2016-12-15

Ang Gawain sa Kapanahunan ng Batas


Ang gawain na nagawa ni Jehovah sa mga Israelita ay itinatag sa sangkatauhan sa lupa na pinagmulan ng Diyos, ang Kanyang banal na lugar kung saan Siya nagkaroon ng presensya. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa mga Israelita. Sa simula, hindi Siya nagtrabaho sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang mga tao na nakita Niyang angkop upang paghigpitan ang mga saklaw ng Kanyang gawain. Ang Israel ay ang pook kung saan nilikha ng Diyos sina Adan at Eba, 
at mula sa alabok ng pook na iyonnilikha ni Jehovah ang tao; ito ang pundasyon ng Kanyang gawain sa mundo. Ang mga Israelita, na mga inapo ni Noah at ni Adan, ay ang pundasyon ng gawain ni Jehova sa lupa.

Ang kahalagahan, layunin, at hakbang ng gawain ni Jehova sa Israel ay upang simulan ang Kanyang trabaho sa buong kalupaan, unti-unting kumakalat sa iba pang mga bansa mula sa gitna nito sa Israel. Ito ang prinsipyo ayon sa kung saan Siya ay gumagawa sa buong sansinukob—upang magtatag ng isang modelo, pagkatapos ay palalawakin ito hanggang sa lahat ng tao sa sansinukob ay tatanggap ng Kanyang ebanghelyo. Ang unang mga Israelita ang mga inapo ni Noah. Ang mga taong ito lamang ang nagkaroon ng hininga ni Jehovah, at maaaring pangalagaan ang mga pangunahing pangangailangan ng buhay, ngunit hindi nila alam kung anong uri ng Diyos si Jehova, hindi rin nila alam ang Kanyang kalooban sa tao, higit pa rito kung paano nila dapat igalang ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang. Ang mga inapo ni Adan ay hindi alam kung ano ang mga patakaran at batas na dapat nilang sundin, o kung ano ang gawain ng nilikha para sa Lumikha. Ang alam lang nila ay ang asawang lalaki ay dapat magpawis at magtrabaho upang magbigay para sa kanyang pamilya, at ang asawang babae ay dapat magpasakop sa kanyang asawang lalaki at paramihin ang lahi ng mga tao na nilalang ni Jehova. Sa madaling salita, ang mga taong ito ay may hininga lamang ni Jehova at ng Kanyang buhay, ngunit hindi alam kung paano sundin ang mga batas ng Diyos o kung paano kalulugdan ang Panginoon ng lahat ng nilalang. Kakaunti ang kanilang nauunawaan. Kaya bagaman walang anumang pagkabaluktot o pagkatuso sa kanilang mga puso, at bagaman bihira silang magkaroon ng paninibugho at mga pagtatalo, hindi nila alam o maunawaan si Jehovah, ang Panginoon ng lahat ng nilalang. Ang mga ninunong ito ng tao ay alam lamang kainin kung ano ang ginawa ni Jehova, upang masiyahan sa kung ano ang ginawa ni Jehova; hindi nila alam kung paano igalang si Jehova; hindi nila alam na sila ay dapat sumamba sa Kanya nang nakaluhod. Papaano silang matatawag na Kanyang nilikha? Kung gayon, hindi ba't binanggit ang mga salitang, "Si Jehova ang Panginoon ng lahat ng nilalang" at "nilikha Niya ang tao bilang isang pagpapahayag ng Kanyang sarili, upang luwalhatiin Siya at kumatawan sa Kanya," nang walang kabuluhan? Paano kung ang mga taong hindi ginagalang si Jehovah ay maging isang testamento sa Kanyang kaluwalhatian? Papaano sila magiging pagpapahayag ng Kanyang kaluwalhatian? Hindi ba't ang mga salita ni Jehova na "Nilikha ko ang tao sa Aking wangis" ay naging isang armas pagkatapos sa kamay ni Satanas—ang itinuturing na masama? Ang mga salita bang ito ay nagiging simbolo kung gayon ng kahihiyan sa paglikha ni Jehovah ng tao? Upang makumpleto ang yugto ng gawain, si Jehova, matapos ang paglikha sa sangkatauhan, ay hindi sila tinuruan at ginabayan mula kay Adan hanggang kay Noah. Ito ay hindi pagkatapos ng baha nang Siya ay pormal na nagsimulang gabayan ang mga Israelita, na mga inapo nina Adan at ni Noah. Pinatnubayan ng Kanyang mga gawain at mga salita sa Israel ang buhay ng lahat ng tao sa buong kalupaan, ipinapakita sa mga ito na hindi lamang hiningahan ni Jehova ang tao, upang makamtan niya ang Kanyang buhay, at muling mabuhay mula sa alabok at ginawang isang nilalang ng Diyos, kundi kaya ring sunugin ng apoy ang sangkatauhan, at sumpain ang sangkatauhan, gamit ang Kanyang tungkod upang pamahalaan ang sangkatauhan. Gayundin, nakita nila na maaaring gabayan ni Jehova ang buhay ng tao sa lupa, at magsalita at gumawa kasama ang mga ito sa araw at gabi. Ginawa lamang Niya ang gawain nang sa gayon ang Kanyang mga nilikha ay malaman na ang tao ay nagmula sa alabok na Kanyang hinugot, na ang tao ay ginawa sa pamamagitan Niya. Higit pa rito, ang gawain na Kanyang sinimulan sa Israel ay sinadya upang ang iba pang mga mamamayan at bansa (na sa katunayan ay hindi hiwalay mula sa Israel, ngunit nagsanga mula sa mga Israelita, at nagmula pa rin kina Adan at Eba) ay makatanggap ng ebanghelyo ni Jehovah mula sa Israel, upang ang lahat ng nilalang sa sansinukob ay igagalang Siya at paniwalaan Siyang napakadakila. Kung hindi sinimulan ni Jehova ang Kanyang gawain sa Israel, ngunit sa halip, pagkaraang likhain ang sangkatauhan, hinayaan silang mamuhay nang walang pag-aalala sa lupa, at dahil sa pisikal na kalikasan ng tao (nangangahulugan ang kalikasan na ang tao ay hindi kailanman malalaman ang mga bagay na hindi niya nakikita, iyon ay, hindi niya alam na nilikha ni Jehovah ang sangkatauhan, huwag nang banggitin kung bakit niya ginawa iyon), hindi niya kailanman malalaman na si Jehova ang naglalang sa sangkatauhan at ang Panginoon ng lahat ng bagay. Kung nilikha ni Jehovah ang tao at inilagay Niya sa lupa bilang Kanyang kasiyahan, at basta na lang pinagpag ang Kanyang kamay, lumisan imbis na pamunuan ang tao para sa isang kapanahunan, babalik kung gayon sa kawalan ang lahat ng sangkatauhan; kasama ang langit at lupa at lahat ng bagay na Kanyang nilikha, kabilang ang lahat ng sangkatauhan, ay babalik sa kawalan at tatapak-tapakan ni Satanas. Kaya, nais ni Jehova na "Dapat ay mayroon Siyang isang lugar na tutungtungan sa lupa, isang banal na lugar sa gitna ng Kanyang nilikha" iyon ay dapat mabasag. Sa halip, matapos likhain ng Diyos ang sangkatauhan, ginabayan Niya sila sa kanilang mga buhay, at nagsalita sa kanila, nang sa gayon ay maisakatuparan ang Kanyang pagnanais na makamit ang Kanyang plano. Ang gawain ng Diyos sa Israel ay para lamang maisagawa ang plano na Kanyang itinakda sa lugar bago ang Kanyang paglikha ng lahat ng mga bagay, at sa gayon ay ang Kanyang unang gawain sa hanay ng mga Israelita at ang Kanyang paglikha ng lahat ng mga bagay ay hindi taliwas sa bawat isa, ngunit parehong para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, Kanyang gawain, at ang Kanyang kaluwalhatian, pinapalalim ang kahulugan ng Kanyang paglikha ng sangkatauhan. Pinatnubayan Niya ang buhay ng sangkatauhan sa lupa sa loob ng dalawang libong taon pagkaraan ni Noah, sa panahon kung saan tinuruan Niya silang igalang si Jehovah ang Panginoon ng lahat ng mga bagay, tinuruan sila kung paano magsagawa ng kanilang mga sarili at mabuhay sa kanilang pamumuhay, at higit sa lahat, kung paano kumilos bilang saksi para kay Jehova, sundin Siya, at igalang Siya, at upang purihin Siya sa pamamagitan ng musika tulad ni David at ng kanyang mga pari.
Bago ang dalawang libong taon sa panahon na kung saan ginawa ni Jehovah ang Kanyang gawain, ang tao ay walang alam, at halos lahat ay lumalala sa lalim ng kawalang delikadesa at katiwalian bago ang delubyo; wala sa kanilang mga puso si Jehovah, pati na rin ang Kanyang kaparaanan. Hindi nila kailanman naunawaan kung ano ang gagawin ni Jehovah; wala silang rason, lalo na ng kaalaman, tulad ng isang buhay, na humihingang mga makina, walang kaalam-alam sa mga tao, sa Diyos, sa mundo, at pati na rin sa buhay. Sa mundo, nakibahagi sila sa maraming tukso, tulad ng mga ahas, at nagsasabi ng maraming mga bagay na hindi kanais-nais kay Jehova, ngunit dahil sila ay mga ignorante, hindi sila pinarusahan o dinisiplina ni Jehovah. Matapos ang baha, noong 601 taong gulang si Noah, pormal na nagpakita si Jehovah kay Noah at ginabayan siya at ang kanyang pamilya, ginagabayan siya, ang mga ibon, at ang mga hayop na naligtas sa baha, at ang kanyang mga inapo hanggang sa katapusan ng Panahon ng Batas, isang kabuuang 2,500 taon. Siya ay pormal na nagtatrabaho sa Israel nang 2,000 taon, at ang panahon kung saan Siya ay nagtrabaho sa parehong Israel at sa labas nito ay 500 taon, na kung saan sama-samang gumugol nang 2,500 taon. Sa panahong ito inatasan Niya ang mga Israelita na maglingkod kay Jehova, dapat silang magtayo ng mga templo at magsuot ng damit saserdote, at maglakad nang walang saplot sa paa sa templo nang madaling araw, upang hindi madungisan ng mga sapatos ang templo at ipapadala sa kanila ang apoy mula sa itaas ng templo at susunugin sila sa kamatayan. Isinagawa nila ang kanilang mga tungkulin at nagpasakop sa mga plano ni Jehova. Nanalangin sila kay Jehova sa templo, at pagkatapos silang mapukaw ni Jehovah, iyon ay, matapos magsalita si Jehovah, inakay nila ang mga tao at tinuruan sila na dapat nilang igalang si Jehova—ang kanilang Diyos. At sinabi sa kanila ni Jehova na magtayo sila ng templo at altar, at sa oras na itinakda ni Jehovah, iyon ay ang Paskua, dapat silang maghanda ng mga bagong panganak na bisiro at kordero sa altar bilang mga alay upang paglingkuran si Jehova, sa gayon ay masaway sila at bigyang-galang ang kanilang mga puso para kay Jehova. Kung sinunod nga nila ang batas ay ang magiging sukatan ng kanilang katapatan kay Jehova. Itinakda rin ni Jehovah ang araw ng Sabado para sa kanila, sa ikapitong araw ng Kanyang paglikha. Ang araw pagkatapos Niyang ginawa ang unang araw, isang araw para sa kanila upang purihin si Jehova, upang handugan Siya ng mga alay, at tumugtog para sa Kanya. Sa araw na ito, sama-samang ipinatawag ni Jehovah ang lahat ng mga pari, at inihiwalay ang mga alay sa altar upang kainin ng mga tao nang matamasa nila ang mga alay na hinain kay Jehovah. At sinabi Jehovah na sila ay pinagpala at nagkaroon ng bahagi sa Kanya, at sila ay Kanyang mga piling tao (na siyang tipan ni Jehova sa mga Israelita). Dahil dito, hanggang sa araw na ito, ang mga tao ng Israel ay sinasabi pa rin na si Jehova ay ang tanging kanilang Diyos, at hindi Diyos ng iba pang mga tao.
Noong kapanahunan ng Batas, inilatag ni Jehova ang maraming utos kay Moses upang ibigay sa mga Israelita na sumunod sa Kanya palabas ng Ehipto. Ibinigay ni Jehova ang mga kautusang ito sa mga Israelita, na mga walang kinalaman sa mga taga Ehipto, at sinadya ang mga ito upang pigilan ang mga Israelita, at siyang Kanyang mga kinakailangan para kanila. Kung ipinagdiriwang man ang sabbath o hindi, kung iginagalang man o hindi ang magulang, kung sinasamba man ang idolo o hindi, at iba pa, ito ang mga prinsipyo kung saan ang isa ay hinahatulan na makasalanan o matuwid. Kung ang isa man ay tinamaan sa pamamagitan ng apoy ni Jehova, o binato hanggang sa mamatay, o nakatanggap ng pagpapala ni Jehova, ay tinutukoy kung sinunod niya ang mga utos na ito. Ang mga hindi nagdiwang ng sabbath ay binabato hanggang sa mamatay. Ang mga paring hindi nagdiwang ng sabbath ay binibigwasan ng apoy ni Jehovah. Ang mga hindi gumalang sa kanilang mgamagulang ay binabato hanggang sa mamatay. Pinuri ang lahat ng ito ni Jehovah. Si Jehova ay nagtatag ng Kanyang mga utos at batas nang sagayon habang Kanyang binibigyang patnubay ang kanilang mga buhay, makikinig at susundin ng mga tao ang Kanyang salita at hindi magrerebelde laban sa Kanya. Ginamit niya ang mga batas upang makontrol ang bagong panganak na lahi ng tao, upang mag-tatag ng pundasyon para sa Kanyang darating na gawain. At ngayon, dahil sa mga gawain ni Jehovah, ang unang panahon ay tinatawag na Kapanahunan ng Batas. Kahit nagsalita na at nagtrabaho na nang higit si Jehovah, pinatnubayan lamang Niya sila nang positibo, tinuturuan ang mga walang pinag-aralan na taong ito kung paano maging tao, kung paano mabuhay, kung paano unawain ang paraan ni Jehova. Para sa nakararaming bahagi, ang gawaing Kanyang ginawa ay inilaan upang pahintulutan ang mga taong sumunod sa Kanyang paraan at sumusunod sa Kanyang batas. Ang gawain ay tinapos sa mga tao na kagya't ang kasamaan; hindi sila nababahala sa pagbabago ng disposisyon o ang paglago sa buhay. Siya ay nag-aalala lamang sa paggamit ng batas upang paghigpitan at kontrolin ang mga tao. Para sa mga Israelita ng panahong iyon, si Jehovah ay isa lamang Diyos templo, isang Diyos sa kalangitan. Siya ay isang haliging ulap, haliging apoy. Ang gusto lamang ni Jehovah na gawin nila ay ang sundin kung ano ang alam ng tao ngayon bilang Kanyang mga batas at utos—maaari ring sabihin na patakaran—dahil ang gawain ni Jehova ay hindi sinadya upang baguhin sila, kundi ang bigyan sila ng higit pang mga bagay na dapat mayroon ang tao, upang sabihin sa kanila mula sa kanyang sariling bibig, dahil matapos likhain ang tao, walang alam ang tao sa kung ano ang dapat niyang angkinin. Kung kaya ibinigay ni Jehova sa kanila ang mga bagay na dapat nilang angkinin para sa kanilang buhay sa lupa, tinuruan ang mga taong Kanyang pinatnubayan na higitan ang kanilang mga ninunong sina Adan at Eba, dahil kung ano ang ibinigay ni Jehova sa kanila ay nahigitan ang ibinigay Niya kina Adan at Eba sa simula. Gayon pa man, ang trabahong ginawa ni Jehovah sa Israel ay upang gabayan lamang ang sangkatauhan at kilalanin ng sangkatauhan ang kanilang Tagapaglikha. Hindi Niya sila nilupig o binago, ginabayan Niya lamang sila. Ito ang kabuuan ng gawain ni Jehova sa Kapanahunan ng Batas. Ito ang pundasyon, ang tunay na kuwento, ang diwa ng Kanyang gawain sa buong lupain ng Israel, at ang simula ng Kanyang anim na libong taon ng paggawa—upang kontrolin ang sangkatauhan sa kamay ni Jehova. Mula rito ay dumating ang higit pang gawain sa Kanyang plano sa pamamahala ng anim-na-libong-taon.


Walang komento: