2016-12-12

Ang Ikalabimpitong Pahayag


Umalingawngaw ang Aking tinig tulad ng kulog na nagliwanag sa apat na sulok at sa buong mundo, at sa kalagitnaan ng kulog at kidlat, nagulat ang sangkatauhan. Walang tao ang nanatiling matatag sa gitna ng kulog at kidlat: Karamihan ng mga tao ay nasindak sa kabila ng kanilang karunungan na sa pagdating ng Aking liwanag, hindi nila malaman kung ano ang gagawin. Nang nagsimulang magpakita ang bahagyang sinag ng liwanag sa Silangan, maraming tao ang biglang nagising sa kanilang mga ilusyon nang tamaan sila ng manipis na liwanag na ito. Ngunit wala ni isang nakaunawa na dumating na ang araw nang bumaba sa mundo ang Aking liwanag. Karamihan sa mga tao ay napipi sa biglaang pagdating ng liwanag; pinagmasdan ito nang mabuti ng ilan sa kanila habang nagtataka at nabibighani, inobserbahan ang paggalaw ng liwanag at kung saang direksyon ito patungo; at ang iba ay nakatayo at nakahanda sa pagharap sa liwanag upang mas higit nilang maunawaan ang pinagmulan at anong dahilan ng pagdating ng liwanag. Kung ganito man ang mangyari, may nakatuklas ba kung gaano kahalaga ang liwanag sa ngayon? May nakapansin ba sa kaibahan ng liwanag? Karamihan sa mga tao ay naguluhan lamang; nasaktan ang kanilang mga mata at nasubsob sila sa putik sa pamamagitan ng liwanag. Maaaring mayroong magsabi, habang nasa ilalim ng malabong liwanag na ito, nababalutan ng kaguluhan ang mundo, na naging tanawing hindi makayang tingnan, at kung susuriin nang malapitan, sinasalakay ang isang tao ng napakatinding kalungkutan. Mula dito malalaman na, kapag ang liwanag ay nasa kanyang kalakasan, parang hindi pahihintulutan ng kalagayan ng mundo na tumayo ang sangkatauhan sa Aking harapan. Ang sangkatauhan ay nagsinungaling sa ningning ng liwanag; muli, ang sangkatauhan ay nagsinungaling sa pagliligtas ng liwanag ngunit kasabay nito, nagsinungaling din sa mga sugat na dulot ng liwanag: Mayroon ba sa inyo ang hindi nagsinungaling sa ilalim ng nakamamatay na dagok ng liwanag? Mayroon ba sa inyong makatatakas sa pagsunog ng liwanag? Nakapaglakad na Ako sa buong ibabaw ng mundo, isinasabog ng Aking mga kamay ang mga binhi ng Aking Espiritu, upang ang lahat ng tao sa mundo na may pananagutan ay makakilos sa pamamagitan Ko. Mula sa kataas-taasang dako sa kalangitan, tinanaw Ko ang buong mundo, pinagmamasdan ang nakatutuwa at hindi kapani-paniwalang anyo ng mga nilikha sa mundo. Ang ibabaw ng dagat ay parang nagdurusa sa pagyanig ng lindol: Ang mga ibong-dagat ay lumilipad paroo’t parito upang maghanap ng isda na makakain. Samantala, hindi ito ganap na nalalaman sa ilalim ng dagat, kung saan ang kundisyon sa ibabaw ay hindi lubusang namamalayan, dahil ang ilalim ng dagat ay kasing payapa ng ikatlong langit: Dito, ang lahat ng nabubuhay, malaki man o maliit ay sama-samang namumuhay nang maayos, at hindi kailanman nasangkot sa “labanan ng bibig at dila.” Sa napakaraming kakaiba at kakatwang bagay, ang sangkatauhan ang isa sa pinakamahirap magbigay sa Akin ng kaluguran. Ang dahilan, masyadong mataas ang posisyong ibinigay Ko sa tao, kaya ang kanyang ambisyon ay masyadong matayog din, at palaging makikita sa kanyang mga mata ang paghihimagsik. Sa Aking pagdisiplina sa tao, sa Aking paghatol sa kanya, marami nang pag-iingat, labis ang kahabagan, ngunit sa mga bagay na ito, hindi ang sangkatauhan ang may pinakakaunti ang kamalayan. Wala Akong pinagmalupitan na kahit sinong tao: Ang tanging ginawa Ko ay nagpatupad ng nararapat na pagtutuwid noong maging masuwayin ang sangkatauhan, at nang naging mahina ang tao, naghandog ng nararapat na tulong. Ngunit nang ang sangkatauhan ay patuloy na lumayo sa Akin at dagdag pa nito, nang gamitin ang mapanlinlang na pakana ni Satanas upang maghimagsik laban sa Akin, kaagad Kong lilipulin ang sangkatauhan, hindi Ko sila bibigyan ng pagkakataon na makapagpakita ng kanilang mga kakayahan sa harap Ko, upang hindi na sila makapagyabang tungkol sa kanilang karangyaan at katayuan, at pang-aapi sa ibang tao sa ibabaw ng mundo.

Pamamahalaan Ko ang Aking kapangyarihan sa mundo at ilalahad ang Aking ginagawa sa kabuuan nito. Lahat ng nakapaloob sa Aking gawain ay makikita sa ibabaw ng lupa; hindi kailanman maunawaan ng sangkatauhan sa mundo ang Aking mga pagkilos sa kalangitan, o ni lubos na maisip ang pag-inog at tinutungo ng Aking Espiritu. Ang karamihan sa mga tao ay nauunawaan lamang ang detalye na nasa labas ng espiritu, ngunit hindi nauunawaan ang tunay na kalagayan ng espiritu. Ang mga pangangailangan na Aking ginagawa sa sangkatauhan ay hindi suliranin mula sa Aking walang katiyakan sa langit, o mula sa hindi Ako mawari sa lupa: Ang mga pangangailangan na Aking ginagawa ay batay sa pamantayan na Aking nakuha sa tao na nasa mundo. Hindi Ko inilagay ang kahit sino sa mahihirap na kalagayan, o ni hiniling kaninuman na “pigain ang kanyang dugo” para sa Aking kaluguran: Maaari kaya na ang Aking mga pangangailangan na ginagawa ay limitado lamang sa mga kundisyong ito? Sa hindi mabilang na mga nilalang sa mundo, alin dito ang hindi nagpapasakop sa loobin ng mga salita sa Aking bibig? Alin sa mga nilalang na ito, na nagmula sa Akin, ang hindi ganap na nasunog sa pamamagitan ng Aking mga salita at ng Aking nagliliyab na apoy? Alin sa mga nilalang na ito ang nangangahas na lumakad nang may kasayahang ipinagmamalaki sa Aking harapan? Alin sa mga nilalang na ito ang hindi yumuyukod sa Akin? Ako ba ang Diyos na nagpapatupad lamang ng katahimikan sa mga nilalang? Sa napakaraming bagay sa nilalang, pinili Ko ang makapagbibigay kasiyahan sa Aking layunin; sa napakaraming tao na Aking nilikha, pinili Ko ang mga tunay na nag-iingat sa Aking puso. Pinili Ko ang pinakamaganda sa lahat ng mga bituin, upang makapagdagdag ng bahagyang sinag ng liwanag sa Aking kaharian. Naglakad-lakad Ako sa lupa, nagsasabog ng Aking bango sa lahat ng dako, at iniiwan ang Aking anyo sa bawat lugar. Umaalingawngaw sa bawat lugar ang ingay ng Aking tinig. Ang mga tao sa lahat ng dako ay matagal na tinititigan ang magagandang tanawin ng kahapon, dahil inaalala ng buong sangkatauhan ang nakalipas. ...
Lahat ng tao ay nananabik na makita ang Aking mukha, ngunit nang bumaba Ako sa lupa bilang tao, tutol sila sa Aking pagdating, itinaboy nila ang liwanag sa Kanyang pagdating, na parang kaaway Ako ng tao sa kalangitan. Binati Ako ng tao nang may pagsanggalang na liwanag sa kanyang mga mata, at nananatiling alerto, dahil sa matinding takot na baka may “ibang plano” Ako para sa kanya. Dahil ang turing sa Akin ng mga tao ay kaibigang hindi kilala, pakiramdam nila na parang may intensyon Akong patayin sila nang walang habas. Sa mata ng tao, Ako ay isang mahigpit na kalaban. Kahit na naramdaman na nila ang Aking mainit na pagtulong sa gitna ng kalamidad, hindi pa rin nararamdaman ng tao ang Aking pagmamahal, at patuloy pa rin na itinutulak Ako palayo at sinasalungat. Malayo sa pagsasamantala sa tao ang ganitong kalagayan upang maghiganti laban sa kanya, mainit Ko siyang niyakap, pinuno Ko ang kanyang bibig ng matatamis na salita, at nilagyan Ko ng kailangang pagkain ang kanyang tiyan. Ngunit nang yanigin ng Aking nagpupuyos na galit ang mga bundok at mga ilog, hindi Ko na ipagkakaloob sa kanya ang iba’t ibang uri ng pagtulong na ito, dahil sa kanyang kaduwagan. Sa sandaling ito, maglalabas Ako ng matinding galit, hindi Ko bibigyan ng pagkakataon ang lahat ng nabubuhay na nilalang na magsisi. Dahil hindi Ko na bibigyan ng pag-asa ang tao, ipapataw Ko na sa kanya ang parusang nararapat para sa kanya. Sa pagkakataong ito, magsasalimbayan ang mga kidlat at dadagundong ang mga kulog, tulad ng mga alon sa dagat na magpupuyos sa galit, tulad ng libo-libong bundok na magsisiguho. Dahil sa paghihimagsik ng sangkatauhan, pinatumba sila ng kulog at kidlat, ang iba pang nilalang ay nalipol sa mga pagsabog ng kulog at kidlat, ang buong sansinukob ay biglang nagkaroon ng malaking kaguluhan, at hindi na nanumbalik ang buong nilalang sa unang paghinga ng buhay. Ang napakaraming punong-abala ng sangkatauhan ay hindi makatatakas sa galit ng kulog; sa gitna ng mga kislap ng kidlat, ang mga tao, pulu-pulutong na titilapon sa matutuling agos ng ilog, at aanurin ng malalakas na agos na bumababa mula sa itaas ng mga bundok. Nang biglang, sa lugar na “kanlungan” ng mga tao, nagtitipon ang isang mundo ng “mga tao.” Inaanod ang mga bangkay sa ibabaw ng karagatan. Ang buong sangkatauhan ay nagsilayo sa Akin dahil sa Aking poot, dahil ang tao ay lumabag laban diwa ng Aking Espiritu, hindi naging kalugod-lugod sa Akin ang kanyang paghihimagsik. Ngunit sa mga lugar na walang tubig, nagsasaya pa rin ang ibang mga tao, sa gitna ng tawanan at awitan, sa mga pangakong Aking minarapat para sa kanila.
Nang tumahimik na ang buong sangkatauhan, nagbuga Ako ng sinag ng liwanag bago ito mapagmasdang mabuti. Dahil doon, magiging malinaw ang isipan ng mga tao at liliwanag ang mata, at titigil upang manatiling tahimik; kaya ang damdaming espirituwal ay kaagad natawag sa kanilang mga puso. Sa panahong ito, lahat ng tao ay muling nabuhay. Isinasantabi ang kanilang mga hinaing na hindi sinasabi, humarap ang lahat ng tao sa Akin, napagtagumpayan nila ang isa pang pagkakataon na maligtas sa pamamagitan ng mga salita na Aking inihayag. Ito ay dahil nais ng lahat ng tao na mamuhay sila sa ibabaw ng lupa. Ngunit sino sa kanila ang may layunin na mamuhay para sa Aking kapakanan? Sino sa kanila ang naglabas ng mga dakilang bagay sa kanya upang bigyan Ako ng kasiyahan? Sino sa kanila ang nakatuklas ng isang nakaaakit na pabango sa Akin? Lahat ng tao ay likha sa mahina at hindi malinis na sangkap: Sa panlabas, parang nakasisilaw ang kanilang mga mata, ngunit sa kanilang mga sarili, hindi nila Ako minamahal nang tapat, dahil sa kaibuturan ng puso ng tao, wala ni kahit ang pinakamaliit na bahagi Ko. Ang tao ay kulang na kulang: Kung ihahambing siya sa Aking sarili, katulad ito ng layo ng pagitan ng lupa mula sa langit. Ngunit gayon pa man, hindi Ko inatake ang tao sa kanyang mahina at marurupok na bahagi, o pinagtawanan man upang hamakin siya sa kanyang mga pagkukulang. Ang Aking mga kamay ay gumagawa[a] sa mundo sa loob ng libo-libong taon, habang nananatiling nakamasid ang Aking mga mata sa buong sangkatauhan. Ngunit kailanman wala Akong kinuhang buhay ng tao upang paglaruan na parang isang laruan lamang. Minamatyagan Ko ang dugo sa puso ng tao, at nalalaman Ko ang halaga na kanyang binayaran. Habang nakatayo siya sa harap Ko, hindi Ko hinahangad na pagsamantalahan ang kawalang kakayahan ng tao na ipagtanggol ang kanyang sarili upang parusahan siya, o ni ipagkaloob sa kanya ang mga masasamang bagay. Sa halip, ang tanging ginawa Ko ay sustentuhan siya, at bigyan siya ng pangangailangan, hanggang sa panahong ito. Kaya, kung ano ang tinatamasa ng tao, iyon ay dahil sa Aking biyaya, lahat ng kagandahang-loob na nagmumula sa Aking mga kamay. Dahil Ako ay nasa mundo, hindi kailangang dumanas ang tao ng parusa ng pagkagutom. Sa halip, pinahintulutan Ko ang tao na tumanggap mula sa Aking mga kamay ng mga bagay na makapagpapasaya sa kanya, at mamuhay sa Aking mga biyaya. Hindi ba lahat ng tao ay nabubuhay sa ilalim ng Aking parusa? Tulad ng mga bundok na nagtataglay ng marami at masaganang biyaya sa kanilang kalaliman, at ang mga tubig sa kanilang maraming nilalaman na mga bagay na tinatamasa, hindi ba ang mga taong nabubuhay ngayon sa Aking mga salita, higit sa lahat, ay mayroong pagkain na kanilang ikinalulugod at nalalasahan? Ako ay nasa mundo at nasisiyahan ang sangkatauhan sa Aking mga biyaya sa mundo. Kapag iniwan Ko na ang mundo, kung saan natapos Ko na rin ang Aking gawain, at sa pagkakataong iyon, hindi na makatatanggap ang sangkatauhan ng anumang tulong mula sa Akin dahil sa kanilang kahinaan.
Marso 16, 1992
Footnotes:
a. Wala sa orihinal na texto ang “gumagawa.”


Walang komento: