Dahil ikaw ay isa sa mga kasapi ng Aking sambahayan, at dahil ikaw ay tapat sa Aking kaharian, marapat lamang na lahat ng iyong gagawin ay umayon sa mga pamantayan na aking inaatas. Hindi ko hinihingi sa’yo na maging higit ka pa sa isang lumilipad na ulap, bagkus ikaw ay maging makislap na niyebe, at nag-aangkin ng sangkap at, higit sa lahat, ng halaga nito. Dahil Ako ay nagmula sa banal na lupain, hindi gaya ng isang lotus, na mayroon lamang pangalan at walang halaga dahil ito ay nanggaling mula sa putikan at hindi sa banal na lupain. Ang panahon na ang isang bagong kalangitan ay papanaog sa ibabaw ng daigdig at ang isang bagong mundo ay lumaganap sa ibabaw ng mga kalangitan ay siya ring panahon na Ako ay pormal na gumawa kasama ng mga tao. Sino sa sangkatauhan ang nakakakilala sa Akin? Sino ang naroon noong panahon ng Aking pagdating? Sino ang nakasaksi na Ako ay hindi lamang nagtataglay ng isang Pangalan, ngunit, bukod pa rito, na Ako rin ay nagtataglay ng pag-aari? Hinawi Ko ang mga puting ulap gamit ang Aking kamay at pinagmasdan nang mabuti ang kalangitan; sa kalawakan, walang bagay ang hindi gawa ng Aking kamay, at sa ilalim ng kalawakan, walang sinuman ang hindi nag-aambag ng kanyang munting pagsisikap para sa katuparan ng Aking dakilang panukala. Hindi ako nagsasagawa ng mga mabibigat na utos sa mga tao sa mundo, dahil Ako ay naging isang tunay na Diyos, at dahil Ako ang Makapangyarihan na lumikha ng tao at nakakikilala nang lubos sa kanya. Ang lahat ng tao ay haharap sa mga mata ng Panginoon. Paano kung ang mga naroon sa mga pinakamalalayong sulok ng mundo ay umiiwas sa pagsubok ng Aking Espiritu? Kahit na ang tao ay “nakakikilala” sa Aking Espiritu, siya rin ay nagkakasala laban dito. Ang Aking mga salita’y hinuhubaran ang masamang imahe ng lahat ng tao, at hinuhubaran ang mga pinakamalalim na saloobin ng sangkatauhan, at nagdudulot sa buong mundo na maging payak dala ng Aking liwanag at sumailalim sa Aking pagsubok. Ngunit kahit ang tao ay nagkakasala, ang kanyang puso ay hindi nangangahas na lumayo sa Akin. Sa mga nilalang ng Diyos, sino ang hindi iibig sa Akin dahil sa Aking mga gawa? Sino ang hindi Ako masusumpungan bilang bunga ng Aking mga salita? Sino ang hindi ipinanganak nang walang pagmamahal buhat sa Aking pag-ibig? Hindi lang dahil sa kasakiman ni Satanas na ang tao ay hindi kayang makaabot sa Aking kaharian bilang Aking pag-uutos. Kahit na ang mga pinakamabababaw na utos ay nagdudulot ng pangamba sa kanya, para hindi magwika ng tungkol sa ngayon, ang panahon kung saan si Satanas ay nagpapasimula ng kaguluhan at siya ay lubhang nagpapakahari, o noong panahong iyon na ang tao ay nayurakan ni Satanas na ang kanyang buong katawan ay napalibutan ng kasamaan. Kailan ba na ang pagkabigo ng tao na magbalik-loob sa Akin bilang bunga ng kanyang kasamaan ay hindi nagdulot sa Akin ng kalungkutan? Maaari Ko bang kaawaan si Satanas? Maaari bang nagkakamali lang Ako sa Aking pag-ibig? Kapag ang tao ay hindi sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay lihim na tumatangis; kapag ang tao ay tumututol sa Akin, siya ay Aking pinaparusahan; kapag ang tao ay Aking iniligtas at nabuhay mula sa kamatayan, siya ay binibigyan Ko ng lubos na pag-aalaga; kapag ang tao ay sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay payapa at agad Akong nakakaramdam ng malalaking pagbabago sa lahat ng bagay sa langit at lupa; kapag pinupuri Ako ng tao, paanong hindi Ko iyon magugustuhan? Kapag ang tao ay sinasaksihan Ako sumasamo sa Akin, paanong hindi Ako maluluwalhatian? Maaari ba na ang sangkatauhan ay hindi Ko nasasakop at natutustusan? Kapag Ako ay hindi nagbigay ng tamang direksyon, ang mga tao ay tamad at hindi natitinag, at, “sa Aking likuran,” sila ay nakikiisa sa mga masamang gawain na nagdudulot ng “aliw.” Sa tingin mo ba, ang katawan, na siyang Aking ibinabalot sa Aking Sarili, ay hindi nakakaalam ng iyong mga gawa, iyong ugali, at iyong mga salita? Tiniis Ko nang maraming taon ang hangin at ulan, at naranasan Ko rin ang kapaitan ng mundo ng mga tao, ngunit sa pamamagitan ng masusing pagninilay, walang kabuuang halaga ng paghihirap ang maaaring makagawa sa makalamang katawan ng tao na mawalan ng tiwala sa Akin, di hamak na maaaring ang kahit anong kabutihan ay magdulot sa katawan ng tao na maging malayo, matamlay, o hindi masunurin sa Akin. Ang pag-ibig ba ng tao para sa Akin ay limitado lamang sa lugar na nasa gitna ng hirap at sarap?
Ngayon, Ako ay nananahan sa katawan at pormal nang nagsimulang tuparin ang gawa na Aking dapat gampanan, ngunit kahit na kinakatakutan ng tao ang tinig ng Aking Espiritu, sinusuway niya ang diwa nito. Hindi ko kailangang liwanagin pang mabuti kung gaano kahirap para sa isang tao na kilalanin Ako mula sa Aking pagiging tao sa Aking mga salita. Gaya ng Aking nabanggit noon, hindi Ako mabusisi sa Aking mga kautusan, at hindi ninyo kinakailangan na magkaroon ng lubos na kaalaman patungkol sa Akin (dahil ang tao ay may kakulangan; ito ay isang likas na kundisyon, at ang mga kundisyong natamo ay hindi kayang punan ito). Kailangan lamang ninyong malaman lahat ng Aking nagawa at winika sa kaanyuhan ng tao. Dahil ang Aking mga utos ay hindi mabusisi, hangad Ko na malaman ninyo, at makamit ninyo ito. Alisin ninyo sa inyong sarili ang inyong mga kasalanan dito sa mundo ng kasamaan, magsikap kayong umunlad dito sa mundong pami-pamilya ang mga naghahari, at huwag magdulot sa sarili ng kapabayaan. Hindi kayo dapat maging maluwag sa inyong sarili kahit kaunti: Kinakailangan ninyong magtalaga ng malaking oras at paghihirap para malaman kung ano ang Aking winiwika sa isang araw, at ang kaalaman ng kahit na isang pangungusap na Aking winika ay mahalaga na maranasan sa buhay. Ang Aking mga winika ay hindi malabo at hindi kumplikadong unawain, ang mga ito ay hindi mga salitang walang laman. Maraming tao ang naghahangad na matamo ang Aking mga salita, ngunit hindi Ko sila iniintindi; maraming tao ang nagnanasa sa Aking yaman, ngunit hindi Ko sila binibigyan kahit kaunti; maraming tao ang humihiling na makita ang Aking mukha, ngunit tinago Ko ito noon pa man; maraming tao ang sadyang nakikinig sa Aking boses, ngunit ipinipikit Ko ang Aking mga mata at ikinikiling ang Aking ulo patalikod, hindi bilib sa kanilang “pagsamo”; maraming tao ang natatakot sa tunog ng Aking tinig, ngunit ang Aking mga salita ay “laging pangbuwal”; maraming tao ang natatakot na makita ang Aking mukha, ngunit marahan Ko silang tinutugis. Hindi kailanman totoong nakita ng tao ang Aking mukha at hindi kailanman totoong narinig ang Aking tinig, dahil hindi niya Ako tunay na kilala. Kahit na siya ay tinugis Ko, kahit na iniiwan niya Ako, kahit na siya ay pinarurusahan ng Aking kamay, hindi pa rin niya alam kung lahat ng kanyang ginagawa ay tunay na ayon sa Aking kalooban, at siya ay wala pa ring nalalaman kung kanino nakabukas ang Aking kalooban. Mula sa paglikha ng daigdig hanggang ngayon, walang sinuman ang tunay na nakakilala sa Akin, o tunay na nakakita sa Akin, at kahit na Ako ay maging tao ngayon, hindi mo pa rin Ako kilala. Ito ba ay hindi katotohanan? Nakita mo na ba ang kahit kaunti sa Aking mga gawa at kaanyuan sa Aking pagiging tao?
Sa langit, kung saan Ako ay namamahinga, at sa ilalim nito ay kung saan Ako nakakahanap ng kapayapaan. May lugar kung saan ako naninirahan, at mayroon Akong panahon para ipamalas ang Aking kapangyarihan. Kung wala Ako sa lupa, kung hindi Ko inilihim ang Aking sarili sa loob ng katawan, at kung hindi Ako mapagpakumbaba at nagtatago, ang langit at lupa ba ay hindi nabago noon pa man? Kayo ba, na aking mga nasasakupan, ay hindi Ko pa “isinalba at pinagsilbing instrumento”? Ngunit mayroon pang karunungan sa Aking mga gawa, at kahit na lubusan Kong nalalaman ang panloloko ng tao, hindi Ko “tinutularan ang kanyang halimbawa,” ngunit “gumagawa ng kapalit nito.” Ang Aking karunungan sa ispirituwal na kaharian ay walang pagkaubos, habang ang aking karunungan sa katawang-tao ay magpasawalang-hanggan. Hindi ba iyon ang tiyak na panahon na kung saan ang Aking mga gawa ay ginawang payak? Napatawad Ko na at pinagpasensyahan ang tao nang maraming beses, magpasahanggang ngayon, sa Panahon ng Paghahari. Maaari Ko ba talagang patagalin pa ang Aking panahon? Kahit na Ako ay naging tila mas maunawain tungo sa karupukan ng tao, sa panahon na ang paggawa ng Aking gawa ay malubos, kaya Ko pa rin bang magdulot sa Aking Sarili ng gulo sa pamamagitan ng paggawa ng mga dati Kong gawain? Maaari Ko bang pabirong pahintulutan si Satanas na tumuligsa? Hindi Ko kailangang gumawa ng kahit ano ang tao ngunit tanggapin ang katotohanan ng Aking mga salita at ang tunay na kahulugan nito. Kahit na ang Aking mga winika ay payak, sa diwa sila ay kumplikado, dahil ikaw ay masyadong maliit, at lumaki nang masyadong manhid. Kapag ibinunyag ang Aking mga hiwaga nang tuluyan at gawing payak ang Aking kalooban sa katawang-tao, hindi ninyo ito mapapansin; makikinig kayo sa Aking tinig, ngunit hindi ninyo mauunawaan ang kahulugan nito. Ako ay napupuno ng kalungkutan. Kahit na Ako ay nasa katawang-tao, hindi Ko kayang gawin ang tungkulin ng paglilingkod nito.
Sino ang nakaalam ng Aking mga ginawa sa katawang-tao sa lahat ng Aking salita at gawa? Kapag Aking ibinunyag ang Aking mga hiwaga sa pamamagitan ng sulat, o bigkasin ito nang malakas, lahat ng mga tao ay hindi makapagsasalita, ipipikit nila ang kanilang mga mata nang tahimik. Bakit ang Aking mga winiwika ay hindi nauunawan ng tao? Bakit ang Aking mga salita ay hindi niya maarok? Bakit siya bulag sa Aking mga gawa? Sino ang may kakayahang makita Ako at kailanma’y hindi makalilimot? Sino ang may kakayahang marinig ang Aking tinig at hindi papayag na lumipas lamang ito? Sino ang may kakayahang maramdaman ang Aking kalooban at tuparin ito? Ako ay nananahan at kumikilos kasama ng tao, naranasan ko ang paraan ng kanilang pamumugay, at kahit na naramdaman Kong maganda ang lahat matapos Kong likhain ang mga ito para sa tao, hindi Ako nasisiyahan sa buhay na nasa kanila, at hindi Ako natutuwa sa kasiyahan na nasa kanila. Hindi Ko kinamumuhian at itinatakwil ang tao, ngunit hindi rin Ako magpapadala sa damdamin tungo sa kanya—dahil hindi Niya ako kilala, hirap siyang makita ang Aking mukha sa kadiliman, at hirap siyang marinig ang Aking tinig, at hindi niya kayang intindihin ang Aking salita, sa kabila ng ingay. Kaya, sa paimbabaw, ang lahat ng inyong ginagawa ay para lamang sumunod sa Akin, ngunit sa iyong puso, ay sinusuway ninyo Ako. Ang kabuuan ng dating kaugalian ng sangkatauhan, maaaring masabi, na kapareho nito. Maliban kanino? Sino ang hindi kabilang sa Aking mga parurusahan? Ngunit sino ang hindi nananahan sa ilalim ng Aking awa? Kung ang tao ay winasak ng Aking galit, ano ang magiging kahalagahan ng Aking paggawa ng langit at lupa? Minsan Kong binalaan ang maraming tao, at pinayuhan ang marami, at harapang hinusgahan ang marami—hindi ba ito mas mainam sa tuluyang pagwasak sa tao? Ang aking layunin ay hindi para ilagay sa kamatayan ang tao, bagkus ay dulutan siya na malaman ang lahat ng Aking gawa sa kabila ng Aking paghatol. Kapag ikaw ay bumangon mula sa napakalalim na pagkalugmok, na ang ibig sabihin ay, kapag pinakawalan ninyo ang inyong mga sarili mula sa Aking paghatol, ang inyong mga personal na pag-iisip at mga plano ay mawawala lahat, at lahat ng tao ay mangangarap na Ako ay malugod. At sa pamamagitan nito, hindi Ko pa ba makakamit ang Aking layon?
ika-1 ng Marso, 1992
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento