Una, umawit tayo ng isang himno: Ang Awit ng Kaharian (I) Ang Kaharian ay bumaba sa Mundo
Saliw: Masayang nagbubunyi ang mga tao sa Diyos, pinupuri Siya ng mga tao, nagpapahayag ang mga tinig tungkol sa nag-iisang tunay na Diyos, ang kaharian ay bumaba sa mundo.
1. Masayang nagbubunyi ang mga tao sa Diyos, pinupuri Siya ng mga tao, nagpapahayag ang mga tinig tungkol sa nag-iisang tunay na Diyos, tumitingala ang hindi mabilang na mga tao sa Kanyang mga gawa. Ang kaharian ay bumaba sa mundo, at ang tao ng Diyos ay mayaman at sagana, mayaman at sagana. Sino ang hindi mangagalak para dito (sino ang hindi mangagalak para dito)? Sino ang hindi sasayaw para dito (sino ang hindi sasayaw para dito)? Sion (Sion), Sion (Sion), itaas ang iyong bandila ng tagumpay upang magdiwang para sa Diyos! Kantahin mo ang iyong awit ng tagumpay upang maikalat ang banal na pangalan ng Diyos! O lahat ng mga bagay sa pinakadulo ng lupa, linisin agad ninyo ang inyong mga sarili upang ialay sa Diyos, upang ialay sa Diyos! O mga bituin sa kalangitan, bumalik kayo agad sa inyong orihinal na mga posisyon upang ipakita ang kapangyarihan ng Diyos sa mga langit! Taimtim na nakikinig ang Diyos sa mga tinig ng tao sa lupa; ibinubuhos nila ang walang hanggang pag-ibig at paggalang sa Diyos sa kanilang mga kanta! Sa araw kapag muling ipanganak ang lahat ng mga bagay, personal na darating ang Diyos sa mundo, personal na darating sa mundo, at sa pagkakataon na ito, mamumukadkad ang mga bulaklak, aawit ang mga ibon, at ang lahat ng mga bagay ay puno ng kagalakan! Mamumukadkad ang mga bulaklak, aawit ang mga ibon, at ang lahat ng mga bagay ay puno ng kagalakan! Sa pagkakataong ito, guguho ang kaharian ni Satanas sa tunog ng pagpugay ng kaharian ng Diyos, at mawawasak sa ugong ng awit ng kaharian, hindi na ito muling babangon pa!
2. Sino sa mga tao sa buong mundo ang mangangahas na maghimagsik at lumaban? Sapagka’t bumaba ang Diyos sa lupa, at pagkatapos noon ang Diyos ay nagdala ng apoy, ibinaba ang poot, ibinaba ang lahat ng mga sakuna, ang lahat ng mga sakuna. Ang kaharian ng sanlibutan ay naging, ay naging, ang kaharian ng Diyos! Sa kalangitan, ang mga ulap ay lumulutang at umaangat; sa silong ng langit (sa silong ng langit), sa silong ng langit (sa silong ng langit), ang tubig sa mga lawa at mga ilog ay hindi mapigilang tumugtog ng isang makabagbag-pusong himig. Ang mga namumugad na hayop ay lumabas mula sa kanilang mga yungib, ginising ng Diyos ang mga natutulog na mga tao, ang araw na pinakahihintay ng lahat sa wakas ay dumating na, sa wakas ay dumating na! Kanilang inialay ang mga pinakamagagandang kanta, ang mga pinaka-magagandang kanta, sa Diyos, sa Diyos, sa Diyos!
Ano ang naiisip mo sa bawat pagkakataong kinakanta mo ang awit na ito? (Tuwang-tuwa; nanginginig; isipin mo kung gaano kaluwalhati ang kagandahan ng kaharian, at magsasama na magpakailanman ang sangkatauhan at ang Diyos) May nakaisip na ba tungkol sa anyo na kailangang kunin ng tao upang makapiling ang Diyos? Sa iyong mga imahinasyon, paano dapat ang katangian ng isang tao upang makapiling ang Diyos at matamasa ang maluwalhating buhay na susunod sa kaharian? (Dapat silang magkaroon ng isang nabagong katangian.) Dapat silang magkaroon ng isang nabagong katangian, ngunit nagbago sa anong lawak? Ano ang katulad nila pagkatapos nilang nabago? (Sila ay magiging banal.) Ano ang pamantayan para sa kabanalan? (Tutugma kay Cristo ang lahat ng mga saloobin at mga isinasaalang-alang nila.) Paano maipakikita ang pagkakatugma na ito? (Hindi nila lalabanan ang Diyos, hindi ipagkakanulo ang Diyos, ngunit mag-aalay ng lubos na pagsunod sa Diyos, at matatakot sa Diyos sa kanilang mga puso.) Ang ilan sa mga sagot ninyo ay nasa tamang landas. Buksan ninyong lahat ang inyong mga puso, at ibahagi kung ano ang sinasabi sa inyo ng inyong puso. (Magagawa ng mga taong nabubuhay kasama ang Diyos sa kaharian ang kanilang tungkulin, magagawa nila ng tapat ang kanilang tungkulin, sa pamamagitan ng pagsunod sa katotohanan at hindi pagpapipigil sa anumang tao, kaganapan, o bagay. At magiging posible sa kanila ang lumisan mula sa impluwensiya ng kadiliman, ihanay ang kanilang mga puso sa Diyos, at matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan.) (Maaaring ihanay sa Diyos ang ating pananaw sa mga bagay, at humiwalay mula sa impluwensiya ng kadiliman. Hindi dapat pagsamantalahan ni Satanas ang pinakamababang pamantayan, upang matanggal ang anumang pangit na katangian, upang makamit ang pagsunod sa Diyos. Naniniwala kami na ang paglisan mula sa impluwensiya ng kadiliman ang pangunahing punto. Kung may hindi makalisan mula sa impluwensiya ng kadiliman, hindi makalaya mula sa mga gapos ni Satanas, kung ganun hindi nila natamo ang kaligtasan ng Diyos.) (Ang pamantayan para sa pagiging ganap sa pamamagitan ng Diyos ay ang pakikiisa ng tao sa puso at isip ng Diyos. Hindi na kailanman nilalabanan ng tao ang Diyos; nauunawaan niya ang kanyang sarili, isinabubuhay niya ang katotohanan, nakatatamo ng pag-unawa sa Diyos, nagmamahal sa Diyos, at nakihahanay sa Diyos. Iyan lang ang tanging kailangang gawin.)
Ang Timbang ng Kahihinatnan sa Puso ng mga Tao
Tila may natamo kayong isang bagay sa inyong mga puso tungkol sa daan na dapat ninyong tahakin at nabuo ninyo ang isang mahusay na kaalaman at pag-unawa dito. Ngunit nakasalalay sa kung ano ang papansinin ninyo sa inyong pang-araw-araw na gawain kung ang lahat ng mga bagay na sasabihin ninyo ay maging pawang walang laman na mga salita o maging aktuwal na katotohanan. Umani kayo ng isang pag-aani mula sa lahat ng mga aspeto ng katotohanan sa mga nakaraang taon, parehong sa mga doktrina at sa nilalaman ng katotohanan. Ito ang nagpapatunay na ang binibigyan diin ng mga tao sa panahong ito ay ang pagsusumikap para sa katotohanan. At bilang resulta, umugat ang bawat aspeto at bawat bagay ng katotohanan sa puso ng ilang mga tao. Gayunman, ano ang pinakakinatatakutan Ko? Na kahit na umugat ang mga paksa ng katotohanan, at ang mga teyoryang ito, magaan pa rin ang timbang ng aktuwal na nilalaman sa inyong mga puso. Kapag nakatagpo kayo ng mga isyu, nahaharap sa mga pagsubok, nahaharap sa mga pagpipilian-gaano karami sa mga reyalidad ng mga katotohanan na ito ang kaya ninyong gamitin ng mahusay? Makatutulong ba ang mga ito para malagpasan ninyo ang inyong mga paghihirap at lumabas kayo mula sa inyong mga pagsubok na nasiyahan sa mga layunin ng Diyos? Magiging matatag ba kayo sa mga pagsubok ninyo at magpatotoo ng malakas at malinaw para sa Diyos? Naging interesado ba kayo sa mga bagay na ito noon? Hayaan niyo Akong magtanong sa inyo: Sa inyong mga puso, sa lahat ng mga araw-araw ninyong pag-iisip at pagmumuni-muni, ano ang pinakamahalaga sa inyo? Nakarating na ba kayo sa isang konklusyon? Ano sa inyong paniniwala ang pinakamahalagang bagay? Ayon sa ilang mga tao “tiyak na ito ang pagsagawa sa katotohanan”; ayon sa ilang mga tao “siyempre ito ang araw-araw na pagbabasa ng salita ng Diyos”; sabi ng ilang mga tao “siyempre ito ang araw-araw na paglalagay ng aking sarili sa harap ng Diyos at pananalangin sa Diyos”; at may ilang mga taong nagsasabi na “siyempre ito ang araw-araw na maayos na paggawa sa aking tungkulin”; may ilang mga tao pa na nagsasabing iniisip lamang nila ang tungkol sa pagpasiya sa Diyos, kung paano ang sumunod sa Kanya sa lahat ng bagay, at kung paano kumilos ng naaayon sa Kanyang kalooban. Ganito ba ito? Ito na ba ang lahat? Halimbawa, may mga ilang nagsasabi: “Gusto ko lang na sundin ang Diyos, ngunit kapag may nangyari hindi ako maaaring sumunod sa Kanya." Sinasabi ng ilang mga tao: “Gusto ko lamang bigyang kasiyahan ang Diyos. Kahit mapasiya ko lamang Siya ng isang beses, sapat na yan, ngunit kailanman hindi ko Siya mapasisiya." At sinasabi ng ilang mga tao: “Gusto ko lamang sundin ang Diyos. Sa mga oras ng pagsubok, ang tanging gusto ko lamang ay magpasakop sa Kanyang pagsasaayos sa mga bagay, pagsunod sa Kanyang kapangyarihan at kaayusan, ng walang anumang mga reklamo o mga kahilingan. Ngunit halos hindi ako nagiging masunurin sa lahat ng panahon. " Sinasabi ng ilang iba pang mga tao: “Kapag nahaharap ako sa mga desisyon, hindi ko nagagawa ang katotohanan. Nais ko palagi na bigyang-kasiyahan ang bagay na makalupa, laging nais kong masiyahan ang mga pansarili kong kagustuhan. " Ano ang dahilan para dito? Bago dumating ang pagsubok ng Diyos, hinamon at sinubok na ba ninyo ng maraming beses ang inyong mga sarili? Tingnan ninyo kung talagang susunod kayo sa Diyos, talagang pasisiyahin ninyo ang Diyos, at maging tiyak na hindi ninyo ipagkakanulo ang Diyos. Tingnan ninyo kung hindi ninyo pasisiyahin ang inyong mga sarili, hindi ninyo pasisiyahin ang makasarili ninyong mga kagustuhan, ngunit bigyang-kasiyahan lamang ang Diyos, malaya mula sa mga indibidwal ninyong pagpipilian. Mayroon bang sinuman na ganyan? Sa totoo lang, mayroon lamang isang katotohanan na inilagay sa harapan ng inyong mga mata. Ito ang pinagkakainteresan ng bawat isa sa inyo, ang pinakananais ninyong malaman, at iyan ang bagay na kahihinatnan at patutunguhan ng lahat. Maaaring hindi mo ito mapagtanto, ngunit ito ay isang bagay na hindi maitatanggi ng kahit sinuman. Alam kong may ilang mga tao na, kapag tungkol sa katotohanan ng kahihinatnan ng tao, ang pangako ng Diyos sa sangkatauhan, at kung anong uri ng destinasyon ang ninanais ng Diyos na pagdalhan sa tao, pinag-aralan na nila ang salita ng Diyos ng ilang beses sa mga bagay na ito. At may mga paulit-ulit na naghahanap sa mga ito at iniintindi nila ito sa kanilang mga isip, at wala pa rin silang nakukuhang resulta, o marahil nakararating sila sa ilang mga malalabong konklusyon. Sa huli, hindi pa rin sila nakatitiyak tungkol sa kung anong uri ng kahihinatnan ang naghihintay sa kanila. Kapag tumatanggap ng komunikasyon ng katotohanan, kapag tumatanggap ng buhay-iglesya, kapag ginagawa ang kanilang mga tungkulin, laging nais malaman ng karamihan sa mga tao ang isang malinaw na sagot sa mga sumusunod na tanong: Ano kaya ang kahihinatnan ko? Maaari ko bang lakarin ang landas ng tama hanggang sa dulo nito? Ano ang saloobin ng Diyos sa tao? Inaalala rin ng ilang mga tao ang: May mga nagawa akong bagay-bagay sa nakaraan, may mga ilang bagay na nasambit ko, naging masuwayin ako sa Diyos, may ilang mga bagay akong nagawa na pagkakanulo sa Diyos, may ilang mga bagay na hindi ko napasiya ang Diyos, nasaktan ko ang puso ng Diyos, nabigo ko ang Diyos, nagawa kong magalit at magsawa ang Diyos sa akin, kaya marahil hindi matukoy ang aking kahihinatnan. Makatarungang sabihin na nababalisa ang karamihan sa mga tao tungkol sa sarili nilang kahihinatnan. Walang nangangahas sabihin ang: “Nararamdaman ko ng may isang daang porsiyentong katiyakan na maliligtas ako; Isang daang porsiyentong nakatitiyak akong mapasisiya ko ang mga layunin ng Diyos; Ako ay isang tao na naaayon sa puso ng Diyos; Isa akong tao na pinupuri ng Diyos. " Sa tingin ng ilang mga tao ay napakahirap sundin ang daan ng Diyos, at ang pagsabuhay sa katotohanan ang pinakamahirap na bagay sa lahat. Bilang resulta, sa tingin ng mga taong ito ay walang saysay ang tulong sa kanila, at hindi sila nangangahas na itaas ang kanilang mga pag-asa sa pagkakaroon ng mabuting kahihinatnan. O marahil naniniwala silang hindi nila mabibigyang-kasiyahan ang mga layunin ng Diyos, at hindi sila maaaring makaligtas, at dahil dito sasabihin nila na wala silang kahihinatnan, at hindi sila makatatamo ng isang magandang kahahantungan. Hindi alintana kung paano ang eksaktong pananaw ng mga tao, maraming beses na gusto ng lahat na malaman ang tungkol sa kanilang mga kahihinatnan. Sa mga suliranin tungkol sa kanilang hinaharap, sa mga katanungan tungkol sa makukuha nila kapag matatapos ng Diyos ang Kanyang gawa, ang mga taong ito ay palaging nagkakalkula, palaging nagpaplano. Ang ilang mga tao ay nagbayad ng sobrang mahal; iniwanan ng ilang mga tao ang kanilang mga pamilya at mga trabaho; pinabayaan ng ilang mga tao ang kanilang pag-aasawa; ang ilang mga tao ay nagbitiw para magsilbi sa Diyos; iniwan ng ilang mga tao ang kanilang mga tahanan para gawin ang kanilang tungkulin; pinili ng ilang mga tao ang paghihirap, at sinimulang kunin ang pinakamapait at nakapapagod na gawain; pinili ng ilang mga tao ang mag-alay ng yaman, mag-alay ng lahat ng nasa kanila; ang ilan pa sa mga tao ay piniling hanapin ang katotohanan, at ituloy ang pagkilala sa Diyos. Kahit ano pa ang pinili mong pagsasanay, mahalaga ba ang paraan ng paggawa mo? (Hindi mahalaga.) Paano namin ipapaliwanag na ito ay hindi mahalaga, kung gayon? Kung ang paraan ay hindi mahalaga, ano ang mahalaga? (Ang panlabas na mabuting pag-uugali ay hindi kumakatawan sa pagsasabuhay ng katotohanan.) (Hindi mahalaga ang iniisip ng lahat. Ang susi dito ay kung isinasabuhay ba natin ang katotohanan, at kung iniibig ba natin ang Diyos.) (Nakatutulong ang pagbagsak ng mga laban kay kristo at ng mga huwad na lider upang maintindihan natin na hindi ang panlabas na pag-uugali ang pinakamahalagang bagay. Mukhang marami ang hayagang tinalikuran nila, at tila handa silang bayaran ang halaga; ngunit kung susuriin makikita natin na sadyang wala silang puso na may takot sa Diyos; sa lahat ng bagay Siya ay tinututulan nila. Lagi silang nakatayo sa pangunguna ni Satanas sa mga panahong mapanganib, nakasasagabal sila sa gawain ng Diyos. Kaya, ang pangunahing mga isinasaalang-alang dito ay kung kaninong panig tayo tatayo kapag dumating ang oras, at ang mga pananaw natin.) Lahat kayo ay magaling sa pagsasalita, at tila mayroon na kayong pangunahing kaalaman at pamantayan para sa pagsasabuhay sa katotohanan, sa mga layunin ng Diyos, at kung ano ang hinihingi ng Diyos sa tao. Na may kakayahan kayong mangusap ng tulad nito na nakaaantig. Kahit na may ilang mga hindi naaangkop na salita dito at doon, ang mga pahayag ninyo ay malapit na sa isang paliwanag na nararapat sa katotohanan. Ito ang nagpapatunay na napaunlad mo ang mga tunay na sarili ninyong pang-unawa sa mga tao, mga kaganapan, at mga bagay sa inyong paligid, ang lahat ng inyong mga kapaligiran na inilaan ng Diyos, at lahat ng mga bagay na nakikita ninyo. Ang mga pang-unawang ito ay nalalapit sa katotohanan. Kahit hindi ganap na komprehensibo ang sinabi ninyo, at hindi masyadong naaangkop ang ilang mga salita, ang inyong pang-unawa ay nalalapit na sa reyalidad ng katotohanan. Ang mapakinggan kayong nagsasalita sa ganitong paraan ay nagdudulot sa Akin ng kasiyahan.
Hindi Mapapalitan ng mga Paniniwala ng mga Tao ang Katotohanan
May ilang mga tao ang may kakayahang tiisin ang mga paghihirap; kaya nilang bayaran ang halaga; napakabuti ng kanilang panlabas na pag-uugali; iginagalang sila; at taglay nila ang paghanga ng iba. Ano sa tingin mo: Maaari bang ibilang itong uri ng panlabas na pag-uugali na pagsasabuhay sa katotohanan? Masasabi mo ba na ang taong ito ay nagbibigay-kasiyahan sa mga layunin ng Diyos? Bakit laging tinitingnan at iniisip ng mga tao na ang ganitong uri ng mga indibidwal ay nakapagbibigay ng kasiyahan sa Diyos, iniisip na lumalakad sila sa landas ng pagsasabuhay sa katotohanan, na lumalakad sila sa landas ng Diyos? Bakit ganito ang pag-iisip ng ilang mga tao? Mayroon lamang isang paliwanag para dito. At ano ang paliwanag na iyan? Para sa napakaraming mga tao, ang mga katanungan na katulad ng ano ang ibig sabihin ng isabuhay ang katotohanan, ano ang ibig sabihin ng pasiyahin ang Diyos, ano ang ibig sabihin ng tunay na pagkakaroon ng reyalidad ng katotohanan-ang mga tanong na ito ay hindi masyadong malinaw. Kaya may ilang mga tao na madalas ay nalilinlang ng mga taong mukhang espirituwal, mukhang kagalang-galang, mukhang may matayog na mga imahe. Para sa mga tao na may kakayahang magpaliwanag ng mga sulat at mga doktrina, at ang pananalita at pagkilos ay lumalabas na karapat-dapat para sa paghanga, hindi kailanman tumingin ang mga tagahanga nila sa diwa ng kanilang mga pagkilos, sa mga prinsipyo sa likod ng kanilang mga gawa, sa kanilang mga layunin. At hindi sila kailanman tumingin sa kung tunay ba na sumusunod sa Diyos ang mga taong ito, at kung tunay ba silang may takot sa Diyos at itinataboy ba nila ang kasamaan o hindi. Hindi nila kailanman namalayan ang diwa ng katauhan ng mga taong ito. Sa halip, mula sa unang antas ng pagkakilala, unti-unti silang humanga sa mga taong ito, ginagalang ang mga taong ito, at sa huli naging mga diyos-diyosan nila ang mga taong ito. Dagdag pa rito, sa isip ng ilang mga tao, ang mga diyos-diyosan na kanilang sinasamba, na pinaniniwalaan nila na iiwanan ang kanilang mga pamilya at mga trabaho, at babayaran ang halaga kunwari-ang mga diyos-diyosan na ito ang tunay na makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos, ang mga talagang makatatanggap ng isang magandang kahihinatnan at isang mahusay na kahahantungan. Sa kanilang mga isip, ang mga diyos-diyosan na mga ito ay ang mga taong pinupuri ng Diyos. Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng mga tao ng ganitong uri ng paniniwala? Ano ang diwa ng suliranin na ito? Ano ang mga kahihinatnan na maaari nitong kahahantungan? Ang unang bagay na ating tatalakayin ay ang kanyang diwa.
Ang mga suliranin tungkol sa mga pananaw ng mga tao, mga gawain ng mga tao, kung anong mga prinsipyo ang pipiliin ng mga tao na gawin, at kung ano ang karaniwang binibigyang-diin ng lahat, sa totoo lang walang kinalaman ang lahat ng mga ito sa mga hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan. Hindi alintana kung nakatutok ang mga tao sa mga mabababaw o malalalim na mga bagay, sa mga sulat at mga doktrina o reyalidad, hindi sumusunod ang mga tao sa mga bagay na dapat sana nilang sinusunod, at hindi nila alam ang bagay na dapat sana nilang alam. Ang dahilan nito ay talagang ayaw lang ng mga tao ang katotohanan. Samakatuwid, ayaw lamang ng mga tao na maglaan ng panahon at pagsisikap para sa paghahanap at pagsasanay sa mga prinsipyo ng salita ng Diyos. Sa halip, mas gugustuhin nilang gumamit ng mga panandalian, at sasabihin sa ilang pananalita ang naintindihan nila, kung ano ang alam nila, upang maging mahusay na kasanayan at mabuting pag-uugali. Ang buod na ito ang magiging pansarili nilang layunin na susundin, magiging katotohanan na kanilang gagawin. Ang direktang resulta nito ay ang paggamit ng mga tao sa mabuting pag-uugali bilang isang kapalit ng pagsasabuhay sa katotohanan, na tumutupad rin sa hangarin ng tao na makakuha ng pagpapala sa Diyos. Ito ang nagbibigay ng lakas ng loob sa mga tao upang makipaglaban sa katotohanan, at makipagmatuwiranan at makipagtalo sa Diyos. Kasabay nito, padalus-dalos rin na isinasantabi ng mga tao ang Diyos, at sa kanilang mga puso, ilalagay nila ang kanilang diyos-diyosan sa lugar ng Diyos. Mayroon lamang isang sanhi na nagdudulot sa mga tao para gawin ang mga ignoranteng pagkilos, ignoranteng mga pananaw, o isahang-panig lamang na mga pananaw at mga gawi, at ibabahagi ko sa inyo ngayon ang tungkol dito. Ang dahilan dito bagaman maaaring sundin ng mga tao ang Diyos, manalangin sila sa Kanya araw-araw, at basahin nila ang salita ng Diyos araw-araw, hindi nila talaga naiintindihan ang mga layunin ng Diyos. Ito ang ugat ng problema. Kung may nakauunawa sa puso ng Diyos, nakaiintindi sa mga gusto ng Diyos, kung ano ang kinasusuklaman ng Diyos, kung ano ang mga kagustuhan ng Diyos, kung ano ang tinatanggihan ng Diyos, anong uri ng tao ang minamahal ng Diyos, kung anong uri ng tao ang ayaw ng Diyos, kung anong uri ng pamantayan ang sumasaklaw sa mga hinihingi ng Diyos sa tao, kung anong uri ng pamamaraan ang ginagamit Niya sa pagperpekto sa tao, maaari pa rin bang magkaroon ang taong iyan ng pansariling mga ideya? Maaari ba silang basta nalang pumunta at sumamba sa ibang persona? Puwede ba na ang isang ordinaryong tao ay maging diyos-diyosan nila? Kung nauunawaan ng isang tao ang mga layunin ng Diyos, ang mga kuru-kuro nila ay mas makatwiran kaysa yan. Hindi nila sasambahin ng walang rason ang isang masamang tao, at habang naglalakad sila sa landas ng pagsasabuhay sa katotohanan, hindi rin sila basta maniniwala na kapantay ng pagsasabuhay sa katotohanan ang ilang mga simpleng alituntunin o mga prinsipyo.
Maraming Mga Opinyon Tungkol sa Pamantayan Kung Saan Itinatatag ng Diyos ang Kahihinatnan ng tao
Babalikan natin ang paksang ito at magpatuloy tayo sa pagtalakay sa kahihinatnan.
Dahil nag-aalala ang bawat tao sa kanilang kahihinatnan, alam ba ninyo kung paano tinutukoy ng Diyos ang kahihinatnan na iyan? Sa anong kaparaanang itatatag ng Diyos ang kahihinatnan ng isang tao? At anong uri ng pamantayan ang ginagamit Niya upang matukoy ang kahihinatnan ng isang tao? At kapag itatatag pa lang ang kahihinatnan ng tao, ano ang ginagawa ng Diyos para ihayag ang kahihinatnang ito? May nakaaalam ba dito? Gaya ng sinabi ko, may ilang mga matagal nang nagsaliksik sa salita ng Diyos. Naghahanap ang mga taong ito ng mga pahiwatig tungkol sa kahihinatnan ng sangkatauhan, tungkol sa mga kategorya na kinahahatian ng kahihinatnan na ito, at tungkol sa iba’t-ibang mga kahihinatnan na naghihintay sa iba’t ibang uri ng mga tao. Gusto rin nilang malaman kung paano itinatatag ng salita ng Diyos ang kahihinatnan ng tao, at ang paraan kung paano Niya itatatag ang kahihinatnan ng tao. Ngunit sa katapusan walang anumang bagay ang mahahanap ng mga taong ito. Sa aktuwal na katotohanan, napakaliit ang nasabi sa salita ng Diyos tungkol sa bagay na ito. Bakit ganito? Hangga’t hindi pa naihahayag ang kahihinatnan ng tao, ayaw ng Diyos na sabihin sa kahit sino ang mangyayari sa katapusan, ayaw rin Niyang ipaalam nang mas maaga ang kahahantungan ng sinuman. Ang kadahilanan ay wala ring anumang benepisyo sa tao ang paggawa ng Diyos sa bagay na ito. Sa ngayon, gusto ko lang sabihin sa inyo ang tungkol sa paraan kung paano tinutukoy ng Diyos ang kahihinatnan ng tao, tungkol sa mga prinsipyo na ginamit Niya sa Kanyang gawain upang itaguyod ang kahihinatnan ng tao, at upang ipahayag ang kahihinatnan na ito, pati na rin ang pamantayan na ginagamit Niya sa pagtukoy kung maliligtas ba ang isang tao o hindi. Hindi ba ito ang pinaka-inaalala mo? Kaya paano iniisip ng tao ang paraan ng pagtatatag ng Diyos sa kahihinatnan ng tao? Nabanggit mo na ang kaunti sa bagay na ito. Sinabi ng ilan sa inyo na ito ay isang katanungan tungkol sa paggawa ng mga tungkulin ng tapat, paggugol para sa Diyos; sinasabi ng ilang mga tao na pagsunod sa Diyos at pagbibigay-kasiyahan sa Diyos; sinasabi ng ilang mga tao na pagpapasakop sa awa ng Diyos; at sinasabi ng ilang mga tao na pamumuhay ng isang simpleng buhay.... Kung isasabuhay mo ang mga katotohanang ito, kung gagawin mo ang mga prinsipyo ng imahinasyon mo, alam mo ba kung ano ang iniisip ng Diyos? Isinaalang-alang mo ba kung ang pagpapatuloy sa ganito ay nakapagbibigay-kasiyahan sa mga layunin ng Diyos o hindi? Kung nagsisilbi ba ito sa pamantayan ng Diyos? Kung nagsisilbi ba ito sa mga kahilingan ng Diyos? Naniniwala ako na hindi ito iniisip ng karamihan ng mga tao. Ginagamit lamang nila nang wala sa loob ang isang bahagi ng salita ng Diyos, o isang bahagi ng mga sermon, o ang mga pamantayan ng ilang hinahangaan nilang espirituwal na mga lalaki, pinipilit ang kanilang mga sarili na gawin ito, gawin iyon. Naniniwala sila na ito ang tamang paraan, kaya nananatili silang manindigan dito, gagawin ito, kahit anuman ang mangyayari sa katapusan. Iniisip ng ilang mga tao: “Naniwala ako sa loob ng maraming taon; Palaging ganitong paraan ang gawain ko; Pakiramdam ko tunay na napasisiya ko ang Diyos; Pakiramdam ko rin na marami na akong nakuha mula dito. Sapagkat napakaraming katotohanan ang naunawaan ko sa panahon na ito, at naintindihan ko ang maraming bagay na hindi ko naiintindihan noon-lalo na, marami sa mga ideya at mga pananaw ko ang nagbago, malaki ang ipinagbago ng mga pag-uugali ko sa buhay, at may napakabuti akong pang-unawa sa mundo. "Naniniwala ang ganitong mga tao na ito ay isang pag-aani, at ito ang huling resulta ng gawain ng Diyos para sa tao. Sa iyong opinyon, sa mga pamantayang ito at sa lahat ng pinagsamang mga kasanayan mo - napasisiya mo ba ang mga layunin ng Diyos? Sinasabi ng ilang mga tao nang may ganap na katiyakan: “Syempre! Gumagawa kami ayon sa salita ng Diyos; gumagawa kami ayon sa ipinangaral ng kapatid na lalaki at nagtitipon kami; palagi naming ginagawa ang aming tungkulin, palaging sinusunod ang Diyos, at kailanman hindi namin iniwan ang Diyos. Kaya maaari naming sabihin nang may ganap na kumpiyansa na kami ay nagbibigay-kasiyahan sa Diyos. Gaano man natin nauunawaan ang mga layunin ng Diyos, gaano man ang pagkaunawa natin sa salita ng Diyos, palagi tayong nasa landas ng paghangad upang makasundo ang Diyos. Kung kikilos tayo nang tama, at gumawa ng tama, samakatwid ang resulta ay magiging tama. " Ano ang tingin ninyo tungkol sa pananaw na ito? Tama ba ito? Marahil, may ilang nagsasabi: “Hindi ko naisip ang tungkol sa mga bagay na ito noon. Iniisip ko lamang na kung magpapatuloy ako sa paggawa sa aking tungkulin at manatiling kikilos ayon sa mga hinihiling ng salita ng Diyos, maaari akong maligtas. Kailanman hindi ko isinaalang-alang ang tanong na maaari ko kayang mapasiya ang puso ng Diyos, at hindi ko kailanman inisip kung nakakamit ko ba ang pamantayang hinihiling Niya. Yamang hindi sinabi ng Diyos sa akin, at hindi rin siya nagbigay ng anumang malinaw na mga tagubilin, naniniwala ako na hangga’t nagpapatuloy ako, nasisiyahan ang Diyos at dapat wala na Siyang anumang mga karagdagang kahilingan sa akin. "Tama ba ang mga paniniwalang ito? Sa pagkakaintindi ko, itong paraan ng pamumuhay, itong paraan ng pag-iisip, at ang mga pananaw na ito-lahat ay nagdadala ng mga kahumalingan at kaunting pagkabulag. Nang sinabi ko ito, marahil may ilan sa inyo ang nasiraan ng loob: “Pagkabulag? Kung ito ay isang ‘pagkabulag,’ ang ating pag-asa ng kaligtasan, ang ating pag-asa ng pamamalagi ay napakaliit, at hindi tiyak, hindi ba? Hindi ba ang pagbigkas mo ay kahalintulad ng pagbuhos ng malamig na tubig sa amin? "Anuman ang pinaniniwalaan mo, ang mga bagay na sinasabi at ginagawa ko ay hindi sinadya upang maramdaman mo na parang binuhusan ka ng malamig na tubig. Sa halip, ito ay sinadya upang mapabuti ang pag-unawa mo sa mga layunin ng Diyos, at mapabuti ang pagkaintindi mo sa kaisipan ng Diyos, sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit, kung anong uri ng tao ang kinagigiliwan ng Diyos, kung ano ang kinasusuklaman ng Diyos, kung ano ang ayaw ng Diyos, kung anong uri ng tao ang nais ng Diyos na makamit, at kung anong uri ng tao ang itinataboy ng Diyos. Ang nilalayon nito ay upang maliwanagan ang inyong kaisipan, upang matulungan kang malaman nang malinaw kung gaano kalayo ang inilihis ng mga kilos at mga saloobin ng bawat isa sa inyo mula sa pamantayan na hinihiling ng Diyos. Kailangan bang talakayin ang mga paksang ito? Dahil alam kong matagal na kayong nananampalataya, at nakinig sa napakaraming pangangaral, ngunit ito ang mga bagay na tiyak na pinakakulang. Maaaring itinala mo ang bawat katotohanan sa iyong kuwaderno, maaaring itinala mo rin ang personal na pinaniniwalaan mong mahalaga sa iyong isip, at sa iyong puso. Planuhin mong gamitin ito kapag ikaw ay nagsasanay, upang masiyahan ang Diyos; gamitin ito kapag nakita mong nangangailangan ka; gamitin ito upang malagpasan mo ang mga mahihirap na panahon na nasa harapan mo; o hayaan mo lang ang mga katotohanang ito na samahan ka sa iyong pamumuhay. Sa pagkaintindi ko, kung nagsasanay ka lamang, hindi mahalaga kung paano ang eksaktong pagsasanay mo. Ano ngayon, ang napakahalagang bagay? Ito yung habang ikaw ay nagsasanay, alam ng iyong puso ng may ganap na katiyakan kung nais ng Diyos o hindi ang lahat ng mga bagay na iyong ginagawa, bawat kilos; kung nakasisiya sa mga layunin ng Diyos o hindi ang lahat ng ginagawa mo, lahat ng mga bagay na iniisip mo, at ang resulta at ang layunin na nasa iyong puso, kung nakapagsisilbi ba ang mga ito sa mga kahilingan ng Diyos, at kung sasang-ayunan ba ang mga ito o hindi ng Diyos. Ito ang mga mahahalagang bagay.
Maglakad sa Landas ng Diyos: Matakot sa Diyos at Umiwas sa Kasamaan
May isang kasabihan na dapat mong tandaan. Naniniwala Ako na napakahalaga ang kasabihang ito, dahil para sa Akin, hindi na mabilang na beses na ito’y naaalala sa bawat araw. Bakit ganito? Dahil sa bawat pagkakataon na nahaharap Ako sa isang tao, sa tuwing makaririnig Ako ng kuwento ng isang tao, sa bawat oras na makaririnig Ako ng karanasan ng isang tao o ng kanilang patotoo sa pananampalataya sa Diyos, palagi Kong ginagamit ang kasabihan na ito upang timbangin kung ang indibidwal ba na ito ay ang uri ng tao na gusto ng Diyos, ang uri ng tao na nais ng Diyos. Kaya ano ang kasabihan na ito? Sabik na sabik na kayong lahat sa paghihintay. Kapag ihahayag Ko na ang kasabihan, marahil makararamdam kayo ng pagkabigo dahil sa loob ng maraming taon may mga taong nagsasabi nito ng hindi taos-puso. Nguni’t para sa Akin, tapat Ako sa Aking sinasabi. Nananatili sa Aking puso ang kasabihan na ito. Kaya ano ang kasabihan na ito? Ito ang “lumakad sa landas ng Diyos; matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan." Hindi ba napakasimpleng parirala nito? Ngunit kahit na simple ang kasabihan na ito, mararamdaman ng isang tao na may malalim na pagka-unawa dito na ito ay matimbang; na napakahalaga ito para sa pagsasanay; na ito ay wika ng buhay na may reyalidad ng katotohanan; na ito ay isang panghabambuhay na layunin na pagsusumikapang kamtin ng mga nagnanais na masiyahan ang Diyos; at ito ay isang panghabambuhay na landas na sinusundan ng sinuman na maalalahanin sa mga layunin ng Diyos. Kaya ano sa tingin mo: Makatotohanan ba ang kasabihan na ito? May kabuluhan ba ito? Marahil mayroong ilang mga tao na nag-iisip tungkol sa kasabihang ito, sinusubukan nilang unawain ito, at ang ilan ay nagdududa pa rin dito: Malaki ba ang kahalagahan ng kasabihan na ito? Napakahalaga ba? Napakahalaga ba at karapat-dapat na bigyang diin? Marahil mayroong ilang mga tao na hindi masyadong gusto ang kasabihan na ito dahil sa tingin nila ang pagkuha sa landas ng Diyos at ilagay sa kasabihan na ito ay masyadong pagpapagaan. Ang pagkuha sa lahat ng mga sinabi ng Diyos at ilagay sa isang kasabihan-hindi ba pagtrato ito sa Diyos na parang napakaliit ang kahalagahan niya? Ganito ba ito? Maaaring hindi lubos na maunawaan ng karamihan sa inyo ang malalim na kahulugan na nasa likod ng mga salitang ito. Kahit na itinala mo ito, hindi mo binalak ilagay ang kasabihan na ito sa iyong puso; itinala mo lamang ito, at muling babalikan at isip-isipin sa iyong bakanteng oras. May ibang mga tao na hindi man lang mag-abalang isaulo ang kasabihan, mas lalo na ang gamitin ito sa mabuting paraan. Ngunit bakit Ko tinatalakay ang kasabihan na ito? Anuman ang pananaw mo, o ang iisipin mo, kailangan Kong talakayin ang kasabihang ito dahil ito ay lubos na may katuturan sa kung paano itatatag ng Diyos ang kahihinatnan ng tao. Anuman ang kasalukuyang pag-unawa mo sa kasabihang ito, o kung paano ang pagtrato mo dito, sasabihin Ko pa rin sa iyo: Kung may isang tao na makasasanay sa kasabihang ito at makamit ang pamantayan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, mapapanatag sila na sila’y maliligtas, mapapanatag sila na may mabuti silang kahihinatnan. Kung hindi mo makamit ang pamantayan na inilalatag ng kasabihang ito, maaaring sabihin na hindi matukoy ang kahihinatnan mo. Kaya makikipag-usap Ako sa iyo tungkol sa kasabihang ito para sa kahandaan ng isipan mo, at sa gayon ay malaman mo kung anong uri ng pamantayan ang gagamitin ng Diyos na panukat sa iyo. Katulad ng tinalakay ko, ang kasabihang ito ay lubos na maykatuturan sa pagligtas ng Diyos sa tao, at kung paano Niya itatatag ang kahihinatnan ng tao. Saan nakalatag ang katuturan na ito? Talagang nais mong malaman ito, kaya tatalakayin natin ito ngayon.
Gumagamit ang Diyos ng Iba’t ibang Pagsubok para Suriin Kung May Takot ang mga Tao sa Diyos at Umiiwas Sila sa Kasamaan
Sa bawat panahon, kapag gumagawa ang Diyos sa mundo, nagbibigay Siya ng ilang mga salita sa tao, nagsasabi Siya sa tao ng ilang mga katotohanan. Nagsisilbi ang mga katotohanang ito bilang landas na susundan ng tao, ang daan na dapat lakaran ng tao, ang paraan na magbibigay-daan sa tao para matakot siya sa Diyos at iwasan ang kasamaan, at ang landas na dapat sanayin at sundin ng mga tao sa kanilang mga buhay at sa kabuuan ng kanilang mga paglalakbay sa buhay. Ito ang mga dahilan kung bakit ipinagkaloob ng Diyos ang mga salitang ito sa tao. Ang mga salitang ito na nagbuhat sa Diyos ay dapat sundin ng tao, at ang pagsunod sa mga ito ay pagtanggap ng buhay. Kung hindi susunod ang isang tao sa mga ito, hindi niya gagawin ang mga ito, at hindi niya isabubuhay ang mga salita ng Diyos, samakatuwid hindi isinasagawa ng taong ito ang katotohanan. At kung hindi nila ginagawa ang katotohanan, hindi sila matatakot sa Diyos at hindi iiwas sa kasamaan, at hindi rin nila mapasisiyahan ang Diyos. Kung may taong hindi mapasiyahan ang Diyos, hindi nila maaaring tanggapin ang papuri ng Diyos; ang ganitong uri ng tao ay walang kahihinatnan. Kaya sa kurso ng gawain ng Diyos paano Niya itatatag ang kahihinatnan ng isang tao, at pagkatapos? Anong paraan ang ginagamit ng Diyos upang itatag ang kahihinatnan ng tao? Marahil hindi masyadong malinaw ito sa inyo ngayon, ngunit kapag sinabi Ko sa iyo ang proseso magiging mas malinaw ito. Ito ay dahil maraming mga tao ang mismong nakaranas na dito.
Sa kabuuan ng gawa ng Diyos, mula sa simula hanggang sa ngayon, naglaan ang Diyos ng mga pagsubok para sa bawat tao-o maaari mong sabihin, ang bawat tao na sumusunod sa Kanya-at ang mga pagsubok na ito ay may iba’t ibang sukat. May mga taong nakaranas ng pagsubok na tatalikuran ng kanilang pamilya; may mga nakaranas sa pagsubok na salungatin ng kapaligiran; may mga nakaranas sa pagsubok na dinakip at pinahirapan; may mga nakaranas ng pagsubok na pinaharap sa isang pagpipilian; at may mga taong nahaharap sa mga pagsubok ng pera at katayuan. Samakatuwid, ang bawat isa sa inyo ay humarap sa lahat ng uri ng mga pagsubok. Bakit ganito gumawa ang Diyos? Bakit ganyan ang pagturing ng Diyos sa lahat? Anong klaseng resulta ang gusto Niyang makita? Ito ang mahalagang punto na gusto kong sabihin sa inyo: Nais ng Diyos na makita kung ang taong ito ay ang uri na may takot sa Diyos at umiiwas sa masama. Ang ibig sabihin nito ay kapag nagbibigay ang Diyos sa iyo ng isang pagsubok, inihaharap ka sa ilang mga bagay-bagay, nais Niyang subukan kung ikaw ang taong may takot sa Diyos, ang taong umiiwas sa kasamaan. Kung ang isang tao ay nabigyan ng tungkulin na pag-iingatan ang handog, at ginalaw nila ang handog sa Diyos, sa tingin mo ito ba ay isang bagay na inilaan ng Diyos? Sigurado! Ang lahat ng mga bagay na kinakaharap mo ay bagay na inilaan ng Diyos. Kapag nahaharap ka sa bagay na ito, palihim na inoobserbahan ka ng Diyos, kung paano ang pagpili mo, kung paano ang paggawa mo, kung ano ang iniisip mo. Ang huling resulta ang pinaka-inaalala ng Diyos, dahil ito ang resulta na magpapahintulot sa Kanya upang masukat kung nakamit mo ba ang pamantayan ng Diyos sa pagsubok na ito. Gayunman, kapag nahaharap ang mga tao sa ilang mga bagay, madalas na hindi nila iniisip kung bakit sila nahaharap sa mga ito, o sa pamantayan na hinihingi ng Diyos. Hindi nila iniisip ang tungkol sa kung ano ang nais ng Diyos na makita sa kanila, kung ano ang gusto Niyang makuha mula sa mga ito. Kapag nahaharap sa bagay na ito, ang iniisip lang ng ganitong uri ng tao ay: “Ito ang bagay na kinahaharapan ko; Dapat akong maging maingat, hindi dapat pabaya! Anuman ang mangyari, ito ay handog para sa Diyos at hindi ko maaaring galawin ito." Naniniwala ang taong ito na maaari nilang matupad ang kanilang tungkulin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng simpleng pag-iisip na tulad nito. Masisiyahan ba ang Diyos sa resulta ng pagsubok na ito? O hindi Siya masisiyahan? Maaari mong talakayin ito. (Kung may takot sa Diyos ang isang tao sa kanyang puso, kapag nahaharap siya sa tungkulin na magpapahintulot sa kanya na galawin ang handog na para Diyos, isasaalang-alang niya kung gaano kadaling masaktan ang damdamin ng katauhan ng Diyos, kaya sisiguraduhin niyang kumilos ng may pag-iingat.) Ang pagtugon mo ay nasa tamang landas, ngunit hindi pa nagtatapos ito doon. Ang paglalakad sa landas ng Diyos ay hindi tungkol sa pagsunod sa mga panuntunan sa ibabaw. Sa halip, ito ay nangangahulugan na kapag nahaharap ka sa isang bagay, una sa lahat, titingnan mo ito bilang isang pagkakataon na inilaan ng Diyos, isang tungkulin na ipinagkaloob Niya sa iyo, o isang bagay na ipinagkatiwala Niya sa iyo, at kapag nahaharap ka sa bagay na ito, dapat mo ring tingnan ito bilang isang pagsubok na nagmula sa Diyos. Kapag nahaharap ka sa bagay na ito, dapat may pamantayan ka, dapat mong isipin na nagmula ito sa Diyos. Dapat mong isipin kung paano mo haharapin ang bagay na ito para matupad mo ang iyong tungkulin, at maging tapat sa Diyos; kung paano itong gawin na hindi magagalit ang Diyos, o masaktan ang damdamin ng Kanyang katauhan. Katatalakay lang natin ang tungkol sa pag-iingat sa mga handog. Ang bagay na ito ay nauugnay sa mga handog, at nauugnay din ito sa iyong tungkulin, ang iyong pananagutan. May pananagutan ka sa tungkulin na ito. Ngunit kapag nahaharap ka sa bagay na ito, mayroon bang anumang tukso? Mayroon! Saan nanggagaling ang tukso na ito? Nanggagaling ang tukso na ito kay Satanas, at nagmumula rin ito sa masama, sirang katauhan ng tao. Dahil may tukso, nauugnay dito ang permanenteng patotoo; tungkulin at responsibilidad mo rin ang permanenteng patotoo. Sinasabi ng ilang mga tao: “Maliit na bagay lamang ito; kailangan ba talagang palakihin ito?" Oo kailangan! Dahil upang makalakad sa landas ng Diyos, hindi natin maaaring pabayaan ang anumang bagay para masunod ang ating sarili, o anumang bagay na nangyayari sa ating paligid, kahit ang mga maliliit na bagay. Isipin man nating dapat bigyang-pansin ito o hindi, hangga’t nahaharap sa atin ang anumang bagay, hindi natin dapat isawalang-bahala ang mga ito. Dapat nating tingnan ang lahat ng mga ito bilang pagsubok ng Diyos sa atin. Ano sa tingin mo ang ganitong uri ng saloobin? Kung nasa iyo ang ganitong uri ng saloobin, pinatutunayan nito ang isang katotohanan: May takot ang iyong puso sa Diyos, at handang umiwas ang iyong puso sa kasamaan. Kung may pagnanais kang bigyang kasiyahan ang Diyos, kung gayon, hindi malayo ang gawain mo sa pamantayan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan.
Madalas mayroong mga taong naniniwala na ang mga bagay na hindi masyadong pinapansin ng mga tao, ang mga bagay na hindi karaniwang binabanggit - maliit lamang ang halaga ng mga bagay na ito, at wala silang balak isabuhay ang katotohanan. Kapag nahaharap ang mga tao sa ganitong bagay, hindi nila ito pinapansin at pinababayaan lamang. Ngunit sa aktuwal na katotohanan, ang bagay na ito ay isang aral na dapat mong pag-aaralan, isang aralin tungkol sa kung paano matakot sa Diyos, sa kung paano umiwas sa kasamaan. Bukod dito, ang dapat mo pang alalahanin ay ang pag-alam sa ginagawa ng Diyos kapag dumating ang bagay na ito sa harapan mo. Nasa tabi mo lang ang Diyos, inoobserbahan Niya ang bawat salita at kilos mo, inoobserbahan ang mga gawa mo, ang pagbabago ng isip mo - gawa ito ng Diyos. Sinasabi ng ilang mga tao: “Ngunit bakit hindi ko nararamdaman ito?" Hindi mo nadadama dahil hindi ang landas ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan ang pinakamahalagang landas na sinusundan mo. Kaya, hindi mo nararamdaman ang banayad na gawain ng Diyos sa tao, na mismong naihahayag ayon sa iba’t ibang mga saloobin at mga pagkilos ng tao. Isa kang hangal! Alin ang malaking bagay? Alin ang maliit na bagay? Ang lahat ng mga bagay na nauugnay sa paglalakad sa landas ng Diyos ay hindi nahahati sa malaki o maliit. Matatanggap mo ba iyon? (Matatanggap namin ito.) Sa mga tuntunin ng pang-araw-araw na mga bagay, may ilan na ibinibilang ng mga tao na napakalaki at makabuluhan, at ibang tiningnan nila bilang maliliit na mga bagay-bagay. Madalas na tinitingnan ng mga tao ang mga malalaking bagay bilang napakahalaga sa buhay, at ibinibilang nila ang mga ito na nagmula sa Diyos. Gayunpaman, sa paggawa sa kabuuan ng mga malalaking bagay na ito, dahil sa musmos na katayuan ng tao, at dahil sa mahinang kalibre ng tao, madalas ang tao na hindi naaayon sa mga layunin ng Diyos, hindi siya makakuha ng anumang paghahayag, at hindi makakuha ng anumang aktuwal na kaalaman na may kahalagahan. Kung tungkol sa mga maliliit na bagay, hindi lang pinapansin ng tao ang mga ito, unti-unting napababayaan. Kaya, nawala nila ang maraming pagkakataon upang masiyasat sa harapan ng Diyos, para masubok Niya. Dapat bang lagi mong ipagsawalang-bahala ang mga bagay na ito at ang mga pagkakataon na itinakda ng Diyos para sa iyo, ano ang ibig sabihin nito? Ibig sabihin nito na sa bawat araw, kahit na ang bawat sandali, palagi mong tinatalikdan ang pagdadalisay ng Diyos sa iyo, at pati na ang pamumuno ng Diyos. Sa tuwing nagtatakda ang Diyos ng isang pagkakataon para sa iyo, palihim Siyang tumitingin, tumitingin Siya sa iyong puso, tinitingnan Niya ang iyong mga saloobin at mga pagsasaalang-alang, tinitingnan Niya kung paano ka mag-isip, at kung paano ka kikilos. Kung isa kang pabayang tao - isang tao na hindi kailanman naging seryoso sa landas ng Diyos, sa salita ng Diyos, o sa katotohanan - hindi ka rin magiging maingat, hindi mo bibigyan ng pansin ang mga bagay na nais ng Diyos na maganap, at ang mga bagay na hihingin ng Diyos sa iyo kapag Siya ay magtatakda ng kaganapan na para sa iyo. Hindi mo rin alam kung paano nauugnay ang mga pang-araw-araw na mga bagay na ito sa katotohanan o sa mga layunin ng Diyos. Pagkatapos mong harapin ang mga paulit-ulit na mga pangyayari at pagsubok na tulad nito, paano magpapatuloy ang Diyos kung wala naman Siyang nakikita na anumang mga nagawa sa ilalim ng iyong pangalan? Pagkatapos ng paulit-ulit na pagharap sa mga pagsubok, hindi mo pinupuri ang Diyos sa iyong puso, at ang mga pangyayaring itinakda ng Diyos para sa iyo ay hindi mo siniseryoso - bilang mga pagsubok o pagsusuri ng Diyos. Sa halip sunud-sunod mong tinatanggihan ang mga pagkakataon na ibinibigay ng Diyos sa iyo, at paulit-ulit mo silang hinahayaang lumipas. Hindi ba malaking pagsuway ito ng tao? (Oo.) Hindi ba malulungkot ang Diyos dahil dito? (Oo.) Hindi malulungkot ang Diyos! Ang marinig Akong mangusap ng tulad nito ay muling nakasindak sa iyo. Gayon pa man, hindi ba nabanggit kanina na laging nalulungkot ang Diyos? Hindi malulungkot ang Diyos? Kailan malulungkot ang Diyos kung gayon? Kasi hindi naman nalulungkot ang Diyos sa ganitong sitwasyon. Ano ngayon ang saloobin ng Diyos sa uri ng pag-uugali na nabanggit sa itaas? Kapag tinanggihan ng mga tao ang mga pagsubok, mga pagsusuri, na ipinadadala sa kanila ng Diyos, kapag naging pabaya sila sa mga ito, iisa lamang ang saloobin ng Diyos para sa mga taong ito. Anong saloobin ito? Kinasusuklaman ng Diyos ang ganitong uri ng tao mula sa kailaliman ng Kanyang puso. May dalawang antas ng kahulugan para sa salitang “kinasusuklaman." Paano Ko ipaliliwanag ang mga ito? Sa totoo lang, nagdadala ang salita ng kahulugan na kabigatan ng loob, ng poot. At tungkol sa pangalawang antas ng kahulugan? Iyan ang bahagi na nagpapahiwatig ng pagsuko sa isang bagay. Alam ninyong lahat ang kahulugan ng “pagsuko”, tama ba? Sa madaling sabi, ang kahulugan ng pagkasuklam ay ang pinakamatinding reaksyon at saloobin ng Diyos sa mga tao na kumikilos sa ganitong paraan. Ito ang pinakamatinding galit Niya sa kanila, pagkasuklam, at ang desisyon na pag-abanduna sa mga ito. Ito ang pangwakas na desisyon ng Diyos sa isang tao na hindi kailanman lumakad sa landas ng Diyos, na hindi kailanman natakot sa Diyos at humiwalay sa kasamaan. Nakikita na ba ninyong lahat ang kahalagahan ng kasabihang tinalakay Ko?
Naiintindihan niyo na ba ang paraan ng Diyos sa pagtatatag ng kahihinatnan ng tao? (Pagtatalaga ng iba’t ibang mga pangyayari sa araw-araw.) “Pagtatalaga ng iba’t ibang pangyayari” - ito ang nararamdaman at nararanasan ng mga tao. Ano ang motibo ng Diyos para dito? Ang motibo ay nais ng Diyos na bigyan ang bawat tao ng mga pagsubok sa iba't ibang paraan, sa iba't ibang panahon, at sa iba't ibang lugar. Anong mga aspeto ng tao ang masusubok dito? Isa ka mang uri o hindi ng tao na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan sa bawat bagay na hinaharap, naririnig, nakikita, at personal mong nararanasan. Ang bawat tao ay haharap sa ganitong uri ng pagsubok, sapagkat makatarungan ang Diyos sa lahat ng tao. Sinasabi ng ilang mga tao: “Nanampalataya ako sa Diyos sa maraming taon; bakit hindi ako naharap sa kahit isang pagsubok? " Sa tingin mo hindi ka pa nahaharap sa isang pagsubok dahil kapag nagtatakda ang Diyos ng mga pangyayari para sa iyo, hindi mo ito sineseryoso, at ayaw mong lumakad sa landas ng Diyos. Kaya wala kang naramdaman na kahit anong pagsubok ng Diyos. Sinasabi ng ilang mga tao: “Naharap ako sa ilang mga pagsubok, ngunit hindi ko alam ang tamang paraan ng pagsasanay. Kahit na ensayado ako, hindi ko pa rin alam kung tumayo ba ako ng panatag sa panahon ng pagsubok. " Tiyak na hindi sa minorya ang mga taong may ganitong uri ng sitwasyon. Kaya ano ang pamantayan na panukat ng Diyos sa mga tao? Katulad ng sinabi ko kanina: Ang lahat ng mga gagawin mo, lahat ng mga bagay na iniisip mo, at lahat ng mga bagay na ipinahahayag mo - ito ba ay pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan? Ito ang paraan kung paano matutukoy kung ikaw ay isang tao na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan o hindi. Simpleng konsepto ba ito? Napakadali itong sabihin, ngunit madali ba itong gawin? (Hindi masyadong madali.) Bakit hindi masyadong madali? (Dahil hindi kilala ng mga tao ang Diyos, hindi nila alam kung paano nililinis ng Diyos ang tao, kaya kapag nahaharap sila sa mga bagay na hindi nila alam kung paano humanap ng katotohanan upang malutas ang kanilang mga problema; kailangan dumaan ang mga tao sa iba’t ibang mga pagsubok, paglilinis, kaparusahan, at mga kahatulan, bago sila magkaroon ng totoong takot sa Diyos.) Itinuturing mong ganyan, ngunit sa pananaw mo, tila madaling gawin ngayon ang pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Bakit ko sinasabi ito? Dahil nakinig ka sa napakaraming mga sermon, ngunit wala kang natanggap na kahit maliit na halaga ng pagdidilig ng reyalidad ng katotohanan. Ito ang nagbigaydaan sa iyo upang maunawaan kung paano ang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan sa mga tuntunin ng teyorya at pag-iisip. Sa pagsasaalang-alang sa pagsasanay mo sa pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, nakatutulong ang lahat ng mga ito at pinalalakas ang pananaw mo na madali mong matamo ang bagay na ito. Ngunit bakit hindi ito makamit ng mga tao sa aktuwal na katotohanan? Dahil ang kalikasan ng tao ay hindi natatakot sa Diyos, at gusto nito ang kasamaan. Iyan ang tunay na dahilan.
Ang Hindi Pagkatakot sa Diyos at Hindi Pag-iwas sa Kasamaan ay Pagtutol sa Diyos
Simulan natin sa pamamagitan ng pagtalakay sa pinanggalingan ng kasabihan na ito, “matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan.” (Ang Aklat ni Job.) Ngayon na binanggit mo si Job, tatalakayin natin siya. Noong panahon ni Job, gumagawa ba ang Diyos na para sa pagkalupig at kaligtasan ng tao? Hindi, di’ ba? Kung tungkol kay Job, gaano karami ang kaalaman niya tungkol sa Diyos sa panahon na iyan? (Kaunting kaalaman lang.) At paano ihahambing ang kaalaman na yan tungkol sa Diyos kumpara sa kaalaman mo ngayon? Bakit wala kayong lakas ng loob na sagutin ito? Ang kaalaman ba ni Job ay mas marami o mas kaunti kaysa sa kaalaman na mayroon ka ngayon? (Mas kaunti.) Ito ay isang tanong na napakadaling sagutin. Mas kaunti! Ito ay tiyak! Ikaw ay nakaharap na sa Diyos, at nakaharap sa salita ng Diyos. Ang kaalaman mo tungkol sa Diyos ay higit sa kaalaman ni Job. Bakit ko sinasabi ito? Bakit ganito ang pananalita Ko? Gusto Kong ipaliwanag ang isang katotohanan sa iyo, ngunit bago Ko gawin, gusto Ko munang magtanong: Napakaliit ang alam ni Job tungkol sa Diyos, ngunit kaya niyang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan. Bakit kaya nabibigo ngayon ang mga tao na gawin ito? (Malalim na katiwalian.) “Malalim na katiwalian” - iyan ang pinalilitaw ng tanong, ngunit hindi ganito ang pananaw Ko dito. Madalas na kinukuha mo ang mga doktrina at mga sulat na karaniwan mong nasasambit, tulad ng “malalim na katiwalian,” “pagrerebelde laban sa Diyos,” “pagtataksil sa Diyos,” “pagsuway,” “hindi paggusto sa katotohanan,” at ginagamit mo ang mga sikat na pariralang ito upang ipaliwanag ang diwa ng bawat katanungan. May kapintasan itong paraan ng pagsasanay. Ang paggamit sa mga sagot na ito upang ipaliwanag ang mga tanong sa magkakaibang kalikasan ay tiyak na magdudulot ng pahiwatig ng paglapastangan sa katotohanan at sa Diyos. Ayaw kong marinig itong uri ng sagot. Pag-isipan mo ito! Wala sa inyo ang nakaisip tungkol sa bagay na ito, ngunit nakikita Ko at nararamdaman Ko ito sa bawat araw. Kaya, ginagawa ninyo ito, at nakikita Ko. Kapag ginagawa ninyo ito, hindi ninyo nararamdaman ang diwa ng bagay na ito. Ngunit kapag nakita Ko ito, nakikita at nararamdaman Ko ang kanyang diwa. Kaya ano ang diwa na ito? Bakit walang takot sa Diyos at hindi umiiwas sa kasamaan ang mga tao ngayon? Ang mga sagot ninyo ay napakalayo upang ipaliwanag ang diwa ng tanong na ito, at hindi nila kayang lutasin ang diwa ng tanong na ito. Ito ay dahil may isang pinagmulan dito na hindi mo alam. Ano ang pinagmulan na ito? Alam Kong gusto mong marinig ang tungkol dito, kaya sasabihin Ko sa inyo ang tungkol sa pinagmulan ng tanong na ito.
Sa pinakasimula ng gawa ng Diyos, paano ang pagturing Niya sa tao? Iniligtas ng Diyos ang tao; Nilingap Niya ang tao bilang isang miyembro ng Kanyang pamilya, bilang sentro ng Kanyang gawa, ang gusto Niyang sakupin, upang iligtas, at ang nais Niyang linisin. Ito ang saloobin ng Diyos sa tao sa pasimula ng Kanyang gawain. Ngunit ano ang saloobin ng tao sa Diyos sa panahon na iyon? Ang Diyos ay kakaiba sa tao, at itinuturing ng tao ang Diyos bilang isang banyaga. Maaaring sabihin na hindi tama ang saloobin ng tao sa Diyos, at hindi malinaw sa tao kung paano niya pakitunguhan ang Diyos. Kaya itinuturing niya ang Diyos sa anumang nagugustuhan niyang pagtrato, at ginagawa niya ang anumang gusto niya. May pananaw ba ang tao tungkol sa Diyos? Sa simula, walang kahit anong pananaw sa Diyos ang tao. Ang tinaguriang pananaw ng tao ay pawang mga kuru-kuro at mga imahinasyon tungkol sa Diyos. Tinanggap ang bagay na sumunod sa mga kuru-kuro ng mga tao; ang hindi sumunod ay sinunod ng pakunwari, ngunit nilabanan at sinagupa ng mga tao sa kanilang mga puso. Ito ang relasyon ng tao at ng Diyos sa simula: Itinuring ng Diyos ang tao bilang isang miyembro ng pamilya, ngunit itinuring ng tao ang Diyos bilang isang banyaga. Ngunit pagkatapos ng ilang panahon na paggawa ng Diyos, naunawaan ng tao ang sinusubukang makamit ng Diyos. Naunawaan ng mga tao na ang Diyos ay ang tunay na Diyos, at naintindihan nila na maaari silang humingi sa Diyos. Ano na ang pagtrato ng tao sa Diyos sa panahong ito? Itinuturing ng tao ang Diyos bilang isang daluyan ng buhay, umaasa siyang makakuha ng biyaya, makakuha ng mga pagpapala, makakuha ng mga pangako. At ano ang pagtuturing ng Diyos sa tao sa sandaling ito? Itinuturing ng Diyos ang tao bilang sentro ng Kanyang pananakop. Nais ng Diyos na gumamit ng mga salita upang hatulan ang tao, upang masiyasat ang tao, upang mabigyan ang tao ng mga pagsubok. Ngunit para sa tao sa puntong ito, ang Diyos ay isang bagay na maaari niyang gamitin upang makamit ang sariling mga layunin. Nakita ng mga tao na maaari silang lupigin at iligtas ng katotohanan na ibinibigay ng Diyos sa kanila, at nagkaroon sila ng isang pagkakataon upang makamit ang mga bagay na ninanais nila mula sa Diyos, ang kahahantungan na nais nila. Dahil dito, nabuo ang isang maliit na katapatan sa kanilang mga puso, at handa silang sundin ang Diyos na ito. Pagkalipas ng ilang sandali, nagkaroon ang mga tao ng ilang mga mabababaw at dogmatikong kaalaman tungkol sa Diyos. Maaaring sabihin na nagiging mas “pamilyar” sila sa Diyos. Sa pamamagitan ng mga salitang ipinahayag ng Diyos, ang Kanyang pangangaral, ang katotohanan na Kanyang ibinigay, at ang Kanyang gawa - higit pang naging “pamilyar” ang mga tao. Kaya, nagkamali ang mga tao sa pag-aakala nilang hindi na kakaiba ang Diyos, at naglalakad na sila sa landas ng pagiging katanggap-tanggap sa Diyos. Hanggang ngayon, nakikinig ang mga tao sa napakaraming mga sermon tungkol sa katotohanan, at nakaranas sila ng maraming mga gawain ng Diyos. Ngunit dahil sa mga panghihimasok at mga paghahadlang ng iba’t ibang mga kadahilanan at mga pangyayari, hindi naisasabuhay ng karamihan sa mga tao ang katotohanan, at hindi nila nabibigyan-kasiyahan ang Diyos. Palala nang palala ang pagiging pabaya ng mga tao, palala nang palala ang kakulangan nila ng pananalig. Lumalala ang pakiramdam nilang walang kasiguruhan ang kanilang kahihinatnan. Wala silang lakas ng loob na mag-isip ng magarang mga ideya, at wala silang hangad na kamtin ang anumang mga pag-unlad; nag-aatubili lamang silang sumusunod, pasulong ng tig-isang hakbang. Patungkol sa kasalukuyang kalagayan ng tao, ano ang saloobin ng Diyos sa tao? Ang tanging nais ng Diyos ay ang ibigay ang mga katotohanang ito sa tao, at puspusin sila ng Kanyang paraan, at pagkatapos ay maglaan ng iba’t ibang mga pangyayari upang subukan ang tao sa iba't ibang paraan. Ang layunin Niya ay ang gamitin ang mga salitang ito, ang mga katotohanang ito, at ang Kanyang gawain, upang magdulot ng isang kinalabasan kung saan ang tao ay maaaring matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan. Karamihan sa mga taong nakita ko ay itinuturing lang ang salita ng Diyos bilang mga doktrina, itinuturing ito bilang mga sulat, bilang mga regulasyon na kailangang sundin. Kapag nahaharap sila sa mga bagay at nagsasalita, o nahaharap sa mga pagsubok, hindi nila iginagalang ang landas ng Diyos bilang landas na dapat sundan. Lalo itong totoo kapag nahaharap ang mga tao sa malalaking mga pagsubok; wala pa akong nakikitang sinuman na lumakad sa direksyon ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Dahil dito, ang saloobin ng Diyos sa tao ay puno ng matinding pagkamuhi at pag-ayaw. Pagkatapos ng paulit-ulit na pagbibigay ng Diyos ng mga pagsubok sa mga tao, kahit na daan-daang beses, wala pa rin silang anumang malinaw na saloobin upang ipakita ang kanilang pagpupunyagi - gusto kong matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan! Dahil wala sa mga tao ang pagpupunyaging ito, at hindi nila ipinakikita ito, hindi na katulad ng nakaraan ang kasalukuyang saloobin ng Diyos sa kanila, kapag pinalalawig Niya ang Kanyang awa, kapag pinalalawig Niya ang Kanyang pagtitimpi, kapag pinalalawig Niya ang Kanyang pagtitiis at pasensya. Sa halip, lubos ang pagkabigo Niya sa tao. Sino ang sanhi ng pagkabigong ito? Ang uri ng saloobin ng Diyos sa tao, kanino kaya nakasalalay ito? Nakasalalay ito sa bawat tao na sumusunod sa Diyos. Sa maraming taon na Kaniyang paggawa, marami Siyang mga hiniling sa tao, at maraming mga pangyayari ang itinakda Niya para sa tao. Ngunit gaano man kahusay gumanap ang tao, at anuman ang saloobin ng tao sa Diyos, hindi nakagagawa ang tao ng malinaw na alinsunod sa layunin na matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan. Kaya, susumain Ko ito sa isang kasabihan, at gagamitin Ko ang kasabihan na ito para ipaliwanag ang lahat ng mga tinalakay natin tungkol sa kung bakit hindi nakalalakad ang mga tao sa landas ng Diyos - pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Ano ang kasabihan na ito? Ang kasabihang ito ay: Itinuturing ng Diyos ang tao bilang sentro ng Kanyang kaligtasan, ang sentro ng Kanyang gawain; itinuturing ng tao ang Diyos bilang kanyang kaaway, bilang kabaliktaran niya. Malinaw na ba ang bagay na ito sa iyo ngayon? Ano ang saloobin ng tao; ano ang saloobin ng Diyos; ano ang relasyon sa pagitan ng tao at ng Diyos - ang lahat ng mga ito ay napakalinaw. Gaano man karami ang mga sermon na inyong pinakinggan, ang mga bagay na inyong pinagsama-sama para sa inyong mga sarili - tulad ng pagiging tapat sa Diyos, pagsunod sa Diyos, paghahanap ng paraan para maging katanggap-tanggap sa Diyos, pagnanais na gugulin ang habambuhay para sa Diyos, pamumuhay para sa Diyos - para sa Akin ang mga bagay na ito ay walang kamalayang paglalakad sa landas ng Diyos, na pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Sa halip, ang mga ito ay landas kung saan makakamit mo ang tiyak na mga layunin. Upang makamit ang mga layuning ito, may pag-aatubili kang sumunod sa ilang mga regulasyon. At tiyak na ang mga regulasyon na ito ang nagdudulot sa mga tao upang mas lalong lumayo sa landas ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, at minsan pang naglalagay sa Diyos bilang kasalungat ng tao.
Medyo mabigat ang katanungan na tinatalakay natin ngayon, ngunit kahit ano pa man, umaasa pa rin ako na kapag dadaan ka na sa mga karanasan na darating, at sa mga oras na darating, maaari mong gawin ang bagay na kasasabi Ko lang. Huwag mong pabayaan ang Diyos at huwag mo Siyang ituring na parang hangin, iniisip na parang umiiral Siya sa mga panahon na kailangan Siya, ngunit parang hindi umiiral kapag wala kang pangangailangan. Kapag wala kang kamalay-malay na ganito ang uri ng pag-unawa mo, nagalit mo na ang Diyos. Marahil, may ilang mga taong nagsasabi: “Hindi ko itinuturing ang Diyos na parang hangin, palagi akong nananalangin sa Diyos, palagi ko Siyang binibigyang-kasiyahan, at ang lahat ng mga ginagawa ko ay nasa saklaw at mga pamantayan ng mga prinsipyo na hinihingi ng Diyos. Tiyak akong hindi ako lumalakad ayon sa sarili kong mga ideya." Oo, ang paraan ng paggawa mo sa mga bagay-bagay ay tama. Ngunit ano sa tingin mo kapag naharap ka sa isang bagay? Ano ang gagawin mo kapag nahaharap ka sa isang bagay? Sa pakiramdam ng ilang mga tao umiiral ang Diyos kapag nananalangin at umaapila sila sa Kanya. Ngunit kapag nahaharap sa isang bagay, bumubuo sila ng sariling mga ideya at nais nilang sumunod sa mga ito. Ito ay pagturing sa Diyos na parang walang kabuluhang hangin. Ang ganitong uri ng sitwasyon ay pagturing sa Diyos na di-umiiral. Sa tingin ng mga tao dapat iiral ang Diyos kapag kailangan nila ito, at maglaho kapag hindi nila kailangan ang Diyos. Sa tingin ng mga tao ang pagsunod sa sarili nilang mga ideya sa pamumuhay ay sapat na. Naniniwala silang maaari nilang gawin ang mga bagay sa kahit anong paraan na gusto nila. Naniniwala silang hindi nila kailangan hanapin ang landas ng Diyos. Kasalukuyang nasa ganitong kalagayan ang mga tao, sa uri ng kalagayan na ito - hindi ba sila nasa bingit ng panganib? Sinasabi ng ilang mga tao: “Hindi alintana kung ako man ay nasa bingit ng panganib o hindi, sumampalataya ako sa loob ng maraming taon, at naniniwala akong hindi ako iiwan ng Diyos dahil hindi Niya kayang iwanan ako." Sinasabi ng ilang mga tao: “Mula sa panahon na nasa sinapupunan pa lang ako ng aking ina, naniniwala na ako sa Panginoon, mula noon hanggang ngayon, mga apatnapu o limampung taon sa kabuuan. Kung sa tuntunin ng panahon, ako na ang pinakakwalipikadong ililigtas ng Diyos; Ako ang pinakakwalipikadong maligtas. Sa loob ng panahong apat o limang dekada, inabanduna ko ang aking pamilya at ang aking trabaho. Tinalikdan ko ang lahat ko, tulad ng pera, katayuan, kasiyahan at oras para sa pamilya; hindi ako kumain ng maraming masasarap na pagkain; hindi ko tinangkilik ang maraming nakaaaliw na mga bagay; hindi ko pinasyalan ang maraming mga kagiliw-giliw na mga lugar; naranasan ko pa ang paghihirap na hindi kayang tiisin ng mga ordinaryong tao. Kung hindi ako ililigtas ng Diyos sa kabila ng lahat ng mga ito, ibig sabihin ay tinatrato ako ng hindi makatarungan at hindi ako maniniwala sa ganitong uri ng Diyos." Marami bang mga tao ang may ganitong uri ng pananaw? (Napakarami nila.) Tutulungan kita ngayon na maunawaan ang isang katotohanan: Binabaril ng bawat taong may ganitong uri ng pananaw ang sarili nilang mga paa. Dahil ginagamit nila ang sarili nilang mga imahinasyon upang takpan ang kanilang mga mata. Tiyak na ito ang kanilang mga imahinasyon, at ang sarili nilang mga konklusyon na pumapalit sa pamantayan sa kung ano ang mga hinihingi ng Diyos sa tao, ang pumipigil sa kanila upang tanggapin ang tunay na mga layunin ng Diyos, na ginagawa nila upang hindi nila maramdaman ang tunay na pag-iral ng Diyos, at dahilan para mawala nila ang pagkakataong dalisayin ng Diyos at mawalan ng lugar o bahagi sa pangako ng Diyos.
Paano Itinatatag ng Diyos ang Kahihinatnan ng Tao at ang Pamantayan ng Pagtatatag Niya sa Kahihinatnan ng Tao
Bago ka magkaroon ng anumang sariling mga pananaw o mga konklusyon, dapat mo munang maunawaan ang saloobin ng Diyos sa iyo, kung ano ang iniisip ng Diyos, bago ka magpasya kung tama o hindi ang sarili mong pag-iisip. Hindi kailanman ginamit ng Diyos ang pamantayan ng oras upang itakda ang kahihinatnan ng isang tao, at hindi Niya kailanman ginamit ang sukat ng paghihirap na tiniis ng isang tao upang itakda ang kanilang kahihinatnan. Kung gayon ano ang ginagamit ng Diyos na pamantayan sa pagtakda ng kahihinatnan ng tao? Ang paggamit sa mga pamantayan ng panahon upang itakda ang kahihinatnan ng isang tao - ito ang madalas na tumatalima sa mga kuru-kuro ng mga tao. At mayroon ding mga indibidwal na madalas mong makita, ang mga tao na sa isang punto ay nakatuon nang husto, gumugol ng marami, nagbayad ng malaki, nagdusa ng matindi. Ang mga ito ay ang mga, sa pananaw mo ay, ililigtas ng Diyos. Ang lahat ng mga ipinakikita ng mga taong ito, ang tanging isinabubuhay nila, ay tiyak na kuru-kuro ng sangkatauhan tungkol sa pamantayang gagamitin ng Diyos sa pagtatakda ng kahihinatnan ng tao. Hindi alintana kung ano ang pinaniniwalaan mo, hindi ko iisa-isahing ililista ang mga halimbawang ito. Sa makatuwid, hangga’t hindi ito ang pamantayan ng sariling pag-iisip ng Diyos, tiyak na nagmula ito sa imahinasyon ng tao, at ito ay ganap na mga kuru-kuro ng tao. Ano ang kahihinatnan ng walang taros na paggiit mo sa sarili mong kuru-kuro at imahinasyon? Walang alinlangan, ang tanging kalalabasan ay ang pagkamuhi ng Diyos sa iyo. Ito ay dahil lagi mong pinararangalan ang mga kwalipikasyon mo sa harapan ng Diyos, nakikipagkumpitensya at nakikipagtalo ka sa Diyos, at hindi mo sinubukang tunay na unawain ang kaisipan ng Diyos, at hindi mo rin sinubukang unawain ang mga layunin at saloobin ng Diyos na para sa sangkatauhan. Ang pagpapatuloy na tulad nito ay pagpuri sa iyong sarili na higit sa lahat, hindi pagpuri sa Diyos. Naniniwala ka sa iyong sarili; hindi ka naniniwala sa Diyos. Ayaw ng Diyos ang ganitong uri ng tao, at hindi ililigtas ng Diyos ang ganitong uri ng tao. Kung mapalalagpas mo ang ganitong uri ng pananaw, at maitatama mo ang mga maling pananaw ng nakaraan; kung makapagpapatuloy ka na ayon sa mga hinihingi ng Diyos; mula sa puntong ito simulan mo nang isabuhay ang landas ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan; parangalan mo ang Diyos bilang dakila sa lahat ng bagay; huwag mong gamitin ang sarili mong mga kahumalingan, kuru-kuro, o paniniwala upang tukuyin ang iyong sarili, tukuyin ang Diyos. At sa halip, hanapin mo ang mga layunin ng Diyos sa lahat ng bagay, kamtin mo ang isang pagtanto at pag-unawa sa mga saloobin ng Diyos sa sangkatauhan, at gamitin mo ang pamantayan ng Diyos upang masiyahan Siya - kahanga-hanga ang bagay na iyan! Ito ay nangangahulugang paumpisa ka na sa landas ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan.
Yamang hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pag-iisip ng mga tao sa ganito o sa ganoong paraan, ang kanilang mga ideya at pananaw, bilang batayan upang itakda ang kahihinatnan ng tao, kung gayon anong uri ng pamantayan ang ginagamit Niya? Ginagamit ng Diyos ang mga pagsubok upang itakda ang kahihinatnan ng tao. Mayroong dalawang mga pamantayan sa paggamit ng mga pagsubok upang itakda ang kahihinatnan ng tao: Ang una ay ang bilang ng mga pagsubok na pinagdaanan ng mga tao, at ang pangalawa ay ang resulta ng mga pagsubok na ito. Ito ang dalawang tagapagpahiwatig na magtatakda sa kahihinatnan ng tao. Ngayon ipapaliwanag natin ang dalawang mga pamantayang ito.
Una sa lahat, kapag ikaw ay nahaharap sa isang pagsubok mula sa Diyos (tandaan: Posibleng maliit lamang ang pagsubok na ito sa iyong mga mata at walang saysay para banggitin), titiyakin ng Diyos na may kamalayan kang kamay ng Diyos ito sa iyo, at ang Diyos ang naglaan sa pangyayaring ito para sa iyo. Kapag musmos pa ang iyong katayuan, maglalaan ang Diyos ng mga pagsubok upang subukin ka. Tutugma ang mga pagsubok na ito sa iyong katayuan, kung saan ito ay iyong mauunawaan at mapaglalabanan. Anong bahagi sa iyo ang susubukin? Susubukin ang saloobin mo sa Diyos. Malaki ba ang kahalagahan ng saloobin na ito? Siyempre ito ay mahalaga! Bukod-tangi itong mahalaga! Dahil itong saloobin ng tao ang resulta na gusto ng Diyos, ito ang pinakamahalagang bagay para sa Diyos. Kung hindi gayon, hindi sana mag-aabala ang Diyos sa mga tao sa ganitong uri ng mga gawain. Nais ng Diyos na makita ang saloobin mo sa Kanya sa pamamagitan ng mga pagsubok na ito; gusto Niyang makita kung ikaw ay nasa tamang landas o hindi; at nais Niyang makita kung may takot ka sa Diyos at umiiwas sa kasamaan o hindi. Samakatuwid, hindi alintana sa pagkakataon na yan kung marami o kaunti ang nauunawaan mong katotohanan, haharap ka pa rin sa pagsubok ng Diyos, at kasunod sa anumang pag-unlad sa dami ng katotohanang nauunawaan mo, magpapatuloy ang Diyos sa paglalaan ng mga pagsubok na para sa iyo. Kapag muli kang nahaharap sa isang pagsubok, nais ng Diyos na makita kung ang mga kuru-kuro, mga ideya, at ang saloobin mo sa Diyos ay may anumang paglago sa sandaling iyan. Sinasabi ng ilang mga tao: “Bakit nais ng Diyos na laging makita ang mga saloobin ng mga tao? Hindi ba nakita ng Diyos ang paraan ng pagsasabuhay nila sa katotohanan? Bakit nais pa rin Niyang makita ang mga saloobin ng tao?" Isa itong kalokohang walang kabuluhan! Yamang ganito gumawa ang Diyos, tiyak na nakapaloob ang Kanyang mga layunin dito. Laging inoobserbahan ng Diyos ang mga tao, minamasdan ang bawat salita at gawa nila, ang bawat kilos at galaw nila, kahit ang bawat pag-iisip at mga ideya nila. Ang lahat ng mga mangyayari sa mga tao: ang mga mabubuting gawa, ang mga pagkakamali, ang mga kasalanan, at kahit ang mga pagrerebelde at pagkakanulo nila, itatala lahat ng Diyos ang mga ito bilang ebidensiya sa pagtataguyod ng kanilang mga kahihinatnan. Habang lumalaki ng paunti-unti ang gawain ng Diyos, makaririnig ka ng higit pang mga katotohanan, tatanggapin mo ang higit pang mga positibong bagay, mga positibong impormasyon, at ang reyalidad ng katotohanan. Sa pag-usad ng prosesong ito, madadagdagan din ang mga kahilingan ng Diyos sa iyo. Kasabay nito, maglalaan din ang Diyos ng mas mabibigat na mga pagsubok para sa iyo. Ang kanyang layunin ay upang suriin kung umunlad ba ang saloobin mo sa Diyos sa pagkakataon na yan. Siyempre, sa panahon na ito, ang pananaw na hihilingin ng Diyos sa iyo ay naaayon sa pagkaunawa mo sa reyalidad ng katotohanan.
Habang dahan-dahan na umuunlad ang iyong katayuan, ang pamantayan na hihilingin ng Diyos sa iyo ay dahan-dahan din na madadagdagan. Kapag musmos ka pa, magbibigay ang Diyos sa iyo ng isang napakababang pamantayan; kapag mas mataas na ang iyong tindig, magbibigay ang Diyos sa iyo ng mas mataas na pamantayan. Ngunit ano ang gagawin ng Diyos kapag naunawaan mo na ang buong katotohanan? Ihaharap ka ng Diyos sa mas malalaki pang mga pagsubok. Sa gitna ng mga pagsubok na ito, ang nais ng Diyos na matamo, ang nais ng Diyos na makita, ay ang mas malalim na kaalaman mo tungkol sa Diyos at ang tunay na pagkatakot mo sa Kanya. Sa pagkakataon na ito, ang mga hihilingin ng Diyos sa iyo ay mas mataas at “mas malupit” kaysa sa hiniling Niya noong mas musmos pa ang iyong kalagayan (tandaan: Tinitingnan ito ng mga tao bilang malupit, ngunit para sa Diyos ito ay makatwiran). Kapag nagbibigay ang Diyos ng mga pagsubok sa mga tao, anong uri ng reyalidad ang nais Niyang gawin? Patuloy na hinihiling ng Diyos na ibigay ng mga tao ang kanilang puso sa Kanya. Sinasabi ng ilang mga tao: “Paano ang pagbigay ng isang tao nito? Ginagawa ko ang aking tungkulin, iniwan ko ang tahanan at kabuhayan ko, gumugol ako para sa Diyos. Hindi ba ito halimbawa ng pagbibigay ng aking puso sa Diyos? Sa paanong paraan ko pa maaaring ibigay ang aking puso sa Diyos? Maaari kaya na ang mga ito ay hindi halimbawa ng pagbibigay ng aking puso sa Diyos? Ano ang tiyak na hinihiling ng Diyos?" Napakasimple ang kahilingan na ito. Sa katunayan, may ilang mga tao ang nagbigay na ng kanilang puso sa Diyos sa iba’t ibang antas at sa iba't ibang yugto ng kanilang mga pagsubok. Ngunit hindi kailanman ibinigay ng karamihan sa mga tao ang kanilang puso sa Diyos. Kapag nagbibigay ng isang pagsubok ang Diyos sa iyo, nakikita ng Diyos kung ang puso mo ay sa Kanya, sa laman, o kay Satanas. Kapag nagbibigay ng isang pagsubok ang Diyos sa iyo, nakikita ng Diyos kung sumasalungat ka o katanggap-tanggap ka sa Kanya, at nakikita Niya kung nasa panig Niya ang iyong puso. Kapag wala ka pa sa gulang at nahaharap ka sa mga pagsubok, ang iyong tiwala ay napakababa, at hindi mo alam kung ano ang kailangan mong gawin upang masiyahan ang mga layunin ng Diyos dahil limitado ang pagkaunawa mo sa katotohanan. Sa kabila ng lahat na ito, maaari mo pa ring gawin ang tunay at taimtim na pananalangin sa Diyos, maging handang ibigay ang iyong puso sa Diyos, gawin ang Diyos bilang pinakamataas sa buhay mo, at maging handa upang ialay sa Diyos ang mga bagay na pinakamahalaga sa pananaw mo. Ganito kapag naibigay mo na ang iyong puso sa Diyos. Habang nakikinig ka sa mas maraming mga sermon, at mas dumarami ang nauunawaan mong katotohanan, lalago rin nang dahan-dahan ang iyong kalagayan. Ang pamantayan na hinihiling ng Diyos sa iyo sa panahon na ito ay magkaiba sa hiniling sa iyo nang wala ka pa sa gulang; Hihiling Siya ng mas mataas na pamantayan kaysa sa ibinigay Niya noon. Kapag unti-unting ibinibigay sa Diyos ang puso ng tao, ito ay palapit nang palapit sa Diyos; kapag tunay nang malapit ang tao sa Diyos, unti-unti silang magkaroon ng isang puso na may takot sa Kanya. Nais ng Diyos ang ganitong uri ng puso.
Kapag nais ng Diyos na makuha ang puso ng isang tao, bibigyan Niya sila ng maraming mga pagsubok. Sa panahon ng mga pagsubok na ito, kung hindi makukuha ng Diyos ang puso ng taong ito, o kung hindi Niya makikita na may anumang saloobin ang taong ito - ang ibig sabihin ay hindi Niya nakikita na nag-uumpisa ang taong ito sa paggawa ng mga bagay o kumikilos sa isang paraan na may takot sa Diyos, at hindi Niya nakikita mula sa taong ito ang isang saloobin at kapasyahan na humiwalay sa kasamaan. Kung ganito pa rin ito, pagkatapos ng maraming mga pagsubok, iuurong ng Diyos ang pagpaparaya Niya sa indibidwal na ito, at hindi na Siya magtitiis para sa taong ito. Hindi na Siya magbibigay ng mga pagsubok sa kanila, at hindi na Siya gagawa pa sa buhay ng mga ito. Kung gayon, ano ang kinalaman nito sa kahihinatnan ng taong ito? Ito ay nangangahulugan na wala silang kahihinatnan. Posible na walang nagawang masama ang taong ito. Posible rin na wala silang ginawang nakagagambala o nakaaabala. Posible rin na hindi sila lantarang lumalaban sa Diyos. Gayunman, ang puso ng taong ito ay nakatago mula sa Diyos. Hindi sila kailanman nagkaroon ng malinaw na saloobin at pananaw sa Diyos, at hindi malinaw para sa Diyos kung ibinigay ba nila sa Kanya ang kanilang mga puso, at hindi malinaw para sa Diyos kung nagsisikap ba ang taong ito na magkaroon ng takot sa Diyos at umiwas sa kasamaan. Naubos na ang pasensya ng Diyos para sa mga taong ito, hindi na Siya magbabayad ng anumang halaga, hindi na Siya magbibigay ng awa, at hindi na Siya gagawa sa buhay ng mga ito. Tapos na ang paniniwala ng taong ito sa Diyos. Dahil sa lahat ng maraming mga pagsubok na ibinigay ng Diyos sa taong ito, hindi natamo ng Diyos ang resulta na gusto Niya. Kaya, napakaraming mga tao ang hindi ko nakitaan ng liwanag at pagbibigay-liwanag ng Banal na Espirito. Paano nakikita ang bagay na ito? Ang ganitong uri ng tao ay maaaring nanampalataya sa Diyos sa loob ng maraming taon, at napaka-aktibo nila sa ibabaw. Maraming mga libro ang binasa nila, maraming mga gawain ang pinamahalaan nila, gumawa sila ng napakaraming tala, at naging dalubhasa sila sa maraming mga sulat at mga doktrina. Subalit, kailanman walang anumang nakikita na paglago, at nakikitang pananaw patungkol sa Diyos mula sa taong ito, at wala ring anumang malinaw na saloobin sa kanya. Iyon ang ibig sabihin ng hindi nakikita ang puso ng taong ito. Laging balot ang kanilang puso, selyado ang kanilang mga puso - selyado ito para sa Diyos, kaya hindi nakita ng Diyos ang tunay na puso ng taong ito, hindi Niya nakita ang tunay na takot ng taong ito sa Diyos at mas lalo na, hindi Niya nakita kung paano lumakad ang taong ito sa landas ng Diyos. Kung hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakamit ng Diyos ang ganitong uri ng tao, makakamit Niya sila sa hinaharap? Hindi Niya magagawa! Ipagpipilitan ba ng Diyos ang mga bagay na hindi natatamo? Hindi! Kung gayon, ano ang kasalukuyang saloobin ng Diyos sa mga taong ito? (Kinasusuklaman Niya sila, hindi Niya sila pakikinggan.) Hindi Niya sila pakikinggan! Hindi pakikinggan ng Diyos ang ganitong uri ng tao; Kasusuklaman Niya sila. Nakabisado mo agad ang mga salitang ito, napakatumpak. Tila naintindihan mo kung ano ang iyong narinig!
May ilang mga tao na, sa simula ng pagsunod nila sa Diyos, sila ay musmos at mangmang; hindi nila naiintindihan ang mga layunin ng Diyos; hindi rin nila alam kung paano ang maniwala sa Diyos, niyakap nila ang gawa ng tao at maling paraan ng paniniwala sa Diyos, pagsunod sa Diyos. Kapag nahaharap sa isang pagsubok ang ganitong uri ng tao, hindi nila alam ito, at manhid sila sa gabay at paliwanag ng Diyos. Hindi nila alam ang ibig sabihin ng pagbibigay ng kanilang puso sa Diyos, at ang ibig sabihin ng tumindig na matatag sa panahon ng isang pagsubok. Magbibigay ang Diyos ng limitadong oras sa taong ito, at sa panahon na ito, ipauunawa Niya sa kanila kung ano ang pagsubok ng Diyos, kung ano mga layunin ng Diyos. Pagkatapos nito, kailangang ipakita ng taong ito ang kanyang pananaw. Tungkol sa mga tao na nasa baitang na ito, naghihintay pa rin ang Diyos. Tungkol sa mga tao na paurong-sulong pa rin ang pananaw, na nagnanais ibigay sa Diyos ang kanilang puso pero hindi nila kayang gawin ito, na, bagama’t ginagawa na nila ang ilang mga pangunahing katotohanan, kapag nahaharap sila sa isang malaking pagsubok, ay umiilag at nais sumuko - ano ang saloobin ng Diyos sa mga taong ito? May maliit pa rin na pag-asa ang Diyos sa mga taong ito. Ang resulta ay nakasalalay sa kanilang mga pag-uugali at mga pagganap. Paano ang tugon ng Diyos kung hindi aktibo ang mga tao sa pagprogreso? Sumusuko Siya. Dahil bago pa man sumuko ang Diyos sa iyo, sumuko ka na sa iyong sarili. Kaya, hindi mo maaaring sisihin ang Diyos sa paggawa nito, tama ba? Makatarungan ba ito? (Ito ay makatarungan.)
Isang Praktikal na Tanong na Nagdadala ng Lahat ng Uri ng Kahihiyan sa mga Tao
May isa pang uri ng tao na may pinakakalunus-lunos na kahihinatnan sa lahat. Ito ang mga taong pinaka-ayaw kong talakayin. Hindi ito kalunus-lunos dahil tatanggapin ng mga taong ito ang kaparusahan ng Diyos, o dahil ang hinihiling ng Diyos sa kanila ay malupit at mayroong nakapanlulumong kahihinatnan. Sa halip, nakapanlulumo ito dahil mismong ginagawa nila ito sa kanilang sarili, gaya ng madalas na sinasabi: Hinuhukay nila ang sarili nilang libingan. Anong uri ng tao ito? Ang mga taong ito ay hindi lumalakad sa tamang landas, at naihahayag nang maaga ang kanilang kahihinatnan. Ibinibilang ng Diyos ang ganitong uri ng tao na sukdulang sentro ng Kanyang pagkamuhi. Tulad ng sinasabi ng mga tao, ang mga ito ang pinakakalunus-lunos sa lahat. Ang ganitong uri ng tao ang pinakamasigasig sa simula ng pagsunod sa Diyos; nagbabayad sila ng maraming halaga; mayroon silang mahusay na opinyon tungkol sa gawain ng Diyos; puno sila ng imahinasyon tungkol sa sarili nilang hinaharap; masigasig ang tiwala nila sa Diyos, naniniwala silang kayang padalisayin ng Diyos ang tao, at dadalhin Niya ang tao sa isang maluwalhating kahahantungan. Ngunit sa anumang dahilan, lumalayo ang taong ito mula sa landas ng gawain ng Diyos. Ano ang ibig sabihin ng paglayo ng taong ito? Ito ay nangangahulugan na nawala ang mga taong ito nang wala man lang pagpapaalam, nang walang pasabi. Lumisan sila ng walang imik. Kahit na sinasabi ng ganitong uri ng tao na naniniwala sila sa Diyos, kailanman ay wala silang anumang ugat sa landas ng paniniwala sa Diyos. Kaya, kahit gaano katagal silang sumampalataya, maaari pa rin silang lumayo sa Diyos. Ang ilang mga tao ay umaalis upang magnegosyo, umaalis ang ilang mga tao upang tamasahin ang kanilang buhay, umalis ang ilang mga tao upang magpayaman, umalis ang ilang mga tao upang mag-asawa, magkaroon ng anak .... Sa mga umalis, may ilang mga nakonsensya at nagnanais na bumalik, at ang iba ay pasama ng pasama, inaanod sa mundo sa pagdaan ng mga taon. Ang mga inaanod na mga ito ay nakararanas ng napakaraming mga paghihirap, at naniniwala sila na masyadong masakit ang pananatili sa mundo, at hindi sila maaaring humiwalay sa Diyos. Gusto nilang bumalik sa tahanan ng Diyos upang makatanggap ng kaginhawaan, kapayapaan, kagalakan, at patuloy na sumampalataya sa Diyos upang makatakas mula sa kapahamakan, o upang maligtas at magkaroon ng isang magandang kahahantungan. Iyan ay dahil naniniwala ang mga taong ito na ang pag-ibig ng Diyos ay walang hangganan, na ang biyaya ng Diyos ay hindi nauubos at hindi ito maaaring lumipas. Naniniwala sila na kahit ano ang ginawa ng isang tao, dapat silang patawarin ng Diyos at maging mapagparaya sa kanilang nakaraan. Sinasabi ng mga taong ito na gusto nilang bumalik at gawin ang kanilang tungkulin. May mga ilan pa na ipinagkakaloob ang ilan sa kanilang mga gamit sa simbahan sa pag-asang ito ang kanilang paraan upang makabalik sa tahanan ng Diyos. Ano ang saloobin ng Diyos sa ganitong uri ng tao? Paano dapat ang pagtakda ng Diyos sa kanilang kahihinatnan? Huwag mag-atubiling magpahayag. (Iniisip kong tatanggapin ng Diyos ang ganitong uri ng tao, ngunit pagkatapos kong marinig ito ngayon, marahil hindi na sila muling matatanggap pa.) At ano ang pangangatwiran mo? (Lumalapit ang ganitong uri ng tao sa Diyos upang hindi kamatayan ang kanilang kahihinatnan. Hindi sila lumalapit na may tunay na katapatan. Sa halip, dahil sa kaalaman na malapit nang matapos ang gawain ng Diyos, lumalapit sila dahil sa maling akala na makatatanggap sila ng mga pagpapala.) Sinasabi mong hindi tapat ang paniniwala ng mga taong ito sa Diyos, kaya hindi sila maaaring tanggapin ng Diyos? Ito ba yun? (Oo.) (Sa aking pang-unawa ang ganitong uri ng tao ay isang oportunista, at hindi sila tunay na naniniwala sa Diyos.) Hindi sila naniniwala sa Diyos; sila ay mga mapagsamantala. Magaling ang pagkakasabi mo! Ang mga oportunistang ito ang uri ng tao na kinasusuklaman ng lahat. Sumusunod lamang sila sa daloy, at hindi sila mag-aabalang gumawa ng kahit na ano maliban na lang kung may mapapala sila mula dito. Siyempre ang mga ito ay kasuklam-suklam! May mga kuru-kuro ba ang ibang mga kapatiran? (Hindi na sila tatanggapin pa ng Diyos dahil malapit ng matapos ang gawain ng Diyos at ngayon ang panahon kung saan ay itinatakda ang kahihinatnan ng mga tao. Ito ang panahon na gustong bumalik ang mga taong ito. Hindi dahil tunay na gusto nilang sundin ang katotohanan; gusto nilang bumalik dahil nakikita nila ang mga parating na kalamidad, o naiimpluwensyahan sila ng mga panlabas na kadahilanan. Kung tunay na mayroon silang puso na nagnanais na sumunod sa katotohanan, hindi sana sila kailanman tumakas sa kalagitnaan ng kurso.) Mayroon pa bang ibang mga opinyon? (Hindi na sila matatanggap. Nagbigay ang Diyos sa kanila ng mga pagkakataon, ngunit ang kanilang saloobin sa Diyos ay laging sumusuway. Anuman ang mga layunin ng taong ito, at kahit na magsisi sila ng tapat, hindi pa rin sila tatanggapin ng Diyos. Ito ay dahil binigyan na sila ng Diyos ng napakaraming mga pagkakataon, gayon pa man ipinakita na nila ang kanilang saloobin: Gusto nilang iwanan ang Diyos. Kaya, kapag babalik sila ngayon, hindi na sila tatanggapin pa ng Diyos.) (Naniniwala rin ako na hindi tatanggapin ng Diyos ang ganitong uri ng tao, dahil kapag nakita ng isang tao ang tunay na landas, nakaranas ng gawain ng Diyos sa loob ng mahabang panahon, at bumalik pa rin sa mundo, bumalik sa yakap ni Satanas, ito ay isang malaking pagtataksil sa Diyos. Sa kabila ng katotohanan na ang diwa ng Diyos ay awa, pag-ibig, nakasalalay pa rin ito sa uri ng isang tao. Kung lalapit ang taong ito sa harapan ng Diyos upang maghanap ng kaginhawaan, maghanap ng isang bagay na maaaring asahan, itong uri ng tao ay hindi tapat sa paniniwala sa Diyos, at hanggang dito lang ang maaabot ng awa ng Diyos para sa kanila.) Ang diwa ng Diyos ay awa, kaya bakit hindi Niya bibigyan ng kahit kaunti pang awa ang ganitong uri ng tao? Sa pamamagitan ng isang maliit na awa, hindi ba sila makakukuha ng isa pang pagkakataon? Noon, madalas na sinasabi: Nais ng Diyos na maligtas ang bawat tao, at ayaw Niyang may mapahamak na sinuman. Kung may mawawalang isa sa isang daang tupa, iiwan ng Diyos ang siyamnapu’t siyam at hahanapin Niya ang nawawalang isa. Sa panahong ito, kung patungkol sa ganitong uri ng tao, kung ito ay para sa kapakanan ng tunay na paniniwala nila sa Diyos, dapat ba silang tanggapin ng Diyos at muling bigyan ng pangalawang pagkakataon? Sa katotohanan, hindi ito isang mahirap na tanong; napaka-simple nito! Kung tunay na nauunawaan mo ang Diyos at may tunay kang pagkaintindi sa Kanya, hindi na kailangan pa ang maraming paliwanag; hindi na rin kailangan ang maraming haka-haka, tama ba? Ang mga sagot mo ay nasa tamang landas, ngunit mayroon pa rin itong agwat sa saloobin ng Diyos.
Ngayon lang may ilan sa inyo ang nakatitiyak na hindi tatanggapin ng Diyos ang ganitong uri ng tao. Hindi naman masyadong malinaw para sa iba, naniniwala sila na maaaring tanggapin pa ng Diyos ang mga ito, at maaari din na hindi na Niya tatanggapin ang mga ito - ito ang mas katamtaman na saloobin; at mayroon din ang mga iba na ang kuru-kuro ay umaasang tatanggapin pa ng Diyos ang ganitong uri ng tao - ito ang hindi malinaw na saloobin. Ang mga nakatitiyak ang saloobin ay naniniwala na gumawa ang Diyos hanggang sa ngayon at natapos na ang Kanyang gawain, kaya hindi kailangang maging mapagparaya ang Diyos sa mga taong ito, at hindi na Niya sila muling tatanggapin. Naniniwala ang katamtaman ang pananaw na mga tao na ang mga bagay na ito ay dapat na hawakan ayon sa kanilang mga kalagayan: Kung ang puso ng taong ito ay hindi mapaghihiwalay sa Diyos, at tunay pa rin silang naniniwala sa Diyos, isang tao na sumusunod sa katotohanan, kung gayon hindi dapat alalahanin ng Diyos ang nakaraan nilang mga kahinaan at kamalian; Dapat Niya silang patawarin, bigyan sila ng isa pang pagkakataon, hayaan silang bumalik sa tahanan ng Diyos, at tumanggap ng kaligtasan ng Diyos. Gayunman, kung aalis muli ang taong ito, iyan ang panahon na aayawan na ng Diyos ang taong ito at hindi ito maaaring ituring na paggawa ng kawalang hustiya sa kaniya. May isa pang grupo na umaasang tatanggapin pa ng Diyos ang taong ito. Hindi malinaw para sa grupong ito kung tatanggapin pa ba sila ng Diyos o hindi na. Kung sa tingin nila ay dapat na tanggapin ng Diyos ang taong ito, kung gayon, tila may kaunti silang pagtalima sa pananaw ng Diyos. Kung naniniwala sila na hindi na dapat tanggapin ng Diyos ang mga ito, at sinabi ng Diyos na ang Kanyang pag-ibig sa tao ay walang taning at nais Niyang bigyan ng isa pang pagkakataon ang taong ito, hindi ba isa itong halimbawa ng huwad na kamangmangan ng tao? Sa anumang sitwasyon, lahat kayo ay may sariling mga pananaw. Ang mga pananaw na ito ay isang kaalaman sa inyong mga pag-iisip; salamin din ang mga ito sa lalim ng inyong pag-unawa sa katotohanan at sa inyong pag-unawa sa mga layunin ng Diyos. Sasabihin nating, hindi? Kahanga-hanga at may mga opinyon kayo sa bagay na ito! Ngunit kung tama ba o mali ang inyong mga opinyon, mayroon pa rin isang tandang pananong. Hindi ba kayo nag-aalala nang kahit kaunti? “Ano ngayon ang tama? Hindi ko makita nang malinaw, at hindi ako nakatitiyak kung ano ang iniisip ng Diyos. Walang sinabi ang Diyos na anumang bagay sa akin. Paano ko malalaman kung ano ang iniisip ng Diyos? Ang saloobin ng Diyos sa tao ay pag-ibig. Batay sa nakaraang saloobin ng Diyos, dapat Niyang tanggapin ang taong ito. Ngunit hindi ako nakatitiyak sa pangkasalukuyang saloobin ng Diyos - Ang masasabi ko lamang ay maaaring tanggapin Niya ang taong ito, at marahil hindi. "Hindi ba ito katawa-tawa? Talagang nasindak ka nito. Kung wala kang tamang pananaw tungkol sa bagay na ito, ano ngayon ang gagawin mo kung totoong nahaharap ang simbahan mo sa ganitong uri ng tao? Kung hindi mo ito haharapin ng maayos, maaaring masaktan mo ang Diyos. Hindi ba isang mapanganib na bagay ito?
Bakit gusto kong alamin ang tungkol sa mga pananaw mo sa tinatalakay ko? Gusto kong subukin ang mga pananaw mo, subukin kung gaano karami ang kaalaman mo tungkol sa Diyos, kung gaano ang pagkaunawa mo sa mga layunin at saloobin ng Diyos. Ano ang sagot? Ang sagot ay nasa loob ng mga pananaw mo. Ang ilan sa iyo ay masyadong konserbatibo, at ang ilan ay gumagamit ng mga imahinasyon upang hulaan ito. Ano ang “paghula"? Ito ay kapag wala kang ideya kung paano mag-isip ang Diyos, kaya gumagawa ka ng walang batayan na mga ideya sa kung paano dapat ang pag-iisip ng Diyos sa ganito o ganun na paraan. Hindi mo talaga alam kung tama o mali ang iyong hula, kaya naghahayag ka ng isang malabong pananaw. Harapin mo ang katotohanang ito, ano ang nakikita mo? Sa pagsunod sa Diyos, bihirang pinapansin ng mga tao ang mga layunin ng Diyos, at bihira nilang isinasaalang-alang ang mga kaisipan ng Diyos at ang saloobin Niya sa tao. Hindi mo maintindihan ang kaisipan ng Diyos, kaya kapag natatanong ka ng may kinalaman sa mga layunin ng Diyos, may kinalaman sa katangian ng Diyos, ikaw ay nalilito; malalim ang kawalan mo ng katiyakan, at nanghuhula ka lamang o sumusugal. Ano ang saloobin na ito? Ito ang patunay sa katotohanang ito: Karamihan sa mga tao na naniniwala sa Diyos ay isinasaalang-alang Siya bilang hangin na walang laman, bilang malabo. Bakit ganito ang pagkakasabi ko? Dahil sa bawat pagkakataon na nahaharap ka sa isang bagay, hindi mo alam ang mga layunin ng Diyos. Bakit hindi mo alam? Hindi dahil hindi mo lang alam sa ngayon. Sa halip, mula sa simula hanggang sa dulo talagang hindi mo alam kung ano ang saloobin ng Diyos sa bagay na ito. Sa mga pagkakataon na hindi mo makita at hindi mo alam kung ano ang saloobin ng Diyos, pinagbulay-bulayan mo ba ito? Hinanap mo ba ito? Ipinahayag mo ba ito? Hindi! Kinukumpirma nito ang isang katotohanan: Ang Diyos ng iyong paniniwala at ang tunay na Diyos ay walang kaugnayan. Ikaw, na naniniwala sa Diyos, nakikinig ka lamang sa sarili mong kalooban, nakikinig ka lamang sa kalooban ng inyong mga pinuno, at tanging ang mga mabababaw at doktrinal na kahulugan ng salita ng Diyos ang pinakikinggan mo, ngunit kailanman hindi mo tunay na sinubukang alamin at hanapin ang kalooban ng Diyos. Hindi nga ba ganito? Ang diwa ng bagay na ito ay kakila-kilabot! Sa paglipas ng maraming taon, maraming mga tao ang nakita kong naniniwala sa Diyos. Ano ang anyo ng paniniwalang ito? May ilang mga tao ang naniniwala na ang Diyos ay tila hangin na walang laman. Ang mga taong ito ay walang kasagutan sa mga tanong tungkol sa pag-iral ng Diyos dahil hindi nila maramdaman o wala silang kamalayan sa pagdalo o paglisan ng Diyos, mas lalo na ang malinaw na pagkakita o pagkaunawa sa Kanya. Sa malay ng mga taong ito, iniisip nila na hindi umiiral ang Diyos. Ang ilang mga tao naman ay naniniwala sa Diyos na tila Siya ay isang tao. Naniniwala ang mga taong ito na hindi kayang gawin ng Diyos ang lahat ng mga bagay na hindi nila kayang gawin, at ang pag-iisip ng Diyos ay dapat kagaya ng pag-iisip nila. Ang turing ng taong ito sa Diyos ay “hindi nakikita at hindi mahipo na tao." Mayroon ding isang grupo ng mga tao na naniniwala sa Diyos na tila Siya ay isang manika. Naniniwala ang mga taong ito na walang damdamin ang Diyos, na ang Diyos ay isang rebulto. Kapag nahaharap sa isang bagay, ang Diyos ay walang saloobin, walang pananaw, walang mga ideya; Siya ay nasa awa ng tao. Naniniwala lamang ang mga tao sa gusto nilang paniwalaan. Kung Siya ay gagawing dakila, Siya ay dakila; kung Siya ay gagawing maliit, Siya ay maliit. Kapag nagkakasala ang mga tao at kailangan nila ang awa ng Diyos, kailangan nila ang pagpaparaya ng Diyos, kailangan nila ang pag-ibig ng Diyos, dapat iabot ng Diyos ang Kanyang awa. Gumagawa ang mga taong ito ng isang Diyos sa kanilang isipan, at ginagamit nila ang Diyos upang matupad ang kanilang mga pangangailangan at masiyahan ang lahat ng kanilang mga hinahangad. Hindi mahalaga kung kailan o kung saan, at kahit ano ang ginagawa ng taong ito, yayakapin nila ang kahibangan na ito sa pagturing nila sa Diyos, at sa paniniwala nila sa Diyos. Mayroon pa nga ang mga naniniwala na maaari silang iligtas ng Diyos pagkatapos nilang abusuhin ang katangian ng Diyos. Ito ay dahil naniniwala sila na walang hanggan ang pag-ibig ng Diyos, ang katangian ng Diyos ay matuwid, at kahit gaano nakasasakit ang tao sa damdamin ng Diyos, hindi aalalahanin ng Diyos ang anuman sa mga ito. Dahil ang mga kapintasan ng tao, mga kasalanan ng tao, at mga pagsuway ng tao ay pansamantalang pagpapahayag ng katangian ng taong iyon, magbibigay ang Diyos ng mga pagkakataon sa mga tao, at magpaparaya at titiisin Niya sila. Mamahalin pa rin sila ng Diyos tulad ng dati. Kaya ang pag-asa ng kaligtasan nila ay maganda pa rin. Sa katunayan, kahit paano ang paniniwala ng isang tao sa Diyos, basta hindi nila sinusunod ang katotohanan, negatibo pa rin ang saloobin ng Diyos sa kanila. Ito ay dahil habang sumasampalataya ka sa Diyos, marahil ay pinahahalagahan mo ang aklat ng salita ng Diyos, pinag-aaralan mo ito araw-araw, binabasa mo ito araw-araw, ngunit itinabi mo ang tunay na Diyos, itinuturing mo Siya bilang hangin na walang laman, itinuturing Siya bilang isang tao, at ang ilan sa inyo ay itinuturing Siya bilang isang manika. Bakit ko sinasabi ito? Dahil sa pananaw ko, hindi alintana kung nahaharap ka sa isang bagay o isang pangyayari, ang mga bagay na umiiral sa iyong isipan, ang mga bagay na nabubuo sa loob - wala sa mga ito ang may anumang kaugnayan sa salita ng Diyos o sa pagsunod sa katotohanan. Ikaw lamang ang nakaaalam sa iniisip mo, kung ano ang sarili mong mga pananaw, at ang sarili mong mga ideya, ipinipilit mo sa Diyos ang sarili mong mga pananaw. Nagiging mga pananaw ng Diyos ang mga ito, na nagsisilbing mga pamantayan na matibay na sinusundan. Sa paglipas ng panahon, ang pagpapatuloy na ganito ang lalong maglalayo sa iyo mula sa Diyos.
Unawain ang Saloobin ng Diyos at Bitawan ang Lahat ng mga Maling Paniniwala sa Diyos
Itong Diyos na kasalukuyan mong pinaniniwalaan, isinaalang-alang mo na ba kung anong uri ng Diyos Siya? Kapag nakakikita Siya ng isang masamang tao na gumagawa ng masasamang bagay, kinamumuhian ba Niya ito? (Kinamumuhian Niya ito.) Kapag nakikita Niya ang mga pagkakamali ng mga ignoranteng tao, ano ang saloobin Niya? (Kalungkutan.) Kapag nakikita Niya ang mga taong ninanakaw ang mga handog sa Kanya, ano ang saloobin Niya? (Kinamumuhian Niya sila.) Napakalinaw ang lahat ng mga ito, hindi ba? Kapag nakikita Niya ang isang tao na nagiging pabaya sa kanilang paniniwala sa Diyos, at hindi nila sinusunod ang katotohanan, ano ang saloobin ng Diyos? Hindi ito masyadong malinaw sa iyo, hindi ba? Ang kawalan ng pag-iingat ay saloobin na hindi isang kasalanan, at hindi ito lumalabag sa Diyos. Naniniwala ang mga tao na hindi dapat itong ituring na isang malaking pagkakamali. Kung gayon, ano sa tingin mo ang saloobin ng Diyos? (Ayaw Niyang tumugon dito.) Ayaw tumugon dito - anong saloobin ito? Mababa ang pagtingin ng Diyos sa mga taong ito, kinasusuklaman Niya ang mga taong ito! Hinaharap ng Diyos ang mga taong ito sa pamamagitan ng pagsasawalang-bahala sa kanila. Ang hakbang Niya ay upang balewalain sila, hindi Siya gagawa ng anumang bagay sa mga ito, kabilang na ang pagliwanag, pagbibigay-kaliwanagan, pagparusa, o pagdisiplina. Hindi kabilang ang ganitong uri ng tao sa gawain ng Diyos. Ano ang saloobin ng Diyos sa mga taong umaabuso sa Kanyang katangian, at sumusuway sa Kanyang mga atas ng Kanyang pamamahala? Matinding pagkasuklam! Matindi ang poot ng Diyos sa mga taong hindi nagsisisi sa pag-abuso sa Kanyang katangian! Ang “matinding poot” ay isa lamang pakiramdam, isang kondisyon; hindi nito kinakatawan ang isang malinaw na saloobin. Ngunit ang pakiramdam na ito, ang kondisyon na ito, ay magdudulot ng isang kahihinatnan para sa taong ito: Pasisiklabin nito ang matinding pagkamuhi ng Diyos! Ano ang kahihinatnan ng matinding pagkamuhi na ito? Babalewalain ng Diyos ang taong ito, at hindi Siya tutugon sa kanila sa mga oras na iyon. Hihintayin Niyang matira sila sa panahon ng pagganti. Ano ang ipinahihiwatig nito? May kahihinatnan pa rin ba ang taong ito? Hindi kailanman hinangad ng Diyos na mabigyan ng kahihinatnan ang ganitong uri ng tao! Kaya hindi ba normal na hindi tumutugon ang Diyos sa ganitong uri ng tao sa kasalukuyan? (Oo.) Paano dapat ang paghahanda ng ganitong uri ng tao ngayon? Dapat silang maghanda sa pagtanggap ng mga negatibong kahihinatnan na sanhi ng kanilang pag-uugali, at ng kasamaang nagawa nila. Ito ang pagtugon ng Diyos sa ganitong uri ng tao. Kaya malinaw kong sasabihin ngayon sa ganitong uri ng tao: Huwag na ninyong panghawakan ang mga delusyon, at huwag na kayong maakit pa sa mga mapagmithing pag-iisip. Hindi laging nagpaparaya ang Diyos sa mga tao; Hindi Niya titiisin magpakailanman ang mga kasalanan o pagsuway. Sinasabi ng ilang mga tao: “May nakita rin akong ilang mga tao na tulad nito. Kapag sila’y nananalangin nahihipo sila ng Diyos, at matindi ang kanilang pag-iyak. Karaniwan na napakasaya rin nila; tila nasa kanila ang presensya ng Diyos, at ang patnubay Niya." Huwag sabihin na walang kapararakan yan! Ang pag-iyak nang matindi ay hindi nangangahulugang hinipo sila ng Diyos o pagkakaroon ng presensya ng Diyos, mas lalo na ang patnubay ng Diyos. Kung napagagalit ng tao ang Diyos, gagabayan pa rin ba ng Diyos ang mga ito? Samakatuwid, kapag nagpasya ang Diyos na itaboy ang isang tao, na abandunahin ang mga ito, ang taong iyan ay wala ng kahihinatnan. Hindi mahalaga kung gaano kakampante ang pakiramdam nila kapag nananalangin sila, at kung gaano ang tiwalang ipinakikita nila sa Diyos sa kanilang puso; hindi na mahalaga ito. Ang mahalaga ay hindi na kailangan ng Diyos ang ganitong uri ng kompiyansa, na itinakwil na ng Diyos ang taong ito. Ang pagharap sa kanila pagkatapos ay hindi na rin mahalaga. Ang mahalaga ay napasiklab na ng taong ito ang galit ng Diyos sa kasalukuyan, naitakda na ang kanilang kahihinatnan. Kung itinakda na ng Diyos na hindi iligtas ang ganitong uri ng tao, maiiwanan sila upang parusahan. Ito ang saloobin ng Diyos.
Kahit na ang bahagi ng diwa ng Diyos ay pag-ibig, at iniaabot Niya ang Kanyang awa sa lahat ng tao, hindi napapansin at nakalilimutan ng mga tao ang punto na diwa rin Niya ang karangalan. Hindi nangangahulugan na dahil may pag-ibig Siya ay maaari na Siyang malayang saktan ng mga tao at wala na Siyang kahit anong mga damdamin, o anumang mga reaksyon. Hindi nangangahulugan na dahil may awa Siya ay wala na Siyang mga prinsipyo sa pagtrato sa mga tao. Ang Diyos ay buhay; talagang umiiral Siya. Hindi Siya isang kathang-isip na manika o iba pang bagay. Dahil Siya ay umiiral, dapat makinig tayong mabuti sa tinig ng Kaniyang puso sa lahat ng oras, bigyang-pansin natin ang Kanyang saloobin, at intindihin natin ang Kanyang mga damdamin. Huwag sana nating gamitin ang imahinasyon ng mga tao sa pagtukoy sa Diyos, at huwag sana nating ipataw ang mga saloobin at kagustuhan ng mga tao sa Diyos, na ipinapataw natin ang istilo at pag-iisip ng tao sa Diyos sa kung paano Niya tratuhin ang sangkatauhan. Kung gagawin mo ito, pinasisiklab mo ang galit ng Diyos, tinutukso mo ang poot ng Diyos, at hinahamon mo ang karangalan ng Diyos! Kaya, pagkatapos mong naunawaan ang kahalagahan ng bagay na ito, hinihimok ko ang bawat isa sa inyo rito na maging maingat at matalino sa inyong mga kilos. Maging maingat at matalino sa inyong pagsasalita. At tungkol sa pagtrato niyo sa Diyos, habang mas maingat at matalino ka, mas mahusay! Kapag hindi mo naiintindihan ang saloobin ng Diyos, huwag kang magsasalita ng walang-ingat, huwag kang maging bulagsak sa iyong mga kilos, at huwag kang basta-basta sa pagbabansag. Mas lalo na, huwag kang darating sa mga konklusyon na walang batayan. Sa halip, dapat kang maghintay at sumunod; isa rin itong pagpapahayag ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Kung makakamit mo ang puntong ito ng higit sa lahat, at matatamo mo ang pag-uugaling ito ng higit sa lahat, hindi ka pararatangan ng Diyos dahil sa iyong katangahan, sa iyong kamangmangan, at sa iyong kawalan ng katuwiran. Sa halip, dahil sa iyong takot na masaktan ang Diyos, sa iyong paggalang sa mga layunin ng Diyos, at sa saloobin mong sumunod sa Kanya, aalalahanin ka ng Diyos, gagabayan at bibigyan ka ng kaliwanagan, o magpaparaya Siya sa iyong kahilawan at kamangmangan. Sa talakayan, dapat bang walang paggalang ang iyong saloobin sa Kanya - walang batayan na paghatol sa Diyos, walang batayan na paghula at pagtukoy sa kahulugan ng Diyos - bibigyan ka ng Diyos ng isang paniniwala, disiplina, kahit kaparusahan; o magbibigay Siya sa iyo ng isang pahayag. Marahil kasama ang iyong kahihinatnan sa pahayag na ito. Samakatuwid, nais ko pa itong bigyang-diin ng isa pang beses, at sabihan ang lahat ng narito na maging maingat at matalino sa lahat ng bagay na nanggagaling sa Diyos. Huwag magsalita ng padalos-dalos, at huwag maging bulagsak sa inyong mga kilos. Bago mo sabihin ang anumang bagay, dapat ka munang mag-isip: Nakagagalit ba sa Diyos ang paggawa nito? Ang paggawa ba sa bagay na ito ay pagkatakot sa Diyos? Kahit sa mga simpleng bagay, dapat mo pa ring subukang intindihin ang mga katanungang ito, isaalang-alang ang mga ito ng mabuti. Kung tunay kang makapamumuhay na ayon sa mga prinsipyong ito sa lahat ng dako, sa lahat ng bagay, at sa lahat ng oras, lalo na sa mga bagay na hindi mo maintindihan, palaging gagabay ang Diyos sa iyo, at palagi ka Niyang bibigyan ng isang landas na susundin. Anuman ang ipinakikita ng mga tao, tiyak na nakikita ng Diyos ang lahat ng mga ito, malinaw, at magbibigay Siya sa iyo ng isang tumpak at angkop na pagsusuri sa mga bagay na ito. Pagkatapos mong maranasan ang huling pagsubok, kukunin ng Diyos ang lahat ng mga pag-uugali mo at pagsasamahin niya ang mga ito nang ganap upang maitaguyod ang iyong kahihinatnan. Kukumbinsihin ng resultang ito ang lahat ng walang kahit anong pagdududa. Ang gusto kong sabihin sa iyo ay ang bawat gawa mo, ang bawat pagkilos mo, at ang bawat pag-iisip mo ang magtatakda sa iyong kapalaran.
Sino ang Magtatakda ng Kahihinatnan ng Tao
May isa pang pinaka-mahalagang bagay, at ito ang saloobin mo sa Diyos. Ang saloobin na ito ay mahalaga! Tinutukoy nito kung sa huli ay lalakad ka papunta sa pagkawasak, o sa isang magandang kahahantungan na inihanda ng Diyos para sa iyo. Sa Panahon ng Kaharian, gumawa na ang Diyos ng higit sa 20 taon, at sa kabuuan ng 20 taon na ito marahil hindi sigurado ang inyong mga puso tungkol sa inyong pagganap. Gayunpaman, sa puso ng Diyos, gumawa Siya ng isang aktuwal at matapat na pagtatala para sa bawat isa sa inyo. Magmula sa pagsisimulang pagsunod sa Kanya ng bawat tao at sa pakikinig sa Kanyang pangangaral, pag-unawa ng mas higit pa sa katotohanan, hanggang sa pagsasagawa sa kanilang mga tungkulin - may talaan ang Diyos sa bawat isa sa mga ito. Kapag ginagawa ng isang tao ang kanyang tungkulin, kapag nahaharap sila sa lahat ng uri ng mga pangyayari, lahat ng uri ng mga pagsubok, ano ang saloobin ng taong ito? Paano sila gumanap? Ano ang nadarama nila sa Diyos sa kanilang puso? ... Nakatala sa Diyos ang lahat ng ito, may talaan Siya sa lahat ng mga ito. Marahil mula sa iyong pananaw, ang mga isyung ito ay nakalilito. Gayunman, mula sa katayuan ng Diyos, napakalinaw ang mga ito, at walang kahit pinakamaliit na implikasyon ng pagpapabaya. Ito ay isang isyu na nauugnay sa kahihinatnan ng bawat tao, at pati na rin sa kanilang mga kapalaran at kinabukasan. Higit pa rito, dito ibinubuhos ng Diyos ang lahat ng Kanyang napakaingat na pagsisikap. Kaya hindi nagkukulang ang Diyos ng kahit kaunti, at hindi Siya nagpaparaya sa anumang kapabayaan. Itinatala ng Diyos ang kasaysayang ito ng sangkatauhan, itinatala ang buong kurso ng taong sumusunod sa Diyos, mula sa simula hanggang sa dulo. Ang saloobin mo sa Diyos sa panahong ito ang tutukoy sa iyong kapalaran. Hindi ba ito totoo? Hanggang ngayon, naniniwala ka ba na ang Diyos ay matuwid? Naaangkop ba ang mga pagkilos ng Diyos? Mayroon pa rin bang anumang ibang larawan ng Diyos sa inyong mga isipan? (Wala.) Kung gayon sa pananaw ninyo ang kahihinatnan ba ng tao ay nakasalalay sa pagtatakda ng Diyos o ng tao? (Ito ay itinatakda ng Diyos.) Sino ang magtatakda nito? (Diyos.) Hindi ka sigurado, hindi ba? Mga kapatid sa mga iglesiya sa Hong Kong, magsalita kayo - sino ang nagtatakda nito? (Ang tao mismo ang magtatakda nito.) Ang tao mismo ang magtatakda nito? Nangangahulugan ba na walang kinalaman ang bagay na ito sa Diyos? Sino ang nais magsalita mula sa mga iglesiyang Koreano? (Itatakda ng Diyos ang kahihinatnan ng tao batay sa lahat ng mga kilos at gawa nila, at batay sa landas na linalakaran nila.) Ito ay isang may nilalayon na pagtugon. May isang katotohanan dito na dapat kong ipaalam sa inyong lahat: Sa kurso ng panliligtas ng Diyos, nagtatakda Siya ng isang pamantayan para sa tao. Ang pamantayan na ito ay para masundan ng tao ang salita ng Diyos, at makalalakad siya sa landas ng Diyos. Ang pamantayan na ito ang ginagamit upang timbangin ang kahihinatnan ng tao. Kung mabubuhay ka na alinsunod sa pamantayang ng Diyos na ito, maaari kang makakuha ng isang mahusay na kahihinatnan; kung hindi naman, hindi ka makatatamo ng isang mahusay na kahihinatnan. Kung gayon, sino ang sinasabi mong magtatakda ng kahihinatnan na ito? Hindi lang ang Diyos ang magtatakda nito, sa halip ito ay parehong ang Diyos at ang tao. Tama ba ito? (Oo.) Bakit ganito? Dahil ang Diyos ang aktibong nagnanais na makisali sa gawaing pagligtas sa sangkatauhan, at maghanda ng isang magandang kahahantungan na para sa tao; ang tao ang sentro ng gawain ng Diyos, at ang kahihinatnan na ito, ang patutunguhang ito, ang inihahanda ng Diyos para sa tao. Kung walang layunin para sa Kanyang gawain, hindi kailangang gawin ng Diyos ang gawaing ito; kung hindi ginawa ng Diyos ang gawaing ito, walang pagkakataon ang tao para sa kaligtasan. Tao ang sentro ng kaligtasan, at bagaman walang ginagawa ang tao sa prosesong ito, ang saloobin niya ang tutukoy kung magiging matagumpay ang Diyos o hindi sa Kanyang gawain na pagliligtas sa sangkatauhan. Kung hindi dahil sa paggabay na ipinagkakaloob ng Diyos, hindi mo malalaman ang Kanyang pamantayan, at kung gayon wala kang magiging layunin. Kung nasa iyo ang pamantayang ito, ang layunin na ito, ngunit hindi ka makikipagtulungan, hindi mo ito isasabuhay, hindi mo babayaran ang halaga, hindi mo pa rin matatamo ang kahihinatnan na ito. Kaya sinasabi natin na hindi maaaring ihiwalay sa Diyos ang kahihinatnan na ito, at hindi ito maaaring ihiwalay mula sa tao. Kaya alam mo na ngayon kung sino ang magtatakda sa kahihinatnan ng tao.
Malimit na Tinutukoy ng mga Tao ang Diyos Batay sa Karanasan
Kapag ipinahahayag ang paksang pagtukoy sa Diyos, may mapapansin ka na isang bagay? Mapapansin mo ba na nagbago ang kasalukuyang saloobin ng Diyos? Hindi ba nababago ang saloobin ng Diyos sa sangkatauhan? Palagi bang magtitiis ang Diyos na tulad nito, na walang katapusang iniaabot ang Kanyang pag-ibig at awa sa tao? Nauugnay din ang bagay na ito sa diwa ng Diyos. Babalikan natin ang tanong noon ng tinatawag na alibughang anak. Pagkatapos na matanong ito, ang mga sagot ninyo ay hindi masyadong malinaw. Sa ibang salita, hindi pa rin ninyo maintindihan ang mga layunin ng Diyos. Kapag nalaman ng mga tao na mahal ng Diyos ang sangkatauhan, tinutukoy nila ang Diyos bilang isang simbolo ng pag-ibig: Anuman ang ginagawa ng mga tao, paano man ang kanilang pagkilos, paano man ang pagtrato nila Diyos, at gaano man ang katigasan ng kanilang ulo, wala sa mga ito ang mahalaga dahil may pag-ibig ang Diyos, at ang pag-ibig ng Diyos ay walang hangganan at hindi masukat. May pag-ibig ang Diyos, kaya maaari Siyang maging mapagparaya sa mga tao; may pag-ibig ang Diyos, kaya maaari Siyang maging mahabagin sa mga tao, maawain sa kanilang kahilawan, maawain sa kanilang kamangmangan, at maawain sa kanilang pagsuway. Ganito ba talaga ito? Para sa ilang mga tao, kapag naranasan nila ang pagiging matiisin ng Diyos ng isang beses, o ilang beses, pinanghahawakan na nila ito sa kanilang sariling-pag-unawa sa Diyos, naniniwala sila na ang Diyos ay magtitiis muli sa kanila ng isang beses at magpakailanman, mahahabag sa kanila, at sa kurso ng kanilang buhay ay kukunin nila ang pasensya ng Diyos at ituring ito bilang batayan ng pagtrato ng Diyos sa kanila. Mayroon ding mga tao na, kapag naranasan muli nila ang pagpaparaya ng Diyos, magpakailanmang tutukuyin nila ang Diyos bilang mapagparaya, at ang pagpaparayang ito ay walang hangganan, walang pasubali, at ganap na walang batayan. Tama ba ang mga paniniwalang ito? Laging natatalakay ang diwa o katangian ng Diyos, tila nalilito ka. Medyo nagagalit Ako kapag nakikita kang ganito. Napakaraming katotohanan ang narinig mo tungkol sa diwa ng Diyos; napakarami rin ang narinig mo tungkol sa katangian ng Diyos. Gayunman, sa inyong mga isipan ang mga isyung ito, at ang katotohanan ng mga aspetong ito, ay pawang mga alaala lamang na batay sa teyorya at sa nakasulat na mga salita. Wala sa inyo ang kailanman ay nakaranas sa kung ano ang katangian ng Diyos sa tunay na buhay, wala rin ang nakakita sa inyo kung ano ang katagian ng Diyos. Samakatuwid, kayong lahat ay naguguluhan sa inyong mga paniniwala, lahat kayo ay walang taros na naniniwala, hanggang sa punto na kayo ay walang pakundangan sa saloobin ng Diyos, na isinasantabi niyo lang Siya sa isang sulok. Ano ang kahahantungan ng ganitong uri ng saloobin ninyo sa Diyos? Ito ay laging humahantong sa mga konklusyon ninyo tungkol sa Diyos. Sa sandaling nagkaroon kayo ng maliit na kaalaman, masyado na kayong nasisiyahan, pakiramdam ninyo ay natamo na ninyo ang Diyos sa Kanyang kabuuan. Pagkatapos nito ay ipinapalagay ninyong ganito ang Diyos, at hindi ninyo hinahayaan na kumilos Siya ng malaya. At sa tuwing may ginagawa ang Diyos na isang bagong bagay, hindi ninyo matanggap na Siya ay Diyos. Isang araw, kapag sasabihin ng Diyos: “Hindi Ko na mahal ang tao; hindi na Ako mag-aabot ng awa sa tao; Wala na Akong anumang pagpaparaya o pasensya sa tao; Ako’y puspos ng matinding pagkamuhi at pagkainis sa tao,” sa kailaliman ng puso ng tao hindi nila matanggap ang ganitong uri ng pahayag. Sasabihin pa ng ilan sa kanila: “Hindi na Ikaw ang Diyos ko ngayon; hindi na Ikaw ang Diyos na gusto kong sundin. Kung ganito ang sinasabi Mo, hindi Ka na kwalipikadong maging Diyos ko, at hindi ko na kailangang manatiling sumusunod sa Iyo. Kung hindi mo ako bibigyan ng awa, hindi bibigyan ng pag-ibig, hindi bibigyan ng pagpaparaya, hindi na ako susunod sa iyo. Maaari lamang Kitang sundin, at magkakaroon lamang ako ng tiwalang sumunod hanggang sa dulo kung Ikaw ay mapagparaya sa akin nang walang hangganan, palaging matiisin sa akin, kung ipakikita Mong Ikaw ay pag-ibig sa akin, Ikaw ang magpapaubaya sa akin. Dahil mayroon sa akin ang Iyong pasensya at habag, ang aking pagsalangsang at kasalanan ay maaaring mapatawad nang walang hangganan, pagpasensyahan nang walang hangganan, at maaari akong magkasala sa anumang oras at kahit saan, magkumpisal at mapatawad sa anumang oras at kahit saan, at magalit sa Iyo sa anumang oras at kahit saan. Hindi Ka dapat magkaroon ng anumang sarili Mong mga ideya o konklusyon tungkol sa akin. " Kahit na maaaring hindi mo iniisip ang tungkol sa ganitong uri ng tanong sa isang mapansarili at may kamalayan na paraan, tuwing itinuturing mo ang Diyos na isang kasangkapan para sa pagkapatawad ng iyong mga kasalanan at isang bagay na gagamitin para sa pagtamo ng isang maganda na kahahantungan, inilagay mo na ang buhay na Diyos na pasalungat sa iyo, bilang kaaway mo. Ito ang nakikita Ko. Maaari mong patuloy na sinasabi, “Sumasampalataya ako sa Diyos”; “Nabubuhay ako na ayon sa katotohanan”; “Gusto kong baguhin ang aking katangian”; “Gusto kong makawala mula sa impluwensiya ng kadiliman”; “Gusto kong masiyahan ang Diyos”; “Gusto kong sundin ang Diyos”; “Gusto kong maging tapat sa Diyos at gawin ang aking tungkulin ng mabuti"; at iba pa. Gayunpaman, kahit gaano man kaganda ang anumang sasabihin mo, gaano man kadami ang teyoryang nalalaman mo, gaano man kahanga-hanga ang teyorya na yan, kung gaano man karangal ito, ang katotohanan ay marami na sa inyo ang natutong gamitin ang regulasyon, ang doktrina, ang teyoryang pinagkadalubhasaan mo upang gumawa ng mga konklusyon na tungkol sa Diyos, at ilagay Siya na kasalungat sa inyong sarili sa isang ganap na likas na paraan. Kahit na pinagkadalubhasaan mo ang mga sulat at doktrina, hindi ka pa talagang pumasok sa reyalidad ng katotohanan, kaya napakahirap para sa iyo ang lumapit sa Diyos, ang makilala ang Diyos, ang maunawaan ang Diyos. Ito ay kalunus-lunos!
Nakita ko ang palabas na ito sa isang video: Nakahawak ang ilang mga kapatid na babae sa isang aklat na Ang Salitang Nagpakita sa Laman, at hawak nila ito at itinataas nang napakataas. Hawak nila ang aklat na ito sa kanilang kalagitnaan, mas mataas kaysa sa kanilang mga ulo. Kahit na ito ay isang imahe lamang, ang ipinupukaw nito sa loob ko ay hindi isang imahe. Sa halip, naisip Ko na ang itinataas ng bawat tao sa kanilang puso ay hindi salita ng Diyos, kundi ang aklat ng salita ng Diyos. Ito ay isang nakalulungkot na bagay. Ang ganitong paraan ng pamumuhay ay hindi lamang isang kaso ng pagtaas sa Diyos. Ito ay dahil hindi mo naiintindihan ang Diyos tulad ng isang napakalinaw na tanong, isang napakaliit na tanong, na nagdudulot sayong gumawa ng mga sarili mong kuru-kuro. Kapag humihingi Ako ng mga bagay sa inyo, kapag nagiging seryoso Ako sa inyo, tumutugon kayo sa inyong mga haka-haka at mga sariling imahinasyon; ang ilan pa sa inyo ay nagdududa at nagtatanong ng pabalik. Ito ang malinaw na kumukumpirma sa Akin na ang Diyos na pinaniniwalaan ninyo ay hindi ang tunay na Diyos. Matapos ang pagbabasa ng salita ng Diyos sa loob ng maraming taon, ginagamit ninyo ang salita ng Diyos, ginagamit ninyo ang gawain ng Diyos, at higit pang mga doktrina upang muling gumawa ng mga konklusyon tungkol sa Diyos. Dagdag pa rito, hindi ninyo sinubukang unawain ang Diyos; hindi ninyo sinubukang alamin ang mga layunin ng Diyos; hindi ninyo sinubukang unawain kung ano ang saloobin ng Diyos sa tao; o kung paano mag-isip ang Diyos, kung bakit Siya ay malungkot, kung bakit Siya ay galit, kung bakit Siya ay nasusuklam sa tao, at iba pang mga katanungan. Ano pa, higit pa rito naniniwala ang maraming tao na ang Diyos ay palaging tahimik dahil pinapanood lamang Niya ang mga kilos ng sangkatauhan, dahil walang Siyang saloobin sa kanila, at wala Siyang sariling mga ideya. At lalo pa ang isang pangkat. Naniniwala ang mga taong ito na ang Diyos ay walang tinig dahil hindi Siya tumututol, walang tinig ang Diyos sapagkat Siya ay naghihintay, walang tinig ang Diyos dahil wala Siyang saloobin, dahil ang saloobin ng Diyos ay ganap nang naipaliwanag sa mga libro, naipahayag na ang kabuuan nito sa sangkatauhan, at hindi na kailangan pang paulit-ulit na sinasabi sa mga tao. Kahit tahimik ang Diyos, mayroon pa rin Siyang saloobin, may pananaw, at may pamantayan na hinihiling sa mga tao. Kahit hindi Siya sinusubukang unawain ng mga tao, at hindi Siya sinusubukang sundin, ang Kanyang saloobin ay napakalinaw. Isaalang-alang ang isang tao na minsan ay masigasig na sumusunod sa Diyos, ngunit sa isang punto ay iniwan Siya at lumisan. Kung nais ng taong ito na bumalik ngayon, nakagugulat sapagkat, hindi mo alam kung ano ang pananaw ng Diyos, at kung ano ang saloobin Niya. Hindi ba ito kalunus-lunos? Sa katunayan, ito ay isang medyo mababaw lamang na bagay. Kung tunay na nauunawaan mo ang puso ng Diyos, malalaman mo ang Kanyang saloobin para sa ganitong uri ng tao, at hindi ka magbibigay ng isang hindi siguradong sagot. Dahil hindi mo alam, pahintulutan mo Akong ituro sa iyo.
Ang Saloobin ng Diyos sa mga Lumisan Sa Panahon ng Kanyang Paggawa
Makikita mo ang ganitong uri ng tao sa lahat ng dako: Pagkatapos nilang maging tiyak tungkol sa landas ng Diyos, sa iba’t ibang dahilan, tahimik silang lumisan at hindi man lamang nagpaalam at ginawa nila ang anumang ninanais ng kanilang puso. Sa ngayon, hindi natin tatalakayin kung bakit lumisan ang taong ito. Una tingnan natin kung ano ang saloobin ng Diyos sa ganitong uri ng tao. Ito ay napakalinaw! Mula sa sandaling lumisan ang taong ito, sa paningin ng Diyos, tapos na ang panahon ng kanilang paniniwala. Hindi ang taong ito ang tumapos dito, kundi ang Diyos. Ang ibig sabihin ng paglisan ng taong ito ay itinakwil na nila ang Diyos, na ayaw na nila ang Diyos. Ito ay nangangahulugan na hindi na nila tinatanggap ang kaligtasan ng Diyos. Dahil ayaw na ng taong ito ang Diyos, maaari pa rin bang gusto sila ng Diyos? Bukod dito, kapag nasa taong ito ang saloobin na ito, ang pananaw na ito, at nakapagpasya na silang iwanan ang Diyos, napagalit na nila ang katangian ng Diyos. Kahit na hindi sila nagwala at sumpain ang Diyos, kahit na hindi sila gumawa ng ano mang napakasama o labis na pag-uugali, at kahit na iniisip ng taong ito: Kung dumating ang araw na maubos na ang aking panlabas na kasayahan, o kapag may pangangailangan pa rin ako sa Diyos, ako ay babalik. O kapag tatawagin ako ng Diyos, ako ay bumalik. O sasabihin nila: Kapag ako ay nasaktan sa labas, kapag nakita kong masyadong madilim ang mundo sa labas at masyadong masama at ayaw ko nang sumama sa daloy, babalik ako sa Diyos. Kahit na kalkulado sa isip ng taong ito ang punto kung kailan sila babalik, kahit na iwanan nilang bukas ang pinto para sa kanilang pagbabalik, hindi nila napagtanto na kahit ano ang isipin at planuhin nila, ang lahat ng mga ito ay mapagmithing pag-iisip lamang. Ang pinakamalaking pagkakamali nila ay ang pagiging malabo tungkol sa damdamin ng Diyos kapag ninais nilang umalis. Simula sa sandaling nagpasya ang taong ito na lisanin ang Diyos, ganap nang iniwan sila ng Diyos; itinakda na ng Diyos sa Kanyang puso ang kanilang kahihinatnan. Ano ang kahihinatnan na ito? Na ang taong ito ay isa sa mga kuneho, at mamatay sila na kasama ang mga ito. Kaya, madalas na makita ng mga tao ang ganitong uri ng sitwasyon: May mag-aabanduna sa Diyos, ngunit hindi sila naparurusahan. Kumikilos ang Diyos ayon sa Kanyang sariling mga prinsipyo. Makikita ng mga tao ang ilang mga bagay, at ang ilang mga bagay-bagay ay natutukoy lamang sa puso ng Diyos, kaya hindi nakikita ng mga tao ang mga resulta. Ang nakikita ng mga tao ay hindi kinakailangang tunay na bahagi ng mga bagay; ngunit ang iba pang bahagi, ang bahagi na hindi mo makita - ito ang tunay na saloobin at pagpapalagay ng puso ng Diyos.
Ang mga Taong Lumisan Sa Panahon ng Paggawa ng Diyos ay ang mga Nang-iwan sa Totoong Landas
Kung gayon bakit bibigyan ng Diyos ang ganitong uri ng tao ng isang malubhang kaparusahan? Bakit galit na galit ang Diyos sa kanila? Una sa lahat alam natin na ang katangian ng Diyos ay kadakilaan, ay poot. Hindi Siya isang tupa na maaaring patayin ng sinuman; higit pa, hindi Siya isang manika upang maging kontrolado ng mga tao sa anumang gusto nila. Hindi rin Siya isang hangin na walang laman na inuutus-utusan ng mga tao. Kung talagang naniniwala ka na may Diyos, dapat may puso kang natatakot sa Kanya, at dapat mong malaman na ang diwa ng Diyos ay hindi dapat ginagalit. Ang galit na ito ay maaaring idulot ng isang salita; marahil isang pag-iisip; marahil ilang mga uri ng karima-rimarim na pag-uugali; marahil banayad na pag-uugali, pag-uugali na lulusot sa mga mata at etika ng tao; o marahil ito ay sanhi ng isang doktrina, isang teyorya. Gayunpaman, sa sandaling nagalit mo ang Diyos, ang iyong pagkakataon ay nawala na at ang katapusan ng mga araw mo ay dumating na. Ito ay isang kahila-hilakbot na bagay! Kung hindi mo maunawaan na hindi maaaring saktan ang Diyos, marahil ay wala kang takot sa Kanya, at marahil ay palagi mong sinasaktan ang damdamin Niya. Kung hindi mo alam kung paano ang matakot sa Diyos, hindi ka matatakot sa Kanya, at hindi mo alam kung paano ang lumakad sa landas ng Diyos - ang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan. Kapag nagkaroon ka ng kamalayan, malalaman mo na hindi maaaring saktan ang damdamin ng Diyos, at malalaman mo kung paano ang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan.
Ang paglalakad sa landas ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan ay hindi kailangang tungkol sa dami ng katotohanan na alam mo, sa dami ng mga pagsubok na naranasan mo, o kung gaano ang pagkadisiplina mo. Sa halip, ito ay nakasalalay sa diwa ng pagsaalang-alang mo sa Diyos sa iyong puso, at kung ano ang iyong saloobin sa Diyos. Ang diwa ng mga tao at ang pansarili nilang mga saloobin - napakahalaga ang mga ito, pinakapangunahin. Patungkol sa mga tao na itinakwil at iniwan ang Diyos, ang mapanghamak na saloobin nila sa Diyos at ang puso nilang nagsisihamak sa katotohanan ang nagpagalit sa katangian ng Diyos, kaya sa ngayon para sa Diyos hindi sila patatawarin kailanman. Nalaman nila ang tungkol sa pag-iral ng Diyos, nasa kanila ang impormasyon na dumating na ang Diyos, naranasan pa nila ang bagong gawain ng Diyos. Ang kanilang pag-alis ay hindi isang kaso ng pagkalinlang, at hindi rin ito dahil malabo sa kanila ang tungkol dito. Mas lalo nang hindi ito isang kaso ng pagkapilit. Sa halip ay may kamalayan sila, at malinaw ito sa kanilang isipan, pinili nilang lisanin ang Diyos. Ang kanilang pag-alis ay hindi pagkawala sa kanilang landas; ito ay hindi pagkataboy. Samakatuwid, sa paningin ng Diyos, hindi sila isang tupa na napawalay sa kawan, mas lalo nang hindi isang alibughang anak na nawala sa kanyang landas. Nagsialis sila nang walang parusa, at ang kondisyon at sitwasyon na yan, ang nagpagalit sa katangian ng Diyos, at dahil sa paggalit na ito na ibinigay Niya sa kanila ang isang walang pag-asang kahihinatnan. Hindi ba kakila-kilabot ang ganitong uri ng kahihinatnan? Kaya kung hindi kilala ng mga tao ang Diyos, maaari silang makasasakit sa Diyos. Ito ay hindi maliit na bagay! Kung hindi sineseryoso ng isang tao ang saloobin ng Diyos, at naniniwala pa rin sa panahon ng kanilang pagbabalik - dahil isa sila sa mga nawalang tupa ng Diyos at naghihintay pa rin ang Diyos para sa pagbabago ng kanilang puso - kung gayon, ang taong ito ay malayo sa pagkatatanggal mula sa araw ng kanilang kaparusahan. Hindi sila basta-basta tanggihan ng Diyos. Ito na ang pangalawang pagkakataon na ginagalit nila ang Kanyang katangian; ito ay mas kahila-hilakbot na bagay! Nasaktan na ng walang paggalang na saloobin ng taong ito ang atas ng pamamahala ng Diyos. Tatanggapin pa ba sila ng Diyos? Ang mga prinsipyo ng Diyos tungkol sa bagay na ito ay: Kung ang isang tao ay naging tiyak tungkol sa tunay na landas ngunit maaari niya pa ring tanggihan ang Diyos ng sinasadya at may malinaw na pag-iisip, at inilalayo nila ang kanilang mga sarili mula sa Diyos, isasarado ng Diyos ang daan na patungo sa kanilang kaligtasan, at maisasara ang pintuan ng kaharian para sa kanila. Kapag dumating ang taong ito at muling kumatok, hindi na muling bubuksan ng Diyos ang pintuan para sa kanila. Ang taong ito ay mapagsasarhan magpakailanman. Marahil nabasa na ng ilan sa inyo ang kuwento ni Moises sa Biblia. Pagkatapos na pinili ng Diyos si Moises, hindi nasiyahan ang 250 na lider sa kanya dahil sa kanyang mga kilos at iba pang mga dahilan. Sino ang tinanggihan nilang sundin? Hindi si Moises. Tumanggi silang sumunod sa mga itinakda ng Diyos; nagsitanggi silang magsisunod sa gawain ng Diyos sa bagay na ito. Sinabi nila ang mga sumusunod: “Kayo'y kumukuha ng malabis sa inyo, dangang ang buong kapisanan ay banal, bawa't isa sa kanila, at ang Panginoon ay nasa gitna nila….” Sa iyong tingin, napaka-seryoso ba ang mga salitang ito? Hindi seryoso ang mga ito! Ang literal na kahulugan ng mga salita ay hindi seryoso. Sa legal na kahulugan, hindi sila lumabag sa anumang mga batas, dahil sa wari ito ay hindi pagalit na wika, o bokabularyo, mas lalo nang walang anumang mapaglapastangan na kahulugan. Isang karaniwang pangungusap lamang ito, wala nang iba pa. Ngunit bakit nagdulot ang mga salitang ito ng galit sa Diyos? Dahil hindi nabanggit ang mga ito na para sa mga tao, kundi sa Diyos. Ang saloobin at katangian na ipinahayag sa pamamagitan ng mga ito ay ang tiyak na gumalit sa katangian ng Diyos, lalo na sa katangian ng Diyos na hindi maaaring saktan. Alam nating lahat kung ano ang kanilang kahihinatnan sa dulo. Tungkol sa mga umabanduna sa Diyos, ano ang kanilang pananaw? Ano ang kanilang saloobin? At bakit hahantong ang kanilang mga pananaw at saloobin sa pagtrato ng Diyos sa kanila sa ganitong paraan? Ang dahilan dito ay dahil malinaw na alam nilang Diyos Siya ngunit pinili pa rin nilang Siya ay ipagkanulo. Yan ang dahilan kung bakit lubos na tinanggal ang pagkakataon nila para sa kaligtasan. Katulad ng sinasabi ng Bibliya: “Sapagka't kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan.” Malinaw na ba ang bagay na ito sa iyo ngayon?
Ang Kapalaran ng Tao ay Itinatakda sa Pamamagitan ng Kanyang Saloobin sa Diyos
Ang Diyos ay isang Diyos na buháy, at dahil magkakaiba ang paggawa ng mga tao sa iba’t ibang sitwasyon, ang saloobin ng Diyos sa mga paggawang ito ay magkakaiba rin sapagkat Siya ay hindi isang manika, at hindi rin Siya hangin na walang laman. Ang pagkilala sa saloobin ng Diyos ay isang mahalagang hangarin para sa sangkatauhan. Dapat malaman ng mga tao kung paano, sa pamamagitan ng pagkilala sa saloobing ng Diyos, nilang malalaman ang katangian ng Diyos at maunawaan ng paunti-unti ang Kanyang puso. Kapag unti-unti mong maunawaan ang puso ng Diyos, hindi mo mararamdaman na mahirap gawin ang pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Ano pa, kapag naiintindihan mo ang Diyos, mas mahirap para sa iyo ang gumawa ng mga konklusyon na tungkol sa Kanya. Kapag tumigil ka sa paggawa ng mga konklusyon na tungkol sa Diyos, mas malamang na hindi mo masasaktan ang damdamin Niya, at walang kamalayan na dadalhin ka ng Diyos sa pagkakilala sa Kaniya, at sa gayong paraan magkakaroon ka ng takot sa Diyos sa iyong puso. Titigil ka sa pagtukoy sa Diyos gamit ang mga doktrina, ang mga sulat, at ang mga teyorya na iyong pinagkadalubhasaan. Sa halip, sa pamamagitan ng palaging paghahanap sa mga layunin ng Diyos sa lahat ng bagay, hindi mo mamamalayang nagiging isa kang tao na naaayon sa puso ng Diyos.
Ang gawain ng Diyos ay hindi nakikita at hindi nagagalaw ng sangkatauhan, ngunit para sa Diyos, ang mga pagkilos ng bawat tao, kasama na ang kanilang saloobin sa Kanya - hindi lamang napapansin ng Diyos ang mga ito, ngunit nakikita rin Niya. Ito ay isang bagay na dapat makilala at maging malinaw sa lahat. Maaaring lagi mong tinatanong sa iyong sarili: “Alam ba ng Diyos ang ginagawa ko dito? Alam ba ng Diyos kung ano ang iniisip ko ngayon? Siguro alam Niya, marahil hindi. “Kung naniniwala ka sa ganitong uri ng pananaw, sumusunod at naniniwala sa Diyos ngunit nag-aalinlangan sa Kanyang gawain at sa Kanyang pag-iral, hindi magtatagal ay darating ka sa puntong magagalit ka sa Kanya, dahil ikaw ay lumalakad na sa gilid ng isang mapanganib na bangin. May nakita na Akong mga tao na naniniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon, ngunit hindi pa rin nila nakakamit ang reyalidad ng katotohanan, hindi rin nila nauunawaan ang kalooban ng Diyos. Walang anumang pag-unlad ang kalagayan ng kanilang buhay, nakikinig lamang sila sa pinakamababaw na doktrina. Ito ay dahil hindi kailanman sineryoso ng mga taong ito ang salita ng Diyos bilang mismong buhay nila, at hindi nila kailanman hinarap at tinanggap ang Kanyang pag-iral. Sa tingin ba ninyo ay napupuno ang Diyos ng kasiyahan kapag nakikita Niya ang ganitong mga tao? Nakaaaliw ba sila sa Kanya? Sa kasong iyon, ang paraan ng paniniwala ng mga tao sa Diyos ang magpapasya sa kanilang kapalaran. Ito man ay tanong ng kung paano mo sinusunod o itinuturing ang Diyos, ang sarili mong saloobin ang pinakamahalagang bagay. Huwag mong isawalang-bahala ang Diyos sa iyong isipan na parang hangin na walang laman. Lagi mong isipin ang Diyos ng iyong paniniwala bilang isang buhay na Diyos, isang tunay na Diyos. Hindi Siya nandoon sa ikatlong langit na walang ginagawa. Sa halip, patuloy Siyang nakatingin sa puso ng lahat, nakatingin sa kung ano ang binabalak mo, sa bawat maliit na salita at gawa, nakatingin sa iyong pagkilos at sa iyong saloobin sa Diyos. Handa ka mang ibigay ang iyong sarili sa Diyos o hindi, ang lahat ng mga pag-uugali at kaibuturan ng iyong kaisipan at mga ideya mo ay nasa harapan ng Diyos, tinitingnan Niya ang mga ito. Ito ay ayon sa iyong pag-uugali, ayon sa iyong mga gawa, at ayon sa iyong saloobin sa Diyos, na ang opinyon at ang saloobin Niya sa iyo, ay patuloy na nagbabago. Gusto kong mag-alok ng ilang mga payo sa mga taong nais ilagay ang kanilang mga sarili tulad ng isang maliit na sanggol sa mga kamay ng Diyos, na parang dapat Siyang mahaling sa iyo, na parang hindi ka Niya maaaring iwanan, na parang ang Kanyang saloobin sa iyo ay nakatakda at hindi kailanman maaaring baguhin: Tumigil ka sa pangangarap! Ang Diyos ay matuwid sa pagtrato Niya sa bawat tao. Seryoso Niyang hinaharap ang pagsakop at kaligtasan ng sangkatauhan. Iyan ang Kaniyang pamamahala. Seryoso Siya sa pagtrato sa bawat tao, hindi tulad ng isang alagang hayop na pinaglalaruan. Ang pag-ibig ng Diyos sa tao ay hindi isang uri ng pagpapalayaw; ang Kanyang awa at pagpaparaya sa sangkatauhan ay hindi mapagpalayaw o walang pakialam. Sa kabilang banda, ang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan ay para pahalagahan, kaawaan, at igalang ang buhay; Ipinahihiwatig ng Kanyang awa at pagpaparaya ang mga inaasahan Niya sa tao; Ang Kanyang awa at pagpaparaya ang kailangan ng sangkatauhan upang mabuhay. Ang Diyos ay buháy, at talagang mayroong Diyos; Ang Kanyang saloobin sa sangkatauhan ay may prinsipyo, hindi isang mapagmataas na batas, at maaari itong baguhin. Ang Kanyang kalooban para sa sangkatauhan ay unti-unting nagbabago at nagbabago sa paglipas ng panahon, ng pangyayari, at sa saloobin ng bawat tao. Kaya dapat kang maging malinaw sa bagay na ito, at intindihin na hindi nagbabago ang diwa ng Diyos, at ang Kanyang katangian ay naihahayag sa iba’t ibang panahon, at sa iba't ibang konteksto. Maaaring iniisip mo na hindi seryoso ang isyu na ito, at ginagamit mo ang sarili mong mga kuru-kuro upang isipin kung paano ang dapat na paggawa ng Diyos sa mga bagay-bagay. Ngunit may mga oras na ang ganap na kabaliktaran ng iyong tanaw ay totoo, at sa pamamagitan ng paggamit ng sarili mong kuru-kuro upang subukin at sukatin ang Diyos, napasiklab mo na ang Kanyang galit. Ito ay dahil hindi kumikilos ang Diyos na tulad ng sa tingin mong pagkilos Niya, at hindi ituturing ng Diyos ang bagay na ito na tulad ng sinasabi mo sa Kaniya. Kaya ipinapaalala Ko sa iyo na mag-ingat ka at maging mahinahon sa pagturing mo sa lahat ng bagay sa iyong paligid, at matututunan mo kung paano sundin ang prinsipyo ng paglakad sa landas ng Diyos sa lahat ng bagay - pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Kailangan mong bumuo ng isang matatag na pag-unawa sa mga bagay ng kalooban at saloobin ng Diyos; humanap ka ng mga naliwanagan na tao upang ipaliwanag ito sa iyo, at sundin mo ito ng seryoso. Huwag mong tingnan ang Diyos ng iyong paniniwala bilang isang manika - walang batayan sa paghuhukom, dumarating sa mga konklusyon na walang batayan, hindi pagtrato sa Diyos na may paggalang na nararapat. Sa proseso ng kaligtasan ng Diyos, kapag tinukoy Niya ang iyong kahihinatnan, bibigyan ka man Niya ng awa, o pagpaparaya, o paghuhukom at parusa, ang saloobin Niya sa iyo ay hindi nakapirmi. Ito ay nakasalalay sa iyong saloobin sa Diyos, at ang pag-unawa mo sa Kanya. Huwag mong hayaan na ang isang aspeto ng iyong kaalaman o pang-unawa sa Diyos ang pamalagiang tutukoy sa Kanya. Huwag kang maniwala sa isang patay na Diyos; maniwala ka sa isang buhay na Diyos. Tandaan ito! Kahit natalakay Ko ang ilang mga katotohanan dito, mga katotohanang kailangan mong marinig, para sa kasalukuyang kalagayan at antas mo, hindi Ako gagawa ng anumang mas malaking kahilingan para hindi maubos ang sigasig mo. Ang paggawa nito ay maaaring pumuno sa iyong puso ng kalungkutan, at gawin kang makaramdam ng masyadong pagkabigo sa Diyos. Sa halip umaasa Ako na maaari ninyong gamitin ang pag-ibig ng Diyos sa inyong mga puso, at gamitin ang isang saloobin na may paggalang sa Diyos kapag naglalakad sa landas sa hinaharap. Huwag malito sa kung paano ituring ang paniniwala sa Diyos. Ituring mo ito bilang isa sa mga pinakamalaking katanungan. Ilagay mo ito sa iyong puso, isabuhay mo ito, iugnay ito sa tunay na buhay - huwag mo lamang basta sinasabi ito. Dahil ito ay isang bagay ng buhay at kamatayan, at ito ang tutukoy sa iyong tadhana. Huwag mo itong ituring na tulad ng isang biro, tulad ng laro ng isang bata! Pagkatapos Kong ibahagi ang mga salitang ito sa inyo ngayon, ano kaya ang naani ninyong pag-unawa sa inyong mga isip. Mayroon bang anumang mga katanungan ang nais ninyong itanong tungkol sa sinabi ko dito ngayon?
Kahit na medyo bago ang mga paksang ito, at medyo naalis mula sa iyong mga pananaw at sa karaniwang sinusunod at binibigyang pansin mo, sa tingin ko pagkatapos nilang matalakay sa isang sandali, mabubuo sa iyo ang isang karaniwang pang-unawa sa lahat ng bagay na sinabi Ko dito. Dahil ang mga ito ay mga bagong paksa, mga paksa na hindi mo isinasaalang-alang noon, umaasa Ako na hindi sila makadadagdag sa iyong pasanin. Sinasabi Ko ang mga salitang ito ngayon hindi upang takutin ka, at hindi Ko rin sinusubukang sisihin ka; sa halip, ang Aking layunin ay upang matulungan kang maunawaan ang katotohanan ng bagay na ito. Sa ano’t ano man, may distansya sa pagitan ng sangkatauhan at ng Diyos: Kahit naniniwala ang tao sa Diyos, hindi niya kailanman naunawaan ang Diyos; hindi niya kailanman nakilala ang saloobin ng Diyos. Hindi rin kailanman naging masigasig ang tao sa kanyang pag-aalala para sa saloobin ng Diyos. Sa halip, sumampalataya siya nang walang taros, nagpatuloy siya nang walang taros, at naging bulagsak sa kanyang kaalaman at pang-unawa sa Diyos. Kaya napilitan Akong liwanagin ang mga isyung ito para sa inyo, at tulungan kayong maunawaan kung anong uri ng Diyos ang inyong pinaniniwalaan; kung ano ang iniisip Niya; kung ano ang Kanyang saloobin sa pagtrato Niya sa iba’t ibang uri ng mga tao; kung gaano ka kalayo sa pagtupad sa Kanyang mga kahilingan; at ang pagkakaiba sa pagitan ng iyong mga kilos at ang pamantayan na Kanyang hinihingi. Ang layunin sa inyong pag-alam nito ay upang mabigyan kayo ng isang pamantayan sa inyong mga puso na susukat at magpapakita kung anong uri ng pag-aani ang kahahantungan ng landas na tinatahak ninyo, kung ano ang hindi pa ninyo natatamo sa landas na ito, at kung ano ang mga lugar na hindi pa nauugnayan ang inyong sarili. Kapag nag-uusap kayo, karaniwang pinag-uusapan ninyo ang ilang mga paksang karaniwang tinatalakay; makitid ang saklaw, at ang nilalaman ay napakababaw. May distansya, may puwang, sa pagitan ng mga bagay na tinatalakay ninyo at ang mga layunin ng Diyos, sa pagitan ng mga talakayan ninyo at ang saklaw at pamantayan ng mga kahilingan ng Diyos. Ang pagpapatuloy na ganito sa paglipas ng panahon ang maglilihis sa inyo ng palayo sa landas ng Diyos. Kinukuha mo lamang ang mga umiiral na mga salita mula sa Diyos at ginagawa mo ang mga ito na mga bagay ng pagsamba, ng seremonya at regulasyon. Iyon na ang kabuuan! Sa katunayan, walang lugar ang Diyos sa inyong mga puso, at hindi kailanman natamo ng Diyos ang inyong mga puso. Iniisip ng ilang mga tao na napakahirap kilalanin ang Diyos - ito ang katotohanan. Mahirap! Kung hinihiling sa mga tao na gawin ang kanilang mga tungkulin at tapusin ang mga panlabas na bagay, kung nahihiling sa kanila na magtrabaho nang husto, sa tingin ng mga tao ay napakadaling sumampalataya sa Diyos, dahil ang lahat ng mga ito ay tumutugma sa saklaw ng mga kakayahan ng tao. Ngunit sa sandaling lilipat ang paksa sa mga lugar ng mga layunin at saloobin ng Diyos sa tao, mas humihirap ang mga bagay sa pananaw ng lahat. Ito ay dahil iniuugnay nito ang pang-unawa ng mga tao sa katotohanan at ang pagpasok nila reyalidad; siyempre may antas ito ng kahirapan! Ngunit pagkatapos mong makapasok sa unang pinto, pagkatapos mong simulan ang pagpasok dito, unti-unti itong padali ng padali.
Ang Umpisa ng Pagkatakot sa Diyos ay ang Pagturing sa Kanya Bilang Isang Diyos
May isang naghayag ng isang katanungan: Paanong mas higit ang nalalaman natin tungkol sa Diyos kaysa kay Job, ngunit hindi pa rin tayo natatakot sa Diyos? Natalakay na natin kamakailan ang kaunti sa paksang ito, hindi ba? Sa katunayan, ang diwa ng tanong na ito ay natalakay na noon, na kahit hindi kilala noon ni Job ang Diyos, itinuring Siya na katulad ng Diyos, at itinuring Siya bilang Panginoon ng lahat ng bagay sa langit at lupa. Hindi isinaalang-alang ni Job ang Diyos na isang kaaway. Sa halip, sumamba siya sa Kanya bilang ang Maylalang ng lahat ng bagay. Bakit matindi ang paglaban ng mga tao sa Diyos sa panahong ito? Bakit hindi sila natatakot sa Diyos? Ang isang dahilan ay dahil lubhang napinsala sila ni Satanas. Sa pamamagitan ng kalikasan ni Satanas na naihalo sa kalooban nila, ang mga tao ay naging kaaway ng Diyos. Kaya, kahit na naniniwala sila sa Diyos at kinikilala nila ang Diyos, maaari pa rin nilang labanan ang Diyos at ilagay ang kanilang sarili na pagsalungat sa Kanya. Ito ay naitakda sa kalikasan ng tao. Ang iba pang dahilan ay bagaman naniniwala ang mga tao sa Diyos, hindi Siya itinuturing bilang Diyos. Sa halip, isinasaalang-alang nila ang Diyos na taliwas sa tao, ibinibilang Siya na kaaway ng tao, at hindi sila katanggap-tanggap sa Diyos. Ganoon lang iyon kasimple. Hindi ba napag-usapan ang bagay na ito sa nakaraang sesyon? Pag-isipan mo ito! Iyan ba ang dahilan? Kahit na mayroon kang kapirasong kaalaman tungkol sa Diyos, ano naman ang kaalaman na ito? Hindi ba ito ang pinag-uusapan ng lahat? Hindi ba ito ang sinabi ng Diyos sa inyo? Alam lamang ninyo ang mga aspetong teyorya at doktrina; naranasan na ba ninyo ang tunay na aspeto ng Diyos? Mayroon ba kayong mapansariling kaalaman? Mayroon ba kayong praktikal na kaalaman at karanasan? Kung hindi sinabi ng Diyos sa inyo, malalaman ba ninyo ito? Ang kaalaman ninyo sa mga teyorya ay hindi kumakatawan sa tunay na kaalaman. Sa madaling salita, gaano man kadami ang alam ninyo at kung paano ninyong nalaman ito, bago ninyo natamo ang tunay na pang-unawa sa Diyos, kaaway ninyo ang Diyos, at bago pa ang aktuwal na ganitong pagtrato ninyo sa Diyos, pasalungat na Siya sa inyo, sapagka’t kayo ay isang sagisag ni Satanas.
Kapag kasama mo si Kristo, marahil maaari mo Siyang bigyan ng pagkain ng tatlong beses sa isang araw, marahil bigyan Siya ng tsaa, asikasuhin ang mga pangangailangan Niya sa buhay, parang pagtrato kay Kristo bilang Diyos. Sa tuwing may mangyari, ang mga pananaw ng mga tao ay palaging salungat sa Diyos. Laging hindi nila maunawaan ang pananaw ng Diyos, hindi nila ito matanggap. Kahit sa panlabas ay mukhang nakakasundo ng mga tao ang Diyos, hindi ito nangangahulugan na katanggap-tanggap sila sa Kanya. Sa sandaling may mangyari, lilitaw ang katotohanan ng pagsuway ng tao, na magpatitibay sa poot na umiiral sa pagitan ng tao at Diyos. Sa poot na ito hindi ang Diyos ang sumasalungat sa tao; hindi ang Diyos ang may gustong magalit sa tao, at hindi ang Diyos ang naglalagay at tumatrato sa tao ng ganito. Sa halip, ito ay isang kaso ng pasalungat na diwa sa Diyos lingid sa makasariling kalooban ng tao, at sa walang-malay na isip ng tao. Dahil itinuturing ng tao ang nagmumula sa Diyos bilang sentro ng kanyang pananaliksik, ang kanyang tugon sa nagmumula sa Diyos at sa nauugnay sa Diyos ay, higit sa lahat, panghuhula, at pagdududa, at agarang pagpatitibay sa isang saloobin na pasalungat at lumalaban sa Diyos. Pagkatapos nito, kukunin ng tao ang mga pasibong saloobin na ito at lalabanan o makipagtunggali sa Diyos, kahit na sa punto kung saan pagdududahan niya kung dapat bang sumunod sa ganitong uri ng Diyos. Sa kabila ng katotohanan na sinasabi ng pagkamaykatwiran ng tao na hindi siya dapat magpatuloy na ganito, pinpili pa rin niyang gawin ito, na magpapatuloy nang walang pag-aatubili hanggang sa pinakadulo. Halimbawa, ano ang unang reaksyon ng ilang mga tao kapag naririnig nila ang ilang mga bulung-bulungan o paninirang-puri tungkol sa Diyos? Ang unang reaksyon nila ay: Hindi ko alam kung ang bulung-bulungan na ito ay totoo o hindi, kung umiiral man ito o hindi, maghihintay lamang ako at magmamatyag. Pagkatapos ay magsisimula silang mag-isip: Walang paraan upang patunayan ito; umiiral kaya ito? Totoo ba ang bulung-bulungan na ito o hindi? Kahit hindi ipinakikita ng taong ito sa lantaran, ang kanilang puso ay nagsimula nang magduda, nagsimula nang ipagkanulo ang Diyos. Ano ang diwa ng ganitong uri ng saloobin, itong uri ng pananaw? Hindi ba ito pagtataksil? Bago sila nahaharap sa bagay na ito, hindi mo makikita ang pananaw ng taong ito - parang hindi sila sumasalungat sa Diyos, parang hindi nila itinuturing ang Diyos na isang kaaway. Gayunpaman, sa sandaling sila ay nahaharap dito, kaagad silang kumakampi kay Satanas at tumututol sa Diyos. Ano ang iminumungkahi nito? Ipinahihiwatig nito na magkalaban ang tao at ang Diyos! Hindi dahil itinuturing ng Diyos ang tao bilang isang kaaway, kundi ang mismong pinakadiwa ng tao ang salungat sa Diyos. Hindi alintana kung gaano man katagal na sumusunod sa Diyos ang isang tao, kung magkano ang ibinayad nila; hindi alintana kung paano ang mga papuri nila sa Diyos, kung paano nila ilayo ang kanilang sarili mula sa pagsuway sa Diyos, hinihimok pa nila ang kanilang sarili na ibigin ang Diyos, hindi nila kailanman kayang ituring ang Diyos bilang Diyos. Hindi ba ito itinatakda ng diwa ng tao? Kung itinuturing mo Siya bilang Diyos, tunay na naniniwala ka na Siya ay Diyos, maaari ka pa rin bang magkaroon ng anumang pag-aalinlangan sa Kanya? Puwede pa rin bang may anumang mga tandang pananong tungkol sa Kanya sa iyong puso? Hindi maaari. Ang daloy ng sanlibutang ito ay napakasama, ang sanlibutang ito ay napakasama - paano na wala kang anumang mga kuru-kuro tungkol sa kanila? Ikaw mismo ay napakasama - paano na wala kang anumang mga kuru-kuro tungkol dito? Ngunit ilang mga alingawngaw lamang, ilang mga paninirang-puri, ay maaaring magdulot ng malalaking mga kuru-kuro tungkol sa Diyos, maaaring magdulot ng maraming mga ideya, na nagpapakita kung gaano kamusmos ang iyong kalagayan! Ang “paghiging” lamang ng ilang mga lamok, ang ilang nakaiinis na mga langaw, sapat na yan upang malinlang ka? Anong uri ng tao ito? Alam mo ba kung ano ang iniisip ng Diyos tungkol sa ganitong uri ng tao? Sa katunayan napakalinaw ang saloobin ng Diyos sa kung paano Niya tratuhin ang mga taong ito. Ipagsasawalang-bahala lamang ng Diyos ang mga taong ito - ang saloobin Niya ay ang hindi pagbibigay-pansin sa kanila, at ang hindi pagseryoso sa mga mangmang na mga taong ito. Bakit ganito? Dahil sa Kanyang puso hindi Niya kailanman binalak na kunin ang mga tao na ganap na naging salungat sa Kanya hanggang sa huli, at hindi kailanman nagbalak na hanapin ang landas ng pagiging katanggap-tanggap sa Kanya. Marahil ay nakasakit ang mga salitang aking inihayag sa ilang mga tao. Payag ka ba na lagi kitang sinasaktan ng ganito? Hindi alintana kung payag ka ba o hindi, ang lahat ng mga sinasabi ko ay katotohanan! Kung palagi kitang sinasaktan ng tulad nito, laging inilalantad ang mga sugat mo, nakakaapekto ba ito sa matayog na imahe ng Diyos sa inyong mga puso? (Hindi.) Sumasang-ayon Ako na hindi. Sapagkat wala namang Diyos sa inyong mga puso. Ang matayog na Diyos na nasa inyong mga puso, ang lagi ninyong ipinagtanggol at pinoprotektahan, ay hindi Diyos. Sa halip ito ay isang kathang isip ng tao; hindi ito umiiral. Kaya mas mahusay na ilantad ko ang sagot sa bugtong na ito. Hindi ba ito ang buong katotohanan? Ang tunay na Diyos ay hindi ang nasa mga imahinasyon ng tao. Umaasa akong matatanggap ninyong lahat ang katotohanan na ito, at makatutulong sa inyong kaalaman sa Diyos.
Ang mga Tao na Hindi Kinikilala ng Diyos
May ilang mga tao na ang paniniwala ay hindi kailanman kinikilala sa puso ng Diyos. Sa ibang salita, hindi kinikilala ng Diyos na mga tagasunod Niya ang mga taong ito, sapagkat hindi pinupuri ng Diyos ang kanilang paniniwala. Para sa mga taong ito, gaano man karami ang taon na pagsunod nila sa Diyos, hindi kailanman nagbago ang kanilang mga ideya at pananaw. Katulad nila ang mga di-mananampalataya, sumusunod sila sa mga di-mananampalataya sa mga prinsipyo at paraan ng paggawa ng mga bagay, sumusunod sila sa kanilang mga batas ng kaligtasan at paniniwala. Hindi nila kailanman tinanggap ang salita ng Diyos bilang kanilang buhay, hindi sila naniniwala na ang salita ng Diyos ay katotohanan, hindi kailanman nilayon na tanggapin ang kaligtasan ng Diyos, at hindi nila kailanman kinikilala ang Diyos bilang kanilang Diyos. Itinuturing nilang libangan ang pagsampalataya sa Diyos, itinuturing nila ang Diyos bilang isa lamang na espirituwal na pagkain, kaya hindi nila inisip na mahalagang subukan at unawain ang katangian o diwa ng Diyos. Maaari mong sabihin na ang lahat na katanggap-tanggap sa tunay na Diyos ay walang kinalaman sa mga taong ito. Hindi sila interesado, at hindi sila maaaring abalahin upang tumugon. Dahil sa kailaliman ng kanilang mga puso ay mayroong isang malakas na tinig na palaging nagsasabi sa kanila: Ang Diyos ay hindi nakikita at hindi mahipo, at ang Diyos ay hindi umiiral. Naniniwala sila na pagsasayang lamang ng kanilang pagsisikap ang pagsubok na unawain ang ganitong uri ng Diyos; panloloko lamang ito sa kanilang mga sarili. Kinikilala lamang nila ang Diyos sa mga salita, at wala silang anumang tunay na paninindigan. Wala rin silang ginagawang kahit anong mga praktikal na tuntunin, sa pag-iisip na sila ay matatalino. Ano ang pananaw ng Diyos sa mga taong ito? Itinuturing Niya silang mga di-mananampalataya. Tinatanong ng ilang mga tao: “Maaari bang basahin ng mga di-mananampalataya ang salita ng Diyos? Maaari ba nilang gawin ang kanilang tungkulin? Maaari ba nilang sabihin ang mga salitang ito: ‘mabubuhay ako para sa Diyos'? " Ang madalas nakikita ng mga tao ay ang pakunwari na ipinakikita ng mga tao, hindi ang kanilang diwa. Ngunit hindi tumitingin ang Diyos sa pakunwari na mga pagpapakita; nakikita lamang Niya ang kanilang panloob na diwa. Kaya, ang Diyos ay may ganitong uri ng saloobin, ganitong uri ng kahulugan, sa mga tao. Tungkol sa sinasabi ng mga taong ito: “Bakit ito ginagawa ng Diyos? Bakit ginagawa ng Diyos iyon? Hindi ko maintindihan ito; hindi ko maintindihan iyon; hindi ito alinsunod sa mga kuru-kuro ng tao; kailangan mong ipaliwanag yan sa akin; ... Ang Aking sagot ay: Kailangan bang ipaliwanag ang bagay na ito sa iyo? May anumang kahalagahan ba ang bagay na ito sa iyo? Sino ka sa tingin mo? Saan ka nanggaling? Kwalipikado ka bang magbigay ng mga payo sa Diyos? Naniniwala ka ba sa Kanya? Kinikilala ba Niya ang iyong paniniwala? Sapagkat walang kinalaman sa Diyos ang iyong paniniwala, anong kinalaman ng Kanyang mga gawain sa iyo? Hindi mo alam kung ano ang katayuan mo sa puso ng Diyos, gayon pa man kwalipikado kang makipag-usap sa Kanya?
Mga Salitang Pagpapayo
Kumportable ka pa ba pagkatapos mong marinig ang mga pahayag na ito? Kahit na ayaw mong makinig sa mga salitang ito, o ayaw mong tanggapin ang mga ito, ang lahat ng mga ito ay pawang katotohanan. Dahil ang yugtong ito ng trabaho ay para sa Diyos, kung wala kang pakialam sa mga layunin ng Diyos, wala kang pakialam sa saloobin ng Diyos, at hindi mo nauunawaan ang diwa at katangian ng Diyos, sa katapusan ikaw ang matatalo. Huwag mong sisihin ang mga salita ko na mahirap dinggin, at huwag mong sisihin ang mga ito sa pagkawala ng iyong sigasig. Sinasabi ko ang katotohanan; Hindi ko ibig pahinain ang iyong loob. Anumang bagay ang hingin ko sa iyo, at paano man ang paraan ng hinihiling na paggawa mo, umaasa ako na lalakad ka sa tamang landas, at umaasa Ako na susundin mo ang landas ng Diyos at huwag lumihis mula sa landas na ito. Kung hindi ka magpapatuloy nang alinsunod sa salita ng Diyos, at hindi mo susundin ang Kanyang landas, walang duda na ikaw ay nagrerebelde sa Diyos at lumihis sa tamang landas. Kaya sa tingin Ko ay may ilang mga bagay na dapat kong linawin para sa iyo, upang maniwala kang ganap, malinaw, walang kahit kaunting kawalan ng katiyakan, at tulungan kang ganap na malaman ang saloobin ng Diyos, ang mga layunin ng Diyos, kung paano dinadalisay ng Diyos ang tao, at sa anong paraan Niyang itinatakda ang kahihinatnan ng tao. Kung dumating man ang araw kapag hindi mo magawang lumakad sa landas na ito, wala na akong pananagutan, dahil ang mga salitang ito ay naipahayag na sa iyo ng napakalinaw. Tungkol sa kung paano mo tratuhin ang sarili mong kahihinatnan - ang bagay na ito ay ganap na nakasalalay sa iyo. Ang Diyos ay may iba’t ibang mga saloobin tungkol sa kahihinatnan ng iba’t ibang uri ng mga tao. Mayroon Siyang sariling mga paraan sa pagsukat sa tao, at sariling pamantayan ng mga kahilingan. Ang pamantayan Niya sa pagsukat ng tao ay makatarungan sa lahat ng tao - walang duda tungkol dito! Kaya hindi kailangan ang takot ng ilang mga tao. Maginhawa na ba ang pakiramdam mo ngayon? Iyan na muna para sa ngayon. Paalam!
Abril 29, 2014
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento