2016-12-15

Si Kristo ng Mga Huling Araw Lamang Ang Makapagbibigay sa Sangkatauhan ng Buhay na Walang Hanggan


Ang landas ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lamang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lamang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos, 
Siya lang mismo ang may taglay ng diwa ng buhay, walang ibang landas ng buhay kung wala ang Diyos, Siya mismo,sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kaniyang likhain ang mundo, ang Diyos ay maraming nagawa ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang ang tao ay makamtan ang buhay, sapagkat ang Diyos, Siya mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos, Siya mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli. Ang Diyos ay hindi kailanman nawala sa puso ng tao, at nanirahan na kasama ng tao sa lahat ng mga panahon. Siya ang naghatid lakas sa kabuhayan ng tao, ang batayan ng pagka-nilalang ng tao, at ang mariwasang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan. Siya ang dahilan kaya ang tao ay maipanganak muli, at makayanan niyang masidhing gampanan ang kaniyang bawat tungkulin. Salamat sa Kaniyang kapangyarihan, at Kaniyang di-mapawing lakas ng buhay, nabuhay ang tao sa salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, sa lahat ng dako kung saan ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay naging gabay na nagpanatili sa pag-iral ng tao, kung saan binayaran ng Diyos sa halaga na walang karaniwang tao ang kayang bayaran. Ang lakas ng buhay ng Diyos ay kayang manaig sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan Niya ang alinmang kapangyarihan. Ang Kaniyang buhay ay walang hanggan, ang Kaniyang kapangyarihan ay pambihira, at ang Kaniyang lakas ng buhay ay hindi madaling masupil ng kahit na anong nilalang o hukbo ng kaaway. Ang lakas ng buhay ng Diyos ay umiiral, at pinagniningnging ang makinang na liwanag nito, sa kahit na saang panahon o dako. Ang buhay ng Diyos ay mananatiling di-nagbabago kailanman lampas sa anumang kaguluhan sa langit at lupa. Lahat ng bagay ay lilisan, ngunit ang buhay ng Diyos ay mananatili pa rin, sapagkat ang Diyos ay ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng bagay, at ang ugat ng kanilang pag-iral. Ang buhay ng tao ay nanggaling sa Diyos, ang pag-iral ng kalangitan ay dahil sa Diyos, at ang pag-iral ng mundo ay alinsunod sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos. Walang bagay na nagtataglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang paghahari ng Diyos, at walang anumang bagay na may tibay ang kayang humiwalay sa nasasakupan ng kapamahalaan ng Diyos. Sa ganitong paraan, kahit na sino pa sila, dapat silang magpasakop sa paghahari ng Diyos, lahat ay dapat mamuhay sa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at walang kahit isa ang makatatakas sa Kaniyang paghawak.

Marahil, sa ngayon, ikaw ay nagnanais makatanggap ng buhay, o marahil ikaw ay nagnanais na makamtan ang katotohanan. Ano pa man ang kalagayan, nais mong hanapin ang Diyos, hanapin ang Diyos na maaari mong maasahan, at kayang magbigay sa iyo ng buhay na walang hanggan. Kung nais mong makamtan ang buhay na walang hanggan, dapat mong maintindihan ang pinanggalingan ng buhay na walang hanggan, at malaman muna kung nasaan ang Diyos. Akin nang nabanggit na ang Diyos lang ang buhay na di-nababago, at ang Diyos lang ang may angkin sa daan ng buhay. Dahil ang Kaniyang buhay ay di-nababago, ganoon din ito ay walang hanggan; dahil ang Diyos lang ang daan ng buhay, ang Diyos Siya mismo ang daan patungo sa buhay na walang hanggan. Dahil dito, dapat maintindihan ninyo muna kung nasaan ang Diyos, at kung paano makakamtan ang landas sa buhay na walang hanggan. Tayo ngayon ay magsama-sama ukol sa dalawang bagay na ito nang magkabukod.
Kung talagang nais mong makamtan ang landas sa buhay na walang hanggan, at kung ikaw ay masigasig sa pagtuklas nito, sagutin mo muna ang tanong na ito: Nasaan ang Diyos ngayon? Maaring isagot mo na ang Diyos ay nakatira sa langit, siyempre – Siya ay hindi titira sa bahay mo, hindi ba? Maaring sabihin mo na, ang Diyos ay halatangnananatili sa lahat ng mga bagay. O maaari mo ring masabi na ang Diyos ay nakatira sa puso ng bawat tao, o na ang Diyos ay nasa daigdig ng mga espiritu. Hindi ko ipinagkakaila ang alinman sa mga ito, ngunit dapat kong linawin ang paksang ito. Hindi lubos na tamang sabihin na ang Diyos ay nananahan sa puso ng tao, ngunit hindi rin ito lubos na mali. Ito ay sa kadahilanansa gitna ng mga nananalig sa Diyos, may mga taong ang paniniwala ay totoo at mayroon namang ang paniniwala ay tiwali, mayroon ding mga tao na nagbibigay lugod sa Kaniya at may mga kinamumuhian Niya, at mayroong mga ginagawa Niyang sakdal at may mga inaalis Siya. At sa gayon sinasabi ko na ang Diyos ay naninirahan sa puso ng mga ilang tao lang, at ang mga taong ito ay mga walang-dudang mga tunay na naniwala sa Diyos, sila ay sinang-ayunan ng Diyos, sila ay nakalulugod sa Kaniya, at sila ay ginawa Niyang sakdal. Sila ang mga pinatnubayan ng Diyos. Dahil sila ay pinatnubayan ng Diyos, kung gayon sila ang mga tao na nakadinig at nakakita na ng landas ng Diyos sa buhay na walang hanggan. Ang mga tao na mali ang pagkakilala sa Diyos, ay silang mga hindi sinasang-ayunan ng Diyos, silang mga kinamuhian ng Diyos, silang mga inalis ng Diyos – sila ay nauukol na itakwil ng Diyos, nauukol na maiwan na walang landas ang buhay, at nauukol na manatili na mangmang sa kung nasaan ang Diyos. Sa kaibahan, silang ang mga puso ay pinaninirahan ng Diyos ay alam kung nasaan ang Diyos. Sila ang mga taong kung kanino ibinigay ng Diyos ang daan patungo sa buhay na walang hanggan, at sila ang mga sumusunod sa Kaniya. Ngayon, alam mo na ba, kung nasaan ang Diyos? Ang Diyos ay nasa puso ng tao at nasa kaniyang tabi. Siya ay hindi lang nasa mundo ng mga espiritu, at nangigibabaw sa lahat, ngunit mas higit pa sa lupa kung saan naninirahan ang sangkatauhan. At sa gayon ang pagdating ng mga huling araw ay nagdala sa mga gawain ng Diyos sa panibagong pook. Ang Diyos ang may paghahari sa lahat ng mga bagay sa buong sansinukuban, at Siya ang gabay sa puso ng tao, at bukod pa rito, Siya ay namumuhay kasama ng mga tao. Sa pamamagitan lang nito maihahatid Niya ang landas ng buhay sa sangkatauhan, at maihahatid ang sangkatauhan sa landas ng buhay. Ang Diyos ay dumating sa lupa, at namumuhay kasama ng mga tao, upang ang tao ay makamtan ang landas ng buhay, at sa gayon ang tao ay magkaroon ng buhay. Kasabay nito, ang Diyos ay pinamumunuan ang buong sansinukuban, upang sila ay tumulong sa Kaniyang pamamahala sa mga tao. At sa gayon, kung ikaw lamang ay kumikilala sa turo na ang Diyos ay nasa langit at nasa puso ng tao, ngunit hindi mo tinatanggap ang katotohanan ng pag-iral ng Diyos sa mga tao, kung gayon hindi mo kailanman makakamtan ang buhay, at hindi mo kailanmanmakakamtan ang landas ng katotohanan.
Ang Diyos, Siya mismo ang buhay, at ang katotohanan, at ang Kaniyang buhay at katotohanan ay sabay na umiiral. Silang mga walang kakayahang makamtan ang katotohanan ay di-kailanman makakamtan ang buhay. Kung wala ang patnubay, tulong, at pagtustos ng katotohanan, ang makakamtan mo lang ay mga salita, turo, at saka, kamatayan. Ang buhay ng Diyos ay laging naririyan, at ang Kaniyang katotohanan at buhay ay umiiral nang sabay. Kung hindi mo mahanap ang pinagmulan ng katotohanan, sa gayon hindi mo makakamtan ang sustansiya ng buhay; kung hindi mo makakamtan ang sustento ng buhay, sa gayon tiyak na hindi ka magkakaroon ng katotohanan, at sa gayon bukod sa mga guniguni at pagkabatid, ang kabuuan ng iyong katawan ay magiging walang iba kundi laman lamang, ang iyong umaalingasaw na laman. Alamin mo na ang mga salita ng mga aklat ay hindi itinuturing na buhay, ang mga talaan ng kasaysayan ay hindi maaaring ipagdiwang na katotohanan, at ang mgaturo ng mga nakalipas na panahon ay hindi maaaring magsilbing paglalarawan ng sinambit ng Diyos sa kasalukuyan. Ang tanging mga inihayag ng Diyos nang Siya ay nagtungo sa lupa at namuhay kasama ng mga tao ay ang katotohanan, buhay, kalooban ng Diyos, at Kaniyang kasalukuyang paraan ng paggawa. Kapag iyong ginamit ang mga itinalang mga salita na binigkas ng Diyos noong mga sinaunang panahon sa ngayon, sa gayon ikaw ay isang arkeologo, at ang pinakamainam na itawag sa iyo ay isang dalubhasa sa mga minanang kasaysayan. Ito ay dahil sa ikaw ay laging naniniwala sa mga bakas ng mga gawain ng Diyos noong unang panahon, pinaniniwalaan lamang ang mga paraan na ibinigay ng Diyos sa Kaniyang mga tagasunod noong lumipas na panahon. Hindi ka naniniwala sa panuto ng gawain ng Diyos ngayon, hindi naniniwala sa maluwalhating anyo ngayon, at hindi naniniwala sa landas ng katotohanan na inihayag ng Diyos ngayon. Sa gayon ikaw ay hindi maipagkakaila na isang mapangarapinglubos na malayo sa katunayan. Kapag ngayon ikaw ay nananatiling nakakapit sa mga salitang walang kakayahang magbigay buhay sa tao, gayon ikaw ay tulad ng isang walang buhay at walang pag-asa[a], dahil ikaw ay masyadong makaluma, masungit, at hindi makatanggap ng katuwiran!
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinawag na Kristo, at ang Kristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinawag na Diyos. Walang kalabisan dito, sapagkat Siya ang may taglay ng kalooban ng Diyos, at may taglay ng likas na katangian ng Diyos, at may katalinuhan sa Kaniyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Sila na itinuturing ang sarili nila bilang Kristo, ngunit hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos ay mga mapanlinlang. Si Kristo ay hindi lamang isang katunayan ng pagiging Diyos sa lupa, ngunit sa halip, ang tanging nagkatawang-taong Diyos habang Siya ay ginagawa at tinatapos ang Kaniyang gawain sa sangkatauhan. Itong katawang-tao na ito ay hindi kayang palitan ng kahit na sinong tao lang, kundi ang isang akma na makapagpapasan ng gawain ng Diyos sa lupa, at maihahayag ang kalooban ng Diyos, at kayang kumatawan sa Diyos, at magbigay ng buhay sa tao. Sa paglipas ng panahon, silang mga huwad na Kristo ay babagsak lahat, dahil kahit na sila ay umaangkin sa katauhan ni Kristo, sila ay walang kalooban ng pagiging isang Kristo. Dahil dito, sinasabi ko na ang katunayan ni Kristo ay hindi kayang ihayag ng tao, ngunit ito ay nasasagot at napagpasiyahan ng Siyang Diyos mismo lamang. Sa ganitong paraan, kung ikaw ay tunay na nagsasaliksik sa landas ng buhay, narararapat na tanggapin mo muna na sa pamamagitan ng pagpunta sa lupa na ihahatid Niya ang landas ng buhay sa tao, at dapat mong tanggapin na sa mga huling araw na Siya ay pumarito sa lupa upang ibigay ang landas ng buhay sa tao. Ito ay hindi ang nakalipas; ito ay nangyayari ngayon.

Si Kristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang landas ng katotohanan. Itong katotohanang ito ay ang daan ng pagkamit ng tao sa buhay, at ang tanging daan sa pagkakilala ng tao sa Diyos at upang sangayunan ng Diyos. Kung hindi mo hanapin ang landas ng buhay na ibinigay ni Kristo ng huling mga araw, sa gayon, ikaw ay hindi kailanman makakakuha ng pagsang-ayon ni Hesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan. Silang mga hawak ng batas, ng mga nasusulat, at nakagapos sa kasaysayan ay hindi kailanman makakamtan ang buhay, at hindi kailanman makakamtan ang walang hanggang landas sa buhay. Iyan ay dahil ang mayroon lang sila ay malabong tubig na nanatiling walang pag-unlad nang libu libong mga taon, sa halip na ang tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan ng hari. Silang mga hindi nabigyan ng tubig ng buhay ay mananatiling bangkay magpakailanman, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno. Paano, gayon, nila makikita ang Diyos? Kung ikaw ay nagsusumikap lamang na panghawakan ang nakaraan, nagsusumikap lamang na panatilihin ang mga bagay na walang pagbabago, at hindi pagsisikapang baguhin ang nakasanayan at itapon ang kasaysayan, sa gayon hindi ka ba magiging laging salungat sa Diyos? Ang mga hakbang sa gawain ng Diyos ay malawak at makapangyarihan, tulad ng rumaragasang mga alon ng dagat at dumadagundong na mga kulog – ngunit ikaw ay nakaupo at walang imik na naghihintay ng kapahamakan, nananatili sa iyong kahangalan at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na nilalang na sumusunod sa mga yapak ng Kordero? Paano mo mapatutunayan na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi naluluma? At paano ka maihahatid ng mga salita ng mga nanilaw sa luma mong libro patawid sa panibagong panahon? Paano ka nila papatnubayan sa iyong paghahanap ng mga hakbang sa gawain ng Diyos? At paano ka nila madadala paakyat sa langit? Ang hawak mo sa iyong mga kamay ay ang mga nasusulat na magbibigay ng panandaliang ginhawa lamang, hindi ang mga katotohanan na kayang magbigay ng buhay. Ang mga kasulatan na iyong nabasa ay ang mga nakakapagpayaman lamang ng iyong dila, hindi mga salita ng karunungan na makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi ang mgamagiging daan na maghahatid sa iyo sa kasakdalan. Ang pagkakaiba bang ito ay hindi nagdudulot ng pagbubulaybulay? Hindi ba nito maipaintindi sa iyo ang mga hiwaga na sumasaloob dito? Ikaw ba ay may kakayahan na dalhin ang iyong sarili sa langit upang makipagkita sa Diyos? Kung hindi dumating ang Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang magalak sa kapamilyang kasihayang kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Imumungkahi ko, sa gayon, na hindi mo makakamtan ang katotohanan kailanman, at hindi kailanman makakamtan ang buhay.
Silang mga nagnanais na makamtan ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanan na sinambit ni Kristo ay ang mga pinaka-hibang na tao sa mundo, at silang mga hindi tumatanggap ng landas ng buhay na inihatid ni Kristo ay mga ligaw sa guniguni. At sa gayon sinasabi ko na ang mga tao na hindi tatanggap kay Kristo ng mga huling araw ay magpakailanmang kamumuhian ng Diyos. Si Kristo ay ang daan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, na walang sinuman ang makakalampas. Walang sinuman ang mapasasakdal ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Kristo lang. Ikaw ay naniniwala sa Diyos, at sa gayon dapat mong tanggapin ang Kaniyang salita at sundin ang Kaniyang paraan. Hindi mo dapat isipin lang ang pagtanggap ng mga pagpapala nang hindi tumatanggap ng katotohanan, o tanggapin ang tustos ng buhay. Si Kristo ay darating sa mga huling araw upang lahat silang mga tunay na naniniwala sa Kaniya ay mabigyan ng buhay. Ang Kaniyang gawain ay para sa pagtatapos ng sinaunang panahon at ang pagpasok sa bago, at ito ang landas na dapat tahakin ng lahat ng mga papasok sa bagong panahon. Kapag ikaw ay walang kakayanang magpasalamat sa Kaniya, at bagkus hinatulan, sinumpa, at inusig pa Siya, kung gayon ikaw ay nakatakdang masunog magpakailanman, at hindi kailanman makapapasok sa kaharian ng Diyos. Sapagkat itong si Kristo ay Siyang hayag na Espiritu Santo, ang hayag ng Diyos, ang Nag-iisang pinagkatiwalaan ng Diyos na gampanan ang Kaniyang gawain sa lupa. At gayon sinasambit ko na sa iyo na kung hindi mo matatanggap ang lahat ng ginawa ni Kristo ng mga huling araw, lumalapastangan ka sa Espiritu Santo. Ang ganti na dapat danasin ng mga lumapastangan sa Espiritu Santo ay hindi na kailangang patunayan sa lahat. Ako ay nagsasabi rin sa iyo na kapag ikaw ay lumaban kay Kristo sa mga huling araw, at ipagkaila Siya, sa gayon walang sinuman ang may kakayanan na magpasan ng mga kahihinatnan alang-alang sa iyo. Bukod pa rito, simula sa araw na ito ikaw ay hindi magkakaroon ng isa pang pagkakataon upang makamtan ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukan mo pang tubusin ang iyong sarili, hindi mo kailanman makikita ang mukha ng Diyos. Sapagkat ang iyong kinakalaban ay hindi isang tao, ang iyong itinatakwil ay hindi isang munting nilalang, kundi si Kristo. Alammo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang iyong ginawa, kundi isang kagilagilalas na kasalanan ang iyong ginawa. At sa gayon, ipinapayo ko sa lahat na huwag ilabas ang inyong mga pangil laban sa katotohanan, o gumawa ng bulagsak na pamumuna, dahil ang katotohanan lamang ang magdadala sa iyo ng buhay, at wala kundi ang katotohanan ang magpapahintulot na ikaw ay maipanganak muli at makita ang mukha ng Diyos.
Talababa:
  1. A piece of deadwood: a Chinese idiom, meaning “beyond help.”

Walang komento: