2016-12-15

Tatlong Babala

Bilang mananampalataya ng Diyos, nararapat ang katapatan at paghahanay ng inyong mga puso sa Kanya sa lahat ng bagay. Gayunman, kahit naiintindihan ng lahat ang doktrinang ito, hindi sapat kumatawan ang mga ito maging gaano man ito kalinaw at naging batayan ng katotohanan para sa tao, dahil sa kanilang mga paghihirap, gaya ng kamangmangan, kahangalan, at katiwalian. Samakatuwid, bago matukoy ang inyong pagwawakas, nararapat lamang na sabihin ko ang ilang mga bagay na lubhang napakahalaga para sa inyo. Bago ako magpatuloy, kailangang maintindihan ninyo muna ang mga ito: Ang mga sasabihin ko ay ang mga katotohanang nakatuon sa buong sangkatauhan, hindi lamang sa partikular na tao o klase ng tao. Samakatuwid, pagtuunan lamang ng pansin ang pagtanggap ng Aking mga salita sa makatotohanang pananaw, at panatilihin ang ugali ng konsentrasyon at katapatan. Huwag balewalain ang alinman sa mga salita at katotohanang Aking sasabihin, at huwag isaalang-alang ang Aking mga salita nang may panghahamak. Sa inyong buhay, batid kong karamihan sa inyong mga ginagawa ay walang kaugnayan sa katotohanan. Hinihiling ko na kayo ay maging tagapaglingkod ng katotohanan at huwag maging alipin ng kasamaan at kapangitan. Huwag apakan ang katotohanan o dungisan ang alinmang sulok ng tahanan ng Diyos. Ito ang Aking babala para sa inyo. Sisimulan ko ng magsalita tungkol sa paksang dapat talakayin.

Una sa lahat, para sa kapakanan ng inyong kapalaran, kailangan ninyong pagsikapan na kayo ay kilalanin ng Diyos. Dahil tanggap ninyo na kayo ay kasama sa bilang sa tahanan ng Diyos, dapat ninyong dalhin ang kapayapaan ng isip at kasiyahan sa Diyos sa lahat ng bagay. Sa ibang salita, dapat may prinsipyo ang inyong mga ikinikilos at sumusunod sa katotohanan. Kung hindi ito abot ng inyong abilidad, tatanggihan at kamumuhian kayo kung ganon ng Diyos at hahamakin ng lahat. Habang nasa ganitong kalagayan kayo, hindi kayo maaaring mapabilang sa tahanan ng Diyos. Ito ang pakiramdam kapag hindi kinikilala ng Diyos.
Pangalawa, kailangan ninyong malaman na gusto ng Diyos ang matapat na mga tao. Ang Diyos ay may pamantayan ng katapatan kaya ang kanyang salita ay mapagkakatiwalaan. Ang kanyang pagkilos ay walang mali at hindi mapag-aalinlanganan. Ito ang dahilan kung bakit gusto Niya ang mga lubos na matapat sa Kanya. Ang katapatan ay ang ibigay ang inyong puso sa Diyos; hindi kailanman pinalalabas na Siya ay huwad sa anumang bagay, bukas sa Kanya sa lahat ng bagay, hindi kailanman itatago ang katotohanan, hindi kailanman gagawa ng bagay na mapanlinlang sa mga nakatataas at mandadaya ng mga nasa laylayan; at hindi kailanman gagawa ng isang gawain upang magpa-awa lamang sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay ang pagpigil ng karumihan sa inyong mga kilos at salita, ang hindi manlinlang ng Diyos o tao. Ang sinasabi ko ay simple ngunit lubhang mahirap para sa inyo. Karamihan ay mas nanaising maparusahan sa impyerno kaysa magsalita at kumilos nang buong katapatan. Ang iba ay napapaisip na may iba akong binabalak para sa mga hindi mapagkakatiwalaan. Syempre, naiintindihan ko ang napakalaking paghihirap na dinaranas ng isang matapat na tao. Matatalino kayong lahat at sanay nang manghusga ng kapwa mula sa inyong pananaw kung kaya't mas napadali nito ang Aking gawain. Dahil ang bawat isa sa inyo ay nagtatago ng lihim sa inyong mga puso, kung gayon, ipadadala ko ang bawat isa sa kapahamakan upang dumaan sa isang "pagsubok" sa pamamagitan ng apoy, upang pagkatapos nito ay lubos nang nakatuon ang inyong paniniwala sa Aking mga salita. Sa huli, ipipilit ko ang mga salitang "Ang Diyos ay Diyos ng katapatan" sa inyong mga bibig, at inyong hahampasin ang inyong mga dibdib at sabay taghoy ng "palihis yaong puso ng tao." Ano ang magiging lagay ng inyong isipan? Pakiwari ko'y hindi kayo magpapadala sa makasariling pamamaraan kagaya ninyo ngayon. At lalong hindi kayo "lubhang napakalalim upang maunawaan" kagaya ninyo ngayon. Ang iba ay mahinhin kung kumilos at partikular na maayos makitungo sa harap ng Diyos, at nagiging suwail at hindi mapigilan sa harap ng Espiritu. Ibibilang ba ninyo ang ganitong klase ng tao sa hanay ng mga marangal? Kung ipokrito at kaisa kayo sa mga sanay "makipagsosyalan," masasabi kong kayo ang tiyak na hindi seryoso sa Diyos. Kung ang inyong mga salita ay puno ng palusot at walang kabuluhang pangangatwiran, masasabi kong ayaw ninyong isabuhay ang katotohanan. Kung marami kayong hindi mailarawang katapangan at tumatangging ilantad ang inyong mga lihim - inyong paghihirap - sa kapwa upang hanapin ang daan tungo sa liwanag, masasabi ko na isa kayo sa mga taong hindi madaling makatatanggap ng kaligtasan at hindi kaagad makakaahon sa kadiliman. Kung ang paghahanap ng daan tungo sa katotohanan ay nakalulugod sa inyo, kung gayon, kayo ay madalas nabubuhay sa kaliwanagan. Kapag nagagalak kayong naglilingkod sa tahanan ng Diyos, nagsisikap at matapat sa gawain sa kabila ng karimlan, laging nagbibigay at hindi nanghihingi, masasabi ko na kayo ay tapat na santo, sapagkat hindi kayo naghihintay ng gantimpala, bagkus matapat na tao lamang. Kung gusto ninyong maging tapat, handang ibigay ang inyong lahat, handang isakripisyo ang inyong buhay at maging saksi ng Diyos, matapat at iniisip ang kaligayahan ng Diyos, hindi isinaalang-alang at kumukuha ng para sa sarili, masasabi ko na ang gayong mga tao ay nagtataglay ng kaliwanagan at mabubuhay magpakailanman sa kaharian. Dapat ninyong malaman kung mayroong totoong pananampalataya at katapatan sa inyong kalooban, kung sa inyong kasaysayan ay nagdusa kayo para sa Diyos, at isinuko nang buo ang inyong mga sarili sa Diyos. Kung may kakulangan kayo nito, nananatili sa inyong kalooban ang pagiging suwail, mapanlinlang, kasakiman, at pagkaligalig. Dahil ang inyong puso ay hindi matapat, hindi ninyo kailanman natanggap ang pagkalugod ng Diyos at hindi kailanman nabuhay sa liwanag. Ang inyong magiging tadhana ay nakabatay sa kung kayo ay may matapat, pusong sing-pula ng dugo at dalisay na kaluluwa. Kung kayo ay mga taong sobrang hindi matapat, pusong may masamang hangarin at maruming kaluluwa, ang kasaysayan ng inyong tadhana ay tiyak nang nasa lugar kung saan ang tao ay pinarurusahan. Kung ipinapahayag ninyo na kayo ay matapat, ngunit hindi kailanman kumikilos at binabanggit ang salita ng katotohanan, inaaasahan pa rin ba ninyo na gagantimpalaan kayo ng Diyos? Inaaasahan ninyo pa rin ba na kayo ang katangi-tangi sa mata ng Diyos? Ang pag-iisip bang ito ay hindi kahibangan? Nililinlang ninyo ang Diyos sa lahat ng bagay, paanong tatanggapin ng tahanan ng Diyos ang mga tulad ninyong marurumi ang kamay?
Ang pangatlong bagay ay ito: Ang lahat ng mananampalataya sa Diyos ay lumaban at nilinlang ang Diyos sa ilang punto sa kanilang pinagdaanan. Ang ilan sa masasamang gawain ay hindi naitala bilang pagkakasala; ngunit ang ilan ay walang kapatawaran sapagkat karamihan dito ay lumabag sa administratibong kautusan na itinuturing na paglabag sa kalooban ng Diyos. Marami sa mga nababahala sa kanilang sariling tadhana ay maaaring magtanong kung anong mga gawain iyon? Dapat ninyong malaman na kayo ay natural na mayabang at mapagmataas, at ayaw magpasakop sa katotohanan. Samakatuwid, sasabihin ko sa inyo nang paunti-unti matapos ninyong pagnilay-nilayan ang inyong mga sarili. Hinihikayat ko kayong mas unawain nang mabuti ang nilalaman ng administratibong kautusan at alamin ang kalooban ng Diyos. Kung hindi, mahihirapan kayong panatilihing tikom ang inyong mga bibig at ang malayang pagwasiwas ng inyong mga dila na may matinis na pananalita. Walang kamalay-malay na nilabag ninyo ang kalooban ng Diyos at nahulog sa kadiliman, nawalay sa presensya at liwanag ng Banal na Espiritu. Sapagkat kayo ay walang konsiyensya sa inyong mga ikinikilos. Kung gawin o sabihin ang hindi dapat, kung gayon kayo ay makatatanggap ng karampatang ganti. Dapat malaman ninyo na kahit walang konsiyensya ang inyong mga salita at kilos, ang Diyos ay lubhang may prinsipyo sa dalawang ito. Ang dahilan ng natanggap ninyong ganti ay dahil nasaktan ninyo ang Diyos, hindi ang tao. Kung sa inyong buhay, marami ang inyong naging paglabag sa kalooban ng Diyos, mahahantong kayo kung gayon sa pagiging anak ng impyerno. Para sa tao ito ay maaaring tingnan bilang ilang mga nagawa nila na hindi naaayon sa katotohanan lamang at wala nang iba. Alam ba ninyo na sa mga mata ng Diyos kayo ay kabilang na sa mga wala nang paghahandog ng kasalanan? Sa paglabag ninyo sa administratibong kautusan ng Diyos nang higit isang beses at walang tanda ng pagsisisi, samakatuwid wala kayong pagpipilian kundi ang mahulog sa impyerno kung saan pinarurusahan ng Diyos ang tao. Noong panahon na sumusunod pa sila sa Diyos, may kaunting bilang ng mga tao na sumusuway sa mga alituntunin. Matapos silang aksyunan at magabayan, unti-unti nilang natuklasan ang kanilang sariling katiwalian. Sila ay nagbalik sa tamang landas at nanatiling marunong makibagay hanggang sa ngayon. Ang ganitong mga tao ang siyang mananatili hanggang sa wakas. Ang mga may katapatan ang aking hinahanap; kung kayo ay matapat at kumikilos nang may prinsipyo, kayo ay maaaring maging pinagkakatiwalaan ng Diyos. Kung sa inyong mga ikinikilos ay hindi kayo lumalabag sa kalooban ng Diyos, hinahanap ang kalooban ng Diyos at may pusong iginagalang ang Diyos, kung gayon ang inyong pananampalataya ay akma sa pamantayan. Sa mga taong walang paggalang at pusong nanginginig sa takot para sa Diyos, sila ay madaling magkasala sa administratibong kautusan ng Diyos. Marami ang naglilingkod sa Diyos dahil sa simbuyo ng damdamin, at walang alam sa administratibong kautusan, at lalong hindi nauunawaan ang mga implikasyon ng Kanyang salita. Sa kabila ng kanilang mabuting intensyon, madalas nilang gawin ang bagay na umaantala sa pamamahala ng Diyos. Ang mga nakagawa ng seryosong pag-antala ay napalayas at nawalan ng pagkakataong sumunod pa sa Kanya, sila ay itinaboy sa impyerno at hindi na muling nagkakaroon ng kahit anong kinalaman sa tahanan ng Diyos. Ang mga taong ito ay nagtratrabaho sa tahanan ng Diyos nang may mabuti ngunit ignoranteng mga intensyon at nauuwi sa pagpukaw sa kalooban ng Diyos. Dinadala ng mga tao ang kanilang paraan ng paglilingkod sa mga opisyal at panginoon ng tahanan ng Diyos nang may mapagmalaking pag-aakala na ang mga naturang paraan ay maaaring gamitin dito. Hindi nila naisip kailanman na ang Diyos ay walang katangian na parang sa tupa ngunit tulad ng sa leon. Samakatuwid, ang mga nag-uugnay ng kanilang sarili sa Diyos sa unang pagkakataon ay walang kakayahang makipag-usap sa Kanya, sapagkat ang puso ng Diyos ay hindi tulad ng sa tao. Tanging pagkatapos ninyong mauunawaan ang maraming katotohanan, saka ninyo lang patuloy na makikilala ang Diyos. Ang kaalaman na ito ay hindi mga sulat o doktrina, ngunit maaaring gamitin bilang kayamanan ng inyong pagtitiwala sa Diyos bilang katibayan na nalulugod Siya sa inyo. Kung kayo ay salat sa tunay na kaalaman at hindi handa sa katotohanan, ang inyong serbisyong puno ng damdamin ang siyang magdadala sa inyo ng labis na pagkamuhi at pagkapoot ng Diyos. Ngayon ay dapat nauunawaan ninyo na ang pananampalataya sa Diyos ay hindi simpleng pag-aaral lamang ng teolohiya.
Bagama't ang Aking payo ay maikli lamang, ang lahat ng mga inilarawan ko ang siyang labis na kulang sa inyo. Dapat ninyong malaman na ang aking mga tinuran ngayon ay para sa kapakanan ng Aking huling gawain sa mga tao, upang tukuyin ang pagwawakas ng tao. Hindi ko nanaisin pang gumawa ng maraming gawain na wala namang silbi, ni hindi ko gustong ipagpatuloy pa na pangunahan ang mga taong walang saysay gaya ng inanod na kahoy, at lalong hindi ang mga may nakatatakot na intensyon. Marahil isang araw ay mauunawaan ninyo ang maalab na layunin ng Aking mga salita at ang mga naitulong ko sa sangkatauhan. Marahil panghahawakan ninyo isang araw ang isang prinsipyong magbibigay sa inyo ng kakayahang magpasya sa inyong pagwawakas.


Walang komento: