Sa simula ng Kanyang gawain sa sansinukob, Ang Diyos ay may mga pinili nang tao upang paglingkuran Siya, kabilang ang mga tao mula sa lahat ng uri ng pinagmulan. Ang Kanyang layunin ay tuparin ang Kanyang sariling kagustuhan at tiyakin na ang Kanyang gawain sa lupa ay magbunga. Ito ang layunin ng Diyos sa pagpili ng mga tao na maglilingkod sa Kanya. Ang bawat tao na naglilingkod sa Diyos ay dapat maunawaan ang kaloobang ito ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang gawain, mas mahusay na nakikita ng mga tao ang karunungan ng Diyos at pagkamakapangyarihan ng Diyos, upang makita ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain sa lupa. Ang praktikal na Diyos ay bumababa sa lupa upang gawin ang kanyang trabaho at makitungo sa mga tao nang sa gayon kanilang malaman nang mas malinaw ang Kanyang mga gawain. Ngayon, ito ay pribilehiyo ninyong mga grupo ng tao upang paglingkuran ang praktikal na Diyos. Ito ay isang malaking pagpapala para sa inyo. Tunay na itinataas kayo ng Diyos. Kapag ang Diyos ay pumipili ng maglilingkod sa Kanya, lagi Siyang may sariling prinsipyo. Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi lamang isang bagay ng kasabikan gaya ng iniisip ng tao. Ngayon, ang tao ay maaaring maglingkod sa Diyos sa Kanyang presensya, tulad ng inyong nakikita, sapagkat sila ay ginagabayan ng Diyos at may gawain ng Banal na Espiritu; at dahil sila ay naghahanap ng katotohanan. Ang mga ito ang kaunting kinakailangan para sa isang tagapaglingkod ng Diyos.
Hindi isang simpleng tungkulin ang maglingkod sa Diyos. Ang mga taong hindi nagbago ang bulok na kalooban ay hindi kailanman maaaring maglingkod sa Diyos. Kung ang inyong kalooban ay hindi pa nahatulan at naparusahan ng mga salita ng Diyos, samakatuwid ang inyong kalooban ay kumakatawan pa rin kay Satanas. Ito ay sapat upang patunayan na ang inyong paglilingkod sa Diyos ay galing sa inyong pansariling intensyon. Ito ay paglilingkod na batay sa inyong makademonyong kalikasan. Naglilingkod kayo sa Diyos sa inyong likas na karakter, at ayon sa inyong mga personal na kagustuhan; bukod dito, pilit ninyong iniisip na mahal ng Diyos ang lahat ng gustuhin ninyo, at kinamumuhian ng Diyos ang lahat ng hindi ninyo gusto, at ang inyong gawain ay ginabayan ng lahat ng inyong kagustuhan. Matatawag ba itong paglilingkod sa Diyos? Sa bandang huli, ni katiting ay walang magbabago sa inyong disposisyon sa buhay. Sa katunayan, mas titigas ang inyong kalooban dahil kayo ay naglilingkod sa Diyos, at lalo nitong ibabaon ang inyong masamang disposisyon. Sa inyong kalooban, kayo ay bubuo ng mga doktrina ng paglilingkod sa Diyos, walang iba kundi batay sa inyong sariling karakter, at ang karanasang nagmula sa inyong paglilingkod ayon sa inyong sariling kalooban. Ang mga ito ay aral at karanasan ng tao. Ito ang pilosopiya ng tao sa buhay. Ang mga taong tulad nito ay kabilang sa mga Pariseo at mga relihiyosong opisyal. Kung hindi sila kailanman magigising at magsisisi, sa bandang huli, sila ay magiging huwad na Kristo na lilitaw sa mga huling araw. Sila ay magiging mga manlilinlang. Ang mga huwad na Kristo at mga manlilinlang na napag-uusapan ay manggagaling sa ganitong klaseng mga tao. Kung ang mga naglilingkod sa Diyos ay sumusunod sa kanilang karakter at kumikilos ayon sa kanilang sariling kalooban, kung gayon patuloy silang manganganib na mapalayas. Sa mga ginamit ang kanilang maraming taong karanasan sa paglilingkod sa Diyos upang manlinlang ng puso ng mga tao, mangaral at mag-kontrol ng mga tao, itinaas ang kanilang sarili - at sinumang hindi kailanman nagsisi, hindi kailanman nangumpisal, hindi kailanman tinalikuran ang mga benepisyo ng posisyon - ang mga taong ito ay babagsak sa harapan ng Diyos. Ang mga taong ito ay kapareho ni Pablo, mapagmataas at ipinangangalandakan ang kanilang mataas na katungkulan. Hindi gagawing perpekto ng Diyos ang mga tao sa ganitong paraan. Ang ganitong uri ng paglilingkod ay humahadlang sa mga gawain ng Diyos. Ang mga tao ay mahilig kumapit sa subok na. Sila ay kumakapit sa mga palagay ng nakaraan, kumakapit sa mga bagay mula sa nakaraan. Ito ay isang malaking balakid sa kanilang paglilingkod. Kung hindi ninyo kayang itakwil ang mga ito, ang mga bagay na ito ang kikitil sa kabuuan ng inyong buhay. Hindi kayo pupurihin ng Diyos, kahit sa pinakakatiting, kahit pa mapagod sa kakatakbo ang inyong binti o mabali ang inyong likod sa pagtratrabaho, o kahit magpakamartir kayo sa inyong "paglilingkod" sa Diyos. Lubhang kabaligtaran: Sasabihin niya na kayo ay mga masasamang tao.
Sa ngayon, ang Diyos ay pormal na gagawing perpekto ang mga taong walang relihiyosong palagay, mga taong handang isantabi ang kanilang dating sarili, at sinumang sumusunod lamang sa Diyos, at gawing perpekto ang sinumang nag-aasam sa salita ng Diyos. Ang mga taong ito ay dapat tumindig at maglingkod sa Diyos. Walang hanggan ang kasaganaan sa Diyos at karunungang hindi masusukat. Ang Kanyang kahanga-hangang gawa at mahalagang salita ay nariyan upang tamasahin ng mga tao. Tulad nito, ang mga bagong bagay na hindi matanggap ng sinumang may mga relihiyosong palagay, sinumang ipinapalagay ang taas ng katungkulan, at sinumang hindi magsasantabi ng kanilang dating sarili. Ang Banal na Espiritu ay walang pagkakataon na gawing perpekto ang mga tao. Kung ang tao ay walang lakas na sumunod, at hindi uhaw sa salita ng Diyos, kung gayon sila ay walang kakayahang tumanggap ng mga bagong bagay. Sila ay magiging higit pang palaban, higit pang tuso, at mauuwi sa maling landas. Sa gawain ng Diyos ngayon, Kanyang itataas ang maraming tao na tunay na nagmamahal sa Kanya at sinumang handang tumanggap ng bagong liwanag. At Kanyang tuluyang puputulin ang mga relihiyosong opisyal na ipinangangalandakan ang kanilang mataas na katungkulan. Hindi Niya nais na sumasalungat sa pagbabago ang kahit isang tao. Gusto mo bang maging katulad ng mga taong ito? Ginagampanan niyo ba ang inyong paglilingkod nang ayon sa inyong sariling kagustuhan, o ginagawa ninyo ang nais ng Diyos? Ito ay isang bagay na dapat ninyong malaman para sa inyong sarili. Kayo ba ay katulad ng mga relihiyosong opisyal, o kayo ba ay isang bagong silang na sanggol na ginagawang perpekto ng Diyos? Gaano karami sa inyong paglilingkod ang pinuri ng Banal na Espiritu? Gaano karami rito ang ni hindi maaalala ng Diyos? Pagkatapos ng maraming taon ng paglilingkod, gaano karaming pagbabago ang nagawa ninyo sa inyong buhay? Malinaw ba ang lahat ng ito sa inyo? Kung kayo ay may tunay na pananampalataya, inyong isasantabi ang inyong mga relihiyosong palagay, at maglilingkod sa Diyos sa bago at mas mabuting paraan. Hindi pa huli ang lahat kung gagawin ninyo ito ngayon. Ang mga makalumang relihiyosong palagay ang kikitil sa buhay ng tao. Ang mga karanasan na nakamit ng tao ang maglalayo sa kanila sa Diyos, upang gawin ang mga bagay sa kanilang sariling paraan. Kung hindi ninyo isusuko ang mga bagay na ito, magiging sagabal ang mga ito sa inyong pag-unlad sa buhay. Ang Diyos ay palaging gagawing perpekto ang sinumang maglilingkod sa kanya. Hindi Niya sila pinapalayas nang basta-basta lamang. Mayroong kinabukasan para sa inyo kung inyong tunay na tatanggapin ang paghatol at parusa ng salita ng Diyos, kung inyong isasantabi ang mga lumang nakasanayan na may kinalaman sa relihiyon at mga doktrina, at iwasang gamitin ang lumang relihiyosong palagay bilang sukatan ng salita ng Diyos ngayon. Kung kayo ay kumakapit sa mga lumang bagay, kung ang mga ito ay pinahahalagahan pa ninyo, hindi kayo maliligtas kung gayon. Hindi bibigyang-pansin ng Diyos ang mga taong tulad niyan. Kung gusto ninyo talagang maging perpekto, kailangan ninyong lutasin at ganap na talikuran ang lahat sa nakaraan. Kahit na ang mga datingnagawa ay tama, kahit na ito ay gawa ng Diyos, dapat ninyo itong isantabi, hindi kayo dapat kumapit dito. Kahit pa ito ay malinaw na gawa ng Banal na Espiritu, direktang ginawa ng Banal na Espiritu, dapat ninyo itong isantabi ngayon. Hindi ninyo ito dapat panghawakan. Ito ang kautusan ng Diyos. Dapat na maging bago ang lahat. Sa gawain at salita ng Diyos, hindi Siya sumasangguni sa mga lumang bagay mula sa nakaraan, at hindi Niya inuungkat ang lumang kasaysayan. Ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma. Hindi Siya kumakapit kahit sa kanyang mga sariling salita mula sa nakaraan. Ipinapakita nito na ang Diyos ay hindi sumusunod sa kahit na anong doktrina. Kung kayo ay palaging mahigpit sa pagkapit sa mga bagay sa nakaraan at pilit na ginagamit ang mga ito bilang pormula kahit na hindi na ginagawa ng Diyos ang pamamaraang ginawa Niya noon, kung gayon hindi ba't pag-antala ang inyong mga salita at kilos bilang tao? Kayo ba ay hindi naging kaaway ng Diyos? Handa ba ninyong sayangin ang inyong buong buhay para sa mga lumang bagay na ito? Ang mga bagay na ito ay ginagawa kayong mga tao na humahadlang sa gawain ng Diyos. Ito ba ang klase ng tao na gusto ninyong maging? Kung talagang hindi ninyo ito gusto, itigil kaagad kung gayon ang inyong ginagawa at magbalik-loob; magsimula muli. Ang Diyos ay hindi nakakaalala sa nakalipas na paglilingkod.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento