2017-02-20

Ang Masama ay Nararapat Parusahan



Ang pagsisiyasat kung ikaw ay gumagawa ng katuwiran sa lahat ng iyong ginagawa, at kung ang lahat ng iyong pagkilos ay nasusubaybayan ng Diyos, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Matatawag kang matuwid dahil napalulugod mo ang Diyos, at dahil tinatanggap mo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at kasakdalan, ay mga matuwid at kinalulugdan ng Diyos. Habang mas tinatanggap mo ang mga Salita ng Diyos ngayon mismo, mas nagagawa mong matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kung kaya mas maisasabuhay mo ang mga Salita ng Diyos at masusunod mo ang Kanyang mga pamantayan.
Ito ang tagubilin sa iyo ng Diyos, at kung ano ang dapat mong makamtan. Kung gumagamit ka ng mga pananaw upang sukatin at ilarawan ang Diyos, na parang ang Diyos ay tulad ng isang di-nagbabagong imahen na gawa sa luwad, at kung nililimitahan mo ang Diyos sa Bibliya, at pinipigilan mo Siya sa limitadong saklaw ng paggawa, ito ay nagpapatunay na hinatulan mo ang Diyos. Dahil, sa kanilang mga puso, ang mga Hudyo sa panahon ng Lumang Tipan ay ginawang isang hinulmang idolo ang Diyos, na parang ang Diyos ay tatawagin lamang Mesyas, at tanging Siya lang na tinatawag na Mesyas ay Diyos, at dahil pinaglingkuran at sinamba nila Siya na parang isang (walang buhay na) imaheng gawa sa luwad, pinako nila si Hesus sa krus sa panahong iyon, - na hinatulan nila Siya ng kamatayan – at walang pag-aalinglangang pinarusahan ang inosenteng si Hesus ng kamatayan, at di nagdalawang-isip na patayin Siya. Walang ginawang krimen ang Diyos, ngunit hindi pinalampas ng tao ang Diyos at di nagdalawang isip na bigyan Siya ng parusang katamayan. Sa gayon, pinako si Hesus sa krus. Ang tao ay laging naniniwala na hindi nagbabago ang Diyos, at inilalarawan Siya ayon sa Bibliya, na parang nakita na ng tao ang pamamahala ng Diyos, na parang ang lahat ng mga ginawa ng Diyos ay nasa kamay ng tao. Ang mga tao ay talaga namang katawa-tawa, taglay nila ang labis na pagmamataaskayabangan, taglay nilang lahat ang talino sa pagsasalita nang maganda. Gaano man kalalim ang kaalaman mo tungkol sa Diyos, sinasabi ko pa rin na hindi mo kilala ang Diyos, at wala ng iba pang mas tumututol sa Diyos, at hinatulan mo ang Diyos, sapagkat lubos kang walang kakayahang na sundin ang gawain ng Diyos at ang lumakad sa landas na gawin kang perpekto ng Diyos. Bakit hindi kailanman nasisiyahan ang Diyos sa mga ginagawa ng tao? Dahil hindi kilala ng tao ang Diyos, masyado siyang maraming mga pananaw, sa halip na sundin ang katotohanan, lahat ng kanyang mga kaalaman tungkol sa Diyos ay nanggaling mula sa parehong hiblamagkakatulad, matibay at hindi nababali. Kaya, sa Kaniyang pagdating sa mundo ngayon, ang Diyos ay minsan pang ipinako sa krus ng tao. Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang pagsasakitan sa isa't-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang palitang pagpatay - kailan ito matatapos? Ang Diyos ay nagsalita ng daang-libong mga utos, ngunit walang isa mang tao ang natauhan. Sila ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, at mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga karera, pag-asa, katayuan, karangyaan, at kayamanan, para sa kanilang mga damit, para sa pagkain at sa laman- kaninong mga pagkilos ang talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lang ang nakakikilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos upang mapanatili ang kanilang sariling kapakanan? Ilan ang hindi nang-aapi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan? Kaya, ang Diyos ay sapilitang hinatulan ng kamataytayn nang di mabilang na beses, di-mabilang na salbaheng hukom ang humatol sa Kanya at minsan pang ipinako Siya sa krus. Gaano karami ang maaaring tawagin na matuwid dahil sila ay talagang kumikilos sila para sa kapakanan ng Diyos?
Sa harap ng Diyos, ganoon lang ba kadaling maging sakdal, maging isang banal, o maging taong matuwid? Totoong "walang matuwid na tao sa lupa, ang mga matuwid ay wala dito sa lupa." Kung haharap ka sa Diyos, isaalang-alang mo ang iyong kasuotan, ang iyong bawat pananalita at pagkilos, ang lahat ng iyong mga iniisip at mga ideya, maging ang mga pangarap na pinapangarap mo araw-araw - lahat ng ito ay para sa iyong sariling kapakanan. Hindi ba ito ang totoong kalagayan? Ang "katuwiran" ay hindi nangangahulugan ng pagbibigay ng limos, ito ay hindi nangangahulugan ng pag-ibig mo sa iyong kapwa gaya ng sa iyong sarili, at hindi nangangahulugan na hindi nag-aaway, nagbabangayan, nagnanakawan, o nag-uumitan. Ang katuwiran ay nangangahulugan na tinatanggap mo ang tagubilin ng Diyos bilang iyong tungkulin at sinusunod ang Kanyang pagsasaayos bilang isang hulog ng langit na tungkulin, hindi alintana ang oras o lugar, tulad ng lahat ng ginawa ng Panginoong Jesus. Ito ang talagang katuwiran na sinabi ng Diyos. Na si Lot ay maaaring tawagin na matuwid na tao dahil iniligtas niya ang dalawang anghel na isinugo ng Diyos nang hindi iniisip ang matatanggap o mawawala niya; ang ginawa niya sa panahong iyon ay matatawag na matuwid, ngunit hindi siya matatawag na taong matuwid. Ito ay dahil lamang sa nakita ni Lot ang Diyos kung kaya ibinigay niya ang kanyang dalawang anak na babae kapalit ng mga anghel. Ngunit hindi lahat ng kanyang pag-uugali noong nakaraan ay kumakatawan sa katuwiran, kaya sinasabi ko na "walang matuwid sa ibabaw ng lupa." Kahit ang mga nasa progreso ng pagbuti ay hindi matatawag na matuwid. Gaano man kahusay ang iyong mga gawa, kahit gaano mo ipinakikitang niluluwalhati mo ang pangalan ng Diyos, anupat hindi sinasaktan ni sinusumpa ang iba, at hindi sila mo sila ninanakawan o inuumitan, hindi ka pa rin matatawag na matuwid, dahil ang mga ito ay maaaring taglayin ng sinumang normal na tao. Ngayon, hindi mo alam ang Diyos. Maaari lang masabi na ngayon ay mayroon kang maliit at normal na katauhan, subalit ikaw ay salat sa katuwiran na sinalita ng Diyos, kung kaya wala sa mga ginagawa mo ang patunay ng iyong pagkakilala sa Diyos.
Dati, nang ang Diyos ay nasa langit, sinubukan ng tao na linlangin ang Diyos sa pamamagitan ng kanilang pagkilos; ngayon, pumarito ang Diyos sa mga tao - kung gaano katagal ay walang nakaaalam - ngunit nagpapanggap pa rin ang tao sa Diyos, sinusubukan pa ring linlangin ang Diyos. Hindi ba lubos na paurong ang pag-iisip ng tao? Pareho ito ng kay Hudas: Bago dumating si Hesus, nagsasabi ng mga kasinungalingan si Hudas sa kanyang mga kapatid na lalaki at babae, at matapos dumating si Hesus ay hindi pa rin siya nagbago; hindi siya nagkaroon ng kahit katiting na kaalaman kay Hesus, at sa huli ay pinagtaksilan niya si Hesus. Hindi ba ito ay dahil hindi niya kilala ang Diyos? Kung, sa ngayon, hindi mo pa rin kilala ang Diyos, kung gayon ay magiging katulad ka ni Hudas, at ang trahedya ng pagkapako ni Hesus sa krus sa Panahon ng Kaligtasan, na libu-libong taon na ang nakaraan, ay muling mauulitisasadula. Hindi ka ba naniniwala rito? Ito ay totoo! Sa ngayon, maraming tao ang nasa mga ganitong kalagayan - maaaring sinasabi ko ito nang mas maaga - at ang gayong mga tao ay gumaganap sa papel ni Hudas. Hindi ako nagsasalita nang pabiro, kundi ayon sa katotohanan - at dapat kang maniwala. Kahit maraming tao ang nagkukunwaring mapagpakumbaba, sa loob ng kanilang mga puso ay ang marumi, at mabahong tubig. Sa ngayon, marami sa loob ng mgasa mga nasa simbahan ang katulad nito. Sa tingin mo ay wala akong alam; ngayon, ang Aking Espiritu ay gumagabay sa Akin, at nagpapatotoo sa Akin. Sa tingin ba ninyomo ba ay wala akong alam? Sa tingin mo ba ninyo ay wala akong naiintindihan sa mapanlinlang na saloobin sa innyong mga puso at ang mga bagay na nakatago sa innyong mga puso? Ang Diyos ba ay madaling madaya? Sa tingin ba ninyomo ba ay mapakikitunguhan ninyomo Siya sa anumang paraan man ninyomo naisin? Sa nakaraan, nag-aalala ako na kayoikaw ay nakakadena, kung kaya’t patuloy akong nagbigay ng kalayaan sa pagkilos, ngunit walang nakatanto na ako ay nagiging mabuti sa kanila. InabusoSinamantala nila ang kabutihan ko. Tanungin ninyo ang isa’t-isa: Hindi ako nakitungo sa halos kahit kanino, at hindi kaagad-agad napagsasabihanpinagagalitan ang sinuman - gayong alam ko ang lahat ng motibo at mga pananaw ng tao. Iniisip ba ninyo na ang Diyos Mismo kung kanino nagpapatotoo ang Diyos ay isang hangal? Kung gayon nga, masasabi kong kayo ay masyadong bulag. Hindi ko kayo pupunahin, at tingnan natin kung hindi kayo lalong sasama. Tingnan natin kung kaya kayong iligtas ng mga panlilinlang ninyo, o kung maililigtas kayo ng inyong mahusay na pagtatangka na mahalin ang Diyos. Sa ngayon, hindi Ko kayo hahatulan; hintayin nating dumating ang panahon ng Diyos upang makita ang Kaniyang paghihiganti sa inyo. Wala akong oras para sa walang kabuluhang pakikipag-usap sa inyo sa ngayon, at ayaw kong pagtatagalin ang Aking lalong dakilang gawain para sa inyong kapakanan, ang isang uod na tulad ninyo ay hindi karapat-dapat paglaanan ng Diyos ng panahon Niya na makitungo sa inyo - kaya tingnan natin kung paano kayo magpalayaw sa inyong sarili. Ang gayong mga tao ay hindi nagsisikap na magkaroon ng kahit kaunting kaalaman sa Diyos, at wala sila ng anumang pag-ibig sa Diyos, ngunit nagnanais pa rin silang tawaging matuwid ng Diyos - hindi ba ito isang biro? Sapagkat kaunti na lang ang bilang ng mga tao na tapat, ang iniintindi Ko ay walang iba kundi ang pagbibigay buhay sa tao. Tatapusin Ko lamang ang nararapat matapos ngayon, at pagkatapos, ang kaparusahan ay ipapataw sa bawat isa alinsunod sa kanyang pag-uugali. Nasabi Ko na ang nararapat Kong sabihin, sapagkat ito ang gawain na Aking isinasagawa. Ginawa Ko ang nararapat kong gawin, at hindi Ko ginagawa ang hindi ko dapat gawin, ngunit umaasa pa rin akong maglalaan kayo nang higit pang oras sa pagbubulay-bulay: Gaano karami sa mga kaalaman mo sa Diyos ang talagang totoo? Isa ba kayo sa mga muling nagpapako sa Diyossa krus? Sa wakas, sinasabi ko ito: Sa aba nilang mga nagpako sa Diyos sa krus.
Mula sa:

Walang komento: