Ang buod ng paniniwala sa Diyos ng karamihan ng tao ay ang paniniwala sa relihiyon: Ang mga ito ay hindi kayang umibig sa Diyos, at maaari lamang sundin ang Diyos tulad ng isang robot, hindi magawang tunay na maghangad para sa Diyos o sambahin Siya. Sila ay sumusunod sa Kanya nang tahimik. Maraming tao ang naniniwala sa Diyos, ngunit kaunti lamang ang mga umiibig sa Diyos; iginagalang lamang nila ang Diyos dahil takot sila sa sakuna, o kaya hinahangaan nila ang Diyos dahil Siya ay mataas at makapangyarihan—ngunit sa kanilang paggalang at paghanga ay walang pag-ibig o tunay na matinding paghangad. Sa kanilang mga karanasan kanilang pinag-uusig ang mga detalye ng katotohanan, o kaya ibang hindi gaanong mahalagang misteryo.
kaligtasankayjesus
2017-02-25
2017-02-24
Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkaka-Unawa
Ang mga tao ay naniwala sa Diyos sa mahabang panahon, gayon pa man karamihan sa kanila ay walang nauunawaan sa salitang "Diyos." Sila lamang ay sumusunod sa isang pagkalito. Wala silang palatandaan sa kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit ang tao ay dapat maniwala sa Diyos o kung ano eksakto ang Diyos. Kung alam lamang ng tao na sumampalataya at sumunod sa Diyos, ngunit hindi kung ano ang Diyos, ni hindi nila nauunawaan ang Diyos, kung gayon hindi ba ito ang pinakamalaking katatawanan sa mundo? Kahit na nakasaksi ang tao sa maraming makalangit na misteryo ngayon at nakarinig ng higit na malalim na kaalaman na hindi kailanman naunawaan ng tao noon, sila ay nasa dilim sa maraming pinakapayak, at mababaw na katotohanan. Ang ilan sa mga tao ay maaaring magsabi, "Kami ay naniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon. Paanong hindi natin maaaring malaman kung ano ang Diyos?
2017-02-23
Dapat Mong Malaman Na ang Praktikal na Diyos ay Siya Mismong Diyos
Ano ang dapat ninyong malaman tungkol sa praktikal na Diyos? Ang Espiritu, ang Tao, at ang Salita na bumubuo sa Mismong Praktikal na Diyos, at ito ang tunay na kahulugan na Siya Mismo ang Praktikal na Diyos. Kung kilala lamang ninyo ang Tao—kung alam ninyo ang Kanyang mga gawi at pagkatao—subalit hindi alam ang gawa ng Espiritu, o kung ano ang ginagawa ng Espiritu sa katawang-tao, at nagbibigay-pansin lamang sa Espiritu, at sa Salita, at nananalangin lamang sa Espiritu, hindi alam ang gawa ng Espiritu ng Diyos sa praktikal na Diyos, ito ay nagpapatunay na hindi ninyo kilala ang praktikal na Diyos. Kabilang sa kaalaman sa praktikal na Diyos ang pag-kilala at pagdanas ng Kanyang mga salita, at pagkamkam sa mga patakaran at prinsipyo ng gawa ng Banal na Espiritu, at kung paano gumawa ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao. Samakatuwid, pati, kabilang ba dito ang pagkilala sa bawat pagkilos ng Diyos sa katawang-tao ay pinamumunuan ng Espiritu, at ang mga salita na Kanyang binibigkas ay direktang pahayag ng Espiritu. Kaya, kung nais mong makilala ang praktikal na Diyos, una mo dapat malaman kung paano gumagawa ang Diyos sa sangkatauhan at sa pagka-Diyos; dito, kapalit nito, patungkol sa mga pahayag ng Espiritu, na kung saan kinaabalahan ng lahat.
2017-02-22
Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa
Nais mo bang makita si Jesus? Nais mo bang makapiling si Jesus? Nais mo bang marinig ang mga salitang sinambit ni Jesus? Kung gayon, paano mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Handang-handa ka na ba? Sa anong paraan mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Sa palagay ko, bawat kapatid na lalaki at babae na sumusunod kay Jesus ay gugustuhing malugod na salubungin si Jesus. Ngunit naisip na ba ninyo kung talagang makikilala ninyo si Jesus pagbalik Niya? Talaga bang mauunawaan ninyo ang lahat ng sinasabi Niya? Talaga bang tatanggapin ninyo, nang walang pasubali, ang lahat ng gawaing ginagawa Niya? Alam ng lahat ng nagbasa ng Biblia na babalik si Jesus, at lahat ng nagbasa ng Biblia ay taimtim na hinihintay ang Kanyang pagdating.
2017-02-21
Ang Kahulugan ng Tunay na Tao
Ang pamamahala sa tao ay Aking tungkulin, at ang pagsakop Ko sa kanya ay mas lalo pang nakatalaga mula noong Aking nilikha ang mundo. Hindi alam ng mga tao na sila ay lubusan Kong sasakupin sa mga huling araw, hindi rin nila alam na ang katibayan sa aking pagdaig kay Satanas ay ang pananakop sa mga suwail na kaanib ng sangkatauhan. Ngunit naiparating Ko na sa Aking katunggali nang ito ay nakipagbuno sa Akin na Ako ang magiging manlulupig ng mga taong kinuha ni Satanas at at matagal nang naging kaniyang mga anak, at ang kanyang mga tapat na mga lingkod na nagbabantay sa kanyang tahanan. Ang katutubong kahulugan ng pananakop ay paggapi, ang manghiya.
2017-02-20
Ang Masama ay Nararapat Parusahan
Ang pagsisiyasat kung ikaw ay gumagawa ng katuwiran sa lahat ng iyong ginagawa, at kung ang lahat ng iyong pagkilos ay nasusubaybayan ng Diyos, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Matatawag kang matuwid dahil napalulugod mo ang Diyos, at dahil tinatanggap mo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at kasakdalan, ay mga matuwid at kinalulugdan ng Diyos. Habang mas tinatanggap mo ang mga Salita ng Diyos ngayon mismo, mas nagagawa mong matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kung kaya mas maisasabuhay mo ang mga Salita ng Diyos at masusunod mo ang Kanyang mga pamantayan.
2017-02-19
Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Katanggap-tanggap kay Kristo
Ako ay mMaraming na Akong natapos na gawain kasama ng mga tao, at ang mga salitang Aking ipinahayag sa mga oras na ito ay marami na rin. Ang mga salitang ito ay para sa kaligtasan ng tao, at ipinahayag nang sa gayon ang tao at Ako ay maaaring magkasundo. Ngunit, kaunti lamang ang nakamit Kong tao sa lupa na katanggap-tanggap sa Akin, at Aking masasabi na hindi pinahahalagahan ng tao ang Aking mga salita, dahil ang tao ay hindi katanggap-tanggap sa Akin. Sa paraang ito, ang trabahong Aking ginagawa ay hindi lamang upang ako ay sambahin ng tao; mas mahalaga, ito ay upang maging katanggap-tanggap sa Akin ang tao.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)