Nararapat na gawin ng sangkatauhan ang kunin ang mga salita Ko bilang batayan ng kanyang kaligtasan. Dapat hanapin ng bawat tao ang indibidwal niyang papel sa bawat bahagi ng mga salita Ko; ang hindi paggawa nito ay paghingi ng suliranin, paghahanap ng sarili niyang pagkawasak. Hindi Ako kilala ng sangkatauhan, at dahil dito, sa halip na dalhin niya ang kanyang buhay sa Akin upang ihandog bilang kapalit, ang tanging ginagawa niya ay pumarada sa harapan Ko na dala ang mga sira-sirang kalakal, sa pagnanais na bigyan Ako ng kasiyahan. Ngunit, kahit malayo sa pagiging masaya sa mga bagay na tulad ng mga ito, nananatili Ako sa paghingi sa sangkatauhan. Gustung-gusto Ko ang handog ng mga tao, ngunit kinapopootan Ko ang kaniyang mga panghuhuthot. Ang puso ng lahat ng mga tao ay puno ng kasakiman; parang inalipin ng diyablo ang puso ng tao, at hindi siya makalaya upang ihandog ito sa Akin. Kapag nagsalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig ng may pamimitagan; ngunit kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula siyang muli sa sarili niyang mga “gawain” at ganap na humihinto sa pag-intindi sa mga salita Ko, na parang pandagdag lamang ang mga salita Ko sa kanyang “gawain." Kailanman hindi ako nagpabaya sa sangkatauhan, matiisin rin ako at may magandang kalooban sa sangkatauhan. At sa gayon, dahil sa Aking pagkamaawain, naging napakahambog ang mga tao, wala silang kakayahang kilalanin ang kanilang mga sarili at magmuni-muni, at sinasamantala nila ang Aking pagkamatiisin upang linlangin Ako. Walang kahit isa sa kanila ang may tunay na pagmamalasakit sa Akin, at walang tunay na nagpapahalaga sa Akin bilang isang bagay na sinisinta ng kanilang puso; ibinibigay lamang nila sa Akin ang walang interes nilang panahon tuwing wala silang ginagawa. Ang pagsisikap na ibinigay Ko sa tao ay wala nang kapantay. Ginawa Ko na sa tao ang walang kaparang gawain, at bukod dito, ibinigay Ko sa kanya ang isang karagdagang pasanin, sapagkat, mula sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako, maaaring matuto ang tao at magbago. Ginawa Ko ito upang hindi maging isang palaasa ang tao, at maging kapaki-pakinabang na may kakayahang talunin si Satanas. Kahit na maaaring wala akong kailangan sa tao, gayunman may pamantayan Ako para sa mga kahilingan Ko, sapagka’t may layunin Ako sa ginagawa Ko, at may prinsipyo na alinsunod sa hakbang Ko: Hindi Ako padaskul-daskol na naglalaro, gaya ng iniisip ng tao, at hindi rin Ako pabagu-bago sa paglikha sa mga langit at lupa at sa napakaraming bagay ng nilikha. Sa Aking gawain, dapat may bagay na makikita ang tao, bagay na matatamo. Hindi niya dapat aksayahin ang kapanahunan ng kanyang “kabataan,” o tratuhin ang sariling buhay na parang kasuotan na basta hinayaang dapuan ng alikabok; sa halip, bantayan niya sana ng mahigpit ang kanyang sarili, kumuha sa Aking pagpapala upang matustusan ang sarili niyang kasiyahan, hanggang, dahil sa Akin, hindi na siya babalik kay Satanas, at para sa Aking kapakanan maglulunsad siya ng isang pag-atake laban kay Satanas. Hindi ba napakadali kagaya nito ang hinihiling Ko sa tao?
Kapag nag-umpisang lumitaw ang sinag ng liwanag sa Silangan, sa panahon na yan itutuon ng lahat ng mga tao sa sandaigdigan ang kanilang pansin sa nabanggit na pangyayari tungkol sa liwanag sa Silangan. Sa pagkakahimasmas mula sa pagkaidlip, sisiyasatin ng sangkatauhan ang pinagmulan ng liwanag sa silangan, ngunit dahil sa mga limitasyon ng kakayahan ng tao, walang sinuman ang makahahanap sa lugar na pinagmulan ng liwanag. Kapag naliwanagan ang lahat ng mga nasa sandaigdigan, babangon ang tao mula sa pagtulog at pananaginip, at mapagtanto niya sa panahon na yan na unti-unti nang pumaparito sa sanglibutan ang Aking araw. Magdiriwang ang buong sangkatauhan dahil sa pagdating ng liwanag, at dahil dito wala nang mananatiling tulog, at mawawala na ang kawalan ng saysay. Sa ilalim ng sinag ng Aking liwanag, magiging malinaw ang isip at pananaw ng buong sangkatauhan, at kaagad na mapupukaw sa kagalakan ng pamumuhay. Sa likod ng makapal na ulap, sinusubaybayan Ko ang sangkatauhan. Nanahimik ang lahat ng mga hayop; dahil sa pagdating ng kislap ng liwanag, namalayan ng lahat ng nilikha na papalapit ang isang bagong buhay. Dahil dito, gumapang din palabas ang mga hayop mula sa kanilang mga yungib upang maghanap ng pagkain. Siyempre, hindi rin naiiba ang mga halaman, at sa sinag ng liwanag kuminang ng may ningning ang berde nilang dahon, naghihintay upang ialay sa Akin ang indibidwal nilang bahagi sa panahon na nasa lupa Ako. Hinahangad ng lahat ng mga tao ang pagdating ng liwanag, ngunit kinatatakutan nila ang pagdating nito, at nababahala sila na hindi na maitago ang kanilang sariling kapangitan, dahil ganap na hubad ang tao, at walang panakip. Gaano kadaming mga tao ang nagulat dahil sa pagdating ng liwanag at nagulantang dahil sa paglitaw nito? Sa pagkakita sa liwanag, ilang tao ang napuno ng walang hanggang pagsisisi, kinasuklaman ang sariling karumihan, ngunit, walang magawa upang baguhin ang katotohanan, tanging ang maghintay sa Akin upang ipahayag ang kaparusahan. Ilang tao na ang pinadalisay ng pagdurusa sa kadiliman ang nagulantang sa malalim na kahulugan ng nakitang liwanag, at niyakap nila ito nang mahigpit sa takot na mawala itong muli? Gaano karaming mga tao ang sa halip na magulat sa biglaang paglitaw ng liwanag ay nagpatuloy lamang sa pang-araw-araw na gawain, sapagka’t sila’y nabulag sa loob ng mahabang panahon, kaya hindi nila napansin na dumating na ang liwanag, at hindi rin sila nasiyahan dito. Sa puso ng mga tao, hindi Ako mataas, o mababa. Para sa mga tao, ang mahalaga ay kung totoo Ako o hindi, na parang walang ikalulungkot ang kanilang buhay kung wala Ako, at kung totoo man Ako, wala silang matatamong kasiyahan. Dahil hindi Ako pinahahalagahan ng mga tao, iilan lang ang kasiyahan na ipinagkakaloob Ko sa kanila. Ngunit kapag binigyan Ako ng sangkatauhan ng kahit kaunting pagsamba, babaguhin Ko rin ang Aking saloobin tungkol sa kanila. Sa kadahilanang ito, magiging ganap lamang na mapalad ang mga tao na ialay ang kanilang sarili sa Akin at makuha ang mga bagay na nasa Aking kamay kapag maintindihan nila ang alituntunin na ito. Tiyak ba na hindi lamang sa sariling kapakanan ng tao nakatali ang pag-ibig niya sa Akin? Tiyak ba na hindi lamang sa mga bagay na Aking ibinibigay nakabatay ang pananampalataya ng tao sa Akin? Totoo bang hindi Ako kayang mahalin ng tao ng tapat sa pamamagitan ng pananampalataya niya maliban na lang kung makita niya ang Aking liwanag? Tiyak ba na ang kalakasan at sigla ng tao ay hindi tunay na para lamang sa mga sitwasyon ngayon? Maaari ba na kailangan ng tao ang tapang upang mahalin Ako?
Sa pagsasalalay sa Aking pag-iral, masunuring sumusunod ang napakaraming mga bagay na nilikha sa mga lugar na kinaroroonan nila, at sa kawalan ng Aking disiplina, hindi sila nakikibahagi sa mahahalay na pagpapabaya. Samakatuwid, nagiging mga hangganan ang mga bundok sa pagitan ng mga bansa sa lupain, nagiging mga pader ang mga karagatan para paghiwalayin ang mga tao sa pagitan ng mga lupain, at ang hangin ang bagay na dumadaloy sa pagitan ng mga tao sa kalawakan ng lupa. Tanging ang sangkatauhan ang walang kakayahang sumunod sa mga hinihiling ng Aking kalooban; ito ang dahilan kung bakit sinasabi Ko na, sa lahat ng mga nilalang tanging ang tao lamang ang nasa kategorya ng mga suwail. Hindi ganap na nagpasakop ang tao sa Akin, at sa kadahilanang ito pinanatili Ko siya sa ilalim ng mahigpit na disiplina. Kung mangyayari na lalawig ang Aking kaluwalhatian sa buong sandaigdigan mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, ihahayag Ko ang buong kaluwalhatian Ko sa sangkatauhan. Dahil sa pagkakasala ng tao hindi siya karapat-dapat na tumingin sa Aking kaluwalhatian, sa loob ng libu-libong taon nanatili Akong nakatago at hindi nagpakita kailanman; sa kadahilanang ito hindi kailanman naihayag sa sangkatauhan ang Aking kaluwalhatian, at laging nakalublob ang tao sa malalim na bangin ng kasalanan. Pinatawad Ko na ang kalikuan ng sangkatauhan, ngunit hindi alam ng mga tao kung paano pangalagaan ang kanilang sarili, at sa halip ay lagi nilang ibinubukas ang kanilang mga sarili sa kasalanan, pinahihintulutan nila na sirain sila ng kasalanan. Hindi ba kakulangan ito ng tao sa paggalang at pagmamahal sa sarili? Sa kalagitnaan ng sangkatauhan, mayroon bang tunay na makakaibig? Gaano kabigat ang timbang ng katapatan ng tao? Hindi ba may mga mahahalay na bagay na nakahalo sa mga tinatawag niyang tunay? Hindi ba nabuo ang kanyang katapatan mula sa isang kalituhan? Ang hinihiling Ko ay ang buong pagmamahal ng tao. Hindi Ako kilala ng tao, at bagaman sinusubukan niya Akong makilala, hindi niya ibibigay sa Akin ang tunay at masigasig niyang puso. Hindi Ko sisingilin sa tao ang ayaw niyang ibigay. Kung ibibigay niya sa Akin ang kanyang katapatan, tatanggapin Ko ito nang walang pagtutol; ngunit kung hindi niya Ako pagkakatiwalaan, at ayaw niyang ihandog ang kahit katiting ng kanyang sarili, sa halip na mayayamot dahil dyan, itataboy Ko na lamang siya sa ibang paraan at ipadadala siya sa lugar na kinababagayan niya. Ang tao ay tatamaan ng dumadagundong na kulog sa kalangitan; tatabunan siya ng pagbagsak ng mga matataas na bundok; kakainin siya ng mga gutom na mababangis na hayop; at lulunurin siya ng mga karagatan. Sa pakikibahagi ng sangkatauhan sa gusot sa kanyang kapwa, makikita ng lahat ng mga tao ang sariling pagkawasak sa mga kalamidad na dulot ng sangkatauhan.
Lumalawak ang kaharian, nabubuo at nananatili sa kalagitnaan ng sangkatauhan; walang puwersa ang maaaring sumira sa Aking kaharian. Sa Aking mga tao na nasa kaharian ngayon, sino sa inyo ang hindi tao na nakahalubilo sa mga tao? Sino sa inyo ang namamalagi sa labas ng kalagayan ng tao? Kapag maihahayag sa mga tao ang punto ng bago Kong panimula, ano kaya ang reaksyon ng sangkatauhan? Nakita mo mismo sa iyong sariling mga mata ang estado ng sangkatauhan; tiyak na hindi mo na iisipin ang pag-asa sa magpakailanmang pagtitiis sa mundong ito? Lumalakad Ako ngayon sa kalagitnaan ng Aking mga tao, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng aking bayan. Mapalad ang mga taong may tunay na pag-ibig sa Akin ngayon; mapalad ang mga nagpapasakop sa Akin, tiyak na mananatili sila sa Aking kaharian; mapalad ang mga taong nakakakilala sa Akin, tiyak na hahawak sila ng kapangyarihan sa Aking kaharian; mapalad ang mga taong naghahangad sa Akin, tiyak na makaliligtas sila mula sa mga gapos ni Satanas at matatamasa nila ang pagpapala Ko; Mapalad ang mga tatalikod sa kanilang mga sarili, tiyak na papasok sila sa Aking nasasakupan, at mamanahin nila ang kayamanan ng Aking kaharian. Aalalahanin Ko ang mga taong gumagawa para sa Akin, yayakapin Ko ng may kagalakan ang mga taong gumugugol para sa Akin, bibigyan Ko ng kasiyahan ang mga taong naghahandog sa Akin. Pagpapalain Ko ang mga nasisiyahan sa Aking mga salita; tiyak na sila ang magiging mga haligi na hahawak sa galugod ng Aking kaharian, tiyak na magkakaroon sila ng walang-kapantay na gantimpala sa Aking bahay, at walang maihahalintulad sa kanila. Tinanggap mo na ba ang mga pagpapalang inilaan sa iyo? Hinangad mo na ba ang mga pangakong para sa iyo? Sa ilalim ng paggabay ng Aking liwanag, tiyak na makakawala ka mula sa pagsakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, tiyak na hindi mo mawawala ang ilaw na gumagabay sa iyo. Tiyak na ikaw ang magiging panginoon ng lahat ng nilalang. Tiyak na maging matagumpay ka laban kay Satanas. Sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, tiyak na tatayo ka sa kalagitnaan ng napakaraming tao upang saksihan ang Aking tagumpay. Tiyak na magiging matatag at matibay ka sa lupain ng Sinim. Dahil sa pagdurusa na tiniis mo, mamanahin mo ang pagpapalang nagmumula sa Akin, at tiyak na isisinag mo ang Aking kaluwalhatian sa buong sandaigdigan.
Marso 19, 1992
Marso 19, 1992
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento