2016-12-15

Ang Panahon ng Kaharian ay ang Panahon ng Salita


Sa panahon ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong panahon, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang Kanyang tungkulin sa buong panahon. Ito ang alituntunin kung saan gumagawa ang Diyos sa Panahon ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita sa iba't-ibang pananaw, upang makitang mabuti ng tao ang Diyos, na Siyang Salita na nagkatawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng panlulupig sa tao, gawing sakdal ang tao, at pag-alis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Panahon ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang katangian ng Diyos, ang kakanyahan ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Panahon ng Salita ay natupad. Sa pamamagitan ng salita, nahayag ang tao, naalis at sinubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos; naniniwala ang tao sa kapangyarihan at karunungan ng Diyos, gayundin ang puso ng Diyos para sa pagmamahal sa tao at ang Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang "salita" ay payak at 
karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos ay naging laman at niyanig ang langit at lupa; ang Kanyang salita ay binabago ang puso ng tao, ang paniniwala at ang lumang katangian ng tao, at ang lumang anyo ng mundo. Sa pagdaan ng panahon, tanging ang Diyos ngayon ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng Kanyang patnubay sa salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at pagpapala ng salita ng Diyos, at higit pa rito sila ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at kaparusahan ng salita. Ang mga salita at gawain ay para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at binabago ang orihinal na anyo ng unang nilikhang mundo. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamunuan ang mga tao sa buong daigdig sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa wakas, nararapat Niyang gamitin ang salita upang tapusin ang nakaraang mundo. Doon lamang matatapos ang buong plano ng pamamahala. Sa buong Panahon ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang isagawa ang Kanyang gawain at makamit ang bunga ng Kanyang gawain; hindi Siya gumagawa ng kababalaghan at hindi Siya nagsasagawa ng mga himala: isinasagawa lamang Niya ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng salita. Dahil sa salita, ang tao ay pinalusog at tinustusan; dahil sa salita, nagtamo ang tao ng kaalaman at tunay na karanasan. Ang tao sa Panahon ng Salita ay tunay na nagkamit ng mga bukod-tanging pagpapala. Ang tao ay hindi nagdusa dahil sa sakit ng laman at nagtamasa lamang ng saganang pagtustos ng salita ng Diyos; hindi nila kinailangang maghanap o maglakbay, at walang kahirap-hirap nakita nila ang anyo ng Diyos, narinig nila Siyang magsalita sa kanilang sarili, nakamit ang Kanyang panustos, at nakita nila sa kanilang sarili na magsagawa Siya ng Kanyang mga gawain. Ang tao sa mga nakaraang panahon ay hindi kayang masiyahan sa mga ganoong bagay, at ito ang mga pagpapala na hindi nila kailanman makakamit.

Ang Diyos ang nagtakda na maging ganap ang tao. Anumang pananaw mula sa Kanyang sinasabi, ito ay para sa kapakanan ng kasakdalan ng mga tao. Ang mga salitang nasambit mula sa pananaw ng Espiritu ay hirap unawain ng tao, at ang tao ay hindi kayang maghanap ng paraan upang magsanay, dahil ang tao ay may hangganan ang kasanayan ng tumanggap. Ang gawain ng Diyos ay nagkakamit ng iba't-ibang katuusan, at bawat hakbang ng Kanyang gawain ay may layunin. Bukod dito, Siya ay dapat magsalita mula sa iba't-ibang pananaw upang gawing sakdal ang tao. Kapag Siya ay nagbitiw ng salita mula sa pananaw ng Espiritu lamang, ang yugtong ito ng gawa ng Diyos ay hindi matatapos. Mula sa himig ng Kanyang tinig, makikita mong Siya ay nakatakdang gawing ganap ang kalipunan ng tao. Bilang isang naghahangad na gawing sakdal ng Diyos, ano ang unang hakbang na nararapat mong gawin? Nararapat mo munang malaman ang gawain ng Diyos. Dahil gumagamit na ng mga bagong paraan at ang panahon ay nagbago na mula sa bawat isa, ang paraan kung paano gumagawa ang Diyos ay nagbago na rin, gayundin kung papaano Siya magsalita. Ngayon, hindi lamang ang paraan ng Kanyang paggawa ang nabago, gayundin ang panahon. ito ay dating Panahon ng Kaharian, isang yugto ng gawain kung saan mamahalin ang Diyos. Ngayon, ito ang Panahon ng Sanglibong Taong Kaharian-- ang Panahon ng Salita-- iyon ay, isang panahon kung saan ang Diyos ang gumagamit ng iba't-ibang paraan ng pananalita upang gawing sakdal ang tao at nagsasalita mula sa iba't-ibang pananaw upang tustusan ang tao. Nang lumipas ang oras sa Panahon ng Sanglibong Taong Kaharian, nagsimulang gamitin ng Diyos ang salita upang gawing sakdal ang tao, upang makapasok ang tao sa katunayan ng buhay at pinamumunuan ang tao sa tamang landas. Nakaranas ang tao ng maraming hakbang sa Kanyang gawain at kanilang nakita na ang gawain ng Diyos ay hindi nananatiling di nagbabago. Sa halip, ito ay patuloy na nagbabago at lumalalim. Matapos ang matagal na panahon ng karanasan, ang gawain ay paulit-ulit na nagbago, ngunit kahit anupaman ang mga pagbabago, ito'y hindi kailanman lumayo sa layunin ng Diyos sa gawain ang tao. Kahit na sampung libong pagbabago, ang dati nitong layunin ay hindi kailanman nagbabago, at hindi kailanman lumilihis mula sa katotohanan o sa buhay. Ang mga pagbabago kung saan isinasagawa ang mga gawain ay pagbabago lamang sa ayos ng gawain at pananaw ng pananalita, walang pagbabago sa ubod ng layunin ng Kanyang gawain. Ang mga pagbabago sa himig ng tinig ay hindi nangangahulugan ng pagbabago sa layunin o simulain ng gawain. Ang diwa ng tao na naniniwala sa Diyos ay ang maghanap ng buhay. Kung ikaw ay naniniwala sa Diyos ngunit hindi naghahangad ng buhay o ng katotohanan o ng kaalaman ng Diyos, samakatwid wala kang paniniwala sa Diyos! Ito ba ay makatotohanan na ikaw ay naghahangad pa ring makapasok sa kaharian upang maging hari? Tanging ang pagkakamit ng tunay na pag-ibig sa Diyos sa pamamagitan ng paghahangad ng buhay ay ang katunayan, ang paghahangad at pagsasanay ng katotohanan lahat ng ito ay katunayan. Danasin ang mga salita ng Diyos habang binabasa ang Kanyang mga salita; sa paraang ito, mauunawaan ninyo ang kaalaman ng Diyos sa pamamagitan ng mga tunay na karanasan. Ito ang tunay na pagtugis.
Sa Panahon ng Sanglibong Taong Kaharian, kahit na ikaw ay nakapasok sa katunayan ng salita ng Diyos at kung ang Kanyang mga salita ay nagsisilbing katunayan sa iyong buhay. Ang salita ng Diyos ay ipinaalam sa lahat nang sa gayon, sa hangganan, ang lahat ng tao ay mamumuhay sa mundo ng salita at ang salita ng Diyos ay maging kaliwanagan sa bawat tao. Kung sa panahong ito, ikaw ay nagmamadali at walang ingat sa pagbasa ng salita ng Diyos, at kung ikaw ay walang hangad sa Kanyang salita, ito ay nagpapakita na may mali sa iyong kalagayan. Kung ikaw ay hindi makapasok sa Panahon ng Salita, ang Banal na Espiritu ay hindi gumagawa sa iyo, kung ikaw ay nakapasok sa panahong it0, isasagawa Niya ang Kanyang gawain. Ano ang nararapat mong gawin sa sandaling ito, ang pagsisimula ng Panahon ng Salita, upang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu? Sa panahong ito, gagawin ng Diyos na katunayan para sa inyo na ang bawat tao ay mabubuhay sa salita ng Diyos, kayang gawin ang mga katotohanan, at maalab na nagmamahal sa Diyos; na ang lahat ng tao ay ginagamit ang salita ng Diyos bilang saligan at kanilang katunayan at mayroong puso ng paggalang sa Diyos; sa pamamagitan ng paggamit ng salita ng Diyos, ang tao ay maaaring mamuno na kasama ang Diyos. Ito ang gawain na makakamit ng Diyos. Makakaya mo bang magpatuloy na hindi nagbabasa ng salita ng Diyos? Marami sa ngayon ang hindi makapagpatuloy kahit isang araw o dalawa lang kung hindi nakakapagbasa ng salita ng Diyos. Nararapat nilang basahin ang salita ng Diyos araw-araw, at kapag hindi pahintulutan ng panahon, sapat na ang pakikinig ng Kanyang salita. Ito ang pakiramdam na ibinibigay ng Banal na Espiritu sa tao, at kung papaano Niya sinisimulang kumilos sa tao. Iyon ay, pinamumunuan Niya ang tao sa pamamagitan ng mga salita nang sa gayon ang tao ay maaaring makapasok sa katunayan ng salita ng Diyos. Kung ikaw ay nakararamdam ng kadiliman at uhaw matapos lamang ang isang araw na hindi pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos, at hindi mo ito matanggap, ipinapakita lamang nito na ikaw ay kinilos na ng Banal na Espiritu, at hindi ka Niya tinalikuran. Ikaw ang dating nasa daloy na ito. Subalit, kung ikaw ay walang pang-unawa o hindi nakararamdam ng uhaw matapos ang isa o dalawang araw na hindi pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos, ikaw ay hindi kinilos ng Banal na Espiritu, ito ay nagpapakita na tinalikuran ka ng Banal na Espiritu. Ito ay nangangahulugan, na ang kalagayan ng iyong loob ay hindi tama; hindi ka pa nakapapasok sa Panahon ng Salita, at ikaw ay isa sa mga naiwan. Ginagamit ng Diyos ang salita upang pamunuan ang tao; masaya ang iyong pakiramdam kapag kumain at uminom ka ng salita ng Diyos, at kapag hindi, walang ibang paraan upang sumunod. Ang salita ng Diyos ay nagiging pagkain ng tao at ang lakas na nag-uudyok sa kanya. Ang sabi ng Bibliya, "Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios." Ito ang gawain na isasagawa ng Diyos sa araw na ito. Mapagtatanto Niya ang katotohanan sa iyo. Paano nagtatagal ang mga tao noon na hindi nakakapagbasa ng salita ng Diyos ngunit nagpapatuloy na kumain at gumawa? At bakit hindi ito ang kalagayan ngayon? Sa panahong ito, unang ginagamit ng Diyos ang salita upang pamunuan ang lahat. Sa pamamagitan ng salita ng Diyos, hinahatulan at ginagawang sakdal ang tao, at sa wakas ay dinala sa kaharian. Tanging ang salita ng Diyos ang makapagbibigay ng buhay sa tao, at tanging ang salita ng Diyos ang magliliwanag sa tao at ang pagsasabuhay, lalo na sa Panahon ng Kaharian. Hangga't araw-araw kayong kumakain at umiinom ng Kanyang salita hindi iniiwan ang katunayan ng salita ng Diyos, ang Diyos ay makakaya kang gawing sakdal.
Ang isang tao ay hindi dapat magmadali sa pagkamit ng tagumpay sa paghahanap ng buhay; ang paglago sa buhay ay hindi nangyayari sa loob ng isa o dalawang araw. Ang gawain ng Diyos ay karaniwan at praktikal, ito ay nararapat sumailalim sa kinakailangang pamamaraan. Tumagal ng tatlumpu't tatlo at kalahating taon ang katawang-lupa ni Hesus upang maganap ang Kanyang gawain sa pagpapapako sa krus, lalong higit ang buhay ng tao! Ito rin ay hindi madaling tungkulin na gumawa ng tao na maghahayag sa Diyos. Ito ay lalo't higit sa mga tao sa bansa ng malaking pulang dragon. Mahina ang kanilang kakayahan at nangangailangan ng matagal na panahon ng salita at gawain ng Diyos. Kaya huwag kayong magmamadali upang makita ang kahihinatnan. Ikaw ay nararapat na maging masugid na gumanap sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos, at magsikap sa salita ng Diyos. Pagkatapos mabasa ang Kanyang salita, nararapat mong isabuhay ang mga ito sa katunayan, at sa mga salita ng Diyos, ikaw ay magkakamit ng kaalaman, kabatiran, pangunawa, at karunungan. Sa pamamagitan nito, ikaw ay mababago nang hindi mo namamalayan. Kung makakaya mong tanggapin bilang iyong simulain ang pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos, ang pagbabasa ng Kanyang salita, ang pag-unawa rito, ang maranasan ito, at maisabuhay, ikaw ay lalago nang hindi mo namamalayan. Ang iba ay nagsasabi na hindi niya kayang isabuhay ang salita ng Diyos kahit na ito ay kanyang nabasa! Bakit ka nagmamadali? Kapag naabot mo ang tiyak na tayog, makakaya mong maisabuhay ang Kanyang mga salita. Masasabi ba ng isang apat o limang taong gulang na bata na hindi niya kayang kalingain o bigyang dangal ang kanyang mga magulang? Kailangan mong malaman ngayon ang iyong katayuan, isabuhay kung ano ang iyong makakaya, at huwag kang maging isa sa mga sumisira sa pamamahala ng Diyos. Kainin at inumin mo lamang ang salita ng Diyos at sumulong, gamitin mo iyan bilang iyong simulain. Huwag kang mag-alala kung kaya kang gawing ganap ng Diyos. Huwag mo munang usisain iyon. Kumain at uminom ka lamang ng salita ng Diyos habang nakikita mo ang mga ito, tiyak na makakaya kang gawing ganap ng Diyos. Subalit, may isang simulain kung saan kailangan mong kumain at uminom ng Kanyang salita. Huwag mo itong gawin na parang isang bulag. Sa halip ay hanapin mo ang mga salita na kailangan mong malaman, iyan ay, ang mga may kaugnayan sa iyong pananaw. Ang isa pang kalagayan na nararapat mong hanapin ay iyong mga naisasabuhay, iyan ay, ang mga kailangan mong pasukin. Ang isang kalagayan ay tungkol sa kaalaman, at ang isa ay may kinalaman sa pagpasok. Sa oras na pareho mong nahanap, iyan ay, kapag naunawaan mo ang dapat malaman at dapat isabuhay, iyong malalaman kung paano kainin at inumin ang salita ng Diyos.
Sa pagpapatuloy, ang pag-uusap tungkol sa salita ng Diyos ay ang simulain na iyong inihahayag. Kapag kayo ay nagsama-sama, dapat ninyong pag-usapan ang salita ng Diyos at gawin itong paksa; pag-usapan ninyo kung anu-ano ang inyong mga nalalaman sa salita ng Diyos, kung paano ninyo isinasabuhay ang Kanyang mga salita, at kung paano kumikilos ang Banal na Espiritu. Kapag kayo ang nagsama-sama dahil sa salita ng Diyos, kayo ay bibigyan ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Nararapat makipagtulungan din ang tao kung ang mundong ito ay gagawing mundo ng salita ng Diyos. Kapag ikaw ay hindi pumasok dito, hindi magagawa ng Diyos ang Kanyang gawain. Kapag hindi ninyo pinag-usapan ang Kanyang salita, hindi Niya kayo mabibigyan ng kaliwanagan. Sa tuwing iyong makakaya, pag-usapan ninyo ang salita ng Diyos. Huwag kayong mag-usap na parang mga tamad! Hayaan mong mapuno ang inyong buhay ng salita ng Diyos; dahil ikaw ay isang taimtim na mananampalataya. Kahit na ang inyong pagsasama-sama ay panlabas lamang, iyon ay ayos lang. Kung wala ang panlabas, hindi ito magiging malalim. Mayroong pamamaraan kung saan kailangang sumailalim. Sa pamamagitan ng iyong pagsasanay, ikaw ay nagkakamit ng kaalaman sa pagliliwanag ng Banal na Espiritu sa iyo, at kung paano mas mabisang kumain at uminom ng salita ng Diyos. Matapos ang panahon ng ganoong pananaliksik, ikaw ay makapapasok sa katunayan ng salita ng Diyos. Kung ikaw ay mayroong kakayahang makipagtulungan ay matatanggap mo ang gawa ng Banal na Espiritu.

Mayroong dalawang kalagayan sa simulain ng pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos: Ang una ay may kinalaman sa kaalaman, at ang isa ay pagpasok. Anong mga salita ang kailangan ninyong malaman? Kailangan ninyong malaman ang mga salita na may kinalaman sa pangitain (kung anong panahon pumasok ang Diyos, anong nais makamit ng Diyos, ano ang pagkakatawang-tao, at iba pa. Ang lahat ng ito ay may kinalaman sa pangitain.) Ano ang daan kung saan ang tao ay nararapat pumasok? Ito ay tumutukoy sa mga salita ng Diyos na dapat isabuhay at pasukin ng tao. Iyon ang dalawang kalagayan ng pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos. Mula ngayon, kainin at inumin ninyo ang salita ng Diyos sa ganitong paraan. Kung mayroon kang malinaw na pagkakaunawa sa mga salita tungkol sa pangitain, hindi na kailangan magbasa pa. Ang pangunahingkahalagahan ay ang kumain at uminom ng mga salita na higit na patungkol sa pagpasok, katulad ng kung paano ninyo ibabaling ang inyong puso tungo sa Diyos, paano patatahimikin ang puso sa harap ng Diyos, at kung paano talikuran ang laman. Iyon ang nararapat ninyong isabuhay. Kung hindi ninyo alam kung paano kainin at inumin ang salita ng Diyos, hindi maaring mangyari ang pagsasama-sama. Sa sandaling malaman ninyo kung paano kumain at uminom ng salita ng Diyos, at inyong naunawaan kung ano ang susi, magiging malaya ang pagsasama-sama. Kung anumang suliranin ang dumating, maaari ninyo itong pag-usapan at maunawaan ang totoo. Ang pag-uusap tungkol sa salita ng Diyos na walang katunayan ay nangangahulugang hindi ninyo naunawaan kung ano ang susi, at ito ay nagpapakita na hindi ninyo alam kung paano kainin at inumin ang Kanyang salita. Ang ilan ang makararamdam ng pagod kapag nagbabasa ng salita ng Diyos. Ang ganoong kalagayan ay hindi karaniwan. Sa katunayan, ang karaniwan ay hindi pagiging pagod sa pagbabasa ng salita ng Diyos, palaging nauuhaw para rito, at palaging isipin na ang salita ng Diyos ay mabuti. Ito ay kung paano kumain at uminom ng salita ng Diyos ang tunay na nakapasok. Kapag inyong nang naramdaman ang salita ng Diyos ay tunay na praktikal at kung saan nararapat pumasok ang tao; kapag nararamdaman ninyo na ang Kanyang salita ay lubos na nakatutulong at kapaki-pakinabang sa tao, at ito ang tumutustos sa buhay ng tao, ang pakiramdam na ito ay bigay sa inyo ng Banal na Espiritu. Ito ay patunay na ang Banal na Espiritu ay kumikilos sa inyo at hindi kayo tinalikuran ng Diyos. Ang makita na ang Diyos ay laging nagsasalita, ang ilan ay napapagod sa Kanyang mga salita at iniisip na walang kapinsalaan kung hindi man sila magbasa ng Kanyang salita. Hindi iyon ang karaniwang kalagayan. Ang kanilang mga puso ay hindi uhaw na makapasok sa katunayan, ang mga taong iyon ay hindi nauuhaw o nagbibigay halaga sa pagiging sakdal. Sa tuwing iyong nakikita na hindi ka nauuhaw sa salita ng Diyos, ito ay nagpapakita na ang iyong kalagayan ay hindi karaniwan. Sa nakaraan, kung paanong ang Diyos ay tumalikod sa iyo ay napapatunayan kung ikaw ay may kapayapaan sa kalooban at nakararanang kasiyahan. Ngayon, ang susi ay kung ikaw ay nauuhaw sa salita ng Diyos, kung ang Kanyang salita ay ang iyong katunayan, kung ikaw ay tapat, at kung makakaya mong gawin ang nararapat para sa Diyos. Sa madaling salita, hinahatulan ang tao sa pamamagitan ng katunayan ng salita ng Diyos. Inihahatid ng Diyos sa mga tao ang Kanyang salita. Kung ikaw ay handang basahin ito, ikaw ay Kanyang liliwanagan, ngunit kung hindi, hindi Niya ito gagawin. Nililiwanagan ng Diyos ang mga nagugutom at nauuhaw para sa kabanalan, at ang mga naghahanap sa Kanya. Ang ilan ay nagsasabi na hindi sila niliwanagan ng Diyos matapos nilang basahin ang Kanyang salita. Ano ang ipinahiwatig ng mga salita? Kung minadali ninyo ang pagbasa at hindi binigyang kahalagahan ang katunayan, paano kayo liliwanagan ng Diyos? Paanong gagawing sakdal ng Diyos ang isang hindi nagpapahalaga sa salita ng Diyos? Kung hindi ninyo pinahahalagahan ang salita ng Diyos, hindi kayo magkakaroon ng katotohanan at katunayan. Kapag inyong pinahalagahan ang Kanyang salita, maaaring ninyong isabuhay ang katotohanan; doon lamang kayo magkakaroon ng katunayan. Kaya't nararapat ninyong kainin at inumin ang salita ng Diyos kahit anuman ang pangyayari, kung kayo ay walang panahon, kung ang kalagayan ay masama o mabuti, at kung kayo ay sinusubukan o hindi. Sa kabuuan, ang salita ng Diyos ang saligan ng pag-iral ng tao. Walang maaaring tumalikod sa Kanyang salita at lahat ay nararapat kumain at uminom ng salita ng Diyos na para bang ito ang inyong pagkain sa araw-araw. Ang gawing sakdal at makamit ng Diyos ba ay mga karaniwang bagay? Kung inyong naiintindihan o hindi sa kasalukuyan o kung kayo ay may kaalaman sa gawain ng Diyos, kayo ay nararapat na kumain at uminom ng salita ng Diyos. Ito ay ang pagpasok sa masugid na paraan. Matapos basahin ang salita ng Diyos, magmadaling isabuhay kung ano ang inyong makakaya, at isantabi pansamantala kung ano ang hindi ninyo makakaya. Marami man ang hindi ninyo maintindihan sa salita ng Diyos, ngunit matapos ang dalawa o tatlong buwan, marahil ay matapos ang isang taon, ito ay inyong maiintindihan. Bakit ganoon? Ito ay dahil hindi kayang gawing ganap ng Diyos ang tao sa loob ng isa o dalawang araw. Halos sa lahat ng panahon, kapag binasa ninyo ang salita ng Diyos, hindi ninyo maiintidihan sa mga sandaling iyon. Sa puntong ito, ito ay tilamga salita lamang; sa pamamagitan lang ng tagal ng karanasan saka lang ninyo maiintindihan ang salita ng Diyos. Ang Diyos ay nagsalita na, kaya't nararapat ninyong gawin ang inyong makakaya upang kainin at inumin ang Kanyang salita. Hindi niyo malalaman, ngunit maiintindihan ninyo at liliwanagan kayo ng Banal na Espiritu. Kapag niliwanagan ng Banal na Espiritu ang tao, madalas itong lingid sa kaalaman ng tao. Nililiwanagan at ginagabayan kayo kapag kayo ay nauuhaw at naghahanap. Ang simulain na kung saan kumikilos ang Banal na Espiritu ay nakapagitna sa salita ng Diyos na inyong kinakain at iniinom. Ang lahat nang hindi nagpapahalaga sa salita ng Diyos at palaging may ibang pagtingin sa Kanyang salita, kawalang-ingat at ang paniniwala na walang mangyayari kung sila ay magbabasa ng Kanyang salita, ay mga walang katunayan. Alinman sa gawain ng Banal na Espiritu o ang Kanyang pagbibigay ng liwanag ang maaaring makita sa kanila. Ang ganoong mga tao ay sumusunod lamang sa agos, at mga mapagpanggap na walang kakayahan, katulad ni Mr. Nanguo sa talinghaga.
Kung wala ang salita ng Diyos bilang inyong patotoo, walang kayong tunay na katayuan. Kapag dumating ang panahon na kayo ay susubukan, tiyak na matutumba kayo, at pagkatapos ay lalabas ang iyong tunay na katayuan. Ngunit sa panahong iyon, ang mga palaging naghahangad na makapasok sa katunayan ay maiintindihan ang layunin ng salita ng Diyos. Ang isang matapat at uhaw sa Diyos ay dapat gumawa ng praktikal na pagkilos upang mabayaran ang Diyos sa Kanyang pagmamahal. Ang mga walang katunayan ay hindi makakayang tumayo nang matatag kahit sa harap ng mga walang kuwentang bagay. Mayroong payak na pagkakaiba ang mga may tunay na katayuan at ang mga wala. Bakit kapwa silang kumakain at umiinom ng salita ng Diyos, ngunit ang ilan ay nakakayang tumayo nang matatag sa harap ng pagsubok habang ang ilan ay tumatakbo palayo? Ang malinaw na pagkakaiba ay sila'y may kakulangan sa tunay na tayog; wala sa kanila ang salita ng Diyos bilang kanilang katunayan, ang Kanyang salita ay hindi lumalim sa kanila. Sa oras na sila ay sinubukan, walang paraan para sa kanila. Paano nakatatayo nang matatag ang ilan? Ito ay dahil sila ay mayroong malaking pangitain, o ang salita ng Diyos ang naging kanilang karanasan at kung ano ang kanilang nakita sa katotohanan ay naging saligan sa kanilang pag-iral. Kaya kanilang nakakayang tumayo nang matatag sa harap ng mga pagsubok. Ito ang tunay na tayog, at ito rin ay buhay. Ang ilan ay maaari ring basahin ang salita ng Diyos ngunit hindi isasabuhay o hindi masigasig patungkol dito. Ang mga hindi masigasig ay hindi nagpapahalaga sa pagsasabuhay. Ang mga walang salita ng Diyos bilang kanilang katunayan ay ang mga walang tunay na tayog. Ang mga taong ito ay hindi makakayang tumayo nang matatag sa harap ng mga pagsubok.
Kapag nagsalita ang Diyos, kaagad mong tanggapin ang Kanyang mga salita upang kainin ang mga ito. Gaano man karami ang iyong naintindihan, kumapit ka sa pananaw at mag-limi sa pagkain, pag-intindi, at pagsasabuhay ng Kanyang salita. Ito ay isang bagay na nararapat mong gawin. Huwag mag-alala kung gaano kalaki ang iyong tayog; ibaling mo ang iyong pansin sa pagkain ng Kanyang salita. Ganito dapat makipagtulungan ang tao. Ang iyong espiritwal na buhay ay para makapasok sa katunayan kung saan ikaw ay kakain at iinom ng salita ng Diyos at isasabuhay ito. Huwag kayong mag-limi sa ibang bagay. Ang mga pinuno sa simbahan ay dapat pangunahan ang mga tao sa pag-alam kung paano kakain at iinom ng salita ng Diyos. Ito ang responsibilidad ng lahat ng pinuno ng simbahan. Sila man ay bata o matanda, ang lahat ay isaalang-alang ang pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos na may pagpapahalaga at panatilihin ang Kanyang mga salita sa kanilang mga puso. Kapag ikaw ay nakapasok sa katunayan na ito, ikaw ay nakapasok na sa Panahon ng Kaharian. Sa panahon ngayon, ang karamihan ay nakararamdam na hindi nila kayang mabuhay nang hindi kumakain at umiinom ng salita ng Diyos, at kahit na anong oras, pakiramdam nila na ang Kanyang salita ay isang nobela. Sa gayon ang tao ay magsisimulang maitakda sa tamang daan. Ginagamit ng Diyos ang salita upang gawin at tustusan ang tao. Kung ang lahat ay naghahangad at nauuhaw para sa salita ng Diyos, sila ay makapapasok sa mundo ng Kanyang salita.
Ang Diyos ay nagsalita ng maraming beses. Gaano karami ang iyong alam? Gaano karami ang iyong napasukan. Kung ang isang pinuno ng simbahan ay hindi pinangunahan ang mga tao sa katunayan ng salita ng Diyos, sila ay nagpabaya sa kanilang tungkulin at nabigong tuparin ang kanila mga responsibilidad! Gaano man kalalim ang iyong pagkain at pag-inom, o gaano man karami ang inyong matatanggap, nararapat ninyong malaman kung paano kakain at iinom ng Kanyang salita; dapat ninyong isaalang-alang ang Kanyang salita na may pagpapahalaga at unawain ang kahalagahan at pangangailangan ng ganoong pagkain at pag-inom. Nagsalita ang Diyos nang marami. Kung kayo ay hindi kakain at iinom ng Kanyang salita, o hanapin at isabuhay ang Kanyang salita, ikaw ay hindi maibibilang na naniniwala sa Diyos. Dahil ikaw ay naniniwala sa Diyos, ikaw ay dapat kumain at uminom ng Kanyang salita at maranasan ang Kanyang salita. Ito lamang ang paniniwala sa Diyos. Kung sinasabi mong ikaw ay naniniwala sa Diyos ngunit hindi makapagpahayag ng kahit na ano sa Kanyang salit o isabuhay ito, ikaw ay hindi masasabing naniniwala sa Diyos. Ito ay "naghahanap ng tinapay upang pawiin ang gutom". Nagsasalita lamang ng mga walang kuwentang patotoo, walang silbing mga bagay, at mabababaw na bagay, at wala ni kaunting katunayan ay hindi bumubuo sa paniniwala sa Diyos. Hindi mo naunawaan ang tamang paraan ng paniniwala sa Diyos. Bakit mo kailangang mas kumain at uminom ng salita ng Diyos? Paniniwala ba kapag ikaw ay hindi kumain at uminom ng Kanyang salita at naghanap para lamang makaakyat sa langit? Ano ang unang hakbang para sa isang naniniwala sa Diyos? Sa anong landas ginagawang sakdal ng Diyos ang tao? Maaari ka bang gawing sakdal nang hindi kumakain at umiinom ng salita ng Diyos? Mabibilang ka bang tao sa kaharian kung wala ang salita ng Diyos bilang iyong katunayan? Ano nga ba ang paniniwala sa Diyos? Ang mga naniniwala sa Diyos ay nararapat magtaglay ng mabuting pag-uugali sa panlabas, at higit na mahalaga ay ang pagkakaroon ng salita ng Diyos. Kahit na anong mangyari, hindi mo kailanman matatalikuran ang Kanyang salita. Ang iyong kaalaman tungkol sa Diyos at pagtupad sa Kanyang kalooban ay makakamit sa pamamagitan ng Kanyang salita. Ang lahat ng bansa, sekta, taguri at sektor ay malulupig sa pamamagitan ng salita sa hinaharap. Magsasalita ang Diyos ng tuwiran, at ang lahat ng tao ay hahawakan ang mga salita sa kanilang mga kamay; sa pamamagitan nito ay magiging sakdal ang mga tao. Ang salita ng Diyos ay lumalaganap: Ang mga tao ay pinag-uusapan ang salita ng Diyos at isinasabuhay ito, habang iniingatan pa rinang salita ng Diyos. Sila ay babad sa salita ng Diyos, dahil dito sila ay ginawang sakdal. Ang mga tumutupad sa kalooban ng Diyos at kayang maging saksi sa Kanya ay ang mga nagtataglay ng salita ng Diyos bilang kanilang katunayan.
Kapag ikaw ay pumasok sa Panahon ng Salita, ikaw ay mapupunta sa Panahon ng Sanglibong Taong Kaharian. Ito ang gawain na nakakamit ngayon. Mula ngayon, magsanay kayong mag-usap tungkol sa salita ng Diyos. Tanging sa pagkain at pag-inom ng Kanyang salita at ang maranasan ito ay maaaring magpakita sa salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng inyong mga karanasan maaaring mahikayat ang iba. Kung wala sa inyo ang salita ng Diyos, walang mahihikayat! Ang lahat ng ginagamit ng Diyos ay may kakahayang ihayag ang salita ng Diyos. Kung hindi mo kaya, ito ay nagpapakita na ang Banal na Espiritu ay hindi kumilos sa iyo, at ikaw ay hindi ginawang sakdal. Ito ang kahalagahan ng salita ng Diyos. Mayroon ka bang puso na uhaw sa salita ng Diyos? Ang mga uhaw sa salita ng Diyos ay uhaw sa katotohanan, at tanging ang mga taong ito ang pinagpala ng Diyos. Sa hinaharap, mayroon pang maraming salita na ihahayag ang Diyos sa lahat ng taguri at lahat ng sekta. Siya ay magsasalita at ihahayag ang Kanyang tinig sa inyong kalagitnaan at kayo ay gagawing ganap bago magsalita at ihayag ang Kaniyang tinig sa mga Hentil at sila ay lupigin. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ay matapat at lubos na mahihikayat. Sa pamamagitan ng salita ng Diyos at ang Kanyang paghahayag, ang tiwaling katangian ng tao ay mababawasan. Lahat ay may anyo ng tao, at ang pagkasuwail ng tao ay mababawasan din. Ang salita ay kumikilos na mayroong kapangyarihan sa tao at nilulupig ang tao sa liwanag ng Diyos. Ang gawain na gagawin ng Diyos sa kasalukuyang panahon, gayundin ang mga punto sa Kanyang gawain ay mahahanap sa Kanyang salita. Kung hindi ninyo babasahin ang Kanyang salita, walang kayong maiintindihan. Sa pamamagitan ng inyong pagkain at pag-inom ng Kanyang salita, pag-uusap, at ang inyong mga tunay na karanasan, ang inyong kaalaman sa salita ng Diyos ay magiging malawak. Tanging noon lamang ninyo makakayang mabuhay sa katunayan.



Walang komento: