Kayo ay sinabihan na ihanda ang inyong sarili sa pamamagitan ng salita ng Diyos, hindi alintana kung ano ang inayos para sa inyo, ang lahat ay binalangkas ng kamay ng Diyos, at hindi na kailangan ang inyong masigasig na pananalangin at pagmamakaawa--ang mga ito ay walang silbi. Subalit sa kasalukuyang kalagayan, ang mga praktikal nasuliraning inyong kinakaharap ay ni hindi niyo pinangarap. Kapag hinintay ninyo lamang ang pagbabalangkas ng Diyos, ang inyong pagsulong ay magiging labis na mabagal, at sa mga hindi alam kung paano makaranas magkakaroon ng pagsasakawalang-kibo. Kaya, kung hindi ninyo kayang lubos na makakita sa pamamagitan ng mga bagay na ito, kayo ay nalalabuan at hangal sa inyong dinaranas. Kung kayo ay walang katunayan at puro mga salita lamang, hindi ba't ito ay tanda ng kamalian? Maraming kamalian ang makikita sa inyo, sa kalipunang ito. Ngayon, kayo ay hindi makalalampas sa mga pagsubok na katulad ng "mga tagapaglingkod”, na walang kakayahang mag-isip o makalampas sa ibang pagdalisay na may kaugnayan sa mga salita ng Diyos. Karamihan sa nangangailangan ng inyong pagsasanay ay nangangailangan din ng inyong pagkatig. Na kung sasabihin, ang mga tao ay dapat umayon sa mga tungkulin na kailangan nilang gampanan. Ito ang dapat sang-ayunan ng tao, at kung ano ang dapat nilang isagawa. Hayaan ninyong gawin ng Banal na Espiritu ang kailangang gawin ng Banal na Espiritu: walang bahagi ang tao rito. Ang tao ay dapat umayon sa kung ano ang kailangang gawin ng tao, na walang kaugnayan sa Banal na Espiritu. Ito ay wala ngunit isang kailangang gawin ng tao, at dapat sang-ayunan dahil itoay iniutos, katulad ng pagsang-ayon sa kautusan ng Lumang Tipan. Bagaman hindi ngayon ang Panahon ng Kautusan, mayroon pa ring mga salita sa Panahon ng Kautusan na kailangang sang-ayunan, at ang mga ito ay hindi lamang naisasagawa sa pamamagitan ng pag-asa sa paghipo ng Banal na Espiritu, ngunit kailangang sang-ayunan ng tao. Halimbawa: Huwag ninyong hatulan ang gawain ng praktikal na Diyos. Huwag ninyong labanan ang taong pinatotohanan ng Diyos.Sa harapan ng Diyos, panatilihin ninyo ang inyong lugar at huwag maging talipandas. Maging mahinahon sa inyong pananalita, at ang inyong mga salita at kilos ay dapat sinusunod ang pagsasaayos ng taong pinatotohanan ng Diyos.Igalang ninyo ang patotoo ng Diyos. Huwag ninyong bale-walain ang gawain ng Diyos at ang mga salita na nagmumula sa Kanyang labi. Huwag ninyong gayahin ang himig at mga hangad ng pananalita ng Diyos. Sa panlabas, huwag kayong gumawa ng kahit na anong nagpapahayag ng pagsalungat sa taong pinatotohanan ng Diyos. Ito, at ang marami pang iba, ay mga dapat sang-ayunan ng tao. Sa bawat panahon, maraming tuntunin ang tinutukoy ng Diyos na katulad ng mga kautusan na kailangang sang-ayunan ng tao. Sa pamamagitan nito, pinaghihigpitan Niya ang katayuan ng tao, at inaalam ang kanilang katapatan. Ang mga salitang " Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina" sa Lumang Tipan, halimbawa. Ang mga salitang ito ay hindi na akma ngayon; sa panahong iyon, pinaghigpitan lamang nila ang ilan sa mga panlabas na katangian ng tao, ginamit ang mga ito upang ipakita ang katapatan ng paniniwala ng tao sa Diyos, at tanda ng mga naniniwala sa Diyos. Bagaman ngayon sa Panahon ng Kaharian, mayroon pa ring mga tuntunin na dapat sang-ayunan ng tao. Ang mga tuntunin sa nakaraan ay hindi na akma; ngayon, marami, ang mas angkop na kasanayan para isagawa ng tao, at mga kinakailangan. Hindi nila isinasama ang gawain ng Banal na Espiritu sa kailangang isagawa ng tao.
Sa Panahon ng Biyaya, marami sa mga kasanayan sa Panahon ng Kautusan ang iniwaksi dahil ang mga kautusang ito ay hindi mabisa para sa gawain sa panahong iyon. Matapos iwaksi ang mga ito, maraming mga kasanayan ang itinakda na mas angkop sa panahon, at naging mga tuntunin sa ngayon. Nang ang Diyos ng panahong ito ay dumating, ang mga tuntuning ito ay itiniwalag, at hindi na kailangang sang-ayunan, at sila ay nagtalaga ng maraming kasanayan na mas angkop sa gawain ngayon. Ngayon, ang mga kasanayang ito ay hindi mga tuntunin, ngunit para magkamit ng bunga; ito ay mas angkop sa ngayon-- at bukas, marahil, ito ay magiging mga tuntunin. Sa lahat ng ito, nararapat ninyong sang-ayunan ang mas mabunga para sa gawain ngayon. Huwag ninyong intindihan ang bukas: Kung ano ang magagawa ngayon ay para sa kapakanan ng ngayon. Maaaring bukas ay magkakaroon ng mga mas mabuting kasanayanna kakailanganin ninyong isagawa-- ngunit huwag ninyong masyadong bigyang-pansin ito, sumang-ayon kayo sa kung ano ang nararapat ninyong sang-ayunan sa ngayon upang hindi ninyo salungatin ang Diyos. Ngayon, walang mas mahalaga na dapat sang-ayunan ng tao kaysa sa mga sumusunod: Huwag kayong mandaya o magtago ng kahit na ano mula sa Diyos na nakatayo sa inyong harapan. Huwag kayong magsabi ng mga marurumi at walang kwentang bagay sa harap ng Diyos. Huwag ninyong linlangin ang Diyos sa inyong harapan sa pamamagitan ng mga mahuhusay na salita at mga makatarungang pananalita upang makamit ang Kanyang tiwala. Huwag kayong umasta nang walang pakundangan sa harap ng Diyos. Sundin ninyo ang lahat ng lumalabas sa bibig ng Diyos, at huwag pigilan, labanan, o makipagtalo sa Kanyang mga salita. Huwag ninyong bigyang-kahulugan batay sa kung ano ang inyong nais, ang mga salita na nanggaling sa bibig ng Diyos. Bantayan ninyo ang inyong mga dila upang maiwasan ninyong mahulog sa bitag ng mga masasamang balak ng masama. Bantayan ninyo ang inyong mga hakbang upang maiwasan ang pagsuway sa mga hangganang itinalaga ng Diyos para sa inyo. Ang paggawa nito ay magiging sanhi upang kayo ay magsalita ng mayabang at mapagmataas na mga salita ayon sa pananaw ng Diyos, tuloy kayamutan ng Diyos. Huwag ninyong padalus-dalos na-uulitin ang mga salitang nanggagaling sa bibig ng Diyos, baka makutya kayong iba at gawing hangal ng diyablo. Sundin ninyo ang lahat ng gawain ng Diyos sa ngayon. Kahit na ito'y hindi ninyo nauunawaan, huwag ninyo itong hahatulan; ang inyo lamang magagawa ay ang maghanap at magsama-sama. Walang tao ang dapat lumabag sa orihinal na lagay ng Diyos. Wala kayong ibang magagawa kundi ang pagsilbihan ang Diyos ng ngayon mula sa posisyon ng tao. Hindi ninyo matuturuan ang Diyos ng ngayon mula sa posisyon ng tao-- ang gawaing ito ay walang patnubay. Walang maaaring pumalit sa lagay ng taong itinalaga ng Diyos; sa inyong mga salita, kilos, at mga saloobin, kayo ay nakatayo sa posisyon ng tao. Ito ay dapat sundin, ito ay responsibilidad ng tao, ito ay hindi maaaring baguhin ninuman, at ang gawaing ito ay isang paglabag sa kautusan ng pamamahala. Ito ay dapat tandaan ng lahat.
Ang matagal na panahong iginugol ng Diyos sa pagsasalita at pagwiwika ay naging sanhi upang unahin ng tao na basahin at isauloang salita ng Diyos. Walang nagbibigay-pansin sa kasanayan, at maging ang mga kailangang sundin ngunit hindi ninyo sinunod, kaya't ito ay nagdala ng maraming paghihirap at suliranin sa inyong paglilingkod. Kung, bago ang pagsasanay sa mga salita ng Diyos, hindi ninyo sinunod ang mga nararapat sundin, kasama kayo sa mga kinamumuhian at tinatanggihan ng Diyos. Sa pagsunod sa mga kasanayang ito, kayo ay dapat maging masigasig at tapat. Huwag ninyo itong ituring na mga pangpangaw, sa halip ay sundin ang mga ito bilang mga utos. Ngayon, hindi ninyo kailangang mag-alala sa kung anong mga epektong makakamit; sa madaling salita, ganito kumilos ang Banal na Espiritu, at kung sino man ang sumalungat ay nararapat mamatay. Ang Banal na Espiritu ay walang emosyon, at walang pag-intindi sa inyong pag-unawa. Kapag Siya ay inyong ginalit, kayo ay Kanyang parurusahan. Kapag Siya ay inyong ginalit sa sakop ng Kanyang "pook na saklaw", hindi ka Niya patatawarin. Wala Siyang pakialam kung gaano kayo katapat sa inyong pagsunod sa salita ni Hesus. Ngayon, kapag kayo ay gumawa ng masama kayo ay papatawan ng parusang kamatayan. Paano ninyo matatanggap na hindi sumunod? Nararapat kayong sumunod--kahit na ito ay nangangahulugan ng inyong pagdurusakahit sa maliit na sakit! Kahit na anong sekta, kalipunan, bansa, o taguri man ito, sa hinaharap sila ay nararapat na sumunod sa mga kasanayang ito. Walang hindi kasama rito, at walang patatawarin! Dahil sila ang gagawin ng Banal na Espiritu ngayon, at sila ay hindi mapanisod sa lahat. Kahit na hindi ito malalaking bagay, ito ay nararapat gawin ng bawat tao, at ito ang mga utos na itinalaga para sa tao ni Hesus, na nabuhay at umakyat sa langit. Hindi ba't ang Daan ay nagsasabi… (7) na ang pagkakahulugan ni Hesus kung ikaw ay banal o makasalanan ay alinsunod sa iyong pagturing sa Diyos ngayon? Walang sinuman ang maaaring hindi alintanahinng puntong ito. Sa Lumang Tipan, bawat salinlahi ng mga Pariseo ay naniwala sa Diyos, ngunit sa pagdating ng Panahon ng Biyaya, hindi nila kilala si Hesus, at kinalaban Siya. Kaya ang lahat ng kanilang ginawa ay tila para lamang sa wala, at ito ay walang kabuluhan, at hindi ito tinanggap ng Diyos. Kung nakikita ninyo ito, hindi kayo madaling magkakasala. Maraming tao, marahil, ang sinukat ang kanilang sarili laban sa Diyos. Ano ang lasa kapag kinalaban ang Diyos, ito ba ay mapait o matamis? Kailangan ninyo itong maintindihan--huwag kayong magpanggap na hindi ninyo alam. Sa kanilang mga puso, marahil, ang ilang tao ay hindi pa rin naniniwala. Ngunit, pinapayuhan ko kayo na inyong subukan at nang inyong makita--tingnan ninyo kung ano ang lasa. Mapipigilan nito ang maraming tao na maging mapaghinala tungkol dito. Maraming tao ang nakabasa ng salita ng Diyos ngunit palihim Siyang sinasalungat sa kanilang mga puso. Matapos Siyang kalabanin nang ganito, hindi ba ninyo nararamdaman na tila may patalim na tumutusok sa inyong puso? Kung hindi pag-aaway sa pamilya, ito ay kawalang-ginhawa ng katawan, o kahapisan ng mga anak. Kahit na ang inyong laman ay nakatakas sa kamatayan, ang kamay ng Diyos ay hindi kayo iiwan. Akala ba ninyo ay magiging ganoon lamang ka-payak? Mas kailangan sa mga malapit sa Diyos na gawing tampulan ito. Sa paglipas ng panahon, makakalimutan ninyo ito, athindi ninyo malalaman, kayo ang mahuhulog sa tukso, mawawalan kayo ng pag-unawa sa lahat, at ito ang simula ng inyong pagkakasala. Ito ba’y mukhang napakababaw para sa inyo? Kung kaya ninyo itong gawin nang maayos, mayroon kayong pagkakataon na gawing sakdal-- ang makatanggap ng patnubay mula sa sariling bibig ng Diyos sa harapan ng Diyos. Kung ito ay hindi mahalaga para sa inyo, kayo ay magkakaroon ng suliranin-- kayo ay magiging palaban sa Diyos, ang inyong salita at kilos ay talipandas, at sa huli kayo ay matatangay ng malalaking unos at malalakas na alon. Ang mga bagay na ito ay dapat isaalang-alang ng lahat. Hindi man kayo isumpa ng taong pinatotohanan ng Diyos, ngunit ang Espiritu ng Diyos ay hindi pa tapos sa inyo, hindi Niya kayo palalagpasin. Sa tingin ba ninyo ay nasa inyo ang pagsalangsang upang mantisod? Kaya, kahit na ano ang sabihin ng Diyos, nararapat isabuhay ang Kanyang mga salita sa anumang paraang kaya ninyo. Ito ay hindi payak na pangyayari!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento