2016-12-15

Kanino Kayo Matapat?


Ang inyong buhay mula ngayon ay lubhang mahalaga at importante sa magiging destinasyon at kapalaran ninyo, kaya't pakamahalin ang inyong mga pag-aari sa bawat minutong lilipas. Gawing kapaki-pakinabang ang inyong bawat oras upang matamo ang lubos na biyaya, nang sa gayon ay hindi mawalan ng saysay ang inyong buhay. Marahil nalilito kayo kung bakit sinasabi ko ang mga ito. Sa totoo lang, hindi ako nalulugod sa mga ikinikilos ng sinuman sa inyo. Sapagkat ang mga inaasahan Ko para sa inyo ay malayo sa naging kayo ngayon. Kaya't ipapahayag Ko ito sa ganitong paraan: Kayong lahat ay nasa bingit ng kapahamakan. Ang inyong dating mga panaghoy para sa kaligtasan maging ang mga dating hangaring makamit ang katotohanan at hanapin ang liwanag ay nalalapit nang magwakas. Ito ang magiging kabayaran ninyo sa dulo na hindi ko inasam kailanman. Hindi Ko nais magsalita ng salungat sa katotohanan, sapagka't labis ninyo Akong binigo. Marahil hindi ninyo nais na iwanan ang bagay na ito nang ganun na lamang o hindi ninyo nais harapin ang katotohanan, nguni't mataimtim Kong itatanong ito sa inyo: Sa buong panahong ito, nabalot ng ano ang inyong mga puso? Kanino naging matapat ang inyong mga puso? Huwag ninyong sabihin na biglaan ang Aking katanungan at huwag ninyo Akong tanungin kung bakit nasabi Ko iyon. Kailangan ninyong malaman ito: Ito ba ay dahil labis Ko kayong kilala, pinagmalasakitan nang husto, o labis na inilaan ang Aking puso sa inyong mga gawain; upang kayo'y tanungin Ko nang paulit-ulit at tiisin ang labis na paghihirap. Nguni't, Ako'y ginantihan ng kapabayaan at hindi mabatang pagtiwalag. Sobrang pabaya ninyo sa Akin; paanong hindi ko ito nalaman? Kung naniniwala kayo na ito ay posible, higit itong nagpapatunay ng hindi mabuting pakikitungo ninyo sa Akin. Kung gayon, sasabihin Kong nililinlang ninyo ang inyong mga sarili. Masyado kayong tuso na hindi ninyo alam ang inyong mga ginagawa; ano kung gayon ang inyong gagamitin upang Ako'y bigyang halaga?

Ang katanungang lubos na nakababahala sa Akin ay kung kanino matapat ang inyong mga puso. Gusto Kong isaayos ninyo ang inyong mga saloobin at tanungin ang inyong mga sarili kung para kanino ang inyong buhay at katapatan. Marahil ay hindi kailanman ninyo isinaalang-alang ang katanungang ito, hayaan ninyong ihayag Ko ang kasagutan sa inyo.
Aaminin ng lahat ng may memorya ang mga bagay na ito: Ang tao ay nabubuhay at matapat sa kanyang sarili lamang. Hindi Ako naniniwalang tumpak ang inyong kasagutan, sapagka't ang bawat isa ay umiiral sa kani-kaniyang buhay at pinaglalabanan ang kani-kaniyang pagdurusa. Samakatuwid, kayo ay matapat sa mga taong mahal ninyo at mga bagay na nagpapasaya sa inyo; kayo ay hindi lubos na matapat sa inyong mga sarili. Dahil kayo ay naiimpluwensiyahan ng mga tao, bagay at mga pangyayari sa inyong paligid; hindi kayo tunay na matapat sa inyong mga sarili. Sinasabi Ko ang mga ito hindi para purihin ang inyong katapatan sa inyong mga sarili, sa halip ay ilantad ang inyong katapatan sa kahit anumang bagay. Sa loob ng napakaraming taon, wala kailanman Akong natanggap na katapatan mula sa inyo. Sumusunod kayo sa Akin sa mahabang panahon, nguni't wala ni katiting na katapatan kayong iginawad para sa Akin. Bagkus, kayo'y uminog sa mga tao at bagay na mahal at nagpapasaya sa inyo sa puntong sila ay nanatili sa inyong mga puso at hindi kailanman tinalikdan anumang oras, kahit saan man. Tuwing kayo ay madamdamin at masigasig sa alinmang mahal sa inyo, ito ang mga sandaling nakikinig at sinusunod ninyo ang Aking mga salita. Kaya't sasabihin Ko ito, ginagamit niyo ang katapatan na hinihingi Ko sa inyo, upang maging matapat at mahalin ang mga bagay na inyong maibigan. Isakripisyo man ang isa o dalawang bagay para sa Akin, ito ay hindi maaaring kumatawan sa inyong "lahat" at hindi nagpapakita sa Akin ng inyong tunay na katapatan. Isinasangkot ang inyong mga sarili sa mga gawaing inyong kinagigiliwan: Ang iba'y matapat sa mga anak, ang iba naman sa asawa, kayamanan, trabaho, mga pinuno, katayuan, o kababaihan. Walang nadaramang pagkainip o pagkayamot sa mga bagay na kinagigiliwan, sa halip, labis ang inyong kagustuhang maangkin ang marami at kalidad na mga bagay na may taglay ng inyong katapatan, at hindi kayo kailanman nawalan ng pag-asa. Ako at ang Aking mga salita ay ipinagtutulakan at laging huli sa lahat pagdating sa mga bagay na inyong kinagigiliwan. At wala kayong magagawa kundi ang ihanay sila sa hulihan; ang iba'y kailangang umalis upang maging matapat sa bagay na hindi pa nila natutuklasan. Wala silang itinirang bahagi Ko kailanman sa kanilang mga puso. Marahil iniisip ninyo na napakarami Kong hinihingi sa inyo o maling naakusahan Ko kayo, ngunit sa mga panahong masaya kayo kasama ng inyong pamilya, kayo ba ay naging tapat sa Akin kahit minsan? Sa mga pagkakataong gaya nito, hindi ba kayo nasasaktan? Habang puno ng kagalakan ang inyong mga puso sa natanggap na kabayaran mula sa mga pinaghirapan, nakaramdam din ba kayo ng kawalan ng pag-asa sa pagkukulang ninyong alamin ang katotohanan? Kailan kayo huling naiyak sa hindi ninyo pagkamit ng Aking pagsang-ayon? Pinahihirapan ang inyong mga utak at tumatanggap ng matinding pasakit sa inyong mga anak, ngunit hindi pa rin kayo nasiyahan, bagkus ay naniniwalang hindi kayo lubos na nagsipag at nagsikap para sa kanila. Ngunit sa Akin, kayo ay laging pabaya at walang ingat na Ako'y panatilihin sa inyong alaala ngunit hindi sa inyong mga puso. Hindi ninyo kailanman maramdaman at maunawaan ang Aking debosyon at pagsisikap. Kayo ay abala sa sandaling pagninilay-nilay at naniniwalang ito ay sapat na. Ang ganitong uri ng katapatan ay hindi ang siyang pinananabikan Ko, kundi yaong kasuklam-suklam para sa Akin. Gayon pa man, kahit ano pa ang Aking sabihin, kayo ay aamin para sa isa o dalawang bagay lamang at hindi ito ganap na tatanggapin sapagkat kayo ay nakatitiyak at nakapili na ng inyong sasang-ayunan sa Aking mga sinabi. Kung ganito pa rin kayo, may mga paraan Akong inihanda upang labanan ang pagka-bilib sa inyong mga sarili at igagawad Ko ang mga iyon upang ang salita Ko ay inyong kilalanin bilang totoo at hindi baluktot na katotohanan.
Kung maglatag Ako ng kayamanan sa inyong harapan at malaya kayong makapipili nang hindi ko kayo hinuhusgahan, pipiliin ng karamihan ang kayamanan at tatalikdan ang katotohanan. Ang mga mahuhusay sa inyo ay ipapaubaya ang mga kayamanan ngunit mag-aalangan na piliin ang katotohanan, habang ang pumapagitna ay sasamsamin ang mga kayamanan sa isang kamay at ang isa naman sa katotohanan Sa paraang ito, hindi ba mangingibabaw ang inyong tunay na mga kulay? Sa pagpili sa pagitan ng katotohanan at mga bagay na kayo ay matapat, ang bawat isa ay gagawa nang gayong desisyon, ang inyong pag-uugali ay hindi magbabago. Ito ba ay hindi gayon? Kakaunti lang ba sa inyo ang nagpabaling-baling sa tama at mali? Sa paligsahan sa pagitan ng positibo at negatibo, itim at puti, batid ninyo ang mga pagpipilian sa pagitan ng pamilya at Diyos, mga anak at Diyos, kapayapaan at pagka-antala, kayamanan at kahirapan, katayuan at pangkaraniwan, ang suportado kaysa ipinagtatabuyan, at iba pa. Sa pagitan ng tahimik na pamilya kaysa ang nagkawatak-watak, inyong pipiliin ang nauna, at walang pag-aatubili; sa pagitan ng kayamanan at tungkulin, inyo ulit pipiliin ang nauna, maging kawalan ng lakas na bumalik sa baybayin; sa pagitan ng luho at kahirapan, inyong pipiliin ang nauna, sa pagitan ng mga anak, asawa at Ako, inyong pipiliin ang nauna; at sa pagitan ng palagay at katotohanan, inyong pipiliin muli ang nauna. Nahaharap sa lahat ng klase nang masasamang gawain ninyo, wala Ako ni katiting na kawalan nang paniniwala sa inyo. Labis ang Aking pagkamangha sa panlalaban ng inyong mga puso na ito ay mapalambot. Ang mahabang panahon ng dedikasyon at pagsisikap ay tila nagdala lamang ng pagtiwalag at pagkabalisa sa Akin mula sa inyo. Sa kabila nito, ang pag-asa Ko para sa inyo ay lalong lumalago sa paglipas ng mga araw, sapagkat ang Aking araw ay ganap nang nailatag sa harap ninyong lahat. Gayunman, patuloy ninyong hinahanap ang mga bagay na pagmamay-ari ng kadiliman at kasamaan, at tumatangging luwagan ang inyong pagkakakapit. Kung gayon, ano ang inyong kahihinatnan? Napag-isipan niyo na ba ito nang mabuti dati? Kung papipiliin kayong muli, ano ang inyong magiging posisyon? Gaya pa rin ba nang dati? Ang ibibigay niyo ba sa Akin ay kabiguan at matinding kalungkutan? Ang inyong mga puso lamang ba ang tanging nag-aalab? Hindi ninyo pa rin ba napagtatanto kung paano palalambutin ang Aking puso? Sa mga sandaling ito, ano ang inyong pipiliin? Magpapasakop ba kayo sa Aking mga salita o mapapagal ng mga ito? Ang Aking araw ay nailatag na sa harap ng inyong mga mata at ang inyong kinakaharap ay bagong buhay at bagong simula. Subalit, sasabihin Ko sa inyo na itong simula ay hindi umpisa ng bagong gawain sa nakaraan ngunit ang pagsasara ng nakaraan. Ito ang huling yugto. Naniniwala Akong maiintindihan ninyo kung ano ang kakaiba sa simulang ito. Pagdating ng araw, maiintindihan ninyo ang tunay na kahulugan ng pagsisimula kaya't sabay tayong maglalakad palayo dito tungo sa katapusan. Subalit, hindi Ako mapakali sa pagharap sa kawalan ng katarungan at katarungan, palagi ninyong pipiliin ang nauna. Ang lahat ng ito ay sa inyong nakaraan. Nais Kong ibaon na sa limot ang mga nangyari sa nakaraan, bawat isa nang paunti-unti, kahit na ito ay lubhang napakahirap gawin. Marami Akong magagandang paraan sa pagpapatupad nito. Hayaang palitan ng hinaharap ang nakalipas at iwaksi ang anino ng nakaraan kapalit ng inyong tunay na sarili ngayon. Ang ibig sabihin ay aabalahin Ko kayong muli upang papiliin at nang sa gayon ay malaman ko kung kanino kayo tapat.
Talababa:
  1. Ang orihinal na tekstong nilaktawan "nalaman na"
  2. Bumalik sa baybayin: ang idyoma ng mga Instik, na ang ibig sabihin ay "talikuran ang kasamaan."

Walang komento: