin ang Diyos," ay maaaring kumatawan sa buong katangian ng Diyos? Kung ang tao ay nagsasabi na ang Diyos ay maaari lang tawaging Hesus, at hindi maaaring magkaroon ng iba pang pangalan dahil hindi maaaring baguhin ng Diyos ang Kaniyang katangian, ang mga salitang iyon ay kalapastanganan sa Diyos! Naniniwala ka bang ang pangalang Hesus, sumama sa atin ang Diyos, ay maaaring kumatawan sa Diyos sa Kaniyang kabuuan? Maaaring tawagin sa iba't ibang pangalan ang Diyos, ngunit sa mga pangalang ito, walang kahit isa ang makakayang lumagom sa lahat ng mayroon ang Diyos, walang kahit isa na maaaring lubos na kumatawan sa Diyos. At kaya maraming pangalan ang Diyos, ngunit ang mga pangalang ito ay hindi maaaring ganap na maihayag ang katangian ng Diyos, dahil ang katangian ng Diyos ay napakamasagana at lumalampas sa karunungan ng tao. … Ang isang tukoy na salita o pangalan ay walang kapangyarihan upang kumatawan sa Diyos sa Kaniyang kabuuan. Kaya maaari bang gumamit ng iisang permanenteng pangalan? Ang Diyos ay napakadakila at banal, kaya bakit hindi mo Siya hinahayaang magpalit ng Kaniyang pangalan sa bawat bagong panahon? Sa bawat panahon na personal na isinasagawa ng Diyos ang Kaniyang gawain, gumagamit Siya ng pangalan na naaangkop sa panahon upang lagumin ang gawain na Kaniyang isinasagawa. Ginagamit Niya ang tukoy na pangalang ito, ang isang nagtataglay ng kahalagahan sa panahon, upang kumatawan sa Kaniyang katangian sa panahong iyon. Ginagamit ng Diyos ang wika ng tao upang maipahayag ang Kaniyang sariling katangian. … Darating ang araw na ang Diyos ay hindi na tatawaging Jehova, Hesus, o ang Tagapagligtas--Siya ay tatawaging ang Tagapaglikha. Sa oras na iyon, ang lahat ng mga pangalan na Kaniyang ginamit sa lupa ay magwawakas, dahil ang Kaniyang gawain sa lupa ay matatapos na rin, pagtapos nito, hindi na Siya magkakaroon ng pangalan. Kapag ang lahat ng tao ay sumailalim sa kapangyarihan ng Tagapaglikha, bakit Siya tatawagin sa labis na naaangkop ngunit hindi ganap na pangalan?
Hinahanap mo pa rin ba ang pangalan ng Diyos ngayon? Tinatangka mo pa rin bang sabihin na ang Diyos ay tinatawag lang na Jehova? Tinatangka mo pa rin bang sabihin na ang Diyos ay tinatawag lang na Hesus? Makakaya mo bang matiis ang kasalanan ng kalapastanganan sa Diyos? Nararapat mong malaman na ang Diyos sa simula ay walang pangalan. Gumamit lang Siya ng isa o dalawa, o maraming pangalan dahil mayroon Siyang gawaing kailangang isagawa at pamahalaan ang sangkatauhan. Kahit anuman ang tawag sa Kaniya, hindi ba't ito ay Kaniyang pinili nang malaya? Kailangan ka ba Niya, isang nilalang, upang pagpasiyahan ito? Ang pangalan kung saan tinatawag ang Diyos ay ayon sa kung ano ang nauunawaan ng tao at ang wika ng tao, ngunit ang pangalang ito ay di kayang lagumin ng tao. Maaari mo lang sabihin na mayroong Diyos sa langit, at Siya ay tinatawag na Diyos, at Siya ang Diyos Mismo na makapangyarihan, labis na matalino, labis na mataas, labis na kamangha-mangha, labis na mahiwaga, labis na makapangyarihan, at wala ka nang masasabi pang iba; iyon lang ang inyong nalalaman. Sa paraang ito, maaari bang kumatawan ang pangalan ni Hesus sa Diyos Mismo?Kapag dumating na ang mga huling araw, kahit na ang Diyos pa rin ang nagsasagawa ng mga gawain, kailangang magbago ang Kaniyang pangalan, dahil ito ay panibagong panahon na.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
19. Nang dumating si Hesus upang isagawa ang Kaniyang gawain, ito ay sa ilalim ng gabay ng Banal na Espiritu; ginawa Niya ang kagustuhan ng Banal na Espiritu, at ito ay hindi ayon sa Panahon ng Kautusan sa Lumang Tipan o ayon sa gawain ni Jehova. Kahit na ang gawain na isinagawa ni Hesus ay hindi para sa pagsunod sa mga kautusan ni Jehova o ang mga tuntunin Niya, ang Kanilang pinagmulan ay pareho lang. Ang gawain na isinagawa ni Hesus ay kumatawan sa pangalan ni Hesus, at sa Panahon ng Biyaya; ang gawain na isinagawa ni Jehova, ay kumatawan kay Jehova, at kumatawan sa Panahong ng Kautusan. Ang Kanilang mga gawain ay gawain ng isang Espiritu sa dalawang magkaibang panahon. Ang gawain na isinagawa ni Hesus ay maaari lang kumatawan sa Panahon ng Biyaya, at ang gawain na isinagawa ni Jehova ay maaari lang kumatawan sa Panahon ng Kautusan sa Lumang Tipan. Ginabayan lang ni Jehova ang mga tao sa Israel at Ehipto, at lahat ng mga bansa sa labas ng Israel. Ang gawain ni Hesus sa Panahon ng Biyaya sa Bagong Tipan ay gawain ng Diyos sa ilalim ng pangalan ni Hesus habang Kaniyang ginagabayan ang panahon. Kung iyong sasabihin na ang gawain ni Hesus ay batay sa gawain ni Jehova, at hindi Siya nagsagawa ng anumang bagong gawain, at ang lahat ng Kaniyang ginawa ay ayon lang sa mga salita ni Jehova, ayon sa mga gawain ni Jehova at mga hula ni Isaias, si Hesus ay hindi ang Diyos na naging laman. Kung isinagawa Niya ang Kaniyang gawain sa paraang ito, isa Siyang apostol o isang manggagawa ng Panahon ng Kautusan.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
20. Kung katulad ito ng iyong sinasabi, gayon walang kakayahan si Hesus na magbukas ng panahon, ay hindi Siya makapagsagawa ng ibang gawain. Sa parehong paraan, ang Banal na Espiritu ay kailangan paunang isagawa ang Kaniyang gawain sa pamamagitan ni Jehova, at maliban sa pamamagitan ni Jehova ang Banal na Espiritu ay walang kakayahang magsagawa ng anumang bagong gawain. Mali ang tao na makita ang gawain ni Hesus sa ganitong paraan. Kung naniniwala ang tao na ang gawaing isinagawa ni Hesus ay ayon sa mga salita ni Jehova at mga hula ni Isaias, kung gayon, Si Hesus din ba ang Diyos na nagkatawang-tao, o isa ba Siyang propeta? Ayon sa pananaw na ito, wala ang Panahon ng Biyaya, at hindi si Hesus ang katawang-tao ng Diyos, dahil ang gawain na Kaniyang isinagawa ay hindi maaaring kumatawan sa Panahon ng Biyaya at maaaring kumatawan lang sa Panahon ng Kautusan sa Lumang Tipan. Maaari lang magkaroon ng bagong panahon kapag nagsimula ng bagong gawain si Hesus, naglunsad ng bagong panahon, at pumasok sa gawain na isinagawa noon sa Israel, at hindi isinagawa ang Kaniyang gawain ayon sa gawaing isinagawa ni Jehova sa Israel, hindi sumunod sa luma Niyang mga tuntunin, at hindi sumunod sa anumang tuntunin, at isinagawa ang bagong gawain.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
21. Ang Diyos Mismo ang nagsimula rin ng bagong panahon, at ang Diyos Mismo ang nagwakas sa panahong ito. Walang kakayahan ang tao na isagawa ang gawain ng pagsisimula ng isang panahon at pagwawakas ng isang panahon. Kung hindi winakasan ni Hesus ang gawain ni Jehova, ito ay magpapatunay na Siya ay tao lang, at hindi kumakatawan sa Diyos. Ito ay tiyak dahil pumarito si Hesus at tinapos ang gawain ni Jehova, ipinagpatuloy ang gawain ni Jehova sa pamamagitan ng pagsisimula ng Kaniyang sariling gawain, bagong gawain, ito ay nagpapatunay na ito ay bagong panahon, at si Hesus ay Siya ring Diyos. Sila ay nagsagawa ng tiyak na magkaibang yugto ng gawain. Ang isang yugto ay isinagawa sa templo, at ang isa ay isinagawa sa labas ng templo. Ang isang yugto ay upang pangunahan ang buhay ng tao ayon sa kautusan, at ang isa ay upang maghandog ng alay para sa mga kasalanan. Ang dalawang yugto ng gawain na ito ay hindi maipagkakaila na magkaiba; ito ang paghahati ng bago at lumang panahon, at walang mali sa pagsabi na ang mga ito ay dalawang panahon! Ang kinaroroonan ng Kanilang mga gawain ay magkaiba, ang mga nilalaman ng Kanilang gawain ay magkaiba, at layunin ng Kanilang gawain ay magkaiba. Sa gayon, maaaring hatiin ang mga ito sa dalawang panahon: ang Bago at Lumang Tipan, na ibig sabihin, ang bago at ang lumang mga panahon. … Kahit na Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan, ang parehong yugto ng gawain ay isinagawa ng iisang Espiritu, at ang gawain ng pangalawa ay ang pagpapatuloy sa gawain ng una. Dahil magkaiba ang pangalan, at ang nilalaman ng gawain ay magkaiba, ang panahon ay magkaiba rin. Nang dumating si Jehova, iyon ang panahon ni Jehova, at nang dumating si Hesus, nagkaroon ng panahon ni Hesus. At kaya, sa bawat pagkakataon na dumarating ang Diyos, Siya ay tinatawag sa iisang pangalan, kinakatawan Niya ang isang panahon, at Siya ay nagbubukas ng bagong daan; at sa bawat bagong daan, Siya ay gumagamit ng bagong pangalan, na nagpapakita na ang Diyos ay laging bago at hindi luma, at ang Kaniyang gawain ay patuloy na umuunlad pasulong. Ang kasaysayan ay patuloy na sumusulong, at ang gawain ng Diyos ay patuloy na sumusulong. Upang matapos ang Kaniyang anim na libong taong plano ng pamamahala, nararapat itong patuloy na umunlad pasulong. Kailangan Niyang magsagawa ng bagong gawain sa bawat araw, kailangan Niyang magsagawa ng bagong gawain sa bawat taon; kailangan Niyang magbukas ng mga bagong daan, mga bagong kapanahunan, magsimula ng bago at higit na malaking mga gawain, at magdala ng mga bagong pangalan at gawain.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
22. Kung, katulad ng ipinapalagay ng mga tao, si Hesus ay darating, tinatawag pa ring Hesus sa mga huling araw, at nakasakay pa rin sa puting ulap, bumababa sa mga tao sa anyo ni Hesus, hindi ba ito isang pag-uulit ng Kaniyang gawain? Mananatili ba ang Banal na Espiritu sa luma? Ang lahat ng pinaniniwalaan ng tao ay puro pananaw lang, at ang lahat ng tinatanggap ng tao ay ayon sa literal na kahulugan, at ayon sa kaniyang likhang-isip; ito ay wala sa mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu, at hindi umaayon sa layunin ng Diyos. Hindi ito gagawin ng Diyos; hindi hunghang at hangal ang Diyos, at ang Kaniyang mga gawain ay hindi payak katulad ng inyong iniisip. Ayon sa lahat ng mga ginawa at ipinagpalagay ng tao, darating si Hesus sa isang ulap, at bababa sa inyo. Nararapat ninyo Siyang pagmasdan, at habang Siya ay nakasakay sa puting ulap, sasabihin Niya na Siya si Hesus. Nararapat ninyo ring pagmasdan ang mga marka ng pako sa Kaniyang mga kamay, at inyong malalaman na Siya si Hesus. At kayo ay muli Niyang ililigtas, at Siya ang inyong magiging makapangyarihang Diyos. Kayo ay Kaniyang ililigtas, at bibigyan ng bagong pangalan, at ang bawat tao ay bibigyan Niya ng puting bato, pagkatapos nito, kayo ay pahihintulutan na makapasok sa kaharian ng langit at matanggap sa paraiso. Hindi ba't ang mga paniniwalang ito ay mga pananaw ng tao? Gumagawa ba ang Diyos ayon sa pananaw ng tao o Siya'y gumagawa salungat sa mga iniisip ng tao? Hindi ba’t ang lahat ng mga pananaw ng tao ay nagmumula kay Satanas? Hindi ba't pinasama ni Satanas ang lahat ng tao? Kung gumawa ang Diyos ayon sa pag-iisip ng tao, hindi ba't magiging kapareho lang ng Diyos si Satanas? Hindi ba't magiging kapareho lang Niya ang mga nilalang? Dahil ang mga nilalang ay pinasama na ni Satanas, na ang tao ay naging sagisag ni Satanas, kung gumawa ang Diyos ayon sa mga bagay ni Satanas, hindi ba't magiging kakampi Siya kay Satanas? Paano mauunawaan ng tao ang gawain ng Diyos? Kaya, hindi gumagawa ang Diyos ayon sa pananaw ng tao, at hindi Siya gumagawa na katulad ng inyong ipinapalagay.
Mayroong mga nagsasabi na sinabi ng Diyos Mismo na Siya ay darating na nasa ulap. Ito ay tunay na sinabi ng Diyos Mismo, ngunit alam ba ninyo na ang hiwaga ng Diyos ay hindi maaarok ng tao? Alam ba ninyo na ang mga salita ng Diyos ay hindi maipapaliwanag ng tao? Kayo ba ay tiyak na napaliwanagan at naliwanagan ng Banal na Espiritu?Pinakita ba sa inyo ng Banal na Espiritu sa gayong tuwirang paraan? Ang mga ito ba ang pamamahala ng Banal na Espiritu, o ang mga ito ba’y inyong pananaw? Siya ay nagsabi, "Sinabi ito ng Diyos Mismo." Ngunit hindi natin magagamit ang ating sariling pananaw at pag-iisip upang masukat ang mga salita ng Diyos. Para sa mga salita ni Isaias, mayroon ba kayong buong tiwala upang ipaliwanag ang kaniyang mga salita? Tatangkain ninyo bang ipaliwanag ang kaniyang mga salita? Dahil hindi kayo nagkalakas-loob na ipaliwanag ang mga salita ni Isaias, bakit ninyo tinatangka na ipaliwanag ang mga salita ni Hesus? Sino ang mas itinataas, si Hesus o si Isaias? Dahil ang sagot ay si Hesus, bakit ninyo ipinaliliwanag ang mga salita ni Hesus? Sasabihin ba ng Diyos sa inyo ang Kaniyang gawain nang maaga? Walang nilalang ang maaaring makaalam, kahit na ang mga sugo ng langit, ni ang Anak ng tao, kaya paano ninyo malalaman?
Malaki ang pagkukulang ng tao. Ang mahalaga sa inyo ngayon ay ang malaman ang tatlong yugto ng gawain.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
23. Mula sa gawain ni Jehova hanggang sa iyong gawain ni Hesus, at mula sa gawain ni Hesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Wakas, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa panahon sa wakas nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang panahon at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay tumataliwas sa Diyos. Ngayon, nararapat ninyong maunawaan na ang lahat ng gawain mula sa unang yugto hanggang sa ngayon ay ang gawain ng nag-iisang Diyos, gawain ng isang Espiritu, at ito ay hindi maipagkakaila.

mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Laman"
 Mula sa:

Walang komento: