2017-02-04

Ang Ika-labindalawang Pagbigkas

   

      Kapag ang kidlat ay lumabas mula sa Silangan—na siyang tiyak ding sandali ng Aking pagbigkas—sa sandaling ang kidlat ay dumating, ang buong kalangitan ay magliliwanag, at ang lahat ng mga bituin ay nagsisimulang mag ibang anyo. Ito ay tila bang ang buong sangkatauhan ay sumailalim sa isang angkop na paglilinis at paghihiwalay. Sa ilalim ng liwanag nitong katawan ng ilaw mula sa Silangan, ang buong sangkatauhan ay nabunyag sa kanilang totoong anyo, ang mga mata ay nasilaw, natigil sa pagkalito; iilan pa rin sa mga ito ang makapagtatago ng kanilang mga pangit na mga katangian. Muli, sila ay tulad ng mga hayop na tumatakas mula sa Aking liwanag upang kumubli sa mga kuweba ng kabundukan; ngunit, wala kahit isa sa mga ito ang maaaring mapawi mula sa loob ng Aking liwanag. Ang lahat ng tao'y napapaloob sa mahigpit na pagkakahawak ng takot at pagka-alarma, ang lahat ay naghihintay, ang lahat ay nanonood; sa pagdating ng Aking liwanag, ang lahat ay nagalak sa araw ng kanilang pagsilang, at gayon din ang lahat ay isinusumpa ang araw ng kanilang kapanganakan. Ang mga magugulong ay imposibleng masabi; ang mga ng luha ng pagpaparusa sa sarili ay bumubuo ng ilog, at dinadala palayo sa malawak na dagsa ng tubig, nawawala nang walang bakas sa isang kislap. Muli, ang Aking araw ay lumalapit na sa sangkatauhan, at muling pinupukaw ang sangkatauhan, na nagbibigay sa mga tao ng isang punto mula sa kung saan bubuo ng bagong simulain. Ang puso Ko ay tumitibok at, sumusunod sa mga indayog ng Aking tibok ng puso, ang mga bundok ay lumulundag sa kagalakan, ang mga tubig ay sumayaw sa kagalakan, at ang mga alon, sumusunod sa oras, humahampas sa batuhan. Mahirap ipahayag kung ano ang nasa Aking puso. Nais Kong sunugin ang lahat ng maruruming mga bagay hanggang maging abo sa ilalim ng Aking mga titig, Nais Ko na lahat ng mga anak ng pagsuway ay mawala mula sa Aking harapan, hindi na kailanman pa bumalik sa pag-iral. Hindi lamang Ako gumawa ng isang bagong panimula sa tirahan ng dakilang pulang dragon, ako rin ay pumasok sa bagong gawain sa sansinukob. Sa madaling panahon ang mga kaharian sa lupa ay magiging Aking kaharian; sa madaling panahon ang mga kaharian sa lupa ay magpakailanmang titigil sa pag-iral dahil sa Aking kaharian, dahil Aking nakamit ang tagumpay, sapagka't Ako ay bumalik nang matagumpay. Inubos ng dakilang pulang dragon ang bawat maiisip na paraan upang sirain ang Aking plano, umaasang mabura ang Aking gawa sa ibabaw ng lupa, ngunit maaari ba Akong mawalan ng pag-asa dahil sa kanyang mga pandaraya? Dapat ba Akong matakot sa pagkawala ng tiwala sa pamamagitan ng mga banta nito? Kailanman walang kahit isang nilalang saan man sa langit o sa lupa ang hindi ko hinawakan sa Aking palad; gaano ba katotoo ang dakilang pulang dragon, itong kagamitang ito na nagsisilbi bilang bilang balakid sa Akin? Ito ba ay hindi rin isang bagay na pinapatakbo ng Aking mga kamay?
Sa oras ng Aking pagkakatawang-tao sa mundo ng tao, ang sangkatauhan ay dumating nang hindi sinasadya sa araw na ito sa tulong ng Aking gumabagay na kamay, dumating nang hindi sinasadya upang makilala Ako. Subalit, tulad ng kung paano tahakin ang landas na naghihintay sa daan, walang sinuman ang nakaka-alam, walang kahit isa ang may kamalayan, at kaunti pa rin ang sinumang may bakas ng direksyon kung saang landas siya nito dadalhin. Sa pamamagitan lamang ng Makapangyarihan na nagbabantay sa kanya magagawa ng sinuman na maglakad sa landas hanggang sa wakas; tanging ang ginabayan lamang ng kidlat sa Silangan ang maaring makatawid sa ibabaw ng pintuan patungo sa Aking kaharian. Sa mga tao,walang kahit isa ang nakakita sa Aking mukha, isang nakakita ng kidlat sa Silangan; gaano kakaunti, kahit isang nakarinig sa tinig na nagmumula sa Aking trono? Sa katunayan, simula pa noong unang panahon, walang kahit isang tao ang direktang dumating upang humarap sa Aking katauhan; ngayon lamang, sa Aking pagdating sa mundo, Ang tao ay magkakaroon ng pagkakataong makita Ako. Ngunit kahit ngayon, hindi pa rin Ako kilala ng mga tao, tulad ng kanilang pagtingin lamang sa Aking mukha at naririnig lamang ang Aking tinig, ngunit hindi maunawaan ang Aking ibig sabihin. Ang lahat ng mga tao ay tulad nito. Bilang isa sa Aking mga tao, hindi ka ba nakakaramdam ng karangalan kapag nakita mo ang Aking mukha? At hindi mo ba nararamdaman ang kasuklam-suklam na kahihiyan dahil hindi mo Ako kilala? Lumalakad Ako kabilang ng mga tao, at Ako'y namumuhay kabilang ng mga tao, sapagka't Ako ay nagkatawang-tao at Ako ay dumating sa mundo ng tao. Ang Aking layunin ay hindi lamang upang pagbigyan ang sangkatauhan na masilayan ang aking katawang-tao; ang mas mahalaga, ito ay upang makilala Ako ng sangkatauhan. Ano ang higit pa, Aking, sa pamamagitan ng Aking pagkatawang-tao, hahatulan ang sangkatauhan sa kanyang mga kasalanan; Aking, sa pamamagitan ng Aking pagkatawang-tao, tatalunin ang dakilang pulang dragon at palalayasin sa kanyang pugad.

Kahit na ang mga tao na naninirahan sa lupa ay kasing dami ng mga bituin, kilala ko silang lahat na kasing linaw nang pagtingin ko sa Aking sariling palad. At, kahit ang mga tao na "umiibig" sa Akin ay kasing dami rin ng hindi mabilang na buhangin sa dagat, kaunti lamang ang Aking pinili: ang mga sumunod lamang sa maliwanag na ilaw, na hiwalay sa mga taong "umiibig" sa Akin. Hindi masyadong mataas ang tingin Ko sa tao, at hindi Ko siya minamaliit; sa halip, humihiling Ako sa tao ayon sa kanyang likas na mga katangian, at kaya ang Aking kailangan ay ang uri ng taong taos-pusong naghahangad sa Akin—ito ay upang makamit ang Aking layunin sa pagpili ng mga tao. May mga mababangis na hayop na hindi mabilang sa mga bundok, ngunit ang lahat ng mga ito ay kasing bait ng mga tupa sa harap Ko; hindi maarok na misteryo na pumapailalim sa karagatan, ngunit ipinakita nila ang kanilang mga sarili sa Akin na kasing linaw ng lahat ng bagay sa ibabaw ng lupa; sa itaas na kalangitan ay ang mga kahariang di kailanman maaabot ng mga tao, gayun pa man Ako ay malayang naglalakad sa mga hindi mararating na kaharian. Hindi Ako kailanman nakilala sa liwanag ng tao, ngunit nakita lamang Ako sa mundo ng kadiliman. Ikaw ba ay wala sa eksaktong kaparehong sitwasyon ngayon? Iyon ay ang rurok ng pagdaluhong ng dakilang pulang dragon nang Ako’y pormal na nagkatawang-tao upang gawin ang Aking gawain. Ito ay noong ang dakilang pulang dragon ay nagsiwalat ng kanyang tunay na anyo sa unang pagkakataon nang Ako ay nagpatotoo sa Aking pangalan. Noong Ako ay naglakad sa mga daan ng sangkatauhan, wala kahit isa, wala kahit isang tao, ang nagulat sa kaantukan, at kaya nang Ako ay magkatawang-tao sa mundo ng mga tao, walang sinuman ang nakaalam ito. Ngunit nang, sa Aking pagkatawang-tao, Ako ay nagsimulang gumawa ng Aking gawain, at doon ay nagising ang sangkatauhan, nagulat mula sa kanyang mga panaginip sa dagundong ng Aking tinig, at mula sa sandaling ito ay nagsimulang mamuhay sa ilalim ng Aking patnubay. Sa Aking bayan, muli Kong sinimulan ang panibagong gawain. Matapos sabihing ang Aking gawain sa lupa ay hindi pa tapos, ito ay sapat na upang patunayan sa mga taong Aking nakausap noong nakaraan ay hindi ang mga nakita Ko na nangangailangan, ngunit gayon pa man Ako ay bumibilang pa rin ng mga hihirangin sa mga taong ito. Mula rito ay naging malinaw na Aking ginagawa ito hindi lamang upang ipakilala sa Aking mga tao ang Diyos na nagkatawang-tao, kundi pati na rin upang linisan ang Aking bayan. Dahil sa tindi ng Aking kautusan ng pamamahala, ang malaking bilang ng mga tao ay nasa panganib pa rin sa Aking pagpapaalis. Maliban na lamang kung gumawa kayo ng pagsusumikap upang makitungo sa inyong sarili, upang magtagumpay laban sa inyong sariling katawan, maliban kung gagawin ninyo ito, kayo ay tiyak na magiging isang bagay na Aking kasusuklaman at tatanggihan, upang itapon pababa sa impiyerno, tulad ng natanggap ni Pablo na kaparusahan mula mismo sa Aking mga kamay, na kung saan ay walang makakatakas. Mayroon na ba kayong natuklasang bagay sa Aking mga salita? Tulad ng dati, ito pa rin Ang Aking mga layunin na linisin ang simbahan, upang patuloy na dalisayin ang mga tao na Aking kailangan, dahil Ako ay ang Mismong Diyos, na pawang banal at walang bahid-dungis. Hindi ko lamang gagawing maningning sa kulay ng bahaghari ang Aking templo, bagkus walang bahid na kalinisan, na may tugmang panloob sa panlabas nito. Sa Aking harapan, dapat alalahanin ninyo at ng lahat ang mga ginawa ninyo sa nakaraan, at pagpasiyahan kung magagawa ninyo ngayong magpasiya upang Ako ay bigyan ng ganap na kasiyahan sa Aking puso.
Ito ay hindi lamang sa hindi Ako kilala ng tao sa Aking katawang-tao; ang higit na masahol, siya ay nabigo na maunawaan ang kanyang sarili na namamalagi sa katawang-tao. Ilang taon na ba ang nakalilipas, at sa lahat ng oras ay nililinlang Ako ng mga tao, trinato ako bilang isang panlabas na bisita? Ilang beses ba nila Akong pinagsarahan ng pintuan ng kanilang tahanan? Gaano karaming beses na ba sila, nakatayo sa Aking harapan, na hindi nagbigay-pansin sa Akin? Ilang beses ba nila Akong tinalikuran sa gitna ng ibang tao? Ilang beses ba nila Akong itinanggi sa harap ng diyablo? At gaano karaming beses na ba nila Akong inatake ng kanilang mga mapagtaltalang bibig? Ngunit hindi ako naglilista ng mga kahinaan ng tao, o binibilang ang kanyang mga pagsuway at humihingi na ngipin sa ngipin na kapalit. Ang tanging ginawa Ko lamang ay ang lapatan ng gamot ang kanyang karamdaman, upang pagalingin ang kanyang walang lunas na sakit, at sa gayon ay manumbalik ang kanyang kalusugan, nang sa gayon ay maaari na niya Akong makilala. Hindi Ko pa ba nagagawa ang lahat para sa kapakanan ng kaligtasan ng sangkatauhan, para sa kapakanan ng pagbibigay sa sangkatauhan ng pagkakataon sa buhay? Maraming beses Akong nagtungo sa mundo ng mga tao, ngunit ang mga tao ay hindi, dahil Ako ay nagtungo sa mundo sa Aking sariling katauhan, Ako binigyang-pansin; sa halip, ang bawat isa ay nagpatuloy sa kanilang sariling mga gawain, naghahanap ng daan palabas sa kanilang mga sarili. Hindi nila batid na ang bawat kalsada sa ibaba ng langit ay mula sa Aking mga kamay! Hindi nila batid na ang bawat bagay sa ibaba ng kalangitan ay napapailalim sa Aking ordinasyon! Sino sa inyo ang susubok na kumupkop ng hinagpis sa kanyang puso? Sino sa inyo ang susubok na pahapyaw na lumapit para sa isang kasunduan? Ako ay tahimik na gumagawa ng Aking gawain sa gitna ng sangkatauhan, iyon lamang. Kung, sa panahon ng aking pagkakatawang-tao, Ako ay hindi nagmalasakit sa kahinaan ng tao, sa gayon ang lahat ng sangkatauhan, dahil lamang sa Aking pagkakatawang-tao, ay matatakot nang husto at, bilang resulta, malalaglag sa impyerno. Ito ay dahil lamang sa Aking pagpapakumbaba at pagtago sa Aking sarili na nakatakas ang sangkatauhan sa sakuna, nakamit ang pagpapalaya mula sa Aking kaparusahan, at sa ganitong paraan ay dumating sa araw na ito. Alam kung gaano kahirap makarating sa araw na ito, hindi mo ba dapat higit na mahalin ang bukas na darating?

Walang komento: