Ngayon, pinagsasabihan Ko kayo para sa kapakanan ng inyong kaligtasan, upang ang Aking gawain ay magpatuloy nang malubay, at upang ang Aking pagpasinayang gawain sa buong sansinukuban ay maisakatuparan nang higit na angkop at maingat, ihinahayag ang Aking mga salita, kapangyarihan, karangalan, at paghatol sa mga tao ng lahat ng lupain at mga bayan. Ang Aking gawain na kasama ninyo ay ang umpisa ng Aking gawain sa buong sansinukuban. Bagaman ngayon na ang mga huling araw, alamin ninyo na ang “mga huling araw” ay isa lamang pangalan ng isang panahon: Gaya ng Panahon ng Kautusan at ang Panahon ng Biyaya, ito ay tumutukoy sa isang panahon, at tanda ng kabuuan ng isang panahon, sa halip na sa mga huling mga taon o buwan. Ngunit ang mga huling araw ay pawang hindi kagaya ng Panahon ng Biyaya at ng Panahon ng Kautusan. Ang gawain para sa mga huling araw ay hindi gagawin sa Israel, kundi sa mga Hentil; ito ay ang pagsakop sa lahat ng bayan at mga mamamayan sa labas ng Israel sa harap ng Aking luklukan, upang ang Aking luwalhati sa buong sansinukuban ay kayang punuin ang buong kalangitan. Ito ay upang makamtan Ko ang mas dakilang kaluwalhatian, upang ang lahat ng nilikha sa lupa ay maipasa ang Aking kaluwalhatian sa bawat bayan, sa lahat ng salinlahi magpakailanman, at ang lahat ng nilikha sa langit at lupa ay makita ang lahat ng kaluwalhatian na Aking natamo sa lupa. Ang gawain sa mga huling araw ay ang gawain ng pagsakop. Hindi ito ang pagpatnubay sa lahat ng mga tao sa lupa, kundi ang kawakasang walang pagkasira at libong-taong buhay ng pagdurusa ng sangkatauhan sa lupa. Ang kahihinatnan, ang gawain ng mga huling araw ay hindi maihahambing sa ilang libong taon na gawain sa Israel, hindi rin maitulad sa isang dekadang gawain sa Hudea na nagpatuloy nang ilang libong taon hanggang sa pangalawang pagbabalik ng Manunubos sa katawang-tao, at matanggap nila ang personal na gawain at mga salita ng Diyos. Hindi ito aabot ng dalawang libong taon bago dumating ang mga huling araw; ang mga ito ay maikli, kagaya nang tinapos ni Hesus ang mga gawain noong Panahon ng Biyaya sa Hudea. Ito ay dahil sa ang mga huling araw ay ang kawakasan ng ganap na panahon. Sila ay ang kabuuan at katapusan ng anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos, at sila ang nagtapos ng habang-buhay na pagdurusa ng sangkatauhan. Hindi nila tinatanggap ang kabuuan ng sangkatauhan sa bagong panahon o payagan ang buhay ng sangkatauhan na magpatuloy. Iyan ay walang kabuluhan para sa Aking plano sa pamamahala o sa pag iral ng tao. Kung ang sangkatauhan ay magpatuloy nang ganito, kung gayon pagkaraan ng ilang panahon sila ay lalamunin nang buo ng diyablo, at ang mga kaluluwa na nauukol sa Akin ay lubusang kakamkamin ng mga kamay nito. Ang Aking gawain ay tatagal nang anim na libong taon, at Ako ay nangako na ang paghawak ng diyablo sa buong sangkatauhan ay hindi din tatagal nang higit sa anim na libong taon. At gayon, napapanahon na. Hindi ko na ipagpapatuloy o ipagpapaliban pa: Sa huling mga araw Aking susupilin si Satanas, babawiin Ko ang lahat ng Aking kaluwalhatian, at babawiin Ko ang lahat ng mga kaluluwa sa lupa na nauukol sa Akin upang itong mga kaluluwang naghihinagpis ay makawala sa dagat ng pagdurusa, at gayon matatapos na ang kabuuan ng Aking gawain sa lupa. Simula sa araw na ito, hindi na ako kailanman magsasakatawang-tao sa lupa, at hindi Ko na kailanman pakikilusin ang Aking makapangyarihang Espiritu sa lupa. Ako ay gagawa lamang ng isang bagay sa lupa, babaguhin ang sangkatauhan, ang sangkatauhan na banal, at ang Aking tapat na lungsod sa lupa. Ngunit alamin ninyo na hindi Ko lilipulin ang buong mundo, hindi Ko rin lilipulin ang buong sangkatauhan. Iingatan Ko ang natitirang ikatlong bahagi – ang ikatlong mga nagmamahal sa Akin at lubusang nagpasakop sa Akin, at sila ay Aking gagawing mabunga at mapagparami sa lupa kagaya ng ginawa ng mga Israelita sa ilalim ng kautusan, binubusog sila ng masaganang mga tupa at baka at lahat ng mga sagana ng lupa. Ang sangkatauhan na ito ay mananatili sa Akin magpakailanman, ngunit hindi ito ang karumaldumal na maruming sangkatauhan sa ngayon, kundi ang sangkatauhan na naipon mula sa Aking mga nalikom. Ang sangkatauhang iyon ay hindi masisira, maaabala, o maikukulong ni Satanas, at sila ang tanging mga sangkatauhan na mananatili sa mundo pagkatapos Kong magtagumpay laban kay Satanas. Ang sangkatauhan na mayroon ngayon ay ang Aking nasakop at nakatamo ng Aking pangako. At gayon, ang sangkatauhan na nasakop sa mga huling araw ang siya ring sangkatauhan na maliligtas at magkakamit ng Aking mga walang hanggang biyaya. Ito ang tanging magiging patunay ng Aking tagumpay laban kay Satanas, at ang tanging nasamsam sa Aking pakikipaglaban kay Satanas. Ang mga nasamsam sa digmaan ay Aking naipon mula sa lupang saklaw ni Satanas, at ang tanging kaganapan at bunga ng Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala. Sila ay nagmula sa bawat bayan at denominasyon, at bawat lugar at bansa, sa buong sansinukuban. Sila ay galing sa iba’t-ibang lahi, iba’t-ibang wika, kaugalian at mga kulay ng balat, at sila ay nakakalat sa lahat ng mga bayan at denominasyon sa buong mundo, at sa bawat sulok ng mundo. Sa bandang huli, sila ay magsasama-sama upang buuin ang ganap na sangkatauhan, ang pulong ng sangkatauhan na hindi kayang abutin ng lakas ni Satanas. Silang mga nasa sangkatauhan na hindi naligtas at nasakop Ko ay lulubog nang matahimik sa kalaliman ng dagat, at masusunog ng Aking tumutupok na apoy nang walang hanggan. Lilipulin Ko itong luma, nananaig na kadungisan ng sangkatauhan, kagaya ng paglipol Ko sa mga panganay na lalaking anak at mga baka sa Ehipto, iniwan lamang ang mga Israelita, na kumain ng karne ng tupa, uminom ng dugo ng tupa, at nagtatak ng dugo ng tupa sa itaas ng kanilang mga pinto. Ang mga tao na Aking sinakop at Aking naging pamilya, hindi rin ba sila ang mga tao na kumain sa Aking laman at uminom ng Aking dugo? Hindi ba sila ang mga uri ng tao na laging sinasamahan ng Aking kaluwalhatian? Hindi ba silang walang katawan Ko, ang Kordero, ay tahimik nang lumubog sa kalaliman ng dagat? Ngayon sumasalungat sila sa Akin, at ngayon ang Aking mga salita ay tulad lamang ng mga sinambit ni Jehovah sa mga lalaking anak at mga lalaking apo ng Israel. Ngunit ang katigasan sa kaibuturan ng inyong mga puso ay nag-iimbak ng Aking poot, nagdudulot ng mas matinding pagdurusa sa inyong mga kalamnan, mas matinding paghatol sa inyong mga kasalanan, mas matinding poot sa inyong kalikuan. Sino ang maliligtas sa Aking araw ng poot, kung ganito ang turing ninyo sa Akin ngayon? Kaninong kalikuan ang kayang makatakas sa Aking mga mata ng parusa? Kaninong mga kasalanan ang makaiiwas sa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Kaninong pagsuway ang makatatanggap ng paghatol mula sa Akin, ang Makapangyarihan sa lahat? Ako, ang Jehovah, ay nagsasalita sa inyo, mga angkan ng mga pamilya Hentil, at ang mga salitang binibigkas ko sa inyo ay higit sa lahat ng mga binigkas sa Panahon ng Kautusan at sa Panahon ng Biyaya, ngunit kayo ay mas matigas pa sa lahat ng mga tao sa Ehipto. Hindi ba ninyo iniipon ang Aking poot habang ihinahanda ko ang Aking kapahingahan? Paano kayo makakatakas nang walang galos simula sa araw Ko, ang Makapangyarihan sa lahat?
Ako ay nagsagawa at nagsalita sa ganitong paraan kasama ninyo, Ako ay umubos ng napakaraming lakas at pagsisikap, ngunit kailan ba kayo nakinig sa mga malinaw Kongsinasabi? Saan kayo yumukod sa Akin, ang Makapangyarihan sa lahat? Bakit ninyo Ako tinatrato nang ganito? Bakit lahat ng inyong ginagawa ay humahamon sa Aking galit? Bakit napakatigas ng inyong mga puso? Hinampas Ko ba kayo kahit minsan? Bakit kahit wala kayong ginagawa ay pinalulungkot at binabalisa ninyo Ako? Hinihintay ba ninyo ang araw ng poot Ko, ang Jehovah, na dumating sa inyo? Hinihintay ba ninyo na ipadala Ko ang galit na hinamon ng inyong pagsuway? Hindi ba ang lahat ng Aking ginagawa ay para sa inyo? Ngunit laging ang turing ninyo sa Akin, ang Jehovah, ay ganito: ninanakaw ang Aking mga alay, kinukuha ang mga handog sa Aking altarpauwi upang pakainin ang mga anak at apo sa loob ng tirahan ng lobo; “mga tao” ay lumalaban sa isa’t isa, humaharap sa isa’t-isa na may galit sa mga mata at mga tabak at sibat, tinatapon ang Aking, ang Maykapangyarihan sa lahat, mga salita sa palikuran upang maging kasing dumi ng pusali. Nasaan ang inyong katapatang-loob? Ang inyong pagkatao ay naging kahayupan! Ang inyong mga puso ay matagal nang naging bato. Hindi ba ninyo alam na kung dumating ang araw ng Aking galit ay kung kailan Ko hahatulan ang mga masasamang ginawa ninyo sa Akin, ang Makapangyarihan sa lahat, ngayon? Akala ba ninyo na sa pamamagitan ng panlilinlang ninyo sa Akin sa ganitong paraan, sa pagtapon ng Aking mga salita sa putikan at hindi pagdinig sa mga ito – naiisip ba ninyo na sa pamamagitan ng pagkilos nang ganito sa Aking likuran kayo ay makatatakas sa Aking nagngangalit na tingin? Hindi ba ninyo alam na kayo ay nakita na ng Aking mga mata, ang Jehovah, nang ninakaw ninyo ang Aking mga alay at pinagnasaan ang Aking mga pag-aari? Hindi ba ninyo alam na noong ninakaw ninyo ang Aking mga alay, ito ay sa harapan ng altar kung saan ang mga alay ay inihandog? Paano ninyo mapaniniwalaan ang inyong mga sarili na kayo ay matalino na upang Ako ay lokohin sa ganitong paraan? Paano ba malalayo ang Aking galit sa inyong mga karumal-dumal na kasalanan? Paano ba lalampas ang Aking ngitngit sa inyong mga masamang mga gawain? Ang kasamaan na inyong ginagawa ngayon ay hindi magbibigay ng labasan para sa inyo, bagkus ito ay mag-iipon ng kaparusahan para sa inyo sa kinabukasan; ito ay hahamon ng kaparusahan mula sa Akin, ang Makapangyarihan sa lahat, patungo sa inyo. Paano ba na ang inyong mga masasamang gawain at masasamang salita ay makatakas sa Aking kaparusahan? Paano makararating ang inyong mga panalangin sa Aking mga tainga? Paano ako magbubukas ng labasan para sa inyong kalikuan? Paano ko pakakawalan ang inyong masasamang gawain na pakikipaglaban sa Akin? Paano Ko hindi puputulin ang inyong mga dila kasing-bagsik na nakalalason kagaya nang sa ahas? Hindi ninyo Ako tinatawagan para sa kapakanan ng inyong katuwiran, bagkus naipon ang Aking galit dahil sa inyong kasamaan. Paano Ko kayo mapapatawad? Sa mga mata Ko, ang Makapangyarihan sa lahat, ang inyong mga salita at kilos ay marumi. Ang mga mata Ko, ang Makapangyarihan sa lahat, ay nakikita ang inyong karumihan bilang walangtigil na kaparusahan. Paano maaalis ang Aking banal na kaparusahan at paghatol sa inyo? Dahil ginagawa ninyo ito sa Akin, pinalulungkot at ginagalit ninyo Ako, paano Ko papayagang makawala kayo sa Aking mga kamay at maiaalis sa araw na Ako, ang Jehovah, ay parurusahan at isusumpa kayo? Hindi ba ninyo alam na ang lahat ng mga masasama ninyong salita at binigkas ay nakarating na sa Aking mga tainga? Hindi ba ninyo alam na ang inyong kasamaan ay dinungisan na ang Aking damit ng kabanalan? Hindi ba ninyo alam na ang inyong pagsuway ay humamon na sa Aking nag-iinit na galit? Hindi ba ninyo alam na noon pa ninyo Ako iniwang nagngingitngit, at noon pa ninyo sinusubukan ang Aking pagtitiyaga? Hindi ba ninyo alam na nasira na ninyo ang Aking mga laman hanggang maging mga basahan ito? Nagtiis Ako hanggang ngayon, sa gayon na inilabas Ko ang Aking galit, hindi na magiging mapagparaya sa inyo kailanman. Hindi ba ninyo alam na ang inyong mga masasamang gawain ay nakarating na sa Aking mga mata, at ang Aking mga hinagpis ay narinig na ng Aking Ama? Paano Niya papayagang gawin ninyo ito sa Akin? Hindi ba ang Aking mga ginawa ay para sa inyong kapakanan? Ngunit sino sa inyo ang naging mapagmahal sa gawain Ko, ang Jehovah? Ako ba ay magtataksil sa kalooban ng Aking Ama dahil Ako ay marupok, at dahil sa pighating pinagdusahan? Hindi ba ninyo nauunawaan ang Aking puso? Kinakausap Ko kayo gaya ng Jehovah; hindi ba Ako nagbigay nang lubos para sa inyo? Kahit na Ako ay pumapayag na pasanin ang lahat ng mga pagdurusang ito para sa kapakanan ng gawain ng Aking Ama, paano kayo makaliligtas sa kaparusahan na Aking ipapataw sa inyo dahil sa Aking pagdurusa? Hindi ba kayo nakakuha ng kagalakan sa Akin? Ngayon, Ako ay ipinagkaloob sa inyo ng Aking Ama; hindi ba ninyo alam na mas marami kayong natamasa kaysa sa Aking mga mapagbiyayang mga salita? Hindi ba ninyo alam na ang Aking buhay ay ipinagpalit sa inyong buhay at sa mga bagay na inyong kinalulugdan? Hindi ba ninyo alam na ginamit ang buhay Ko ng Aking Ama upang labanan si Satanas, at nang inalay Niya ang Aking buhay sa inyo, upang matanggap ninyo ito nang makasandaang beses, at pinayagang makaiwas kayo sa napakaraming mga tukso? Hindi ba ninyo alam na sa pamamagitan lamang ng Aking gawain kayo ay nakalaya sa maraming mga tukso, at sa maraming mga nagliliyab na kaparusahan? Hindi ba ninyo alam na dahil lamang sa Akin na pinayagan kayo ng Aking Ama na magsaya hanggang sa ngayon? Paano nananatiling matigas ang inyong mga puso ngayon, na parang naging manhid na? Sa paanong paraan ang inyong mga masamang ginawa ngayon ay makatatakas sa araw ng galit na susunod sa Aking pag-alis sa lupa? Paano ko papayagan silang mga matitigas ang puso na makaligtas sa galit ng Jehovah?
Isipin ninyo ang nakaraan: Kailan naging galit ang Aking pagtingin, at ang boses naging malupit, sa inyo? Kailan ako nakipagtalo sa inyo? Kailan Ko ba kayo pinangaralan nang wala sa katuwiran? Kailan Ko ba ipinamukha sa inyo ang Aking pagsaway? Hindi ba ito para sa kapakanan ng Aking gawain na Ako ay nanawagan sa Aking Ama upang ilayo kayo sa tukso? Bakit ninyo ako itinuturing nang ganito? Ginamit Ko ba ang Aking kapangyarihan upang hampasin ang inyong mga katawan? Bakit ganito ang ibinayad ninyo sa Akin? Matapos ninyo Akong bugahan ng mainit at malamig, kayo ay hindi mainit o malamig, sa ganoon kayo ay mapanlinlang sa Akin at nagtatago ng mga bagay sa Akin, at ang inyong mga bibig ay puno ng lura ng mga liko. Akala ba ninyo malilinlang ninyo ang Aking Espiritu? Akala ba ninyo ang inyong mga dila ay makahahatol sa mga gawain Ko, ang Jehovah, sa paraang gugustuhin nila? Ako ba ang Diyos na hahatulan ng tao? Mapapayagan Ko ba na ang isang uod ay lumapastangan sa Akin? Sa paanong paraan Ko ilalagay ang mga anak ng pagsuway sa gitna ng Aking mga walang hanggang biyaya? Ang inyong mga salita at gawa ay matagal nang nailantad at humatol sa inyo. Nang Aking inunat ang kalangitan at nilikha ang lahat, hindi Ko pinayagan ang kahit anong nilalang na kumilos ayon sa kanilang kagustuhan, lalong hindi Ko pinayagan ang kahit na anong bagay na gambalain ang Aking gawain at Aking pamumuno ayon sa kagustuhan nito. Wala akong pinayagang tao o bagay; paano Ko ililigtas silang mga malupit at hindi makatao sa Akin? Paano Ko mapapatawad silang nag-alsa laban sa Aking mga salita? Paano ko ililigtas silang mga sumuwaysa Akin? Ang kapalaran ba ng tao ay wala sa Akin, ang Makapangyarihan sa kahat? Paano Ko isasaalang-alang ang inyong pagkaliko at pagsuway sa banal? Paano dinudumihan ng inyong mga kasalanan ang Aking kabanalan? Ako ay hindi madudungisan ng dumi ng inyong kalikuan, ni hindi Ko ikatutuwa ang mga alay ng mga liko. Kung kayo ay tapat sa Akin, ang Jehovah, kukunin ba ninyo ang mga alay sa Aking altar? Gagamitin ba ninyo ang inyong dilang may lason upang lapastanganin ang Aking banal na pangalan? Kayo ba ay mag-aalsa laban sa Aking mga salita sa ganitong paraan? Ituturing ba ninyo ang Aking kaluwalhatian at banal na pangalan bilang isang kasangkapan upang maglingkod kay Satanas, ang siyang masama? Ang Aking buhay ay inalay para sa kaligayahan ng mga banal. Paano Ko kayo papayagang paglaruan ang Aking buhay ayon sa inyong kagustuhan, at gamitin ito bilang kasangkapan sa pakikipagtalo sa iba? Paano ninyo magagawang maging napaka-walang puso at malupit sa Akin? Hindi ba ninyo alam na itinala Ko na ang inyong mga masasamang mga gawain sa mga salita ng buhay? Paano ninyo matatakasan ang araw ng poot kapag pinarusahan Ko ang Ehipto? Paano ba ninyo Ako malalabanan at madudungisan sa ganitong paraan, nang paulit ulit? Sinasabi Ko sa inyo nang malinaw, pagdating ng araw, ang inyong kaparusahan ay mas hihigit pa sa hindi makakayanang pagdurusa kaysa sa naranasan ng Ehipto! Paano ninyo matatakasan ang Aking araw ng poot? Sinasabi Ko sa inyo nang buong katotohanan: ang Aking kalakasan ay inihanda para sa inyong mga masasamang gawain, at ito ay umiiral para sa kaparusahan sa araw na iyon. Hindi ba kayo ang mga magdurusa sa galit ng paghatol kapag naabot Ko ang dulo ng Aking pagtitiis? Hindi ba ang lahat ng bagay ay nasa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Paano Ko papayagang suwayin ninyo Ako nang ganito, sa ilalim ng kalangitan? Ang inyong buhay ay magiging napakahirap dahil nakatagpo ninyo ang Mesias, na nasabi na Siyang darating, ngunit hindi nakarating. Hindi ba kayo ang Kaniyang mga kaaway? Si Hesus ay nakipagkaibigan sa inyo, ngunit kayo ay mga kaaway ng Mesias. Hindi ba ninyo alam na bagama’t kayo ay kaibigan ni Hesus, ang inyong mga masasamang gawain ay pumuno ng mga sisidlan ng mga karumaldumal? Kahit na kayo ay napakamalapit kay Jehovah, hindi ba ninyo alam na ang inyong mga masasamang mga salita ay nakarating sa mga tainga ni Jehovah at naudyok ng Kanyang poot? Paano Siya magiging malapit sa inyo, at paano Niya hindi susunugin ang inyong mga sisidlan, na puno ng mga masasamang gawain? Paanong hindi Niya kayo naging kaaway?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento