Mayroong napakalaking sikreto sa iyong puso. Hindi mo ito alam na naroroon dahil ikaw ay tumitira sa isang mundong walang nagniningning na liwanag. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay kinuha na ng kasamaan. Ang iyong mga mata ay nilukuban na ng kadiliman; hindi mo maaaring makita ang araw sa kalangitan, at pati na rin ang kumikislap na bituin sa gabi. Ang iyong mga tainga ay nababarahan na ng mga mapanlinlang na mga salita at hindi mo naririnig ang madagundong na tinig ni Jehovah, pati na rin ang tunog ng dumadaloy na tubig mula sa trono. Nawala mo na ang lahat ng bagay na dapat ay pag-aari mo at lahat ng bagay na ipinagkaloob sa iyo ng Makapangyarihan. Ikaw ay pumasok sa isang walang katapusang dagat ng kapaitan, na walang lakas ng isang pagligtas, walang pag-asa ng kaligtasan, naiwan lamang sa pakikibaka at pagmamadali. ... Mula sa sandaling iyon, ikaw ay tiyak na mapapahamak sa kapighatian sa pamamagitan ng kasamaan, ipinagkalayo mula sa mga pagpapala ng Makapangyarihan sa lahat, hindi maabot ng mga probisyon ng Makapangyarihan sa lahat, at ikaw ay pumasok sa isang daan na wala nang balik. Hindi na magawang pukawin ng milyong mga tawag ang iyong puso at espiritu. Natutulog ka nang mahimbing sa mga kamay ng kasamaan, na tinukso ka papunta sa walang hanggang kaharian, na walang direksyon, na walang mga palatandaan ng daanan. Kung kaya, nawala ang iyong orihinal na kadalisayan, kawalang-sala, at nagsimulang magtago mula sa pag-aalaga ng Makapangyarihan sa lahat. Ang masamang iyon ay inaakay ang iyong puso sa lahat ng bagay at nagiging iyong buhay. Hindi ka na natatakot sa Kanya, hindi na siya iniiwasan, hindi na rin siya pinagdududahan. Sa halip, itinuturing mo na rin Siya bilang isang Diyos sa iyong puso. Sinisimulan mo na Siyang gawan ng altar,sinasamba mo na Siya, hindi na mahihiwalay gaya ng Kanyang anino, at kapwa nakatuon sa bawat isa sa buhay at kamatayan. Ikaw ay walang pagaakala mula sa kung saan ka nagmula, bakit ka kaya umiiral, o kung bakit ka mamamatay. Tinatanaw mo ang Makapangyarihan sa lahat bilang isang estranghero; hindi mo alam ang Kanyang pinagmulan, pati na rin ang lahat ng Kanyang ginawa para sa iyo. Ang lahat ng galing sa Kanya ay naging kamuhi-muhi para sa iyo. Hindi mo man lamang minamahal ang mga ito ni hindi man alam ang kanilang mga halaga. Ikaw ay naglalakad kasama ang kasamaan, mula sa parehong araw ng iyong pagsisimula upang makatanggap ng mga probisyon mula sa Makapangyarihan sa lahat. Ikaw at ang masamang iyon ay tumahak sa loob ng libu-libong taon ng bagyo at unos. Kasama mo siya, kumukontra kayo sa Diyos, na pinagmulan ng inyong buhay. Hindi ka nagsisisi, lalo na nang malaman mong ikaw ay patungo sa punto ng pagkasira. Nakalimutan mo na ang masamang iyon ay tinukso ka, pinahirapan ka; nakalimutan mo na ang iyong pinagmulan. Katulad niyan, ang masamang iyon ay pinipinsala ka sa iyong bawat hakbang, hanggang sa ngayon. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay nabubulok na at hindi sensitibo. Hindi ka na nagrereklamo tungkol sa pagkabalisa ng mundo, hindi na naniniwala na ang mundo ay hindi makatarungan. Hindi mo na rin pinahahalagahan ang tungkol sa pag-iral ng Makapangyarihan sa lahat. Dahil itinuturing mo ang masamang iyon bilang iyong tunay na ama, at hindi ka na maaaring mapahiwalay mula sa kanya. Ito ang sikreto ng iyong puso.
Sa pagdating ng bukang-liwayway, isang tala sa umaga ang sumisikat mula sa silangan. Ito ay isang tala na wala pa noon. Ito ay umiilaw sa lalo pang kumikislap na kalangitan at pinagdidingas ang napawing liwanag sa puso ng mga tao. Ang mga tao ay hindi na nag-iisa, dahil sa liwanag na ito, ang liwanag na kumikinang para sa iyo at sa iba pa. Ngunit tanging ikaw lamang ang nananatiling mahimbing ang tulog sa madilim na gabi. Hindi mo na marinig ang tunog, ni hindi makita ang liwanag, hindi mapansin ang pagdating ng isang bagong langit at isang bagong lupa, ang isang bagong panahon. Dahil ang iyong ama ay nagsasabi sa iyo, "Aking anak, huwag kang bumangon, maaga pa. Sa labas ay malamig, manatili sa loob, baka ang mga tabak o sibat ay tagusin ang iyong mga mata." Ikaw ay naniniwala lamang sa pangaral ng iyong ama, dahil naniniwala ka na tama ang ama dahil ang ama ay mas matanda kaysa sa iyo, at ang ama ay tunay na nagmamahal sa iyo. Ang ganitong mga pangaral at gayong pag-ibig ay nagdudulot sa iyong huwag nang maniwala sa mga alamat na may liwanag sa mundo, at hindi na inaalala kung ang mundo ay may katotohanan. Hindi ka na naglakas-loob para sa pag-asa para sa kaligtasan mula sa Makapangyarihan sa lahat. Kontento ka na sa kasalukuyang kalagayan, hindi na umaasa para sa pagdating ng liwanag, at hindi na mananatiling nag-aantabay para sa mga pagdating ng maalamat na Makapangyarihan sa lahat. Sa iyong mga mata, ang lahat ng maganda ay hindi na muling mabubuhay, at hindi na rin patuloy na iiral. Sa iyong mga mata, ang bukas at ang kinabukasan ng sangkatauhan ay mawawala at magwawakas. Hinahawakan mo nang mahigpit sa damit ang iyong ama, handang magdusa nang magkasama, natatakot sa pagkawala ng inyong mga kapareha sa paglalakbay at ang direksyon ng iyong malayong paglalakbay. Ang malawak at makulimlim na mundo ay ginawang walang tinag at walang takot ang karamihan sa inyo sa pagpuno ng mga iba't ibang tungkulin sa mundong ito. Lumikha ito ng maraming "mandirigma" na hindi natatakot kahit sa kamatayan. Higit pa rito, ito ay lumikha ng mga pangkat ng walang pagkasensitibo at pinaralisa ang mga tao na hindi maunawaan ang layunin ng kanilang pagkakalikha. Ang mga mata ng Makapangyarihan sa lahat ay nakatingin sa paligid ng lubhang naapektuhan na sangkatauhan, na naririnig ang panaghoy ng mga nagdurusa, nakikita ang kawalang-kahihiyan ng mga naapektuhan, at napapakiramdaman ang kawalan ng kakayahan at pangamba ng sangkatauhan na nawalan ng kaligtasan. Itinakwil ng sangkatauhan ang Kanyang pag-aalaga, tinatahak ang kanilang sariling mga landas, at iniiwasan ang paghahanap ng Kanyang mga mata. Gusto nila sa halip na tikman ang lahat ng kapaitan ng malalim na dagat, kasama ang kaaway. Ang panaghoy ng Makapangyarihan ay hindi na maaaring marinig pa. Ang mga kamay ng Makapangyarihan ay hindi na handang hawakan ang trahedya ng sangkatauhan. Inuulit niya ang Kanyang gawain, nababawi at nawawala, muli't muli. Mula sa sandaling iyon, unti-unti Siyang napapagod, at nakakaramdam ng pagkabagot, kaya itinigil Niya ang gawain sa Kanyang kamay, at hindi na naglilibot sa mga tao. ... Ang mga tao ay hindi man lamang namamalayan ang mga pagbabagong ito, hindi namamalayan ang mga pagdating at paglisan, ang kalungkutan at pagkabigo ng Makapangyarihan sa lahat.
Ang lahat ng nasa mundong ito ay mabilis na nagbabago sa mga saloobin ng Makapangyarihan, sa ilalim ng Kanyang mga paningin. Ang mga bagay na hindi kailanman narinig ng sangkatauhan ay maaaring biglang dumating. At gayon pa man, kung ano ang laging inangkin ng sangkatauhan ay maaaring lumipas nang hindi nalalaman. Walang sinuman ang maaaring maunawaan ang kinaroroonan ng Makapangyarihan sa lahat, at higit pa, walang sinuman ang maaaring makaramdam ng kagalingan at kadakilaan ng lakas ng espiritu ng Makapangyarihan sa lahat. Ang kanyang kagalingan ay namamalagi sa kung paano Niya nararamdaman ang hindi kaya ng tao. Ang Kanyang kadakilaan ay namamalagi sa kung paano Siya naging Nag-iisang tinalikuran ng sangkatauhan ngunit nililigtas ang sangkatauhan. Alam Niya ang kahulugan ng buhay at kamatayan. Bukod pa rito, alam Niya ang mga patakaran ng buhay para sa sangkatauhan, na Kanyang nilikha. Siya ang batayan para sa buhay ng tao at ang Manunubos ng sangkatauhan upang magbalik muli. Tinitimbang Niya ang mga nagagalak na puso na may pighati at iniaangat ang mga nalulungkot na puso nang may kaligayahan. Ito ay ang lahat para sa Kanyang gawain, at ang Kanyang plano.
Ang sangkatauhan, na nag-iwan ng panustos ng buhay mula sa Makapangyarihan, ay hindi alam kung bakit sila umiiral, at takot pa rin sa kamatayan. Walang suporta, walang tulong, ngunit ang sangkatauhan ay nag-aatubili pa rin upang isara ang kanilang mga mata, nag-lalakas loob pa rin, hinila pa rin ang pag-iral na walang dangal sa mundong ito sa mga katawan nang walang kamalayan ng mga kaluluwa. Namumuhay ka nang gayon, na walang pag-asa; at siya ay umiiral nang ganyan, na walang layunin. Nariyan lamang ang Tanging Banal sa mga alamat na darating upang iligtas ang mga taong nananaghoy sa paghihirap at lubusang naghihintay para sa Kanyang pagdating. Ang paniniwalang ito ay hindi maaaring matanto sa ngayon ng mga tao na walang kamalayan. Gayunpaman, ang mga tao ay nagpatuloy maghangad para sa mga ito. Ang Makapangyarihan ay may awa sa mga taong ito na malalim na nagdurusa. Kasabay nito, Siya ay sawang-sawa na sa mga tao na walang kamalayan, dahil Siya ay maghihintay pa ng masyadong mahabang panahon sa mga sagot mula sa mga tao. Siya ay naghahangad upang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu. Nais ka Niyang dalhan ng pagkain at tubig at gisingin ka, upang hindi ka na mauhaw, hindi na magutom. Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang makaramdam ng kapanglawan ng mundo na ito, huwag nang maguluhan, huwag nang umiyak. Ang Makapangyarihang Diyos, ang Taga-Bantay, ay yayakapin ang iyong pagdating anumang oras. Binabantayan Niya ang iyong tabi, naghihintay para sa iyong pagbabalik. Siya ay naghihintay para sa araw na ang iyong gunita ay biglang nanumbalik: ang pagkakaroon ng kamalayan ng katunayan na ikaw ay nagmula sa Diyos, kahit paano at sa isang dako ay minsang nawala, bumabagsak na walang malay sa tabing daan, at pagkatapos, walang kaalamang nagkaroon ng isang "ama." Lalo mo pang naunawaan na ang Makapangyarihan sa lahat ay nagmamasid doon, hinihintay pa rin ang iyong pagbabalik, Siya ay masaklap na naghihintay, naghihintay ng tugon na walang kasagutan. Ang Kanyang pagbabantay ay hindi mababayaran at ito ay para sa puso at diwa ng mga tao. Marahil ang panonood na ito ay walang takda, at marahil ang pagmamatyag na ito ay malapit nang magwakas. Ngunit dapat mong malaman mismo kung nasaan ngayon ang iyong puso at espiritu.
Ika-28 ng Mayo 2003
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento