1. Ang sangkatauhan, labis nang sinira ni Satanas, ay hindi alam na mayroong Diyos at huminto na sa pagsamba sa Diyos. Sa simula, nang si Adan at Eba ay nilikha, ang kaluwalhatian ni Jehovah at ang patotoo ni Jehovah ay laging naririto. Ngunit matapos silang masira, ang tao ay nawalan ng kaluwalhatian at patotoo sapagkat ang lahat ay naghimagsik laban sa Diyos at sabay-sabay na huminto sa paggalang sa Kaniya. Ang mapanlupig na gawa ngayon ay upang maibalik ang lahat ng patotoo at kaluwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang mayroong patotoo sa mga nilalang.
Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talagang malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa pamamagitan ng mga ginawang salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa pamamagitan ng paghahayag, paghatol, pagparusa, at ang walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pamamagitan ng paghayag ng pagkamapaghimagsik ng tao at paghatol sa kaniyang paglaban upang malaman niya ang kasamaan at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang mabigyang-diin ang matuwid na katangian ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga salita ay ang mga paraan sa kahuli-hulihang paglupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tatanggap ng paglupig ay dapat tanggapin ang pananakit at paghatol ng mga salita. Ang kasalukuyang paraan ng pagsasalita ay ang paraan ng paglupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili lamang. Dapat, sa pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, ay makilala nila ang kanilang kasamaan at karumihan, ang kanilang pagkamapaghimagsik at kalikuan, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya ninyong unawain ang kalooban ng Diyos at gayon isabuhay ito at, bukod pa rito, magkaroon ng pananaw, at kung kaya ninyong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa inyong mga sariling napili, gayon kayo masasabing nalupig na. At itong mga salitang ito ang nakapaglupig sa inyo. Bakit nawala ng sangkatauhan ang patotoo? Dahil wala na kahit isa ang may pananampalataya sa Diyos o tangan man lang ang Diyos sa kaniyang puso. Ang paglupig sa sangkatauhan ay nangangahulugang ang tao ay ibabalik ang pananampalatayang ito. Ang mga tao ay laging nakatingin tungo sa kamunduhan, nagtataglay ng masyadong maraming inaasahan, naghahangad nang labis-labis para sa kanilang kinabukasan, at masyadong maraming marangyang pangangailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para sa kanilang laman at hindi kailanman hinangad ang paghanap ng daan sa paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay sinakop na ni Satanas, nawala na nila ang kanilang paggalang sa Diyos, at itinatalaga nila ang kanilang puso kay Satanas. Ngunit ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon, naiwala ng tao ang kaniyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang mungkahi ng paglupig sa tao ay upang kamkamin muli ang kaluwalhatian ng paggalang ng tao sa Diyos.
2. Ang kasalukuyang mapanlupig na gawa ay gawaing sinadyang gawing maliwanag ang magiging katapusan ng tao. Bakit ko sinasabi na ang pagpaparusa at paghatol ngayon ay ang mga paghatol sa harap ng dakilang puting trono sa mga huling araw? Hindi ba ninyo nakikita ito? Bakit ang mapanlupig na gawa ay ang huling yugto? Hindi ba tiyak na ito ay ginawa para ihayag kung ano ang kahahantungan ng bawat uri ng tao? Hindi ba ito ay para hayaan ang lahat, sa loob ng mapanlupig na gawa ukol sa pagpaparusa at paghatol, upang ipakita ang kaniyang mga tunay na kulay at gayon uriin pagkatapos nito? Sa halip na sabihing ito ay ang paglupig sa sangkatauhan, baka mas maiging sabihin na pinapakita nito kung ano ang kahahantungan ng tao. Iyon ay, ito ang paghatol sa kanilang mga kasalanan at gayon ipinakikita ang iba’t ibang mga uri ng tao, sa gayon mapagpasyahan kung sila ay masama o matuwid. Matapos ang mapanlupig na gawa ay susunod ang gawain ng paggantimpala sa mabuti at pagparusa sa masama: Ang mga tao na lubusang sumusunod, nangangahulugang silang mga puspusang nalupig, ay ilalagay sa susunod na hakbang ng pagpalaganap ng gawain sa buong sansinukob; ang mga di-nalupig ay ilalagay sa kadiliman at masasalubong ang sakuna. Gayon, ang tao ay uuriin ayon sa klase, ang mga gumagawa ng masama ay isasama sa masama, hindi na kailanman makakakita ng sikat ng araw, at ang mga matuwid ay isasama sa mga mabuti, upang tumanggap ng liwanag at mabuhay sa liwanag magpakailanman. Ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng bagay, ang katapusan ng tao ay maliwanag nang ipinakita sa kaniyang mga mata, at ang lahat ng bagay ay uuriin ayon sa klase. Paano gayon makatatakas ang mga tao sa paghihirap ng pag-uring ito? Ang paghayag ng katapusan ng bawat klase ng tao ay tapos na kapag ang katapusan ay nalalapit na ukol sa lahat ng bagay, at ito ay gagawin habang ginagawa ang paglupig sa buong sansinukob (kasama ang lahat ng mapanlupig na gawa magmula sa kasalukuyang gawain). Itong paghahayag ng katapusan ng sangkatauhan ay gagawin sa harap ng luklukan ng paghatol, sa panahon ng pagpaparusa, at sa panahon ng mapanlupig na gawa sa mga huling araw.
3. Ang katapusan ng tao ay hindi isang bagay na itinakda sa umpisa ng paglikha ng mundo. Ito ay dahil sa umpisa mayroon lang iisang klase, ito ay ang sama-samang tinatawag na “sangkatauhan,” at dahil ang tao ay hindi pa sinira ni Satanas noong una, silang lahat ay nanirahan sa liwanag ng Diyos, nang walang kadilimang dumarating sa kanila. Ngunit matapos na ang tao ay sirain ni Satanas, lahat ng tipo at klase ng tao ay kumalat sa buong mundo – lahat ng tipo at klase ng tao na nanggaling sa isang pamilyang sama-samang tinatawag na “sangkatauhan” na binubuo ng lalaki at babae. Silang lahat ay inakay ng kanilang mga ninuno upang maligaw palayo sa kanilang pinakamatandang mga ninuno – ang sangkatauhang binubuo ng lalaki at babae (iyon ay, ang orihinal na si Adan at Eba, ang kanilang pinakamatandang ninuno). Sa panahong iyon, ang mga taong pinamumunuan ni Jehovah na manirahan sa mundo ay ang mga Israelita lang. Ang iba’t ibang tipo ng mga tao na lumitaw mula sa buong Israel (ibig sabihin ay mula sa orihinal na pamilya) ay gayong nawala sa pamamahala ni Jehovah. Silang mga sinaunang tao, lubos na walang-muwang sa mga bagay ukol sa mundo ng tao, ay nakisama sa kanilang mga ninuno upang mabuhay sa loob ng mga pook na kanilang inangkin, magpahanggang sa ngayon. Gayon, sila ay nasa kadiliman pa rin tungkol sa kung paano sila napariwara palayo kay Jehovah at kung paano sila sinira hanggang sa araw na ito ng lahat ng mga maruming mga diablo at masasamang espiritu. Silang mga labis na sinira at nilason hanggang ngayon, sa katiyakan silang mga hindi na maililigtas hanggang sa katapusan, ay wala nang magagawa pa kundi sumama sa kanilang mga ninuno – ang mga maruming mga diablo na sumira sa kanila. Silang mga maililgtas sa katapusan ay pupunta sa nararapat na hantungan, nangangahulugang sa hantungang inilaan para sa mga iniligtas at nilupig. Ang lahat ay gagawin upang mailigtas ang maaring iligtas, ngunit para sa kanilang mga manhid, walang lunas na mga tao, ang kanilang tanging pagpipiliian ay ang sumunod sa kanilang mga ninuno patungo sa kalalimang hukay ng kaparusahan. Huwag ninyong isipin na ang inyong katapusan ay itinadhana sa simula at ito ay ngayon lang ihinayag. Kung ganyan kayo mag-isip, nakalimutan na ba ninyo na sa panahong unang nilikha ang sangkatauhan, walang hiwalay na uri ng maka-Satanas ang nilikha? Nakalimutan na ba ninyo na tanging isang sangkatauhan na binubuo ni Adan at Eba ang nilikha (nangangahulugang tanging lalaki at babae ang mga nilikha)? Kung kayo ay naging mga inanak ni Satanas sa simula, hindi ba nangangahulugan iyon na noong nilikha ni Jehovah ang tao, isinama Niya ang mga pangkat ni Satanas? Gumawa kaya Siya ng bagay na ganoon? Nilikha niya ang tao para sa kapakanan ng Kaniyang patotoo; nilikha Niya ang tao para sa Kaniyang kaluwalhatian. Bakit Niya sasadyaing lumikha ng isang uri na mula sa angkan ni Satanas upang sadyang labanan Siya? Ginawa kaya ito in Jehovah? Kung oo, sino ang makapagsasabing Siya ay isang matuwid na Diyos? Kapag sinabi Ko ngayon na ang ilan sa inyo ay sasama kay Satanas sa kawakasan, hindi ito nangangahulugang kasama ka ni Satanas mula sa umpisa; sa halip, ito ay nangangahulugang ikaw ay lumubog na nang napakalalim na kahit sinubukan pa ng Diyos na iligtas ka, ikaw ay nabigo sa pagkamit ng kaligtasan na iyon. Walang ibang pagpipilian kundi uriin kayo kasama ni Satanas. Ito ay sa kadahilanang kayo ay hindi na kaligtas-ligtas, hindi dahil ang Diyos ay masama sa inyo, nangangahulugang hindi dahil sinadya ng Diyos na itakda ang inyong kapalaran bilang sagisag ni Satanas at gayon iuri kayo kay Satanas at sadyang gusto kang magdusa. Hindi iyan ang loob ng katotohanan ng mapanlupig na gawa. Kung iyan ang inyong pinaniniwalaan, gayon ang inyong pag-unawa ay may kinikilingan!
4. Ang kahuli-hulihang yugto sa paglupig ay sinadya upang iligtas ang mga tao at upang ihayag din ang katapusan ng mga tao. Ito ay upang ihayag ang pagkalubha ng mga tao sa pamamagitan ng paghatol at sa gayon sila ay magsisi, bumangon, at ipagpatuloy ang buhay at ang tamang landas ng buhay ng tao. Ito ay upang gisingin ang mga puso ng mga manhid at mapurol na tao at upang ipakita, sa pamamagitan ng paghatol, ang kanilang panloob na kasuwailan. Subalit, kung ang mga tao ay hindi pa rin magawang magsisi, hindi pa rin magawang ipagpatuloy ang tamang landas ng buhay ng tao at hindi pa rin magawang itakwil ang mga katiwaliang ito, sila ay hindi na magiging kaligtas-ligtas na mga bagay para lamunin ni Satanas. Ito ang kabuluhan ng paglupig – upang iligtas ang mga tao at upang ipakita rin ang kanilang katapusan. Magandang katapusan, masamang katapusan— silang lahat ay ihinayag ng mapanlupig na gawa. Kung ang mga tao ay maliligtas o isusumpa ay ipapakita lahat sa panahon ng mapanlupig na gawa.
5. Ang mga huling araw ay kung kailan ang lahat ng mga bagay ay pagbubukud-bukurin ayon sa kanilang uri sa pamamagitan ng paglupig. Ang paglupig ay ang gawain sa mga huling araw; sa ibang salita, ang paghatol sa bawat kasalanan ng tao ay ang gawain sa mga huling araw. Sa gayon, paano pagbubukud-bukurin ang mga tao? Ang gawain sa pagbubukud-bukod sa inyo ay ang umpisa ng ganitong gawain sa buong sansinukob. Pagkatapos nito, ang mga tao sa lahat ng lahi saanman ay mapasasailalim sa mapanlupig na gawa. Nangangahulugan ito na ang lahat ng mga tao na nilalang ay pagbubukud-bukurin ayon sa kanilang uri, paglapit nila sa luklukan ng paghatol upang husgahan. Walang tao at walang bagay ang kayang tumakas sa pagdurusa nitong pagparusa at paghatol, at walang tao at walang bagay ang kayang umiwas sa pagbubukud-bukod ayon sa kanilang uri; ang lahat ay isasaayos ayon sa mga klase. Ito ay dahil ang kawakasan ay nalalapit na para sa lahat ng mga bagay at lahat ng mga kalangitan at ang lupa ay hahantong sa pasya. Paano makatatakas ang tao upang wakasan ang kaniyang pag-iral?
6. Sa ngayon ginagamit ko ang gawain ng mga taong ito sa Tsina upang ihayag ang lahat ng kanilang mapanghimagsik na katangian at ihayag ang lahat ng kanilang kapangitan. Ito ang saligan sa Aking pagsabi sa lahat ng dapat sabihin. Pagkatapos, gagawin Ko ang susunod na hakbang sa gawain sa paglupig sa buong sansinukob. Gagamitin Ko ang Aking paghatol sa inyo upang hatulan ang kasamaan ng bawat isa sa buong sansinukob sapagkat kayong mga tao ay ang mga kumakatawan sa mga suwail sa sangkatauhan. Silang mga walang paninindigan ay magiging mga sagabal at mga gamit pangsilbi lamang, samantalang silang may kakayanan ang mga gagamitin. Bakit Ko sinasabi na silang mga walang paninindigan ay magsisilbing sagabal? Sapagkat ang Aking mga salita at gawa sa kasalukuyan ay nakatutok sa inyong saligan at dahil kayo ay naging mga kumakatawan at ang ehemplo ng pagiging suwail sa lahat ng sangkatauhan. Sa susunod, kukunin Ko ang mga salitang ito na lumulupig sa inyo sa mga dayuhang bansa at gagamitin Ko ang mga ito upang lupigin ang mga tao doon, ngunit ang mga ito’y hindi ninyo pa makakamtan. Hindi ba kayo magiging sagabal sa gayon? Ang mga masamang kalooban ng lahat ng sangkatauhan, mga suwail na kilos ng tao, ang mga pangit na wangis at mga mukha ng tao, ay nakatala ngayon lahat sa mga salita na ginamit upang lupigin kayo. Gagamitin ko sa gayon ang mga salitang ito upang lupigin ang mga tao sa bawat bayan at bawat pananampalataya sapagkat kayo ang huwaran, ang alinsunuran. Gayunpaman, hindi Ko binalak na sadyang iwanan kayo; kung kayo ay nagkulang sa inyong mga hangarin at samakatuwid pinatunayan ninyong kayo ay di-mapagaling, hindi ba’t kayo ay magsisilbi na lang bilang isang kagamitang pansilbi at sagabal?
7. Ngayon ang pananampalataya ang nagpapahintulot na kayo ay malupig, at ang pagiging sinakop ang nagpapahintulot sa inyo na manalig kay Jehovah. Dahil lamang sa pananampalataya kaya kayo ay nakatatanggap ng ganitong uri ng pagparusa at paghatol. Sa pamamagitan ng mga pagparusa at mga paghatol na ito, kayo ay nilupig at ginawang sakdal. Kung wala ang ganitong uri ng pagparusa at paghatol na tinatanggap ninyo ngayon, ang inyong pananampalataya ay mauuwi sa kawalang saysay. Sapagkat hindi ninyo kilala ang Diyos, kahit gaano kayo naniniwala sa Kaniya, ang inyong pananampalataya ay mananatiling isang basyong pahayag na walang batayan sa katotohanan. Matapos ninyo lang tanggapin ang ganitong uri ng mapanlupig na gawa na ginagawa kayong lubos na masunurin na ang inyong pananampalataya ay magiging tunay at maaasahan at ang inyong puso ay lilingon tungo sa Diyos. Kahit na kayo ay hinatulan o sinumpa nang matindi dahil sa salitang “pananampalataya,” kayo ay mayroong tunay na pananampalataya, at kayo ay makatatanggap ng pinakatunay, pinakatotoo, at pinakamahalagang bagay. Ito ay dahil sa pagtupad lamang ng paghatol ninyo makikita ang huling hantungan ng mga nilalang ng Diyos; sa paghatol na ito ninyo makikita na ang Maylikha ay dapat ibigin; sa ganitong uri ng mapanlupig na gawa makikita ninyo ang bisig ng Diyos; sa paglupig na ito ninyo mauunawaan nang lubos ang buhay ng tao; sa paglupig na ito ninyo makakamtan ang tamang landas ng buhay ng tao at mauunawaan ninyo ang tunay na kahulugan ng “tao”; sa paglupig na ito ninyo lang makikita ang matuwid na katangian ng Siyang Makapangyarihan at ang Kaniyang maganda, maluwalhating mukha; sa mapanlupig na gawang ito matututunan ninyo ang tungkol sa pinanggalingan ng tao at mauunawaan ang lahat ng “walang kamatayang kasaysayan” ng sangkatauhan; sa ganitong paglupig ay maiintindihan ninyo ang mga ninuno ng sangkatauhan at ang sanhi ng katiwalian ng sangkatauhan; sa panlulupig na ito ay makatatanggap kayo ng kaligayahan at kaginhawaan gayundin ang walang katapusang pagpaparusa, disiplina, at ang mga pangaral na salita mula sa Maylikha sa sangkatauhang Kaniyang nilikha; sa mapanlupig na gawang ito kayo tatanggap ng mga pagpapala, at tatanggap kayo ng mga sakuna na dapat tanggapin ng tao.... Hindi ba ang lahat ng ito ay dulot ng mumunting pananampalataya ninyo? Matapos ninyong makamtan ang mga bagay na ito, hindi ba sumibol ang inyong pananampalataya? Hindi ba kayo nakakamit ng napakalaking halaga?
8. Siguro sasabihin ninyo na kung wala kayong pananampalataya, sa gayon hindi kayo magdurusa ng ganitong uri ng pagparusa o ganitong uri ng paghatol. Ngunit dapat ninyong malaman na kung walang pananampalataya, hindi lang kayo hindi makatatanggap ng ganitong uri ng pagparusa o ganitong uri ng pagkalinga mula sa Makapangyarihan, kundi magpakailanmang mawawala ninyo ang pagkakataong makita ang Maylikha. Hinding-hindi ninyo malalaman ang pinagmulan ng sangkatauhan at maunawaan ang kahalagahan ng buhay ng tao. Kahit na ang inyong katawan ay mamatay at ang inyong kaluluwa ay yumao, hindi pa rin ninyo mauunawaan ang lahat ng mga ginawa ng Maylikha. Lalong hindi ninyo malalaman na gumawa ng dakilang gawain sa mundo ang Maylikha matapos Niyang likhain ang sangkatauhan. Bilang kasapi nitong sangkatauhan na Kaniyang ginawa, kayo ba ay pumapayag na walang kaalam-aalam na mahulog nang ganito sa kadiliman at magdusa ng walang hanggang kaparusahan? Kung ihiwalay ninyo ang inyong sarili sa pagparusa at paghatol ngayon, ano ang inyong haharapin? Sa tingin ba ninyo na minsang maihiwalay sa kasalukuyang paghatol ay makatatakas kayo sa mahirap na buhay na ito? Hindi ba totoo na kung lumisan kayo sa “lugar na ito,” ang inyong haharapin ay masakit na pagdurusa o malupit na pinsala dulot ng diyablo? Kayo ba ay haharap sa di-makayanang mga araw at mga gabi? Sa tingin ba ninyo dahil lang natakasan ninyo ang araw ng paghatol na ito, magpakailaman ninyong maiiwasan ang pahirap sa hinaharap? Ano kaya ang darating sa inyo? Ito kaya ang Shangri-La na inyong inaasahan? Sa tingin ba ninyo ay matatakasan ninyo ang susunod na walang hanggang pagpaparusa sa pamamagitan lang ng pagtakas sa katotohanan ng inyong mga ginagawa? Matapos ang araw na ito, makahahanap ba kayo kung sakali ng ganitong uri ng pagkakataon at ganitong uri ng pagpapala muli? Matatagpuan ba ninyo ang mga ito kapag dinatnan kayo ng sakuna? Matatagpuan ba ninyo ang mga ito kapag ang lahat ng sangkatauhan ay nakapagpahinga na? Ang kasalukuyang masaya mong buhay at ang inyong magkaayong munting pamilya – maari bang sila ang papalit sa iyong hinaharap na walang hanggang hantungan? Kung kayo ay may tunay na pananampalataya, at kung marami kayong nakamtan dahil sa inyong pananampalataya, gayon lahat ng mga iyan ay ang dapat mong – isang nilalang – na makamtan at ang dapat na inyong nakuha. Itong uri ng paglupig ay ang pinakakapaki-pakinabang sa inyong pananampalataya at ang pinakakapaki-pakinabang sa inyong buhay.
12. Ang resulta na makakamit sa mapanlupig na gawa ay una sa lahat upang ang laman ng tao ay huminto sa paghimagsik, iyon ay, upang magkaroon ang isip ng tao ng panibagong pagkaunawa sa Diyos, ang kaniyang puso na lubusang sumunod sa Diyos, at upang siya ay magpasya na maging para sa Diyos. Kung paano nagbabago ang pag-uugali o laman ng tao ay hindi makakapagpasya kung siya ay nalupig na. Sa halip, kapag ang inyong pag-iisip, ang inyong diwa, at ang inyong pagkaunawa ay nagbago – iyon ay, kapag ang iyong buong saloobing pang-isip ay nagbago—kayo ay nalupig na ng Diyos. Kapag kayo ay nagpasyang sumunod at nagpagtibay na ng panibagong kaisipan, kapag hindi na ninyo madala ang kahit na alin sa inyong mga paniniwala o mga layunin sa mga salita at gawain ng Diyos, at kapag ang inyong utak ay makakapag-isip na nang matuwid, iyon ay, kapag kaya na ninyong magsikap para sa Diyos nang buong puso—ang ganitong uri ng tao ay siyang lubusan nang nalupig.
13. Sa sakop ng relihiyon, maraming tao ang hindi nagdurusa nang walang kabuluhan sa kabuuan ng kanilang buhay, pinasusuko ang kanilang katawan at binubuhat ang kanilang krus, kahit na maghirap at magtiis hanggang sa huli nilang hininga! Ang ilan ay nag-aayuno pa rin sa umaga ng kanilang kamatayan. Buong buhay nila ay ipinagkaila nila sa kanilang sarili ang mga masasarap na pagkain at magarang mga kasuotan, pinahahalagahan lang ang paghihirap. Kinaya nilang isuko ang kanilang mga katawan at pabayaan ang laman. Ang diwa ng kanilang pagtitiis sa pagdurusa ay kahanga-hanga. Ngunit ang kanilang pag-iisip, ang kanilang mga paniniwala, ang kanilang saloobing pang-isip, at tunay na ang kanilang lumang sarili—wala kahit isa sa mga ito ay ginawan man lang ng paraan. Wala silang tunay na pang-unawa sa kanilang mga sarili. Ang pang-isip nilang anyo ng Diyos ay isang makalumang anyo ng isang di-tiyak at malabong Diyos. Ang kanilang pagpasya sa pagdurusa para sa Diyos ay galing sa kanilang sigasig at positibong kalikasan. Kahit na sila ay naniniwala sa Diyos, hindi nila nauunawaan ang Diyos o alam ang Kaniyang kalooban. Sila ay bulag na gumagawa at bulag na nagdurusa lamang para sa Diyos. Hindi nila binibigyan ng kahit anong halaga ang pagiging mapanuri at halos walang malasakit sa kung paano matitiyak na ang kanilang paglilingkod at tunay ngang tumutupad sa kalooban ng Diyos. Lalong hindi nila alam kung paano makakamtan ang pag-unawa sa Diyos. Ang Diyos na kanilang pinagsisilbihan ay hindi ang Diyos na nasa Kaniyang orihinal na anyo, kundi isang Diyos na sila mismo ang nagsalamangka, isang Diyos na kanilang nabalitaan, o ang isang maalamat na Diyos na nababasa sa mga naisulat. Sa gayon, ginamit nila ang kanilang mga matingkad na likhang-isip at ang kanilang maka-diyos na mga puso upang magdusa para sa Diyos at akuin para sa Diyos ang mga gawain na nais gawin ng Diyos. Ang kanilang paglilingkod ay talagang di-husto, sa gayo’y tunay na walang kahit isang naglilingkod sa Diyos sa paraang makatutupad ng Kaniyang kalooban. Kahit na gaano pa sila kahandang magdusa, ang kanilang orihinal na pananaw sa paglilingkod at kanilang pang-isip na anyo ng Diyos ay nananatiling hindi nagbabago dahil hindi pa nila napagdaanan ang paghatol at pagparusa ng Diyos at ang Kaniyang pagdadalisay at kasakdalan, at dahil walang kahit isang umakay sa kanila sa katotohanan. Kahit na naniniwala sila kay Hesus na Tagapagligtas, walang kahit isa sa kanila ang nakakita sa Tagapagligtas. Napag-alaman lang nila ang tungkol sa Kaniya sa pamamagitan ng mga alamat at sabi-sabi. Sa gayon, ang kanilang paglilingkod ay katumbas lang ng ligaw na paglilingkod nang nakapikit, tulad ng isang bulag na naglilingkod sa kaniyang sariling ama. Ano ang kahuli-hulihang makakamit sa ganitong uri ng paglilingkod? At sino ang magpapahintulot dito? Mula sa umpisa hanggang sa huli, ang kanilang paglilingkod ay hindi kailanman nagbabago. Sila ay tumatanggap lamang ng mga aral na gawa ng tao at ibinabatay lang nila ang kanilang paglilingkod sa kanilang pagiging likas at kung ano ang kanila mismong kinahihiligan. Anong gantimpala ang aanihin nito? Kahit si Pedro, na nakakita kay Hesus, ay hindi nalaman kung paano maglingkod sa paraang makatutupad ng kalooban ng Diyos. Sa kahuli-hulihan pa lamang, sa kaniyang matandang edad, na kanya nang naunawaan. Ano ang ipinahihiwatig nito tungkol sa mga bulag na taong hindi pa nakakaranas ng kahit na anong pakikitungo o kahit na anong paglilinis at walang kahit isang gumagabay sa kanila? Hindi ba ang karamihan ng paglilingkod ninyo ngayon ay kagaya ng sa mga bulag na taong ito? Ang lahat ng hindi nakatanggap ng paghatol, hindi nakatanggap ng paglilinis at pakikitungo, at hindi nagbago—hindi ba sila ang mga hindi lubos na nalupig? Anong silbi ng mga taong iyon? Kung ang iyong pag-iisip, ang iyong pag-unawa sa buhay, at ang iyong pag-unawa sa Diyos ay hindi nagpapakita ng sariwang pagbabago at hindi nagbunga ng kahit na munting tunay na pakinabang, hindi mo kailanman makakamtan ang kahit na anong kapansin-pansin sa inyong paglilingkod! Kung walang pananaw at walang panibagong pang-unawa sa gawain ng Diyos, hindi kayo magiging nalupig na tao. Ang inyong paraan ng pagsunod sa Diyos ay gayong katulad ng mga nagdurusa at nag-aayuno—ito ay may maliit halaga! Ito ay tiyak na dahil mayroong kaunting patotoo lamang sa kanilang ginagawa na masasabi Kong ang kanilang paglilingkod ay walang kabuluhan! Sa kanilang buong buhay, silang mga taong nagdusa, gumugol ng oras sa kulungan, at sa bawat sandali, nagtiis sila, pinahahalagahan ang pag-ibig at kabutihan, at pasanin ang kanilang krus. Sila ay siniraang-puri at itinakwil ng mundo at nakaranas ng lahat ng uri ng paghihirap. Sila ay sumusunod hanggang sa huli, ngunit, sila ay hindi nalupig at wala silang maibigay na patotoo sa pagkalupig. Hindi kaunti ang kanilang paghihirap na dinanas, ngunit sa loob ay talagang hindi nila kilala ang Diyos. Wala sa kanilang makalumang pag-iisip, makalumang paniniwala, mga relihiyosong gawain, mga pag-unawang gawa ng tao, at mga kuro-kuro ng tao ang nalutas. Wala silang taglay na bagong pang-unawa. Kahit ang kanilang kakaunting pagkakaunawa sa Diyos ay hindi totoo o husto. Hindi nila naunawaan ang kalooban ng Diyos. Para kaya ito ipaglingkod ang Diyos? Kung paano man ninyo naintindihan ang Diyos sa nakaraan, ipagpalagay na pananatilihin ninyo iyon ngayon at ipagpatuloy ang inyong pagbatay ang inyong pagkaunawa sa Diyos sa inyong paniniwala at mga kuro-kuro kahit ano pa ang gawin ng Diyos. Iyon ay, ipagpalagay ninyo na wala kayong taglay na bago at tunay na pagkakaunawa sa Diyos at mabigo kayong malaman ang tunay na anyo at tunay na katangian ng Diyos. Ipagpalagay ninyo na ang inyong pagkakaunawa sa Diyos ay pinapatnubayan pa rin ng pyudal, mapamahiing pag-iisip at nanggaling pa rin sa mga likhang-isip at mga paniniwala ng tao. Kung ganito ang kaso, hindi pa kayo nalupig kung gayon. Ang Aking adhikain sa pagsabi ng mga salitang ito sa inyo ay upang maintindihan ninyo at gamitin itong kaalamang ito upang kayo ang gabayan kayo sa wasto at bagong pagkaunawa. Ang layunin din ng mga ito ay ang pag-alis ng mga lumang paniniwala at lumang kaalaman na inyong dala sa inyong mga sarili upang kayo ay magkaroon ng panibagong pagkaunawa. Kung tunay na kinakain at iniinom ninyo ang Aking mga salita, sa gayon ang inyong pagkaunawa ay lubhang magbabago. Hangga’t ipinagpapatuloy ninyong magkaroon ng masunurin na puso habang kinakain at iniinom ninyo ang mga salita ng Diyos, ang inyong pananaw ay babalik. Hangga’t kaya ninyong tanggapin ang paulit-ulit na pagparusa, ang inyong lumang kaisipan ay unti-unting magbabago. Hangga’t ang iyong lumang kaisipan ay lubos na napalitan ng bago, ang inyong kasanayan ay magbabago nang naaayon. Sa ganitong paraan, ang inyong paglilingkod ay magiging mas wastung-wasto, lalo’t lalo pang may kakayahang matupad ang kalooban ng Diyos. Kung kaya ninyong baguhin ang inyong buhay, ang pagkaunawa ninyo sa buhay, at ang inyong maraming paniniwala tungkol sa Diyos, gayon ang inyong pagiging likas ay unti-unting mababawasan. Ito at wala nang iba, ang bunga matapos malupig ng Diyos ang tao; Ito ang pagbabago na makikita sa tao. Kung sa paniniwala sa Diyos, ang inyong alam lang ay ang pagsuko ng inyong katawan at pagtiis at pagdurusa, at kayo ay nalalabuan kung ang ginagawa ninyo ay tama o mali, lalo na kung kanino ito nararapat, sa gayon paano tutungo sa pagbabago ang ganitong uri ng gawain?
14. Dapat ninyong maunawaan na ang Aking hinihiling ay hindi ang pagkaalipin ng inyong katawan o ang iyong isipan ay hawakan at pigilang makapag-isip ng mga hindi makatuwirang mga kaisipan. Hindi rin ito ang layunin ng gawain o ang kailangang gawin sa ngayon. ... Kailangan ninyong maintindihan ang gawain ng Diyos at makilala ang inyong kalikasan, ang inyong diwa, at iyong dating buhay ninyo. Dapat ninyong talagang kilalanin ang mga nakalipas na maling gawi at ang inyong mga gawaing tao. Upang magbago, dapat ninyong baguhin ang inyong pag-iisip. Una ay palitan ninyo ang inyong lumang kaisipan ng bago, at hayaang ang bago ninyong kaisipan ang mamahala sa inyong mga salita at mga kilos at inyong buhay. Ito ang hinihiling sa bawat isa sa inyo ngayon. Huwag kayong kikilos nang bulag o susunod nang bulag. Dapat mayroon kayong batayan at asintahan. Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili. Dapat ninyong alamin nang husto kung para saan ang inyong pananampalataya sa Diyos, ano ang mapakikinabangan ninyo rito, at kung ano ang papasukin ninyo sa ngayon. Kinakailangan na dapat ninyong malaman ang lahat ng ito.
15. Kapag ang inyong pang-unawa sa katotohanan sa mga gawain ng Diyos ay magbago, kapag kayo ay magkaroon ng bagong pang-unawa ng katotohanan ng lahat ng sinasabi ng Diyos, at kapag ang inyong panloob na pang-unawa ay maitaas, ang inyong buhay ay tutungo sa mabuti. Lahat ng ginagawa at sinasabi ng tao ngayon ay praktikal. Ito ay hindi mga doktrina, kundi ang mga kailangan ng mga tao sa kanilang buhay at kung ano ang kanilang dapat na taglay. Ito ang pagbabago na nagaganap sa tao sa mapanlupig na gawa, ang pagbabago na dapat maranasan ng tao, at ito ang kahihinatnan matapos malupig ang tao. Kapag kayo ay nagbago ng inyong pag-iisip, nagpatibay ng bagong pang-isip na pananaw, binaligtad ang inyong mga paniniwala at layunin at ang inyong mga nakalipas na mga lohikong katwiran, itinapon ang mga malalalim na bagay sa loob ninyo, at nagkaroon ng bagong pagkaunawa sa pananampalataya sa Diyos, gayon ang mga patotoo na inyong dadalhin ay maitataas at ang inyong kabuuang pagkatao ay tunay na magbabago. Ang lahat ng ito ay ang mga pinakapraktikal, pinakamakatotohanan, at ang pinakapangunahin sa lahat ng bagay—mga bagay na mahirap hawakan ng mga tao sa nakaraan at mga bagay na hindi nila maaring madikitan. Iyon ang mga tunay na gawa ng Espiritu.
16. Sa pagtatapos ng lahat ng mapanlupig na gawa, kailangang lahat kayo ay unawain na ang Diyos ay hindi lang Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos ng lahat ng nilalang. Nilikha Niya ang lahat ng sangkatauhan, hindi lang ang mga Israelita. Kung sasabihin ninyo na ang Diyos ay ang Diyos ng mga Israelita lang o imposibleng ang Diyos ay magkatawang tao sa kahit na anong bayan sa labas ng Israel, sa gayon hindi pa rin ninyo naarok ang kahit anumang pagkaunawa sa mapanlupig na gawa at hindi ninyo man lamang kinikilala na ang Diyos ay ang inyong Diyos. Ang kinikilala lang ninyo ay ang Diyos ay kumilos mula sa Israel hanggang sa Tsina at ipinipilit na maging inyong Diyos. Kung ganito pa rin ang pagtingin ninyo sa mga bagay, sa gayon ang Aking gawain ay hindi nagkabunga sa inyo at hindi ninyo naintindihan ang kahit na isa sa Aking mga sinabi. Sa huli, kung kayo, kagaya ni Mateo, ay muling magsusulat ng talaangkanan para sa Akin, ihanap ninyo ako ng karapatdapat na “ninuno,” at ihanap ninyo Ako ng tamang ugat – sa gayon ang Diyos ay may dalawang talaangkanan para sa Kaniyang dalawang pagkakatawang tao—hindi ba iyon ang magiging pinakamalaking katatawanan sa mundo? Hindi ba ikaw, na “taong may mabuting balak” na ihinanap Ako ng talaangkanan, ay naging isang taong hinati ang Diyos? Kaya ba ninyong akuin ang pagpasan sa kasalanang ito? Pagkatapos ng lahat ng mapanlupig na gawa na ito, kung hindi pa ninyo pinaniniwalaan na ang Diyos ay ang Diyos ng lahat ng nilalang, kung iniisip pa rin ninyo na ang Diyos ay ang Diyos ng Israelita lang, hindi ba kayo ang siyang lantarang lumalaban sa Diyos? Ang layunin ng paglupig sa inyo ngayon ay ang ang makilala ninyo na ang Diyos ay ang inyong Diyos, at ang Diyos ng iba, at ang pinakamahalaga ang Diyos ng lahat ng nagmamahal sa Kanya, at ang Diyos ng lahat ng nilalang. Siya ang Diyos ng mga Israelita at ang Diyos ng mga tao sa Ehipto. Siya ang Diyos ng mga taga Britanya at Diyos ng mga Amerikano. Siya ay hindi lang ang Diyos ni Adan at Eba, kundi pati ng lahat ng mga inapo ni Adan at Eba. Siya ay ang Diyos ng lahat na nasa langit at lahat ng nasa lupa.
17. Ang pamilya ng Israelita at lahat ng mga pamilya ng mga Hentil ay kapwa nasa mga kamay ng isang Diyos. Hindi lang Siya gumawa sa Israel nang ilang libong taon at minsang pinanganak sa Hudea, pero ngayon Siya ay bumababa sa Tsina, ang lugar kung saan ang malaking pulang dragon ay nakapulupot na nakahiga. Kung ang pagkapanganak sa Hudea ay ginawa Siyang Hari ng mga Hudyo, sa gayon hindi ba ang pagbaba Niya sa gitna ninyong lahat ngayon ay ginagawa Siyang Diyos ninyo? Ginabayan Niya ang mga Israelita at Siya ay pinanganak sa Hudea, at Siya ay pinanganak din sa isang lupa ng mga Hentil. Hindi ba ang lahat ng Kaniyang mga gawain ay para sa kabuuan ng sangkatauhan na Kaniyang nilalang? Minamahal ba Niya ang mga Israelita nang isandaang ulit at kinamumuhian ang mga Hentil nang isanlibong ulit? Hindi ba iyan ang inyong paniniwala? Kayo itong mga hindi kumikilala sa Diyos; hindi na ang Diyos ay hindi kailanman ang inyong Diyos. Kayo itong mga tumatanggi sa Diyos; hindi ang Diyos ang hindi pumapayag na maging inyong Diyos. Sino sa mga nilalang ang wala sa kamay ng Makapangyarihan? Sa paglupig sa inyo ngayon, hindi ba ang layunin ay upang kilalanin ninyo na ang Diyos ay walang iba kundi ang inyong Diyos? Kung pananatilihin ninyo na ang Diyos ay Diyos lang ng mga Israelita, at pananatilihin na ang tahanan ni David sa Israel ay ang pinanggalingan ng kapanganakan ng Diyos at walang ibang bayan bukod sa Israel ang karapatdapat na “gumawa” ng Diyos, at lalong hindi kahit na sinong pamilyang Hentil na kayang tanggapin nang personal ang gawain in Jehovah – kung ganito pa rin ang inyong pag-iisip, sa gayon hindi ba kayo nagiging matigas ang ulo? Huwag ninyo laging pagtuunan ang Israel. Ang Diyos ay naririto mismo kasama ninyo ngayon. Huwag din kayong laging nakatingala sa langit. Itigil ninyo ang pangungulila sa Diyos sa langit! Ang Diyos ay lumapit na sa inyong kalagitnaan, sa gayon papaano Siyang nasa langit? Hindi kayo naniwala sa Diyos nang napakahabang panahon, ngunit kayo ay may napakaraming paniniwala tungkol sa Kaniya, hanggang sa hindi kayo maglalakas-loob kahit isang saglit na isipin ang Diyos ng mga Israelita ay mamarapating “biyayaan” kayo ng Kaniyang pagharap. Lalong hindi kayo mangangahas isipin kung paano ninyo makikita ang Diyos na magpakita nang personal, lalo na’t kayo ay may di-matitiis na karumihan. Hindi ninyo rin inisip kahit kailan kung paanong personal na bababa ang Diyos sa isang lupaing Hentil. Siya ay dapat na bumaba sa Bundok ng Sinai o sa Bundok ng Oliba at magpakita sa mga Israelita. Hindi ba ang mga Hentil (yun ay, ang mga tao sa labas ng Israel) ang lahat ng mga bagay na Kaniyang kinamumuhian? Paano Siya personal na gagawa kasama nila? Ang lahat ng ito ay ang mga napakalalim na paniwala na inyong pinalago sa maraming mga taon. Ang layunin ng paglupig sa inyo ngayon ay upang wasakin itong mga paniniwala ninyo. Nakita na ninyo ang Diyos na nagpakita nang personal sa inyo – hindi sa Bundok ng Sinai o sa Bundok ng Oliva, kundi sa mga tao na hindi pa Niya kailanman pinamunuan sa nakaraan.
18. Matapos gawin ng Diyos ang dalawang yugto ng Kaniyang gawain sa Israel, ang mga Israelita at ang lahat ng mga Hentil ay kapwa nagtaglay ng paniniwalang ito: Kahit na totoong nilalang ng Diyos ang lahat ng mga bagay, Siya ay pumapayag na maging Diyos ng mga Israelita lang, hindi ang Diyos ng mga Hentil. Ang mga Israelita ay naniniwala sa mga sumusunod: Ang Diyos ay Diyos lang namin, hindi ang Diyos ninyong mga Hentil, at dahil hindi ninyo iginagalang si Jehovah, si Jehovah – ang aming Diyos – ay kinasusuklaman kayo. Ang mga Hudyong iyon ay naniniwala rito: Ang Panginoong Hesus ay iniluklok ang anyo nating mga Hudyo at isang Diyos na dala ang tanda ng mga Hudyo. Sa amin gumagawa ang Diyos. Ang anyo ng Diyos at anyo namin ay magkatulad; ang aming anyo ay hawig sa Diyos. Ang Panginoong Hesus ay ang Hari ng mga Hudyo; ang mga Hentil ay hindi karapat-dapat na tumanggap ng ganoong kadakilang kaligtasan. Ang Panginoong Hesus ang alay pangkasalanan para sa aming mga Hudyo. Alinsunod lamang sa dalawang yugto ng gawain na ang mga Israelita at ang mga Hudyo ay bumuo ng ganito karaming mga paniniwala. Mapagmataas nilang inaangkin ang Diyos para sa kanila, hindi pinapayagan na ang Diyos ay ang Diyos din ng mga Hentil. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay naging basyo sa mga puso ng mga Hentil. Ito ay dahil ang lahat ay naniwala na hindi gusto ng Diyos na maging Diyos ng mga Hentil at ang gusto Niya ay ang mga Israelita lang—ang Kaniyang napiling mga tao – at gusto Niya ang mga Hudyo, lalo na ang mga disipulong sumunod sa Kaniya. Hindi ba ninyo alam na ang gawain na ginawa ni Jehovah at Hesus ay para sa ikaliligtas ng lahat ng mga tao? Kinikilala na ba ninyo ngayon na ang Diyos ay ang Diyos ninyong lahat na pinanganak sa labas ng Israel? Hindi ba nandito ang Diyos sa kalagitnaan ninyo ngayon? Hindi ito maaring maging isang panaginip, maari ba? Hindi ba ninyo tanggap ang realidad na ito? Hindi ninyo pinangahasang paniwalaan ito o mag-isip ng tungkol dito. Kahit na paano ninyo tingnan ito, hindi ba narito ang Diyos sa gitna ninyo? Natatakot pa rin ba kayo na paniwalaan ang mga salitang ito? Simula sa araw na ito, hindi ba lahat ng mga taong nalupig at lahat ng gustong maging tagasunod ng Diyos, mga napili ng Diyos? Hindi ba lahat kayo, na mga tagapagsunod ngayon, mga piniling mga tao sa labas ng Israel? Ang inyong katayuan ba ay kapareho ng sa mga Israelita? Hindi ba ang lahat ng ito ang inyong dapat kilalanin? Hindi ba ito ang layunin ng gawa ng panlulupig sa inyo? Dahil nakikita ninyo ang Diyos, sa gayon Siya ang inyong magiging Diyos magpakailanman, simula sa umpisa magpahanggang sa hinaharap. Hindi ka Niya iiwan, habang kayong lahat ay pumapayag na sumunod sa Kaniya at maging Kaniyang tapat at masunuring mga nilalang.
19. Ano ang ibig sabihin ng ginawang sakdal? Ano ang ibig sabihin ng nalupig? Ano ang batayan na kailangang matugunan ng isang tao upang malupig? At ano ang batayan na kailangang matugunan ng isang tao upang maging sakdal? Ang paglupig at pagsakdal ay parehong para sa hangarin ng paggawa sa tao upang siya ay makabalik sa kaniyang orihinal na wangis at makalaya sa kaniyang mala-satanas na katangian at sa impluwensya ni Satanas. Ang paglupig ay nauuna sa paraan ng paggawa sa tao, ibig sabihin ay ito ang unang hakbang ng gawain. Ang pagsakdal ay ang pangalawang hakbang, o ang pangwakas na gawain. Ang bawat tao ay kailangang dumaan sa paglulupig; kung hindi man ay hindi niya makikilala ang Diyos at hindi niya malalaman na mayroong Diyos, iyon ay, hindi niya kikilalanin ang Diyos. At kung ang isang tao ay hindi kinikilala ang Diyos, imposibleng siya ay magagawang ganap ng Diyos dahil hindi niya makakamit ang mga batayan ng pagiging ganap. Kung hindi man lamang ninyo ihahayag ang Diyos, paano ninyo Siya makikilala? At paano ninyo Siya hahanapin? Hindi rin kayo makakapagpatotoo sa Kaniya, lalong hindi magkaroon ng pananampalataya upang masiyahan Siya. Sa gayon, sa lahat ng gusto maging ganap, ang unang hakbang ay dumaan sa mapanlupig na gawa. Ito ang unang kondisyon. Ngunit ito man ay paglulupig o pagiging ganap, ang bawat isa ay para sa layunin ng paggawa sa tao at upang siya ay baguhin, at ang bawat isa ay isang bagay sa gawain ng pamamahala sa tao. Ang dalawang hakbang na ito ang kung ano ang mga kinakailangan sa paggawang ganap sa isang tao; hindi maaring lampasan ang kahit alin sa mga hakbang. Tunay nga na ang “pagiging nalupig” ay hindi masyadong magandang pakinggan, ngunit sa katotohanan ay ang paraan ng paglupig sa isang tao ay ang paraan ng pagbago sa kanya. Matapos siyang malupig, maaaring hindi pa ninyo naalis nang lubusan ang inyong tiwaling katangian, ngunit malalaman ninyo ito. Sa pamamagitan ng mapanlupig na gawa malalaman ninyo ang inyong mababang pagkatao at upang malaman din ninyo ang inyong pagkasuwail. Kahit hindi ninyo kayang alisin o baguhin ang mga ito sa loob ng maiksing panahon ng mapanlupig na gawa, makikilala ninyo ang mga ito. Ito ang magsisilbing saligan ng inyong pagiging sakdal. Sa gayon ang paglupig at pagsakdal ay parehong ginawa upang baguhin ang tao, parehong ginawa upang alisin sa tao ang kaniyang mala-satanas na katangian upang maihandog niya ang kaniyang sarili nang lubusan sa Diyos. Ang pagiging nalupig ang unang hakbang lamang sa pagbago ng katangian ng tao at ito rin ang unang hakbang sa lubusang pag-alay ng tao ng kaniyang sarili sa Diyos, isang hakbang na mas mababa sa pagiging sakdal. Ang katangian ng buhay ng isang nilupig ay nababagong mas kaunti kumpara sa isang taong naging sakdal. Ang pagiging nilupig at pagiging nasakdal ay naisipang magkaiba sa bawat isa dahil ito ay mga magkaibang yugto ng gawain at dahil binibigyan nila ang mga tao ng iba’t-ibang mga pamantayan, ang panlulupig ay pinananatili sila sa mabababang pamantayan at ang pagiging sakdal ay pinananatili sila sa mas mataas. Ang mga ginawang sakdal ay ang mga matuwid na tao, mga taong ginawang banal at dalisay; sila ang mga pagpapalinaw ng gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, o ng resulta. Kahit na hindi sila mga walang salang mga tao, sila ay mga taong nagsisikap mamuhay ng makabuluhang buhay. Ngunit paano ang mga nalupig? Binibigkas lang nila ang pagkakilala nila sa pag-iral ng Diyos; kinikilala nila na ang Diyos ay ang Siyang nagkatawang tao mismo, na ang Salita ay nakita sa laman, at ang Diyos ay pumunta sa lupa upang gawin ang gawain ng paghatol at pagparusa. Kinikilala rin nila na ang paghatol at pagparusa ng Diyos at ang Kaniyang pag-usig at pagdalisay ay lubos na kapakipakinabang sa tao. Iyon ay, nag-uumpisa pa lamang silang magkaroon ng wangis ng tao, at mayroon silang kaunting pagkakaunawa sa buhay ngunit may kalabuan pa rin. Sa ibang salita, nag-uumpisa pa lang silang magkaroon ng pagkatao. Ito ang mga bunga ng pagkakalupig. Kapag umapak ang mga tao sa daan ng kasakdalan, ang kanilang lumang katangian ay maaaring mabago. Bukod dito, ang kanilang mga buhay ay magpapatuloy sa paglago habang lumalalim ang pagpasok nila sa katotohanan. Kakayanin nilang kamuhian ang mundo at kamuhian ang lahat ng hindi nagsisikap malaman ang katotohanan. Lalo nilang kinamumuhian ang kanilang mga sarili, ngunit higit pa riyan, malinaw na kilala nila ang kanilang mga sarili. Pumapayag silang mabuhay sa katotohanan at ginagawa nila ang layuning hanapin ang katotohanan. Hindi sila pumapayag na mamuhay sa loob ng kanilang mga isipan na ginawa ng kanilang mga utak, at ramdam nila ang pagkamuhi sa mapagmatuwid-sa-sarili ng tao, kahambugan, at kayabangan. Sila ay nagsasalita nang may matinding moralidad, pinanghahawakan ang mga bagay nang may pag-intindi, at sila ay may taglay na karunungan, at sila ay tapat sa pagiging masunurin sa Diyos. Kung nakararanas sila ng pagkakataon ng pagparusa at paghatol, hindi lamang sila nagiging walang kibo at mahina, kundi sila pa ay nagpapasalamat. Hindi sila maka-iral nang walang pagparusa at paghatol ng Diyos; sila ay nakatatanggap ng Kaniyang pananggalang sa pamamagitan nito. Hindi nila ninanais ang pananampalatayang may kapayapaan at kaligayahan at ng paghanap ng tinapay upang mapawi ang gutom. Ni hindi rin nila ninanais ang panandaliang kaaliwan ng laman. Ito ang mayroon ang mga sakdal.
20. Sinasabi ninyong kinikilala ninyo ang Diyos na nagkatawang tao at kinikilala ninyo na ang Salita ay nagpapakita sa laman, ngunit gumagawa kayo ng mga bagay nang patago, at hindi kayo kumikilos sa paraang gusto Niyang ikilos ninyo, at hindi kayo natatakot sa Kaniya. Ito ba ay pagkilala sa Diyos? Kinikilala ninyo ang mga sinasabi Niya, ngunit hindi ninyo isinasabuhay kahit na iyong mga bagay na kaya ninyong gawin at hindi ninyo sinusunod ang Kaniyang paraan. Ito ba ang pagkilala? Kinikilala ninyo Siya, ngunit ang inyong pag-iisip ay nakatuon sa pagsanggalang mula sa Kaniya, hindi kailanman ang paggalang sa Kaniya. Kung nakita ninyo at kinilala ang Kaniyang mga gawain at alam ninyo na Siya ang Diyos, ngunit nananatili kayong maligamgam at lubos na walang pagbabago, sa gayon kayo ay hindi pa rin nalupig na tao.
21. Ang isang nalupig na tao ay kinakailangang gawin ang lahat ng makakaya niya; gugustuhin niyang pasukin at abutin ang mga mas matataas na katotohanan kahit na hindi pa niya kaya. Ito ay dahil lamang may hangganan ang kaya niyang tanggapin at ang kaniyang mga kilos ay nakatali at may hangganan. Ngunit kahit paano ay kinakailangan niyang gawin ang lahat ng kaniyang makakaya. Kung kaya ninyong gawin ang mga bagay na ito, ito ay dahil sa mapanlupig na gawa. Ipagpalagay ninyong sabihin, “Kung kaya Niyang gumawa ng napakaraming salita na hindi kaya ng tao, kung Siya ay hindi Diyos, sino kaya?” Ang pagkakaroon ng ganitong pag-iisip ay hindi nangangahulugang kinikilala ninyo ang Diyos. Kung kinikilala ninyo ang Diyos, dapat ipakita ninyo sa pamamagitan ng inyong mga gawa. Namumuno sa isang simbahan ngunit hindi nakagagawa ng katuwiran, nagnanasa sa pera at laging patagong inililipat ang pera ng simbahan sa sarili ninyong mga bulsa – ito ba ang pagkilala na mayroong Diyos? Ang Diyos ay makapangyarihan at dapat na katakutan. Paano kayo hindi matatakot kung tunay na kinikilala ninyo na mayroong Diyos? Paano ninyo magagawa ang mga kasuklam-suklam na mga bagay? Matatawag ba iyan na paniniwala? Tunay nga bang kinikilala ninyo Siya? Ang Diyos ba ang inyong pinaniniwalaan? Ang inyong pinaniniwalaan ay isang malabong Diyos; iyan ang dahilan kaya hindi kayo natatakot! Silang tunay na kumikilala at nakakakilala sa Kaniya at mga takot na gumawa ng kahit na anong bagay na sumasalungat sa Kaniya o lumalaban sa kanilang mga konsiyensya; sila ay lalong takot na gumawa ng kahit anong bagay na alam nilang labag sa kalooban ng Diyos. Ito lamang ang maituturing na pagkilala sa pag-iral ng Diyos. Ano ang dapat ninyong gawin kapag pinipigilan kayo ng inyong mga magulang na maniwala sa Diyos? Paano ninyo iibigin ang Diyos kung ang asawa ninyong hindi nananampalataya ay mabuti ang pag-trato sa inyo? At paano ninyo iibigin ang Diyos kung ang mga kapatiran ay kinamumuhian kayo? Kung kinikilala ninyo ang Diyos, sa gayon kayo ay kikilos nang tama at ipapamuhay ang realidad sa lahat ng mga kalagayang ito. Kung kayo ay nabigo sa tunay na paggawa ngunit sinasabi lang na kinikilala ninyo ang pag-iral ng Diyos, sa gayon kayo ay mabunganga lang! Sinasabi ninyo na naniniwala kayo sa Kaniya at kinikilala Siya. Ngunit sa paanong paraan ninyo Siya kinikilala? Sa paanong paraan ninyo Siya pinaniniwalaan? Siya ba’y inyong kinatatakutan? Siya ba’y inyong iginagalang? Siya ba’y inyong iniibig hanggang sa kaibuturan? Kapag kayo ay balisa at walang masandalan, nararamdaman ninyo na ang Diyos ay dapat ibigin, at matapos iyon nakalilimutan ninyo ang lahat tungkol dito. Iyan ay hindi pag-ibig sa Diyos o paniniwala sa Diyos! Ano ang kahuli-hulihang nais ng Diyos na makamtan ng tao? Lahat ng mga katayuang aking binanggit, kagaya ng pag-iisip na kayo ay isang makapangyarihang tao, pakikiramdam na kaya ninyong matutunan agad ang mga bagay, pagsupil sa iba, pagtingin nang mababa sa iba, paghusga sa iba batay sa kanilang itsura, pang-aapi sa mga matapat na tao, pagnanasa sa pera ng simbahan, at iba pa – ang mawalan ng isang bahagi ng ganitong mga tiwali at mala-satanas na katangian ay ang dapat nakikita sa inyo matapos kayong malupig.
22. Ang mapanlupig na gawa na natapos sa inyong mga tao ang may pinakamalalim na kabuluhan. Sa isang banda, ang layunin ng gawaing ito ay upang gawing sakdal ang pangkat ng mga tao, iyon ay, upang sila’y maging sakdal para maging pangkat ng mga nanaig, bilang ang unang pangkat ng tao na naging ganap, nangangahulugang ang mga unang bunga. Sa kabilang banda, ito ay upang payagan ang mga nilalang na masiyahan sa pag-ibig ng Diyos, tumanggap ng pinakadakilang kaligtasan ng Diyos, at tumanggap ng buong kaligtasan ng Diyos, upang hindi lang masiyahan ang tao sa awa at mapagmahal na kabutihan, kundi mas mahalaga, sa pagpaparusa at paghatol. Magmula nang nilikha ang mundo hanggang sa ngayon, ang lahat ng ginawa ng Diyos ay pag-ibig, na walang kahit anong poot sa tao. Kahit ang pagpaparusa at paghatol na inyong nakita ay pag-ibig din, isang mas totoo at mas tunay na pag-ibig na pumapatnubay sa tao patungo sa tamang landas ng buhay. Sa pangatlong banda, ito ay magsisilbing patotoo sa harap ni Satanas. At sa pang-apat na banda, ito ay upang magtatag ng saligan sa pagpalaganap ng gawaing ebanghelyo sa hinaharap. Ang lahat ng gawain na Kaniyang ginawa ay para sa layunin ng patunguhin ang mga tao sa tamang landas ng buhay ng tao, upang maaari silang magkaroon ng normal na buhay ng sangkatauhan, sapagkat hindi alam ng tao kung paano ang mamuhay. Kung wala ang ganitong pamumuno, kayo ay makakapamuhay lang ng isang buhay na walang saysay, makakapamuhay lang ng isang walang halaga at walang kabuluhang buhay, at hindi ninyo malalaman kung ano talaga ang pagiging normal na tao. Ito ang pinakamalalim na kabuluhan ng paglupig sa tao.
23. Kayong lahat ay tumira sa isang lugar ng kasalanan at kahalayan; kayong lahat ay mahalay at makasalanang mga tao. Ngayon hindi ninyo lang nakita ang Diyos, ngunit ang mas mahalaga, tumanggap kayo ng pagparusa at paghatol, tumanggap ng ganyang pinakamalalim na kaligtasan, ito ay, tumanggap ng pinakadakilang pag-ibig ng Diyos. Ang lahat ng Kaniyang ginagawa ay ang tunay na pag-ibig Niya sa inyo; wala Siyang masamang balak. Nang dahil sa inyong mga kasalanan, kayo ay hinahatulan Niya, upang kilatisin ninyo ang inyong mga sarili at tanggapin itong napakalaking kaligtasan. Lahat ng ito ay ginawa upang gawin ang tao. Mula sa umpisa hanggang sa huli, ang Diyos ay ginagawa Niya ang Kaniyang buong kakayahan upang mailigtas ang tao, at tiyak na Siya ay hindi makapapayag na tuluyang masira ang tao na Kaniyang nilikha ng Kaniyang mga kamay. Ngayon Siya ay lumapit sa inyo upang gumawa; hindi ba ito ay mas mainam pang kaligtasan? Kung kinamuhian Niya kayo, gagawin pa ba Niya ang gawain na ganoon kalaki upang personal na pamunuan kayo? Bakit Niya kailangang magdusa? Hindi kayo kinamumuhian ng Diyos o mayroong anumang masamang balak ang Diyos sa inyo. Dapat ninyong alamin na ang pag-ibig ng Diyos ay ang pinakatunay na pag-ibig. Dahil lamang sa pagiging suwail ng tao kaya sila ay kailangang iligtas Niya sa pamamagitan ng paghatol; kung hindi, sila ay hindi maliligtas. Dahil hindi ninyo alam kung paano ang manguna sa buhay o kung paano mabuhay, at kayo ay nabubuhay sa mahalay at makasalanang lugar na ito at kayo ay mga mahalay at maruming mga diablo, wala Siyang lakas ng loob para pabayaan kayong maging mas napakasama; wala rin Siyang lakas ng loob para makita kayong nabubuhay sa maruming lugar kagaya nito, tinatapakan ni Satanas kung kailan niya gusto, o ang lakas ng loob para hayaan kayong mahulog sa Hades. Nais lang Niya na makuha itong inyong pangkat at lubusang iligtas kayo. Ito ang pangunahing layunin ng paggawa ng mapanlupig na gawa sa iyo – ito ay para lamang sa kaligtasan.
24. Kung hindi ninyo makita na ang lahat ng ginawa sa inyo ay pag-ibig at kaligtasan, kung iniisip ninyo na ito ay isa lang paraan, isang paraan upang pahirapan ang tao at isang bagay na di mapagkakatiwalaan, sa gayon mas mabuti pang bumalik kayo sa inyong mundo upang magdusa sa sakit at paghihirap! Kung kayo ay nais na mapasama sa agos na ito at masiyahan sa paghatol na ito at itong napakalaking kaligtasan, masiyahan sa lahat ng pagpapala na hindi matatagpuan kahit saan man sa mundo ng mga tao, at masiyahan sa pag-ibig na ito, kung gayon manatiling may pagpapakumbaba sa agos na ito upang tanggapin ang mapanlupig na gawa upang kayo ay maging sakdal. Kahit na kayo ay nagdurusa sa sakit at pagdalisay ngayon dahil sa paghatol, ang sakit na ito ay mahalaga at makabuluhan. Kahit na ang pagparusa at paghatol ay mga pagdalisay at walang awang mga hayag sa tao, na sinadya para parusahan ang kaniyang mga kasalanan at parusahan ang kaniyang laman, wala sa mga gawain na ito ay itinakda upang isumpa at puksain ang kaniyang laman. Ang mga matinding paghahayag na ito ng salita ay lahat para sa layuning pamunuan kayo sa tamang landas. Personal ninyong narasanan na ang napakarami sa mga gawaing ito at, malinaw na, hindi kayo dinala sa isang masamang daan! Ang lahat ng ito ay upang makaya ninyong mamuhay ng isang pagkataong normal; ang lahat ng ito ay isang bagay na kayang marating ng inyong normal na pagkatao. Ang bawat hakbang ng gawain ay ginawa ayon sa inyong mga pangangailangan, ayon sa inyong mga kahinaan, at ayon sa inyong mga tunay na katayuan, at walang hindi kakayaning pasanin ang inilagay sa inyo. Kahit na hindi ninyo makita ito nang malinaw ngayon at nararamdaman ninyo na tila Ako ay malupit sa inyo, kahit na patuloy ninyong iniisip na ang dahilan kaya pinaparusahan at hinahatulan Ko kayo araw-araw at dinudusta Ko kayo araw-araw ay dahil sa may poot Ako sa inyo, at kahit na ang inyong tinatanggap ay kaparusahan at paghatol, sa totoo itong lahat ay pag-ibig sa inyo, ito rin ay dakilang sanggalang para sa inyo. Kung hindi ninyo kayang maunawaan ang mas malalalim na kahulugan ng gawaing ito, sa gayon hindi na kayo dapat magpatuloy pa sa inyong karanasan. Kayo ay dapat bigyan ng kaginhawaan para sa ganoong kaligtasan. Huwag ninyong tanggihan ang pagbalik ng inyong kamalayan. Dahil malayo na ang inyong narating, dapat ninyong makita nang malinaw ang kahalagahan nitong mapanlupig na gawa. Hindi na kayo mag-urong-sulong sa inyong pag-iisip!
Mula sa:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento