Ano ang landas kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang tao? Aling mga aspeto ang kasama? Kayo ba ay pumapayag na gawing perpekto ng Diyos? Kayo ba ay pumapayag na tanggapin ang hatol at parusa ng Diyos? Ano ang alam ninyo tungkol sa mga katanungang ito? Kung hindi ninyo kayang banggitin ang naturang kaalaman, kung ganon lumalabas na hindi pa rin ninyo alam ang gawain ng Diyos at hindi pa talaga naliwanagan ng Banal na Espiritu. Ang ganitong uri ng tao ay hindi magiging perpekto. Maaari lamang silang tumanggap ng isang maliit na halaga ng biyaya upang matamasa nang panandalian at hindi ito maaaring manatili nang matagal. Kung nalulugod lamang siya dahil sa biyaya ng Diyos, hindi siya magagawang perpekto ng Diyos. Ang ilan ay maaaring masiyahan sa mga kapayapaan at kasiyahan ng laman, ng isang magaang buhay na walang paghihirap o kasawian, namumuhay sa kapayapaan sa kanilang mga pamilya nang walang mga away o mga alitan. Maaari rin silang maniwala na ito ay pagpapala ng Diyos, ngunit sa katotohanan, ito ay isa lamang biyaya ng Diyos. Hindi kayo maaaring masiyahan lamang sa pagtamasa ng biyaya ng Diyos. Ang ganitong uri ng pag-iisip ay masyadong imoral. Kahit na araw-araw ninyong basahin ang salita ng Diyos, manalangin araw-araw, at ang inyong kaluluwa ay nakakaramdam ng partikular na kasiyahan at kapayapaan, gayon pa man sa katapusan ay hindi kayo maaaring magsabi ng anumang kaalaman ng Diyos at ng Kanyang gawain o walang karanasan sa mga gayon, at kahit na gaano karami ang salita ng Diyos na inyong nakain at nainom, kung kayo lamang ay nakadadama ng kapayapaan at kasiyahan sa inyong kaluluwa at ang salita ng Diyos ay walang kapares ang katamisan, na parang hindi ninyo maaaring tamasahin ang mga ito nang sapat, ngunit wala kayong tunay na karanasan sa at walang katotohanan ang salita ng Diyos, ano ngayon ang matatanggap ninyo mula sa naturang paraan ng pananampalataya sa Diyos? Kung hindi isasabuhay ang diwa ng salita ng Diyos, ang inyong pagkain at pag-inom at mga panalangin ay ganap na may alalahanin sa relihiyon. Kung gayon ang ganitong uri ng tao ay hindi magiging perpekto at hindi makukuha ng Diyos. Ang lahat ng mga nakukuha ng Diyos ay ang mga taong naghahangad ng katotohanan. Kung ano ang nakakamit ng Diyos ay hindi ang laman ng tao o ang kanyang mga ari-arian, kundi ang mga bahagi ng kanyang kalooban na nauukol sa Diyos. Kaya sinasabi ko na ang Diyos ay ginagawang perpekto hindi ang laman ng tao kundi ang kanyang puso, upang ang mga puso ng tao ay makamit ng Diyos. Sa madaling salita, ang diwa na nagsasabing ang Diyos ang gumagawang perpekto sa tao subalit ang Diyos ang gumagawang perpekto sa puso ng tao upang ito ay magbalik-loob sa Diyos at ibigin Siya.
Ang laman ng tao ay mortal. Ang pagkuha sa katawan ng tao ay walang layunin para sa Diyos, dahil ito ay walang kawala sa pagkabulok. Hindi ito maaaring makatanggap ng pamana ng Diyos o ng Kanyang mga biyaya. Kung mapapakinabangan lamang ng Diyos ang laman ng tao at pinapanatili ang laman ng tao sa ganitong daloy, pangalan lamang ng tao ang mapupunta sa daloy na ito, ngunit ang puso ng tao ay mapupunta kay Satanas. Kung gayon hindi magagawang maging pagpapahayag ng Diyos ang tao, sa halip siya ay magiging Kanyang pasanin. Samakatuwid ang pagpili ng Diyos sa tao ay magiging walang kahulugan. Ang mga tao na gagawing perpekto ng Diyos ay ang mga taong tumanggap ng mga pagpapala ng Diyos at ng Kanyang pamana. Iyon ay kung tinanggap nila kung anong mayroon ang Diyos at ano ang Diyos, upang mabuo kung anong mayroon sila sa kalooban; nasa kanila ang lahat ng salita ng Diyos; anuman ang pagkatao ng Diyos, magagawa ninyong tanggapin ang lahat ng iyon eksakto kung papaano, kaya naisasabuhay ang katotohanan. Ito ang uri ng tao na ginawang perpekto ng Diyos at nakamit ng Diyos. Ang ganitong uri lamang ng tao ang karapat-dapat na magmana ng mga pagpapalang ito na ipinagkaloob ng Diyos:
1. Tinatanggap nang buo ang pag-ibig ng Diyos.
2. Kumikilos alinsunod sa kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay.
3. Tinatanggap ang gabay ng Diyos, namumuhay sa ilalim ng liwanag ng Diyos, at nililiwanagan ng Diyos.
4. Namumuhay sa imahe sa mundo na mahal ng Diyos; minamahal nang tunay ang Diyos gaya ng ginawa ni Pedro, na napako sa krus para sa Diyos at karapat-dapat na mamatay bilang kabayaran sa pagmamahal sa Diyos; ang pagkakaroon ng kaluwalhatian gaya ni Pedro.
5. Ang pagiging minamahal, iginagalang, at hinahangaan ng lahat sa lupa.
6. Napagtatagumpayan ang lahat ng pagkaalipin ng kamatayan at ng Hades, hindi binibigyang pagkakataon ang gawain ni Satanas, na sa pinaghaharian ng Diyos, namumuhay sa loob ng isang bago at buhay na buhay na espiritu, at hindi nakararamdam ng kapaguran.
7. Ang pagkakaroon ng isang hindi mailarawang pakiramdam ng pagkalugod at kagalakan sa lahat ng oras sa buong buhay, na para bang nakita na niya ang araw ng pagdating ng kaluwalhatian ng Diyos.
8. Tumatanggap ng kaluwalhatian ng Diyos, at ang pagkakaroon ng isang anyo na gaya ng mga santo na minahal ng Diyos.
9. Pagiging yaong iniibig ng Diyos sa lupa, samakatuwid, ang pinakamamahal na anak ng Diyos.
10. Ang pagpapalit ng anyo at pag-akyat kasama ang Diyos sa ikatlong langit, hinihigitan ang laman.
Tanging ang mga taong nagawang manahin ang mga pagpapala ng Diyos ay ang mga naperpekto ng Diyos at nakamit ng Diyos. May nakamit na ba kayong anumang bagay? Hanggang saan kayo ginawang perpekto ng Diyos? Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao nang padalus-dalos. May mga kondisyon at maliliwanag na resulta na maaaring makita ng tao. Hindi ito tulad ng pinaniniwalaan ng tao, na hangga't siya ay may pananampalataya sa Diyos, siya ay maaaring maging perpekto at makakamit ng Diyos, at makakatanggap sa lupa ng mga pagpapala at pamana ng Diyos. Ang mga ganitong bagay ay lubhang mahirap, lalo na kapag ang mga ito ay tungkol sa pagbabago ng anyo. Sa kasalukuyan, kung saan ay dapat ninyong unahing hanapin ang gawin kayong perpekto ng Diyos sa lahat ng mga bagay, at gawin kayong perpekto ng Diyos sa lahat ng tao, dahilan, at mga bagay na inyong hinaharap, upang maging bahagi ninyo ang higit pa sa kung ano ang Diyos. Kailangan ninyo munang tanggapin ang pamana ng Diyos sa lupa bago kayo maging karapat-dapat na magmana ng higit pa at mas malalaking pagpapala mula sa Diyos. Ang lahat ng mga naturang bagay ang dapat ninyong hanapin at unawain muna. Habang mas hinahanap ninyo na gawin kayong perpekto ng Diyos sa lahat ng bagay, mas makikita ninyo ang kamay ng Diyos sa lahat ng bagay, samakatuwid, aktibong hinahanap ang pagtanggap sa sustansya ng salita ng Diyos at ang katotohanan ng Kanyang salita sa pamamagitan ng iba't ibang pananaw at iba't ibang bagay. Hindi kayo dapat maging kuntento sa mga naturang negatibong estado tulad ng simpleng pagkakasala, o pagkakaroon ng walang pagkabatid, walang pilosopiya sa buhay, at walang kalooban ng tao. Ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa iba't ibang paraan, at bilang resulta, posible ito sa lahat ng bagay upang gawin kayong perpekto. Hindi lamang kayo basta magiging perpekto pagdating sa positibo, kundi pati sa negatibo, samakatuwid pinagyayaman kayo. Araw-araw ay may mga pagkakataon na gagawing perpekto at oras na kakamtan ng Diyos. Matapos ang panahon ng naturang karanasan, malaki ang magbabago sa inyo. Natural na ngayon sa inyo ang magkaroon ng kaalaman sa maraming bagay na dati ninyong hindi naunawaan; na di kailangan ang iba upang kayo ay turuan, hindi ninyo batid, na liliwanagan kayo ng Diyos, upang magkaroon kayo ng kaliwanagan sa lahat ng bagay at ang lahat ng inyong karanasan ay madedetalye. Gagabayan kayo ng Diyos nang hindi kayo mapaling sa magkabilang panig. Gagabayan niya kayo pagkatapos sa landas ng pagkaperpekto.Ang gawin kayong perpekto ng Diyos ay hindi nalilimitahan sa pagkaperpekto sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos. Ang paraan ng karanasang ito ay masyadong nakakiling at hindi sumasaklaw nang sapat; nililimitahan lamang nito ang tao sa isang napakaliit na saklaw. Sa kalagayang ito, ang tao ay kulang sa higit na kailangang ispiritwal na pagkain. Kung nais ninyong gawin kayong perpekto ng Diyos, dapat ninyong matutunan na danasin ang lahat ng bagay at maliwanagan sa lahat ng inyong haharapin. Sa tuwing kayo ay nahaharap sa isang bagay, maging ito ay mabuti o masama, dapat kayong makinabang mula sa mga ito at hindi ito dapat maging dahilan ng inyong pagsasawalang-bahala. Kahit anu pa man, dapat magawa ninyong isaalang-alang ito sa pamamagitan ng pagsuporta sa Diyos, at hindi suriin o aralin ito mula sa pananaw ng tao (ito ay isang paglihis sa inyong karanasan). Kung ito ang paraan ng inyong karanasan, kokontrolin kung gayon ang inyong mga puso ng kabigatan ng buhay; patuloy kayong maninirahan sa liwanag ng anyo ng Diyos at hindi madaling malilihis ng landas sa inyong pagsasabuhay. Ang ganitong uri ng tao ay may malaking inaasam-asam. Napakarami ang mga pagkakataon na gagawing perpekto ng Diyos. Ang lahat ng ito ay nakasalalay kung kayo man ay tunay na nagmamahal sa Diyos at kung mayroon kayong pagpapasya upang gawing perpekto ng Diyos, makamit ng Diyos, at tumanggap ng Kanyang mga biyaya at pamana. Hindi ito magiging epektibo sa inyo kung pagpapasya lang ang mayroon kayo. Dapat ay mayroon kayong malawak na kaalaman, kundi lagi kayong lilihis ng landas sa inyong pagsasabuhay. Handang gawing perpekto ng Diyos ang bawat isa sa inyo. At tulad ng pinaninindigan ngayon, bagaman karamihan ay nakatanggap na sa gawain ng Diyos para sa karamihan ng oras, nilimitahan nila ang kanilang mga sarili sa simpleng pagbababad sa biyaya ng Diyos at handa lamang tumanggap ng ilang kaginhawahan ng laman mula sa Kanya. Hindi sila handang tumanggap ng higit pa at mas mataas na mga pahayag, na nagpapakita na ang puso ng tao ay lagi pa ring nasa labas. Kahit na ang gawain ng tao, ang kanyang paglilingkod, at ang kanyang puso ng pagmamahal para sa Diyos ay mas kaunti ang karumihan, pagdating sa kalooban ng diwa ng tao at sa kanyang hindi naliwanagan at nakababahalang pag-iisip, patuloy na hinahanap ng tao ang kapayapaan at kasiyahan ng laman, at walang malasakit sa kung ano ang mga kondisyon at mga layunin ng Diyos sa pagperpekto Niya sa tao. Kung kaya ang buhay ng karamihan ay imoral pa rin at masama, na halos walang kaunting pagbabago. Hindi nila talaga tinitingnan na ang pananampalataya sa Diyos ay isang mahalagang bagay. Kung baga, may pananampalataya lang sila para sa kapakanan ng iba, kumikilos nang walang kaseryosohan o dedikasyon, at kumukuha lamang nang sapat, natatangay ng agos sa isang walang pakay na pag-iral. Kaunti lang ang mga naghahanap na tanggapin ang salita ng Diyos sa lahat ng bagay, ang magkakaroon ng mas maraming masaganang bagay, ang pagiging isang taong higit na mayaman sa tahanan ng Diyos sa araw na ito, at tumatanggap ng higit pang mga pagpapala ng Diyos. Kung kayo ay nagsisikap na gawing perpekto ng Diyos sa lahat ng bagay at makakapagmana ng mga pangako ng Diyos sa lupa; kung nilalayon ninyong maliwanagan sa pamamagitan ng Diyos sa lahat ng bagay at hindi hinahayaan ang mga taon na lumipas nang walang saysay, ito ay ang perpektong landas upang aktibong tumanggap. Sa ganitong paraan lamang kayo katanggap-tanggap at karapat-dapat na gawing perpekto ng Diyos. Kayo ba ay tunay na naghahanap na gawing perpekto ng Diyos? Kayo ba ay tunay na masigasig sa lahat ng mga bagay? Kayo ba ay may kaparehong espiritu ng pag-ibig para sa Diyos tulad ng kay Pedro? Kayo ba ay may kagustuhang mahalin ang Diyos tulad ng ginawa ni Hesus? Kayo ay nagkaroon ng pananampalataya para kay Hesus sa maraming panahon; nakita ba ninyo kung paano minahal ni Hesus ang Diyos? Si Hesus ba ay tunay na inyong pinaniniwalaan? Naniniwala ba kayo sa praktikal na Diyos sa kapanahunan ngayon; nakita na ba ninyo kung paano mahalin ng praktikal na Diyos sa katawang tao ang Diyos na nasa langit? Mayroon kayong pananampalataya sa Panginoong Hesukristo; iyon ay dahil sa pagkapako sa krus ni Hesus upang sagipin ang sangkatauhan at ang mga himalang Kanyang ginawa sa pangkalahatan ay mga tinanggap na katotohanan. Gayunpaman, ang inyong pananampalataya ay hindi mula sa kaalaman at tunay na unawa ni Hesukristo. Naniniwala lamang kayo sa pangalan ni Hesus ngunit walang pananampalataya sa Kanyang Espiritu, dahil sa walang pagsasaalang-alang na ipinakita ninyo kung paano minahal ni Hesus ang Diyos. Ang inyong pananampalataya sa Diyos ay masyado pang musmos. Kahit na nagkaroon kayo ng pananampalataya kay Hesus sa maraming panahon, hindi ninyo alam kung paano umibig sa Diyos. Hindi ba kayo nito nagmumukhang pinakahalang sa mundo? Ipinapakit nito na kinain ninyo sa maraming taon ang "pagkain ng Panginoong Hesukristo" nang walang kabuluhan. Hindi ko lamang kinamumuhian ang naturang uri ng tao, naniniwala akong pati na rin ang Panginoong Hesukristo, na inyong sinasamba. Paano gagawing perpekto ang naturang uri ng tao? Hindi ba kayo namutla? Hindi ba kayo nakakaramdam ng kahihiyan? May lakas pa ba kayo ng loob upang harapin ang Panginoong Hesukristo? Nauunawaan ba ninyong lahat ang kahulugan ng Aking mga salita?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento