2016-12-14

Paano Nakilala ni Pedro si Hesus



Sa panahon na iginugol ni Pedro ang oras kasama si Hesus, nakita niya ang maraming kaibig-ibig na katangian ni Hesus, maraming katangiang karapat-dapat na tularan, at marami na tinutustusan siya. Bagaman nakita ni Pedro ang pag-iral ng Diyos kay Hesus sa maraming paraan, at nakita ang maraming kaibig-ibig na kalidad, sa simula hindi niya kilala si Hesus. Sinimulang sundan ni Pedro si Hesus noong siya ay 20 taong gulang, at nagpatuloy siya sa loob ng anim na taon. Sa panahong iyan, hindi niya kailanman nakilala si Hesus, ngunit handa siyang sundan Siya dahil sa kanyang paghanga sa Kanya. Noong unang tinawag siya ni Hesus sa baybayin ng Dagat ng Galilea, itinanong Niya: “Simon, anak ni Jonas, susundan mo ba Ako? Sinabi ni Pedro: “Dapat kong sundan Siya na ipinadala ng Amang nasa langit. Dapat kong kilanlin Siya na pinili ng Banal na Espiritu. Susundan Kita.” Sa panahong ito, narinig ni Pedro na sinabi ang hinggil sa isang lalaki na nagngangalang Hesus, ang pinakadakila sa mga propeta, ang minamahal na Anak ng Diyos, at si Pedro ay walang tigil na umaasang matagpuan Siya, umaasa ng pagkakataon na makita Siya (dahil iyan ang paraan noon kung paano siya ginabayan ng Banal na Espiritu). Bagaman hindipa niya kailanman nakita Siya at narinig lamang ang mga sabi-sabi tungkol sa Kanya, unti-unting lumago ang pananabik at paghanga kay Hesus sa kanyang puso, at madalas niyang pinanabikan sa isang araw na makita si Hesus. At paano tinawag ni Hesus si Pedro? Narinig rin Niya nang mabanggit ang tungkol sa isang lalaki na tinatawag na Pedro, at hindi ito sa paraan na tinagubilinan Siya ng Banal na Espiritu: “Pumunta Ka sa Dagat ng Galilea, kung saan may isang tinatawag na Simon, anak ni Jonas.” Narinig ni Hesus ang isa na nagsabing mayroong isa na tinatawag na Simon, anak ni Jonas, at na narinig ng mga tao ang kanyang pangangaral, na ipinangaral Niya ang mabuting balita tungkol sa kaharian ng langit, at na ang mga taong nakarinig sa Kanya ay lahat naudyukang lahat na lumuha. Pagkatapos marinig ito, sinundan ni Hesus ang taong iyan, at nagtungo sa Dagat ng Galilea; noong tinanggap ni Pedro ang tawag ni Hesus, sinundan niya Siya.

Sa panahong sinusundan niya si Hesus, napakarami niyang opinyon tungkol sa Kanya at palagi niyang hinahatulan Siya sang-ayon sa kanyang sariling pananaw. Bagaman mayroon siyang ilang tiyak na antas ng pang-unawa sa Espiritu, si Pedro ay hindi masyadong naliwanagan, kaya ang kanyang mga salita noong sinabi niya: “Dapat kong sundan siya na ipinadala ng Amang nasa langit. Dapat kong kilanlin siya na pinili ng Banal na Espiritu.” Hindi niya naunawaan ang mga bagay na ginawa ni Hesus at hindi tumanggap ng kaliwanagan. Pagkatapos na sundan Siya sa loob ng ilang panahon lumago ang kanyang interes sa kung ano ang ginawa at sinabi Niya, at kay Hesus Mismo. Naramdaman na niya na pumupukaw si Hesus kapwa ng pagsuyo at paggalang; gusto niyang makasama Siya at manatiling katabi Niya, at ang pakikinig sa mga salita ni Hesus ang nagbibigay sa kanya ng panustos at tulong. Sa loob ng panahong sinundan niya si Hesus, pinansin at isinapuso niya ang lahat ng bagay tungkol sa Kanyang buhay: Ang Kanyang mga kilos, salita, galaw, at pananalita. Natamo niya ang isang malalim na pang-unawa na si Hesus ay hindi katulad ng mga karaniwang tao. Bagaman ang Kanyang itsura ay lubhang karaniwan, lipos Siya ng pag-ibig, malasakit, at pagpapaubaya sa tao. Lahat ng bagay na ginawa o sinabi Niya ay malaking tulong sa iba, at sa Kanyang tabi nakita at natuto ng mga bagay-bagay si Pedro na kailanman hindi pa niya nakita o naranasan. Nakita niyana kahit na walang mataas na katayuan ni pambihirang pagkatao si Hesus, nagtataglay Siya ng tunay na pambihira at hindi pangkaraniwang katangian. Bagaman hindi kayang ganap na ipaliwanag ito ni Pedro, nakita niya na kumilos si Hesus na naiiba sa lahat, dahil ginawa Niya ang mga bagay-bagay na malayosa ginawa ng karaniwang tao. Mula sa panahon ng kanyang pakikipag-ugnayan kay Hesus, natanto rin niya na ang Kanyang katangian ay iba sa karaniwang tao. Palagi Siyang kumikilos nang matatag at hindi kailanman nagmamadali, hind kailanman eksaherado ni minaliit ang isang paksa, at namuhay sa paraang kapwa karaniwan at kahanga-hanga. Sa pag-uusap, si Hesus ay elegante at kaaya-aya, hayag at masayahin ngunit panatag, at hindi kailanman winala ang Kanyang dangal sa pagsasagawa ng Kanyang gawain. Nakita ni Pedro si Jesus na paminsan-minsang walang imik, ngunit sa ibang pagkakataon ay walang tigil sa pagsasalita. Paminsan-minsan siya ay masaya na nagiging maliksi at buhay na buhay tulad ng isang kalapati, at paminsan-minsan nama’y napakalungkot na hindi Siya nagsasalita, parang inang binagyo.Kung minsan Siya ay galit na galit, tulad ng isang matapang na sundalo na dadaluhong upang pumatay ng mga kaaway, at paminsan-minsan nakakatulad ng umaatungal na leon. Paminsan-minsan tumatawa Siya; sa ibang pagkakataon nananalangin at umiiyak Siya. Paano man kumilos si Hesus, lumago ang walang hanggang pag-ibig at paggalang ni Pedro para sa Kanya. Ang pagtawa ni Hesus ang pumuno sa kanya ng kaligayahan, ang Kanyang kalungkutan ang nagsadlak sa kanya sa pighati, ang Kanyang galit ang tumakot sa kanya, habang ang Kanyang habag, pagpapatawad, at paghihigpit ang nagpangyaring mahalin niyang tunay si Hesus, na nabubuo ang totoong paggalang at pagkapanabik sa Kanya. Siyempre, unti-unting natanto lamang ni Pedro ang lahat ng ito nang namuhay siyang kasama ni Hesus sa loob ng ilang taon.
Si Pedro ay isang partikular na matinong tao, ipinanganak na may likas na katalinuhan, ngunit gumawa siya ng maraming hangal na mga bagay noong sinusundan si Hesus. Sa simula pa lamang, may ilang ideya siya tungkol kay Hesus. Tinanong niya: “Nagsasabi ang mga tao na Kayo ay isang propeta, kaya noong Kayo ay walo at may edad na upang maunawaan ang mga bagay-bagay, alam Ninyo ba na Kayo ay Diyos? Alam Ninyo ba na ipinaglihi Kayo ng Banal na Espiritu?” Tumugon si Hesus: “Hindi, hindi ko alam! Hindi ba ako mukhang napakakaraniwang tao sa iyo? Ako ay katulad ng sinuman! Ang taong ipadadala ngAma ay isang karaniwang tao, hindi isang pambihira. At bagaman ang gawaing ginagawa Ko ay kumakatawan sa Aking Amang nasa langit, hindi ganap na kumakatawan ang Aking imahen, ang Aking pagkatao, at ang Aking laman sa Aking Amang nasa langit, isang bahagi lamang Niya. Bagaman galing Ako sa Espiritu, ako pa rin ay isang karaniwang tao, at ipinadala Ako ng Aking Ama bilang isang karaniwang tao, hindi isang pambihira.” Noon lamang narinig ito ni Pedro na natamo niya ang bahagyang pang-unawa kay Hesus. At noon lamang pagkatapos dumaan siya sa hindi mabilang na mga oras ng gawain ni Hesus, ng Kanyang pagtuturo, ng Kanyang pamamatnubay, at ng Kanyang pagsustento, na natamo niya ang mas malalim na pang-unawa. Sa Kanyang ika-30 taon, sinabi ni Hesus kay Pedro ang Kanyang papalapit na pagpapako sa krus, na dumating Siya upang tuparin ang gawain ng pagpapako sa krus upang tubusin ang lahat ng sangkatauhan. Sinabi Niya rin sa kanya na tatlong araw pagkatapos ng pagpapako sa krus, ang Anak ng tao ay mabubuhay muli, at sa sandaling nabuhay muli ay magpapakita sa mga tao sa loob ng 40 araw. Nalungkot si Pedro sa pagkarinig sa mga salitang ito, ngunit lalong lumapit kay Hesus habang isinapuso ang Kanyang mga salita.
Pagkatapos maranasan sa loob ng ilang panahon, natanto ni Pedro na ang lahat ng bagay na ginawa ni Hesus ay ang pag-iral ng Diyos, at naisip niya na si Hesus ay bukod-tanging kaibig-ibig. Noon lamang niya narating ang ganitong pang-unawa na nagbigay liwanag ang Banal na Espiritu sa kanya mula sa loob. Pagkatapos bumaling si Hesus sa Kanyang mga alagad at ibang mga tagasunod at nagtanong: “Juan, sino ang ipinapalagay mong Ako?” Tumugon si Juan: “Kayo ay si Moises.” Bumaling Siya kay Lukas: “At ikaw, Lukas, sino ang ipinapalagay mong Ako?” Tumugon si Lukas: “Kayo ang pinakadakila sa mga propeta.” Pagkatapos bumaling Siya sa isang kapatid na babae: “Sino ang ipinapalagay mong Ako?” Tumugon ang kapatid na babae: “Kayo ang pinakadakila sa mga propeta na nagsasalita ng maraming salita mula sa walang katapusan hanggang walang katapusan. Walang sinuman ang nagtataglay ng mga propesiya ang kasindakila ng Inyo, ni ang karunungan ng sinuman ay mas malalim; Kayo ay isang propeta.” Pagkatapos bumaling si Hesus kay Pedro at tinanong: “Pedro, sino ang ipinapalagay mong Ako?” Tumugon si Pedro: “Kayo ang Kristo, ang Anak ng buhay na Diyos. Nagmula Kayo sa langit, hindi Kayo nagmula sa daigdig, hindi Kayo katulad ng mga nilalang ng Dios. Kami ay nasa daigdig at Kayo ay narito sa amin, ngunit Kayo ay mula sa langit, Hindi kayo nagmula sa mundo, at hindi Kayo nagmula sa Daigdig.” Sa pamamagitan ng karanasan niyang ito na nagbigay-liwanag sa kanya ang Banal na Espiritu, na nagpangyari sa kanya na dumating sa ganitong pang-unawa. Pagkatapos ng kaliwanagang ito, lalong hinangaan niya ang lahat ng bagay na ginawa na ni Hesus, ibinilang Siya na mas kaibig-ibig, at palaging nasa puso niya na atubiling mahiwalay kay Hesus. Kaya, ang unang pagkakataong inihayag ni Hesus ang Kanyang sarili kay Pedro pagkatapos Siyang ipako sa krus at nabuhay muli umiyak si Pedro na dulot ng bukod-tanging kaligayahan: “Panginoon! Kayo ay muling nabuhay!” Pagkatapos, humahagulgol, nahuli niya ang napakalaking isda, niluto ito at inihain ito kay Hesus. Ngumiti si Hesus, ngunit hindi nagsalita. Bagaman alam ni Pedro na nabuhay muli si Hesus, hindi niya maunawaan ang misteryo nito. Nang ibigay niya kay Hesus ang isda upang kainin, hindi tumanggi at hindi nagsalita o umupo upang kumain si Hesus, ngunit sa halip biglang nawala. Nagulat si Pedro, at noon lamang niya naunawaan na ang nabuhay muling si Hesus ay iba sa dating si Hesus. Sa sandaling natanto niya ito, namighati si Pedro, ngunit naaliw sa pagkaalam na natapos na ng Panginoon ang Kanyang gampanin. Alam niya na natapos ni Hesus ang Kanyang gampanin, na ang Kanyang panahon ng pananatili sa tao ay tapos na, at na ang tao ay dapat lumakad ng kanyang sariling daan mula noon. Minsan sinabi ni Hesus sa kanya: “Dapat uminom ka rin mula sa mapait na tasa na Aking ininuman (ito ang Kanyang sinabi pagkatapos ng pagkabuhay-muli), dapat mo ring lakaran ang daan na Aking nilakaran, dapat mong ialay ang buhay mo para sa Akin.” Hindi katulad ngayon, ang gawain sa panahong iyan ay hindi nag-anyong harapang pag-uusap. Sa panahon ng Panahon ng Biyaya, ang gawain ng Banal na Espiritu ay tagung-tago, at dumanas si Pedro ng maraming kahirapan, at paminsan-minsan umabot sa puntong bumulalas: “Diyos! Walang wala ako maliban sa buhay na ito. Bagaman hindi ito karapat-dapat sa Inyo, nais kong ihandog ito sa Inyo. Bagaman hindi karapat-dapat na mahalin Kayo ng mga tao, at ang kanilang pag-ibig at puso ay walang katuturan, naniniwala ako na nakikita Ninyo ang layon sa mga puso ng mga tao. At kahit na ang mga katawan ng mga tao ay hindi tumutugon sa Inyong pagtanggap, ninanais kong tanggapin Ninyo ang aking puso.” Sa pag-usal sa mga panalanging ito makatatanggap siya ng paghimok, lalo na nang siya nanalangin: “Buo kong iniaalay ang aking puso sa Diyos. Kahit na wala akong bagay na magawa para sa Diyos, tapat kong pasisiyahan ang Diyos at buong pusong iuukol ko ang aking sarili sa Kanya. Naniniwala ako na dapat tingnan ng Diyos ang aking puso.” Sinabi niya: “Wala akong hinihiling sa buhay ko malibang ang mga kaisipan ko sa pag-ibig sa Diyos at ang pagnanasa ng puso ko ay tanggapin ng Diyos. Napakatagal kong kasama ang Panginoong Hesus, ngunit hindi ko kailanman inibig Siya, ito ang pinakamalaking utang ko. Kahit na nanatili akong kasama Niya, hindi ko Siya kilala, at nagsalita ng walang pakundangang mga salita sa likuran Niya. Kapag iniisip ko ang mga bagay na ito, pinadarama nitong lalong may pagkakautang ako sa Panginoong Hesus.” Palagi siyang nanalangin sa ganitong paraan. Sinabi niya: “Ako ay mas mababa sa alikabok. Wala akong magagawa malibang ialay ang pusong tapat na ito sa Diyos.”
May rurok sa mga karanasan ni Pedro, nang ang kanyang katawan ay halos ganap na lupaypay, nagbigay ng lakas at pag-asa si Hesus sa kaloob-looban. At nagpakita Siya sa kanya ng isang beses. Nang nasa matinding pagsubok si Pedro at nasiphayo ang kanyang puso, tinagubilinan siya ni Hesus: “Ikaw ay kasama ko sa daigdig, at ako’y naritong kasama mo. At bagaman magkasama tayong dalawa noon sa langit, ito, pagkatapos ng lahat, ay nagmula sa espiritwal na mundo. Ngayon ako ay nagbalik sa espiritwal na mundo, at ikaw ay nasa daigdig. Dahil hindi ako nagmula sa daigdig, at bagaman ikaw din ay hindi nagmula sa daigdig, dapat mong tuparin ang iyong katungkulan sa daigdig. Yamang ikaw ay isang tagapaglingkod, dapat mong tuparin ang iyong tungkulin sa abot ng iyong makakaya.” Naaliw si Pedro, pagkadinig na maaaring bumalik siya sa panig ng Diyos. Nang si Pedro ay nasa matinding kalungkutan na halos nakaratay siya, nakaramdam siya ng pagsisisi at akmang sasabihing: “Ako ay lubhang tiwali, hindi ko kayang mabigyang kasiyahan ang Diyos.” Nagpakita si Hesus sa kanya at sinabi: “Pedro, maaari bang nakalimutan mo na ang pagpapasiya na iyong ginawa minsan sa harap Ko? Talaga bang nakalimutan mo naang lahat ng bagay na sinabi Ko? Nakalimutan mo ba ang ginawa mong pagpapasiya sa Akin?” Nakita ni Pedro na ito ay si Hesus at bumangon sa higaan, at inaliw siya ni Hesus: “Hindi ako nagmula sa daigdig, sinabi ko na sa iyo—dapat mong maunawaan ito, ngunit nakalimutan mo ba ang ilang bagay na sinabi Ko sa iyo? ‘Ikaw din ay hindi nagmula sa daigdig, hindi nagmula sa mundo.’ Ngayon may gawain na kailangan mong gawin, hindi ka maaaring mamighati ng ganito, hindi ka maaaring dumanas ng ganito. Bagaman ang mga tao at ang Diyos ay hindi maaaring magkasamang umiral sa parehong mundo, mayroon Akong gawain at mayroon kang gawain, at isang araw kapag ang gawain mo ay natapos, magkakasama tayo sa isang kaharian, at aakayin kita na kasama Ko magpakailanman.” Naaliw at muling nabigyan ng katiyakan si Pedro pagkatapos marinig ang mga salitang ito. Alam niyang ang pagdurusang ito ay isang bagay na dapat niyang batahin at maranasan, at nagpanibagong-sigala mula noon. Espesyal na nagpapakita si Hesus sa kanya sa bawat mahalagang sandali, nagbibigay sa kanya ng espesyal na kaliwanagan at patnubay, at ginagawa ang maraming gawain sa kanya. At ano ang pinakapinanghihinayangan ni Pedro? Tinanong ni Hesus si Pedro ng isa pang tanong (bagaman hindi ito nakatala sa Bibliya sa ganitong paraan) hindi nagtagal pagkatapos sinabi ni Pedro “Kayo ang Anak ng buhay na Diyos,” at ang tanong ay: “Pedro! Inibig mo ba Ako kahit minsan?” Naunawaan ni Pedro kung ano ang ibig Niyang sabihin, at sinabi: “Panginoon! Minsan kong inibig ang Amang nasa langit, ngunit inaamin ko hindi ko Kayo inibig kailanman.” Pagkatapos sinabi ni Hesus: “Kung hindi iniibig ng mga tao ang Ama sa langit, paano nilang iibigin ang Anak na nasa daigdig? At kung hindi iniibig ng mga tao ang Anak na ipinadala ng Diyos Ama, paano nilang iibigin ang Ama sa langit? Kung tunay na iniibig ng mga tao ang Anak sa daigdig, samakatwid tunay na iniibig nila ang Ama sa langit.” Nang marinig ni Pedro ang mga salitang ito natanto niya ang kanyang pagkukulang. Palagi niyang nadarama ang pagsisisi sa puntong luluha sa kanyang mga salita “Panginoon! Minsan kong inibig ang Amang nasa langit, ngunit inaamin ko hindi ko Kayo inibig kailanman.” Pagkatapos ng muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit ni Hesus lalong nadama niya ang pagsisisi at pighati sa kanila. Inaalala ang nakaraang gawain at kasalukuyang katayuan, madalas siyang nag-uukol ng panalangin kay Hesus, palaging nakadarama ng panghihinayang at pagkakautang dahil sa hindi niya nabigyang kasiyahan ang pagnanasa ng Diyos, at hindi makaabot sa mga pamantayan ng Diyos. Ang mga usaping ito ang naging pinakamalaking pasanin niya. Sinabi niya: “Isang araw iaalay ko sa Inyo ang lahat ng bagay na mayroon ako at lahat ng kung ano ako, ibibigay ko sa Inyo kung anuman ang pinakamahalaga.”Sinabi niya: “Diyos! Mayroon lamang akong isang pananampalataya at isang pag-ibig. Walang katuturan ang aking buhay, at walang katuturan ang aking katawan. Mayroon lamang akong isang pananampalataya at isang pag-ibig. Nananampalataya ako sa Inyo sa isip at pag-ibig ko sa Inyo sa aking puso; ang dalawang bagay na ito ang siya lamang maibibigay ko sa Inyo at wala ng iba pa.” Lubhang nahikayat si Pedro ng mga salita ni Hesus, dahil bago naipako sa krus si Hesus sinabi Niya sa kanya: “Hindi ako nagmula sa mundong ito, at ikaw din ay hindi nagmulasa mundong ito.” Kinalaunan, nang narating ni Pedro ang sandali ng matinding kirot, pinaalalahanan siya ni Hesus: “Pedro, nakalimutan mo na ba? Hindi ako nagmula sa mundo, at ito ay dahil lamang sa gawain Ko na Ako ay lumisan nang mas maaga. Ikaw din ay hindi nagmula sa mundo, nakalimutan mo na ba? Sinabi ko sa iyo ng dalawang beses, hindi mo ba matandaan?” Narinig Siya ni Pedro at sinabi: “Hindi ko nakalimutan!” Pagkatapos sinabi ni Hesus: “Minsan mo nang iginugol ang maligayang panahon na kasama Ako sa langit at isang yugto ng panahon sa Aking tabi. Nangulila ka sa Akin, at nangulila Ako sa iyo. Bagaman hindi makatuturan na banggitin ang mga nilalang sa Aking mga mata, paano Kong hindi iibigin ang isang inosente at kaibig-ibig? Nakalimutan mo ba ang pangako Ko? Dapat mong tanggapin ang Aking iniatang na gawain sa daigdig; dapat mong tuparin ang gampanin na ipinagkatiwala ko sa iyo. Isang araw tiyak na aakayin kita patungo sa Aking tabi.” Pagkatapos marinig ito, mas nahikayat si Pedro, at tumanggap ng mas malaking paghimok, nang sa gayon nang siya ay nasa krus, kinaya niyang sabihin: “Diyos! Hindi ko maaaring ibigin Kayo nang sapat! Kahit na hilingin Ninyo akong mamatay, hindi ko pa rin maaaring ibigin Kayo nang sapat! Saanman Ninyo ipadala ang aking kaluluawa, tutuparin Ninyo man o hindi ang mga pangako Ninyo, anuman ang gawin Ninyo pagkatapos, iniibig ko Kayo at naniniwala ako sa Inyo.” Ang kaniyang pinanghawakan ay ang kanyang pananampalataya, at tunay na pag-ibig.
Isang gabi, ilan sa mga alagad, kasama si Pedro, ay nasa bangka na ginagamit sa pangingisda. Sila ay magkakasamang lahat kasama si Hesus, at tinanong ni Pedro si Hesus nang napakawalang muwang na tanong: “Panginoon! May tanong akong napakatagal na gusto kong itanong sa Inyo.” Tumugon si Hesus: “Kaya pakitanong!” Pagkatapos tinanong ni Pedro: “Ang gawaing ginawa ba sa panahon ng Panahon ng Kautusan ay kagagawan Ninyo?” Ngumiti si Hesus, na parang sinasabi: “Ang batang ito, gaano siya kamuwang!” Pagkatapos nagpatuloy siya na may layunin: “Ito ay hindi Akin, ito ay kagagawan nina Jehova at Moises.” Narinig ito ni Pedro at bumulalas: “Ah! Kaya hindi Ninyo ito kagagawan.” Sa sandaling sinabi ito ni Pedro, hindi na nagsalita si Hesus. Naisip ni Pedro mismo: “Ito ay hindi Ninyo ginawa, kaya hindi kataka-taka nadumating Kayo upang sirain ang kautusan, yamang hindi Ninyo ito kagagawan.” “Umalwan” din ang kanyang puso. Pagkatapos, natanto ni Hesus na napakamuwang ni Pedro, ngunit dahil wala siyang anumang kabatiran sa panahong ito, si Hesus ay hindi nagsalita ng anumang bagay o tuwirang pabulaanan siya. Minsan nagbigay si Hesus ng pangangaral sa isang sinagoga, at maraming tao ang naroon, kasama si Pedro, upang pakinggan Siyang mangaral. Sinabi ni Hesus: “Ang Isa na darating na mula sa walang katapusan hanggang walang katapusan ang gagawa ng gawain ng pagtubos sa panahon ng Panahon ng Biyaya, upang tubusin ang lahat ng sangkatauhan mula sa kasalanan, ngunit hindi siya mahahadlangan ng anumang panuntunan sa pag-akay sa tao palabas ng kasalanan. Lalakad siya sa labas ng kautusan at papasok sa Panahon ng Biyaya, ngunit walang sinuman ang nakakikilala sa Kanya, Siya na galing kay Jehova. Ang gawa na ginawa ni Moises ay ipinagkaloob ni Jehova; binalangkas ni Moises ang kautusan dahil sa gawa na ginawa niJehova.” Pagkasabi nito, nagpatuloy Siya: “Yaong mga lalansag ng mga kautusan ng Panahon ng BiyayasaPanahon ng Biyaya ay haharap sa kalamidad. Dapat silang tumayo sa templo at tumanggap ng pagkasira ng Diyos, at ang apoy ay darating sa kanila.” Matapos marinig ito ni Pedro, tila mayroong siyang reaksiyon. Sa panahon ng kanyang karanasan, pinatnubayan at inalalayan siya ni Hesus, nagsasalita ng puso sa puso sa kanya, na nagbigay kay Pedro ng bahagyang mas mahusay na pang-unawa kay Hesus. Habang inisip ni Pedro ang pangangaral ni Hesus sa araw na iyon, pagkatapos ang tanong na itinanong niya sa Kanya nang sila ay nasa bangkang pangisda at ang tugon na ibinigay ni Hesus, pati kung paano Siya tumawa, sa pagkakataong ito kung gayon naunawaan niya na ang lahat.Pagkatapos, binigyan ng liwanag ng Banal na Espiritu si Pedro, at sa pamamagitan lamang nito na naunawaan niya na si Hesus ay ang Anak ng buhay na Diyos. Nagmula ang pang-unawa ni Pedro sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu, ngunit may proseso sa kanyang pang-unawa. Ito ay sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga tanong, pakikinig sa pangangaral ni Hesus, at sa pamamagitan ng pagtanggap ng espesyal na pagsasama at Kanyang espesyal na pamamatnubay, na natanto ni Pedro na si Hesus ay ang Anak ng buhay na Diyos. Hindi ito nakamit nang magdamag; ito ay isang proseso, at ito ang nagsilbing tulong sa kanyang mga karanasan kinalaunan. Bakit hindi ginawa ni Hesus ang gawain ng kasakdalansa ibang mga tao, ngunit kay Pedro lamang? Ito ay dahil naunawaan lamang ni Pedro na si Hesus ay ang Anak ng buhay na Diyos, at walang sinuman ang nakaaalam nito. Kahit na maraming alagad ang maraming alam sa kanilang panahon sa pagsunod sa Kanya, ang kaalaman nila ay mababaw. Ito ang dahilan kung bakit pinili si Pedro ni Hesus bilang halimbawa ng gagawing sakdal. Kung ano ang sinabi ni Hesus kay Pedro noon ay siya naming sasabihin Niya sa mga tao sa kasulukuyan, na ang pagpasok sa kaalaman at buhay ay dapat makaabot doon sa kung ano ang kay Pedro. Ito ay alinsunod sa sa ganitong pangangailangan at sa daang ito na gagawing sakdal ng Diyos ang lahat ng tao. Bakit kinakailangan ng mga tao sa kasulukuyan na magkaroon ng tunay na pananampalataya at tunay na pag-ibig? Anuman ang naranasan ni Pedro ay mararanasan mo rin, anumang ibinunga kay Pedro ng kanyang mga karanasan ay dapat na maipakita rin sa iyo, at ang kirot na dinanas ni Pedro, tiyak din na dadaanan mo. Ang daan na lalakaran mo ay ang parehong daan na nilakaran ni Pedro. Ang kirot na dinanas mo ay ang kirot na dinanas ni Pedro. Kapag tinanggap mo ang kaluwalhatian at kapag isinabuhay mo ang tunay na buhay, samakatwid isinabuhay mo ang imahen ni Pedro. Ang daan ay pareho, at sapamamagitan nito inaaring ganap ang sinuman. Gayunman, ang katangian ng mga tao sa kasalukuyan ay tila nagkukulang kung ihahambing sa kung ano ang katangianni Pedro, dahil ang mga panahon ay nagbago, at gayundin lumawig ang katiwalian. At dahil din sa ang Judea ay isang matagal na kaharian na may matandang kultura. Kaya dapat mong subukang paghusayin ang iyong katangian.
Si Pedro ay napakamatinong tao, masigasig sa lahat ng bagay na ginagawa niya, at lubhang tapat din. Dumanas siya ng maraming kahirapan. Nakipag-ugnayan siya sa lipunan sa gulang na 14, dumadalo sa paaralan habang madalas na pumupunta sa sinagoga. Lipos siya ng sigasig at palaging handang dumalo sa mga pulong. Sa panahong ito, si Hesus ay hindi pa opisyal na nagsimula ng Kanyang gawain; ito ay simula pa lamang ng Panahon ng Biyaya. Nagsimula si Pedro na makipag-ugnayan sa mga relihiyosong tao nang siya ay 14; sa panahong siya ay 18 nakipag-ugnayan siya sa isang natatanging relihiyon, ngunit matapos makita ang kaguluhang panrelihiyon sa likod ng mga eksena, umalis siya. Nakikita kung paanong mapanlinlang, tuso, at pinanday sa away ang mga taong ito, siya ay lubhang nasuklam (ito ang paraan kung paano gumawa ang Banal na Espiritu sa panahong ito, upang gawin siyang sakdal. Siya ay kinilos at gumawa ng ilang espesyal nagawain sa kanya), at kaya umalis mula sa sinagoga sa gulang na 18. Ginipit siya ng kanyang mga magulang at hindi siya hinayaang sumampalataya (sila ay sa diyablo, at walang pananampalataya). Panghuli, nilisan ni Pedro ang tahanan at buong-loob na naglakbay, nangingisda at nangangaral sa loob ng dalawang taon, sa panahon kung saan inakay niya ang ilang mga tao. Ngayon dapat mong makitang malinaw ang daan na tinahak ni Pedro. Kung malinaw mo itong nakita, samakatwid napagpasiyahan mo ang gawain na ginagawa sa kasalukuyan, upang hindi ka magreklamo o maging pasibo, o manabik sa anuman. Dapat mong maranasan ang kalagayanni Pedro sa panahong ito: Siya ay nalulungkot; hindi na siya humiling ng kinabukasan o anumang biyaya. Hindi niya sinikap na kamtin ang tubo, kaligayahan, kasikatan, o yaman ng mundo, at nagsikap lamang na mabuhay ng isang pinakamakabuluhang buhay, na gantihan ang pag-ibig ng Diyos at ialay kung ano ang pinanghahawakan niyang pinakamahalaga sa Diyos. At masisiyahan siya sa kanyang puso. Madalas siyang manalangin kay Hesus ng mga salita: “Panginoong Hesu Kristo, minsan inibig ko Kayo, ngunit hindi ko Kayo tunay na inibig. Kahit sinabi kong may pananampalataya ako sa Inyo, kailanman hindi ko Kayo inibig na may tunay na puso. Tinitingala ko Kayolamang, hinangaan Kayo, at nangulila sa Inyo, ngunit hindi kailanman Kayo inibig o tunay na nanampalataya sa Inyo.” Palagi siyang nanalangin upang gumawa ng kanyang pagpapasiya, siya ay walang tigil na nahikayat ng mga salita ni Hesus[a] at pinalitan sila upang maging panghimok.Kinalaunan, pagkatapos ng yugto ng karanasan, sinubok siya ni Hesus, inuudyukan siya na manabik sa Kanya pa. Sinabi niya: “Panginoong Hesu Kristo! Gaano akong Nangulila sa Inyo, at nanabik na masilayan Kayo. Labis na nagkukulang ako at hindi ko kayang tumbasan ang Inyong pag-ibig. Nagmamakaawa akong kunin Ninyo ako sa lalong madaling panahon. Kailan Ninyo ako kakailanganin? Kailan Ninyo ako Kukunin? Kailan ko muling masisilayan ang Inyong mukha? Hindi ko ninanais na matagal na mamuhay sa katawang ito, upang patuloy na madungisan, at ni ninanais kong maghimagsik pa. Handa akong ialay ang lahat ng mayroon ako sa Inyo sa lalong madaling panahon na kakayanin ko, at hindi ko ninanais na palungkutin pa Kayo.” Ito ang paraan kung paano siya nanalangin, ngunit hindi niya alam sa panahong ito kung ano dadalisayin pa sa kanya ni Hesus. Sa panahon ng kahirapan ng kanyang pagsubok, nagpakita muli sa kanya si Hesus at sinabi: “Pedro, ninanais kong gawin kang sakdal, ng sa gayon maging isa kang piraso ng bunga, isa na pinakinis ng Aking pagdalisay sa iyo, at na siyang kaluluguran Ko. Maaari ka bang tunay namagpapatotoo para sa Akin? Ginawa mo ba kung ano ang hiniling Ko na gawin mo? Isinabuhay mo ba ang mga salitang sinalita Ko? Minsang inibig mo Ako, ngunit kahit na inibig mo Ako, isinabuhay mo ba Ako? Ano ang ginawa mo para sa Akin? Kinilala mo na hindi ka karapat-dapat sa Aking pag-ibig, ngunit ano ang ginawa mo para sa Akin?” Nakita ni Pedro na wala siyang ginawa para kay Hesus at natandaan niya ang dating panunumpa niya na ibigay ang kanyang buhay sa Diyos. Nanalangin siya, na sinasabi: “Panginoong Hesu Kristo! Minsan iniwan ko Kayo, at iniwan Ninyo rin ako minsan. Iginugol natin ang panahon na magkahiwalay at magkasama. Ngunit inibig Mo ako nang higit sa lahat. Makailang ulit akong umalsa laban sa Inyo at ilang ulit na pinighati ko Kayo. Paano ko makalilimutan ang gayong mga bagay? Ang gawain na ginawa Ninyo sa akin at anuman ang Inyong ipinagkatiwala sa akin ay palaging nasa isip ko, hindi ko kailanman malilimutan. Sagawain na ginawa Ninyo sa akin sinubukan kong gawin ang aking pinakamahusay na magagawa. Alam Ninyo kung ano ang kaya kong gawin, at alam pa Ninyo kung anong papel ang maaari kong gampanan. Ang inyong pagnanais ay aking gagawin at iaalay ko ang lahat na mayroon ako sa Inyo. Kayo lamang ang nakaaalam kung ano ang makakaya kong gawin para sa Inyo. Bagaman labis akong nilinlang ni Satanas at nag-alsa ako laban sa Inyo, naniniwala akong hindi Ninyo tinatandaan ang mga pagkakasalang iyon, na hindi ako tinatrato batay sa mga iyon. Ninanais kong ialay ang buong buhay ko sa Inyo. Wala akong hinihiling, at wala akong ibang inaasahan o plano; ninanais ko lamang na kumilos sang-ayon sa Inyong nilalayon at gawin ang Inyong kalooban. Iinom ako mula sa Inyong mapait na tasa, at ako ay Inyong pag-utusan.”Dapat kayong maging malinaw sa daan na inyong lalakaran; dapat kayong maging malinaw sa daan na tatahakin ninyo sa hinaharap, kung ano ito na gagawing sakdal ng Diyos, at kung ano ang ipinagkatiwala sa inyo. Isang araw, marahil, kayo ay susubukin, at kung nakatamo kayo ng inspirasyon mula sa mga karanasan ni Pedro, ipakikita nito na kayo ay tunay na naglalakad sa landas ni Pedro. Pinuri si Pedro ng Diyos dahil sa kanyang tunay na pananampalataya at pag-ibig, at dahil sa kanyang katapatan sa Diyos. At ito ay dahil sa kanyang katapatan at pananabik sa Diyos sa kanyang puso na ginawa siyang sakdal ng Diyos. Kung kayo ay tunay na nagtataglay ng parehong pag-ibig at pananampalataya tulad ni Pedro, samakatwid tiyak na gagawin kayong sakdal ni Hesus.
Mga talababa:
a. Mababasa ang orihinal na teksto na “ayon sa mga salitang ito.”


Walang komento: