Sa totoo lang, ang gawain na ginagawa ngayon ay upang talikdan ng mga tao si Satanas, talikdan ang kanilang dating ninuno. Nilalayon ng lahat ng mga paghatol ayon sa salita na ilantad ang tiwaling pag-uugali ng sangkatauhan at mangyaring maipaunawa sa mga tao ang kahulugan ng buhay. Ang paulit-ulit na mga paghatol ay tumatagos lahat sa puso ng mga tao. Nakaaapekto ang bawat paghatol sa kanilang kapalaran at sinadyang sugatan ang kanilang mga puso upang mapakawalan nila ang lahat ng mga bagay na iyon at sa gayon mapanuto sa buhay, malaman ang maruming mundong ito, at malaman din ang karunungan at kapangyarihan ng Diyos at malaman ang sangkatauhang ito na dinungisan ni Satanas. Habang nararagdagan ang ganitong uri ng parusa at paghatol, lalong masusugatan ang puso ng tao at lalong magigising ang kanyang espiritu. Ang layunin ng mga ganitong uri ng paghatol ay ang paggising sa mga espiritu ng mga lubhang tiwali at pinakanalinlang sa mga tao. Walang espiritu ang tao, sa madaling sabi, namatay ang kanyang espiritu sa matagal na panahong nakalipas at hindi niya alam na may langit, hindi alam na may Diyos, at tiyak na hindi batid na siya ay nagpupumiglas sa kailaliman ng kamatayan; paano niya posibleng malalaman na siya ay namumuhay sa buktot na impiyerno sa daigdig? Paano niya posibleng malalaman na ang nabubulok na bangkay niya ay, sa pamamagitan ng katiwalian ni Satanas, ay nahulog sa Hades ng kamatayan? Paano niya posibleng malaman naang lahat ng bagay sa daigdig ay matagal nang sira na hindi na makukumpuni ng sangkatauhan? At paano niya posibleng malaman na ang Maykapal ay dumating sa daigdig sa kasalukuyan at naghahanap ng isang grupo ng mga tiwaling tao na Kanyang ililigtas? Maranasan man ng tao ang bawat posibleng pagdalisay at paghatol, ang kanyang mapurol na kamalayan ay bahagya pang napukaw at tila walang tugon. Napakasama ng sangkatauhan! Bagaman ang ganitong paghatol ay tulad ng malupit na graniso na nahuhulog mula sa kalangitan, ito ang pinakadakilang pakinabang sa tao. Kung hindi sa paghatol sa mga tao na tulad nito, walang resulta at walang pasubali na imposibleng iligtas ang mga tao sa kailaliman ng paghihirap. Kung hindi dahil sa gawaing ito, magiging napakahirap para sa mga tao na lumabas mula sa Hades dahil ang kanilang mga puso ay namatay sa matagal ng panahon at ang kanilang mga espiritu ay matagal ng niyurakan ni Satanas. Ang pagligtassa inyo na lumubog sa kailaliman ng kasamaan ay humihiling na walang humpay na tawagan kayo, na walang humpay na hatulan kayo, at sa gayon lamang na ang nagyeyelong puso ninyo ay magigising. Ang inyong laman, ang inyong mga mararangyang pagnanasa, ang inyong kasakiman, at ang inyong kalibugan ay malalim na nakaugat sa inyo. Ang mga bagay na ito ay walang tigil na kumokontrol sa inyong mga puso na kayo ay walang kapangyarihan na itakwil ang yugto ng mga piyudal at masasamang kaisipang iyon. Hindi kayo nananabik na baguhin ang inyong kasalukuyang sitwasyon, ni takasan ang impluwensiya ng kadiliman. Kayo ay simpleng nakatali sa mga bagay na iyon. Kahit na alam ninyo na ang gayong buhay ay lubhang nakasasakit at ang gayong mundo ay napakadilim, magkagayonman, walang ni isa man sa inyo ang may tapang na baguhin ang ganitong uri ng buhay. Nananabik lamang kayo na tumakas sa ganitong tunay na buhay, pakawalan ang inyong mga kaluluwa mula sa purgatoryo, at mamuhay sa isang kapaligirang mapayapa, maligaya, at katulad ng langit. Hindi kayohandang batahin ang mga kahirapan upang baguhin ang inyong kasalukuyang buhay; hindi kayo handang hanapin sa loob ng paghatol at parusa na ito para sa buhay na dapat ninyong pasukan. Sa halip, nangangarap kayo ng mga hindi makatotohanang pangarap tungkol sa magandang mundo sa ibayo ng laman. Ang buhay na pinananabikan ninyo ay isa na walang pagpupunyagi ninyong makakamit nang hindi makararanas ng anumang kirot. Iyan ay ganap na wala sa katotohanan! Dahil kung ano ang inyong inaasahanay hindi ang isabuhay ang makahulugang haba ng buhay sa laman at matamo ang katotohanan sa buong haba ng buhay, alalaong baga, upang mamuhay para sa katotohanan at tumayo para sa katarungan. Hindi ito ang dapat isaalang-alang ninyona isang maningning, nakasisilaw na buhay. Naramdaman ninyona ito ay hindi kahali-halina o makahulugang buhay. Sa inyo, ang pagsasabuhay ng gayong buhay ay tunay na pagmamaliit ng inyong sarili! Kahit na tinanggap ninyo ang ganitong parusa sa kasalukuyan, magkagayonman kung ano ang inyong hinahangad ay hindi upang makamit ang katotohanan o mamuhay sa katotohanan sa kasalukuyan ngunit sa halip upang makapasok sa isang maligayang buhay sa ibayo ng laman sa kinalaunan. Kayo ay hindi naghahanap ng katotohanan, hindi naninindigan para sa katotohanan, at tiyak na kayo ay hindi nabubuhay para sa katotohanan. Hindi kayonaghahangadsa pagpasok sa kasalukuyan, ngunit walang tigil na nag-iisp na may darating na araw kapag tumitingin kayo sa bughaw na kalangitan at umiyak ng mga mapapait na luha, umaasang dadalhin sa langit. Hindi ninyo ba alam na ang gayong pag-iisip ay wala na sa katotohanan? Nanatili kayong nag-iisip na ang Tagapagligtas ng walang hanggang kabaitan at malasakit ay walang dudang darating isang araw na kukunin kayong kasama Niya, kayo na bumata ng kahirapan at pagdurusa sa mundong ito, at na walang dudang maghihiganti para sa inyo na nabiktima at inapi. Hindi ba kayo lipos ng kasalanan? Kayo lamang ba ang nagdurusa sa mundong ito? Nahulog kayo mismo sa kaharian ni Satanas at dumanas, at magkagayonman kailangan ninyo ng Diyos upang ipaghiganti kayo? Yaong mga hindi mabigyang kasiyahan ang mga pangangailangan ng Diyos—sila bang lahat ay mga kaaway ng Diyos? Yaong mga hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao—hindi ba sila ang antikristo? Ano ang silbi ng inyong mga mabubuting gawa? Mapapalitan ba nila sa lugar ang isang puso na sumasamba sa Diyos? Hindi ninyo matatanggap ang biyaya ng Diyos sa paggawa ng ilang mga mabubuting gawa, at hindi ipaghihiganti ng Diyos ang mga pagkakasala laban sa inyo dahil lamang sa nabiktima o inapi kayo. Yaong mga naniniwala sa Diyos ngunit hindi kilala ang Diyos, ngunit gumagawa ng mga mabubuting gawa—hindi rin ba sila pinarurusahan? Naniniwala lamang kayo sa Diyos, gusto ninyo lamang sa Diyos na ituwid at ipaghiganti ang mga pagkakasala laban sa inyo, at nagnanais na bigyan kayo ng Dios ng pagtatakasan mula sa inyong kahirapan. Ngunit tumatanggi kayong magbigay pansin sa katotohanan; ni nauuhaw na isabuhay ang katotohanan. Lalong mas mahirap na kayanin ninyong tumakas sa mahirap, walang katuturang buhay. Sa halip, habang isinasabuhay ang inyong buhay sa laman at inyong buhay sa kasalanan, umaasa kayo sa Diyos na itama ang inyong mga karaingan at hawiin ang hamog ng inyong pag-iral. Paano ito naging posible? Kung tinataglay ninyo ang katotohanan, maaari ninyong sundan ang Diyos. Kung isinasabuhay ninyo, maaaring kayo ay kahayagan ng salita ng Diyos. Kung tinataglay ninyo ang buhay, malalasap ninyo ang biyaya ng Diyos. Yaong mga nagtataglay ng katotohanan ay maaaring lumasap ng biyaya ng Diyos. Tinitiyak ng Diyos ang pagtutuwid para sa mga taong buong pusong iniibig Siya gayundin ang pagbata sa mga kahirapan at pagdurusa, hindi para sa mga taong iniibig lamang ang kanilang mga sarili at nasilo ng mga panlilinlang ni Satanas. Paano magkakaroon ng kabutihan sa mga taong hindi umiibig sa katotohanan? Paano magkakaroon ng katwiran sa mga taong iniibig lamang ang laman? Hindi ba ang katwiran at kabutihan ay lahat sumasangguni sa katotohanan? Hindi ba sila nakalaan sa mga taong buong pusong iniibig ang Diyos? Yaong mga hindi umiibig sa katotohanan at na walang iba kundi mga nabubulok na bangkay—hindi ba ang lahat ng mga taong ito kumukupkop sa balakyot? Yaong mga hindi kayang isabuhay ang katotohanan—hindi ba silang lahat ay mga kaaway ng katotohanan? At ano ang nangyayari sa inyo?
Kung makatatakas kayo sa mga impluwensiya ng kadiliman at ihiwalay ang inyong sarili mula sa mga maruruming bagay na iyon, kung magiging banal kayo, nangangahulugan ito na tinataglay ninyo ang katotohanan. Hindi ibig sabihin nito na nagbago ang inyong kalikasan, ngunit nakayanan ninyong ilagay ang katotohanan sa kasanayan at kayang talikdan ang laman. Ito ang tinataglay ng mga taong nilinis. Ang pangunahing layunin ng gawaing panlulupig ay linisin ang sangkatauhan upang magtaglay ang tao ng katotohanan, dahil nagtataglay ang tao ng napakakonting katotohanan! Upang Isakatuparan ang gawaing panlulupig sa mga taong ito ay nagtataglay ng pinakamalalim na kabuluhan. Kayo ay nahulog lahat sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman at labis na nasaktan. Ang layunin ng gawaing ito, samakatwid, ay pangyarihin ninyong malaman ang kalikasan ng tao at sa gayon isabuhay ang katotohanan. Upang gawing sakdal ay isang bagay na dapat tanggapin ng lahat ng mga nilikhang nilalang. Kung ang gawain sa baitang na ito ay sangkot lamang sa pagpapasakdal ng mga tao, samakatwid maaaring gawin ito sa Inglatera, o Amerika, o Israel; maaari itong gawin sa mga tao ng anumang bansa. Ngunit ang gawaing panlulupig ay may pinipili. Ang unang hakbang samapanlupig na gawa ay panandalian; higit pa rito, gagamitin ito upang hamakin si Satanas at lupigin ang buong kalawakan. Ito ang panimulang gawaing panlulupig. Maaaring sabihin na sinumang nilalang na naniniwala sa Diyos ay maaaring gawing sakdal dahil upang gawing sakdal ay isang bagay na makakamit lamang pagkatapos ng pangmatagalang pagbabago. Ngunit upang malupig ay naiiba. Ang uliran sa panlulupig ay dapat na ang isa na naiiwan sa kahuli-hulihan, na namumuhay sa pinakamalalim na kadiliman, ang pinakainaalipusta, ang pinaka hindi handang tanggapin ang Diyos, at ang pinakamasuwayin sa Diyos. Ito ang uri ng tao namagpapatotoo sa pagiging nalupig. Ang pangunahing layunin ng gawaing panlulupig ay ang pagtalo kay Satanas. Ang pangunahing layunin ng pagpapasakdal ng mga tao, sa kabilang banda, ay upang matamoang mga tao. Ito ay upang pangyarihin na magpatotoo pagkatapos malupig na gawaing panlulupig na inilagay dito, sa mga taong tulad ninyo. Ang layunin ay magtaglay ang mga tao ng pagpapatotoo pagkatapos malupig. Ang mga nalupig na taong ito ay gagamitin upang kamtin ang layunin na hamakin si Satanas. Kaya, ano ang pangunahing pamamaraan ng panlulupig? Parusa, paghatol, panunungayaw, at pagpapahayag—gamit ang makatwirang pag-uugali upang lupigin ang mga tao upang lubos silang makumbinsi, lipos ng pananalig sa kanilang mga puso at bibig dahil sa makatwirang katauhan ng Diyos. Upang gamitin ang katotohanan ng salita at upang gamitin ang awtoridad ng salita upang lupigin ang mga tao at ganap na kumbinsihin sila—ito ang kahulugan ng pagiging nalupig. Yaong mga ginawang sakdal ay hindi lamang nakamit ang pagsunod pagkatapos malupig, ngunit kinaya nilang magkaroon ng kaalaman at baguhin ang kanilang pag-uugali. Alam nila ang Diyos, naranasan ang daan ng mapagmahal na Diyos at lipos ng katotohanan. Alam nila kung paano maranasan ang gawain ng Diyos, kayang magdusa para saDiyos, at nagtataglay ng kanilang sariling kalooban. Ang mga ginawang sakdal ay yaong mga nagtataglay ng tunay na pang-unawa ng katotohanan salamat sa pagkakaranas ng katotohanan. Ang mga nalupig ay yaong mga alam ang katotohanan ngunit hindi tinanggap ang tunayna kahulugan ng katotohanan. Pagkatapos na malupig, sumunod sila, ngunit ang kanilang pagsunod ay resulta lahat ng paghatol na tinanggap nila. Walang pasubaling hindi nila nauunawaan ang tunay na kahulugan ng maraming mga katotohanan. Pasalita nilang kinikilala ang katotohanan, ngunit hindi sila pumasok sa katotohanan; naiintindihan nila ang katotohanan, ngunit hindi nila naranasan ang katotohanan. Kasama sagawain na ginagawa sa mga taong ginagawang sakdal ang mga parusa at paghatol, kaalinsabay ng itinatadhana ng buhay. Ang isang tao na nagpapahalaga sa pagpasok sa katotohanan ay isang tao na gagawing sakdal. Ang pagkakaiba sa pagitan ng mga taong gagawing sakdal at ang nalupig ay nasa kalagayan kung papasok sila o hindi sa katotohanan. Yaong mga naiintindihan ang katotohanan, ay pumasok sa katotohanan, at isinasabuhay ang katotohanan ay gagawing sakdal; yaong mga hindi naiintindihan ang katotohanan, ay hindi pumasok sa katotohanan, alalaong baga, yaong mga hindi isinasabuhay ang katotohanan, ay mga taong hindi maaaring gawing sakdal. Kung ang gayong mga tao ay kayang ganap na sumunod ngayon, samakatwid sila ay nalupig. Kung ang nalupig ay hindi hinahanap ang katotohanan—kung sumusunod sila ngunit hindi isinasabuhay ang katotohanan, kung nakikita at naririnig ang katotohanan ngunit hindi pinahahalagahan ang pagsasabuhay sa katotohanan—hindi sila maaaring gawing sakdal. Yaong mga gagawing sakdal ay sinasanay ang katotohanan ayon sa daan ng kasakdalan, alalaong baga, sinasanay nila ang katotohanan na itinatag sa daan ng kasakdalan. Sa pamamagitan nito, tinutupad nila ang kalooban ng Diyos, at sila ay gagawing sakdal. Ang sinuman na sumusunod hanggang sa dulo bago matapos ang gawaing panlulupig ay isang nalupig, ngunit hindi sila maaaring sabihin na isang ginawang sakdal. Ang ginawang sakdal ay tumutukoy sa mga taong, pagkatapos na matapos ang trabaho ng paglupig, ay matatag na tumindig sa kapighatian at isinabuhay ang katotohanan. Kung ano ang kaibhan ng pagiging nalupig sa pagiging ginawang sakdal ay ang mga pagkakaiba sa mga hakbang ng paggawa at pagkakaiba sa antas kung paano pinanghahawakan ang katotohanan. Lahat ng mga taong hindi pumasok sa daan tungo sa kasakdalan, ibig sabihin ay yaong hindi nagtataglay ng katotohanan, sa kahuli-hulihan ay malilipol pa rin. Yaong lamang mga nagtataglay ng katotohanan at isinasabuhay ang katotohanan ang ganap na tatamuhin ang Diyos. Alalaong baga, yaong isinabuhay ang imahen ni Pedro ang gagawing sakdal, habang ang lahat ng iba ay nilupig. Ang gawain na ginagawa sa lahat ng mga taong nilulupig ay simpleng binubuo ng pagtutungayaw, pagparusa, at pagpapakita ng poot, at kung ano ang darating sa kanila ay simpleng katwiran at panunungayaw. Upang gumawasa gayong tao ay upang mapurol na ihayag ang tiwaling pag-uugali na nasa loob niya upang makilala niya mismo ito at lubos na nakumbinsi. Sa sandaling maging ganap na masunurin ang tao, magtatapos ang gawaing panlulupig . Kahit na karamihan sa mga tao ay hindi pa rin nagsisikap na maunawaan ang katotohanan, ang gawaing panlulupig ay magtatapos.
May mga pamantayan na dapat matugunan kung kayo ay gagawing sakdal. Sa pamamagitan ng inyong kapasiyahan, inyong pagtitiyaga, at inyong konsiyensiya, at sa pamamagitan ng inyong hangarin, mararanasan ninyo ang buhay at tutuparin ang kalooban ngDiyos. Ito ang inyong pagpasok, at kung ano ang hinihiling sa daan ng kasakdalan. Maaaring gawin ang gawain ng kasakdalan sa lahat ng mga tao. Sinumang naghahangad sa Diyos ay maaring gawing sakdal at may oportunidad at kwalipikasyon na maging sakdal. Walang mahirap at madaling alituntunin dito. Kung maaaring gawing sakdal ang isa ay nakasalalay kung ano ang hinahangad ng isa. Ang mga tao na iniibig ang katotohanan at kayang isabuhay ang katotohanan ay tiyak na kayang gawing sakdal. At ang mga tao na hindi iniibig ang katotohanan at hindi pinupuri ng Diyos ay hindi nagtataglay ng isang buhay na kinakailangan ng Diyos. Ang mga taong ito ay hindi makakayang gawing sakdal. Ang gawain ng kasakdalan ay para sa kapakanan lamang ng pagtamo ng mga tao, hindi isang hakbang sa pakikidigma kay Satanas, na ang ibig sabihin ay paggamit ng panlulupig ng tao upang talunin si Satanas. Ang panghuli ay ang pangunahing gawain, ang pinakabagong trabaho na hindi kailanman ginawa sa lahat ng mga panahon. Maaaring sabihin na ang layunin ng baitang na ito ng gawain ay pangunahing lupigin ang lahat ng mga tao upang talunin si Satanas. Ang gawain ng pagpapasakdal ng mga tao—iyan ay hindi bagong gawain. Lahat ng gawain sa panahon ng yugto kapag nakikipagtulungan ang Diyos sa laman ay may pangunahing layunin ng panlulupig ng mga tao. Ito ay katulad ng Panahon ng Biyaya. Ang pagtubos ng lahat ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapako sa krus ay ang pangunahing gawain. Ang “pagtatamo ng mga tao” ay karagdagan sa gawain sa laman at ginawa lamang pagkatapos ng pagpapako sa krus. Nang dumating at ginawa ni Hesus ang Kanyang gawain, ang pangunahin Niyang layunin ay upang gamitin ang Kanyang pagpapako sa krus upang magwagi sa pagkaalipin sa kamatayan at Hades, magwagi laban sa impluwensiya ni Satanas, ibig sabihin talunin si Satanas. Ito ay pagkatapos lamang na mapako sa krus si Hesus na lumakad si Pedro ng isang hakbang sa isang pagkakataon sa daan tungo sa kasakdalan. Siyempre siya ay isa sa mga taong sumunod kay Hesus habang si Hesus ay gumagawa, ngunit hindi siya ginawang sakdal sa panahong iyon. Sa halip, pagkatapos lamang na matapos ni Hesus ang Kanyang gawain na unti-unting naunawaan ni Pedro ang katotohanan at sa gayon naging sakdal. Dumating ang nagkatawang tao na Diyos sa daigdig upang tapusin lamang ang susi, mahalagang baitang ng gawain sa maiksing yugto ng panahon, hindi upang mamuhay na pangmatagalan sa gitna ng mga tao sa daigdig at nilayong gawin silang sakdal. Hindi Niya ginagawa ang gawaing iyan. Hindi Siya naghihintay hanggang sa panahon na ganap na gawing sakdal ang tao upang tapusin ang Kanyang gawain. Hindi iyan ang layunin at kabuluhan ng Kanyang pagkakatawang-tao. Dumating Siya upang gawin ang panandaliang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, hindi upang gawin ang pangmatagalang gawain na pagpapasakdal ng sangkatauhan. Ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan ay kumakatawan, may kakayahang maglunsad ng bagong panahon at maaaring tapusin sa maikling yugto ng panahon. Ngunit kinakailangan sa pagpapasakdal ng sangkatauhan ang pagdadala sa tao sa isang tiyak na antas at ito ay isang gawain na nangangailangan ng mahabang panahon. Ang gawaing ito ay dapat gawin ng Espiritu ng Diyos, ngunit ginagawa ito ayon sa saligan ng katotohanan na Kanyang sinasalita sa panahon ng Kanyang gawain bilang tao. O karagdagan pa itinitindig Niyang muli ang mga apostol upang gumawa ng gawain ng pangmatagalang pagpapastol upang makamit ang layunin Niya ng pagpapasakdal ng sangkatauhan. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi gumagawa ng ganitong gawain. Nagsasalita lamang Siya tungkol sa paraan ng pamumuhay upang maunawaan ng mga tao at ibinibigay lamang sa sangkatauhan ang katotohanan, sa halip na patuloy na sinasamahan ang tao sa pagsasanay ng katotohanan, dahil iyan ay hindi nakapaloob sa Kanyang ministeryo. Kaya hindi Niya sasamahan ang tao hanggang sa araw na ganap na maunawaan ng tao ang katotohanan at ganap na makamit ang katotohanan. Ang Kanyang gawain bilang tao ay magtatapos kapag pormal na pumasok ang tao sa tamang landas ng pagiging sakdal. Ito siyempre ay gayon din kapag puspusan Niyang tinalo si Satanas at nagwagi sa mundo. Hindi Niya inaalintana kung sa kahuli-hulihan ang tao ay pumasok sa katotohanan sa panahong iyon, ni pinapansin Niya kung ang buhay ng tao ay malaki o maliit. Wala sa mga iyan ang dapat Niyang pangasiwaan habang nagkatawang-tao Siya; hindi ito nakapaloob sa ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao. Sa sandaling matapos Niya ang gawain, tatapusin niya ang Kanyang gawain bilang tao. Kaya, ang gawain na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay gawaing hindi kayang tuwirang gawin ng Espiritu ng Diyos. Higit pa rito, ito ang panandaliang gawainng kaligtasan, hindi pangmatagalang gawain sa daigdig.
Ang pagpapataas ng inyong uriay hindi nakapaloob sa sinasakupan ng Aking gawain. Hinihiling ko sa inyo na gawin lamang ito dahil napakababa ng inyong uri. Sa totoo lamang ito ay hindi bahagi ng gawain ng kasakdalan; sa halip, ito ay isang dagdag na gampanin na ginagawa sa inyo. Ang gawainna tinatapos sa inyo sa kasalukuyan ay ginagawa ayon sa kailangan ninyo. Ito ay ayon sa indibidwal, hindi ilang daan na dapat tahakin ng lahat na ginagawang sakdal. Dahil ang urininyo ay mas mababa kaysa sa sinuman na ginawang sakdal noong nakaraan, ang gawaing ito, kapag dumating sa inyo, ay tinutugunan ng napakaraming sagabal. Ako ay isa sa inyo na gumagawa ng dagdag na gawain dahil ang mga pinatutungkulan ng kasakdalan ay iba. Karaniwan ng kapag dumarating ang Diyos sa daigdig, nananatili Siya sa loob ng makipot na mga hangganan upang isagawa ang Kanyang gawain, hindi labis na inaabala ang ibang usapin. Hindi Siya nakikisangkot sa mga usaping pampamilya o nakikibahagi sa mga buhay ng mga tao. Siya ay lubusang walang pakialam sa gayong maliliit na bagay; hindi sila bahagi ng Kanyang ministeryo. Ngunit ang uri ninyo ay napakababa kaysa sa kung ano ang kinakailangan ko—walang pasubali na walang itong pagkakatulad—na nagpapakita ito ng mga matitinding hamon sa gawain. Higit pa rito, dapat gawin ang gawaing ito sa mga tao sa lupaing ito ng Tsina. Kayo ay lubhang mababa ang pinag-aralan na wala akong pagpipilian kundi anghilingin ko na kayoay mag-aral. Sinabi ko sa inyo na ito ang dagdag na gawain, ngunit ito rin ang isang bagay na dapat tinataglay ninyo, isang bagay na makikinabang ang inyong pagiging sakdal. Sa katunayan, dapat ninyong makamit ang edukasyon, batayang kaalaman sa asal, at batayang kaalaman tungkol sa buhay bago ang lahat; hindi ko kayo dapat kinausap tungkol sa mga bagay na ito. Ngunit yamang wala kayo ng mga bagay na ito, wala akong pagpipilian kundi gawin ang gawain ng pagdaragdag sa kanila sa inyo pagkatapos ng katotohanan. Kahit na nagkikimkim kayo ng maraming pag-aakala tungkol sa Akin, humihiling pa rin Ako sa inyo nito, humihiling pa rin na itaas ninyo ang inyong uri . Hindi Ko nilayon na dumating at gawin itong gawain, dahil ang Aking gawain ay upang lupigin kayo, kamtin lamang ang inyong ganap na kapasiyahan sa pamamagitan ng paghatol sa inyo, sa gayon itinuturo ang daan ng buhay na dapat ninyong tahakin. Sa ibang salita, kung gaano man ang inyong pinag-aralan at kung marami kayong nalalaman tungkol sa buhay ay walang pasubali na walang kinalaman sa Akin maliban lamang sa katotohanan na kailangan Kong lupigin kayo sa pamamagitan ng Aking salita. Lahat ng ito ay idinaragdag upang matiyak ang mga resulta sa gawaing panlulupig at para sa kapakanan ng inyong sumusunod na kasakdalan. Hindi ito isang hakbang ng gawaing panlulupig. Dahil kayo ay mababa ang uri, at kayo ay tamad, at pabaya, at hangal, at tanga, at ungas, at bobo—dahil kayo ay labis na abnormal—hinihiling Ko sa inyo na itaas mo ang inyong uri . Sinuman ang gustong maging sakdal ay dapat matugunan ang tiyak na pamantayan. Upang maging sakdal, dapat ang isa ay may malinaw at matinong pag-iisip at handang mamuhay ng makahulugang buhay. Kung kayo ay isang tao na hindi handang mamuhay ng isang hungkag na buhay, isang tao na naghahangad ng katotohanan, isang taong masugid sa lahat ng bagay na ginagawa niya, at isang tao na nagtataglay ng hindi pangkaraniwang pagkatao, samakatwid kayo ay kuwalipikadong maging sakdal.
Ang gawaing ito sa gitna ninyo ay isinasagawa sa inyo ayon sa kung anong gawain ang kinakailangang gawin. Pagkatapos ng panlulupigsamga indibidwal na ito, isang grupo ng mga tao ang gagawing sakdal. Kaya marami sa gawain ng kasalukuyan ay paghahanda rin para sa layunin ng pagpapasakdal ninyo, dahil marami ang nagugutom sa katotohanan na maaaring gawing sakdal. Kung ang gawaing panlulupig ay isinagawa sa inyo at pagkatapos nito ay walang karagdagang trabaho ang ginawa, samakatwid hindi ba ito kaso na ang ilan na nanabik ng katotohanan ay hindi matatamo ito?Naglalayon ang kasalukuyang gawain na buksan ang daan sa pagpapasakdal ng mga tao sa kinalaunan. Bagaman ang Aking gawain ay paglupig lamang, ang paraan ng buhay na sinalita Ko gayunman ay paghahanda sa pagpapasakdal ng mga tao sa kinalaunan. Ang gawain na darating pagkatapos ng panlulupig ay tumutuon sa pagpapasakdal ng mga tao, at kaya ang paglupig ay ginagawa upang ilatag ang saligan para sa pagpapasakdal. Ang tao ay maaaring gawing sakdal pagkatapos lamang na malupig. Sa ngayon ang pangunahing gawain ay manlupig: kinaulanan yaong mga naghahanap at nananabik sa katotohanan ay gagawing sakdal. Upang maging sakdal ay sangkot ang mga positibong katangian ng pagpasok ng mga tao: Nagtataglay ba kayo ng pusong umiibig sa Diyos? Ano ang kailaliman ng inyong karanasan habang nilalakad ang daang ito? Gaano kadalisay ang inyong pag-ibig sa Diyos? Gaano katumpak ang inyong kasanayan ng katotohanan? Upang maging sakdal, dapat ang sinuman ay nagtataglay ng batayang kaalamanng lahat ng mga katangian ng sangkatauhan. Ito ang batayang kahilingan. Lahat ng niyaong mga hindi maaaring maging sakdal pagkatapos na malupig ay nagiging mga bagay na nagsisilbi at sa kahuli-hulihan itatapon sa lawa ng apoy at asupre at mahuhulog pa rin sa napakalalim na hukay dahil ang kanilang pag-uugali ay hindi nagbago at kampon pa rin sila ni Satanas. Kung nagkukulang ang tao ng mga kuwalipikasyon sa kasakdalan, samakatwid siya ay walang kuwenta—siya ay basura, isang kasangkapan, isang bagay na hindi kayang tiisin ang pagsubok ng apoy! Gaano kadakila ang inyong pag-ibig sa Diyos ngayon? Gaano kalala ang inyong pagkamuhi sa inyong sarili? Gaano kalalim ang pagkakakilala ninyo kay Satanas? Pinatigas ba ninyo ang inyong kapasiyahan? Ang buhay ba ninyo sa sangkatauhan ay mabuting napapangasiwaan? Nagbago ba ang inyong buhay? Namumuhay ba kayo ng isang bagong buhay? Nagbago ba ang pananaw ninyo sa buhay? Kung ang mga bagay na itoay hindi nagbago, hindi kayo maaaring maging sakdal kahit na hindi kayo magbalik: sa halip kayo lamang ay nalupig. Sa panahon na kayo ay sinusubok na, nagkukulang kayo ng katotohanan, ang inyong pagkatao ay abnormal, at kayo ay kasinbaba ng isang asal-hayop. Kayo lamang ay nalupig, isang taong nalupig Ko lamang. Tulad ng, sa sandaling naranasan ang parusa ng panginoon, ang isang asno ay nagiging matatakutin at takot na kumilos sa bawat pagkakataon na makita nito ang panginoon, kaya, kayo rin itong nalupig na asno. Kung nagkukulang ang isang tao ng mga positibong katangiang iyon at sa halip ay palatanggapat matatakutin, mahiyain at atubili sa lahat ng mga bagay, hindi kayang magliming malinaw ng anumang bagay, hindi kayang tanggapin ang katotohanan, walang daan ng kasanayan pa rin, lalo paat walang pusong natatakot sa Diyos—kung ang isang tao ay walang pang-unawa kung paano ibigin ang Diyos, paano isabuhay ang isang makahulugang buhay, o paano maging tunay na tao—paano makakapagpatotooang gayong tao sa Diyos? Ipinakikita nito na ang inyong buhay ay may napakaliit na halaga at kayo ay isa lamang nalupig na asno. Nalupig nakayo, ngunit nangangahulugan lamang iyan na itinakwil ninyo ang dakilang pulang dragon at tumatanggi na magpasailalim sa kanyang sinasakupan; ibig sabihin nito na naniniwala kayo na may isang Diyos, gusto ninyong sundin ang lahat ng mga plano ng Diyos, at walang mga reklamo. Ngunit papaano ang mga positibong katangian?Ang kakayahan na isabuhay ang salita ng Diyos, ang kakayahan na ihayag ang Diyos—wala kayo ng mga ito, na ang ibig sabihin hindi kayo natamo ng Diyos, at kayo lamang ay isang nalupig na asno. Walang kanais-nais sa inyo, at ang Banal na Espiritu ay hindi sumasainyo. Ang inyong pagkatao ay labis na nagkukulang at imposibleng gagamitin kayo ng Diyos. Dapat ay may pagpapatibay kayo ng Diyos at maging isandaang beses na mas mahusay kaysa mga hindi sumasampalatayang hayop at kaysa naglalakad na patay—yaong lamang mga nakarating sa antas na ito ang kuwalipikado na maging sakdal. Ito ay kung angsinuman ay nagtataglay ng pagkatao at konsiyensiya na akma na gagamitin ng Diyos. Kapag ginawa lamang kayong sakdal ay maaari kayong ituring na tao. Ang mga ginawang sakdal lamang ang mga taong namumuhay ng mga makahulugang buhay. Ang gayong mga tao lamang ang maaaring magpatotoo na mas umaalingangaw sa Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento