2016-12-14

Ang Ikalabing-walong Pahayag

Sa isang pagsiklab ng kidlat, naihayag ang bawat hayop sa kanilang tunay na anyo. Dahil din sa pagkakatanglaw sa Aking liwanag, nabawi ng sangkatauhan ang dati nilang kabanalan. O, sa wakas ang nasirang mundo ng nakaraan ay lumubog sa ibabaw ng maruming tubig at, naglaho sa putikan! O, sa wakas muling nabuhay sa liwanag ang buong sangkatauhan na Aking nilikha, nahanap nila ang pundasyon ng pag-iral, at tumigil sa paghihirap sa putikan! O, ang mga hindi mabilang na nilikha na hawak Ko sa Aking mga kamay! Paanong hindi sila mababago sa pamamagitan ng Aking mga salita? Paano na hindi nila magagampanan sa liwanag ang kanilang mga layunin? Hindi na payapa at tahimik ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit. Hindi na pinaghihiwalay ng isang puwang ang langit at lupa, nagkaisa na sila, at kailanman hindi na muling maghihiwalay pa. Sa masayang pangyayari na ito, sa sandali ng katuwaan, ang katuwiran Ko at ang Aking kabanalan ay umabot sa buong sandaigdigan, at walang humpay na nagbunyi ang buong sangkatauhan. Tumatawa na may kagalakan ang mga bayan ng langit, at nagsasayawan ang mga kaharian ng lupa na may kagalakan. Sino ang hindi magagalak sa sandaling ito? At sino ang hindi iiyak sa sandaling ito? Ang mundo sa una nitong kalagayan ay kabilang sa langit, at nakaugnay ang langit sa lupa. Ang tao ang nag-uugnay sa langit at lupa, at salamat sa kanyang kabanalan, salamat sa kanyang pagbabago, hindi na lingid sa lupa ang langit, at hindi na tahimik ang lupa sa langit. Nababalot sa ngiti ng kasiyahan ang mga mukha ng sangkatauhan, at naitago sa kanilang mga puso ang isang tamis na walang alam na hangganan. Hindi makikipag-away ang tao sa kapwa tao, at hindi rin sila makikipagdagukan sa isa't isa. Sa Aking liwanag, mayroon bang namumuhay ng hindi matiwasay sa iba? Sa Aking panahon, mayroon bang nagbibigay ng kahihiyan sa pangalan Ko? Nakatuon sa Akin ang magalang na pagtingin ng buong sangkatauhan, at lihim silang tumatawag sa Akin sa kanilang mga puso. Sinaliksik Ko ang bawat pagkilos ng sangkatauhan: Sa mga taong nalinis, walang hindi masunurin sa Akin, walang humuhusga sa Akin. Napupuno ang lahat ng sangkatauhan sa Aking katangian. Nakikilala Ako ng bawat tao, mas lumalapit sila sa Akin, at sinasamba nila Ako. Tumindig Ako sa espiritu ng tao, dinadakila Ako sa mata ng tao sa pinakamataas na antas, at dumadaloy ito sa dugo sa kanyang mga ugat. Pinupuno ng masayang pagbubunyi sa puso ng mga tao ang bawat lugar sa balat ng lupa, masigla at sariwa ang hangin, hindi na binabalot ng hamog ang lupa, at maliwanag ang sikat ng araw.

Tumingin kayo ngayon sa Aking kaharian, kung saan Ako ang Hari at nangingibabaw sa lahat. Mula sa simula ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, ginagabayan Ko ang Aking mga anak na lalaki, dumanas sila ng napakaraming kahirapan ng buhay, napakaraming kaapihan mula sa mundo, napakaraming mga tagumpay at kabiguan ng mundo, ngunit ngayon sila'y nananahan sa Aking liwanag. Sino ang hindi umiyak sa mga kawalan ng hustisya sa nakaraan? Sino ang hindi lumuha sa mga paghihirap para maabot ang araw na ito? At muli, mayroon bang hindi kukuha sa pagkakataong ito upang ialay ang sarili sa Akin? Mayroon bang hindi magsasamantalang kunin ang pagkakataong ito upang ibuhos ang namumuong masidhing damdamin sa kanilang puso? Mayroon ba sa mga sandaling ito ang hindi maghahayag ng kanilang naranasan? Sa oras na ito, inilalaan sa Akin ng lahat ng tao ang pinakamaganda sa kanilang mga sarili. Ilan ang nagdurusa ng pagsisisi dahil sa kahangalan ng kahapon, ilan ang napopoot sa kanilang mga sarili dahil sa mga pagtugis sa kahapon! Nalaman mismo ng mga tao, nakita nilang lahat ang mga gawa ni Satanas at ang Aking kabutihan, at may naitalagang lugar sa loob ng kanilang mga puso ang para sa Akin. Hindi Ko na hahadlangan at itatakwil ang mga tao, dahil natapos na ang dakila Kong gawain at wala ng humahadlang nito. Ngayon, sa mga anak ng kaharian Ko, mayroon bang sinuman ang hindi isinasaalang-alang ang sarili? Mayroon bang nag-aalala sa mga paraan ng pagkagawa ng Aking trabaho? Mayroon bang sinuman ang taos-pusong naghandog ng sarili para sa Akin? Nabawasan ba ang mga kahalayan sa inyong mga puso? O dumami ang mga ito? Kung hindi nabawasan o nadagdagan ang mga mahahalay na bagay sa inyong mga puso, siguradong itataboy Ko ang mga taong katulad ninyo. Ang gusto Ko ay mga banal na kinaluluguran ng Aking puso, hindi mga karumaldumal na espiritu na nanghihimagsik laban sa Akin. Kahit na wala Akong masyadong hinihiling sa sangkatauhan, napakakumplikado ang kalooban ng mga tao kaya hindi sila handang umayon sa Aking kalooban o kaagad na nakalulugod sa Aking mga nais. Karamihan ng mga tao ay lihim na nagsusumikap dahil sa pag-asang matamo ang pagpaparangal na laurel sa katapusan. Ang karamihan ng mga tao ay nagsusumikap ng buong lakas, hindi man lang nagpapabaya kahit na isang sandali, natatakot na maging bihag muli ni Satanas sa pangalawang pagkakataon. Hindi na sila naglalakas-loob na magkimkim ng sama ng loob laban sa Akin, ngunit patuloy sila sa pagpapakita ng katapatan sa Akin. Narinig Ko ang mga salitang binigkas ng mga puso ng napakaraming tao, ang mga kwentong sinabi ng napakaraming mga tao tungkol sa mga masasakit na karanasan sa kalagitnaan ng kahirapan; Napakarami Kong nakita, sa katakut-takot na paraan, na hindi kailan man nagkulang sa paghahandog ng katapatan sa Akin, at napakarami rin ang napanood Ko habang binabagtas nila ang mabatong landas, nagsumikap upang makahanap ng daang palabas. Sa mga sitwasyong ito, hindi kailanman sila nagreklamo; kahit sa panahong hindi nila mahanap ang liwanag, nalumbay man sila ng kaunti, ngunit hindi kailanman nagreklamo kahit minsan. Ngunit napakaraming tao rin ang Aking narinig na nagmura mula sa kailaliman ng kanilang mga puso, isinumpa nila ang Langit at inakusahan ang lupa, at nakita Ko rin ang napakaraming tao na nawalan ng pag-asa sa gitna ng kanilang kapighatian, hinayaan ang kanilang mga sarili na parang basura sa isang basurahan, natatabunan ng dumi at dungis. Narinig Ko ang napakaraming mga tao na nag-aaway, dahil sa isang pagbabago sa katayuan, na may kasamang mga pagbabago ng “mukha,” ang humantong sa isang pagbabago sa kanilang relasyon sa kapwa tao, sa gayon ang mga magkakaibigan ay naging magkaaway na nilulusob ang bawat isa sa pamamagitan ng kanilang mga bibig. Ginagamit ng karamihang mga tao ang Aking mga salita na tulad ng mga bala na nagmumula sa isang baril, pinuputukan ang iba nang walang kamalay-malay, hanggang sa mapuno ng ingay ang mundo ng mga tao at masira ang katahimikan. Sa kabutihang palad, dumating tayo sa araw na ito; kung hindi, sino ang nakaaalam kung gaano karami ang maaaring namatay dahil sa hindi paghupa ng pagputok ng baril na ito.
Sa pagsunod sa mga salitang nagmula sa Akin, at sa pagsubaybay sa mga kondisyon ng sangkatauhan, unti-unting bumaba sa lupa ang kaharian Ko. Hindi na nagsasalita ang tao ng mga nakaliligalig na saloobin, o “nakikialam sa” ibang mga tao, o “nag-aalala" para sa kanila. At sa gayon, wala na ang mga palatutol na mga alitan, at sa pagsunod sa mga salita na nagmula sa Akin, ang sari-saring “mga armas” ng modernong panahon ay nawala na rin. May kapayapaan muli ang tao sa kanyang kapwa, muling sumisinag ang espiritu ng pagkakaisasa sa puso ng mga tao, wala nang nagkukubli laban sa palihim na pag-atake. Bumalik na ang buong sangkatauhan sa normal na kalagayan at nag-umpisa sa isang bagong buhay. Sa bagong kapaligiran, may magandang bilang ng mga tao ang tumitingin sa paligid, sa pakiramdam nila na parang pumasok sila sa isang bagung-bagong mundo, at dahil dito hindi sila agad na makaangkop sa kasalukuyan nilang kapaligiran o diretsong makatumpak sa tamang landas. Kaya ito ay isang sitwasyon na “ang espiritu ay malakas ngunit ang laman ay mahina” kung tungkol sa sangkatauhan. Kahit na hindi Ko naranasan, tulad ng tao, ang kapaitan ng kahirapan, ganap Kong nalalaman na may dapat intindihin tungkol sa kanyang mga kakulangan. Kabisado ko ang mga pangangailangan ng tao, at ganap ang Aking pag-unawa sa kanyang kahinaan. Sa kadahilanang ito, hindi Ko pinagtatawanan ang mga pagkukulang ng tao; Tumutulong lang Ako, depende sa mga gawain niyang hindi matuwid, isang karapat-dapat na sukat ng “kaalaman,” ang mas mahusay na paraan upang gabayan ang lahat na pumunta sa tamang landas, upang tumigil ang sangkatauhan sa pagkaligaw na parang mga ulila at maging mga itinatanging sanggol ng may isang tahanan. Gayon pa man, ang mga kilos Ko ay pinamamahalaan ng mga prinsipyo. Kung ayaw ng mga tao na tamasahin ang kaligayahan na nasa Akin, ang tanging magagawa Ko lang ay sumunod sa kanilang mga kagustuhan at ipadala sila sa napakalalim na hukay. Sa puntong ito, wala na dapat ang sinumang magpapahayag ng saloobin, ngunit dapat na makita ng lahat ang Aking katuwiran sa mga kaayusan na Aking ginawa. Hindi Ko pinipilit ang sangkatauhan na umibig sa Akin, at hindi Ko rin pinarurusahan ang sinumang tao dahil sa pagmamahal sa Akin. May ganap na kalayaan sa Akin, ganap na kalayaan. Kahit na nasa Aking kamay ang kapalaran ng tao, ibinigay Ko sa tao ang malayang kalooban, bagay na hindi napaiilalim sa Aking kontrol. Sa ganitong paraan, ang mga tao ay hindi “iimbento ng paraan upang pumasok sa problema” sa ngalan ng mga batas ng Aking pamamahala, sa halip ay “magkakaroon ng kalayaan” batay sa sa Aking kagandahang-loob. Kaya maraming mga tao na malayo mula sa Aking pagpipigil ang susunod sa sarili nilang kagustuhan dahil sa pagiging malaya.
Palagi Kong tinatrato ang sangkatauhan ng may kaluwagan, hindi kailanman nagtatakda ng problemang walang kalutasan, hindi kailanman inilalagay ang kahit sinong tao sa kahirapan; hindi ba ganito? Kahit maraming mga tao ang hindi nagmamahal sa Akin, malayo sa pagkakayamot sa ganitong uri ng saloobin, ibinigay Ko sa mga tao ang kalayaan, ipinahintulot Ko ang palugit hanggang sa punto ng pagpayag na lumangoy sila sa mapait na dagat. Sapagkat ang tao ay isang sasakyang-dagat na hindi itinatangi: Kahit nakikita niya ang pagpapala na nasa Aking kamay, wala siyang pagkawili na tamasahin ito, ngunit mas gugustuhin niyang magdusa sa kamay ni Satanas, at hinahatulan ang kanyang sarili bilang “pagkain” ni Satanas dahil doon. Tiyak na may mga ilan ang mismong nakakita sa Aking liwanag, at dahil dito, kahit na nabubuhay sila sa mga ulap ng kasalukuyan, hindi sila nawalan ng pananampalataya sa liwanag dahil sa malalabong mga ulap, ngunit patuloy silang humahagilap at naghahanap sa kaulapan-kahit sa landas na puno ng mga balakid. Kapag naghimagsik ang tao laban sa Akin, ihahagis Ko ang Aking galit sa kaniya, kaya maaaring maglaho ang tao dahil sa kanyang pagsuway. Kapag sumunod siya sa Akin, mananatili Akong nakatago sa kanya, sa paraang ito mapupukaw ang pag-ibig sa kaibuturan ng kanyang puso, isang pag-ibig na naglalayong hindi magpaginhawa ngunit upang magdulot sa Akin ng kasiyahan. Ilang beses Kong isinara ang Aking mga mata at nanatiling tahimik sa paghahanap ng mga tao sa Akin, upang matamo Ko ang tunay niyang pananampalataya? Ngunit kapag hindi Ako umiimik, nagbabago sa isang iglap ang pananampalataya ng tao, at tanging ang mga huwad niyang “kalakal,” ang tangi Kong nakikita, dahil kailanman hindi tapat ang pagmamahal ng tao sa Akin. Sa tuwing inihahayag Ko lamang ang Aking sarili na nagpapakita ang mga tao ng napakalaking “pananampalataya”; ngunit kapag nakatago Ako sa Aking lihim na dako, nagiging mahina sila at pinanghihinaan ng loob, parang takot na saktan ang damdamin Ko, o dahil hindi lang makita ng ilan ang Aking mukha, idinadaan nila Ako sa isang mabuting paggawa at dahil dyan sinasabi nila na sa katunayan ay wala Ako. Gaano karaming mga tao ang nananatili sa ganitong kalagayan, ilan ang may ganitong pag-iisip, ngunit ito ay dahil magaling lamang ang mga tao sa pagtatago ng mga bagay na karumaldumal sa kanilang sarili. Dahil dito, nag-aatubili silang makatawag ng pansin sa sarili nilang kakulangan, at umaamin lamang sa katotohanan ng Aking mga salita habang lakas-loob silang naghahanap ng pagpapanggap para sa paggalang sa sarili.
Marso 17, 1992

Walang komento: