Ngayong narinig mo na ang nakaraang paksa sa pagtitipon na tungkol sa awtoridad ng Diyos, nakatitiyak Ako na nasangkapan ka na ng sapat na mga salita sa bagay na ito. Gaano man ang kaya mong tanggapin at unawain ay depende kung gaanong pagsasagawa ang ibubuhos mo dito. Umaasa Ako na buong sikap mong maaabot ang bagay na ito; huwag mong isasagawa ito nang hindi bukal sa puso kahit sa anong paraan! Ngayon, ang pagkilala ba sa awtoridad ng Diyos ay katulad ng pagkilala sa kabuuan ng Diyos? Maaaring masabi ng isang tao na ang pagkilala sa awtoridad ng Diyos ay ang simula ng pagkilala sa sa kakaibang Diyos Mismo, at masasabi din ng iba na ang pagkilala sa awtoridad ng Diyos ay nangangahulugang nakatapak na ang isang tao sa pintuan ng pagkakilala sa diwa ng kakaibang Diyos Mismo. Ang pagkilalang ito ay isang bahagi ng pag-unawa sa Diyos. Ano ang iba pang bahagi kung gayon? Ito ang paksa na nais Kong pag-uusapan natin ngayon–Ang matuwid na katangian ng Diyos.
Pumili Ako ng dalawang bahagi mula sa Biblia na ating pag-uusapan sa paksa ngayon: Ang unang tatalakayin ay ang pagwasak ng Diyos sa Sodoma, na matatagpuan sa Genesis 19:1-11 at sa Genesis 19:24-25; ang pangalawang tatalakayin ay tungkol sa pagliligtas ng Diyos sa Ninive, na matatagpuan sa Jonas 1:1-2, bilang karagdagan, sa pangatlo at pang-apat na kabanata ng aklat na ito. Umaasa Ako na naghihintay na kayong lahat na marinig ang Aking sasabihin sa dalawang mga bahagi na ito. Kung ano ang Aking natural na sasabihin ay hindi mawawalay sa paksa na tungkol sa pagkilala sa Diyos Mismo at pagkilala sa Kanyang diwa, ngunit ano ang magiging tuon ng pagtitipon ngayon? May nakakaalam ba sa inyo? Anong mga bahagi ng Aking pagtalakay tungkol sa “Awtoridad ng Diyos” ang nakapukaw ng iyong pansin? Bakit nasabi ko na ang tanging nagtataglay ng gayong awtoridad at kapangyarihan ay ang Diyos Mismo? Ano ang nais kong ipaliwanag nang sabihin Ko iyon? Ano ang nais Kong ipaalam sa inyo? Ang awtoridad ba at kapangyarihan ng Diyos ay isang bahagi ng kung paano ipinamamalas ang kanyang diwa? Bahagi ba sila ng Kanyang diwa na nagpapatunay ng Kanyang pagkakakilanlan at katayuan? Nasabi ba ng mga katanungang ito ang nais Kong sabihin? Ano ang nais Kong maunawaan mo? Pag-isipan mong mabuti ito.
(I) Dahil sa Pagmamatigas na Paglaban sa Diyos, Winasak ang Tao sa Pamamagitan ng Poot ng Diyos.
Una, tingnan natin ang mga talata sa kasulatan na naglalawarawan sa “Pagwasak ng Diyos sa Sodoma.”
(Gen 19:1-11) At nagsidating ang dalawang anghel sa Sodoma, nang nagtatakip silim; at si Lot ay nakaupo sa pintuang-bayan ng Sodoma: at sila'y nakita ni Lot, at nagtindig upang salubungin sila; at iniyukod ang mukha sa lupa; At nagsabi, Ngayon nga mga panginoon ko, ipinamamanhik ko sa inyo na kayo'y magsiliko at magsipasok sa bahay ng inyong lingkod, at kayo'y matira sa buong magdamag, at maghugas ng inyong mga paa, at sa madaling araw ay magsipagbangon kayo at magpatuloy ng inyong paglakad. At kanilang sinabi, Hindi, kundi sa langsangan mananahan kami sa buong magdamag. At kaniyang pinakapilit sila; at sila'y nagsiliko, at nagsipasok sa kaniyang bahay; at sila'y kaniyang pinaghandaan, at ipinagluto ng mga tinapay na walang levadura, at nagsikain. Datapuwa't bago nagsihiga, ang bahay ay kinulong ng mga tao sa bayan sa makatuwid baga'y ng mga tao sa Sodoma, na mga binata at gayon din ng mga matanda ng buong bayan sa buong palibot; At kanilang tinawagan si Lot, at sinabi sa kaniya, Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito? ilabas mo sila sa amin upang kilalanin namin sila. At nilabas sila ni Lot sa pintuan, at isinara ang pinto sa likuran niya. At sinabi niya, Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid ko, na huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan. Narito, ngayon, may dalawa akong anak na babae, na hindi nakakilala ng lalake; ipinamamanhik ko sa inyo, na sila'y aking ilalabas sa inyo, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa inyong paningin: huwag lamang ninyong gawan ng anoman ang mga lalaking ito; yamang sila'y nangasa silong ng aking bubungan. At sinabi nila, Umurong ka! At sinabi pa nila, Ang taong ito'y naparito upang makipamayan, at ibig niyang maging hukom: ngayon nga'y gagawan ka namin ng lalong masama kay sa kanila. At kanilang ipinagtulakan ang lalaking si Lot, at nagsilapit upang sirain ang pintuan. Datapuwa't iniunat ng mga lalake ang kanilang kamay at binatak si Lot sa loob ng bahay at kanilang sinarhan ang pintuan. At ang mga taong nangasa pintuan ng bahay ay mga pinagbulag nila, ang munti't malaki: ano pa't sila'y nangayamot sa paghahanap ng pintuan.
(Gen 19:24-25) Nang magkagayo'y nagpaulan ang Panginoon sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Panginoon na buhat sa langit; At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon.
Mula sa mga talatang ito, hindi mahirap na makita na ang kasalanan at katiwalian ng Sodoma ay umabot na sa kalagayang kasuklam-suklam sa tao at sa Diyos, at sa mga mata ng Diyos, nararapat lamang na gunawin ang lungsod. Ngunit ano ang nangyari sa loob ng lungsod, bago ito wasakin? Ano ang maaari nating matutuhan sa pangyayaring ito? Ano ang ipinakikitang damdamin ng Diyos sa mga pangyayaring ito tungkol sa kanyang katangian? Upang maunawaan ang buong kuwento, maingat nating basahin ang nakasulat sa Kasulatan….
Kasamaan ng Sodoma: Nagpapasiklab ng Galit sa Tao, Nagdudulot ng Pagkapoot sa Diyos.
Nang gabing iyon, tinanggap ni Lot ang dalawang anghel mula sa Diyos at ipinaghanda sila ng makakain. Pagkatapos maghapunan, bago sila matulog, pinalibutan ng mga tao sa lungsod ang tirahan ni Lot at tinawag nang pasigaw si Lot. Ang sigaw nila ayon sa Kasulatan, “Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito? ilabas mo sila sa amin upang kilalanin namin sila.” Sino ang nagsabi nito? Para kanino ang sinabing ito? Ito ang sinabi ng mga tao sa Sodoma, na nagsisigaw sa labas ng bahay ni Lot, at ito ay para kay Lot. Ano kaya ang mararamdaman kapag narinig ang ganitong mga salita? Magagalit ka ba? Magkakasakit ka ba dahil dito? Magpupuyos ka ba sa galit? Hindi kaya pahiwatig kay Satanas ang mga salitang ito? Sa pamamagitan nito, nararamdaman mo ba ang kasamaan at kadiliman sa lungsod? Sa kanilang mga salita, nararamdaman mo ba ang kalupitan at kabangisan sa pag-uugali ng mga taong ito? Nararamdaman mo ba ang malalang katiwalian sa kanilang ikinikilos? Sa pamamagitan ng nilalaman ng kanilang sinabi, hindi mahirap makita na ang kanilang likas na pagiging makasalanan at malupit na katangian ay nakaabot na sa antas na hindi na nila makontrol. Bukod kay Lot, lahat ng tao sa lungsod na ito ay walang pagkakaiba kay Satanas; ang makita na ang isang tao ay inuudyukan ang mga tao na saktan at lipulin sila.... Ang mga bagay na ito ay hindi lamang nakapagbibigay sa tao ng pagkatakot at pagkasindak, kundi pati anino ng kamatayan sa paligid nito; nagpapahiwatig din ito ng kasamaan at pagkauhaw sa dugo.
Habang nakaharap siya sa grupo ng mga taong may masasamang-loob, mga taong punong-puno ng karumal-dumal na mithin, paano tumugon si Lot? Ayon sa Kasulatan:“Narito, ngayon, may dalawa akong anak na babae, na hindi nakakilala ng lalake; ipinamamanhik ko sa inyo, na sila'y aking ilalabas sa inyo, at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa inyong paningin: huwag lamang ninyong gawan ng anoman ang mga lalaking ito; yamang sila'y nangasa silong ng aking bubungan.” Ang ibig sabihin ng sinabi ni Lot: Handa niyang ibigay ang kanyang dalawang anak na babae sa mga tao upang protektahan ang mga anghel. Sa ganitong dahilan, dapat sana’y pumayag na ang mga tao sa mga kundisyon ni Lot at iwan na ang mga anghel; lalo pa nga, hindi naman talaga nila kilala ang mga anghel, at tuwirang walang kinalaman sa kanila; hindi man lamang nasaktan ng mga anghel na ito ang kanilang mga kawilihan. Ngunit dahil sa udyok ng kanilang likas na kasalanan, hindi nila iniwan ang bagay na ito. Sa halip, pinatindi lamang nila ang kanilang pagnanais. Ito pa ang isa nilang pag-uusap na walang pag-aalinlangan na makapagpapalinaw sa tunay na masamang hangarin ng mga taong ito; gayun din naman, dito malalaman at mauunawaan ng tao ang dahilan kung bakit nais ng Diyos na gunawin ang lungsod na ito.
Kaya ano ang sumunod nilang sinabi? Ang sabi sa Biblia: “At sinabi nila, Umurong ka! At sinabi pa nila, Ang taong ito'y naparito upang makipamayan, at ibig niyang maging hukom: ngayon nga'y gagawan ka namin ng lalong masama kay sa kanila. At kanilang ipinagtulakan ang lalaking si Lot, at nagsilapit upang sirain ang pintuan.”Bakit nais nilang sirain ang pinto? Ang dahilan ay nasasabik lamang silang saktan ang dalawang anghel na iyon. Ano ang ginagawa ng mga anghel na ito sa Sodoma? Ang layunin nila ay sagipin si Lot at ang kanyang pamilya; ngunit nagkamali ang mga tao ng isipin na dumating sila upang gumanap ng opisyal na tungkulin. Dahil hindi nila tinanong ang kanilang pakay, tanging haka-haka lamang ang dahilan kaya gustong saktan ng mga tao ang dalawang anghel; nais nilang saktan ang dalawang tao na wala namang kinalaman sa kanila. Maliwanag na nawala nang lubusan ng mga mamamayan ng lungsod na ito ang kanilang pagkatao at katuwiran. Ang antas ng kanilang kabaliwan at pagkamabagsik ay wala nang ipinagkaiba sa likas na kasamaan ni Satanas na saktan at lipulin ang mga tao.
Nang hilingin nila ang mga anghel kay Lot, ano ang ginawa ni Lot? Mula sa mga talata, alam nating hindi sila ibinigay ni Lot. Kilala ba ni Lot ang dalawang anghel na ito ng Diyos? Siyempre hindi! Ngunit bakit nais niyang iligtas ang dalawang ito? Alam ba niya kung ano ang kanilang gagawin kaya sila dumating? Bagaman hindi niya alam ang dahilan ng kanilang pagdating, alam niya na mga lingkod ng Diyos ang mga ito, kaya tinanggap sila ni Lot. Ang kanyang pagtawag sa mga lingkod ng Diyos na panginoon ay nagpapakita na isang tagasunod ng Diyos si Lot, hindi katulad ng ibang nasa loob ng Sodoma. Kaya nang dumating sa kanya ang mga anghel ng Diyos, ibinuwis niya ang kanyang sariling buhay upang tanggapin ang dalawang lingkod; at gayun din, ipinagpalit niya ang kanyang dalawang anak na babae upang maprotektahan ang dalawang lingkod. Ito ang mabuting ginawa ni Lot; ito rin ang nakikitang kapahayagan ng likas na buhay ni Lot, at ito rin ang dahilan kaya isinugo ng Diyos ang Kanyang mga lingkod upang iligtas si Lot. Nang maharap sa panganib, iningatan ni Lot ang dalawang lingkod na ito na walang ibang inaalala; tinangka pa niyang ipagpalit ang kanyang dalawang anak na babae para sa kaligtasan ng mga lingkod. Bukod kay Lot, mayroon pa kayang ibang tao sa lungsod na kayang gawin ang ganito? Tulad ng pinatunayan ng pangyayari–wala! Kaya, sinabi na ang bawat isa sa loob ng Sodoma, bukod kay Lot, ang puntirya ng pagkawasak at gayun din ang puntirya na karapat-dapat na mawasak.
Winasak ang Sodoma Dahil sa Pagbubuyo sa Galit ng Diyos
Nang makita ng mga taga-Sodoma ang dalawang lingkod na ito, hindi nila itinanong kung ano ang kanilang pakay sa pagdating, o may isa man lang na nagtanong kung ipahahayag ba nila ang kalooban ng Diyos. Sa kabaliktaran, bumuo sila ng isang malaking pangkat ng mga tao at, kahit walang anumang paliwanag, dumating sila para dakpin ang dalawang lingkod na ito na gaya ng mga asong gubat o mababangis na mga lobo. Pinagmamasdan ba ng Diyos ang mga bagay na ito habang nangyayari? Ano kaya ang iniisip ng Diyos sa Kanyang puso sa uri ng pag-uugaling ito ng tao, sa bagay na ito? Nagpasya ang Diyos na wasakin na ang lungsod na ito; hindi na siya mag-aatubili o maghihintay pa, o kaya’y magpapakita pa ng pagtitiyaga. Dumating na ang Kanyang araw, at inihanda na Niya ang gawaing nais Niyang gawin. Kaya ang sabi sa Genesis 19:24-25, “Nang magkagayo'y nagpaulan ang Panginoon sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Panginoon na buhat sa langit; At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon.” Sinasabi ng dalawang talatang ito sa mga tao ang paraan ng pagwasak ng Diyos sa lungsod na ito; gayun din sinasabi sa mga tao kung ano ang winasak ng Diyos. Una, isinasaad sa Biblia na sinunog ng Diyos ang lungsod sa pamamagitan ng apoy, at ang lawak nito ay sapat na upang malipol ang mga tao at lahat ng nabubuhay sa lupa. Ibig sabihin, hindi lamang winasak ng apoy na nagmula sa langit ang lungsod; sinira din nito ang lahat ng tao at lahat ng nabubuhay na nilalang sa loob, na walang anumang naiwan kahit isang bakas. Pagkatapos masunog ang lungsod, sa lugar ay walang makitang buhay na mga bagay. Wala nang may buhay o anomang senyales nito. Ang lungsod ay naging kaparangan, isang lugar na walang laman at puspos ng nakabibinging katahimikan. Wala nang anumang masamang gawa na laban sa Diyos sa lugar na ito; wala nang mangyayaring patayan o pagdanak ng dugo.
Bakit nais ng Diyos na sunugin ang lungsod na ito nang lubusan? Ano ang nakikita ninyo dito? Matitiis bang panoorin ng Diyos ang mga tao at ang kalikasan, na Kanyang nilikha, na mawasak na katulad nito? Kung makakaya mong maunawaan ang galit ng Diyos na si Jehova mula sa apoy na bumaba mula sa langit, kung gayon, hindi mahirap na makita ang antas ng Kanyang galit mula sa puntirya ng Kanyang pagwasak, gayun din sa antas ng pagkawasak sa lungsod na ito. Kapag kinasuklaman ng Diyos ang isang lungsod, ibibigay niya dito ang kanyang parusa. Kapag nainis ang Diyos sa isang lungsod, padadalhan niya ito ng paulit-ulit na babala ng kanyang galit sa mga tao. Ngunit kapag nagpasya ang Diyos na wakasan na at wasakin ang isang lungsod–iyon ay kapag nasaktan na ang kanyang galit at karangalan–hindi na siya magsasabi pa ng anumang mga parusa o mga babala. Sa halip, tuluyan na niya itong wawasakin. Lubusan na niya itong paglalahuin. Ito ang makatwirang katangian ng Diyos.
Matapos ang Paulit-ulit na Pagtanggi at Pakikipaglaban ng Sodoma sa Kanya, Nilipol na ito ng Diyos nang Lubusan.
Sa sandaling magkaroon tayo ng pagkalahatang pang-unawa sa matuwid na katangian ng Diyos, maibabalik natin ang ating pansin sa lungsod ng Sodoma–ang nakita ng Diyos ay isang lungsod ng kasalanan. Sa pag-unawa sa kalagayan ng lungsod na ito, maiintindihan natin kung bakit nais ng Diyos na wasakin ito at bakit winasak niya ito ng lubusan. Mula dito, maaari na nating malaman ang matuwid na katangian ng Diyos.
Mula sa pananaw ng isang tao, ang Sodoma ay isang lungsod na makapagbibigay ng ganap na kasiyahan sa pagnanasa at kasamaan ng tao. Nakatutukso at nakabibighani, may kasamang tugtugan at sayawan gabi-gabi, ang karangyaan nito ang nagtulak sa tao sa pagkabighani at kahibangan. Unti-unting kinain ng kasamaan ang puso ng mga tao at inakit sila sa pagkabulok. Ito ang lungsod na kung saan ang marurumi at masasamang espiritu ay naghuhuramentado; punong-puno ito ng kasalanan at pagpatay at nangangamoy dugo at bulok ito. Isa itong lungsod na pinalamig ang mga tao hanggang buto, isang lungsod na iyong iiwasan. Wala kahit isa sa lungsod na ito–mapalalaki man o babae, bata man o matanda–ang naghanap ng tunay na daan; walang nagnais sa liwanag o naghangad na lumayo mula sa kasalanan. Nabuhay sila sa pagkontrol ni Satanas, sa katiwalian at pandaraya. Nawala na ang kanilang pagkatao, ang kanilang pandama, at pati na ang orihinal na layunin ng tao sa pagkalikha. Nakagawa sila ng hindi mabilang na mga kasalanan at pagtanggi laban sa Diyos, tinanggihan nila ang Kanyang paggabay at kinalaban ang kanyang kalooban. Ang kanilang masasamang gawa ang nagtulak sa mga taong ito, sa buong lungsod at sa bawat nabubuhay dito, unti-unti, patungo sa daan ng pagkawasak.
Bagaman hindi nakasulat sa mga talatang ito ang mga detalye na naglalarawan sa lawak ng katiwalian sa mga mamamayan ng Sodoma, at sa halip ay itinala ang kanilang pakikitungo sa dalawang lingkod ng Diyos matapos na sila’y dumating sa lungsod, isang simpleng katotohanan ang makikita natin sa mga taga-Sodoma, na sila ay mga tiwali, masasama at lumalaban sa Diyos. Dahil dito, ang tunay na mukha at kalooban ng mga mamamayan ng lungsod ay nahayag din. Hindi lamang sa hindi nila tinanggap ang mga babala ng Diyos, hindi rin sila natakot sa Kanyang parusa. Sa kabaliktaran, kinasuklaman nila ang galit ng Diyos. Wala silang nakikita na nilabanan nila ang Diyos. Walang halaga kung ano ang ginawa Niya o paano Niya ito ginawa, lalo lamang lumala ang kanilang likas na masamang hangarin, at paulit-ulit nilang nilabanan ang Diyos. Ang mga taga-Sodoma ay galit sa paglitaw ng Diyos, sa Kanyang pagdating, sa Kanyang parusa, at lalo na sa Kanyang mga babala. Wala silang nakitang mahalaga sa kanilang paligid. Sinisila at sinasaktan nila ang lahat ng mga taong kaya nilang silain at saktan, at gayun din ang kanilang pagtrato sa mga lingkod ng Diyos. Tungkol sa masasamang gawa na ginawa ng mga taga-Sodoma, ang pananakit sa mga lingkod ng Diyos ay tuktok lamang ng malaking bato ng yelo, at ang kanilang likas na kasamaan na inihayag ay katulad lamang ng isang maliit na patak sa malawak na dagat. Kaya pinili ng Diyos na lipulin sila sa pamamagitan ng apoy. Hindi gumamit ang Diyos ng baha, o ng bagyo, lindol, dambuhalang mga alon, o iba pang paraan upang wasakin ang lungsod. Ano ang kahulugan ng paggamit ng Diyos ng apoy upang wasakin ang lungsod na ito? Ang ibig sabihin nito ay ganap na nawasak ang lungsod; ganap na naglaho ang lungsod sa ibabaw ng lupa at sa pagkakatayo nito. Dito, ang “pagkawasak” ay hindi lamang tumutukoy sa pagkawala ng anyo at istruktura o panlabas na katayuan ng isang lungsod; nangangahulugan din ito na ang mga kaluluwa ng mga taong nasa loob ng lungsod ay huminto nang mabuhay, at lubos nang nalipol. Sa madaling sabi, lahat ng tao, pangyayari at mga bagay na nakaugnay sa lungsod ay nawasak na. Wala nang buhay pagkatapos o muling pagkabuhay na para sa kanila; Nilipol na sila ng Diyos mula sa sangkatauhan, sa Kanyang nilalang, minsan at magpakailanman. Ang “paggamit ng apoy” ay nagpapahiwatig ng pagpigil sa kasalanan, at nangangahulugan ito ng pagtapos sa kasalanan; titigil na sa pananatili at pagkalat ang kasalanang ito. Nangangahulugan ito na ang kasamaan ni Satanas ay nawala na sa mataba nitong lupa, gayun din ang libingan na pinayagang magkaroon ng lugar na tirahan at panirahan. Sa digmaan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas, ang paggamit ng Diyos ng apoy ay tatak ng Kanyang pagtatagumpay kung saan namarkahan si Satanas. Ang pagkawasak ng Sodoma ay isang malaking maling hakbang sa mithiin ni Satanas na kalabanin ang Diyos sa pamamagitan ng pagsira at pag-ubos sa mga tao, at isa itong nakahihiyang tanda sa panahon ng pag-unlad ng sangkatauhan nang tanggihan ng tao ang patnubay ng Diyos at pinabayaan ang sarili sa bisyo. Bukod pa rito, isang itong talaan ng tunay na kapahayagan ng matuwid na katangian ng Diyos.
Nang tinupok ng apoy na ipinadala ng Diyos mula sa langit ang Sodoma hanggang sa maging abo, nangangahulugan ito na ang lungsod na tinawag na “Sodoma” ay hindi na makikita, at maging ang lahat ng naroon sa loob nito. Winasak na ito sa pamamagitan ng galit ng Diyos; naglaho na ito sa ilalim ng poot at karangalan ng Diyos. Dahil sa matuwid na katangian ng Diyos, tinanggap ng Sodoma ang makatarungang parusa; dahil sa matuwid na katangian ng Diyos, tinanggap nito ang makatarungang katapusan. Ang katapusan ng paglitaw ng Sodoma ay dahil sa kanyang kasamaan, at dahil din ito sa pagnanais ng Diyos na hindi na ito muling makita, maging ang mga taong nabuhay dito o anumang may buhay na lumago sa loob ng lungsod. Ang pagnanais ng Diyos na hindi na makitang muli ang lungsod ay dahil sa kanyang poot, at gayun din sa kanyang karangalan. Sinunog ng Diyos ang lungsod dahil sa pagsalangsang at kasalanan nito na dahilan para magalit, mainis at masuklam Siya dito at ninais na hindi na makita ito magpakailanman o maging ang sinumang tao at bagay na nabubuhay sa loob nito. Nang matapos masunog ang lungsod, nang mga abo na lamang ang naiwan, tunay ngang tumigil na ito sa pag-iral sa paningin ng Diyos. Kahit na ang Kanyang alaala dito ay nawala na, nabura na. Nangangahulugan ito na hindi lamang winasak ng ipinadalang apoy mula sa langit ang buong lungsod ng Sodoma at ang makasalanang mga tao sa loob nito, o hindi lamang nito nilipol ang lahat ng bagay sa loob ng lungsod na namantsahan ng kasalanan; higit pa rito, winasak ng apoy na ito ang mga alaala ng kasamaan ng sangkatauhan at pagtutol laban sa Diyos. Ito ang layunin ng Diyos sa pagsunog sa buong lungsod.
Ang sangkatauhan ay naging tiwali ng sagad. Hindi nila kilala kung sino ang Diyos o kung saan sila nagmula. Kapag binanggit mo ang Diyos, ang mga taong ito ay aatake, maninirang puri, at lalapastanganin ang Diyos. Kahit na dumating ang mga lingkod ng Diyos upang ikalat ang Kanyang babala, hindi man lamang nagpakita ng mga tanda ng pagsisisi ang mga tiwaling taong ito; hindi nila iniwan ang kanilang masamang asal. Sa kabaliktaran, sinaktan nila ang mga lingkod ng Diyos. Ang kanilang ipinahayag at isiniwalat ay ang kanilang likas at tunay na masidhing pagkapoot sa Diyos. Makikita natin na ang paglaban ng mga tiwaling taong ito sa Diyos ay higit pa sa pagpapahayag ng kanilang tiwaling katangian, na mas higit pa ito sa paninirang-puri o panunukso na umusbong dahil sa kakulangan ng pag-unawa sa katotohanan. Hindi ang kahangalan o kawalang kaalaman ang dahilan ng kanilang masamang pag-uugali; hindi ito dahil sa nalinlang ang mga taong ito, at tiyak na lalong hindi dahil sa nailigaw lamang sila. Ang kanilang pag-uugali ay nakaabot na sa antas na garapalan at walang hiyang paglaban, oposisyon at pakikipagtunggali sa Diyos. Walang pag-aalinlangan, ang ganitong uri ng pag-uugali ng tao ay makapagpapagalit sa Diyos, at sa Kanyang katangian–isang katangian na kailangang hindi masaktan. Kaya, tuwiran at ganap na pinakawalan ng Diyos ang Kanyang poot at ang Kanyang karangalan; ito ang tunay na kapahayagan ng Kanyang matuwid na katangian. Kaharap ng isang lungsod na nag-uumapaw sa kasalanan, hinangad ng Diyos na wasakin ito sa pinakamabilis na paraan hangga’t maaari; Ninais Niyang lipulin ang mga mamamayan at ang lahat ng kanilang mga kasalanan sa pinakaganap na paraan, upang hindi na sila makita at upang mahinto na ang kasalanan sa paglaganap sa lugar na ito. Ang pinakamabilis at pinakakumpletong paraan ng pagsasagawa nito ay sunugin ito. Ang iniisip ng Diyos sa mga taga-Sodoma ay hindi sila basta iwanan o balewalain kaya; sa halip, ginamit niya ang Kanyang galit, karangalan at awtoridad upang parusahan, ibagsak at lubos na lipulin ang mga taong ito. Hindi lamang pisikal na paglipol ang Kanyang iniisip sa kanila kundi, paglipol din sa kanilang kaluluwa, isang walang hanggang pagpuksa. Ito ang tunay na pagpapahiwatig ng pagnanais ng Diyos na “mawala na sila.”
Bagaman Nakatago ang Galit ng Diyos at Nakalihim sa Tao, Hindi Nito Kinukunsinti ang Kasalanan.
Ang pakikitungo ng Diyos sa mga hangal at mangmang na sangkatauhan ay nakabase sa Kanyang kaawaan at pagpapaubaya. Sa kabilang banda, ang Kanyang galit ay nakatago sa matagal na panahon at sa mga bagay-bagay; nakalihim ito sa tao. Ang resulta, mahirap para sa tao na makitang nagagalit ang Diyos, at mahirap ding maunawaan ang Kanyang galit. Dahil dito, minaliit ng tao ang galit ng Diyos. Kapag humarap na ang tao sa huling gawain at hakbang ng Diyos at igawad ang pagpapaubaya at pagpapatawad sa tao–ito ay kapag makaabot na ang huling pagkakataon ng kaawaan at babala sa kanila–kung gagamitin pa nila ang parehong paraan ng paglaban sa Diyos at hindi gumawa ng paraan upang magsisi, baguhin ang kanilang pamamaraan o tanggapin ang Kanyang kaawaan, hindi na ipagkakaloob ng Diyos ang Kanyang pagpapaubaya at pagtitiyaga sa kanila. Sa kabilang banda, ito ang panahon na babawiin na ng Diyos ang Kanyang kaawaan. Pagkatapos nito, ang ipadadala Niya ay ang Kanyang galit. Maaari Niyang ipahayag ang Kanyang galit sa iba’t ibang paraan, gaya ng paggamit ng iba’t ibang paraan ng pagpaparusa at pagwasak sa mga tao.
Ang paggamit ng Diyos ng apoy upang wasakin ang lungsod ng Sodoma ang pinakamabilis Niyang paraan upang lubos na lipulin ang sangkatauhan o anumang bagay. Ang pagsunog sa mga mamamayan ng Sodoma, ay higit pa sa pagsunog sa kanilang mga pisikal na katawan; nasunog din ang kabuuan ng kanilang mga espiritu, ang kanilang mga kaluluwa at mga katawan, sa pagtitiyak na ang mga tao sa loob ng lungsod ay tumigil nang mabuhay sa mundong ito at sa mundong hindi nakikita ng tao. Ito ang isang paraan kung saan inihahayag ng Diyos at ipinadadama ang Kanyang galit. Ang uri ng pagpapahayag at pagpapadama na ito ay isang anyo ng diwa ng galit ng Diyos, gayun din, ito ay kapahayagan ng diwa ng matuwid na katangian ng Diyos. Kapag ipinadadama ng Diyos ang Kanyang galit, hindi Niya ipinakikita ang Kanyang kaawaan o kagandahang loob, at hindi Niya ihahayag ang Kanyang pagpapaubaya o pagtitiyaga; walang tao, bagay o dahilan na makahihimok sa Diyos na maging matiyaga, na maging maawaing muli, at minsan pang ipagkaloob ang Kanyang pagpaparaya. Sa kabila ng mga bagay na ito, walang sandaling pag-aalinlangan, ipadadama ng Diyos ang Kanyang galit at karangalan, gagawin kung ano ang Kanyang nais, at isasagawa ang mga bagay na ito sa mabilis at malinis na paraan batay sa Kanyang sariling hangarin. Ito ang paraan kung saan ipinadadama ng Diyos ang Kanyang galit at karangalan, na hindi ikagagalit ng tao, at ito ay isa ring kapahayagan ng isang anyo ng Kanyang matuwid na katangian. Kapag nasaksihan ng mga tao na nagpapakita ng pag-aalala at pagmamahal ang Diyos sa tao, hindi nila maramdaman ang Kanyang galit, o makita ang Kanyang karangalan o madama ang Kanyang pagpapaubaya sa kasalanan. Ang mga bagay na ito ang laging nagbubunsod sa mga tao na maniwala na ang matuwid na katangian ng Diyos ay tanging pagkaawa, pagpapaubaya at pagmamahal lamang. Ngunit, kapag nakita ng tao na sinunog ng Diyos ang isang lungsod o kapootan ang isang tao, ang Kanyang galit sa paglipol at ang Kanyang karangalan ay nagbibigay-daan sa mga tao na makita ang kabilang bahagi ng matuwid na katangian ng Diyos. Ito ang Kanyang hindi pagkunsinti sa kasalanan. Ang katangian ng Diyos na hindi nagkukunsinti sa kasalanan ang dumadaig sa imahinasyon ng anumang nilikha at hindi nilikha, walang may kakayahan na hadlangan ito o makaantig dito; at higit sa lahat, hindi ito kayang gayahin o tularan. Kaya ang bahaging ito ng katangian ng Diyos ang dapat maunawaang mabuti ng tao. Tanging ang Diyos Mismo ang may ganitong uri ng katangian, at tanging Siya lamang ang nagmamay-ari ng ganitong uri ng katangian. Ang Diyos ang nagmamay-ari ng ganitong uri ng makatarungang katangian dahil nasusuklam Siya sa kasamaan, kadiliman, pagrerebelde at sa masamang gawa ni Satanas–pinasasama at nilalamon ang sangkatauhan–sapagkat kinasusuklaman Niya ang lahat ng gawa ng kasalanan na paglaban sa Kanya at dahil sa Kanyang banal at walang dungis na kalagayan. Ito ang dahilan kaya hindi Niya hahayaan ang sinumang nilikha o hindi nilikha na hayagang labanan o salungatin Siya. Kahit ang isang indibidwal na pinagpakitaan Niya ng awa o pinili ay kailangan lamang pukawin ang Kanyang katangian at labagin ang Kanyang prinsipyo ng katiyagaan at pagpaparaya, at pakakawalan Niya at ipapahayag ang Kanyang matuwid na katangian na walang pinakakaunting bahid ng awa o pag-aalinlangan–isang katangian na hindi kinukunsinti ang kasalanan.
Ang Galit ng Diyos ay isang Pananggalang sa Lahat ng Makatarungang Pwersa at Lahat ng Positibong Bagay
Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga halimbawang ito ng mensahe, kaisipan at mga kilos ng Diyos, makakaya mo kayang unawain ang matuwid na katangian ng Diyos, isang katangian na hindi maaaring saktan? Sa huli, ito ay isang anyo ng katangian na kakaiba sa Diyos Mismo, hindi pinag-uusapan kung gaano man kayang unawain ng tao. Ang hindi pagkunsinti ng Diyos sa kasalanan ang Kanyang natatanging diwa; ang galit ng Diyos ang Kanyang natatanging katangian; ang karangalan ng Diyos ang Kanyang natatanging diwa. Ang prinsipyo sa likod ng galit ng Diyos ay naglalarawan sa pagkakakilanlan at katayuan na Siya lamang ang nagtataglay. Hindi na kailangang banggitin ng sinuman na ito ay sagisag rin ng diwa ng kakaibang Diyos Mismo. Ang katangian ng Diyos ay ang Kanyang likas na diwa. Hindi ito nagbabago kahit kailan sa pagbabago ng panahon, o magbago man ng lokasyon. Ang Kanyang likas na katangian ay ang Kanyang tunay na diwa. Hindi pinag-uusapan kung kanino man Niya dinadala ang Kanyang ginagawa, hindi nagbabago ang Kanyang diwa, at maging ang Kanyang matuwid na katangian. Kapag ginalit ng tao ang Diyos, doon Niya ipinadadama ang Kanyang likas na katangian; sa pagkakataong ito, ang prinsipyo sa likod ng Kanyang galit ay hindi nagbabago, o maging ang Kanyang kakaibang pagkakakilanlan at kalagayan. Hindi Siya nagagalit dahil may nagbago sa Kanyang diwa o dahil ang Kanyang katangian ay nagbunga ng iba’t ibang elemento, kundi dahil ang paglaban ng tao sa Diyos ang nakagalit sa Kanyang katangian. Ang lantarang pagpapagalit ng tao sa Diyos ay isang mabigat na hamon sa sariling pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos. Sa pananaw ng Diyos, kapag hinamon Siya ng tao, kinakalaban Siya ng tao at sinusubok ang Kanyang galit. Kapag sinalungat ng tao ang Diyos, kapag kinakalaban ng tao ang Diyos, kapag patuloy na sinusubok ng tao ang galit ng Diyos–gayun din kapag nagiging laganap ang kasalanan–ang galit ng Diyos ay natural na mahahayag at ihaharap ang sarili. Kaya nga, ang pagkahayag ng galit ng Diyos ay sumisimbulo na lahat ng pwersa ng kasamaan ay titigil sa paglitaw; sumisimbulo ito na ang lahat ng pwersa ng kaaway ay wawasakin. Ito ang kaibahan ng matuwid na katangian ng Diyos, at ito ang kaibahan ng galit ng Diyos. Kapag hinamon ang dangal at kabanalan ng Diyos, kapag ang makatarungang pwersa ay hinadlangan at hindi nakita ng tao, ipadadala ng Diyos ang Kanyang galit. Dahil sa diwa ng Diyos, lahat ng pwersa sa mundo na kumakalaban sa Diyos, sumasalungat at nakikipagtalo sa Kanya ay masasama, tiwali at hindi makatarungan; nagmula at kabilang sila kay Satanas. Dahil makatarungan ang Diyos, nasa liwanag at walang alinlangan na banal, lahat ng bagay na masama, tiwali at kabilang kay Satanas ay mawawala sa pagdating ng galit ng Diyos.
Bagaman ang pagbuhos ng galit ng Diyos ay isang anyo ng kapahayagan ng Kanyang matuwid na katangian, ang galit ng Diyos ay walang pinipili kung sino ang Kanyang puntirya o kahit walang prinsipyo. Sa kabaliktaran, hindi naman madaling magalit ang Diyos, o padalus-dalos maghayag ng Kanyang galit at ng Kanyang karangalan. Dagdag pa dito, ang galit ng Diyos ay lubhang kontrolado at may sukat; hindi ito maikukumpara kung paanong ang tao ay sumiklab sa isang matinding poot o maibulalas ang kanyang galit. Maraming pag-uusap sa pagitan ng tao at ng Diyos ang nakatala sa Biblia. Ang mga sinasabi ng ilang mga inidibiduwal na ito ay mabababaw, walang alam, at parang bata, ngunit hindi sila pinarusahan ng Diyos o hinatulan man. Isang halimbawa, sa panahon ng pagsubok kay Job, paano pinakitunguhan ng Diyos na si Jehova ang tatlong kaibigan ni Job at ng iba pa, pagkatapos Niyang marinig ang kanilang mga sinabi kay Job? Hinatulan ba sila ng Diyos? Nagpakita ba Siya ng matinding pagkagalit sa kanila? Wala Siyang ginawa sa gayong pangyayari! Sa halip, sinabi Niyang makiusap si Job sa kanila, at ipanalangin sila; Sa kabilang banda, hindi dinamdam ng Diyos sa Kanyang puso ang kanilang mga pagkakamali. Lahat ng mga pangyayaring ito ay kumakatawan sa pangunahing damdamin sa pakikitungo ng Diyos sa katiwalian at kamangmangan ng sangkatauhan. Kaya, ang pagpaparamdam ng galit ng Diyos ay hindi sa pamamagitan ng paghayag o paglalabas ng Kanyang nararamdaman. Ang galit ng Diyos ay hindi ganap na pagsiklab ng galit gaya nang pagkaunawa ng tao. Hindi ipinadadama ng Diyos ang Kanyang galit hindi dahil sa hindi Niya kayang kontrolin ang Kanyang sariling damdamin o dahil ang Kanyang galit ay nakaabot na sa Kanyang pinakamainit na punto at kailangan nang ilabas. Sa kabaliktaran, ang Kanyang galit ay pagpapakita ng Kanyang matuwid na katangian at isang tunay na paghayag ng Kanyang matuwid na katangian; isang makabuluhang pagpapahayag ng Kanyang banal na diwa. Ang Diyos ay galit, hindi kinukunsinti ang kasalanan – hindi nito sinasabi na ang galit ng Diyos ay hindi kinikilalang mabuti ang mga dahilan o walang konsensya; ang bulok na sangkatauhan ang tanging maliwanag na walang konsensya, biglaang pagbulalas ng matinding galit na hindi na kinikilalang mabuti ang mga dahilan. Sa sandaling magkaroon na ng katayuan ang tao, madalas ay nahihirapan na siyang kontrolin ang kanyang damdamin, kaya nasisiyahan siyang mangalap ng mga pangyayari upang ipahayag ang kanyang kawalang kasiyahan at ilabas ang kanyang damdamin; madalas siyang sumisiklab sa matinding galit kahit walang malinaw na dahilan, upang maipahayag lamang ang kanyang abilidad at malaman ng ibang tao ang kanyang katayuan sa buhay at iba sa mga ordinaryong tao ang kanyang pagkakakilanlan. Siyempre, ang masamang mga tao na di maayos ang katayuan sa buhay ay malimit ding mawalan ng kontrol. Ang kanilang galit ay kadalasang dulot ng pinsala sa kanilang indibiduwal na mga benepisyo. Upang maprotektahan ang kanilang sariling kalagayan at dignidad, madalas ilabas ng masamang tao ang kanilang damdamin at ipahayag ang kanilang likas na kayabangan. Ang tao ay sisiklab sa galit at ilalabas ang kanyang damdamin upang maipagtanggol ang kanyang kasalanan, at ito ang kanyang mga paraan upang maipahayag ang kanyang kawalang kasiyahan. Ang mga aksyong ito ay puno ng pagtatakip; puno sila ng mga balak at intriga; higit pa dito, puno sila ng matayog na mithiin at pagnanasa ng tao. Kapag nilabanan ng katarungan ang kasamaan, hindi sisiklab sa galit ang tao upang ipagtanggol ang panig ng katarungan; kasalungat ito, kapag ang pwersa ng katarungan ay nanganib, inusig at nilusod, ang pag-uugali ng tao ay nakakaligtaan, umiiwas o umuurong. Ngunit kapag nakaharap naman ang pwersa ng kasamaan, ang pag-uugali ng tao ay tumutustos, at tumutugtog at nagkukudkod. Kaya ang paglalabas ng tao ay isang pagtakas para sa pwersa ng kasamaan, isang paghayag ng talamak at hindi mapigil na masamang ugali ng taong makalaman. Ngunit kapag isinugo ng Diyos ang Kanyang galit, gayon pa man, lahat ng pwersa ng masama ay hihinto; lahat ng kasalanang nakasasakit sa tao ay titigil; lahat ng pwersa ng kalaban na hahadlang sa gawain ng Diyos ay parurusahan, ihihiwalay at susumpain; lahat ng kasabwat ni Satanas na sumasalungat sa Diyos ay parurusahan at bubunutin. Ayon sa kanilang kalagayan, ang gawain ng Diyos ay magpapatuloy nang malaya sa anumang hadlang; ang plano ng pamamahala ng Diyos ay magpapatuloy sa pag-unlad ng unti-unti ayon sa nakatakda; magiging malaya sa panggugulo at pandaraya ni Satanas ang bayang pinili ng Diyos; masisiyahan sa pangunguna at pagtutustos ng Diyos sa tahimik at mapayapang kapaligiran ang mga tagasunod ng Diyos. Ang galit ng Diyos ay isang sanggalang na pumipigil sa lahat ng pwersa ng kasamaan na magparami at tumakbong galit na galit, at isa rin itong sanggalang na nag-iingat sa pagkakaroon at pagdami ng lahat ng matuwid at positibong mga bagay at walang hanggang babantayan sila mula sa pagkalupig at pagkawasak.
Nakikita mo ba ang anyo ng galit ng Diyos sa Kanyang pagwasak sa Sodoma? May nakasama bang iba sa Kanyang sobrang pagkagalit? Ang Kanya bang sobrang pagkagalit ay tunay? Batay sa salita ng tao, wala bang nakahalo sa galit ng Diyos? Wala bang daya sa likod ng Kanyang galit? Wala bang kasabwat? Mayroon bang hindi masabing sikreto? Masasabi ko nang tiyakan at taimtim: Walang bahagi ng galit ng Diyos na magdudulot ng pagdududa sa isang tao. Tunay ang Kanyang galit, walang halong galit at walang iniingatang ibang intensiyon o mga layunin. Ang dahilan para sa Kanyang galit ay dalisay, walang bahid at hindi mapipintasan. Isa itong likas na kapahayagan at pagpapakita ng Kanyang banal na diwa; hindi ito isang bagay na mula sa paraan ng paglikha. Bahagi ito ng kakaiba at matuwid na katangian ng Diyos, at ito ay isa ring kitang-kitang pagkakaiba sa pagitan ng kinikilalang diwa ng Lumikha at ng Kanyang nilalang.
Hindi na pinag-uusapan kung nagalit man ang isang tao nang harapan o talikuran, bawat isa ay may iba’t ibang intensiyon at layunin. Marahil ay iniingatan nila ang kanilang karangalan o maaaring ipinagtatanggol nila ang kanilang pansariling kagustuhan, na pinapanatili ang kanilang imahe o pagkakilala sa kanila. May ilang nagsasanay sa pagpigil ng kanilang galit, samantalang ang iba ay mas mapusok at sumisiklab sa labis na galit kahit na ninais nilang pigilin. Sa madaling salita, ang galit ng tao ay nagmumula sa kanyang masamang katangian. Walang halaga kung ano ang Kanyang layunin, batay ito sa hilig ng laman at kalikasan; wala itong kaugnayan sa katarungan o kawalang katarungan sapagkat hindi umaayon ang kalikasan at diwa ng tao sa katotohanan. Kaya ang pagiging mainitin ng ulo ng tao at ang galit ng Diyos ay hindi dapat mababanggit sa parehong pagkakataon. Walang pagbubukod, ang pag-uugali ng isang tao na sinira ni Satanas na nagsisimula sa pagnanais na mapangalagaan ang katiwalian, at ito ay batay sa katiwalian; kaya ang galit ng tao ay hindi maaaring ihambing sa galit ng Diyos, kahit gaano man kaangkop ito sa teorya. Nang ipadama ng Diyos ang Kanyang matinding pagkapoot, nahinto ang pwersa ng kasamaan, winasak ang masasamang bagay, samantalang naramdaman ng matuwid at positibong mga bagay ang pangangalaga at proteksyon ng Diyos, at sila ay pinahintulutang magpatuloy. Ipinadama ng Diyos ang Kanyang galit dahil ang walang katarungan, negatibo at masasamang bagay ay humahadlang, nanggugulo o sinisira ang normal na gawain at pagsulong ng makatarungan at positibong mga bagay. Ang layunin ng galit ng Diyos ay hindi para protektahan ang Kanyang sariling kalagayan at pagkakakilanlan, kundi para ingatan ang pagkakaroon ng makatarungan, positibo, maganda at mabubuting bagay, upang pangalagaan ang mga batas at kaayusan ng kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Ito ang pangunahing dahilan ng pagkagalit ng Diyos. Ang labis na pagkagalit ng Diyos ay nararapat, likas at tunay na kapahayagan ng Kanyang katangian. Walang ibang intensiyon sa likod ng Kanyang labis na pagkapoot, o pandaraya man o masamang balak; at higit sa lahat, ang Kanyang pagkapoot ay walang pagnanasa, panlilinlang, malisya, karahasan, kasamaan o anumang bagay na makasisira sa bahagi ng sangkatauhan. Bago ipadama ng Diyos ang Kanyang labis na pagkapoot, napansin na Niya ang diwa ng bawat bagay na malinaw at maayos, at nakagawa na Siya ng tiyak, malinaw na kahulugan at konklusyon. Kaya ang layunin ng Diyos sa bawat bagay na Kanyang ginagawa ay sinlinaw ng kristal, tulad ng Kanyang pag-uugali. Hindi natataranta ang Kanyang pag-iisip; hindi Siya bulag; hindi Siya mapusok; hindi Siya padalus-dalos; higit sa lahat, may konsiyensiya Siya. Ito ang praktikal na anyo ng galit ng Diyos, at dahil sa praktikal na anyong ito ng Diyos kaya naabot ng sangkatauhan ang Kanyang karaniwan na kalagayan. Kung wala ang galit ng Diyos, bababa ang sangkatauhan sa kalagayang hindi karaniwang pamumuhay; ang matuwid, maganda at mabubuting bagay ay mawawasak at hihinto na manatili. Kapag wala ang galit ng Diyos, ang mga batas at kaayusan na nagpapatakbo sa sangnilikha ay masisira o maaaring tuluyang bumagsak. Simula ng paglikha sa tao, patuloy na ginamit ng Diyos ang Kanyang matuwid na katangian upang pangalagaan at tustusan ang normal na kalagayan ng tao. Sapagkat ang Kanyang matuwid na katangian ay naglalaman ng galit at karangalan, lahat ng masasamang tao, kaganapan at lahat ng bagay na gumagambala at sumisira sa karaniwan na pamumuhay ng sangkatauhan ay parurusahan, kokontrolin at wawasakin dahil sa Kanyang galit. Sa mga nakalipas na libo-libong taon, patuloy na ginamit ng Diyos ang Kanyang matuwid na katangian upang pabagsakin at wasakin ang lahat ng uri ng marumi at masamang mga espiritu na kumakalaban sa Diyos at kumikilos bilang mga kasabwat ni Satanas at tagapamahala ng Kanyang trabaho na pasunurin ang sangkatauhan. Kaya ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa tao ay laging nauuna ayon sa Kanyang plano. Masasabi natin na dahil sa pagpapadama ng galit ng Diyos, ang pinakamatuwid na dahilan sa mga tao ay hindi kailanman nawasak.
Ngayon na may pagkaunawa ka na sa anyo ng galit ng Diyos, dapat na may tiyak kang higit na pagkaunawa kung paano kikilalanin ang kasamaan ni Satanas!
Bagaman si Satanas ay Mukhang Mabait, Makatarungan at Malinis, Siya ay Malupit at Masama sa Kanyang Diwa
Napanalunan ni Satanas ang Kanyang katanyagan sa pamamagitan ng pandaraya sa mga tao. Madalas niyang ipakilala ang Kanyang sarili bilang isang pinuno at huwaran ng katuwiran. Sa ilalim ng bandila ng pagbabantay sa katuwiran, sinaktan niya ang tao, sinila ang kanilang mga kaluluwa, at ginamit ang lahat ng paraan upang pamanhirin, dayain, at sulsulan ang tao. Ang layunin niya ay gawin ang tao na sumang-ayun at sumusunod sa Kanyang masamang pag-uugali, upang isama ang tao sa paglaban sa awtoridad at dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ngunit kapag nalaman na ng tao ang Kanyang pamamaraan, pakana at kasuklam-suklam na palabas at ayaw nang magpatuloy na tapak-tapakan at lokohin nito o patuloy na alipinin nito, o parusahan at wasakin na kasama nito, binabago ni Satanas ang Kanyang nakaraang malasantong katangian at pinupunit ang Kanyang huwad na maskara upang ihayag ang Kanyang tunay na masama, malisyoso, pangit at mabagsik na mukha. Wala siyang ibang nais kundi lipulin ang lahat ng tumatanggi na sumunod dito at lahat ng lumalaban sa masamang pwersa. Sa pagkakataong ito, hindi na makapagpapanggap si Satanas bilang isang mapagkakatiwalaan at maginoong anyo; sa halip, mahahayag ang Kanyang tunay na kapangitan at maladiyablong anyo sa likod ng pag-aanyong tupa. Sa sandaling mahayag sa liwanag ang mga pamamaraan ni Satanas, sa sandaling malantad ang tunay niyang anyo, magpupuyos ito sa labis na pagkapoot at mahahayag ang Kanyang kalupitan; ang pagnanais nitong saktan at lipulin ang mga tao ay lalo lamang lalala. Ang dahilan ay pasisiklabin ito sa galit sa pamamagitan ng pagkagising ng tao; nagbubunga ito ng malupit na paghihiganti laban sa tao dahil sa kanilang hangarin na manabik sa kalayaan at kaliwanagan, at makatakas sa pagkakakulong nito. Ang labis na poot nito ay nakalaan upang ipagtanggol ang kasamaan at ito rin ay isang tunay na kapahayagan ng likas nitong kalupitan.
Sa bawat pagkakataon, inihahayag ng pag-uugali ni Satanas ang Kanyang likas na kasamaan. Sa lahat ng masamang gawa na dinala ni Satanas sa mga tao – mula sa Kanyang naunang pagsisikap na dayain ang tao upang sundin siya, sa Kanyang pagsasamantala sa tao, sa Kanyang pagkaladkad sa masasama nitong gawa, at ang paghihiganti ni Satanas sa tao matapos malantad ang tunay nitong anyo at pinabayaan ito – wala kahit isang nakaligtaan upang ihayag ang masamang anyo ni Satanas; wala kahit isang nagpatunay na si Satanas ay walang kaugnayan sa mga positibong bagay; wala kahit isang nakaligtaan upang patunayan na si Satanas ang pinagmumulan ng lahat ng kasamaan. Bawat ginagawa niyang mga kilos ay pangangalaga sa Kanyang kasamaan, pinapanatili ang pagpapatuloy ng Kanyang masamang gawa, kumakalaban sa matuwid at positibong mga bagay, sinisira ang mga batas at kaayusan ng karaniwan na buhay ng tao. Sila ay napopoot sa Diyos at sila ang wawasakin ng galit ng Diyos. Bagaman si Satanas ay may sariling pagkapoot, ito ay pamamaraan lamang upang mailabas ang Kanyang likas na kasamaan. Ang dahilan kung bakit si Satanas ay naiinis at galit na galit ay: Nalantad ang Kanyang inililihim na pamamaraan; ang Kanyang mga lihim na balak ay hindi madaling naisagawa; ang Kanyang marahas na mithiin at pagnanais na palitan ang Diyos at kumilos bilang Diyos ay bumagsak at nahadlangan; ang Kanyang layunin na kontrolin ang sangkatauhan ay hindi nangyari at hindi na kailanman matutupad. Ang paulit-ulit na panawagan ng Diyos ng Kanyang galit ang nagpahinto sa kaganapan ng lihim na balak ni Satanas at pumigil sa paglaganap at matinding galit ng kasamaan ni Satanas; kaya parehong kinamuhian at kinatakutan ni Satanas ang galit ng Diyos. Bawat pagsasagawa ng galit ng Diyos ay hindi lamang naglalantad sa tunay na kasuklam-suklam na anyo ni Satanas; inihahayag din nito ang masamang hangarin ni Satanas sa liwanag. Gayun din naman, ang dahilan ng labis na pagkapoot ni Satanas laban sa sangkatauhan ay ganap nang nailantad. Ang pagsiklab ng labis na poot ni Satanas ay isang tunay na kapahayagan ng likas niyang kasamaan, na isang paglalantad ng Kanyang masamang pamamaraan. Siyempre, sa bawat pagsiklab ng galit ni Satanas, ipinahahayag nito ang pagkawasak ng masasamang mga bagay; ipinahahayag nito ang proteksyon at pagpapatuloy ng mga positibong bagay, at ipinahahayag nito ang kalikasan ng galit ng Diyos – ang hindi kayang saktan!
Hindi Dapat Umasa ang Tao sa Karanasan at Imahinasyon upang Malaman ang Matuwid na Katangian ng Diyos
Kapag nakita mo ang iyong sarili na nakaharap sa paghatol at parusa ng Diyos, sasabihin mo kaya na nahaluan ang salita ng Diyos? Sasabihin mo kayang may kasinungalingan sa labis na pagkapoot ng Diyos, at ang kanyang labis na pagkapoot ay nahaluan na? Sisiraan mo ba ang Diyos at sasabihing ang Kanyang katangian ay hindi naman ganap na matuwid? Kapag nakikitungo sa bawat gawa ng Diyos, kailangang tiyakin mo muna na malaya ang matuwid na katangian ng Diyos mula sa anumang ibang mga elemento, na ito ay banal at walang kapintasan; kasama sa mga gawang ito ang pagbagsak, pagparusa at pagwasak sa sangkatauhan. Walang kinikilingan, ang bawat isa sa mga gawa ng Diyos ay nangyari sa mahigpit na pagsunod sa Kanyang likas na katangian at sa Kanyang plano – hindi kasama dito ang kaalaman, tradisyon at pilosopiya ng tao – at ang bawat isa sa mga gawa ng Diyos ay isang paghahayag ng Kanyang katangian at diwa, na walang kaugnayan sa anumang bagay na kabilang sa kasamaan ng sangkatauhan. Sa kaisipan ng tao, tanging ang pag-ibig ng Diyos, kaawaan at pagkunsinti sa tao ang walang bahid, walang halo at banal. Ngunit, walang nakaaalam na ang labis na poot ng Diyos at ang Kanyang galit ay wala ring halo; bukod pa dito, walang nakapag-isip ng mga tanong tulad ng, bakit hindi kinukunsinti ng Diyos ang kasalanan o bakit ang Kanyang labis na galit ay napakadakila. Sa kasalungat, napagkakamalan ng ilan ang galit ng Diyos sa bulok na pagkamainitin ng ulo ng tao; ang pagkaunawa nila sa galit ng Diyos ay labis na pagkapoot sa kasamaan ng sangkatauhan; buong pagkakamali nilang napagkamalan na ang labis na poot ng Diyos ay parang katulad ng likas na kapahayagan ng kasamaan na katangian ng sangkatauhan. Nagkamali sila ng paniniwala na ang pagpapadala ng galit ng Diyos ay katulad lamang ng galit ng tao, na nagsisimula sa bahagyang galit; naniniwala pa sila na ang pagpapadama ng galit ng Diyos ay pagpapahayag ng Kanyang damdamin. Pagkatapos ng pagtitipong ito, umaasa ako na ang bawat isa sa inyo na narito ay hindi na magkakaroon ng anumang maling pagkaunawa, pag-iisip o pag-aakala tungkol sa matuwid na katangian ng Diyos, at umaasa Ako na pagkatapos ninyong marinig ang Aking mga salita, magkakaroon na kayo sa inyong mga puso ng tunay na pagkakilala tungkol sa galit ng matuwid na katangian ng Diyos, na maisasantabi na ninyo ang anumang nakaraang maling pagkaunawa sa galit ng Diyos, na babaguhin na ninyo ang inyong mga maling paniniwala at mga pananaw tungkol sa anyo ng galit ng Diyos. Dagdag pa dito, umaasa Ako na magkakaroon na kayo ng tamang pakahulugan sa katangian ng Diyos sa inyong mga puso, at hindi na kayo mag-aalinlangan tungkol sa matuwid na katangian ng Diyos, at hindi na ninyo ipagpupumilit ang anumang pansariling pagdadahilan o imahinasyon sa tunay na katangian ng Diyos. Ang matuwid na katangian ng Diyos ay ang Kanyang tunay na sariling diwa. Hindi ito isang bagay na hinubog o isinulat ng tao. Ang Kanyang matuwid na katangian ay ang Kanyang matuwid na katangian at wala itong relasyon o kaugnayan sa anumang bagay na nilikha. Ang Diyos Mismo ay ang Mismong Diyos. Hindi Siya kailanman magiging bahagi ng nilikha, at kahit na maging kaanib Siya ng mga bagay na nilikha, ang Kanyang likas na katangian at diwa ay hindi magbabago. Kaya ang pagkilala sa Diyos ay hindi pagkilala sa isang bagay; hindi ito pagsusuri sa isang bagay o pag-unawa sa isang tao. Kapag ginamit mo ang iyong kaisipan o pamamaraan ng pagkilala sa isang bagay o pag-unawa sa isang tao upang makilala ang Diyos, hindi mo kailanman makakayang maabot ang kaalaman ng Diyos. Ang pagkilala sa Diyos ay hindi nakasalalay sa karanasan o imahinasyon, at kaya dapat hindi mo ipagpilitan ang iyong karanasan o imahinasyon sa Diyos. Gaano man kayaman ang iyong karanasan at imahinasyon, may hangganan pa rin ang mga iyan; bukod dito, ang iyong imahinasyon ay hindi umaayon sa mga katunayan, at lalong hindi ito umaayon sa katotohanan, at ito ay sumasalungat sa tunay na katangian at diwa ng Diyos. Hindi ka kailaman man magtatagumpay kung aasa ka lamang sa iyong imahinasyon upang maunawaan ang diwa ng Diyos. Ang tanging paraan ay ganito: tanggapin lahat ang nagmumula sa Diyos at pagkatapos, unti-unting maranasan at unawain ito. Darating ang araw na liliwanagan ka ng Diyos upang Siya ay lubos mong maunawaan at makilala dahil sa iyong kooperasyon at dahil sa iyong pagkagutom at pagkauhaw sa katotohanan. At sa pamamagitan nito, tatapusin na natin ang bahaging ito ng ating pag-uusap.
(II) Nakakamit ng Tao ang Awa at Pagpaparaya ng Diyos sa pamamagitan ng Tapat na Pagsisisi
Ang sumusunod ay ang biblikal na kasaysayan ng “Pagliligtas ng Diyos sa Nineve.”
(Jon 1:1-2) Ang salita nga ng Panginoon ay dumating kay Jonas na anak ni Amittai, na nagsasabi, Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at humiyaw ka laban doon; sapagka't ang kanilang kasamaan ay umabot sa harap ko.
(Jon 3) At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jonas na ikalawa, na nagsasabi, Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at ipangaral mo ang pangaral na aking iniutos sa iyo. Sa gayo'y bumangon si Jonas, at naparoon sa Ninive, ayon sa salita ng Panginoon. Ang Ninive nga ay totoong malaking bayan, na tatlong araw na lakarin. At pumasok si Jonas sa bayan na may isang araw na gumagala, at siya'y sumigaw, at nagsasabi, Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak. At ang bayan ng Ninive ay sumampalataya sa Dios; at sila'y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila. At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive, at siya'y tumindig sa kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at nagbalot siya ng kayong magaspang, at naupo sa mga abo. At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig; Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawa't isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay. Sino ang nakaaalam kung manumbalik ang Dios at magsisisi, at hihiwalay sa kaniyang mabangis na galit, upang tayo'y huwag mangamatay. At nakita ng Dios ang kanilang mga gawa, na sila'y nagsihiwalay sa kanilang masamang lakad; at nagsisi ang Dios sa kasamaan, na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kanila; at hindi niya ginawa.
(Jon 4) Nguni't naghinanakit na mainam si Jonas, at siya'y nagalit. At siya'y nanalangin sa Panginoon, at nagsabi, Ako'y nakikipanayam sa iyo, Oh Panginoon, di baga ito ang aking sinabi, nang ako'y nasa aking lupain pa? Kaya't ako'y nagmadaling tumakas na patungo sa Tarsis; sapagka't talastas ko na ikaw ay Dios na mapagbiyaya, at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi ka sa kasamaan. Kaya nga, Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, na kitlin mo ang aking buhay; sapagka't mabuti sa akin ang mamatay kay sa mabuhay. At sinabi ng Panginoon, Mabuti baga ang iyong ginagawa na magalit? Nang magkagayo'y lumabas si Jonas sa bayan, at naupo sa dakong silanganan ng bayan, at doo'y gumawa siya ng isang balag, at naupo siya sa ilalim niyaon sa lilim, hanggang sa kaniyang makita kung ano ang mangyayari sa bayan. At naghanda ang Panginoong Dios ng isang halamang kikayon, at pinataas sa itaas ni Jonas, upang maging lilim sa kaniyang ulo, upang iligtas siya sa kaniyang masamang kalagayan. Sa gayo'y natuwang mainam si Jonas dahil sa kikayon. Nguni't naghanda ang Dios ng isang uod nang magumaga nang kinabukasan at sinira ang halamang kikayon, na anopa't natuyo. At nangyari, nang sumikat ang araw, na naghanda ang Dios ng mainit na hanging silanganan; at sinikatan ng araw ang ulo ni Jonas, na anopa't siya'y nanglupaypay, at hiniling niya tungkol sa kaniya na siya'y mamatay, at nagsasabi, Mabuti sa akin ang mamatay kay sa mabuhay. At sinabi ng Dios kay Jonas, Mabuti baga ang ginagawa mo na magalit dahil sa kikayon? At kaniyang sinabi, Mabuti ang ginagawa ko na magalit hanggang sa kamatayan. At sinabi ng Panginoon, Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi: At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring hayop?
Sinopsis ng Kasaysayan ng Nineve
Bagaman ang kasaysayan ng “Pagliligtas ng Diyos sa Nineve” ay maigsi lamang, pinapayagan nito na sulyapan ang kabilang bahagi ng matuwid na katangian ng Diyos. Upang lubos na maunawaan kung ano ang nilalaman ng bahaging iyon, kailangang balikan natin ang Kasulatan at tingnan ang isa sa mga ginawa ng Diyos.
Tingnan muna natin ang pasimula ng kasaysayang ito: “Ang salita nga ng Panginoon ay dumating kay Jonas na anak ni Amittai, na nagsasabi, Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at humiyaw ka laban doon; sapagka't ang kanilang kasamaan ay umabot sa harap ko” (Jon 1:1-2). Sa mga talatang ito mula sa Kasulatan, alam natin na inutusan ng Diyos na si Jehova si Jonas na magtungo sa lungsod ng Nineve. Bakit Niya inutusan si Jonas na magpunta sa lungsod na ito? Malinaw ang sinabi sa Biblia tungkol dito: Ang kasalanan ng mga tao sa buong lungsod ay nakaabot sa paningin ng Diyos na si Jehova, kaya isinugo Niya si Jonas upang ipahayag sa kanila ang nais Niyang gawin. Kahit na walang nakatala kung sino si Jonas, ito ay, siyempre, walang kaugnayan para makilala ang Diyos. Kaya, hindi naman kailangang makilala ang taong ito. Ang tanging kailangan mong malaman ay kung ano ang iniutos ng Diyos kay Jonas na gawin at bakit ginawa Niya ang bagay na ito?
Umabot ang Babala ng Diyos na si Jehova sa mga Taga-Nineve
Tingnan natin ang ikalawang talata talata sa ikatlong kabanata ng Aklat ni Jonas: “At pumasok si Jonas sa bayan na may isang araw na gumagala, at siya'y sumigaw, at nagsasabi, Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak.” Ito ang mga salita na direktang ipinasasabi ng Diyos kay Jonas para sa mga taga-Nineve. Siyempre, ito rin ang mga salita na nais sabihin ni Jehova sa mga taga-Nineve. Sinasabi sa atin ng mga salitang ito na nagsimulang kasuklaman at kamuhian ng Diyos ang mga mamamayan ng lungsod dahil ang kanilang mga kasalanan ay nakarating na sa paningin ng Diyos, kaya ninais Niyang wasakin ang lungsod. Ngunit bago Niya wasakin ang lungsod, ipaaalam muna Niya ito sa mga taga-Nineve, at kasabay niyon ay bibigyan Niya sila ng pagkakataon na magsisi sa kanilang mga kasalanan at magsimula ng panibago. Magtatagal lamang ng apatnapung araw ang pagkakataon na ito. Sa madaling salita, kapag hindi nagsisi ang mga tao sa lungsod, aminin ang kanilang mga kasalanan o magpakumbaba sa harap ng Diyos na si Jehova sa loob ng apatnapung araw, wawasakin ng Diyos ang lungsod tulad ng ginawa Niya sa Sodoma. Ito ang nais sabihin ng Diyos na si Jehova sa mga taga-Nineve. Malinaw na hindi ito simpleng pahayag. Hindi lamang ipinapahiwatig nito ang galit ng Diyos na si Jehova, ipinapahiwatig din nito ang Kanyang damdamin sa mga taga-Nineve; at gayun din, nagsisilbi rin ang simpleng pahayag na ito bilang taimtim na babala sa mga naninirahan sa loob ng lungsod. Ang babalang ito ang magsasabi sa kanila na ang kanilang masasamang gawa ay nagdulot ng pagkapoot ng Diyos na si Jehova, at ang kanilang masasamang gawain ang magdadala sa kanila sa bingit ng kanilang sariling pagkalipol; kaya ang buhay ng bawat isa sa Nineve ay nasa nalalapit na kapahamakan.
Ang Payak na Pagkakaiba ng Reaksyon ng Nineve at Sodoma sa Babala ng Diyos na si Jehova
Ano ang ibig sabihin ng mapabagsak? Sa pangkaraniwang termino, ang ibig sabihin nito ay maglaho. Ngunit sa anong paraan? Sino ang makapagpapabagsak sa buong lungsod? Siyempre imposibleng magawa ng isang tao ang gayong gawain. Hindi mga hangal ang mga taong ito; sa sandaling marinig nila ang pahayag na ito, nakuha na nila ang ideya. Alam nila na mula ito sa Diyos; alam nila na isasagawa ng Diyos ang Kanyang trabaho; alam nila na ang kanilang kasalanan ang nagpasiklab sa poot ng Diyos na si Jehova at nagdala ng Kanyang galit sa kanila, kaya sila ay malapit nang puksain kasama ng kanilang lungsod. Paano nagpakabait ang mga mamamayan ng lungsod matapos nilang marinig ang babala ng Diyos na si Jehova? Inilarawan ng Biblia ang malinaw na detalye kung paano tumugon ang mga tao, mula sa kanilang hari hanggang sa pangkaraniwang tao. Batay sa tala ng Kasulatan: “At ang bayan ng Ninive ay sumampalataya sa Dios; at sila'y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila. At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive, at siya'y tumindig sa kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at nagbalot siya ng kayong magaspang, at naupo sa mga abo. At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig; Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawa't isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay…”
Matapos marinig ang pahayag ng Diyos na si Jehova, ang mga mamamayan ng Nineve ay nagpakita ng pag-uugali na lubos na kabaliktaran ng mga tao sa Sodoma – ang mga mamamayan ng Sodoma ay hayagang kinalaban ang Diyos, nagpapatuloy mula sa kasamaan hanggang sa kasamaan, ngunit matapos marinig ang mga salitang ito, hindi binalewala ng mga taga-Nineve ang bagay na ito, o tinanggihan man; sa halip, naniwala sila sa Diyos at nagpahayag ng pag-aayuno. Ano ang tinutukoy ng “naniwala’ dito? Ang salitang ito ay nagpapahiwatig ng pananampalataya at pagpapasakop. Kung gagamitin natin ang mismong ginawa ng mga taga-Nineve upang ipaliwanag ang salitang ito, nangangahulugan ito na naniwala sila na gagawin at kayang gawin ng Diyos ang Kanyang sinabi, at nakahanda silang magsisi. Ang mga taga-Nineve ba ay nakadama ng takot sa harap ng nalalapit na panganib? Ang kanilang paniniwala ang nagdulot ng takot sa kanilang mga puso. Pero ano ang magagamit natin upang patunayan ang paniniwala at pagkatakot ng mga taga-Nineve? Ito ang sinasabi sa Biblia: “at sila'y[a] nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila.” Masasabi natin na ang mga taga-Nineve ay tunay na naniwala, at nagdulot ng takot ang paniniwalang ito, na humantong sa pag-aayuno at pagsusuot ng sako. Ganito nila ipinakita ang simula ng kanilang pagsisisi. Sa lubos na kaibahan sa mga taga-Sodoma, hindi lamang sa hindi nilabanan ng mga taga-Nineve ang Diyos, malinaw din nilang ipinakita ang kanilang pagsisisi sa pamamagitan ng kanilang damdamin at gawa. At siyempre, hindi lamang ito para sa mga karaniwang mamamayan ng Nineve; maging ang kanilang hari ay hindi natatangi.
Ang Pagsisisi ng Hari ng Nineve ang Pumukaw sa Papuri ng Diyos na si Jehova
Nang marinig ng hari ng Nineve ang balitang ito, tumayo siya mula sa kanyang trono, hinubad ang kanyang balabal, nagdamit ng sako at naupo sa abo. Pagkatapos ay kanyang ipinahayag na wala kahit isa ang papayagang tumikim ng pagkain, at walang mga hayop, mga tupa at baka ang kakain o iinom ng tubig. Ang tao at ang hayop ay magdadamit ng sako; lahat ng mamamayan ay magmamakaawa sa Diyos. Ipinahayag din ng hari na bawat isa sa kanila ay tatalikod na sa kanilang masasamang gawain at iiwasan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Sa paghatol sa sunod-sunod na mga ginawang ito, ipinakita ng hari ng Nineve ang kanyang taos-pusong pagsisisi. Ang sunod-sunod na pagkilos na kanyang ginawa – tumayo mula sa kanyang trono, hinubad ang kanyang balabal ng pagiging hari, nagdamit ng sako at naupo sa abo – na nagpapahayag sa mga tao na isinantabi ng hari ng Nineve ang kanyang kalagayan bilang hari at nagdamit ng sako kasama ang pangkaraniwang mamamayan. Masasabi natin na ang hari ng Nineve ay hindi nanatili sa kanyang pagiging hari para ipagpatuloy ang kanyang masamang gawa, o ang karahasan sa kanyang mga kamay matapos marinig ang balita mula sa Diyos na si Jehova; sa halip, isinantabi niya ang awtoridad na kanyang hawak at nagsisi sa harap ng Diyos na si Jehova. Sa pagkakataong ito, hindi nagsisisi ang hari ng Nineve bilang hari; humarap siya sa Diyos upang magkumpisal at magsisi sa kanyang mga kasalanan bilang isang pangkaraniwang nilalang ng Diyos. Bukod pa dito, sinabihan din niya ang buong lungsod na magkumpisal at magsisi sa kanilang mga kasalanan sa harap ng Diyos na si Jehova tulad ng ginawa niya; dagdag pa dito, may tiyak siyang plano kung paano isasagawa ito, tulad ng makikita sa Kasulatan: “Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig; Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawa't isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay.” Bilang tagapamahala ng lungsod, ang hari ng Nineve ay nagtataglay ng pinakamataas na kalagayan at kapangyarihan at makakaya niyang gawin ang anumang bagay na kanyang naisin. Nang matanggap ang pahayag ng Diyos na si Jehova, maaari naman niyang balewalain na lang ito o nangumpisal na lamang at nagsisi sa kanyang mga kasalanan nang nag-iisa; kung pipiliin ng mga tao o hindi na magsisi, maaari naman niyang pabayaan na lamang ang bagay na ito nang lubusan. Ngunit hindi kailanman ginawa ito ng hari ng Nineve. Hindi lamang siya tumayo mula sa kanyang trono, nagdamit ng sako at naupo sa abo, at nangumpisal at nagsisi sa kanyang mga kasalanan sa harap ng Diyos na si Jehova, inutusan din niya ang lahat ng tao at mga hayop sa buong lungsod na gayon din ang gawin. Inutusan pa niya ang mga tao na “buong taimtim na tumawag sa Diyos.” Sa pamamagitan ng mga sunod-sunod na gawaing ito, tunay na nagampanan ng hari ng Nineve kung paano maging tagapamahala; ang kanyang mga ginawa ay isang bagay na mahirap gawin ng sinumang hari sa kasaysayan, at isang bagay din na walang nakagawa. Ang mga gawaing ito ay tinatawag na wala pang nakagagawang pamamahala sa kasaysayan ng sangkatauhan; sila ay karapat-dapat na parehong alalahanin at tularan ng sangkatauhan. Simula sa pagsisimula ng tao, bawat hari ay pinangunahan ang kanyang nasasakupan na tanggihan at labanan ang Diyos. Wala kahit isa na pinangunahan ang kanyang nasasakupan na magsumamo sa Diyos upang tubusin sila sa kanilang kasalanan, tanggapin ang pagpapatawad ng Diyos na si Jehova at maiwasan ang nalalapit na parusa. Subalit ang hari ng Nineve ay nakayang pangunahan ang kanyang nasasakupan na manumbalik sa Diyos, iwan na ang kanilang makasalanang mga gawa at layuan na ang karahasan sa kanilang mga kamay. Bukod pa dito, nagawa rin niyang iwanan ang kanyang trono, at bilang ganti, nagbago ng isip at nag-iba ang damdamin ng Diyos na si Jehova at binawi ang Kanyang galit, at hinayaan ang mga mamamayan ng lungsod na maligtas at malayo sila sa pagkawasak. Ang ginawa ng hari ay maaari lamang matawag na isang pambihirang himala sa kasaysayan ng tao; at maaari din itong matawag na isang modelo ng makasalanang sangkatauhan na mangumpisal at magsisi sa kanilang mga kasalanan sa harap ng Diyos.
Nakikita ng Diyos ang Tapat na Pagsisisi sa Kaibuturan ng Puso ng mga Taga-Nineve
Pagkatapos mapakinggan ang pagpapahayag ng Diyos, ang hari ng Nineve at ang kanyang nasasakupan ay nagsagawa ng serye ng mga pagkilos. Ano ang kalikasan ng kanilang asal at mga gawa? Sa madaling salita, ano ang diwa ng kabuuan nilang pag-uugali? Bakit nila ang ginawa ang kanilang nagawa? Sa mata ng Diyos, naging tapat ang kanilang pagsisisi, hindi lamang dahil buong sikap silang nagsumamo sa Diyos at nangumpisal sa kanilang mga kasalanan sa harap Niya, kundi dahil na rin sa iniwan na nila ang kanilang makasalanang pag-uugali. Ginawa nila ang ganito dahil matapos nilang marinig ang mga salita ng Diyos, labis silang natakot at naniwala na gagawin Niya ang Kanyang sinabi. Sa pamamagitan ng pag-aayuno, pagdadamit ng sako at pag-upo sa abo, ninais nilang magpahayag ng kanilang pagpayag na baguhin ang kanilang mga pamamaraan at tumigil na sa kasamaan, upang manalangin sa Diyos na si Jehova na pigilin ang Kanyang galit, upang magsumamo sa Diyos na si Jehova na bawiin ang Kanyang pasiya, gayun din ang malaking kapahamakan na maaaring dumating sa kanila. Sa pamamagitan ng pag-aaral sa kanilang pag-uugali, makikita natin na nauunawaan na nila na ang kanilang nakaraang masasamang gawa ay kasuklam-suklam sa Diyos na si Jehova at nauunawan nila ang dahilan kung bakit malapit na Niya silang puksain. Dahil sa mga ito, ninais nilang lubusang magsisi, talikuran ang kanilang masasamang gawa, at iwanan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Sa madaling salita, nang maunawaan na nila ang pahayag ng Diyos na si Jehova, ang bawat isa sa kanila ay nakadama ng takot sa kanilang mga puso; hindi na nila ipinagpatuloy ang kanilang masamang pag-uugali o hindi na nagpatuloy na sundin ang mga gawang kinamumuhian ng Diyos na si Jehova. Dagdag pa dito, nagsumamo sila sa Diyos na si Jehova na patawarin ang kanilang mga nakaraang kasalanan at huwag silang parusahan batay sa kanilang nakaraang mga ginawa. Nakahanda silang hindi na muling mamumuhay sa kasalanan at gagawa na sila ayon sa mga ipinag-uutos ng Diyos na si Jehova, hindi na nila muling pasisiklabin ang galit ng Diyos na si Jehova. Tapat at ganap ang kanilang pagsisisi. Galing ito sa kaibuturan ng kanilang mga puso at hindi nagkukunwari o hindi pansamantala lamang.
Sa sandaling nalaman ng mga taga-Nineve, mula sa kataas-taasang hari hanggang sa kanyang mga nasasakupan, na nagagalit sa kanila ang Diyos na si Jehova, bawat bagay na kanilang gagawin, ang kanilang buong asal, maging ang bawat pagpapasya at pagpili na kanilang gagawin ay malinaw at lantad sa paningin ng Diyos. Nagbago ang puso ng Diyos ayon sa kanilang pag-uugali. Ano ang nasa isip ng Diyos ng mga sandaling iyon? Kayang sagutin ng Biblia ang tanong na iyan para sa iyo. Ayon sa nakatala sa Kasulatan: “At nakita ng Dios ang kanilang mga gawa, na sila'y nagsihiwalay sa kanilang masamang lakad; at nagsisi ang Dios sa kasamaan, na kaniyang sinabing kaniyang gagawin sa kanila; at hindi niya ginawa.” Bagaman binago ng Diyos ang Kanyang kaisipan, wala namang kaguluhan tungkol sa Kanyang kaisipan. Ipinahayag lamang Niya ang Kanyang galit upang pakalmahin ang Kanyang galit, at pagkatapos ay nagpasya na huwag nang dalhin ang malupit na kapahamakan sa lungsod ng Nineve. Ang dahilan kung bakit napagpasyahan ito ng Diyos – na iligtas ang mga taga-Nineve sa malupit na kapahamakan – nang napakabilis na pinagmasdan ng Diyos ang puso ng bawat tao sa Nineve. Nakita Niya ang kanilang itinatago mula sa kalaliman ng kanilang mga puso: ang kanilang tapat na pangungumpisal at pagsisisi sa kanilang mga kasalanan, ang kanilang tapat na paniniwala sa Kanya, ang kanilang malalim na pakiramdam kung paanong ang kanilang kasamaan ay lubos na nagpagalit sa Kanyang katangian, at nagdulot ito ng takot sa nalalapit na pagpaparusa ng Diyos na si Jehova. At gayun din naman, narinig ng Diyos na si Jehova ang mga panalangin mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso na taimtim na nakiusap na pigilin Niya ang Kanyang galit laban sa kanila upang makaiwas sila sa parating na kapahamakan. Nang mapansin ng Diyos ang lahat ng mga pangyayaring ito, unti-unting naglaho ang Kanyang galit. Kahit gaano kalaki ang Kanyang galit sa nakaraan, nang makita Niya ang tapat na pagsisisi sa kaibuturan ng puso ng mga taong ito, nabagbag nito ang Kanyang puso, kaya hindi Niya makayang dalhin ang kapahamakan sa kanila, at humupa na ang Kanyang galit sa kanila. Sa halip, patuloy Niyang ipinadama ang Kanyang kaawaan at pagpapaubaya sa kanila at patuloy silang ginabayan at tinustusan ng mga pangangailangan.
Kung ang Paniniwala Mo sa Diyos ay Totoo, Madalas Mong Matatanggap ang Kanyang Pag-iingat
Ang pagbabago ng intensyon ng Diyos sa mga mamamayan ng Nineve ay walang kasamang pag-aalinlangan o kalabuan. Sa halip, pag-iba ito ng anyo mula sa ganap na pagkagalit tungo sa ganap na pagpaparaya. Ito ay isang tunay na kapahayagan ng diwa ng Diyos. Hindi Siya urong-sulong o atubili sa Kanyang mga gawain; ang mga prinsipyo at mga layunin sa likod ng Kanyang mga gawain ay malinaw at tumatagos sa lahat, dalisay at walang kapintasan, tiyak na walang daya o mga balakin na nakahalo sa loob. Sa madaling salita, walang nakahalong kadiliman o kasamaan sa diwa ng Diyos. Nagalit ang Diyos sa mga taga-Nineve dahil ang kanilang masasamang gawa ay nakaabot na sa Kanyang paningin; sa panahong iyon, ang Kanyang galit ay nagmula sa Kanyang diwa. Ngunit, nang mawala na ang galit ng Diyos at minsan pa ay Kanyang ipinagkaloob ang pagpaparaya sa mga taga-Nineve, lahat ng Kanyang ipinahayag ay ang Kanya pa ring sariling diwa. Ang kabuuan ng Kanyang pagbabago ay dahil sa pagbabago sa pag-uugali ng tao para sa Diyos. Sa loob ng buong panahon na ito, ang hindi maaaring saktan na katangian ng Diyos ay hindi nagbago; ang mapagparayang diwa ng Diyos ay hindi nagbago; ang mapagmahal at maawaing diwa ng Diyos ay hindi nagbago. Kapag nakagawa ng masamang gawa ang mga tao at nagkasala sa Diyos, ipadadala Niya ang Kanyang galit sa kanila. Kapag ang mga tao ay tunay na nagsisi, magbabago ang puso ng Diyos, at huhupa na ang Kanyang galit. Kapag nagpatuloy sa pagkalaban ang mga tao sa Diyos, ang Kanyang matinding galit ay hindi mapipigil; ang Kanyang galit ay unti-unting ididiin hanggang sa sila ay mawasak. Ito ang diwa ng katangian ng Diyos. Magpapahayag man ang Diyos ng galit o awa at kagandahang loob, mahahayag ang asal ng tao, damdamin at saloobin ng tao para sa Diyos na nagmumula sa kalaliman ng kanyang puso sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katangian ng Diyos. Kung patuloy na ipaiilalim ng Diyos ang isang tao sa Kanyang galit, malamang na ang puso ng taong ito ay lumalaban sa Diyos. Dahil hindi pa talaga siya nagsisisi nang lubusan, hindi nagpapakumbaba sa harap ng Diyos o nagtataglay ng tunay na paniniwala sa Diyos, hindi niya nakamit ang awa at pagpaparaya ng Diyos. Kapag ang isang tao ay madalas makatanggap ng pag-iingat ng Diyos at madalas makamit ang Kanyang awa at pagpaparaya, ibig sabihin, ang taong ito ay walang alinlangan na may tunay na paniniwala sa Diyos sa kanyang puso, at ang kanyang puso ay hindi lumalaban sa Diyos. Madalas siyang nagsisisi sa harap ng Diyos; kaya madalas dumating sa kanya ang pagdisiplina ng Diyos, hindi ang Kanyang galit.
Ang maikling pangyayaring ito ay pagkakataon para sa mga tao na makita ang puso ng Diyos, para makita ang katotohanan ng Kanyang diwa, para makita na ang Kanyang galit at ang pagbabago ng Kanyang puso ay may dahilan. Sa kabila ng malinaw na pagkakaiba ng ipinakita ng Diyos nang Siya ay magalit at nang baguhin Niya ang Kanyang puso, na nagpaniwala sa mga tao na parang may malaking puwang o malaking pagkakaiba sa pagitan ng dalawang anyong ito ng diwa ng Diyos – ang Kanyang galit at ang Kanyang pagpaparaya – ang saloobin ng Diyos sa pagsisisi ng mga taga-Nineve ay muling nagbigay ng pagkakataon sa mga tao na makita ang kabilang bahagi ng tunay na katangian ng Diyos. Ang pagbabago ng puso ng Diyos ay tunay na pagbibigay ng pagkakataon para sa sangkatauhan na makitang muli ang katotohanan ng awa at kabutihan ng Diyos at upang makita ang tunay na kapahayagan ng diwa ng Diyos. Nagkaroon ang sangkatauhan ng kaalaman na ang awa at kabutihan ng Diyos ay hindi kathang-isip, o kaya’y isang gawa-gawa lamang. Ito ay dahil sa totoo ang nararamdaman ng Diyos sa pagkakataong iyon; ang pagbabago ng puso ng Diyos ay totoo; Tunay na minsan pang ipinagkaloob ng Diyos ang Kanyang awa at pagpaparaya sa sangkatauhan.
Ang Tunay na Pagsisisi sa Puso ng mga Taga-Nineve ang Nagdulot sa Kanila ng Awa ng Diyos at Nagpabago sa Kanilang Sariling Kahihinatnan
May anumang pagkakasalungat ba sa pagitan ng pagbabago ng puso ng Diyos at sa Kanyang galit? Wala, siyempre! Ito ay dahil namayani ang pagpaparaya ng Diyos sa pagkakataong ito. Ano kaya ang dahilan nito? Ito ang sinabi sa Biblia: “Bawat tao ay lumayo sa kanyang masamang gawi” at “iniwan ang karahasan sa kanilang mga kamay.”
Ang “masamang gawi” ay hindi tumutukoy sa isang dakot ng masasamang mga gawa, kundi ang masamang pinagmumulan sa likod ng pag-uugali ng mga tao. “Ang paglayo sa kanyang masamang gawi” ay nangangahulugan na hindi na nila muling gagawin ang mga gawaing ito. Sa madaling salita, hindi na sila muling mamumuhay sa masamang gawing ito; ang paraan, pinagmulan, layunin, intensyon at prinsipyo ng kanilang mga gawain ay nagbago nang lahat; hindi na nila muling gagamitin ang mga pamamaraan at mga prinsipyong ito upang magdulot ng kasiyahan at kaligayahan sa kanilang mga puso. Ang “iniwan” sa “iniwan ang karahasan sa kanilang mga kamay” ay nangangahulugan na ibinaba o isinantabi, upang makawala na sa nakaraan at hindi na muling balikan. Nang iwanan ng mga taga-Nineve ang karahasan sa kanilang mga kamay, pinatunayan at ipinakita nito ang kanilang tunay na pagsisisi. Pinagmamasdan ng Diyos ang panlabas na kalagayan ng mga tao, gayun din ang kanilang mga puso. Nang mapansin ng Diyos ang tunay na pagsisisi sa puso ng mga taga-Nineve, at napansin din na nilayuan na nila ang kanilang masasamang gawi at iniwan ang karahasan sa kanilang mga kamay, binago Niya ang Kanyang puso. Ibig sabihin, ang asal at pag-uugali ng mga taong ito at ang iba’t ibang pamamaraan ng kanilang paggawa, gayun din ang kanilang tapat na pangungumpisal at pagsisisi sa mga kasalanan sa kanilang puso, ang dahilan kaya nagbago ang puso ng Diyos, nagbago ang Kanyang mga intensiyon, umatras sa kanyang pagpapasya at hindi na sila parurusahan o lilipulin man. Kaya nagkaroon ang mga taga-Nineve ng kakaibang katapusan. Nailigtas nila ang kanilang mga buhay at natamo din nila ang awa at pagpaparaya ng Diyos, kung saan iniatras din ng Diyos ang Kanyang galit.
Ang Awa at Pagpaparaya ng Diyos ay hindi Bihira – Ang Tapat na Pagsisisi ng Tao ang Bibihira
Kahit gaano ang galit ng Diyos sa mga taga-Nineve, sa sandaling nagpahayag sila ng pag-aayuno at nagsuot ng sako at naupo sa abo, unti-unting lumambot ang Kanyang puso, at nagsimulang baguhin ang Kanyang puso. Nang sabihin Niyang wawasakin Niya ang kanilang lungsod – ang panahon bago ang kanilang pangungumpisal at pagsisisi sa kanilang mga kasalanan – galit pa din sa kanila ang Diyos. Nang dumaan sila sa serye ng mga pagsisisi, unti-unting humupa ang galit ng Diyos sa mga taga-Nineve at napalitan ng awa at pagpaparaya sa kanila. Walang anumang salungatan tungkol sa magkaparehong pahayag ng dalawang anyo ng katangian ng Diyos sa magkaparehong pangyayari. Paano mauunawaan at malalaman ng isang tao ang ganitong kawalan ng pagkakasalungatan? Sunod-sunod na ipinahayag ng Diyos ang dalawang magkatapat na bahaging ito ng mga anyo nang magsisi ang mga taga-Nineve, upang makita ng mga tao ang katunayan at hindi nakapagtatakang diwa ng Diyos. Ginamit ng Diyos ang Kanyang saloobin upang sabihin sa mga tao ang mga sumusunod: hindi kinukunsinti ng Diyos ang mga tao, o hindi Niya nais na maawa sa kanila; ito ay dahil sa bihira silang magsisi nang tapat sa Diyos, at bihira silang lumayo sa kanilang masasamang mga gawi at iwanan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Sa madaling sabi, kapag nagagalit ang Diyos sa tao, umaasa Siya na makakaya ng tao na magsisi ng tapat, at umaasa Siya na makikita ang tunay na pagsisisi ng tao, na dahil dito, buong laya Niyang ipagpapatuloy na ipagkaloob ang Kanyang awa at pagpaparaya sa tao. Ibig sabihin nito na ang masamang ugali ng tao ay magbubunga ng galit ng Diyos, at kung saan naman ang awa at pagpaparaya ng Diyos ay ipagkakaloob sa kanila na nakikinig sa Diyos at tunay na nagsisisi sa harap Niya, sa mga tatalikod sa kanilang masasamang gawi at iiwan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Ang tunay na saloobin ng Diyos ay malinaw na ipinahayag sa Kayang pakikitungo sa mga taga-Nineve: ang awa at pagpaparaya ng Diyos ay hindi lubhang mahirap na makamit; ang hinihingi Niya lamang ay ang tunay na pagsisisi. Kapag ang mga tao ay tumatalikod sa kanilang masasamang gawi at iniiwan ang karahasan sa kanilang mga kamay, babaguhin ng Diyos ang Kanyang puso at ang Kanyang saloobin sa kanila.
Ang Matuwid na Katangian ng Manlilikha ay Tunay at Malinaw
Nang baguhin ng Diyos ang kanyang puso para sa mga taga-Nineve, ang Kanya bang awa at pagpaparaya ay isang pakunwari lamang? Hindi siyempre! Kung gayon, ano ang pagbabago sa pagitan ng dalawang anyong ito ng katangian ng Diyos sa parehong bagay ang pinayagan kang makita? Ang katangian ng Diyos ay ganap na buo; hindi ito kailanman naghihiwalay. Kahit na Siya ay nagpapahayag ng galit o awa at pagpaparaya sa mga tao, lahat ng ito ay kapahayagan ng Kanyang matuwid na katangian. Ang katangian ng Diyos ay tunay at malinaw. Binabago Niya ang kanyang pag-iisip at saloobin batay sa pagbabago ng mga bagay. Ang pagbabago ng Kanyang saloobin sa mga taga-Nineve ay nagsasabi na mayroon Siyang sariling isipan at pananaw; hindi Siya isang robot o putik na inaanyuan, kundi ang buhay na Diyos Mismo. Maaari Siyang magalit sa mga mamamayan ng Nineve, at maaari din Niyang patawarin ang kanilang mga nakaraan batay sa kanilang pag-uugali; maaari Siyang magpasya na magpadala ng kasawian sa mga taga-Nineve, at maaari din Niyang baguhin ang Kanyang pagpapasiya dahil sa kanilang pagsisisi. Ninais ng mga tao na sundin ang mga batas nang wala sa loob, at ninais nilang gamitin ang mga batas upang itatag at bigyang kahulugan ang Diyos, tulad ng kanilang pagnanais na gumamit ng mga pormula upang alamin ang katangian ng Diyos. Kaya batay sa naaabot ng kaisipan ng tao, ang Diyos ay hindi nag-iisip, o walang anomang matibay na pananaw. Sa katotohanan, ang kaisipan ng Diyos ay patuloy na nagbabago ayon sa mga pagbabago ng mga bagay at kapaligiran; habang ang mga kaisipang ito ay nagbabago, naipahahayag ang iba’t ibang anyo ng diwa ng Diyos. Sa panahong ito ng pagproseso ng pagbabago, at sa sandaling baguhin ng Diyos ang Kanyang puso, ipinahahayag Niya sa sangkatauhan ang katotohanan ng pagkakaroon Niya ng buhay, at ipinahahayag Niya na ang Kanyang matuwid na katangian ay tunay at malinaw. Bukod pa dito, ginagamit ng Diyos ang Kanyang tunay na paghahayag upang patunayan sa mga tao ang katotohanan ng Kanyang galit, awa, kabutihan at ang Kanyang pagpaparaya. Ang Kanyang diwa ay maipahahayag sa anumang oras o saan mang lugar ayon sa mga pagbabago ng mga bagay. Nagtataglay Siya ng galit ng isang leon at pagmamahal at pagpaparaya na parang isang ina. Ang Kanyang matuwid na katangian ay hindi hinahayaang mapagdudahan, malapastangan, mabago o mailayo sa katotohanan ng sinumang tao. Sa lahat ng mga pangyayari at mga bagay-bagay, ang matuwid na katangian ng Diyos, iyon ay ang, galit ng Diyos at awa ng Diyos, ay maaaring maihayag anomang oras o saan mang lugar. Malinaw niyang ipinahiwatig ang mga anyong ito sa bawat sulok at bahagi ng kalikasan at masiglang dala-dala ito sa bawat sandali. Ang matuwid na katangian ng Diyos ay walang hangganan sa panahon o lugar, o sa madaling salita, ang matuwid na katangian ng Diyos ay hindi ipinapahayag gamit ang makina o ayon sa idinidikta ng hangganan ng panahon o lugar. Ang matuwid na katangian ng Diyos ay malayang naihahayag sa anumang panahon o saan mang lugar. Kapag nakita mong binago ng Diyos ang Kanyang puso at huminto na maipahayag ang Kanyang galit at tumigil na wasakin ang ang lungsod ng Nineve, masasabi mo ba na ang Diyos ay mahabagin at mapagmahal lamang? Masasabi mo ba na ang galit ng Diyos ay naglalaman ng walang saysay na mga salita? Kapag ipinadama ng Diyos ang Kanyang matinding galit at iniurong ang Kanyang awa, masasabi mo ba na hindi Siya nakararamdam ng tunay na pagmamahal sa sangkatauhan? Matindi ang galit ng Diyos bilang tugon sa masasamang gawa ng mga tao; ang Kanyang galit ay walang kapintasan. Nagbabago ang puso ng Diyos dahil sa pagsisisi ng mga tao, at ang pagsisising ito ang bumabago ng Kanyang puso. Maari Siyang kumilos, ang pagbabago ng Kanyang puso, maging ang Kanyang awa at pagpaparaya sa tao ay masasabi na lubos na walang kapintasan; sila ay malinis, dalisay, walang dungis at walang halo. Ang pagpaparaya ng Diyos ay tunay na pagpaparaya; ang Kanyang awa ay tunay na awa. Inihahayag ng Kanyang katangian ang Kanyang galit, gayon din ang Kanyang awa at pagpaparaya, batay sa pagsisisi ng tao at sa kanyang asal. Kahit ano man ang Kanyang ipahayag at ipadama, lahat ng ito ay dalisay; lahat ng ito ay direkta; ang anyo nito ay iba sa anumang nilikha. Ang mga prinsipyo ng mga gawain na ipinapahiwatig ng Diyos, sa Kanyang mga kaisipan at mga pananaw o anumang pagpapasya, maging ang anumang isahang gawain, ay walang bahid ng anumang kapintasan at dungis. Ayon sa pasiya ng Diyos, iyon ang Kanyang gagawin, at sa pagkakataong ito, nagawa na Niya ang dapat Niyang gawin. Ang mga uri ng resultang ito ay tiyak at walang mali sapagkat ang pinagmulan ay walang kapintasan at walang dungis. Ang galit ng Diyos ay walang kamali-mali. Gayun din, ang awa at pagpaparaya ng Diyos, na hindi pagmamay-ari ng sinumang nilalang, ay banal at walang kapintasan, at makakaya nilang tumayo sa deliberasyon at karanasan.
Matapos maunawaan ang kasaysayan ng Nineve, nakita mo ba ang kabilang bahagi ng diwa ng matuwid na katangian ng Diyos? Nakita mo ba ang bukod-tanging matuwid na katangian ng Diyos? Mayroon ba sa sangkatauhan ang nagtataglay ng ganitong uri ng katangian? Mayroon bang nagtataglay ng ganitong uri ng galit tulad ng sa Diyos? Mayroon bang nagtataglay ng awa at pagpaparaya tulad ng sa Diyos? Sino sa mga nilikha ang makakapagpatawag ng maraming galit at makapagpapasya na wasakin o magdala ng kalamidad sa tao? At sino ang karapat-dapat na magbigay ng awa, na kunsintihin at patawarin ang tao, at pagkatapos ay baguhin ang isang pasya na lipulin ang tao? Ipinahayag ng Manlilikha ang Kanyang matuwid na katangian sa pamamagitan ng Kanyang sariling bukod-tanging mga pamamaraan at prinsipyo; hindi Siya nakapailalim sa kontrol o pagpigil ng sinumang tao, pangyayari o anumang bagay. Dahil sa Kanyang bukod-tanging katangian, walang sinuman ang makagagawang baguhin ang Kanyang kaisipan at mga pananaw, o walang sinuman ang maaring humimok sa Kanya at baguhin ang kahit ano Niyang pagpapasya. Ang kabuuan ng asal at kaisipan ng nilikha ay nabuo sa ilalim ng paghatol ng Kanyang matuwid na katangian. Walang sinumang makakontrol sa Kanyang pagpapadama ng galit o awa; tanging ang diwa lamang ng Manlilikha – o sa madaling salita, ang matuwid na katangian ng Manlilikha – ang makapagpapasiya dito. Ito ang bukod-tanging kalikasan ng matuwid na katangian ng Manlilikha!
Sa sandaling masuri at maunawaan na natin ang pagbabago ng saloobin ng Diyos sa mga taga-Nineve, makakaya mo na kayang gamitin ang salitang “bukod-tangi” upang ilarawan ang kaawaan na matatagpuan sa matuwid na katangian ng Diyos? Nasabi na natin sa nakaraan na ang galit ng Diyos ay isang anyo ng diwa ng Kanyang bukod-tanging matuwid na katangian. Ipaliliwanag ko ngayon ang dalawang diwa, ang galit ng Diyos at ang awa ng Diyos, bilang Kanyang matuwid na katangian. Ang matuwid na katangian ng Diyos ay banal; ito ay hindi nasasaktan at wala kang maitatanong; walang maaaring makapagmamay-ari dito na sinumang nilalang o hindi nilalang. Ito ay parehong bukod-tanging sa Diyos lamang ang makapagtataglay. Masasabi natin na ang galit ng Diyos ay banal at hindi maaaring saktan; at gayun din naman, ang isa pang anyo ng matuwid na katangian ng Diyos – ang awa ng Diyos – ay banal at hindi maaaring saktan. Walang sinuman sa nilikha o hindi nilikha ang maaring pumalit o kumatawan sa Diyos sa Kanyang mga gawain, o walang maaring pumalit at kumatawan sa Kanya sa pagwasak ng Sodoma o sa pagliligtas sa Nineve. Ito ang tunay na kapahayagan ng bukod-tanging matuwid na katangian ng Diyos.
Ang Tapat na Damdamin ng Manlilikha sa Sangkatauhan
Sinasabi ng mga tao na hindi madaling bagay ang makilala ang Diyos. Ngunit sinasabi ko na ang kilalanin ang Diyos ay hindi mahirap na bagay kailanman, sapagkat madalas na hinahayaan ng Diyos ang tao na pagmasdan ang Kanyang mga gawa. Hindi itinigil ng Diyos ang Kanyang pakikipag-usap sa mga tao; hindi Niya kailanman itinago o inilihim ang Kanyang sarili sa tao. Ang Kanyang kaisipan, ang Kanyang pananaw, ang Kanyang mga salita at mga gawa ay inihayag lahat sa sangkatauhan. Kaya hanggga’t nais ng tao na makilala ang Diyos, makalalapit siya upang maunawaan at makilala ang Diyos sa pamamagitan ng lahat ng paraan at pamamaraan. Ang dahilan kung bakit bulag ang tao sa pag-iisip na sinasadyang iwasan siya ng Diyos, bulag sa pag-iisip na sinasadyang pagtaguan ng Diyos ang sangkatauhan, na ang Diyos ay walang intensyon na payagan ang tao na maunawaan at makilala Siya, dahil hindi niya alam kung sino ang Diyos, o hindi niya ninais na maunawaan ang Diyos; higit sa lahat, wala siyang malasakit sa kaisipan, mga salita o gawa ng Manlilikha..... Sa totoong pag-uusap, kung gagamitin lamang ng isang tao ang kanilang bakanteng oras na pagtuunan ng pansin at unawain ang mga salita at gawa ng Manlilikha, at magbigay ng kaunting pansin sa kaisipan ng Manlilikha at sa sinasabi ng Kanyang puso, hindi magiging mahirap para sa kanila na maunawaan ang kaisipan, mga salita at mga gawa ng Diyos, madaling makita ito at malinaw. Gayundin, kailangan lang ng kaunting pagsisikap upang maunawaan na ang Manlilikha ay nasa kalagitnaan ng mga tao sa lahat nang panahon, na lagi siyang nakikipag-usap sa tao at sa buong sangnilikha, at Siya ay nagsasagawa ng mga bagong gawa araw-araw. Ang Kanyang diwa at katangian ay nahahayag sa Kanyang pakikipag-usap sa tao; Ang Kanyang kaisipan at mga pananaw ay lubos na ipinahahayag sa Kanyang mga gawa; Sinasamahan Niya at inoobserbahan ang sangkatauhan sa lahat ng panahon. Tahimik Siyang nagsasalita sa mga tao at sa lahat ng nilikha sa Kanyang mahinang tinig: Ako ay mas mataas sa sandaigdig, at Ako ay kasama ng Aking mga nilikha. Ako’y patuloy na nagmamasid; Ako’y naghihintay; Ako’y nasa inyong tabi… Ang Kanyang mga kamay ay mainit-init at malakas; ang Kanyang mga yapak ay magaan; ang Kanyang tinig ay mahina at malambing; ang Kanyang anyo ay nagbabago-bago, niyayakap ang buong sangkatauhan; ang Kanyang mukha ay maganda at mahinhin. Hindi Siya kailanman umalis o naglaho man. Mula madaling-araw hanggang pagkagat-dilim, Siya ang patuloy na kasama ng sangkatauhan. Ang Kanyang matapat na pag-iingat at natatanging pagmamahal sa sangkatauhan, gayon din ang Kanyang tunay na pagmamalasakit at pag-ibig sa tao, ay ipinadama Niya ng paunti-unti nang iligtas Niya ang lungsod ng Nineve. Sa isang pangyayari, sa pag-uusap sa pagitan ng Diyos na si Jehova at ni Jonas ay nailatag ang pagkahabag ng Manlilikha sa sangkatauhan na nilikha Niya mismo. Sa pamamagitan ng mga salitang ito, madadama mo ang malalim na pagkaunawa sa tapat na nararamdaman ng Diyos para sa sangkatauhan…
Ang mga sumusunod ay nakatala sa Aklat ni Jonas 4:10-11: “At sinabi ng Panginoon, Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi: At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring hayop?” Ang mga ito ang aktuwal na sinabi ng Diyos na si Jehova, sa pagitan Nila ni Jonas. Bagaman ang palitang ito ay maigsi lamang, ito ay puno ng pag-iingat ng Manlilikha sa tao at ang Kanyang pag-aatubili na bitawan siya. Ang mga salitang ito ay nagpapahayag sa tunay na saloobin at nararamdaman na pinanghahawakan ng Diyos sa Kanyang puso para sa Kanyang nilikha at sa pamamagitan ng malinaw na mga salitang ito, na madalang marinig ng tao, ay inihayag ng Diyos ang Kanyang tunay na intensyon para sa sangkatauhan. Ang pagpapalitan na ito ay kumakatawan sa saloobin na ipinadama ng Diyos sa mga mamamayan ng Nineve – ngunit anong uri ng saloobin ito? Ito ang saloobin na Kanyang pinanghawakan sa mga taga-Nineve bago at pagkatapos ng kanilang pagsisisi. Ganito rin ang pagtrato ng Diyos sa sangkatauhan. Sa pamamagitan ng mga salitang ito, matatagpuan ng tao ang Kanyang kaisipan, gayon din ang Kanyang katangian.
Anong kaisipan ng Diyos ang nagpahayag sa mga salitang ito? Sa masusing pagbabasa ay makikita na ginamit Niya ang salitang “awa”; ang salitang ito ay nagpapakita ng tunay na saloobin ng Diyos para sa sangkatauhan.
Mula sa isang makahulugang pananaw, maaaring bigyang kahulugan ang salitang “awa” sa iba’t ibang paraan: una, upang mahalin at ingatan, maramdaman ang pagiging malambing sa isang bagay; pangalawa, magmahal nang buong giliw; panghuli, parehong handang hindi mananakit at sisikaping magawa ito. Sa madaling sabi, nagpapahiwatig ito ng maingat na pagmamahal at pag-ibig, gayun din na hindi nanaisin na isuko ang isang tao o isang bagay; nangangahulugan ito ng awa at pagpaparaya ng Diyos sa tao. Bagaman gumamit ang Diyos ng isang salita na madalas ginagamit ng mga tao, inilalantad ng paggamit ng salitang ito ang tinig ng puso ng Diyos at ang Kanyang saloobin sa sangkatauhan.
Kahit na ang lungsod ng Nineve ay puno ng mga taong tiwali, masama at marahas katulad ng Sodoma, ang kanilang pagsisisi ang naging dahilan para magbago ang puso ng Diyos at magpasya na hindi na sila lipulin. Dahil ang kanilang pagtugon sa salita at kautusan ng Diyos ay nagpakita ng saloobing ganap na kabaliktaran ng mga mamamayan ng Sodoma, at dahil sa kanilang tapat na pagpapasakop sa Diyos at tapat na pagsisisi sa kanilang mga kasalanan, gayon din sa kanilang tunay at matapat na pag-uugali sa lahat ng pagkakataon, minsan pa ay ipinadama ng Diyos ang Kanyang wagas na kaawaan at ipinagkaloob ito sa kanila. Ang gantimpala ng Diyos at ang Kanyang kaawaan sa sangkatauhan ay mahirap sa sinuman na gayahin; walang taong maaaring magkaroon ng awa at pagpaparaya ng Diyos, o maging ang Kanyang tapat na damdamin para sa sangkatauhan. May isang tao ka bang ipinapalagay na dakilang lalaki o babae, o maging isang makapangyarihang tao, na, magmumula sa isang mataas na kalagayan, na nagsasalita bilang isang dakilang lalaki o babae o sa isang pinakamataas na kalagayan, na makagagawa ng ganitong uri ng panawagan sa sangkatauhan o sa sangnilikha? Sino sa sangkatauhan ang makaaalam sa kundisyon ng pamumuhay ng mga tao tulad ng palad ng kanilang mga kamay? Sino ang makatatagal sa pasanin at pananagutan para mabuhay ang sangkatauhan? Sino ang may kakayahan upang ipahayag ang pagkawasak ng isang lungsod? At sino ang may kakayahang patawarin ang isang lungsod? Sino ang makapagsasabi na minamahal nila ang kanilang sariling nilikha? Tanging ang Manlilikha lamang! Tanging ang Manlilikha ang naaawa sa sangkatauhang ito. Tanging ang Manlilikha ang nagpapakita ng pagiging malambing at pagmamahal. Tanging ang Manlilikha lamang ang may tunay at hindi napapatid na pagmamahal para sa sangkatauhan. Gayun din naman, tanging ang Manlilikha lamang ang nakapagkakaloob ng kaawaan sa mga tao at ibigin ang buong nilikha. Lumulundag at sumasakit ang Kanyang puso sa bawat gawain ng tao: Siya ay nagagalit, nababalisa, at nagdadalamhati sa kasamaan at katiwalian ng tao. Siya ay nalulugod, nagagalak, nagpapatawad at nagsasaya sa pagsisisi at paniniwala ng tao; ang bawat bahagi ng Kanyang isipan at pananaw ay nariyan at umiikot para sa sangkatauhan; kung ano at mayroon Siya ay lubos na ipinahayag para lamang sa sangkatauhan; ang kabuuan ng Kanyang damdamin ay nakapulupot sa pamumuhay ng sangkatauhan. Para sa kapakanan ng mga tao, naglalakbay Siya at nagmamadali; tahimik Niyang ibinibigay ang bawat bahagi ng Kanyang buhay; itinatalaga Niya bawat minuto at segundo ng Kanyang buhay… Hindi Niya kailanman natutunan kung paano kaawaan ang Kanyang sariling buhay, ngunit lagi Niyang kinaaawaan at minamahal ang sangkatauhan na Kanyang nilikha… Ibinigay Niyang lahat ang nasa Kanya para sa mga taong ito… Ibinigay Niya ang Kanyang awa at pagpaparaya nang walang kundisyon at walang inaasahang ganti. Ginawa lamang Niya ito upang patuloy na maging ligtas ang sangkatauhan sa Kanyang harapan; tanggapin ang Kanyang biyaya ng buhay; ginagawa lamang Niya ito upang isang araw ay magpasakop sa Kanya ang sangkatauhan at kilalanin na Siya ang Nag-iisang tumutustos sa pamumuhay ng tao at nagkakaloob ng buhay sa lahat ng nilalang.
Ipinahayag ng Manlilikha ang Kanyang Tunay na Nararamdaman sa Sangkatauhan
Ang pag-uusap na ito sa pagitan ng Diyos na si Jehova at ni Jonas ay walang duda na isang kapahayagan ng tunay na nararamdaman ng Manlilikha sa sangkatauhan. Sa kabilang banda, ipinaaalam nito sa mga tao ang pagkaunawa ng Manlilikha sa buong nilikha na nasa ilalim ng Kanyang pamamahala; tulad ng sinabi ng Diyos na si Jehova,“At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring hayop?” Sa madaling salita, ang pagkaunawa ng Diyos sa Nineve ay hindi naging madalian. Hindi lang Niya alam kung ilan ang bilang ng mga nabubuhay sa buong lungsod (kasama na ang mga tao at mga hayop), alam din Niya kung ilan ang hindi nakaaalam sa pagitan ng kanilang kanan o kaliwang kamay – ibig sabihin, ilang bata at kabataan ang naroroon. Ito ay isang matibay na katunayan sa lubos na pagkaunawa ng Diyos sa sangkatauhan. Sa kabilang banda, ipinaaalam ng pag-uusap na ito sa mga tao ang tungkol sa saloobin ng Manlilikha para sa sangkatauhan, ibig sabihin, ang bigat ng sangkatauhan sa puso ng Manlilikha. Katulad lang ito ng sinabi ng Diyos na si Jehova: “At sinabi ng Panginoon, Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi: At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive sa malaking bayang yaon…?” Ito ang mga salita ng paninisi ng Diyos na si Jehova kay Jonas, ngunit lahat ng ito ay totoo.
Bagaman pinagkatiwalaan si Jonas upang ipangaral ang salita ng Diyos na si Jehova sa mga taga-Nineve, hindi niya nauunawan ang intensyon ng Diyos na si Jehova, o ang Kanyang mga pag-aalala at inaasahan sa mga mamamayan ng lungsod. Sa pamamagitan ng mahigpit na pangangaral na ito, nais ng Diyos na sabihin sa kanya na ang sangkatauhan ang produkto ng Kanyang sariling mga kamay, at ang Diyos ay naglaan ng isang maingat na paggawa para sa bawat tao; dala-dala ng bawat tao ang pag-asa ng Diyos; bawat tao ay nasisiyahan sa kaloob na buhay ng Diyos; sa bawat tao, nagbayad ang Diyos ng isang mabigat na halaga. Ang mahigpit na pangangaral na ito ay nagpaalala din kay Jonas na minamahal ng Diyos ang sangkatauhan, ang gawa ng Kanyang sariling mga kamay, tulad ng kay Jonas na nasisiyahan sa malagong halaman. Hindi sila madaling iiwanan ng Diyos kahit sa anumang paraan hanggang sa huling sandali; lalo na, napakaraming mga bata at mga inosenteng hayop sa loob ng lungsod. Kapag pag-uusapan ang mga bata pa at inosenteng nilalang ng Diyos, na hindi alam ang kaibahan ng kanilang kanang kamay sa kanilang kaliwa, lalong hindi kayang tapusin ng Diyos ang kanilang buhay at itakda ang kanilang kahihinatnan sa isang madaliang paraan. Umaasa ang Diyos na makita silang lumaki; umaasa ang Diyos na hindi sila lalakad sa daang nilakaran ng kanilang mga magulang, na hindi na nila muling maririnig ang babala ng Diyos na si Jehova, at sila ang magiging patotoo sa nakaraan ng Nineve. Bukod pa dito, umaasa ang Diyos na makita ang mga taga-Nineve pagkatapos nilang magsisi, na makita ang hinaharap ng Nineve matapos ang kanilang pagsisisi, at higit na mahalaga sa lahat, na makita ang Nineve na muling namumuhay sa ilalim ng awa ng Diyos. Kaya, sa mata ng Diyos, ang mga nilikhang ito na hindi alam ang kaibahan ng kanilang kanan sa kaliwang kamay ay ang kinabukasan ng Nineve. Sila ang papasan sa kasuklam-suklam na nakaraan ng Nineve, tulad ng kanilang pagpasan sa mahalagang tungkulin ng pagiging saksi sa nakaraan at hinaharap ng Nineve sa ilalim ng paggabay ng Diyos na si Jehova. Sa pahayag na ito ng Kanyang tunay na nararamdaman, iniharap ng Diyos na si Jehova ang nararamdamang awa ng Manlilikha para sa sangkatauhan sa kanyang kabuuan. Ipinakikita nito sa sangkatauhan na ang “awa ng Manlilikha” ay hindi isang walang laman na mga salita, o isang mababaw na pangako; mayroon itong matibay na mga prinsipyo, pamamaraan at layunin. Siya ay tunay at totoo, at hindi gumagamit ng kasinungalingan at pagpapanggap, at sa parehong pagkakataong ito, ang Kanyang awa ay walang hanggang ipinagkaloob sa buong sangkatauhan sa lahat ng panahon at anumang gulang. Ngunit hanggang sa araw na ito, ang pakikipag-usap ng Manlilikha kay Jonas ay ang nag-iisa, at natatanging pahayag ng Diyos kung bakit nagpakita Siya ng kaawaan sa sangkatauhan, paano Siya nagpakita ng kaawaan sa sangkatauhan, paano Siya nagparaya sa sangkatauhan at ang Kanyang tunay na nararamdaman para sa sangkatauhan. Ang maikli ngunit malinaw na pangungusap ng Diyos na si Jehova ay nagpapahayag ng Kanyang kumpletong kaisipan para sa sangkatauhan; ito ay isang tunay na kapahayagan sa saloobin ng Kanyang puso para sa sangkatauhan; at isa rin itong matibay na patunay ng Kanyang malawak na pagkakaloob ng awa sa sangkatauhan. Ang Kanyang awa ay hindi lamang ipinagkaloob sa nakatatandang henerasyon; ito ay para din sa mga nakababatang miyembro ng sangkatauhan, kagaya lang ng dati, mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod. Bagaman ang galit ng Diyos ay madalas dumarating sa mga tiyak na lugar at tiyak na panahon ng sangkatauhan, ang awa ng Diyos ay hindi kailanman nawala. Sa Kanyang awa, Siya ang gumagabay at nangunguna sa isang henerasyon ng Kanyang nilikha nang sunod-sunod, tinutustusan at pinagpapala ang isang henerasyon ng nilikha nang sunud-sunod, sapagkat ang Kanyang tunay na nararamdaman para sa sangkatauhan ay hindi kailanman magbabago. Tulad ng sinabi ng Diyos na si Jehova: “At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive…?” Lagi Niyang minamahal ang Kanyang sariling nilikha. Ito ang kaawaan ng matuwid na katangian ng Manlilikha at ito rin ang dalisay na kaibahan ng Manlilikha!
(III) Limang Uri ng mga Tao
Pansamantala, iiwan ko na muna ang ating talakayan sa pagtitipon na tungkol sa matuwid na katangian ng Diyos sa gayong pagtatapos. Ang susunod ay Aking uuriin ang mga tagasunod ng Diyos sa iba’t ibang kategorya, batay sa kanilang pagkaunawa tungkol sa Diyos at ang kanilang pagkaunawa at karanasan sa Kanyang matuwid na katangian, upang malaman ninyo ang antas na inyong kinabibilangan sa kasalukuyan, gayun din ang inyong kasalukuyang kalagayan. Batay sa kanilang kaalaman tungkol sa Diyos at ang kanilang pagkaunawa sa Kanyang matuwid na katangian, ang iba’t ibang antas at kalagayan na hinahawakan ng mga tao ay maaaring mahati sa limang uri. Ang paksang ito ay ipinapalagay batay sa pagkakaalam sa bukod-tanging Diyos at sa Kanyang matuwid na katangian; kaya, habang binabasa ninyo ang sumusunod na nilalaman, kailangang subukan ninyo nang buong ingat na alamin ng tumpak kung gaano ang pagkaunawa at kaalaman mayroon ka tungkol sa bukod-tanging Diyos at ang Kanyang matuwid na katangian, at pagkatapos, gamitin ito upang hatulan kung saang antas ka nabibilang, gaano kalawak ang iyong tunay na kalagayan, at kung anong uri ka ng tao talaga.
Ang unang uri ay ang antas na kilala bilang ang “sanggol na nakabigkis ng damit.”
Ano ang isang sanggol na nakabigkis ng damit? Ang isang sanggol na nakabigkis ng damit ay isang sanggol na kadarating pa lamang sa mundong ito, isang bagong silang. Ito ang panahon na ang mga tao ay nasa kanilang pinakamaliit na anyo at pinakamura pa.
Ang mga tao sa antas na ito ay wala talagang taglay na kamalayan o kaalaman sa mga bagay tungkol sa pananampalataya sa Diyos. Sila ay naguguluhan at walang alam sa maraming bagay. Ang mga taong ito ay maaaring naniwala sa Diyos sa matagal na panahon o hindi pa naman katagalan, ngunit ang kanilang pagkalito at walang nalalamang kalagayan at ang kanilang tunay na katayuan ang naglagay sa kanila sa antas ng isang sanggol na nakabigkis ng damit. Ang tiyak na kahulugan ng lagay ng isang sanggol na nakabigkis ng damit ay tulad ng: Walang halaga kung gaano man katagal naniwala ang uri ng taong ito, lagi siyang natataranta, nalilito at simpleng mag-isip; hindi niya alam kung bakit naniniwala siya sa Diyos, o hindi niya alam kung sino ang Diyos o ano ang Diyos. Bagaman sumusunod siya sa Diyos, walang tumpak na kahulugan ang Diyos sa kanyang puso, at hindi niya malaman kung ang sinusunod ba niya ay ang Diyos, hayaan siya kung talagang tunay siyang naniniwala sa Diyos at sinusunod Siya. Ito ang tunay na kalagayan ng ganitong uri ng tao. Ang kaisipan ng mga taong ito ay malalabo, at sa simpleng salita, ang kanilang paniniwala ay puno ng kalituhan. Lagi silang nabubuhay sa isang kalagayan na pagkalito at tulala; natataranta, nalilito, at simpleng mag-isip ang nagbubuod sa kanilang kalagayan. Hindi nila nakita o naramdaman man lang ang presensya ng Diyos, kaya ang pakikipag-usap sa kanila tungkol sa pagkilala sa Diyos ay parang pagpapabasa sa kanila ng isang aklat na nakasulat sa hyeroglipika; hindi nila maiintindihan ito o tatanggapin man lang. Para sa kanila, ang pagkilala sa Diyos ay katulad ng pakikinig sa isang hindi kapani-paniwalang kuwento. Bagaman ang kanilang isipan ay maaaring malabo, matatag ang kanilang paniniwala na ang pagkilala sa Diyos ay isang pag-aaksaya ng panahon at lakas. Ito ang unang uri ng tao; isang sanggol na nakabigkis ng damit.
Ang pangalawang uri ay ang antas ng “sanggol na pinasususo.”
Kung ihahambing sa isang sanggol na nakabigkis ng damit, ang uring ito ng tao ay may nagawa nang progreso. Ang nakalulungkot, wala pa rin silang pagkaunawa tungkol sa Diyos. Kulang pa rin sila ng malinaw na pagkaunawa at pananaw tungkol sa Diyos at hindi ganon kalinaw kung bakit kailangan nilang maniwala sa Diyos, ngunit sa kanilang mga puso, may sarili silang layunin at malinaw na mga pananaw. Hindi sila nag-aalala sa kanilang sarili kung tama ba na maniwala sila sa Diyos. Ang mithiin at layunin na kanilang hinahanap sa pamamagitan ng paniniwala sa Diyos ay para matanggap ang Kanyang biyaya, para magkaroon ng kagalakan at kapayapaan, para mabuhay ng maginhawa, para maranasan ang pag-iingat at proteksyon ng Diyos at mabuhay sa mga pagpapala ng Diyos. Hindi nila iniisip kung anumang antas ang kanilang pagkakilala sa Diyos; wala silang pagnanais na hangaring maunawaan ang Diyos, o mag-alala sila kung ano ang ginagawa ng Diyos, o ano ang nais Niyang gawin. Ang tangi nilang ninanais ay masiyahan sa Kanyang mga biyaya at matanggap ang maraming pagpapala; ang hinahanap nila ay makatanggap ng marami sa kasalukuyang panahon at ng buhay na walang hanggan sa panahong darating. Ang kanilang kaisipan, paggastos at panata, at maging ang kanilang paghihirap, ay sama-sama sa isang layunin: para makamit ang biyaya at pagpapala ng Diyos. Wala na silang malasakit pa sa ibang bagay. Ang tanging tiyak lamang sa uri ng taong ito ay maiingatan sila ng Diyos at ipagkakaloob sa kanila ang Kanyang biyaya. Masasabi ng sinuman na hindi sila intresado at hindi malinaw sa kanila kung bakit nais ng Diyos na iligtas ang tao o ano ang nais ng Diyos na makuhang resulta sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at gawa. Hindi sila gumagawa ng paraan upang malaman ang diwa at matuwid na katangian ng Diyos, o kaya’y mag-ukol ng interes na gawin ito. Hindi nila binibigyan ng pansin ang mga bagay na ito, o kaya’y magnais na malaman ang mga ito. Hindi nila binalak na tanungin ang tungkol sa gawa ng Diyos, ang mga hinihingi ng Diyos sa tao, ang kalooban ng Diyos o anumang may kaugnayan sa Diyos; o hindi man lamang sila nabahala na tanungin ang mga bagay na ito. Ang dahilan, naniniwala sila na ang mga bagay na ito ay walang kaugnayan sa kanilang pagsasaya sa biyaya ng Diyos; ang iniisip lamang nila ay ang Diyos na kayang magkaloob ng biyaya at may kaugnayan sa kanilang mga pansariling hilig. Wala silang interes kahit kanino pa man, kaya hindi na sila makapapasok sa reyalidad ng katotohanan, kahit gaano pa karaming taon na sila’y naniwala sa Diyos. Kung walang isang tao na magdidilig o magpapakain sa kanila nang madalas, mahihirapan silang magpatuloy sa daan ng paniniwala sa Diyos. Kung hindi sila nasisiyahan sa kanilang naunang kagalakan at kapayapaan o masiyahan sa biyaya ng Diyos, mas malamang na sila ay umurong na. Ito ang pangalawang uri ng tao: ang nabubuhay na tao sa antas na sanggol na pinasususo.
Ang pangatlong uri ay ang antas na inaawat na sanggol – ang antas ng pagiging bata.
Ang grupong ito ng mga tao ay nagtataglay ng ilang malinaw na kamalayan. Alam ng mga taong ito na ang masiyahan sa biyaya ng Diyos ay hindi nangangahulugan na taglay na nila sa kanilang sarili ang tunay na karanasan; alam nila na kung hindi sila mapapagod sa paghanap ng kagalakan at kapayapaan, ng biyaya, o kung makakaya nilang maging saksi sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang mga karanasan sa pagtanggap ng biyaya ng Diyos o sa pamamagitan ng pagpapasalamat na ipinagkakaloob sa kanila ng Diyos, ang mga bagay na ito ay hindi nangangahulugan na nagtataglay sila ng buhay o kaya’y nagtataglay sila ng reyalidad ng katotohanan. Simula nang sila’y nagkamalay, tumigil na sila na tumanggap ng maling pag-asa na sila ay makararanas lamang ng biyaya ng Diyos; sa halip, habang nasisiyahan sila sa biyaya ng Diyos, kasabay nilang hinihiling na gumawa ng iba pang bagay para sa Diyos; handa silang isagawa ang kanilang mga tungkulin, na tiisin ang kaunting hirap at kapaguran, na magkaroon ng ilang antas ng pakikipagtulungan sa Diyos. Ngunit dahil ang pagsunod nila sa kanilang paniniwala sa Diyos ay sobrang may halo, dahil ang pansariling intensyon at pagnanais na kanilang iniingatan ay sobrang malakas, dahil ang kanilang katangian ay sobrang mayabang, napakahirap para sa kanila na bigyang kasiyahan ang nais ng Diyos o maging tapat sa Diyos; kaya, madalas nilang hindi nauunawan ang kanilang pansariling mga kagustuhan o igalang ang kanilang mga pangako sa Diyos. Madalas nilang masumpungan ang kanilang mga sarili sa pagsasalungat: Gustong-gusto nilang bigyang kasiyahan ang Diyos sa pinakamataas na antas, ngunit ginagamit nila ang kanilang lakas upang kalabanin Siya; madalas silang mangako sa Diyos ngunit madali ring pabayaan ang kanilang mga pangako. Lalong madalas na nakikita nila ang kanilang mga sarili sa iba pang pagsasalungat na kalagayan: Buong katapatan silang naniniwala ngunit ikinakaila nila ang Diyos at lahat ng bagay na nagmumula sa Kanya; balisa silang umaasa na liliwanagan sila ng Diyos, pangungunahan sila, tutustusan sila, at tutulungan sila, ngunit ang sarili pa rin nilang pamamaraan ang sinusunod. Nais nilang unawain at kilalanin ang Diyos, ngunit hindi nila nais na lumapit sa Kanya. Sa halip, lagi nilang iniiwasan ang Diyos; sarado ang kanilang puso sa Kanya. Samantalang mayroon silang mababaw na pagkaunawa at karanasan sa literal na kahulugan ng salita ng Diyos at ng katotohanan, at isang mababaw na konsepto ng Diyos at katotohanan, sa kawalang malay ay hindi pa rin nila matiyak o masigurado kung ang Diyos ang katotohanan; hindi nila natitiyak kung talagang ang Diyos ay tunay na matuwid; o hindi nila masigurado ang katunayan ng katangian at diwa ng Diyos, pabayaan na lamang ang Kanyang tunay na kalagayan. Ang kanilang paniniwala sa Diyos ay laging may kaakibat na pag-aalinlangan at di pagkaunawa, at mayroon ding mga imahinasyon at mga palagay lamang. Habang nasisiyahan sila sa biyaya ng Diyos, atubili din sila sa kanilang karanasan o ilang ginagawa na ayon sa kanilang paniniwala ay madaling gawing katotohanan, upang pagyamanin ang kanilang paniniwala, upang makatulong sa kanilang karanasan sa paniniwala sa Diyos, upang tiyakin ang kanilang pagkaunawa sa paniniwala sa Diyos, upang bigyang kasiyahan ang kanilang kayabangan sa daan ng buhay na kanilang itinatag at pagsasagawa ng isang mabuting dahilan ng sangkatauhan. Gayun din, ginagawa din nila ang mga bagay na ito upang bigyang kasiyahan ang kanilang sariling pagnanais para magkamit ng mga pagpapala, upang gumawa ng isang pagpupusta at magkaroon ng mas maraming pagpapala ng sangkatauhan, upang matapos ang mithiing pangarap at habang buhay na pagnanais na hindi titigil hanggang makamit nila ang Diyos. Ang mga taong ito ay bihirang makaranas ng pagliliwanag ng Diyos sapagkat ang kanilang naisin at ang kanilang intensyon na magkaroon ng mga pagpapala ay mas mahalaga sa kanila. Wala silang pagnanais at hindi makayang isuko ito. Natatakot sila na ang hindi pagkakaroon ng pagnanais na magkamit ng pagpapala, kung walang matagal nang pinakananais na mithiin na hindi magpapahinga hangga’t hindi nila makamit ang Diyos, mawawala ang kanilang adhikain na maniwala sa Diyos. Kaya hindi na nila nais harapin ang reyalidad. Hindi nila nais na harapin ang salita ng Diyos o ang gawa ng Diyos. Hindi nila nais na humarap sa katangian at diwa ng Diyos, mas lalo na ang nag-iisang pagtalakay sa paksa ng pagkilala sa Diyos. Ang dahilan, sa sandali na ang Diyos, ang Kanyang diwa at ang Kanyang matuwid na katangian ay mapalitan ang kanilang imahinasyon, ang kanilang mga pangarap ay mahahalo sa usok; ang kanilang tinatawag na tunay na pananampalataya at ‘halaga” na nakuha sa maraming taon ng masikap na pagtatrabaho ay maglalaho at mauuwi sa wala; ang kanilang “teritoryo” na kanilang nasakop sa pamamagitan ng dugo at pawis sa maraming taon ay mabibingit sa pagbagsak. Nagpapahiwatig ito na ang kanilang maraming taon ng paghihirap sa trabaho at pagsisikap ay nawalan ng saysay, at kailangan nilang magsimulang muli sa wala. Ito ang pinakamahirap na pasanin para sa kanila na dalhin sa kanilang puso, at ito ang resulta na ayaw nilang makita; kaya lagi silang nakakulong sa ganitong uri ng walang magawa, tumatangging bumalik muli. Ito ang pangatlong uri ng tao: ang taong nasa antas ng pagiging bata.
Ang tatlong uri ng mga tao na inilarawan sa itaas – sa madaling salita, ang mga taong nabubuhay sa tatlong antas na ito – ay hindi nagtataglay ng anumang tunay na paniniwala sa pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos o sa Kanyang matuwid na katangian, o wala silang anumang malinaw, siguradong pagkilala o pagpapatunay sa mga bagay na ito. Kaya napakahirap para sa tatlong uri ng mga taong ito na makapasok sa reyalidad ng katotohanan, at napakahirap din para sa kanila na tanggapin ang awa ng Diyos, kaliwanagan o pagpapaliwanag sapagkat ang pamamaraan ng kanilang paniniwala sa Diyos at ang kanilang maling pag-uugali para sa Diyos ay nagiging imposible para sa kanya na makapagtrabaho ng taos sa kanilang puso. Ang kanilang mga pag-aalinlangan, maling pakahulugan at imahinasyon patungkol sa Diyos ay lumagpas na sa kanilang paniniwala at pagkaalam tungkol sa Diyos. Ito ang tatlong napakapanganib na uri ng mga tao, gayun din ay tatlong napakapanganib na mga antas. Kapag pinanatili ng isang tao ang pag-aalinlangan sa Diyos, sa Kanyang diwa, sa Kanyang pagkakakilanlan, ang tungkol sa kung ang Diyos ang katotohanan at ang katunayan ng Kanyang pagiging buhay at hindi nakatitiyak ng mga bagay na ito, paano matatanggap ng sinuman na ang lahat ng bagay ay mula sa Diyos? Paano matatanggap ng sinuman ang katunayan na ang Diyos ang katotohanan, ang daan at ang buhay? Paano matatanggap ng tao ang parusa at paghatol ng Diyos? Paano makatatanggap ang isang tao ng pagliligtas ng Diyos? Paano makakamtan ng ganitong uri ng tao ang tunay na gabay at pagtutustos ng Diyos? Ang mga nasa tatlong antas na ito ay kayang labanan ang Diyos, hatulan ang Diyos, lapastanganin ang Diyos o ipagkanulo ang Diyos kahit anumang oras. Makakaya nilang talikuran ang tunay na daan at pabayaan ang Diyos anumang oras. Masasabi ng sinuman na ang mga tao sa mga tatlong antas na ito ay nabubuhay sa isang kritikal na kalagayan, sapagkat hindi sila nakapasok sa tamang daan ng paniniwala sa Diyos.
Ang pang-apat na uri ay ang antas ng pagiging ganap na bata; iyon ay ang pagkabata.
Pagkatapos mawalay ang isang tao, - iyon ay kapag naranasan na nila ang sapat na dami ng biyaya, nagsisimula na silang magsaliksik kung ano ang ibig sabihin ng maniwala sa Diyos, ang naisin na maunawaan ang maraming mga tanong, tulad ng bakit nabubuhay ang tao, paano dapat mamuhay ang tao at bakit isinasagawa ng Diyos ang Kanyang trabaho sa tao? Kapag itong mga hindi malinaw na kaisipan at mga nakalilitong paniniwala ay lumitaw at manatili sa kanilang kalooban, patuloy silang nakatatanggap ng pagdidilig at nakakayang magampanan ang kanilang tungkulin. Sa panahong ito, wala na silang pag-aalinlangan tungkol sa katotohanan ng pagkakaroon ng Diyos, at may tiyak na silang pagkaintindi sa kung ano ang kahulugan ng maniwala sa Diyos. Sa ibabaw ng pundasyong ito, nagkaroon sila ng unti-unting pagkakilala sa Diyos, at dahan-dahan silang nagkaroon ng mga kasagutan sa kanilang malalabong kaisipan at nakalilitong paniniwala tungkol sa katangian at diwa ng Diyos. Tungkol sa kanilang pagbabago sa katangian at sa kanilang kaalaman sa Diyos, ang mga tao sa antas na ito ay nagsimulang tumuntong sa tamang landas at pumasok sa isang pagbabago ng panahon. Sa loob ng yugtong ito ang mga tao ay nagsisimulang magkaroon ng buhay. Ang malinaw na indikasyon ng pagkakaroon ng buhay ay ang unti-unting kapasyahan ng maraming katanungan na may kaugnayan sa pagkilala sa Diyos na nasa puso ng mga tao – mga di pagkakaunawaan, mga imahinasyon, mga pagkaunawa, at mga malabong kahulugan sa Diyos – na hindi lamang sila lubos na naniniwala at nalalaman ang katunayan ng pagkakaroon ng Diyos kundi nagtataglay din ng malinaw na kahulugan at oryentasyon ng Diyos sa kanilang mga puso, na ang tunay na pagsunod sa Diyos ang pumalit sa kanilang malabong pananampalataya. Sa yugtong ito, unti-unting nakikilala ng mga tao ang kanilang maling pagkaunawa sa Diyos at ang kanilang maling gawain at pamamaraan ng paniniwala. Nagsimula na silang manabik sa katotohanan, manabik na maranasan ang paghatol, pagparusa, at pagdisiplina ng Diyos, manabik sa pagbabago ng kanilang katangian. Unti-unti nilang iniiwan ang lahat ng uri ng kawalan ng pagkaunawa at imahinasyon sa Diyos sa yugtong ito; gayundin naman, binago nila at itinuwid ang kanilang maling kaalaman tungkol sa Diyos at tinamo ang ilang tamang pangunahing kaalaman tungkol sa Diyos. Bagaman may bahagi ng kaalamang taglay ng mga tao sa yugtong ito ang hindi gaanong tiyak o sigurado, kahit kaunti ay dahan-dahan nilang sinimulang iwan ang kanilang kaisipan, maling kaalaman at maling pagkaunawa tungkol sa Diyos; hindi na sila nananatili sa kanilang sariling pagkaunawa at imahinasyon tungkol sa Diyos. Sinimulan nilang pag-aralan kung paano mag-iwan – iwanan ang mga bagay na makikita sa kanilang sariling mga kaisipan, mula sa kaalaman at mula kay Satanas; nagsimula silang magpasakop sa mga bagay na tama at positibo, kahit na sa mga bagay ng nagmula sa salita ng Diyos at alinsunod sa katotohanan. Nagsimula rin silang subukang maranasan ang mga salita ng Diyos, upang personal na malaman at ipamuhay ang Kanyang mga salita, upang tanggapin ang Kanyang mga salita bilang mga batayan ng kanilang mga gawain at bilang batayan ng pagbabago ng kanilang katangian. Sa panahong ito, walang kamalay-malay na tinanggap ng mga tao ang hatol at parusa ng Diyos, walang kamalay-malay na tinanggap ang salita ng Diyos bilang kanilang buhay. Samantalang tinanggap nila ang hatol at parusa ng Diyos, at tinanggap ang mga salita ng Diyos, lalong nadagdagan ang kanilang kaalaman at naramdaman na ang Diyos na kanilang pinaniniwalaan sa kanilang mga puso ay tunay na totoo. Sa mga salita ng Diyos, sa kanilang mga karanasan at sa kanilang mga buhay, lalo nilang naramdaman na ang Diyos ay laging pumapatnubay sa kalagayan ng tao, pinapangunahan at tinutustusan ang tao. Sa pamamagitan ng kanilang pakikiisa sa Diyos, unti-unti nilang pinatunayan ang pagkakaroon ng Diyos. Kaya, bago nila maunaawan ito, hindi nila namalayan na pinagtibay na nila at buong tatag na naniwala sa gawa ng Diyos at pinagtibay ang mga salita ng Diyos. Sa sandaling pagtibayin ng mga tao ang salita ng Diyos at ang gawa ng Diyos, patuloy nilang itatanggi ang kanilang mga sarili, itatanggi ang kanilang sariling kaisipan, kaalaman, imahinasyon at gayun din, patuloy na hahanapin kung ano ang katotohanan at kung ano ang kalooban ng Diyos. Ang pagkakilala ng mga tao sa Diyos ay medyo hindi pangkaraniwan sa panahong ito ng pagbabago – hindi nila magawang ipaliwanang nang mas maliwanag ang kaalamang ito sa paggamit ng mga salita, o kaya’y ipaliwanag nang tiyak – at mayroon lamang silang halatang pagkaunawa; ngunit kung itatabi sa tatlong nakaraang mga antas, ang hindi pa ganap na buhay ng mga tao sa panahong ito ay nakatanggap ng pagdidilig at pagtutustos ng mga salita ng Diyos, at nagsimula nang tumubo. Katulad ito ng isang binhi na ibinaon sa lupa; pagkatapos makakuha ng kaunting tubig at pagkaing pampalusog, susulpot na ito mula sa ilalim ng lupa; ang pagtubo nito ang kumakatawan sa pagsilang ng isang bagong buhay. Ang pagsilang na ito ng isang bagong buhay ang nagpahintulot na pagmasdan ng isang tao ang palatandaan ng buhay. Kapag may buhay, tiyak na lalago ang mga tao. Kaya, sa ibabaw ng mga pundasyong ito – dahan-dahan silang humahakbang patungo sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos, iniiwan ang kanilang sariling mga kaisipan, nakakamit ang patnubay ng Diyos – ang buhay ng mga tao ay tiyak na lalago sa bawat hakbang. Sa anong basehan masusukat ang paglagong ito? Nasusukat ito batay sa kanilang karanasan sa mga salita ng Diyos at sa kanilang tunay na pagkaunawa sa matuwid na katangian ng Diyos. Bagaman nahihirapan silang gamitin ang kanilang sariling mga salita upang malinaw na maipaliwanag ang kanilang kaalaman sa Diyos at ang Kanyang diwa sa panahong ito ng paglago, ang grupong ito ng mga tao ay hindi na handa sa sarili na hanapin ang kaligayahan sa pamamagitan ng pagpapakasaya sa biyaya ng Diyos, o ipagpatuloy ang kanilang layunin sa kabila ng paniniwala sa Diyos, iyon ay upang makamit ang Kanyang biyaya. Sa halip, handa silang hanapin ang pamumuhay sa pamamagitan ng salita ng Diyos, upang maging paksa ng pagliligtas ng Diyos. Dagdag pa dito, nagtataglay sila ng pagtitiwala at handa na tanggapin ang hatol at parusa ng Diyos. Ito ang palatandaan ng isang tao sa antas ng paglago.
Bagaman ang mga tao sa antas na ito ay may kaunting kaalaman tungkol sa matuwid na katangian ng Diyos, ang kaalamang ito ay napakalabo at hindi maunawaan. Dahil hindi nila maipaliwanag ito nang malinaw, pakiramdam nila ay nakapagtamo na sila ng kaunting bagay sa kanilang kalooban, dahil nagkaroon na sila ng kaunting kaalaman at pagkaunawa sa matuwid na katangian ng Diyos sa pamamagitan ng parusa at paghatol ng Diyos; ngunit sa halip ito ay di pangkaraniwan sa lahat, at nananatili ito sa panimulang baitang pa lamang. Ang grupong ito ng mga tao ay may konkretong pananaw na kanilang ipinakikitungo sa biyaya ng Diyos. Ang pananaw na ito ay ipinakita sa pagbabago ng mga layunin na kanilang hinahanap at sa paraan kung paaano ipagpapatuloy ang mga ito. Nakita na nila – sa mga salita at gawa ng Diyos, sa lahat ng uri ng Kanyang hinihingi sa tao at ang Kanyang mga pahayag sa tao – na kung hindi nila patuloy na hahanapin ang katotohanan, kung hindi nila patuloy na sisikaping makapasok sa reyalidad, kung hindi nila patuloy na malugod at makilala ang Diyos habang nararanasan ang Kanyang mga salita, mawawala sa kanila ang kahalagahan ng paniniwala sa Diyos. Nakikita nila na kahit gaano sila masiyahan sa biyaya ng Diyos, hindi nila mababago ang kanilang katangian, mabigyang kasiyahan o makilala ang Diyos, at kung patuloy silang mabubuhay sa mga biyaya ng Diyos, hindi nila matatamo ang paglago, magkaroon ng buhay o makayang tumanggap ng kaligtasan. Sa kabuuan, kapag hindi tunay na naranasan ng isang tao ang mga salita ng Diyos at hindi makayang makilala ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, mananatili siya sa antas ng pagiging isang sanggol sa habang panahon, at hindi makagagawa kahit isang hakbang tungo sa paglago sa buhay. Kung habang buhay kang mananatili sa antas ng isang sanggol, kung hindi ka makapapasok sa reyalidad ng salita ng Diyos, kung hindi mo makakayang mamuhay sa salita ng Diyos, kung hindi mo makakayang magkaroon ng tunay na paniniwala at pagkilala sa Diyos, mayroon pa kayang posibilidad na gawin kang kumpleto ng Diyos? Kaya ang sinumang pumasok sa reyalidad ng salita ng Diyos, ang sinumang tumanggap sa salita ng Diyos bilang kanilang buhay, sinumang magsimulang tanggapin ang parusa at hatol ng Diyos, sinumang may tiwaling katangian na nagsimulang magbago, at sinumang may puso na nananabik sa katotohanan, may pagnanais na makilala ang Diyos, may pagnanais na tanggapin ang pagliligtas ng Diyos – ang mga taong ito ang tunay na nagtataglay ng buhay. Ito ang tunay na pang-apat na uri ng tao, ang pagiging ganap na bata, ang tao sa antas ng pagkabata.
Ang panlimang uri ay ang antas ng ganap na buhay, o ang antas ng pagiging matanda.
Matapos maranasan ang antas ng pagiging sanggol ng isang bata, ang antas na ito ng paglago ay puno ng paulit-ulit na kabaligtaran, ang buhay ng mga tao ay ganap nang matatag, hindi na humihinto ang kanilang pagsulong, o wala nang sinumang nakahahadlang sa kanila. Bagaman ang daan sa hinaharap ay mabato at baku-bako pa rin, hindi na sila mahihina o matatakutin; hindi na sila nangangapa sa hinaharap o nawawala ang kanilang tindig. Ang kanilang mga pundasyon ay malalim ang ugat dahil sa tunay na karanasan sa salita ng Diyos. Ang kanilang mga puso ay nahila sa pamamagitan ng karangalan at kadakilaan ng Diyos. Labis ang kanilang pananabik na sundan ang mga hakbang ng Diyos, na alamin ang diwa ng Diyos, na makilala ang Diyos sa Kanyang kabuuan.
Ang mga tao sa antas na ito ay malinaw na alam na kung sino ang kanilang pinaniniwalaan, at malinaw na nilang alam kung bakit kailangan nilang maniwala sa Diyos at ang kahulugan ng kanilang mga sariling buhay; at malinaw na rin nilang alam na lahat ng bagay na inihahayag ng Diyos ay katotohanan. Sa maraming taon ang kanilang karanasan, naunawaan nila na kung wala ang hatol at parusa ng Diyos, hindi magagawa ng sinuman na bigyang lugod o makilala ang Diyos, o hindi makakayang makalapit ang sinuman sa harap ng Diyos. Sa loob ng puso ng mga taong ito ay naroon ang masidhing pagnanais na subukin sila ng Diyos, upang makita ang matuwid na katangian ng Diyos habang sinusubok sila, upang magtamo ng isang dalisay na pag-ibig, at gayundin naman, upang lalong tunay na maunawaan at makilala ang Diyos. Ang mga kabilang sa antas na ito ay lubos nang nakapagpaalam sa antas ng pagiging sanggol, sa antas ng pagsasaya sa biyaya ng Diyos at sa pagkain ng tinapay at sa pagiging busog. Hindi na sila naglalagay ng sobrang pag-asa na kukunsintihin sila ng Diyos at magpapakita ng awa sa kanila; sa halip, nagtitiwala sila na tatanggap at aasa sa patuloy na parusa at paghatol ng Diyos, upang ihiwalay ang kanilang mga sarili mula sa kanilang tiwaling katangian at bigyang kasiyahan ang Diyos. Ang kanilang kaalaman tungkol sa Diyos, ang kanilang paghabol o ang panghuling mithiin ng kanilang paghabol: ang mga bagay na ito ay maliwanag na lahat sa kanilang mga puso. Kaya ang mga tao sa antas ng matanda ay ganap nang nakapagpaalam sa antas ng walang katiyakang pananampalataya, patungo sa antas kung saan umaasa sila sa biyaya ng kaligtasan; sa antas ng hindi ganap na buhay na hindi makatagal sa mga pagsubok, sa antas ng pagiging malabo, sa antas ng nangangapa, sa antas nang madalas na walang landas na nilalakaran, sa walang pirmihang panahon ng pagpapalit-palit sa pagitan ng biglaang init at lamig, at sa antas ng pagsunod sa Diyos na nakatakip ang mata. Ang uri ng taong ito ang madalas makatanggap ng kaliwanagan at pagtanglaw ng Diyos, at madalas makisama sa tunay na pakikiisa at pakikipag-usap sa Diyos. Masasabi ng isang tao na ang mga taong nabubuhay sa antas na ito ay naunawaan na ang bahagi ng kalooban ng Diyos; nagagawa nilang mahanap ang mga prinsipyo ng katotohanan sa lahat ng bagay na kanilang ginagawa; alam nila kung paano bibigyang kasiyahan ang nais ng Diyos. Bukod pa dito, natagpuan na rin nila ang daan ng pagkakilala sa Diyos at nagsimula na silang magpatotoo sa kanilang kaalaman tungkol sa Diyos. Sa panahon ng pagproseso ng unti-unting paglago, mayroon silang unti-unting pagkaunawa at kaalaman sa kalooban ng Diyos, sa kalooban ng Diyos sa paglikha sa sangkatauhan, sa kalooban ng Diyos sa pamamahala ng sangkatauhan; dagdag pa dito, unti-unti rin ang kanilang pagkaunawa at kaalaman sa matuwid na katangian ng Diyos ayon sa diwa nito. Walang kuro-kuro o imahinasyon ng tao ang makapapalit sa kaalamang ito. Bagaman walang sinuman ang makapagsasabi na sa panglimang antas ng buhay ng isang tao ay ganap na o tawagin ang taong ito na matuwid o kumpleto, ang uri ng taong ito ay nakahakbang na patungo sa antas ng pagiging ganap sa buhay; nakakaya nang lumapit ng taong ito sa harap ng Diyos, na tumayo nang harap-harapan sa salita ng Diyos at nang harap-harapan sa Diyos. Sapagkat ang uri ng taong ito ay nakaranas na ng labis na salita ng Diyos, nakaranas na ng di mabilang na mga pagsubok at pagdisiplina, paghatol at parusa mula sa Diyos, ang kanilang pagpapasakop sa Diyos ay hindi na kanya-kanya, kundi tiyak na. Ang kanilang kaalaman sa Diyos ay nagbago na mula sa kawalang malay tungo sa malinaw at tiyak na kaalaman, mula sa mababaw tungo sa malalim, mula sa malabo at maulap tungo sa metikuloso at nasasalat, at nagbago na sila mula sa mahirap na pakapa-kapa at tahimik na paghahanap tungo sa walang hirap na kaalaman at maagap na pagpapatotoo. Maaaring masabi natin na ang mga tao sa antas na ito ay nagtataglay na ng reyalidad ng katotohanan sa salita ng Diyos, na nakatuntong na sila sa daan ng kasakdalan tulad ni Pedro. Ito ang panlimang uri ng tao, ang nabubuhay sa kalagayan ng pagiging ganap – ang antas ng pagiging matanda.
Oktubre 30, 2014
Footnotes:
- Wala sa orihinal na text ang “sila.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento