Kayong lahat ay nagagalak na makatanggap ng gantimpala ng Diyos at makilala ng Diyos. Ito ang nais ng bawat isa pagkatapos nilang magsimulang manampalataya sa Diyos, sapagkat ang tao ay naghahangad ng mas mataas na bagay ng buong puso at wala sa kanila ang may nais mapag-iwanan ng iba. Ito ang pamamaraan ng tao. Sa ganitong kadahilanan, marami sa inyo ang laging nagsisikap na makamit ang pagtangi ng Diyos na nasa langit, ngunit sa katotohanan, ang inyong katapatan at sinseridad sa Diyos ay sobrang kakaunti kumpara sa inyong katapatan at sinseridad sa sarili. Bakit ko nasabi ito? Sapagkat talagang hindi ko kinikilala ang inyong katapatan sa Diyos, at lalong hindi ko tatanggapin ang pagkakaroon ng Diyos sa loob ng inyong mga puso. Sa madaling sabi, ang Diyos na inyong sinasamba, ang malabong Diyos na inyong hinahangaan, ay talagang hindi namalagi.
Ang dahilan kung bakit nasasabi ko ito nang tiyak ay sapagkat napakalayo pa ninyo sa tunay na Diyos. Ang katapatan ninyong taglay ay galing sa pagkakaroon ng ibang diyus-diyosan sa inyong mga puso, at para sa Akin, ang Diyos na ipinapalagay bilang malaki o maliit sa inyong mga mata, kinikilala ninyo Ako sa salita lamang. Kapag nagsasalita Ako sa inyong dakilang agwat mula sa Diyos, ang tinutukoy Ko ay kung gaano kayo kalayo sa tunay na Diyos, samantalang ang malabong Diyos ay parang napakadaling abutin. Kapag sinabi Kong "hindi dakila" ang tinutukoy nito ay kung paanong ang Diyos na inyong sinasampalatayanan sa kapanahunan ngayon ay mukhang tao lang na walang makapangyarihang kakayanan; ang tao na hindi masyadong matayog. At kapag sinabi Kong "hindi maliit", ang ibig sabihin nito ay kahit ang taong ito ay hindi kayang tawagin ang hangin at utusan ang ulan, kaya Niyang tumawag sa Espiritu ng Diyos para gumawa nang trabahong makakayanig sa langit at lupa, ito ang nakatutuliro sa tao. Sa panlabas na anyo, makikita kayong napakamasunurin sa Kristong nasa lupa, bagamat sa pinakadiwa wala kayong pananampalataya sa Kanya o ni pag-ibig sa Kanya. Ang ibig Kong sabihin ay ang tunay ninyong sinasampalatayanan ay ang malabong Diyos sa inyongdamdamin, at ang tunay ninyong minamahal ay ang Diyos ninyong hinahangad sa gabi at sa araw, ngunit hindi nakita ng personal kailanman. At para sa Kristong ito, ang pananampalataya ninyo aymaliit na bahagi lamang, at wala kayong pag-ibig sa Kanya. Ang ibig sabihin ng pananampalataya ay paniniwala at pagtitiwala; ang ibig sabihin ng pag-ibig ay pagsamba at ang paghanga nang puso, na kailanma‘y hindi maghihiwalay. Gayunman ang inyong pananampalataya at pag-ibig kay Kristo sa panahong ito ay hindi nakaabot dito. Pagdating sa pananampalataya, paano kayo sumampalataya sa Kanya? Pagdating sa pag-ibig,paano ninyo Siya minamahal? Wala kayong alam sa Kanyang katangian, lalong higit pa sa Kanyang sangkap, kaya't paano kayo nagkaroon ng pananampalataya sa Kanya? Nasaan ang katunayan ng inyong pananampalataya sa Kanya? Gaano ninyo Siya kamahal? Nasaan ang inyong katunayan sa pag-ibig sa Kanya?
Marami ang sumunod sa Akin nang walang pag-aatubili sa panahong ito, at sa paglipas nang maraming taon, kayong lahat ay nagdusa ng matinding pagod. Lubusan Kong inintindi ang katangian at mga ugali ng bawat isa sa inyo. Lubhang napakahirap ang makisama sa inyo. Ang kahabag-habag lamang ay kahit na nahawakan Ko ang maraming kaalaman tungkol sa inyo ay wala kayo ni kaunting kaalaman tungkol sa Akin. Hindi nakapagtataka na sabihin ng iba na kayo ay nalinlang ng isang tao sa sandali ng kalituhan. Gayunpaman, wala kayong naiintindihan sa Aking katangian, at lalong hindi ninyo kayang maarok kung ano ang nasa Aking isipan. Ngayon ang mga maling pagkakaintindi ninyo patungo sa Akin aydagdag insulto sa pinsalang tinamo, at nanatili sa kalituhan ang pananampalataya ninyo sa Akin. Salungat sa pagsasabing may panampalataya kayo sa Akin, mas mabuti pang sabihin na lahat kayo ay nanlalangis para sa Aking lingap at nambobola sa Akin. Napakapayak ng inyong pakay - sinumang magkaloob ng gantimpala sa akin, susundin ko, at sinuman ang magagawang pakawalan ako sa mga matinding kapahamakan, ay paniniwalaan ko, maging siya ang Diyos o maging ibang Diyos. Wala sa mga ito ang nakakabahala sa Akin. Maraming mga ganiyang tao sa pagitan ninyo, at ang kalagayang ito ay malubha na. Kung isang araw, may pagsubok na ginawa para malaman kung ilan sa inyo ang may pananampalataya kay Kristo sapagkat mayroon kayong kaalaman sa Kanyang sangkap, Ako’y nangangambang ni isa sa inyo ay wala sa Aking ninanais. Dilidiliin ang tanong na ito: Ang Diyos na inyong pinanampalatayanan ay napakalaki ang pagkakaiba sa Akin, kaya ano naman ang kahalagahan ng inyong pananampalataya sa Diyos? Kung lalo ninyong paniniwalaan ang tinatawag ninyong Diyos ay lalo kayong maliligaw palayo sa Akin. Ano, kung gayon, ang buod ng problema? Sigurado Ako na wala ni isa sa inyo ang nagsaalang-alang ng problemang ito, ngunit naisaalang-alang ba ninyo ang kalubhaan nito? Sumagi ba sa inyong isipan ang magiging resulta kung ipagpapatuloy ninyo ang ganitong uri ng pananampalataya?
Ngayon, ang problemang nasa inyong harapan ay marami , at wala ni isa sa inyo ang dalubhasa upang magbigay ng mga solusyon. Kung magpapatuloy ito, ang tanging talunan ay ang inyong mga sarili. Tutulungan Ko kayong makita ang mga problema, ngunit nasasainyo ang paghahanap ng mga solusyon.
Lubos Kong kinalulugdan yaong mga walang dinadalang duda sa iba at gustong-gusto yaong mga handang tanggapin ang katotohanan; ang dalawang uri ng mga taong ito ang lubos Kong kinakalinga, para sa Aking mga mata sila ay matapat. Kung masyado kang tuso, magkakaroon kayo ng mapagsaalang-alang na puso at pag-iisip na may pagdududa sa lahat ng bagay at lahat ng mga tao. Sa ganitong kadahilanan, ang inyong pananampalataya sa Akin ay maitatayo sa pundasyon ng paghihinala. Ang ganitong uri ng pananampalataya ang hindi Ko kailanman kikilalanin. Kung wala ang tunay na pananampalataya, ang inyong pag-ibig ay malayo sa tunay na pag-ibig. At kahit pagdudahan ninyo ang Diyos at sadyaing magkaroon ng sapantaha tungkol sa Kanya, kayo ay talagang pinakatusong tao. Inyong sinasapantaha kung ang Diyos ba ay katulad ng tao: makasalanang di mapapatawad, walang kuwentang pagkatao, walang katarungan at katuwiran, kulang ang malay sa kabanalan, nagbibigay ng sukatan ng malisya, pagtataksil, at pagiging tuso, pati maging kinalulugdan ang demonyo at kadiliman, at iba pa. Hindi ba ang dahilan kaya may ganitong kaisipan ang tao ay dahil sa wala ni kakaunting kaalaman sa Diyos? Ang ganitong pag-uugali ng pananampalataya ay kulang na lang para maging kasalanan! Higit pa rito, mayroong iba pang naniniwala na kinalulugdan Ko hindi ang iba kundi yaong mga nanlalangis at nambobola, at yaong mga walang alam sa mga bagay na ito ay hindi sikat at hindi mananatili sa kanilang kalagayan sa tahanan ng Diyos. Ito ba ang kaalaman na inyong natanggap sa nakalipas na maraming taon? Ito ba ang inyong napakinabangan? At ang kaalaman ninyo sa Akin ay higit pang malayo kaysa di lang pagkakaunawaan, higit pa rito, nariyan ang inyong paglapastangan laban sa Espiritu ng Diyos at panlalait sa langit. Kayat sinasabi Ko sa inyo na ang ganitong uri ng pananampalataya ang magiging sanhi ng inyong lalo pang paglayo sa Akin at mas higit pang pagsalungat laban sa Akin. Sa paglipas nang maraming taong paggawa, marami nang katotohanan ang inyong nakita, subalit alam ba ninyo kung ano ang narinig ng Aking mgatainga? Ilan sa inyo ang handang tanggapin ang katotohanan? Naniniwala kayong lahat na handa kayong bayaran ang halaga para sa katotohanan, ngunit ilan na ba ang totoong nagdusa dahil sa katotohanan? Ang lahat nang nasa inyong mga puso ay kasamaan, kaya pinaniniwalaan ninyo na ang bawat isa, kahit sino, ay tuso at manloloko. Pinaniniwalaan ninyo rin na ang Diyos na nagkatawang-tao ay karaniwang tao: walang kagandahang-loob ang puso o malaking pag-ibig. Higit pa rito, naniniwala kayo na ang dakilang pag-uugali at pagkamaawain, ang magandang-loob na katangian ay namamalagi lang sa Diyos na nasa langit. At naniniwala kayo na walang umiiral na ganiyang banal, kadiliman at kasamaan lang ang naghahari sa lupa, habang ang Diyos ay maluwalhating layunin lang na inaasahan ng tao, at isang maalamat na pinunong gawa-gawa ng tao. Sa inyong mga puso, ang Diyos na nasa langit ay napakatuwid, makatuwiran, at dakila, karapat-dapatsambahin, at pinagpipitagan, ngunit ang Diyos dito sa lupa ay panghalili at kasangkapan lang ng Diyos na nasa langit. Pinaniniwalaan ninyo na ang Diyos na ito ay hindi maitatapat sa Diyos na nasa langit, at lalo't higit na hindi maaring banggiting kapantay Niya. Pagdating sa kadakilaan at karangalan ng Diyos, ito ay nabibilang sa kaluwalhatian ng Diyos na nasa langit, ngunit pagdating sa kalikasan at masamang katangian ng tao, ang mga ito ay maipapalagay sa Diyos na nasa lupa. Ang Diyos na nasa langit ay dakila magpakailanman, samantalang ang Diyos sa lupa ay walang halaga, mahina, at walang kakayahan. Ang Diyos na nasa langit ay hindi nadadala ng emosyon, tanging sa pagkamakatwiran lang, habang ang Diyos sa lupa ay mayroon lang makasariling motibo at walang kahit anong katarungan at katuwiran. Ang Diyos na nasa langit ay wala ni katiting na kabuktutan at tapat magpakailanman, habang ang Diyos sa lupa ay may mandarayang gawi. Ang Diyos na nasa langit ay may tunay na pag-ibig sa tao, habang ang Diyos sa lupa ay kulang ang pag-aalaala sa tao, at pinabayaan pa sila nang tuluyan. Ang ganitong maling kaalaman ay matagal nang nananatili sa inyong mga puso at maaaring magpatuloy pa sa hinaharap. Ipinagpalagay ninyong mabuti ang mga gawa ni Kristo mula sa pangmalas nang kawalang katarungan at hinusgahan ang Kanyang mga gawa, at Kanyang pagkakakilanlan at sangkap mula sa perspektibo ng makasalanan. Nakagawa kayo ng matinding pagkakamali at nagawa ninyo ang hindi nagawa ng mga nauna sa inyo. Iyon ay, pinaglilingkuran lang ninyo ang Diyos na nasa Langit na may korona sa Kanyang ulunan at hindi kailanman pinaglingkuran ang Diyos na ipinapalagay na walang halaga kaya ni hindi dapat makita. Hindi ba itopagkakasala ninyo? Hindi ba ito karaniwang halimbawa ng pagkasala sa katangian ng Diyos? Lubos ninyong sinasamba ang Diyos na nasa langit. Lubos ninyong sinasamba ang mga dakilang pinuno at pinahahalagahan yaong may kahusayang magsalita. Nagagalak kang pamahalaan ng Diyos at bigyan ng sandakot na kayamanan at lubos na manabik sa Diyos na kayang tumupad ng iyong mga hangarin. Ang tanging ayaw mong sambahin ay ang Diyos na hindi dakila; ang inyong nagiisang bagay na kinamumuhian ay ang maiugnay sa Diyos na ito na wala kahit isang tao ang kumikilala nang may kataasan. Ang bagay lang na hindi ninyo gustong gawin ay ang maglingkod sa Diyos na hindi man lang kayo binigyan kahit isang kusing, at ang tanging hindi ninyo pinanabikan ay itong hindi kaibig-ibig na Diyos. Ang ganitong uri ng Diyos ay hindi kayang palawakin ang inyong abot-tanaw, para maramdaman na parang nakahanap kayo ng kayamanan, lalo na ang matupad ang inyong pangarap. Bakit, kung gayon, sinusunod ninyo Siya? Sumagi ba sa isipan ninyo ang tanong na ito?
Ang iyong ginagawa ay hindi lang nagpapasakit sa Kristong ito, ngunit ang mas mahalaga, nagpapasakit ito sa Diyos na nasa langit. Sa tingin ko ay hindi ito ang layunin ng pananampalataya ninyo sa Diyos! Napakataas ng inyong pagnanais na kalugdan kayo ng Diyos, ngunit napakalayo pa ninyo sa Diyos. Ano ang nangyayari dito? Tinatanggap lang ninyo ang Kanyang mga salita, ngunit hindi ang Kanyang pamamalakad at pamumungos at lalong hindi ang Kanyang pagaayos. Higit pa rito, wala kayong kakayahang magkaroon ng ganap na pananampalataya sa Kanya. Ano ba talaga ang nagyayari dito?Una sa lahat, ang inyong pananampalataya ay balat ng itlog na walang laman na kahit kailan ay hindi makakabuhay ng inakay. Sapagkat ang inyong pananampalataya ay hindi nagbigay sa inyo ng katotohanan o nakamtan ang buhay, at sa halip ang dinala ay pag-asa at pagalalay na pawang ilusyon lang. Ang layunin ng inyong pananampalataya sa Diyos ay para sa pag-asa at pagalalay sa halip na katotohanan at buhay. Samakatuwid, masasabi ko na ang patutunguhan ng inyong pananampalataya sa Diyos ay upang makuha ang biyaya ng Diyos sa pamamagitan nang pagpapaalipin at pagkawalang-hiya, at hindi maaaring paniwalaang tunay na pananampalataya. Paano lilitaw ang inakay sa pananampalatayang tulad nito? Sa ibang salita, anong bunga ang uusbong sa ganitong uri ng pananampalataya? Ang layunin ng pananampalataya ninyo sa Diyos ay upang matupad ang inyong mga motibo sa pamamagitan ng paggamit sa Diyos. Hindi ba ito higit pang patunay nang inyong pagkakasala laban sa katangian ng Diyos? Naniniwala kayo sa pagkakaroon ng Diyos na nasa langit ngunit ayaw tanggapin ang Diyos na nasa lupa. Gayunpaman, hindi Ko pinapayagan ang inyong mga palagay. Ang Aking pinapupurihan ay ang mga taong nananatiling matatag na pinaglilingkuran ang Diyos na nasa lupa, hindi kailanman yaong hindi kinilala kailanman ang Kristo sa lupa. Walang halaga kung gaano katapat ang mga tao sa Diyos na nasa langit, sa huli, hindi pa rin sila makakaligtas sa Aking kamay na nagpaparusa sa mga makasalanan. Yaong mga taong makasalanan; sila ay makasalanan na lumalaban sa Diyos at hindi kailanman nagalak sa pagsunod kay Kristo. Mangyari pa, kasama sa kanilang bilang ang lahat ng hindi kilala, at lalong higit, hindi kinikilala si Kristo. Naniniwala kayo na makakikilos kayo hangga't gusto ninyo patungo kay Kristo habang nananatili kayong tapat sa Diyos na nasa langit. Mali! Ang kamangmangan ninyo kay Kristo ay kamangmangan din sa Diyos na nasa langit. Bale-wala kung gaano man kayo katapat sa Diyos na nasa langit, ito ay mga walang silbing salita at pagkukunwari, dahil sa ang Diyos na nasa lupa ay hindi lang kasangkapan para tatanggapin ng mga tao ang katotohanan at mas malalim na karunungan, ngunit higit ay kasangkapan sa paghahatol sa tao at kasunod nito ang paglilikom ng mga katibayan upang parusahan ang masasama. Naiintindihan ninyo ba ang mga pakinabang at mga kahihinatnan nito? Naranasan ninyo ba ang mga ito? Ang hiling Ko ay maintindihan ninyo balang-araw ang katotohanang ito: Para makilala ang Diyos, kailangan ninyong makilala hindi lang ang Diyos na nasa langit ngunit, ang mas mahalaga, ang Diyos na nasa lupa. Huwag malito kung ano ang dapat unahin o payagan ang mas mababa upang mangibabaw sa mas nakatataas. Tanging sa ganitong paraan lamang ikaw makakabuo ng magandang relasyon sa Diyos, maging mas malapit sa Diyos, at madala palapit ang inyong puso sa Kanya. Kung nasa pananampalataya kayo sa marami nang taon at matagal nang may kaugnayan sa Akin, ngunit nanatiling malayo sa Akin, ay masasabi Kong madalas ninyong nilalabanan ang kalooban ng Diyos, at ang inyong katapusan ay napakahirap ipagpalagay. Kung ang maraming taon nang pagkakaugnay ninyo sa Akin ay hindi kayo binago upang magkaroon ng pagkatao at katotohanan, at sa halip ang inyong masamang pamamaraan ay lalong nag-ugat sa inyong kalikasan, kung hindi lang kayo lubhang mapagmataas ngunit pati na rin ang inyong maling pag-intindi sa Akin ay lalong lumala, at dahil dito itinuring ninyo Akong pawang inyong alalay, ay masasabi Kong ang inyong pighati ay hindi lang ganoong kalalim, ngunit tumagos na sa inyong mga buto. At ang maaari na lamang ninyong gawin ay maghanda sa inyong huling hantungan! Hindi ninyo kailangang magsumamo sa Akin at maging inyong Diyos, sapagkat nakagawa kayo ng kasalanan na ang nararapat ay kamatayan, walang kapatawarang kasalanan. Kahit maaaring magkaroon Ako ng awa sa inyo, ang Diyos na nasa langit ay igigiit na kunin ang inyong buhay, dahil ang inyong paglabag laban sa katangian ng Diyos ay hindi pangkaraniwang problema, ngunit likas na napakalubha. Kapag dumating ang panahon, huwag ninyo Akong sisisihin dahil sa hindi pagbibigay-alam sa inyo noong una. Ang lahat ng ito ay bumabalik dito: Kapag nakipag-ugnayan kayo sa Kristo - sa Diyos na nasa lupa - bilang pangkaraniwang tao, iyon ay, kapag nanampalataya kayo na ang Diyos na ito ay tao lamang,kayo ay marapat lamang na mamatay. Ito lamang ang Aking maipapayo sa inyong lahat.
Mula sa:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento