Kapag nasa rurok na ang Aking kapahayagan at ang Aking kahatulan ay malapit na sa katapusan, ito na ang magiging oras kung saan ang Aking mga tao ay malalantad at magiging ganap. Ang Aking mga yabag ay lumilibot nang walang katapusan saan mang sulok ng sansinukob sa paghanap sa mga naghahangad ng Aking sariling puso at naaayon sa Aking kapararakan. Sino ang tatayo at makikipagtulungan sa Akin? Ang pag-ibig ng tao sa Akin ay napakakulang at ang pananampalataya niya sa Akin ay hamak na maliit. Kung ang sidhi ng Aking mga salita ay hindi tungo sa kahinaan ng tao, siya ay magyayabang at magmamalaki, magpapakapapa, at lumikha ng matatayog na kuru-kuro, na para bang marunong siya sa lahat at marunong sa lahat ng bagay sa mundo. Sino pa ang maglalakas-loob na magyabang na kabilang sa mga "tapat" sa Akin noon, at sino ngayon ang "titindig" sa Aking harapan? Sino ang lantarang nagagalak sa sariling paghahangad? Nang hindi ko tuwirang inilantad, ang tao ay walang lugar na napagtaguan, at nagdusa sa kahihiyan. Gaano kalala pa ito kung makikipag-usap Ako sa ibang paraan? Ang mga tao ay lalong makararamdam ng pagkakautang, sila ay maniniwala na walang makakagamot sa kanila, at ang lahat ay lalong magagapos ng kanilang pagsasawalang-kibo. Kapag ang tao ay nawalan ng pag-asa, ang pagpugay sa kaharian ay tuluyang nawawala, kaya ito ay "ang oras ng pitong beses na pinaigting na Espiritu na nagsimulang kumilos", at mapag-usapan ng tao; sa madaling salita, ang kaharian ng buhay ay opisyal na nagsimula sa daigdig, at iyon ay, nang ang Aking kabanalan ay kumilos nang tuluyan (nang hindi kailangan linangin ng utak). Ang lahat ng tao ay naging abala na maihahalintulad sa mga bubuyog na para bang muli silang nabuhay, na parang gumising sila sa isang panaginip, at pagkagising na pagkagising ay namangha sila nang makita ang sarili sa ganoong kalagayan. Noong nakaraan, marami Akong sinabi tungkol sa pagtatayo ng simbahan, inilahad Ko ang mga hiwaga, at nang nasa rurok na ang pagtatayo ng simbahan, ito ay biglang nawasak. Ang pagtatayo ng kaharian, gayon man, ay iba. Tanging kapag ang digmaan sa kahariang ispiritwal ay nasa huling yugto, saka Ko sisimulang muli ang daigdig. Ito ay para sabihin na, kapag lamang malapit nang tumalikod and tao saka Ko lang pormal na sisimulan ang pagbangon ng bagong gawain. Ang kaibahan sa pagtatayo ng kaharian at pagtatayo ng simbahan ay ganito, sa pagtatayo ng simbahan, Ako ay gumawa sa sangkatauhang pinamamahalaan ng pagka-Diyos. Tuwiran Kong pinakitunguhan ang lumang kalikasan ng tao, tuwirang inilantad ang pansariling kapangitan ng tao, at inihayag ang kakanyahan ng tao. Ang resulta, nagpunta ang tao para malaman ang kanyang sarili sa ganitong paraan, kaya lubos na lubos na naniniwala. Sa pagtatayo ng kaharian, Ako ay kumilos nang tuwirang pagka-Diyos, at pinapahintulutan ang lahat ng tao na malaman kung anong mayroon Ako hango sa kaalaman ng Aking mga salita, at sa huli, pinapahintulutan silang makamit ang kaalaman Ko na nasa katawang-tao. Kaya ito ay magbibigay ng wakas sa paghahangad ng sangkatauhan sa isang hindi maarok na Diyos; ito ay nagbibigay-wakas sa lugar ng "Diyos ng langit" sa puso ng tao, na dapat sabihin ay, ito ang nagpapahintulot sa tao na malaman ang Aking mga gawa sa Aking katawang-tao, at pati na rin ang Aking panahon sa daigdig.
Ang pagtatatag ng kaharian ay tuwirang naglalayon sa kaharian ng espiritu. Sa madaling salita, ang digmaan sa kahariang ispiritwal ay ginawang tuwirang payak sa lahat ng Aking mga tao, at sa pamamagitan nito, makikita na ang lahat ng tao ay laging nagkikihamok, hindi lamang sa simbahan, ngunit lalong-lalo na sa panahon ng kaharian at kahit na ang tao ay nasa laman, ang espiritung naghahari ay tuwirang lantad, at ang tao ay nakipagyaring mamuhay sa kaharian ng espiritu. Kaya, kapag nagsimula kang maging matapat, ikaw dapat ay akmang handa sa susunod na bahagi ng Aking gawa. Kailangan mong isuko ang kabuuan ng iyong puso, at iyon lamang ang makakalugod sa Aking puso. Wala Akong pakialam kung anuman ang dating ginawa ng tao sa simbahan; ngayon, ito ay ang kaharian. Sa Aking plano, si Satanas ay laging nasa tabi ng bawat hakbang, at, bilang kalaban ng Aking karunungan, ay laging sumusubok ng mga daan at paraan upang masira ang Aking orihinal na plano. Ngunit susuko ba Ako sa mapanlinlang na pamamaraan? Ang lahat ng sa langit at ng sa lupa ay naglilingkod sa Akin - ang mapanlinlang na pamamaraan ba ni Satanas ay may pagkakaiba? Ito mismo ang pinagsangahan ng Aking karunungan, at ito mismo ang kamangha-mangha sa Aking mga gawa, at ito ang paniniwala kung saan ang Aking buong plano sa pamamahala ay isinasakatuparan. Sa panahon ng pagtatayo ng kaharian, hindi Ko pa rin maiwasan ang mapanlinlang na pamamaraan ni Satanas, ngunit patuloy pa rin sa mga gawa na dapat Kong gawin. Sa lahat ng bagay sa sanlibutan, napili Ko ang mga gawa ni Satanas bilang Aking kasalungat. Hindi Ko ba ito karunungan? Ito ba ay hindi mismo kamangha-mangha tungkol sa Aking gawa? Sa panahon ng pagpasok sa oras ng kaharian, matinding pagbabago ang magaganap sa langit at sa lupa, at sila ay magdidiwang at magagalak. Ikaw ba ay naiiba? Sino ang hindi nakararamdam ng sintamis ng pulot sa kanilang puso? Sino ang hindi sumasabog ang kagalakan sa kanilang puso? Sino ang hindi napapasayaw sa tuwa? Sino ang hindi makasambit ng salitang papuri?
Sa lahat ng Aking binigkas at sinabi sa itaas, gusto mo bang makuha ang layunin at pinagmulan ng Aking pananalita, o ayaw mo? Kung hindi Ko itinanong ito, karamihan sa mga tao ay maniniwala na Ako ay madaldal lamang, at hindi matutukoy ang pinanggalingan ng Aking mga salita. Kung pagninilay-nilayan mo ito nang mabuti, malalaman mo ang kahalagahan ng Aking mga salita. Babasahin mo itong mabuti: Alin dito ang walang pakinabang sa iyo? Alin sa mga ito ang hindi makakabuti sa pag-unlad mo sa buhay? Alin sa mga ito ang hindi nagsasabi ng katotohanan ng kaharian ng espiritu? Karamihan sa mga tao ay naniniwala na walang tugma o dahilan sa Aking mga salita, kulang sa paliwanag at interpretasyon. Ang Akin bang mga salita ay hindi maunawaan at hindi maarok? Ibinibigay mo ba nang buo ang iyong sarili sa Aking mga salita? Lubos ka bang naniniwala sa Aking mga Salita? Hindi mo ba ito itinuturing na laruan? Hindi mo lang ba ito ginagamit bilang pangbalat-kayo para pagtakpan ang pangit mong hitsura? Dito sa malawak na mundo, sino ang may pagkatao na sinuri Ko? Sino mismo ang nakarinig sa mga salita ng Aking Espiritu? Napakaraming tao ang naghahagilap sa kadiliman, napakarami ang nagdarasal sa gitna ng kahirapan, napakarami ang tumitingin sa pag-asa habang nagugutom at nilalamig, napakarami ang nakatali kay Satanas, at napakarami rin ang hindi alam kung saan babaling, napakarami ang nagtaksil sa Akin sa gitna ng kasiyahan, napakarami ang walang utang na loob, at napakarami ang tapat sa mapanlinlang na pamamaraan ni Satanas. Sino sa inyo si Job? Sino si Pedro? Bakit Ko paulit ulit na binabanggit si Job? At bakit ko tinutukoy si Pedro nang maraming beses? Naramdaman mo ba ang Aking pag-asa para sa iyo? Dapat mo pang mas gugulan ng oras ang pagbubulay-bulay ng ganoong bagay.
Si Pedro ay tapat sa Akin nang maraming taon, ni hindi siya nagreklamo o nagkaroon ng pagtutol sa kanyang puso at kahit si Job ay hindi maitatapat sa kanya. Maging sa buong itinagal ng mga banal, maging silang lahat ay hindi hihigit sa kanya. Hindi lang sa sinunod niya ang kaalaman buhat sa Akin, ngunit maging ang makilala Ako sa panahon na isinasakatuparan ni Satanas ang kanyang mapanlinlang na pamamaraan. Ito ang nagdala sa maraming taong serbisyo at iyon ay sunod sa sarili Kong puso, at bunga nito, hindi siya napamayanihan ni Satanas kailanman. Si Pedro ay humugot ng pananampalataya kay Job, at tunay niyang napagtanto ang kanyang mga pagkukulang. Kahit na si Job ay may matinding pananampalataya, kulang ang kanyang nalalaman sa mga bagay tungkol sa kaharian ng espiritu, at marami siyang sinabing mga salita na hindi tugma sa katotohanan; ito ay nagpapakita na ang kanyang kaalaman ay mababaw pa at hindi pa maaaring maging sakdal. At si Pedro naman ay laging naghahanap para sa paglago ng pagpapahalaga sa espitiru at laging nakatuon ang pagmasid sa kalakaran ng kaharian ng espiritu. Bunga nito, hindi lamang niya natutupad ang Aking kahilingan, bukod dito maiintindihan kahit kaunti ang mga mapanlinlang na pamamaraan ni Satanas, kayat ang kanyang kaalaman ay higit sa kahit sino sa paglipas ng panahon.
Mula sa mga karanasan ni Pedro, hindi mahirap makita na ang tao, kung gugustuhin na makilala Ako, ay dapat magtuon nang maingat na pagsasaalang-alang sa espiritu. Hindi Ko hinihingi na “tumalaga” kayo ng malaking bahagi para sa Akin sa paraang panlabas; pumapangalawa lamang ito. Kung hindi Ako kilala, ang lahat ng pananampalataya, pag-ibig at katapatan na iyong sinabi ay isa lamang ilusyon, ito ay mga bula lang, at ikaw ay magiging madaldal sa harap Ko, ngunit hindi kilala ang iyong sarili, at lalong mabibitag ni Satanas at hindi ka makakawala sa ganang sarili; ikaw ay magiging anak ng kapahamakan sa kaluluwa, at magiging kasangkapan sa pagkawasak. Kung ikaw ay walang sigla at walang pakialam tungo sa Aking mga salita, ay walang dudang tutol ka sa Akin. Ito ay totoo, at mabuti ang ginawa mo sa mabusising pagtingin sa pasukan patungo sa kaharian ng espiritu at ang marami at iba't-ibang kaluluwa na pinarusahan Ko. Sino sa kanila ang walang sigasig, at walang pakialam, at walang pagtanggap sa Aking mga salita? Sino sa kanila ang hindi mapangutya tungo sa Aking mga salita? Sino sa kanila ang hindi nagtangkang hanaping hawakan ang Aking mga salita? Sino sa kanila ang hindi ginamit ang Aking mga salita bilang "pananggalang na sandata" para gamitin na "pantanggol sa kanilang sarili"? Hindi sila sumunod sa Aking kaalaman, sa pamamagitan ng aking mga salita, ngunit ginawa lamang nila itong bagay para paglaruan. At dahil dito, hindi ba sila tuluyang sumalungat sa Akin? Sino-sino ang Aking mga salita? Sino ang Aking espiritu? Napakaraming beses Ko nang iminungkahi ang mga salita sa iyo, at ang mga nakikita mo ba ay naging matayog at malinaw? Totoo ba ang iyong mga karanasan? Pinaaalahanan kitang muli: Kung hindi mo alam ang Aking mga salita, huwag mo itong tanggapin, at huwag mo itong isagawa, dahil siguradong ikaw ay makakatanggap ng Aking kaparusahan! Ikaw ay siguradong magiging biktima ni Satanas.
Pebrero 29, 1992
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento